Audio Renditons of the Florante at Laura by Francisco Balagtas including the poem's text. Bersong Tagalog.

KC-1Kung pagsaulan kong basahin sa isipang nangakaraang araw ng pag-ibigmay mahahagilap kayang natititikliban na kay Celiang namugad sa dibdib

KC-22Ikaw na bulaklak niring dilidili,Celiang sagisag mo'y ang eMe A eResa Birheng mag-ina'y ipamintakasiang tapat mong lingkod na si eFe Be.

KC-21Ahon sa dalata't pampang na nagligid,tonohan ng lira yaring abang awitna nagsasalitang buhay ma'y mapatid,tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

KC-20Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,kayo ngayo'y siyang pinipintakasing lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

KC-19Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayoptubo ko'y dakila sa puhunang pagod;kung binabasa mo'y isa mang himutokay alalahanin yaring naghahandog.

KC-18Ito'y unang bukal ng bait kong kutadna inihahandog sa mahal mong yapak;tanggapin mo nawa kahit walang lasap,nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

KC-17Celia talastas ko't malabis na umidmangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;di kinabahagya kung hindi malait,palaring dinggin mo ang tainga't isip.

KC-16Itong di matiis na pagdaralitanang dahil sa iyo, O nalayong tuwaang siyang umakay na ako'y tumula,awitin ang buhay ng isang naaba.

KC-15Bakit baga noong kami'y maghiwalayay di pa nakitil yaring abang buhay?kung gunitain ka'y aking kamatayan,sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.

KC-10Nililigawan ko ang iyong larawansa Makatang Ilog na kinalagian;binabakas ko rin sa masayang do'ngan,yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

KC-9Ang katauhan ko'y kusang nagtataliksa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,himutok ko noo'y inaaring langit,paraiso naman ang may-tulong silid.

KC-11Nagbabalik mandi't parang hinahanapdito ang panahong masayang lumipas:na kung maliligo'y sa tubig aagap,nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

KC-12Parang naririnig ang lagi mong wika"Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,"at sinasagot ko ng sabing may tuwa"Sa isa katao'y marami ang handa."

KC-13Anupa nga't walang di nasisiyasatang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;sa kagugunita, luha'y lalagaslas,sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

KC-14Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?ang suyuan nami'y bakit di lumawig?nahan ang panahong isa niyang titigang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

KC-8Di mamakailang mupo ang panimdimsa puno ng manggang naraanan natin;sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

KC-6Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,kusang inilimbag sa puso't panimdimnag-iisang sanlang naiwan sa akin,at di mananakaw magpahanggang libing.

KC-7Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalawsa lansanga't nayong iyong niyapakan;sa ilog Beata't Hilom na mababaw,yaring aking puso'y laging lumiligaw.

KC-5Ngayong namamanglaw sa pangungulila,ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,nagdaang panaho'y inaalaala,sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

KC-3 Makaligtaan ko kayang di basahin, nagdaang panahon ng suyuan namin? kaniyang pagsintang ginugol sa akin at pinuhunan kong pagod at hilahil?

KC-2 Yaong Celiang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan; ang ikinalubog niring kapalaransa lubhang malalim na karalitaan.

KC-4Lumipas ang araw na lubhang matamisat walang matira kundi ang pag-ibig,tapat na pagsuyong lalagi sa dibdibhanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.