Our Weekly Cookie Podcast

Follow Our Weekly Cookie Podcast
Share on
Copy link to clipboard

Our Weekly Cookie is a weekly devotion in Filipino/Tagalog narrated and produced by Ron Sarte Banzagales of Red Walk Boy Production Philippines. Please join us on Facebook: facebook.com/groups/OurWeeklyCookie

Ron Sarte Banzagales


    • Mar 21, 2016 LATEST EPISODE
    • infrequent NEW EPISODES
    • 12m AVG DURATION
    • 4 EPISODES


    Search for episodes from Our Weekly Cookie Podcast with a specific topic:

    Latest episodes from Our Weekly Cookie Podcast

    OWC 004 - Si Hesus Sa Bahay Ni Zacheo

    Play Episode Listen Later Mar 21, 2016 15:20


    Episode 004: Si Hesus sa bahay ni Zacheo Sa panahon ngayon, marami ang sumisigaw ng pagbabago---pagbabago sa lipunan, pagbabago sa pamahalaan, pagbabago sa pinagtatrabahuhan, pagbabago sa ating kapwa, at pagbabago sa ating sarili. Pero possible nga ba ang pagbabago? Ngayong linggo, tunghayan kung paano nagkaroon ng pagbabago sa buhay ng isa sa mga tauhan sa kuwento na matatagpuan sa Lukas 19:1-9. Download transcript: http://tinyurl.com/owcphil004 Join us: tinyurl.com/owcphilippines Visit: polanguialbay.com/weekly-cookie

    OWC 003 - Ang Talinghaga Ng Lingkod Na Di Marunong Magpatawad

    Play Episode Listen Later Mar 11, 2016 11:20


    Episode 003: Ang Talinghaga ng Lingkod na Di Marunong Magpatawad Kaibigan, madali ba sayo ang magpatawad? May mga pagkakamaling madaling patawarin.May mga pagkakamali naman na mahirap patawarin dahil sa labis na sakit na idinulot nito sa ating damdamin. Sa ating kwento ngayong linggo, pakinggan kung anong nangyari sa tauhan sa kwento na hindi marunong magpatawad. Ang kuwentong ito ay matataggpuan sa Mateo 18:21-35. Read more here: tinyurl.com/owcphilippines

    OWC 002 - Ang Alibughang Anak

    Play Episode Listen Later Mar 3, 2016 13:20


    Our Weekly Cookie | Ang Lingguhang Apa with Ron Sarte Banzagales (Voice Over) Episode 002: Ang Alibughang Anak (The Prodigal Son) MUSIC: WHEN GOD RAN BY PHILLIP, CRAIG AND DEAN Background Music: Jesus At The Center - DappyTKeys Piano Worship Words/Story by: Janeth Dasco Produced by: Red Walk Boy Production Download the Transcript here: http://goo.gl/iHfwvv

    OWC 001 - Mayamang Hangal

    Play Episode Listen Later Feb 25, 2016 9:28


    Theme: Mag-impok ng Kayamanan sa Langit Kaibigan, kung ikaw ay bibigyan ng isang milyong piso, anong gagawin mo dito? Siguro, ipagagawa mo ng bahay o ipamimili mo ng kailangan mo, o baka ipambabayad ng utang o kaya naman itatayo ng negosyo. Ano bang gagawin mo? Mayroon akong kuwento sayo patungkol sa isang mayaman na umani ng sagana.Pakinggan mo kung anong plano niyang gawin sa kanyang ani. Ang maikling kuwentong ibabahagi ko ay matatagpuan sa Lukas kabatana 12, mga talatang 13-21. Ang Talinghaga Tungkol sa Isang Mayamang Hangal Ang bukirin ng isang mayaman ay umani ng sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Oo, doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! Marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom at magsasaya!Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan an sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos. Lukas 12:13-21 Ayon sa kuwento, mayroong isang mayaman na sobrang dami ng ani kaya naisip niyang mamahinga at magpakasaya na lang sa buhay. Akala niya mangyayari ang mga plano niya ngunit sa oras ding iyon, binawi ng Diyos ang buhay niya. Sa madaling salita, siya ay namatay. Ang buhay nga natin dito sa mundo ay walang katiyakan. Walang katiyakan kung hanggang kailan tayo mabubuhay at kung kailan tayo mamamatay. Magpayaman man tayo nang magpayaman, mapapakinabangan natin ito pansamantala pero paano kapag tayo ay patay na? Sinasabi sa Mateo kabanata 6, talatang 20-21, “Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” Ang mga talatang ito ay nagsasabing mas bigyan natin ng pansin ang pag-iipon ng kayamanan sa langit kaysa sa kayamanan ditto sa lupa. Magagawa nating makapag-ipon ng kayamanan sa langit sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, pagtanggap sa kanya sa ating buhay, pagkaroon ng relasyon sa Kanya, paglingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Ngunit hindi ko naman sinasabi na hindi na tayo magtatrabaho o mag-iipon ng pera. Kailangan pa rin iyon. Mas bigyan lang ng halaga ang mga bagay patungkol sa Diyos dahil ang sinumang nagpapahalaga sa kanya ay hindi naman niya pababayaan. Manalangin tayo. Panginoong Diyos, lumalapit po kami sainyo at nagpapakumbaba. Patawarin niyo po kami dahil nakatuon lang ang aming isip at puso sa mga bagay ditto sa mundo. Baguhin niyo po kami at tulungan niyo po kaming makapag-impok ng kayamanan diyan sa langit. Tulungan niyo po kami na makilala pa naming kayo ng lubusan. Gamitin niyo po ang aming buhay upang makapaglingkod kami sa inyo. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen. ~ Story by Janeth Dasco

    Claim Our Weekly Cookie Podcast

    In order to claim this podcast we'll send an email to with a verification link. Simply click the link and you will be able to edit tags, request a refresh, and other features to take control of your podcast page!

    Claim Cancel