Podcasts about hesus

  • 72PODCASTS
  • 1,489EPISODES
  • 10mAVG DURATION
  • 1EPISODE EVERY OTHER WEEK
  • Mar 24, 2025LATEST
hesus

POPULARITY

20172018201920202021202220232024

Categories



Best podcasts about hesus

Show all podcasts related to hesus

Latest podcast episodes about hesus

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
03-23-2025 Ang Pagpapahalaga ni Christ sa Tao

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Mar 24, 2025 41:31


Sermon: Ang Pagpapahalaga ni Christ sa Tao! Series: God's Perfect Servant Speaker: Ptr. July David Scripture: Mark 3: 1-6 Hindi nakatuon ang ministeryo ni Hesus sa paglikha ng mga bagong pamantayan sa relihiyon o sa pamamahala ng pulitika; sa halip, ito ay nakasentro sa mga tao. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Pastor July David kung paano tayo tinuturuan ni Hesus na unahin ang iba, kumilos nang may habag, at maging huwaran ng awa. The ministry of Jesus did not focus on creating new religious norms or governing politics; instead, it was centered on people. This week, Pastor July David shares how Jesus teaches us to prioritize others, act compassionately, and be models of mercy. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1yh-6SHhIZbXDfOKC67XEK2fjANbvLvbp/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/03/23/ang-pagpapahalaga-ni-christ-sa-tao/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
03-09-2025 Pinalitan Mo Ng Kagalakan Ang Aking Pagsusumamo

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Mar 11, 2025 35:07


Sermon: Pinalitan Mo Ng Kagalakan Ang Aking Pagsusumamo Series: God's Perfect Servant Speaker: Ptr. Allan Rillera Scripture: Marcos 2:18-22 Ang paghahanap sa Diyos sa pamamagitan lamang ng relihiyon ay madalas na humahantong sa kawalan ng pag-asa at desperasyon. Ngayong linggo, ipinaliwanag ni Ptr. Allan Rillera na ang tunay na kagalakan at pag-asa ay matatagpuan sa natatanging presensiya ni Hesus. People who search for God through religion alone will often find hopelessness and despair instead. This week, Ptr. Allan Rillera reveals that true joy and hope come from experiencing the unique, saving Presence of Jesus Christ. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1XYQzvGaV1RNjBvPiE2Mb9HE57-b5XXT-/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/03/09/pinalitan-mo-ng-kagalakan-ang-aking-pagsusumamo/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
03-02-2025 Ang Pagtawag Ni Christ Sa Mga Sinners At Ang Kanyang Grace

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Mar 6, 2025 44:06


Sermon: Ang Pagtawag Ni Christ Sa Mga Sinners At Ang Kanyang Grace Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 2:13-17 Hatid ng Mabuting Balita ni Hesus ang mensahe ng biyaya't awa para sa lahat ng makasalanan. Bukas ito para sa lahat at walang itinatangi. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño na inaanyayahan ni Kristo ang lahat na sumunod sa Kanya. Tinatawag Niya tayong lahat—bagamat makasalanan—upang maging Kanyang kaibigan at makamtan ang kaligtasang tanging sa Kanya matatagpuan. The Good News of Jesus is a message of grace and mercy for all sinners, without exceptions. This week, Rev. Mike Cariño shares that Christ's invitation to follow Him is extended to everyone, calling all sinners to become His friends and find salvation only in Him. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1BAhafsjLoZ2JA8WSg9Yg2sG6wXberUqu/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/03/02/ang-pagtawag-ni-christ-sa-mga-sinners-at-ang-kanyang-grace/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

CCF Sermon Audio
Love Jesus Above All | Leo Mata

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Feb 25, 2025 68:53


Napaka-makapangyarihan ng pag-ibig! Kaya nitong mapalabas ka sa iyong mga “comfort zones” at mag-uudyok na magsakripisyo para sa mga minamahal natin. Ganyan ang pag-ibig ni Hesus sa atin. Paano ba tayo magkakaroon ng pusong nagmamahal talaga kay Hesus?Speaker: Ptr. Leo MataSeries: Love & Joy: Discover the ConnectionScripture Reading: Philippians 3:1-16Watch The Full Message here:  https://go.ccf.org.ph/02232025Tag

CBNAsia.org - Audio Podcast
From Bondage to Breakthrough

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Feb 18, 2025 29:55


Breakthrough, Now Na - Day 7May pag-asa pa na makalaya ka sa tanikala ng kahirapan at kasalanan! Puwede mo itong simulan sa pamamagitan ng pagkakatiwala ng iyong buhay kay Hesus. Siya ang magiging kasama mo sa pagbabago, kapatid. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
Trusting God Will Start Your Breakthrough

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Feb 17, 2025 30:02


Breakthrough, Now Na - Day 6Hindi mo na ba alam kung paano pa makakalaya sa kahirapan ng buhay? Nariyan si Hesus na handang samahan at tulungan ka sa mga problema mo, kapatid. Huwag kang mawalan ng pag-asa at simulan mong magtiwala sa Panginoon. Tiyak na marararanasan mo ang kaginhawaan sa buhay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
02-16-2025 Ang Pagpapagaling Ni Christ at Ang Kanyang Compassion

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Feb 16, 2025 40:19


Sermon: Ang Pagpapagaling Ni Christ at Ang Kanyang Compassion Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:40-45 Nakakarelate tayo sa kwento ng pagpapagaling ni Hesus sa isang ketongin, dahil tayo rin ay desperadong mapagaling at mapalaya mula sa ketong ng ating kasalanan. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang pag-ibig at habag ni Jesus para sa lahat ng kumikilala sa kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas at lumalapit nang may pananampalataya upang humingi ng kagalingan at kalayaan. We relate deeply to the story of Jesus healing a leper because we, too, are desperate for healing and freedom from the sickness of our sins. This week, Rev. Mike Cariño explores Jesus' love and compassion for all who acknowledge their need for a Savior and come in faith seeking healing and deliverance. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1nDSI6zdCPAFwLx20SxynfQ_0thhmwo7q/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/02/16/ang-pagpapagaling-ni-christ-at-ang-kanyang-compassion/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

CBNAsia.org - Audio Podcast
You Can Find Breakthrough in God's Presence

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Feb 11, 2025 30:18


Breakthrough, Now Na - Day 2Hirap ka ba sa sitwasyon ng buhay mo ngayon lalo na at paulit-ulit nalang ang mga pagsubok na iyong kinakaharap? Kakampi mo ang Diyos, kapatid. Puwede mong maranasan ang kaginhawahan sa piling Niya at tutulungan ka pang mapagtagumpayan ang bawat problema. Ang dapat mo lang gawin ay lumapit kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
01 - 19 - 2025 Ang Pasimulang Pagsabak Ni Christ Sa Ministry

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Jan 21, 2025 48:13


Sermon: Ang Pasimulang Pagsabak Ni Christ Sa Ministry Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:9-15 Ang ministeryo o "ministry" ni Hesus ay nagsimula sa Kanyang bautismo. Sa linggong ito, binibigyang-diin ni Rev. Mike Cariño na ang Mabuting Balita ay tungkol sa katuparan ng pangako ng Diyos at ang pagdating ni Kristo, na nagtagumpay laban sa lahat ng tukso. The ministry of Jesus Christ began at His baptism. This week, Rev. Mike Cariño emphasizes that the Good News is about the fulfillment of God's promise and the arrival of the Anointed One, who triumphed over all temptations. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1a22tTGJgTKyxkYwr8S-ptIt6rmSdp4Qx/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/01/19/ang-pasimulang-pagsabak-ni-christ-sa-ministry/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

SBS Filipino - SBS Filipino
Over 8 million devotees mark the Feast of Jesus Nazareno in Manila - Higit 8 milyong deboto ng Hesus Nazareno, lumahok sa Translacion

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 10, 2025 8:47


The Traslacion, which started at the Quirino Grandstand in Luneta and wound its way through the streets of Manila towards the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno in Quiapo lasted nearly 21 hours this year. - Lumabas sa isang pag-aaral na mas tumitindi ang pagnanais ng mga deboto ng Hesus Narazero na lumapit sa andas. Ngayong taon, daan-daang deboto ang nilapatan ng lunas kasunod ng ilang insidente sa gitna ng Translacion.

CCF Sermon Audio
Gifts For The King: What Should You Bring? | Paul de Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Dec 22, 2024 73:33


Panahon na naman ng bigayan ng mga regalo, pero naisip mo rin ba kung anong pwede mong mai-regalo kay Hesus? Alamin kung ano naman ang regalong maaari nating maibigay sa Kanya na nagbigay nang Pinakadakilang Regalo sa atin. Please do not record or reproduce this video. You may instead share the link with your friends. Speaker: Paul de Vera Series: Christmas Redefined: Jesus Scripture Reading: Matthew 2:1-12 Watch The Full message here: https://go.ccf.org.ph/12222024Tag

CBNAsia.org - Audio Podcast
Grace Beyond Measure I-Mine Mo Na Telethon Day 8

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Nov 20, 2024 30:20


Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok na iyong kinakaharap, patuloy kang magtiwala kay Hesus na Siyang kakampi mo sa laban ng buhay. Makakayanan mong malampasan ang mga problema dahil sumasaiyo ang biyaya at grasya ng Panginoon.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
Grace Beyond Measure I-Mine Mo Na Telethon Day 6

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Nov 18, 2024 29:38


Hindi pa huli ang lahat upang maranasan mo ang pagkilos ni Hesus. Kaya Niyang gumawa ng himala kahit sa gitna ng pinagdaraanan mo ngayon. Lumapit at manampalataya ka sa Kaniya.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
Grace Beyond Measure I-Mine Mo Na Telethon Day 5

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Nov 15, 2024 30:44


Sa mga panahon na kailangan mo ng makakapitan, nariyan ang Diyos na puwede mong maging sandigan. Ang Kaniyang biyaya ay laging handa para sa 'yo. Patuloy ka lamang lumapit at manamplataya kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
Grace Beyond Measure I-Mine Mo Na Telethon Day 4

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Nov 14, 2024 30:10


Mayroon ka bang panalangin na matagal mo nang hinihintay? Huwag kang mapagod na magtiwala kay Hesus. Tapat Siya sa Kaniyang mga pangako at hindi Niya binibigo ang mga taong nagtitiwala nang buo sa Kaniya. May habag ang Diyos, kapatid. Hindi ka Niya bibiguin. Get to know the God who is faithful to His word as you watch the 4th night of The 700 Club Asia's LIVE TV Special, Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
Grace Beyond Measure I-Mine Mo Na Telethon Day 2

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Nov 12, 2024 29:49


Sapat ang biyaya ng Diyos sa mga problemang pinagdaraanan mo. Gaano man kabigat ito, kaya mong magtagumpay mula rito! Kaya patuloy ka lang magtiwala at manampalataya kay Hesus.  Find strength through God's grace as you watch the  2nd night of The 700 Club Asia LIVE TV Special, #GraceBeyondMeasureIMineMoNa, midnight on GMA. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
10 - 20 - 2024 The Living Christ At Ang Ating Future New Body

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Oct 22, 2024 47:48


Sermon: The Living Christ At Ang Ating Future New Body Series: Jesus is the Answer Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: 1 Corinthians 15:35-49 Tinatag ni Hesus ang isang bagong paraan ng pamumuhay nang Siya ay bumangon mula sa kamatayan. Sa linggong ito, ipapahayag ni Rev. Mike Cariño na ang mga sumasampalataya kay Kristo ay tiyak na makakaranas ng muling pagkabuhay patungo sa isang bagong realidad na hihigitan ang anumang ating inaasahan, at maninirahan sa isang bagong katawang ipinagkaloob ng Diyos. Jesus established a new way of life when He rose from the dead. This week, Rev. Mike Cariño assures the faithful in Christ that we will experience resurrection in a renewed body and live in a new reality that surpasses our expectations. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1aMtHAYqJMxcr02bCjuZfOkQVWoLcLZlq/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2024/10/20/the-living-christ-at-ang-ating-future-new-body/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
10 - 06 - 2024 The Living Christ At Ang Good News

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Oct 9, 2024 40:44


Sermon: The Living Christ at Ang Good News Series: Jesus is the Answer Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: 1 Corinthians 15:1-11 Bakit napakahalaga ng muling pagkabuhay ni Hesus? Sa linggong ito, ipapaliwanag ni Rev. Mike Cariño kung paano ang muling pagkabuhay ni Hesus ang pundasyon ng ating pananampalataya, pag-asa, at pagbabago. Why is the resurrection of Jesus so important? This week, Rev. Mike Cariño explains how the Resurrection is the foundation of our faith, hope, and transformation. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1eXlP58lahaYkjSEdXLJ4YRvMGtphkr20/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2024/10/06/the-living-christ-at-ang-good-news/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 09 - Sandali Lamang

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 3:24


Sandali Lamang Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. (1 Pedro 5:10 MBBTAG) Minsan, sa gitna ng mga paghihirap at pang-araw-araw na stress ng buhay, puwede tayong sumigaw, “Gaano katagal pa, O Panginoon? Hindi ko makita ang lampas sa sakit ngayon. Ano ang magiging bukas? Nandoon ka rin ba para sa pagsubok na iyon?” Lubos na mahalaga ang tanong na ito, dahil sinabi ni Hesus, “Ang taong magtitiis hanggang wakas ay maliligtas” (Marcos 13:13). Nanginginig tayong isipin na baka mapabilang tayo sa “mga umaatras at napapahamak” (Hebreo 10:39). Hindi tayo naglalaro lamang. Ang pagdurusa ay isang kakila-kilabot na banta sa pananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos. Kaya naman, isang kahanga-hangang bagay na marinig ang pangako ni Pedro sa mga naghihirap at pagod na mga Kristiyano, “Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag” (1 Pedro 5:10). Ang katiyakan na hindi patatagalin anghigit sa ating makakayanan, at aalisin Niya ang mga kapintasan na ating iniiyakan, at itatatag Niya magpakailanman ang mga bagay na matagal nang nag-aalangan — ang katiyakang ito ay nagmumula sa Diyos ng “lahat ng biyaya.” Ang Diyos ay hindi Diyos ng ilang biyaya lamang — tulad ng lumipas na biyaya. Siya “ang Diyos ng lahat ng biyaya” — kasama ang walang hanggan at di-auubos na kamalig ng hinaharap na biyaya na kailangan natin upang tumagal hanggang sa wakas. Ang pananampalataya sa hinaharap na biyayang ito, na pinalakas ng alaala ng nakaraang biyaya, ang susi upang magpatuloy tayo sa makitid at mahirap na daan na patungo sa buhay.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 10 - Paano Huhusgahan ang mga Mananampalataya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 4:31


Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. (Pahayag 20:12 MBBTAG) Paano sa huling paghuhukom? Maaalala ba ang ating mga kasalanan? Mabubunyag ba ang mga ito? Ganito ang matalinong sabi ni Anthony Hoekema: “Ang mga pagkukulang at pagkakamali ng mga . . . mananampalataya . . . ay magiging bahagi ng larawan sa Araw ng Paghuhukom. Ngunit — at ito ang mahalagang punto — ang mga kasalanan at pagkukulang ng mga mananampalataya ay ipapakita sa paghuhukom bilang mga kasalanang napatawad na, mga salang lubusang natatakpan ng dugo ni Hesu-Kristo.” Isipin mo ito sa ganitong paraan. May talaan ang Diyos para sa bawat tao (ang “mga aklat” sa Pahayag 20:12). Lahat ng iyong ginawa o sinabi (Mateo 12:36) ay nakatala doon na may marka (mula sa “A” hanggang sa “F”). Kapag humarap ka sa “trono ng paghuhukom ni Kristo” (2 Corinto 5:10) upang hatulan “ayon sa [iyong] ginawa sa katawan, mabuti man o masama,” bubuksan ng Diyos ang iyong talaan at ilalabas ang mga pagsusulit na may marka. Ilalabas Niya lahat ng “F” at ilalagay sa isang bunton. Pagkatapos ay kukunin Niya lahat ng “D” at “C” at huhugutin ang mabubuting bahagi ng pagsusulit at ilalagay ang mga ito kasama ng mga “A,” saka ilalagay ang masasamang bahagi sa bunton ng “F.” Pagkatapos ay kukunin niya lahat ng “B” at “A” at tatanggalin ang masasamang bahagi nito at ilalagay sa bunton ng “F,” at ilalagay ang lahat ng mabubuting bahagi sa bunton ng “A.” Pagkatapos nito, bubuksan Niya ang isa pang talaan (“ang aklat ng buhay”) at makikita Niya rito ang iyong pangalan, dahil nasa kay Kristo ka sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa likod ng iyong pangalan ay may posporo na gawa sa krus ni Hesus. Kukunin Niya ang posporo, sisindihan ito, at susunugin ang bunton ng “F,” na naglalaman ng lahat ng iyong  mga pagkakamali at kakulangan. Hindi ka nila hahatulan, at hindi ka nila bibigyan ng gantimpala. Pagkatapos, kukunin Niya mula sa iyong talaan sa “aklat ng buhay” ang isang selyadong sobre na may markang “libre at puno ng grasyang bonus: buhay!” at ilalagay ito sa bunton ng mga “A” (tingnan ang Marcos 4:24 at Lucas 6:38). Pagkatapos, itataas Niya ang buong bunton at idedeklara, “Sa pamamagitan nito ang iyong buhay ay nagpapatotoo sa biyaya ng Aking Ama, sa halaga ng Aking dugo, at sa bunga ng Aking Espiritu. Nagpapatotoo ang mga ito na ang iyong buhay ay walang hanggan. At ayon sa mga ito, tatanggap ka ng iyong mga gantimpala. Pumasok ka sa walang hanggang kagalakan ng iyong Panginoon.”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 13 - Ang mga Utos na Lumilikha

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 4:51


Ang mga Utos na Lumilikha At nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” (Efeso  5:14 MBBTAG) Nung inutusan ni Hesus si Lazaro na bumangon mula sa kanyang libingan, paano niya sinunod ang utos na ito? Sabi sa Juan 11:43, “Pagkasabi nito ay sumigaw Siya, ‘Lazaro, lumabas ka!'” Ito ang utos sa patay na tao. Sabi sa sumunod na talata, “Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa” (Juan 11:44). Paano ito nagawa ni Lazaro? Paano sumunod ang isang patay sa utos na siya'y muling mabubuhay? Ang sagot ay parang ganito: Ang utos ay may kaakibat na kapangyarihang lumikha ng isang bagong buhay. Ang pagsunod sa utos ay nangangahulugang paggawa kung ano man ang ginagawa ng mga tao.  Napakahalaga nito. Ang utos ng Panginoon, “”bumangon ka mula sa libingan!” ay may kaakibat na kapangyarihan na kailangan nating sundin. Hindi natin ito sinusunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay. Sinusunod natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga buhay —  lumabas si Lazarus. Bumangon siya.  Lumakad siya papunta kay Hesus. Ang  utos ng Diyos ay lumilikha ng buhay. Tumutugon tayo sa kapangyarihan ng kung ano ang  kayang gawin ng Kanyang utos. Sinabi ni Pablo sa Efeso 5:14, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Paano ka susunod sa isang utos na gumising sa iyong pagtulog? Kung ang iyong bahay ay may lason na carbon monoxide, at may sumisigaw, “Gising! Iligtas mo ang iyong sarili! Lumabas ka!” hindi ka sumusunod sa paggising sa sarili mo. Ang malakas at makapangyarihang utos mismo ang gumigising sa iyo.  Sumusunod ka sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga taong nahaharap sa panganib. Tatayo ka't aalis sa iyong bahay. Ang  utos ang lumilikha ng paggising. Tumutugon ka sa kapangyarihan nilikha ng utos — ang pagmulat. Naniniwala ako na ito ang paliwanag kung bakit sinasabi ng Biblia ang mga bagay na paradoxical tungkol sa bagong kapanganakan;  kumbaga, dapat tayong magkaroon ng bagong  puso, ngunit ang Diyos lamang ang  makababago ng ng puso natin. Halimbawa:  Deuteronomio 10:16: “Kaya nga, maging masunurin kayo!” Deuteronomio 30:6 “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso.” Ezekiel 18:31: “Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay.”  Ezekiel 36:26a; “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.” Juan 3:7a; “Kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.” 1 Pedro 1:3: “Tayo'y binigyan Niya ng isang panibagong buhay.” Ang paraan ng pagsunod sa utos na ipanganak ay maranasan muna ang banal na kaloob ng buhay at hininga, at pagkatapos ay gawin ang ginagawa ng mga taong may buhay:  malakas na tumawag sa Diyos nang may pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahal. Kapag ang utos ng Diyos ay dumating kasama ng lumilikha't nagpapabagong-loob na kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ito ay nagbibigay-buhay.  At tayo'y naniniwala, nagagalak, at sumusunod. 

Fr. Jade Shares
Fr. Jade Shares #719: Dadaanan ka ni Hesus.

Fr. Jade Shares

Play Episode Listen Later Sep 23, 2024 5:25


When Jesus called his first disciples, it was as if he was passing by. That includes the cases of Matthew, Simon, Andrew, James and John. It was Jesus' way of telling us that while we are being blessed by God with a good life in earth, we have an ultimate destination in Heaven. (Matthew 9:9-13, Feast of St. Matthew)

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 8 - Kunin ang Ayaw Mong Mawala

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 29, 2024 4:30


Kunin ang Ayaw Mong Mawala Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG) Heto ang dalawang mahusay na insentibo mula kay Hesus para maging isang Pandaigdig na Kristiyano at ialay ang iyong sarili sa adhikain ng mga Misyong Panghangganan. Bilang pupunta o magpapadala.  1. Ang bawat imposible sa tao ay posible sa Diyos (Marcos 10:27). Ang pagbabalik-loob ng mga nasanay na sa kasalanan  ay pagkilos ng Diyos at naaayon sa Kanyang dakilang plano. Hindi natin dapat matakot o mag-alala sa ating kahinaan. Sa Panginoon ang laban, at Siya ang magbibigay ng tagumpay sa atin. 2. Nangako si Kristo na kikilos Siya para sa atin, at magiging para sa atin, kaya naman pagkatapos ng ating buhay misyonero, hindi natin masasabing nagsakripisyo tayo ng anuman (Marcos 10:29–30). Kapag sinusunod natin ang Kanyang preskripsyon sa misyon, matutuklasan natin na kahit ang masasakit na side effects ay nagpapabuti sa ating kalagayan. Ang ating espirituwal na kalusugan, ang ating kagalakan — lumalago ang mga ito nang sandaang ulit. At kapag tayo'y namatay, hindi tayo namamatay. agkakamit tayo ng buhay na walang hanggan. Hindi ako nananawagan na pagtibayin niyo ang inyong loob at mag-sakripisyo para kay Kristo. Nanawagan akong talikuran niyo ang lahat ng meron kayo, upang makamtan ang buhay na makakapuno sa pinakamalalalim  niyong pangarap. Nanawagan akong ituring niyo ang lahat ng bagay na basura para sa higit na halaga ng paglilingkod sa Hari ng mga hari. Nanawagan akong tanggalin niyo ang inyong mga biniling basahang at isuot ang damit ng mga sugo ng Diyos. Nangangako akong makakaranas kayo ng mga pag-uusig at kahirapan — ngunit tandaan ninyo ang kagalakan! "Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit." (Mateo 5:10 MBBTAG) Noong Enero 8, 1956, pinatay ng limang katutubo ng tribong Waorani sa Ecuador sina Jim Elliot at ang kanyang apat na kasamang misyonero habang sinusubukan nilang dalhin ang ebanghelyo sa tribong Waorani na may animnapung tao. Apat na batang misis ang nawalan ng mga asawa at siyam na bata ang nawalan ng kanilang mga ama. Isinulat ni Elisabeth Elliot na tinawag ito ng mundo bilang bangungot ng trahedya. Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi kinilala ng mundo ang katotohanan ng pangalawang bahagi sa kredo ni Jim Elliot: ‘Hindi siya hangal na nagbibigay ng hindi niya maaaring itago upang makamtan ang hindi niya maaaring mawala.'”

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages
08 - 11 - 2024 Ibat Ibang Parts Iisang Body

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Play Episode Listen Later Aug 14, 2024 45:57


Sermon: Iba't Ibang Parts, Iisang Body Series: Jesus is the Answer Speaker: Ptr. July David Scripture: 1 Corinthians 12:12-31 Tulad ng isang katawan na may iba't ibang bahagi at gawain, tayo ay magkakaiba pero nagkakaisa kay Kristo. Ngayong linggo, ipinaalala ni Ptr. July David na bilang simbahan ng Diyos, dapat nating itigil ang diskriminasyon at ipagdiwang ang ating mga pagkakaiba dahil lahat tayo ay nagkakaisa kay Hesus at pinagkalooban ng iisang Espiritu. We are like one body with different parts and functions, but we are united in Christ. This week, Ptr. July David reminds us that, as God's church, we must stop discrimination and celebrate our differences because we are all united in Jesus and gifted with the same Spirit. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1h-qH5rXmVLHGL_sfKAbnXQ0HmhwL08x5/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2024/08/11/ibat-ibang-parts-iisang-body/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

IBC Bonaire Podcast
Papiamentu Translation - E balornan i logika di Hesus

IBC Bonaire Podcast

Play Episode Listen Later Aug 4, 2024 54:11


Romanonan 12:2(buletin aki)

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 3 - Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Jul 18, 2024 5:05


Ang Pinakamaliit na Pananampalataya Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa simula pa lang ng taon, linawin natin na ang lahat ng matatanggap natin mula sa Diyos ngayong taon, bilang mga mananampalataya kay Hesus, ay awa. Anuman ang kasiyahan o sakit na darating sa atin ay pawang habag. Ito ang dahilan kung bakit pumarito si Kristo sa mundo: “at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag” (Roma 15:9). Tayo ay muling ipinanganak “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.” (1 Pedro 1:3). Araw-araw tayong nananalangin “upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin” (Hebreo 4:16); at ngayon ay  nananatili tayo “sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay [tayo] sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa [atin] ng buhay na walang hanggan” (Judas 1:21). Kung may Kristiyanong mapagkakatiwalaan, ito ay “dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan” (1 Corinto 7:25). Sa Lucas 17:5–6, nakiusap ang mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya!” At sinabi ni Jesus, “Kung kayo ay may pananampalataya na kasingliit ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito, ‘Mag-ugat ka at matanim sa dagat,' at ito'y tatalima sa inyo.” Sa madaling salita, ang isyu sa ating buhay at ministeryong Kristiyano ay hindi ang lakas o dami ng ating pananampalataya, dahil hindi ito ang nag-uugat ng mga puno. Ang Diyos ang gumagawa nito. Kaya naman, ang pinakamaliit na pananampalatayang tunay na nag-uugnay sa atin kay Kristo ay magdudulot ng sapat na kapangyarihan para sa lahat ng ating pangangailangan. Ngunit paano naman sa mga panahong matagumpay mong sinusunod ang Panginoon? Inaalis ka ba ng iyong pagsunod mula sa kategorya ng nanghihingi ng habag? Sinagot ito ni Hesus sa Lucas 17:7–10. “Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.' Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.'” Kaya nga, natutukoy ko, ang pinakamataas na pagsunod at ang pinakamaliit na pananampalataya ay nakakakuha ng parehong bagay mula sa Diyos: habag. Isang butil lang ng mustasa na pananampalataya ay nakakakuha ng habag ng Diyos para sa kapangyarihang mag-ugat ng mga puno. At ang walang kamaliang pagsunod ay nag-iiwan sa atin na lubos na umaasa sa habag. Ito ang punto: Anuman ang tiyempo o anyo ng habag ng Diyos, hindi natin kailanman mahihigitan ang pagiging mga benepisyaryo ng awa. Palagi tayong lubos na umaasa sa hindi tayo nararapat. Kaya't magpakumbaba tayo at magalak at “magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag!”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 2, 2024 - Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Jul 1, 2024 3:18


Enero 2 Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Kristo'y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:27–28 MBBTAG) Ang kamatayan ni Hesus ay nagpapasan ng mga kasalanan. Ito ang mismong puso ng Kristiyanismo, ang puso ng ebanghelyo, at ang puso ng dakilang gawain ng Diyos sa pagtubos sa mundo. Nang mamatay si Kristo, pinasan Niya ang mga kasalanan. Kinuha Niya ang mga kasalanang hindi sa Kanya. Nagdusa Siya para sa mga kasalanang ginawa ng iba, upang makalaya sila mula sa kasalanan. Ito ang sagot sa pinakamalaking problema sa iyong buhay, kahit na hindi mo ito maramdaman bilang pangunahing problema. May sagot kung paano tayo makakasundo sa Diyos sa kabila ng pagiging makasalanan natin. Ang sagot ay ang kamatayan ni Kristo bilang handog "upang pasanin ang mga kasalanan ng marami." Inangat Niya ang ating mga kasalanan at dinala ang mga ito sa krus at doon namatay ng kamatayang nararapat nating danasin. Ngayon, ano ang ibig sabihin nito para sa aking kamatayan? "Itinalaga [ako] na mamatay minsan." Ibig sabihin, hindi na parusa ang aking kamatayan. Hindi na ito parusa para sa kasalanan.. Ang aking kasalanan ay inalis na. “Inaalis” ito sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo. Si Kristo ang tumanggap ng parusa. Bakit pa ako mamamatay kung ganun? Dahil nais ng Diyos na manatili ang kamatayan sa mundo sa ngayon, kahit sa Kanyang sariling mga anak, bilang patuloy na patotoo sa matinding kasuklaman ng kasalanan. Sa ating pagkamatay, ipinapakita pa rin natin ang panlabas na epekto ng kasalanan sa mundo. Ngunit ang kamatayan para sa mga anak ng Diyos ay hindi na galit ng Diyos laban sa kanila. Naging daan na natin ito sa kaligtasan at hindi sa pagkondena.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 29, 2024 3:59


Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ng Arco Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52 Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n'ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa tabing-daan-- si Bartimeo, na anak ni Timeo. Nang marinig niya na si Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan, nagsimula siyang sumigaw: “Kaawaan mo ako, Jesus, anak ni David.” Pinagsabihan siyang tumahimik ng mga tao pero lalo lamang niyang nilakasan ang kanyang sigaw: “Panginoon, anak ni David, maawa ka sa akin!” Huminto naman si Hesus at sinabi: “Tawagin n'yo siya.” “Lakasan mo ang iyong loob at tumindig ka. Tinatawag ka nga niya.” Inihagis nito ang kanyang balabal at paluksong lumapit kay Hesus. Kinausap ito ni Hesus at sinabi: “Ano ang gusto mong gawin ko?” “Ginoo, makakita sana ako.” “Sige, ang iyong pananalig ang nagligtas sa iyo.” Agad s'yang nakakita at sumunod s'ya kay Hesus sa daan.   Pagninilay: Itinalaga ni Papa Francisco ang taong ito na Taon ng Panalangin bilang paghahanda sa dakilang Jubileo sa 2025. Paano ba dapat manalangin? Isang napakagandang halimbawa ng panalangin ang ebanghelyo ngayon. Hindi lamang sumigaw si Bartimeo upang humingi ng tulong kay Kristo nang may matibay na pananampalataya. Aktibo rin niya siyang hinanap sa pamamagitan ng pagbangon at paglapit sa kanya. Matiyaga at patuloy siyang tumawag kay Hesus na kinilala niya bilang Mesiyas, kahit na pinigilan siya ng iba. Buong tiwala niyang sinabi kay Kristo na gusto niyang makakita, at dininig ng Panginoon ang kanyang hiling. Nagsimulang makakita si Bartimeo, at natanggap rin niya ang dakilang biyayang makita ang mukha ni Kristo. Kay Bartimeo, matututunan natin ang mga katangian ng panalangin: Una, ito ay simple at mapagkumbaba – kinikilala ang kahinaan at kakulangan, at idinudulog ito sa Panginoon nang walang maraming palabok na salita. Ikalawa, may matibay itong pananampalataya. Ikatlo, punumpuno ito ng pag-asa na nag-udyok kay Bartimeo upang bumangon at lumapit kay Jesus. Ika-apat, paulit-ulit at matiyaga niyang sinambit ang kanyang pagsusumamo, kahit na pinigilan siya ng iba. Para kay Santa Teresita ng Lisieux: “Ang panalangin ay silakbo ng puso; ito'y isang simpleng tingin sa langit, isang sigaw ng pagkilala at ng pag-ibig, na yumayakap ng pagsubok man o kagalakan.” Kapanalig dasal tayo Ha.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 28, 2024 4:50


Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:32-45 Sa paglakad ng mga alagad paahon sa Jerusalem, nanguna si Hesus at nagtaka sila. Natakot naman ang mga kasunod nila. Muli niyang isinama ang Labindalawa at habang nasa daan ay sinimulan niyang sabihin sa kanila ang mga sasapitin niya: “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano. Pagtatawanan nila siya, luluraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit babangon siya pagkatapos ng tatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.” “Ano ang gusto n'yong gawin ko?” “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.” “Talagang hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime at Juan. Kaya tinawag sila ni Hesus, at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo, ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”       Pagninilay: Sa ating Ebanghelyo ngayon, hiniling nina apostol Santiago at Juan na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kung sakaling maghahari na siya sa mundo. Tanda ito na hindi pa nila lubusang naiintindihan kung anong klaseng paghahari ang gagawin ni Hesus sa mundo. Maghahari si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod nang may pagpapakumbaba. Mag-aalay siya ng kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang pinaglilingkuran. Ang tunay na paglilingkod ay may pagsasakripisyo ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Minsan kailangan nating pag-isapan ang mga praktikal na katanungan gaya ng: Hindi kaya magaling, may kakayanan, at mas naka-aangat ako sa buhay ay dahil mas malaki ang responsibilidad kong tumulong at maglingkod sa iba? Hindi kaya mas maraming biyaya ang aking natatanggap dahil mas malaki ang aking oportunidad at responsibilidad na tumulong sa mga nangangailangan? — Ito marahil ang ibig sabihin ni Hesus sa ating Gospel: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat matutong maglingkod sa inyo.” Sa huling yugto ng ating buhay, walang paunahan sa Muling Pagkabuhay. Diyos ang huhusga sa atin, kung nararapat tayong magkamit ng biyaya ng Muling Pagkabuhay. Ang sukatan ng Diyos ay kung gaano tayo nagmahal—ibig sabihin kung gaano natin pinahalagahan ang isa't isa, at hindi kung gaano kadami ang nalalaman natin at nakamit nating tagumpay sa buhay. Ganyan tayo nakikiisa sa plano ng Diyos kooperasyon, hindi kompetisyon. Manalangin tayo: O Hesus, inalay mo ang iyong sarili upang ako'y maligtas mula sa kasalanan. Turuan mo akong makapaglingkod din sa iba nang may pagpapakumbaba. Amen.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 27, 2024 3:57


Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,28-31 Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n'ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”   Pagninilay: Narinig natin ang sinabi ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.” Mukhang may hugot ang binitawang salita ni Pedro. Totoong may kalakip na pag-uusig, sa bawat panawagan na sumunod sa yapak ng ating Panginoon. Ito ang great challenge. Noong nagsisimula akong tumugon sa calling ng pagmamadre, exciting para sa akin. Dahil nananabik ako noon na manahan sa kumbento. At sa formation na natanggap ko, doon ko lang napagtanto na ang kamangha-manghang panawagan ay ang ugnayan ko sa Diyos. Sa initial formation, dahan-dahan kong nauunawaan kung sino ako. Unti-unti, natutuhan ko ring mahalin ang sarili ko. Kasabay nito, little by little, ang nakilala kong Hesus, hindi ko lang nakikilala sa pangalan kundi, ang tunay na kahulugan ng Kanyang pangalan sa aking buhay. Kay tamis pagnilayan: Aking Tagapagligtas. Hindi lang din Siya bilang aking Hesus Maestro na nagtuturo sa akin, kundi isang Maestro na mas nakakaalam pa ng aking pagkatao kaysa sa akin. Nang tumatagal na ako sa pagtugon sa paghuhubog sa akin, natagpuan ko ang aking strengths and weaknesses, talents and incompetencies. Mayroon na ring requirement na i-let go ang maraming bagay na natutuhan kong i-treasure. Higit pa roon, mas natatanggap ko na, ang panawagan ng pag-uusig. Yun bang kahit na malinis ang iyong intensyon, at iba ang kanilang interpretasyon, kaya ko nang tiisin. May tukso rin na pilit sinusungkit ang pagmamahal ko sa aking Hesus Maestro at ipagpalit sa yamang material, at sa inaalok na pag-ibig ng isa ring nilalang, pero nakakayanan ko Siyang ipaglaban. Sa mga pag-uusig na ito, hindi ito dapat ikabahala dahil kailangan ko ito sa paglago ng aking pagmamahal at pananampalataya sa Kanya.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 26, 2024 4:10


Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,17-27 Isang tao ang patakbong sumalubong kay Hesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama't ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Hesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”   Pagninilay: Anuman ang imposible sa tao, sa Diyos, lahat ay maaaring mangyari. Ito ang nais kung bigyang-diin sa aking pagninilay. Ipinapaalaala sa atin na lahat ng nangyayari dito sa mundo ay nakikita ng Diyos. Totoong anumang gawin natin ay makakaapekto sa ating relasyon sa bawat isa, at sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa ating kalayaan, maaari tayong pumili ng ating desisyon. Harinawa ay isipin natin ang kapakanan ng higit na nakararami, kaysa sa pansariling kapakinabangan. Nalungkot ang taong nagtanong kay Hesus kung ano ang dapat pa niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan noong marinig ang sagot niya. Winika kasi ni Hesus na ipagbili nito ang lahat niyang ari-arian at ipamigay sa mga dukha. Tayo po kaya, mga kapanalig, saan nakasalalay ang ating kaligayahan at kahulugan ng ating buhay? Sa kayamanang bumibilanggo ng kalayaan? O sa karukhaan sa materyal na bagay pero maayos ang relasyon sa Diyos at sa kapwa?    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 25, 2024 3:13


Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo Dakilang Kapistahan ng Talong persona sa isang Diyos    Ebanghelyo: Mateo 28,16-20 Pumunta sa Galilea ang Labing-isang alagad, sa bundok na itinakda ni Hesus. Pagkakita nila sa kanya, sumamba sila, ngunit may nag-aalinlangan pa. At nilapitan sila ni Hesus at sinabi: “Ibinigay sa akin ang buong kapangyarihan sa Langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa. Binyagan sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan sila na sundin ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon.”   Pagninilay: Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Santisima Trinidad, ang Banal na Santatlo, ang pinakasentro ng ating pananampalataya. Naniniwala tayo na ang Diyos ay may tatlong Persona - Ama, Anak at Espiritu Santo, pero iisa lamang ang Diyos. Paano nating pinararangalan ang Banal na Santatlo?  Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ni Hesus na gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Ito ang tinatawag na Dakilang Komisyon na binasa natin sa Mabuting Balita. Ito ang ating misyon bilang mga Kristiyano: na ibahagi ang ating pananampalataya sa Banal na Santatlo sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa, sa pamamagitan ng ating pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, sa pamamagitan ng ating pagsaksi sa buhay na banal, sa pamamagitan ng ating pakikilahok sa buhay ng Simbahan. Mga kapanalig, ngayong kapistahan ng Banal na Santatlo, magpasalamat tayo sa Diyos sa kanyang dakilang pag-ibig. Tumugon tayo sa kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating pag-ibig. At ipagdiwang natin ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating buhay. -Fr. Rolly Garcia

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 25, 2024 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 24, 2024 3:10


Mabuting Balita l Mayo 25, 2024 – Sabado Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,13-16 May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila.   Pagninilay: ‘Di ba attracted tayo at natutuwa sa mga bata, lalo na kung ang mga ito ay cute at maraming antics na talagang nakakataba ng puso. Natural na simple, mapagkumbaba at prangka magsalita ang mga bata. They are naturally truthful, they say what they see and hear. Sabi nga, kung gusto mong mag ask ng opinion about something or someone, ask a child. Sasabihin nila sa iyo ang katotohanan, no holds barred. Tayong mga adults, maraming inhibitions. Very conscious sa ating mga sinasabi o ginagawa dahil ayaw nating sumama ang loob o magalit sa atin ang ibang tao. Gusto nating magpa-impress, ang ipakita sa iba ang ating best side. Kalimitan, ito ay nagdadala ng disappointments, discouragement and negative reactions. Pero ‘di ganito ang mga bata. Children are our best teachers. Marami tayong matututuhan sa kanila lalong lalo na in regards with our relationship with God. Inaanyayahan tayo ni Hesus na tularan ang mga bata at isabuhay ang kanilang mga katangian, at lumapit sa kanya ng may pagpapakumbaba. Like a little child, we are totally dependent on God. Only God can fill the emptiness in our hearts, and without him we are nothing. -          Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 23, 2024 4:39


Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:1-12 Nagpunta si Hesus sa probinsiya ng Judea, sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. At napakaraming tao naman ang nagdatingan. At muli niya silang tinuruan gaya nang dati. At lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises” At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.” Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. Ngunit sa simula'y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magigigng iisang katawan ang dalawa. Kung gayo'y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking magpaalis sa kanyang asawa at saka magpakasal sa iba, nakiapid siya. At kung ang babae naman ang magpaalis sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya.   Pagninilay: Gaano katigas ang Puso ng tao. Mahirap kalaban ang puso ng tao. Lalo na kung katakut-takot ang galit at poot, at nagsusumiksik ang tampo at pagwawalang kibo. Dito nakaugat ang maraming suliranin at pagkakasala. Sa pusong nagmamatigas madalas nagmumula ang paghihiwalay, pag-aaway at pagkakawatak-watak ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng mag-asawa. Kapag nagmatigas ang puso – wala itong nadarama, walang nauunawa, walang nakikita, ga-pader at ga-bato. Sa pagmamatigas ng puso – yabang, taas ng tingin sa sarili, at kawalang-awa ang pinamamayani. Talo ng nagmamatigas na puso ang kahit na anong maso o bato; hindi ito mapalalambot o madudurog ng kahit na ano. Maliban sa isa – ang pagmamahal ng Diyos na hindi sumusuko. Kung makikinig lamang tayo sa patuloy na pagtawag ng Diyos, layon Niya na makaisa natin ang lahat, makasundo, makadaupang palad – makaisang puso at diwa. Mangyayari lamang ito kung tumitibok ang ating mga puso nang sabay sabay – tulad ng isang koro na ang mga tinig ay sabay sabay na umaawit. Walang pusong matigas sa grasya na patuloy na ibinubuhos ng Diyos. Walang pusong bato sa kapatawaran na laging iniaalay ng Diyos. Hamon ng Mabuting balita sa ating lahat na hayaang lumambot ang ating mga puso – sa tulong ng pagmamahal, kapatawaran, pagkalinga at awa na nagmumula sa grasya ng Diyos. Huwag nating hayaang ang yabang, kasinungalingan at pagkamakasarili ang bumalot sa puso natin, upang patuloy na maramdaman ang presensya at pag-ibig ng Diyos; pag-ibig na dapat ibahagi at ibigay din sa lahat – lalung-lalo na sa inyu-inyong asawa at sa ating pamilya. Amen.   - Fr. Buen Cruz , SSP l Society of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 22, 2024 3:54


Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 14:22-25 Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi : “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “ Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos”. At pagkaawit ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.   Pagninilay: Ang buwan ng Mayo ang may pinakamaraming fiesta dito sa ating bansa. Siyempre, hindi kumpleto ang fiesta kung walang handaan. Ito'y patunay na mahilig tayo sa pagkain. Ano mang okasyon, hindi talaga mawawala sa atin ang kainan. Indeed, food is life. Hindi tayo mabubuhay kung di tayo kakain. Pagkain ang nagbibigay sa atin ng lakas sa pang araw-araw nating pamumuhay. Kaya naman ginamit ng ating Panginoong Hesukristo ang pagkahilig natin sa pagkain upang makapasok siya hindi lang sa espiritwal na aspeto ng ating buhay, kundi pati na rin sa literal nating katawan. Ginamit niya ang tinapay upang maging TUNAY niyang presensya at HINDI SIMBOLO lamang. Narinig natin sa Mabuting Balita na dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa mga alagad: “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.” Ibinigay ng Panginoong Hesukristo ang Eukaristiya sa atin bilang patunay na hindi niya tayo iniwan. Nasa Eukaristiya ang tunay na presensya ng ating Panginoong Hesukristo. Gusto tayong makasama ng ating Panginoon hindi lang sa espiritwal na aspeto, kundi gusto niya tayong makasama nang litera. Mga kapanalig, tuwing tinatanggap natin ang Panginoong Hesukristo sa Eukaristiya, hindi lang laman at dugo ang tinatanggap o kinakain natin. Kasama sa kinakain natin ang persona ng ating Panginoong Hesukristo o ang kanyang life style: ang kanyang pagiging maawain, mahabagin, at mapagmahal. Kaya't inaanyayahan din tayo na gawing Eukaristiya ang buhay natin. Tulad ng nangyayari sa Eukaristiya, hayaan nawa nating maging tinapay ang ating sarili upang makapagbigay buhay -  taken, blessed, broken, and shared.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 20, 2024 3:48


Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 9:30-37 Umalis sa bundok si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya. Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan n'yo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Tinatanggap ako ng sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan. At kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin.”   Pagninilay: Bahagi na ng buhay pamilya ang pag-aaway ng mga magkakapatid o sibling rivalry. Ang nakakagulat ay madalas, nagmumula ito sa pinakamaliliit na dahilan. Isa sa mga laging pinag-aawayan ng magkapatid ay kung sino ang nakatokang maghugas ng pinggan. Minsan, humahantong ito sa tampuhan dahil tila naaalila ang isa sa kanila at ‘di nila nakikita ito bilang pagkakataong makatulong at makapaglingkod sa pamilya. Tulad ng mga bata, nagtalo ang mga alagad kung sino ang pinakadakila sa kanila. Hindi nila lubos na naunawaan na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa kahandaang maglingkod, katulad ng kahandaan ni Hesus na yakapin ang kamatayan at muling pagkabuhay para sa ating kaligtasan. Ganyan ang kadakilaan sa mata ng Diyos: ang paglalaan ng sarili sa kapwa alang-alang sa pag-ibig. Mga kapanalig, hindi tayo dapat maging isip-bata sa ating pagpiling magmahal. Sa katunayan, inaanyayahan tayo ni Hesus na buksan ang ating mga bisig sa paglilingkod, katulad ng kanyang ginawa sa krus – mga kamay at bisig na bukas at handing yakapin ang lahat, lalo na ang hindi kaibig-ibig sa atin. Sa mga pagkakataong hindi natin mapiling magmahal at maglingkod, lagi tayong bumalik sa mukha ng pag-ibig: si Kristo Hesus na nakabayubay sa krus.    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 19, 2024 4:16


Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Paggunita ng Mahal na Birheng Maria , Ina ng Sambayanan Ebanghelyo: Juan 19, 25: 34 Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat ngunit kailangang maganap ang isa pang kasulatan at sinabi n'ya: “Nauuhaw ako.” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak kaya ikinabit nila sa isang isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniiti nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi n'ya: “Natupad na.” At pagkayuko ng ulo, ibinigay n'ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig.   Pagninilay: Naroon si Maria sa paanan ng Krus, nakiramay siya sa sidhi ng pagdurusa ng kanyang Anak. Habang nakikiisa siya sa matinding sákit, lalong naging marubdob ang kanyang pakikinig sa bawat binibigkas ng Kanyang Anak. “Ginang, narito ang iyong anak… Narito ang iyong ina.”  Isang pag-atas ang narinig niya. Atas ng paglingap. Sa paglingap ni Maria sa mga apostol, debosyon naman sa kanya ang inaasahan sa kanila. Doon nagsimula ang special bond ng mga apostol sa ating Inang Maria. Noon at ngayon, tapat na nakikiramay at nakikilakbay siya sa atin. Tayo naman na hinirang bilang Katawan ng kanyang Anak, sino tayo para hindi maging tapat sa kanya? Sa pahayag ni Pope Francis ngayong Taon ng Panalangin, inaanyayahan tayong manahimik tulad ni Maria at pagnilayan ang kahulugan ng kasaysayan ng kaligtasan. Sa ganitong paraan, lalalim at lalawak ang pagtanggap natin sa ating misyon bilang Simbahan sa tulong at panalangin ng ating Banal na Ina.   -       Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 18, 2024 4:13


Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 Linggo ng Pentekostes Ebanghelyo: Juan 20,19-23 Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Gaya ng pag kakasugo sa akin ng Ama, Gayon ko rn kayo ipadadala.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”       Pagninilay: Isang araw may batang lumapit sa akin at nagtanong. “Sir, ano po ang kulay ng Holy Spirit?” Nagulat ako sa kanyang tanong. Naisip ko na sabihing pula, pero nahamon ako na pagnilayan: May kulay nga ba ang Espiritu Santo? Kung mayroon, ano kaya ito? Isang mapagpalang araw ng linggo mga kapanalig. Sa araw na ito ginugunita natin ang Dakilang kapistahan ng Pentekostes, ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga apostol, at araw rin ng kapanganakan ng ating simbahan. Bagama't sa simula pa lamang ng binyag tinanggap na natin ang Espiritu Santo, mas pinagtitibay sa kumpil o Confirmation ang tinanggap na nating Banal na Espiritu. Tinatawag din siyang Parakletos, ang tagapagbigay-lakas, ang Tagapagpabanal, ang hininga ng Diyos (ruah) at ang Pag-ibig sa pagitan ang Ama at Anak. Marami pang mababanggit tungkol sa Espiritu Santo pero walang sinasabing kulay. Kung titingnan sa malikhaing mga mata, ang katapangan at katatagan na mga bunga ng Espiritu Santo ay kulay pula; makikita naman ang Chrisma at Biyaya ng Buhay na kulay luntian o berde; pwede ring kulay puti ng kalinisan o kabanalan, tulad ng kalapati na madalas na larawang ginagamit para sa Espiritu Santo. Mga kapatid/kapanalig, marahil tulad ng liwanag na dumaraan sa isang prism at nagbubunga ng isang buháy na hanay ng iba't ibang kulay, masasabi nating walang iisang kulay ang Espiritu Santo. Higit sa pula o sa puti, higit pa sa bahag-hari. Ang bawat kulay at bawat biyaya na aakma sa taong tumatanggap sa apoy ng espiritu ang magbibigay kulay sa buhay ng mundong ating ginagalawan. Higit sa anupamang kulay, sa ating pagtanggap sa Espiritu Santo, pinag-aalab niya ang marubdob nating adhika na makagawa at makapagbigay-patotoo bilang isang Simbahan na buháy ang ating Panginoong Hesukristo sa ating isip, sa bawat salita, lalo na sa ating mga gawa. Amen.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 17, 2024 3:39


Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 –  Sabado Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21,20-25 Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako'y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito'y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko'y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat. Pagninilay: "Sumunod ka sa akin."  Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?"  Kahit pala Santo ay usisero din si Pedro!  Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga'y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga'y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.  Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig. Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 16, 2024 3:58


Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21:15-19 Nag pahayag si Hesus sa Kanyang mga Alagad: Nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo'y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”     Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ni Hesus si Pedro ng makaikatlong beses kung iniibig Siya ni Pedro. Narinig natin na ang pagtatanong ng Panginoong Hesus ay may progreso. Sa una, winika Niya na pakanin ni Pedro ang Kanyang maliliit na tupa, na sa aking personal na pagkaunawa ay yaong mga bata at balo. Ang ikalawa at ikatlo ay winika ng Panginoong Hesus na pakanin ang malalaking tupa na maaaring yaong mga naunang taga sunod ni Hesus. Subalit sa pangkalahatan, ang maliliit na tinutukoy ay yaong mga sumasampalataya at nanalig sa ating Panginoong Hesus. Mga kapanalig, ipinapakita lamang sa pagbasa na kay Pedro ipapaubaya ni Hesus ang pangangalaga ng Simbahang itinatag Niya. Bilang kauna-unahang Santo Papa, ipinagkatiwala kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Napakalaki ng responsabilidad ng mga sumunod sa kanya, na ngayon ay sa katauhan ni Santo Papa Francisco. Ipanalangin natin siya at ang mga obispo, pari, diyakono na mga lingkod ng ating Simbahan. Amen. -      Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul

MoneyNeverSleeps
257: How I Got To Techstars on a Flywheel | Hesus Inoma Interviews Pete Townsend | Venture With Hesus

MoneyNeverSleeps

Play Episode Listen Later Apr 18, 2024 65:25


This week, I'm sharing an episode of the ‘Venture with Hesus' podcast that I recorded recently with the unstoppable Hesus Inoma, as he interviews me on lessons learned from being part of the startup ecosystem the last 8 years, the power of networks, 2022 token sale aspirations, customer validation, building for users vs building for yourself, usability vs. security in crypto, funding your go to market, pre-seed rounds vs seed rounds, what I look for in founders, mental models, flywheels, how to be successful in an accelerator, how to get excited about regulation, real-world assets and more! As Hesus wrote in his original ‘Venture with Hesus' shownotes, “Buckle up and join us on this thrilling episode with our special guest, Pete, who brings his rich experiences from Boston to Ireland, and Bermuda to Galway. Witness firsthand the often-untold story of the startup ecosystem, the nitty-gritties of co-founder relationships and the transformative potential of Web3 technologies, as Pete lays it all bare.” Hesus Inoma is the founder and Head of Strategy & Innovation at i13 Ventures, a venture studio supporting entrepreneurs, startups, universities, corporates and governments to ideate, strategize, build, launch and scale products. Hesus originally founded an award-winning global fintech with WeSavvy, and is a well-respected leader within the Irish and European fintech ecosystem.  Hesus is passionate about the digitalization of financial services and the collaboration between the financial services and technology sectors with an excellent understanding of financial products and smart technologies underpinning emerging fintech solutions. LINKS: Original ‘Venture with Hesus' episode page on i13 Ventures YouTube channel https://www.i13ventures.com/media/v/-venture-with-hesus-pete-townsend-and-the-techstars-web3-story- Connect with this Hesus Inoma on social media: -LinkedIn - https://www.linkedin.com/in/hesusci/ -X(Twitter) - https://twitter.com/hesusci? Leave a review and subscribe on  -Apple Podcasts:  https://podcasts.apple.com/us/podcast/id1455819294 -Spotify: https://open.spotify.com/show/4F8uOLxiscYVWVGEfNxTnd -Youtube:  https://www.youtube.com/channel/UCvaaHrJjizUEd0-93mjCKsQ MoneyNeverSleeps newsletter on Substack: https://moneyneversleeps.substack.com/ MoneyNeverSleeps website:  https://www.moneyneversleeps.ie/ Email us at info@norioventures.com Follow on X(Twitter):  -Pete Townsend: https://twitter.com/petetownsendnv -MoneyNeverSleeps: https://twitter.com/MNSshow   Follow on LinkedIn: -Pete Townsend: https://www.linkedin.com/in/pete-townsend-1b18301a/ -MoneyNeverSleeps: https://www.linkedin.com/company/28661903/admin/feed/posts/ --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/moneyneversleeps/message

Unboxing Catholicism
Paano ba Manalagin? (Luke 11) | UC #94

Unboxing Catholicism

Play Episode Listen Later Mar 13, 2024 86:42


Paano nga ba nagdasal si Hesus at paano natin ito maaring gamitin bilang gabay sa ating sariling pananalangin? Let's unbox the answers to these questions in this episode. Ilabas na ang inyong mga Bibles at ang inyong mga notebooks! Let's continue unboxing the Scriptures from Genesis to Revelation! Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Please check Daxx F. Bondoc's I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping?  Don't count the sheep. Talk to the Shepherd.  Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Links to Social Media Pages:  Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Tiktok: @UnboxingCatholicism Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/messag --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message

Daily Tagalog Mass Readings
Biyernes, Pebrero 2, 2024

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Feb 1, 2024 8:01


Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D'yos na makapangyariha'y dakilang hari kailanman. Hebreo 2, 14-18 Lucas 2, 22-40 o kaya Lucas 2, 22-32

Daily Tagalog Mass Readings
Linggo, Disyembre 31, 2023

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Dec 30, 2023 11:00


Kapistahan ng Banal na Mag-anak Hesus, Maria at Jose (B) Mga Pagpipiliang Pagbasa Genesis 15, 1-6; 21, 1-3 Salmo 104, 1b-2. 3-4. 5-6. 8-9 Ang D'yos nati'y Panginoon tipan n'ya'y habang panahon. Hebreo 11, 8. 11-12. 17-19 Lucas 2, 22-40 o kaya Lucas 2, 22. 39-40

CCF Sermon Audio
Finish Well: Walk by the Spirit | Paul De Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later May 30, 2023 79:49


Paano nga ba tayo maaring magtatapos ng matagumpay sa buhay kung tayo ay nahulog sa kasalanan? Kapag tayo'y napatunayang nagkasala, sumasagi sa isip natin na wala nang pag-asa pa. Pero sa katunayan, ang pag-asa ay laging matatagpuan sa grasya, kabutihan at kapatawaran ng Diyos para sa atin, sa pamamagitan lamang ni Hesus. Tuklasin ito sa ating pagsusuri kay David, a "man after God's own heart", na nahulog sa tukso at kasalanan ngunit nakabangong muli at mabuting nakapagtapos sa kaniyang buhay. Speaker: Bro. Paul De Vera Series: #WorthIt Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/05282023Tag

CCF Sermon Audio
God Develops Change Makers | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Apr 16, 2023 86:23


Talaga bang nangyari ang muling pagkabuhay ni Hesus? Kung totoo nga, anong espesyal mayroon dito? Ipagdiwang natin ang pagkabuhay ni Hesu-Kristo at alamin natin kung paano Siya naging pinaka dakilang tagapagbago dito sa mundo at kung paano Niya pwede ring mabago ang buhay mo! Mangyaring huwag i-record o kopyahin ang video na ito. Sa halip, maaari ninyo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan. Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: Changemakers Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/04162023Tag

CCF Sermon Audio
Jesus Is Risen, He Changes Everything | Paul De Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Apr 9, 2023 69:28


Talaga bang nangyari ang muling pagkabuhay ni Hesus? Kung totoo nga, anong espesyal mayroon dito? Ipagdiwang natin ang pagkabuhay ni Hesu-Kristo at alamin natin kung paano Siya naging pinaka dakilang tagapagbago dito sa mundo at kung paano Niya pwede ring mabago ang buhay mo! Mangyaring huwag i-record o kopyahin ang video na ito. Sa halip, maaari ninyo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan. Speaker: Bro. Paul De Vera Series: Changemakers Watch The Full Message: https://go.ccf.org.ph/04092023Tag

Daily Tagalog Mass Readings
Biyernes, Disyembre 30, 2022

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Dec 29, 2022 6:39


Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Hesus, Maria at Jose Sirac 3, 3-7. 14-17a o kaya Colosas 3, 12-21 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D'yos. Mateo 2, 13-15. 19-23

PadsCast
Sinong Hari ng Buhay Mo? (with Pads Khris)

PadsCast

Play Episode Listen Later Nov 18, 2022 43:38


NEWS FLASH: We're now on VIDEO on Spotify! Sa wakas, sa pagtapos ng panahon, si Hesus ang maghahari sa lahat. Sure na yan. Pero ang hindi sure: sa personal nating buhay, siya ba ang naghahari? O maraming naghahari-harian? Masaya tayong makasama muli ang original PadsCast tambalan nina Pads Khris at Pads Albert, sa kwentuhang puno ng pag-asa, saya, at katatawanan.

CCF Sermon Audio
Respond Humbly to God's Grace| Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 16, 2022 69:04


Minsan ba ay naiisip mo na mas magaling at mahusay ka kaysa sa iba? Madalas nating sinusukat ang buhay ayon sa ating mga nagawa or estado sa buhay. Ngunit kung tayo ay haharap kay Hesus, susukatin ba Niya ang ating halaga sa parehong paraan? Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: Who Is In Control? Wathc the Full Message here: https://go.ccf.org.ph/10162022Tag