Podcasts about ngunit

  • 65PODCASTS
  • 832EPISODES
  • 12mAVG DURATION
  • 5WEEKLY NEW EPISODES
  • Apr 17, 2025LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about ngunit

Latest podcast episodes about ngunit

SBS Filipino - SBS Filipino
Struggling with joint pain? Why arthritis is more common than you think and the types you should know - Hirap sa pananakit ng kasu-kasuan? Mga uri ng arthritis na dapat mong malaman

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 17, 2025 11:12


More than two million Australians have arthritis, a condition that causes joint pain and swelling. But many people don't realise there are different types of arthritis and it's not just a disease of old age. - Mahigit dalawang milyong mga Australyano ang may arthritis, isang kondisyon na nagdudulot ng pananakit at pamamaga ng kasu-kasuan. Ngunit marami ang hindi nakakaalam na may iba't ibang uri ito at hindi lamang ito sakit ng mga matatanda.

CBNAsia.org - Audio Podcast
Are You Battling a Serious Illness?

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Apr 15, 2025 29:56


The Jouieanne Fajardo Story - Part 2Nakakilala si Jouieanne sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang lola. Ito ang naging daan upang madali niyang napatawad ang mga taong umabuso sa kaniya. Ngunit, sa paglalim ng relasyon ni Jouieanne sa Panginoon, isang pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

The Howie Severino Podcast
Tejeros — Unang eleksyon na nauwi sa execution

The Howie Severino Podcast

Play Episode Listen Later Apr 10, 2025 31:50


Nagtipon ang Katipunan sa Cavite noong 1897 para magkasundo muli. Ngunit nagkagulo nang maghalalan. Lalong lumalim ang hidwaan. Kumalas si Bonifacio. Pinaaresto ni Aguinaldo. Paano naging personal ang alitan nila? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

SBS Filipino - SBS Filipino
The legal loophole allowing political lies during elections - SBS Examines: Batas na nagpapahintulot sa mga kasinungalingan ng mga politiko sa halalan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 10, 2025 8:44


With an election date set for May 3rd, campaigning has officially begun. But political advertisements have already been circulating for months. Can you trust what they say? - Sa halalan na Mayo 3, opisyal nang nagsimula ang pangangampanya. Ngunit ang mga patalastas na pampulitika o political advertising ay ilang buwan nang umiikot. Maari mo bang pagkatiwalaan ang kanilang sinasabi?

Kwentong Kababalaghan - DieEm Stories
#156 ANG ALBULARYONG SI LOLO RICARDO

Kwentong Kababalaghan - DieEm Stories

Play Episode Listen Later Apr 9, 2025 95:36


Matutunghayan ang buhay ni Rendon, isang binatang tagapagmana ng lihim na sining ng panggagamot at anting-anting, sa gabay ng kanyang mga lolo na nagtataglay ng kapangyarihang di kayang ipaliwanag ng agham. Ngunit sa bawat orasyon at ritwal, may hatid na pagsubok—mapapanindigan ba ni Rendon ang kanyang tadhana, o ito rin ang magiging dahilan ng kanyang pagbagsak? Samahan sya sa isang kwentong puno ng misteryo, tradisyon, at kapangyarihang higit pa sa mata ng modernong mundo—isang kwentong dapat mong marinig at damhin sa iyong kaluluwa.

SBS Filipino - SBS Filipino
From UAE to Australia: Family shares the unseen struggles of starting over in Australia - From UAE to Australia: Pamilya ibinahagi ang mga hamon ng paninirahan sa isang bagong bansa

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Mar 29, 2025 32:13


In 2022, Cath Mendez and her family made the bold decision to leave the comfort and stability of Abu Dhabi for a fresh start in Australia. It was a move driven by hopes of a better life, but the reality of starting over soon proved more challenging than expected. - Nagdesisyon si Cath Mendez at ang kanyang pamilya na iwan ang komportableng buhay sa Abu Dhabi upang magsimula muli sa Australia. Ngunit sa dalawang taong paninirahan sa bansa ay kinwestyon niya kung tama nga ba ang kanilang naging desisyon.

The Howie Severino Podcast
Sino nga ba si Ramon Magsaysay?

The Howie Severino Podcast

Play Episode Listen Later Mar 27, 2025 41:25


Dating gerilya at mekaniko ng bus, si Pangulong Ramon Magsaysay ay malapit sa masa at nakamobilisa ng kabataan. Walang bahid ng katiwalian. Ngunit hindi niya natapos ang kanyang unang termino.Who was Ramon Magsaysay?A former guerrilla leader and bus mechanic, President Magsaysay was close to the masses and mobilized the youth. He was untainted by corruption scandals. But tragically, he wasn't able to finish his first term. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

The Howie Severino Podcast
Sino nga ba si Ramon Magsaysay?

The Howie Severino Podcast

Play Episode Listen Later Mar 27, 2025 41:25


Dating gerilya at mekaniko ng bus, si Pangulong Ramon Magsaysay ay malapit sa masa at nakamobilisa ng kabataan. Walang bahid ng katiwalian. Ngunit hindi niya natapos ang kanyang unang termino.Who was Ramon Magsaysay?A former guerrilla leader and bus mechanic, President Magsaysay was close to the masses and mobilized the youth. He was untainted by corruption scandals. But tragically, he wasn't able to finish his first term. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

SBS Filipino - SBS Filipino
International students hindi dapat sisihin sa krisis ng pabahay ayon sa pag-aaral

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Mar 25, 2025 12:21


Ngayong nagsimula na ang pangangampanya para sa paparating na pampederal na eleksyon, tinuturong dahilan ng krisis sa pabahay ang mga international students kaya balak na limitahan ang bilang ng mga international students na papasok. Ngunit batay sa bagong pag-aaral na lumabas, hindi sila ang dahilan.

Kwentong Kababalaghan - DieEm Stories

Sa madilim na mundo ng mga libingan, isang sepulturero ang nakatagpo ng lihim na magpapabago sa alamat ng kanilang bayan—ito ang kuwento ng Mutya ng Sawa. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, susubukin ni Arturo na tuklasin ang misteryo sa likod ng mga nawawalang bangkay at ang mabalasik na nilalang na pumatay sa kanyang ama. Ngunit sa mundong nilulukob ng takot at kasakiman, sino ang tunay na halimaw—ang mga aswang sa dilim o ang mga taong nakakubling mas masahol pa? T

CCF Sermon Audio
Guard Your Joy: Beware of Joy Robbers | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Mar 9, 2025 91:07


Masaya sana kung tuloy-tuloy lang ang takbo ng buhay. Ngunit nakakaubos ng kaligayahan kapag may mga hamon, pagsubok, kabiguan na dumarating sa ating buhay. Posible ba na maaari pa rin tayong matuwa sa gitna ng kahit ano man?Huwag hayaang agawin sa ‘yo ng anumang bagay ang iyong kagalakan — halika at tuklasin kung paano ito maisasabuhay!Speaker: Ptr. Bong SaquingSeries: Love & Joy: Discover the ConnectionScripture Reading: Philippians 4:4-23Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/03092025Tag

Barangay Love Stories
EP 449: "Kambal" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Mar 7, 2025 43:52


Bago ka pumili ng iibigin, baka mas mainam kung ang relasyon sa pamilya ang iyong unahin. Ngunit may mga pamilya din naman talaga na hindi ka pasasayahin pero sana maging sandalan mo pa rin sila lalo kung nahihirapan ka na. Pakinggan ang kwento ni JP sa Barangay Love Stories. 

Surprise Guest with Pia Arcangel
Charot at wika: Virgilio Almario sa ebolusyon ng panitikan at kultura

Surprise Guest with Pia Arcangel

Play Episode Listen Later Mar 6, 2025 30:26


“Suwerte lang ako. Aksidente lang ang buhay ko.”Ngunit ang aksidenteng ito ay nagbigay sa atin ng mga tula, aklat, at adbokasiya na humubog sa panitikang Filipino. Sa episode na ito ng Power Talks with Pia Arcangel, ibinahagi ni Virgilio Almario, o mas kilala sa pen name na Rio Alma, kung paano siya nagsimulang magsulat hanggang sa pagiging isang haligi ng ating wika at panitikan.Ano ang take niya sa Gen Z at sa social media era? Paano niya nakikita ang mabilis na pagbabago ng wika? Ano ang role ng isang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining? At bakit nga ba nakakatuwa para sa kanya ang mga salitang charot at chorva? Tuklasin ang kanyang mga kuwento, pananaw, at aral sa isang makabuluhang talakayan. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 15 - Ang Kalayaan ng Biyaya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Mar 4, 2025 5:00


Ang Kalayaan ng BiyayaSubalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin.  Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. (Efeso 2:4–6 MBBTAG)Ito ang mahalagang ginawa ng Diyos para sa ating pagbabagong-buhay: “tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo” kahit na “noong tayo'y  mga patay pa dahil sa ating pagsuway.” Sa madaling salita, tpatay tayo sa Diyos. Hindi tayo tumutugon; wala tayong tunay na panlasang espirituwal o interes dito; wala tayong espiritwal na mata para sa kagandahan ni Kristo; patay lang talaga tayo sa lahat ng bagay na tunay na mahalaga.Pagkatapos, kumilos ang Diyos—nang walang kondisyon—bago pa man tayo makagawa ng anumang bagay upang maging karapat-dapat na sisidlan ng Kanyang presensya. Binuhay Niya tayo. Ginising Niya tayo mula sa pagkakatulog ng espiritwal na kamatayan, upang makita ang kaluwalhatian ni Kristo (2 Corinto 4:4). Ang mga patay na pandamang espiritwal  ay himalang nabuhay.Sinasabi sa Efeso 2:4 na isa itong gawain ng “awa.” Ibig sabihin, nakita tayo ng Diyos sa ating pagkamatay at naawa Siya sa atin. Nakita ng Diyos ang kakila-kilabot na kabayaran ng kasalanan na humahantong sa walang hanggang kamatayan at pagdurusa. “Ang Diyos, na sagana sa awa . . . ay binigyan tayo ng buhay.” At ang yaman ng Kanyang awa ay umapaw sa atin sa ating pangangailangan. Ngunit ang kapansin-pansin sa tekstong ito ay ang pagputol ni Pablo sa daloy ng kanyang sariling pangungusap upang isingit, “sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka.” “Binuhay tayo [ng Diyos] kasama si Kristo—sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka— at itinaas tayo kasama niya.”Uulitin ito ni Pablo sa talata 8. Kung gayon, bakit pa niya pinutol ang daloy ng kanyang sariling pangungusap upang idagdag ito dito? Heto pa pa, nakapokus ang pangugusap sa awa ng Diyos na tumutugon sa ating kaawa-awang kalagayan ng kamatayan; kaya bakit sinadya ni Pablo na banggitin na sa pamamagitan rin ng biyaya kaya tayo ay naligtas?Sa tingin ko, nakita  ni Pablo isa itong perpektong pagkakataon upang bigyang-diin ang kalayaan ng biyaya. Habang inilalarawan niya ang ating patay na kondisyon bago ang pagbabagong-buhay, napagtanto niya na ang patay na mga tao ay hindi makakatugon sa mga kondisyong ito. Kung sila ay mabubuhay, dapat mayroong walang kondisyon at lubos na malayang gawain ng Diyos upang iligtas sila. Ang kalayaang ito ang mismong puso ng biyaya.Ano pang gawain ang mas di-timbang ang kalayaan at di-napagkasunduan kaysa sa isang tao na binubuhay ang isa pa mula sa kamatayan! Ito ang kahulugan ng biyaya.

Kwentong Kababalaghan - DieEm Stories
#146 MUTYA NG BABAYLAN

Kwentong Kababalaghan - DieEm Stories

Play Episode Listen Later Feb 28, 2025 79:27


Ay isang kwento ng mahiwagang pamanang bumabalot sa buhay ni Olan at ng kanyang Lola Lita na isang albularyang may lihim na anting-anting. Alamin ang misteryo at sagot sa tanong kung dapat bang tanggapin ang isang pamanang maaaring magbago ng lahat. Tunghayan kung paano ang may mabubuting kalooban ay susubukin at ang masasama'y maaari pang magbago. Ngunit, sa dulo ay ang tunay na mahika na magbibigay halaga sa buhay at sa mga taong minamahal natin na magpapaalalang sa gitna ng dilim, may liwanag na magmumula sa ating sariling pagpili at paninindigan.

CBNAsia.org - Audio Podcast
Where Does a Cancer Patient Find Peace?

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Feb 26, 2025 29:34


The Lynn Monsanto Story - Part 3Hindi pa man tuluyang naghihilom si Lynn mula sa pagkawala ng anak, panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap. Nalaman ni Lynn na mayroon din siyang matinding sakit na puwedeng tumapos sa kaniyang buhay. Ngunit bakit mayroong kapayapaan si Lynn sa kabila ng kaniyang nararanasan? Saan nga ba siya humuhugot ng lakas ng loob? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Rural customers say mobile phone service is worse since 3G shutdown - Mahinang serbisyo ng mobile phone danas sa mga rural na lugar mula nang itigil ang 3G network sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 7, 2025 7:25


Major telecommunications companies say their mobile coverage has either expanded or stayed the same since the 3-G network shutdown began in October 2024. But some rural Australians say they're getting poor service or complete blackouts, prompting safety concerns in some communities. - Lumawak o pareho ng dati ang coverage ng kanilang mobile network - iyan ang pahayag ng mga pangunahing kumpanya ng telekomunikasyon mula anila nang pagsara ng 3-G Network noong Oktubre 2024. Ngunit ilang Australyano na nakatira sa mga rural na lugar ay nagrereklamo sa hindi magandang serbisyo o kumpletong pagkawala ng network sa nararanasan nila, na nagdudulot ng mga alalahanin sa kaligtasan sa ilang mga komunidad.

The Jay Aruga Show
S06 E124: Maganda ang Title, PERO ITO ANG LAMAN

The Jay Aruga Show

Play Episode Listen Later Feb 1, 2025 8:08


Malaking panalo sa laban, ang mabunyag ang problematic na Senate Bill 1979—isang malaking tagumpay para sa ating mga pamilya at kabataan!

SBS Filipino - SBS Filipino
New treatment brings hope for patients diagnosed with rare cancer - Isang bagong gamot hatid ay pag-asa para sa mga pasyenteng na may bihirang kanser sa dugo

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 17, 2025 5:55


Around 100,000 Australians live with myelofibrosis, which is a rare form of blood cancer. But an Australian-developed drug - just approved by the Therapeutic Goods Administration - is helping patients overcome some of the cancer's worst symptoms. - Humigit-kumulang 100,000 Australiano ang nabubuhay na may myelofibrosis, na isang bihirang uri ng kanser sa dugo. Ngunit isang gamot na binuo ng Australia - na inaprubahan kamakailan ng Therapeutic Goods Administration - ay tumutulong sa mga pasyente na malampasan ang ilan sa mga pinakamasamang sintomas ng cancer.

SBS Filipino - SBS Filipino
Is spanking an appropriate form of child discipline? - 'Palo, kurot, sampal': Tama bang paluin ang bata bilang paraan ng pagdisiplina?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 17, 2024 6:51


Many individuals who grew up in the Philippines have experienced physical punishment, such as spanking, as a form of parental discipline. This practice is widely accepted in Filipino culture, but in many countries, it is strictly prohibited. - Sa kultura ng mga Pilipino, karamihan sa mga lumaki sa Pilipinas ay nakaranas ng pamamalo o parusa. Ang pamamalo ay stratehiya ng mga magulang sa pagdidisiplina at ito ay isang tanggap na kaugalian sa kultura. Ngunit sa ibang mga bansa ay ipinagbabawal ito.

SBS Filipino - SBS Filipino
‘I've been the breadwinner since I was six': Filo-Aussie singer on supporting her family through her talent - Kilalang singer binahagi ang buhay bilang 'breadwinner' ng kanyang pamilya

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 7, 2024 31:54


If you live in Melbourne, chances are you've seen Mary Ann Van Der Horst perform at countless Filipino community events. But beyond her incredible talent, she has a story of resilience: she's been financially supporting her family since the age of six. - Kung nakatira ka sa Melbourne, malamang lagi mong nakikita si Mary Ann Van Der Horst na kumakanta sa mga kaganapan sa komunidad. Ngunit higit sa kanyang talento, siya din ay breadwinner ng kanyang pamilya.

Barangay Love Stories
Episode 410: "Silip"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Dec 6, 2024 49:24


Ang pamilya ay tahanang binubuo ng pagmamahal, saya, disiplina, at pagkakaisa. Ngunit sa iba, ang pamilyang kanlungan sana ay kapahamakan pala. Nang maiwan mag-isa si Janesa sa piling ng kanyang ama, parang wala nang magandang nangyari sa kanilang pamilya. Bukod sa pinaghihigpitan siya ng kanyang tatay, winawaldas din nito ang perang pinaghihirapan niya sa trabaho. Pakinggan ang kwento ni Janesa sa Barangay Love Stories. 

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Patuloy Pa Rin ang Pagtitiwala

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Dec 1, 2024 2:45


Gumanda na ang buhay ni Joseph sa household ni Potifar. Ginawa siyang katiwala at ipinamahala sa kanya ang lahat sa bahay ng kanyang amo. Ngunit di nagtagal, humarap siya sa malaking problema. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 10 - Paano Huhusgahan ang mga Mananampalataya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 4:31


Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. (Pahayag 20:12 MBBTAG) Paano sa huling paghuhukom? Maaalala ba ang ating mga kasalanan? Mabubunyag ba ang mga ito? Ganito ang matalinong sabi ni Anthony Hoekema: “Ang mga pagkukulang at pagkakamali ng mga . . . mananampalataya . . . ay magiging bahagi ng larawan sa Araw ng Paghuhukom. Ngunit — at ito ang mahalagang punto — ang mga kasalanan at pagkukulang ng mga mananampalataya ay ipapakita sa paghuhukom bilang mga kasalanang napatawad na, mga salang lubusang natatakpan ng dugo ni Hesu-Kristo.” Isipin mo ito sa ganitong paraan. May talaan ang Diyos para sa bawat tao (ang “mga aklat” sa Pahayag 20:12). Lahat ng iyong ginawa o sinabi (Mateo 12:36) ay nakatala doon na may marka (mula sa “A” hanggang sa “F”). Kapag humarap ka sa “trono ng paghuhukom ni Kristo” (2 Corinto 5:10) upang hatulan “ayon sa [iyong] ginawa sa katawan, mabuti man o masama,” bubuksan ng Diyos ang iyong talaan at ilalabas ang mga pagsusulit na may marka. Ilalabas Niya lahat ng “F” at ilalagay sa isang bunton. Pagkatapos ay kukunin Niya lahat ng “D” at “C” at huhugutin ang mabubuting bahagi ng pagsusulit at ilalagay ang mga ito kasama ng mga “A,” saka ilalagay ang masasamang bahagi sa bunton ng “F.” Pagkatapos ay kukunin niya lahat ng “B” at “A” at tatanggalin ang masasamang bahagi nito at ilalagay sa bunton ng “F,” at ilalagay ang lahat ng mabubuting bahagi sa bunton ng “A.” Pagkatapos nito, bubuksan Niya ang isa pang talaan (“ang aklat ng buhay”) at makikita Niya rito ang iyong pangalan, dahil nasa kay Kristo ka sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa likod ng iyong pangalan ay may posporo na gawa sa krus ni Hesus. Kukunin Niya ang posporo, sisindihan ito, at susunugin ang bunton ng “F,” na naglalaman ng lahat ng iyong  mga pagkakamali at kakulangan. Hindi ka nila hahatulan, at hindi ka nila bibigyan ng gantimpala. Pagkatapos, kukunin Niya mula sa iyong talaan sa “aklat ng buhay” ang isang selyadong sobre na may markang “libre at puno ng grasyang bonus: buhay!” at ilalagay ito sa bunton ng mga “A” (tingnan ang Marcos 4:24 at Lucas 6:38). Pagkatapos, itataas Niya ang buong bunton at idedeklara, “Sa pamamagitan nito ang iyong buhay ay nagpapatotoo sa biyaya ng Aking Ama, sa halaga ng Aking dugo, at sa bunga ng Aking Espiritu. Nagpapatotoo ang mga ito na ang iyong buhay ay walang hanggan. At ayon sa mga ito, tatanggap ka ng iyong mga gantimpala. Pumasok ka sa walang hanggang kagalakan ng iyong Panginoon.”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 12 - Ang Susi ng Karanasan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 4:06


Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. (2 Corinto 9:8 MBBTAG) Alam natin na ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos ang susi sa karanasan ng pagiging mapagbigay, dahil sa 2 Corinto, inilahad ni Pablo ang kahanga-hangang pangako na ito: “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa” (2 Corinto 9:8 MBBTAG). Sa madaling salita, kung gusto mong maging malaya mula sa pangangailangang mag-ipon ng pera, kung gusto mong umapaw sa kasaganaan (ng biyaya!) para sa bawat mabuting gawa, magtiwala ka sa hinaharap na biyaya. Magtiwala sa pangako na “ang Diyos ay may kakayahang gawing sagana sa iyo” sa bawat hinaharap na sandali para sa layuning ito. Tinawag ko ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya bilang “susi sa karanasan” sa pagiging mapagbigay, upang hindi maitanggi na mayroon ding susi sa kasaysayan. May susi ng karanasan at susi ng kasaysayan. Sa pag-uusap tungkol sa biyayang natanggap nila, pinapaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto ang historikal na susi ng biyaya, “Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha” (2 Corinto 8:9 MBBTAG). Kung wala ang historikal na gawain ng biyaya, mananatiling sarado  ang pintuan ng pagiging mapagbigay na nagpaparangal kay Cristo. Kailangang-kailangan ang nakaraang biyaya bilang susi ng pag-ibig. Ngunit pansinin kung paano gumagana ang nakaraang biyaya sa talatang ito. Ito ay ginawang pundasyon (naghirap si Cristo) ng hinaharap na biyaya (na tayo ay magiging mayaman). Kaya, ang historikal na susi sa ating pagiging mapagbigay ay gumagana sa pamamagitan ng paglalagay ng pundasyon sa ilalim ng susi sa karanasan ng pananampalataya sa hinaharap na biyaya. Kaya naman, ito ang susi sa karanasan sa pag-ibig at pagiging mapagbigay: Matatag mong ilagay ang iyong pananampalataya sa hinaharap na biyaya — na “ang Diyos ay may kakayahan (sa hinaharap) na gawing sagana sa iyo ang lahat ng (hinaharap na) biyaya” — upang matugunan ang iyong mga pangangailangan, at upang magkaroon ka ng kakayahan na umapaw sa pag-ibig ng pagiging mapagbigay. Ang kalayaan mula sa kasakiman ay nagmumula sa malalim at kasiya-siyangpananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
January 14 - Ang Bintana ng Puso

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 6, 2024 4:28


Ang Bintana ng Puso Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay. (Mga Hebreo 12:3) Isa sa mga kahanga-hangang kakayahan ng isipan ng tao ay ang kapasidad nitong magtakda ng sariling atensyon sa isang bagay na kanyang pinipili. Kaya nating tumigil at sabihin sa ating mga isipan, “Isipin mo ito, at hindi iyon.” Kaya nating ituon ang ating atensyon sa isang ideya, larawan, suliranin, o pag-asa. Isa itong kamangha-manghang kapangyarihan. Duda akong may ganito ang mga hayop. Malamang ay hindi nila kayang suriin ang kanilang sarili. Sinusundan lang nila ang kanilang mga  udyok at  instict. Napabayaan mo na ba ang napakamakapangyarihang armas na ito sa iyong pakikipaglaban sa kasalanan? Paulit-ulit tayong  tinatawag  ng Biblia na gamitin ang biyayang ito. Ilabas natin ang biyayang ito, pagpagin ang alikabok, at gamitin. Halimbawa, sinabi ni Pablo sa Roma 8:5–6, “Ang mga ayon sa laman ay nagsisikilala sa mga bagay ng laman, ngunit ang mga ayon sa Espiritu ay nagsisikilala sa mga bagay ng Espiritu. Sapagkat ang pag-iisip na nasa laman ay kamatayan, ngunit ang pag-iisip na nasa Espiritu ay buhay at kapayapaan" (aking pagsasalin). Kahanga-hanga ito. Ang iyong iniisip ay nagtatakda kung ito ay buhay o kamatayan. Marami sa atin ang naging masyadong pasibo sa ating paghahanap ng pagbabago, kaganapan, at kapayapaan. Sa palagay ko, sa ating panahon ng terapiya, nahulog na  tayo sa pasibong pananaw ng simpleng “pagsasalaysay ng ating mga problema” o “pagharap sa ating mga isyu” o “pagtuklas ng mga ugat ng ating kahinaan sa pinagmulan nating pamilya.” Ngunit nakikita ko ang isang mas aktibo at hdi-pasibong paraan ng pagbabago sa Bagong Tipan. Ito'y ang pagtatakda ng iyong isipan. “Itakda ninyo ang inyong mga isip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa lupa” (Colosas 3:2). Ang ating damdamin ay pinamumunuan  ng ating iniisip — kung ano ang namamahay sa ating mga isipan. Halimbawa, sinabihan tayo ni Jesus na labanan ang damdamin ng pag-aalala sa pamamagitan ng ating iniisip: “Isipin ninyo ang mga alitaptap . . . Isipin ninyo ang mga azucena” (Lucas 12:24, 27). Ang isipan ang bintana ng puso. Kung papabayaan nating palagi itong pamahayan ng kadiliman, mararamdaman ng puso ang kadiliman. Ngunit kung bubuksan natin ang bintana ng ating isipan sa liwanag, mararamdaman ng ang liwanag. Higit sa lahat, ang matinding kapasidad ng ating isipan na magpokus at mag-isip ay itinakda para sa alalahanin si Jesus (Mga Hebreo 12:3). Kaya't gawin natin ito: “Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay.”

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Makasalanan Ngunit Pinatawad

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Sep 26, 2024 2:52


Kilala natin si Jesus bilang isang great healer. Minsan, nagpagaling Siya ng isang paralitiko na ibinababa mula sa bubong ng kanyang mga kaibigan. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CBNAsia.org - Audio Podcast
The Rosie-Ronnie Castro story - Part 2

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Sep 17, 2024 29:53


Ang mag-asawang Rosie at Ronnie ay nagtrabaho sa Saudi.  Sila ay biniyayaan ng Diyos ng isang anak na lalaki, si Gabe.  Pinanganak si Gabe na masigla at malusog na bata.  Ngunit pagdating nito sa siyam na taong gulang ay nagsimula siyang nagkasakit.  Minsan ay sumakit ang ulo nito kaya isinugod siya sa ospital. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Mpox: What is it and how do you protect yourself from it? - Mpox: Anong sanhi nito at paano maging protektado?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 11, 2024 11:40


Australia has recorded at least 343 cases this year which is more than double the number during the last outbreak in 2022 when there 144 cases (as at August 28). The outbreak here is less severe than the type that's causing serious illness and deaths in Central Africa. But what is mpox? - Ang Australia ay nakapagtala ng hindi bababa sa 343 na mga kaso ng mpox nitong taon (base sa tala hanggang Agosto 28). Ito'y higit sa doble sa bilang noong outbreak noong 2022 kung saan naitala ang 144 kaso. Ang outbreak sa Australia hindi gaanong malala kaysa sa uri na nagdudulot ng malubhang sakit at pagkamatay sa Central Africa. Ngunit ano nga ba ang mpox?

SBS Filipino - SBS Filipino
‘Use it consistently': How some parents teach the Filipino language to their children - ‘Use it consistently': Paano tinuturo ng ilang mga magulang ang wika sa anak na dito na lumaki sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Aug 8, 2024 14:30


According to the Australian Bureau of Statistics, Filipinos account for 1.2% of Australia's total population, highlighting a growing community. However, as the community expands and Filipino-Australian children increasingly embrace Australian culture, many become disconnected from their heritage and language, often stating that they cannot speak their native tongue. - Ayon sa Australian Bureau of Statistics, ang mga Pilipino ay bumubuo ng 1.2% ng kabuuang populasyon ng Australia, nagpapakita na ito ay isang lumalaking komunidad. Ngunit, habang lumalawak ang komunidad, marami namang mga batang Pilipino ang nawawalan ng koneksyon sa kanilang pinagmulan at kadalasan ay hindi na sila marunong gumamit ng sariling wika.

Barangay Love Stories
Episode 389: "Butas ng Karayom"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jul 29, 2024 60:46


Biyuda na si Bella pero hindi naman naging mahirap ang buhay niya kasama ang kanyang unico hijo dahil sa pensyon ng yumao niyang mister. Bilang lalaki sa kanilang pamilya, protective si Max sa kanyang nanay Bella. Ngunit sobra-sobra ata ang pag-iingat ni Max dahil mahigpit siya sa lahat ng gustong manligaw sa kanyang ina. Pakinggan ang kwento ni Bella sa Barangay Love Stories.

Barangay Love Stories
Episode 388: "Tulad sa Koreanovela"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jul 22, 2024 68:04


Minsan hanggang imagination na lang ang kasiyahan na inaasam-asam mo. Tulad ni Winnie, para sa kanya pangarap na lang ang pagkakaroon ng lalaking magmamahal sa kanya. Matupad man o hindi ang pangarap na iyon, ayos lang dahil tanggap na niya ang kanyang kapalaran. Ngunit nagbago ang ikot ng mundo nang muli niyang makita ang childhood crush niya na naging unang bully rin niya. Pakinggan ang kwento ni Winnie sa Barangay Love Stories. 

Barangay Love Stories
Episode 385: "Hiram na Sandali"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jul 1, 2024 54:46


Araw-araw bumubuo ng alaala ang bawat tao. Sinasariwa kapag mag-isa, kinakapitan minsan kung nanghihina na. Ngunit ang mga alaala ni Cora, unti-unti nang naglalaho. Sa kabila nito, handa ang asawa niyang si Geraldo na ingatan ang mga alaalang ito kahit pa mapanakit ang mga ito. Pakinggan ang kwento ni Geraldo sa Barangay Love Stories. 

CCF Sermon Audio
Jesus: Over All | Julius Rayala

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Jun 11, 2024 72:33


Nais mo bang malaman kung sino talaga si Jesus? May mga nagsasabi na Siya ay isang propeta lamang, ang iba ay sinasabing Siya ay pari. Para sa ilan, Siya ay isang maimpluwensyang tao, o isang kathang-isip na karakter sa isang libro na nagtuturo ng mga aral sa moralidad. Ngunit si Jesus ay higit pa sa mga ito. Sino si Jesus para sa iyo? ABOUT THIS MESSAGE Speaker: Ptr. Julius Rayala Series: Jesus The Expression Of God's Love Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/06092024Tag

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Kung ngayon ay popular tayo, darating ang araw na malilimutan din tayo ng mga kasamahan natin. Ngunit dahil sa pagtanggap natin kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, God will never forget us.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the Show.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Crispy pata, bagnet at kwek-kwek patok sa lahat ng lahi': Pinoy restaurant owner sa regional Victoria

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 9, 2024 11:01


Ang pinag-halong impluwensiya ng iba't-ibang kultura ay makikita sa menu ng restaurant ng mag-asawang si Chef Antonio at Yzabel Lim sa Bendigo Victoria. Ngunit, agaw- pansin pa rin ang lasa ng mga lutuing Pinoy gaya ng crispy pata, bagnet at kwek-kwek.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Si God ang Big Boss Ko!

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Feb 29, 2024 2:28


Dedicated and hardworking concierge si Patrice sa Singapore. Ngunit nakakalungkot na isang katrabahong Pinay ang hindi naniniwala sa ganda ng performance na pinapakita niya.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Barangay Love Stories
Episode 364: "Toyo"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Feb 5, 2024 63:09


Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.

SBS Filipino - SBS Filipino
Is Intermittent Fasting for me? - Kumonsulta muna sa doktor bago subukan ang Intermittent Fasting

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 11, 2024 8:35


Intermittent fasting could be an effective strategy for some individuals looking to initiate a healthier lifestyle in 2024. However, a GP Specialist emphasises the crucial step of consulting with a healthcare professional before embarking on any new diet to ensure its suitability for individual health needs. - Ang Intermittent Fasting ay isang magandang opsyon para sa ilan na simulan ang mas malusog na pamumuhay ngayong bagong taon. Ngunit ayon sa isang GP Specialist, mahalaga na kumonsulta muna sa propesyonal bago simulan ang anumang bagong diyeta o pagbabago sa pamumuhay.

The Linya-Linya Show
285: Usapang Sex & Adult Content Creation w/ Salome Salvi

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Dec 31, 2023 99:23


Bagong taon na! Sa episode na ito, salubungin natin ang 2024 nang may mainit na pasabog! Kasama natin ngayon ang isa sa pinakasikat na Adult Content Creator sa Pilipinas na si Salome Salvi.     Nagsimula si Salome sa pagpa-publish ng adult content sa iba't ibang platforms tulad ng Twitter. Ngunit ngayon ay lumabas na siya sa malalaking productions tulad ng Vivamax.     Sa "For Adults Only" na usapang ito, mas kikilalahin natin si Salome at aalamin ang kaniyang hottest takes sa kultura at ugaling Pinoy pagdating sa sex, porn consumption, at iba pa. Open minded ka ba sa ganitong usapan?     Happy new year, and listen up, yo!   

SBS Filipino - SBS Filipino
Usap tayo: How to avoid online shopping scams - Usap tayo: Paano maiwasan ang mga online shopping scam

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 22, 2023 8:03


As Christmas is fast approaching, more people are seizing the opportunity to go Christmas shopping by visiting physical stores or simply shopping online. But before you add to cart, make sure to avoid online shopping scams. - Dahil malapit na ang Pasko, mas maraming tao ang sumasamantala sa pagkakataong mag-Christmas shopping sa pamamagitan ng pagbisita sa mga pisikal na tindahan o simpleng pamimili online. Ngunit bago ka mag-add to cart, siguraduhing maiwasan ang mga online shopping scam.

CCF Sermon Audio
Make Your Life Count: Live To Make A Difference | Paul De Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 22, 2023 86:14


Naisip mo ba kung ang buhay mo ba ay makabuluhan, at kung ikaw ba ay namumuhay para sa bagay na mas higit pa sa sarili mo? Ngunit sa dami ng bayarin at iba pang responsibilidad mahirap mag hangad ng anumang higit pa sa pang-araw-araw na gawain. Kaya pano nga ba magagamit ng ordinaryong tao ang mga talentong mula sa Diyos para makapagdulot ng pagbabago sa mundo? Alamin ang kasagutan sa pagpapatuloy natin sa ating aral ng 1 Korinto. Mangyaring huwag i-record o kopyahin ang video na ito. Sa halip, maaari ninyo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-share ng link. Speaker: Paul De Vera Series: Make Your Life Count Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/10222023Tag

Barangay Love Stories
Episode 338: "Takwil"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Aug 8, 2023 64:54


Hindi alam ni Joji at ng kanyang mga kapatid kung paano pakikisamahan ang kanilang ama na kung ituring sila ay parang hindi mga tunay anak. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin maiwan-iwan ni Joji ang amang malupit sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Joji sa Barangay Love Stories.

SBS Filipino - SBS Filipino
The property market recovers...but for how long? - Bumabangon ang bentahan ng bahay sa bansa ngunit hanggang kailan?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jul 28, 2023 5:31


Analysts say the recovery could soon slow, which opens the door for renters who are ready to buy. - Ayon sa mga analyst, maaaring mabagal na ang pag-angat ng presyo ng bahay, na nagbubukas ng pagkakataon para sa mga nagrerenta na handa nang bumili.

SBS Filipino - SBS Filipino
Changes to childcare subsidy aim to help ease financial burden on families - Pagbabago sa childcare subsidy layong makatulong mapagaan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilya

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jul 27, 2023 8:29


An estimated 1.2 million Australian families are expected to benefit from changes to childcare subsidy. But while childcare subsidies are increasing, so does childcare fee and inflation. - Tinatayang 1.2 milyong mga Australyanong pamilya ang makakabenepisyo sa kamakailang pagbago ng childcare subsidy. Ngunit habang tumaas ang tulong ng pamahalaan, ganun din ang pagtaas ng childcare fee at mga gastusin.

SBS Filipino - SBS Filipino
Could working from home be a thing of the past? - Ilang kompanya, binago ang polisiya ng working from home

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jul 18, 2023 7:19


The COVID pandemic fundamentally changed our attitudes to working from home, making it an accepted part of many roles. But just when we thought working from home was here to stay, some major companies have updated their policies to push more people back to the office. - Dahil sa pandemya, naging bukas tayo sa working from home. Ngunit habang ang iba ay naging komportable na sa nasabing set-up, binago ng ilang kompanya ang kanilang mga polisiya upang mas maraming empleyado ang bumalik sa opisina.

CCF Sermon Audio
Faith in God's Promises No Matter What | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Jun 18, 2023 78:08


Dumarating na ba sa punto na pinapalabas ka na sa “comfort zone” mo? Tuwing inihaharap tayo sa hindi natin nababatid, kinakailangan ay pananampalataya at kapit sa totoo at maasahan – ang mga pangako ng Diyos. Ngunit paano kung ang mga nangyayari sa atin ay parang kabaliktaran ng sinasabi ng Diyos na gagawin daw Niya?Alamin natin kung paano si Abraham, ang isang ama na sinubok ang pananampalataya, ay nakapagtapos nang maayos sa kabila ng mga hinarap na walang-katiyakan! Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: #WorthIt Watch The Full Message here:

Barangay Love Stories
Episode 329: "Right Time"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jun 5, 2023 81:14


Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, lalo na ang pag-ibig. Ngunit nang ma-realize ni Allen na mukhang hindi siya ang tamang lalaki para sa pinakamamahal niyang si Ria, sinukuan niya na lang ito. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories.

CCF Sermon Audio
When You're Down, Let God Lift You Up! | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Jun 4, 2023 77:41


Madaling maging masaya at mapalagay ang kalooban kapag maganda ang nangyayari sa ating buhay. Ngunit higit na mahirap panatiliin ang ganitong disposisyon kung tayo ay nalulugmok at may matinding pinagdadaanan. Paano nga ba tayo matatapos ng may katagumpayan kung tila ay nauubos na ang ating pag-asa sa buhay?Alamin kung paano tayo makakausad ng maayos anuman ang dumating na sitwasyon sa ating mga buhay, samahan niyo kami sa pagpapatuloy ng ating serye, #worthit Finish well Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: #WorthIt Watch the Full Message here: https://go.ccf.org.ph/06042023Tag

Barangay Love Stories
Episode 316: "Hugas-Kamay"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Mar 20, 2023 64:02


Wala nga ba talagang choice ang iba kaya nasasaktan nila ang taong malapit sa kanila? Nang ligawan ni Radge ang kababata niyang si Mylene, hindi agad siya sinagot ng dalaga pero nagsisi si Mylene nang malaman niyang may nililigawan nang iba si Radge. Ngunit babalikan ng binata si Mylene nang malaman niyang nabuntis ito matapos itong mapagsamantalahan. Pakinggan ang kwento ni Mylene sa Barangay Love Stories.