Podcasts about hangal

  • 13PODCASTS
  • 17EPISODES
  • 22mAVG DURATION
  • 1MONTHLY NEW EPISODE
  • Nov 11, 2023LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about hangal

Latest podcast episodes about hangal

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 12, 2023 – Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 11, 2023 3:53


Mabuting Balita l Nobyembre 12, 2023– Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.”   Pagninilay: Isinulat ni Fr. Anthony Capirayan ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Mga kapatid, sa oras na lilisanin na natin ang mundong ito at haharap na tayo sa Panginoon, masasabi kaya natin na puno-punong ang lampara ng ating buhay ng langis? —langis ng pagmamahal, Langis ng pagiging bukas-palad, langis ng pagtitiwala sa Diyos, langis ng pagpapatawad, langis ng pagiging magpagpasalamat, at langis ng mga mabubuting gawa.  Sana maghanda at magsumikap tayong lagyan ng langis ang ating buhay araw-araw upang patuloy itong nagliliwanag.  Nang sa ganoon, pagdating ng panahon na tayo ay kakatok doon sa pintuan sa langit, hindi itatanong sa atin ng Panginoon, “Sino kayo?”, kundi bubuksan niya nang malawak ang pintuan at sasabihing, “Pasok kayo.”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Oct 7 - Tayo'y Nagihintay Siya'y Gumagawa

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Oct 7, 2022 6:00


Sapagkat hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pandinig, o ang mata man ay nakakita ng Diyos liban sa iyo, na gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya. (Isaiah 64:4, ABTAG2001) Iilan lang ang nagbigay sa'kin ng higit na kagalakan kaysa sa katotohanan na gustong-gustong ipakita ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa pamamagitan ng pagkilos para sa akin, at ang Kanyang gawain para sa akin ay laging nauuna at pumapailalim at nasa anumang gawaing ginagawa ko para sa Kanya. Sa una, puwedeng magtunong mayabang tayo, at minamaliit ang Diyos, sa pagsabing gumagawa Siya para sa atin. Pero dahil lang ito sa konotasyon na employer ako at kailangan ng Diyos ng trabaho. Hindi 'yan ang nais ipahiwatig kapag binabanggit ng Biblia ang tungkol sa gawain ng Diyos para sa atin. Ni hindi ito nasa isip ni Isaiah nang sabihin niyang ang Diyos ay “gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya” (Isaiah 64:4). Ang tamang paghahalintulad ng pagsasabing ang Diyos ay gumagawa para sa akin ay ito: Bankrupt ako't kailangan ng magbabayad ng mga utang ko. Mahina ako't kailangan ng malakas na tao. Nanganganib ako at kailangan ng tagapagtanggol. Hangal ako't kailangan ng matalinong tao. Naliligaw ako't kailangan ng Tagapagligtas. Ibig sabihin ng pagkilos ng Diyos para sa'kin ay hindi ko kayang gawin ang gawain. Kailangang-kailangan ko ng tulong. At niluluwalhati nito ang Diyos, hindi ako. Nakakakuha ng kaluwalhatian ang Tagapagbigay. Nakakatanggap ng papuri ang Makapangyarihan. Pakinggan ang paraan ng pagbanggit sa Biblia tungkol sa pagkilos ng Diyos para sa 'yo, at maging malaya sa pagpasan ng iyong sariling pasanin. Hayaang gawin Niya ang gawaing iyan. “Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo” (Isaiah 64:4). “Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan” (Mga Gawa 17:25). “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Mark 10:45). “Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan” (2 Cronica 16:9). “Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin . . . Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin” (Mga Awit 50:12, 15). “Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan” (Isaiah 46:4). “Nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin” (1 Corinto 15:10). “Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan” (Mga Awit 127:1). “Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 4:11). “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan . . . sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Mga Taga Filipos 2:12–13). “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago” (1 Corinto 3:6).

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l AGOSTO 26, 2022 – BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 25, 2022 5:16


MABUTING BALITA AGOSTO 26, 2022 – Biyernes sa Ika – 21 na Linggo sa Karaniwang Panahon Santa Maria de Jesus Crucificado Ebanghelyo: Mt 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.” Pagninilay: Naranasan mo na bang maiwan? Magkakahalong hirap, lungkot at sakit ‘di ba? Minsan, naranasan ko ring maiwanan. Nag hihintay ako sa isang motorsiklo na sasakyan ko sana mula sa paaralan pauwi sa aming barangay. Medyo natagalan bago dumating ang kausap kong motorsiklo kaya pumunta muna ako saglit sa isang kakilala. Naisip ko na baka medyo matagal pa siguro yun bago dumating. Pagbalik ko, sinabihan ako ng mga nakatambay sa daan na naka-alis na ang motor na kausap ko. Kaya wala akong ibang nagawa kundi maglakad na lang pauwi. Sa ebanghelyo, ang mga naghihintay sa Paghahari ng Diyos ay ihinalintulad sa sampung dalaga. Tulad nila, hindi natin hawak ang panahon sa ating mga kamay. Kaya ng dapat lagi tayong handa. Ngunit madalas ay mainipin tayo sa paghihintay. Iniisip natin na "Matagal pa naman yun", o kaya'y “Pwede pa naman siguro akong magliwaliw muna at gumawa ng kalokohan. May panahon pa naman ako para magsisi at hindi pa naman ako siguro kukunin ni Lord.” Mga kapatid, hindi natin alam kung kalian magaganap ang mga huling araw. Hindi natin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari bukas at sa mga susunod pang mga araw.Sa ating pagwawalang bahala at maling akala, baka maiwan tayo. Kaya nga kung maaari naman na gumawa ng kabutihan ngayon, huwag na nating ipagpabukas. Lagi tayong inaanyayahan ng Diyos na gumawa ng kabutihan araw araw. Kahit kailan dumating ang takdang panahon, daratnan tayong sisik ng kabutihan ang ating puso at handang tanggapin ang Paghahari ng Diyos sa ating buhay. Sem. Kerence Fritz Faderanga, SSP

Zártosztály
Az ellenség kukaca

Zártosztály

Play Episode Listen Later Jun 20, 2022 46:09


Szörnyű összeesküvésekre derítünk fényt! Nyár előtti utolsó adásunkban számos olyan téma kerül elő, ami miatt a visszatérésünk bizonytalanná válik. Koffein szájspray és egyéb intenzív gyorsítók ☕

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 27, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 26, 2021 5:05


MABUTING BALITA | AGOSTO 27, 2021 Biyernes sa ika -21 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.” PAGNINILAY: Lagi ka bang handang salubungin ang Panginoon anumang oras? Ang larawan ng limang dalagang hangal at limang dalagang marunong ay larawan ng ating mga sarili habang hinihintay ang Panginoon. Ang kanilang dalang mga lampara ang katunayan na sila nga ay handa. Puno ng langis ang lampara ng mga dalagang marunong. Hindi kulang at maliwanag hanggang sa pagdating ng Panginoon. Hindi naman sapat ang langis ng mga hangal. Aandap-andap ang mga ito at walang liwanag upang sumalubong sa Panginoon. Saan tayo nabibilang sa dalawang grupong ito ng mga dalaga? Puno ba ng langis at maliwanag ang ating mga lampara? Sa Biblia, ang kaharian ng Panginoon ay madalas inihahalintulad sa isang kasalan. Noong unang siglo pa lamang sa kasaysayan ng simbahan, ang lalaking ikakasal ay larawan na ni Kristo, samantalang ang babaeng kasintahan naman ay ang simbahan. Ang lahat ng kasapi ng simbahan ay inaanyayahan sa masayang pagdiriwang na ito. Ang lahat ay tinatawag na maging handa sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang mga handa ay tatawaging marunong; makakapasok sila sa loob kasama ang lalaking kasintahan; ang mga hindi handa nama'y tatawagin hangal; mananatiling silang malayo at nasa labas ng kaharian. – Sr. Nimfa Ebora, PDDM | Disciples of the Divine Master PANALANGIN: Ama, nais po naming maging handa sa iyong pagdating. Puspusin mo kami ng karunungan na nanggagaling sa iyong Espiritu upang punuin namin ng langis ng mabubuting gawa at langis ng pagmamahal sa kapwa ang aming mga lampara. Nang sa gayon, manatiling nakasindi ang aming ilaw sa oras na kami'y tawagin mo sa iyong tahanan. Amen.

ETV Bharat Kannada News
Kannada News June 9 2021 6pm | ETV Bharat Karnataka | C M Udasi| KERC | PV Narasimha Rao| ICC|

ETV Bharat Kannada News

Play Episode Listen Later Jun 9, 2021 5:06


ETV Bharat Karnataka news in kannada for June 9 2021 6pm is about BJP Senior MLA C M Udasi funeral in Hangal, Haveri district, KERC has approved an average increase in tariff by 30 paise per unit, Former PM PV Narasimha Rao's most trusted private secretary Ram Khandekar passed away, ICC Test Rankings : Jadeja rises to No. 2 in all-rounders list, Rohit moves up a spot in batting ranking and several other news, for more live news download Etv Bharat Download ETV Bharat on App store – https://apps.apple.com/in/app/etv-bharat/id1453416186 Play Store – https://play.google.com/store/apps/details?id=com.etvbharat.android Or watch us live on – www.etvbharat.com ETV Bharat is d Division of Ushodaya Enterprises Pvt. Ltd. , is a comprehensive digital national news platform conceived to deliver seamless news and information services, using video-centric Mobile App and Web Portals. It is first-of-its kind offering in India in terms of diversity and depth, dedicated journalists network, reach of 24 states with services in 13 languages i.e.– Hindi, Urdu, Telugu, Tamil, Kannada, Malayalam, Gujarati, Marathi, Bengali, Punjabi, Assamese, Odia and English. ETV Bharat is the latest initiative of the five-decade old multi-dimensional Ramoji Group. The Group's highly successful media endeavors include : Eenadu - one of the largely circulated language dailies in the country , and ETV Network with Telugu general entertainment, infotainment and news channels. With a strong lineage of the most trusted media house, ETV Bharat would draw on its strengths of decades' long experience and innovation. ETV Bharat will combine the new technologies of mobile and digital media to engage news and information seekers in a new connected world. It will be driven by well-established news gathering setup, technology specialists and other professionals.

Mt. Zion Baptist Missions Philippines
Bakit Siyang Tinawag Hangal ng Dios?

Mt. Zion Baptist Missions Philippines

Play Episode Listen Later May 2, 2021 38:00


Classic Movie Reviews
Episode 152 - Bawarchi

Classic Movie Reviews

Play Episode Listen Later Apr 17, 2020 26:12


“Bawarchi” (The Chef) 1972 takes us to Shanti Niwas (abode of peace) where we meet the large Sharma family. Director Hrishikesh Mukherjee’s film tells the story of the squabbling Sharma family headed by the eccentric Daduji played by Harindranath Chattopadhyay. Daduji’s personality leads to frequent turnover in the cook job. Moreover, the family difficulties also add to the problem of retaining staff.The situation is changed when Raghu played by Rajesh Khanna (the first superstar of India cinema) shows up and is hired as the cook. He meets the many challenges within the family and begins the process of bringing the family back together. The cast of Jaya Bhaduri as Krishna Sharma, Usha Kiran as Shobha Sharma, Ramnath Sharma played by A.K. Hangal, Asrani as Vishwanath Sharam and several others make this movie an engaging and enjoyable learning experience for us. We hope you will enjoy this film and its view of life within the Sharma family.Here’s the IMDB page for “Bawarchi”Up next it’s “The Lavender Hill Mod” starring Alex Guinness and Stanley Holloway. This episode is available now for Patrons over on Patreon.After that it’s “The Day of the Jackal” a tightly written, acted and directed thriller.Support the show by becoming a Patron

Movie Wala Podcast
2: S06E2: Namak Haraam (1973) - Sexy, Angry Amitabh Bachchan

Movie Wala Podcast

Play Episode Listen Later Jan 20, 2020 34:37


Namak Haraam (English: Traitor) is a 1973 Indian Hindi-language drama film directed by Hrishikesh Mukherjee (https://en.wikipedia.org/wiki/Hrishikesh_Mukherjee) . The music is by R.D. Burman (https://en.wikipedia.org/wiki/R.D._Burman) , the screenplay by Gulzar (https://en.wikipedia.org/wiki/Gulzar_(lyricist)) , and lyrics by Anand Bakshi (https://en.wikipedia.org/wiki/Anand_Bakshi) . The film stars Rajesh Khanna (https://en.wikipedia.org/wiki/Rajesh_Khanna) and Amitabh Bachchan (https://en.wikipedia.org/wiki/Amitabh_Bachchan) . It also stars Rekha (https://en.wikipedia.org/wiki/Rekha) , Asrani (https://en.wikipedia.org/wiki/Asrani) , Raza Murad (https://en.wikipedia.org/wiki/Raza_Murad) , A.K. Hangal (https://en.wikipedia.org/wiki/A.K._Hangal) , Simi Garewal (https://en.wikipedia.org/wiki/Simi_Garewal) and Om Shivpuri (https://en.wikipedia.org/wiki/Om_Shivpuri) . Two young men (Amitabh Bachchan and Rajesh Khanna) from very different backgrounds, one from a shanty house in a Delhi slum, the other from a very wealthy Calcutta family, forge a friendship which is then put to the ultimate test.   Podcast Episode Summary: We talk about the placement of all the songs in this movie We talk about Hrishikesh Mukherjee's world of cinema We talk about the title of the movie Quotables: The world this was set in was so different form that of Zanjeer - Tanvi Why is capitalism so bad again? - Tanvi The movie was so tightly written, that I don;t have any specific favourite scenes - Flo At no point are you really irritated by Amitabh, maybe because he is hot? - Flo

Millásreggeli • Gazdasági Muppet Show
Forint, bicajozás, hangaláírás  - 2020-01-15 06 óra

Millásreggeli • Gazdasági Muppet Show

Play Episode Listen Later Jan 15, 2020


Morgós szerda lenne, de mi inkább az érdekes utónevekkel foglalkoztunk, meg azzal, hogy 2015-ben napra pontosan ezen a napon volt, hogy a svájci jegybank megszüntette a svájci frank euróhoz kötött 1,2-es átváltási árfolyamát. A svájci frank árfolyama hirtelen 20%-ot emelkedett egy napon belül, történelmi mélypontot ért el a forint árfolyama az euróval szemben, ahogy a svájci frankkal is, ami 484 forint fölött járt. Budapesti rovatunkban Ludman Katalin, a járókelő.hu kampánykoordinátora mondta el a legfrissebbeket, bicajozási tapasztalatok, biciklitárolási problémák, zebra kérés Pécsett, és parkolási anomáliák voltak terítéken. Kkv rovatunkban volt szó pályázatról és digitalizációról, utána pedig azzal foglalkoztuk, hogy mi az a hangaláírás és mik a tapasztalatok. Holló Bence, a Cofidis Magyarországi fióktelepének ügyvezető igazgatója mondta el.

Lehren Diaries
When Balasaheb Thackeray Had Put A Ban On A K Hangal Movies

Lehren Diaries

Play Episode Listen Later Aug 27, 2019 2:29


Legendary Bollywood actor A.K Hangal once in an interview said, "My film career was doing well when Shiv Sena supremo Bal Thackeray put a ban on me in 1993 because I went to Pakistan". To know more watch the video. 

Get Out
Episode 031 - Sanjna Hangal & Vathsala Rangegowda | Co-founders of Trippy Wheels

Get Out

Play Episode Listen Later May 25, 2019 91:15


Trippy Wheels is a fun caravan rental company that encourages affordable slow travel experiences, currently in India. Choose from their fleet of cheerful caravans and embark on inspirational journeys with your friends and family. See the website Follow on Instagram Like on Facebook Watch on YouTube Chat on Twitter Sanjna Hangal is an automotive engineer and the co-founder of Trippy Wheels. Living in Sweden for six years, she has grown to appreciate caravanning and camping, especially involving music festivals in the pristine Swedish countryside. Vathsala Rangegowda is an interior designer, painter, and the co-founder of Trippy Wheels. After road trips across Europe, and a fortnight of caravanning in Norway, she can now be seen showing off yoga moves during her caravanning trips back home. Listen to their initial caravan adventures in Scandinavia, to now promoting a minimalist travel lifestyle with caravan culture in India. ******* Also mentioned in this episode:Abhishek Vishnu Agumbe Airbnb All India Overland All OK Analisa Ankita Kumar Arijit Das Baadal Nanjundaswamy Bonito Designs Cafe Coffee Day Caravan Chronicles Couchsurfing El Toro (fleet) El Zoro (fleet) Hampi Hingaara Into The Wild (fleet) Into The Wild James May Jeremy Clarkson Jyotsna Ramani Kamal Kanasu (fleet) Kiro KSRTC Luna Mercedes Benz 69 Caravan Mullayanagiri Hills Nethra NIFT OLX Omni Pandi Curry Prajavani RangiTaranga Rashmi S Richard Hammond Ruchitaa Shankar RTO Sadith Samson Joseph Sara Serrasolses Brothers Sharanya Iyer Shashank Hegde Shubhan Dharmsktu Simon Andermo Summer of Love (fleet) Tanushree The Grand Tour Top Gear Urkult ZoomCar******* Show cover jingle courtesy of Icons8 Music by Nordgroove from Fugue Episode background tune courtesy of Icons8 and YouTube Audio LibraryMusic by Bimbotronic from Fugue Miles Beyond by Quincas Moreira

Creative Disturbance
Traversing Raagas with Deepa Ganesh (Part 2)

Creative Disturbance

Play Episode Listen Later Jul 6, 2018 15:08


In part two of Traversing Raagas, Deepa Ganesh discusses her experiences with Gangubai Hangal, who was a Indian Classical Singer of the Khyal genre from the Kirana Gharana in Hindustani Classical Music. Gangubai lived a simple, humble life in Hubli, a city in the state of Dharwad in Karnataka. She was always generous and kind to all the people around her, often sharing sweets, cheer and joy. After meeting her for a brief time during Gangubai's birthday, Deepa wrote an article on her for Frontline and the response to the article was huge. In reply to this response, Three Essays, a publisher based in Delhi, commissioned Deepa to write a book on her. Deepa lived with Gangubai inside her house and started writing the book in 2007. Gangubai faced several difficulties in her life due to the caste system and gender inequalities where women were discouraged from taking up singing as a form of employment. Deepa published the book "A Life in Three Octaves" in 2013, which chronicled the life and fond memories of Gangubai Hangal. Her legacy continues through her voice and soulful music.  At the end of this podcast, we hear Gangubai Hangal's recital of Raag Shuddha Kalyan. Bumpers by Hamid Hassan ​ Book link: A Life in Three Octaves:  https://www.amazon.com/Life-Three-Octaves-Musical-Gangubai/dp/8188789933

Movie Wala Podcast
3: S2E3 - Bawarchi - Top 10 Family Dramas

Movie Wala Podcast

Play Episode Listen Later May 8, 2018 31:07


Bawarchi -  directed by Hrishikesh Mukherjee starring Rajesh Khanna and Jaya Badhuri with Asrani, A.K. Hangal, Usha Kiran and Durga Khote in supporting roles - It is a story about a cook who brings a joint family together.You can listen and subscribe to our podcast on iTunes / Stitcher / TuneIn or on YouTube. You can also listen to this episode right here on this player below. Podcast Episode Summary: • We talk about minimalism and how Hrishikesh Mukherjee's movie sets and clothes are all about it • We talk about the inspiration behind this story. • We talk about how there were no gray dimensions to the characters but that did not really bother us too much and how the movie is still so good after so many years Quotables: I wonder if it was a satire or if that's what he actually thought of ..about women and families - Tanvi We are living in a time of excess - Flo There are no gray characters- Tanvi It's not about which car you are driving but about where you graduated from - Flo Find us on Instagram

family dramas tanvi quotables rajesh khanna asrani hrishikesh mukherjee hangal
Puzsér Podcast | Önkényes Mérvadó
hangalámondás, VHS - tegeződés, magázódás [ÖM #178]

Puzsér Podcast | Önkényes Mérvadó

Play Episode Listen Later Jul 10, 2016


Puzsér Róbert, Horváth Oszkár, Boros Gábor

Our Weekly Cookie Podcast
OWC 001 - Mayamang Hangal

Our Weekly Cookie Podcast

Play Episode Listen Later Feb 25, 2016 9:28


Theme: Mag-impok ng Kayamanan sa Langit Kaibigan, kung ikaw ay bibigyan ng isang milyong piso, anong gagawin mo dito? Siguro, ipagagawa mo ng bahay o ipamimili mo ng kailangan mo, o baka ipambabayad ng utang o kaya naman itatayo ng negosyo. Ano bang gagawin mo? Mayroon akong kuwento sayo patungkol sa isang mayaman na umani ng sagana.Pakinggan mo kung anong plano niyang gawin sa kanyang ani. Ang maikling kuwentong ibabahagi ko ay matatagpuan sa Lukas kabatana 12, mga talatang 13-21. Ang Talinghaga Tungkol sa Isang Mayamang Hangal Ang bukirin ng isang mayaman ay umani ng sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Oo, doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! Marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom at magsasaya!Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan an sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos. Lukas 12:13-21 Ayon sa kuwento, mayroong isang mayaman na sobrang dami ng ani kaya naisip niyang mamahinga at magpakasaya na lang sa buhay. Akala niya mangyayari ang mga plano niya ngunit sa oras ding iyon, binawi ng Diyos ang buhay niya. Sa madaling salita, siya ay namatay. Ang buhay nga natin dito sa mundo ay walang katiyakan. Walang katiyakan kung hanggang kailan tayo mabubuhay at kung kailan tayo mamamatay. Magpayaman man tayo nang magpayaman, mapapakinabangan natin ito pansamantala pero paano kapag tayo ay patay na? Sinasabi sa Mateo kabanata 6, talatang 20-21, “Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” Ang mga talatang ito ay nagsasabing mas bigyan natin ng pansin ang pag-iipon ng kayamanan sa langit kaysa sa kayamanan ditto sa lupa. Magagawa nating makapag-ipon ng kayamanan sa langit sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, pagtanggap sa kanya sa ating buhay, pagkaroon ng relasyon sa Kanya, paglingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Ngunit hindi ko naman sinasabi na hindi na tayo magtatrabaho o mag-iipon ng pera. Kailangan pa rin iyon. Mas bigyan lang ng halaga ang mga bagay patungkol sa Diyos dahil ang sinumang nagpapahalaga sa kanya ay hindi naman niya pababayaan. Manalangin tayo. Panginoong Diyos, lumalapit po kami sainyo at nagpapakumbaba. Patawarin niyo po kami dahil nakatuon lang ang aming isip at puso sa mga bagay ditto sa mundo. Baguhin niyo po kami at tulungan niyo po kaming makapag-impok ng kayamanan diyan sa langit. Tulungan niyo po kami na makilala pa naming kayo ng lubusan. Gamitin niyo po ang aming buhay upang makapaglingkod kami sa inyo. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen. ~ Story by Janeth Dasco