POPULARITY
Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama't foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo't artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase niyang si Rica. At ang mahiyaang foreignoy, napasagot ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Alejandro sa Barangay Love Stories.
Isusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.
Ang buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
Matagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkaroon sila ng malaking pagtatalo, napatawad pa rin nila ang isa't-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niya iyon. Pakinggan ang kwento ni Patrice sa Barangay Love Stories.
Si Jaq ay isang babae na may pusong lalaki. At nang makilala na niya si Krissa - ang babaeng gusto niyang ligawan, problema naman ang dala ni Inno na kuya ni Krissa. Wala namang kaso kay Krissa ang kasarian ni Jaq pero hindi niya rin talaga bet si Jaq. Lalo't hindi rin naman boto si Inno kay Jaq dahil si Inno, nagugustuhan na rin pala ni Jaq. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.
Iwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.
Walang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit papaano pero nang mag disiotso na si Coleen, ninais niya namang makabalik sa pag-aaral pero ito'y ikagagalit pala ng kanyang nanay. Pakinggan ang kwento ni Coleen sa Barangay Love Stories.
Ang work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.
Misis, hinihintay pa rin si mister na matagal nang hindi umuuwi. Matagal na panahon na pero ang landlady ni Innana, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na uuwi pa rin ang mister niya. Kaya sariwain ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo dahil walang oras ang pareho sa pagtakbo ng bawat segundo. Pakinggan ang kwento ni Innana sa Barangay Love Stories.
In this episode, Stanley Chi and Czar talk to Edu and Kat Legaspi, the owners of Rainbow Scoops Ice Cream, about their journey from being employees to becoming business owners. Pakinggan kung paano nila sinimulan ang negosyo, nalampasan ang challenges, at natutunang maging Imortal sa entrepreneurship.⸻Join the Suplado Community:• Team Suplado Discord: https://discord.gg/WjhgJSRfAN• Underpaid FB Group: https://www.facebook.com/groups/1330205921240849/Follow Suplado MotorsFB, TikTok, IG & YouTube: [@supladomotors]Follow Stanley Chi• FB: [@stanleychifanpage]• TikTok: [@_stanleychi]• IG & YouTube: [@stanleychi] Watch the video podcast on TPN's YouTube:www.youtube.com/ThePodNetworkEntertainmentFor any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.
Kinailangan magsipag ni Ara para maging maayos ang kanyang buhay at syempre idadamay niya ang kanyang pamilya roon. Kaya kahit na nakuha na niya ang mga gusto niya, hindi niya tinigil ang paghangad pa nang mas mataas at malawak na pangarap. Kaso dahil sa pagiging workaholic niya, naging matamlay ang relasyon niya sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan. Kasabay noon ang paghiling pa ni Ryan na magkaroon na sana sila ng anak pero ayaw niya talaga muna itong pagbigyan. Pakinggan ang kwento ni Ara sa Barangay Love Stories.
Kapag tanggap mo ang isang bagay, hindi ito kailangang pagtiisan nang sobra kaya maging tapat dahil panloloko lang sa sarili kung nagkukunwari ka lang pala. Pakinggan ang kwento ni Roda sa Barangay Love Stories.
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil ikaw lang ang nakakakilala kung sino ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Lorie sa Barangay Love Stories.
Nang maulila si Jeboy kaya napunta siya sa kanyang masungit na tiyahin. Pero nang humingi siya ng tulong dito dahil pinagsasamantalahan pala siya ng kanyang tito, imbes na ipagtanggol ay pinalayas pa siya nito. Masipag naman si Jeboy, maraming pinagdaanan pero walang sinukuan. Hanggang isang araw, nakilala niya sa inuman si Rafa. Lalalim ang kanilang pagkakaibigan at sa paglipas ng panahon, hindi niya aakalaing magagawa sa kanya ni Rafa ang isa sa kanyang kinakatakutan. Pakinggan ang kwento ni Jeboy sa Barangay Love Stories.
Ang pag-ibig ay isang bisyo na kapag hindi na-kontrol, ginagawang sakim at makasarili ang isang tao. Pakinggan ang kwento ni Sabel sa Barangay Love Stories.
Samahan mo ang iyong anak sa pag-abot ng kanyang pangarap at huwag siyang itali sa sarili mong mga layunin. Tulad ng mukhang-perang tatay ni Arlan, na binugaw siya sa foreigner para mas madali ang pasok ng salapi sa pamilya. Pakinggan ang kwento ni Arlan sa Barangay Love Stories.
Aminado si Joana na matatakutin siyang tao. Pero sa kabila nito, mas pinili niyang manirahan nang mag-isa sa apartment dahil akala niya mas matatahimik siya kapag ganun. Hanggang sa isang araw, may nag-iwan ng box sa labas ng kanyang pintuan kasama ang isang sulat na para bang tinatakot at pinagbabantaan siya. Ang masaklap, nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa pati sa loob ng kanyang apartment ay para bang may nagpaparamdam na rin pero hindi nila ito makita-kita. Pakinggan ang kwento ni Joana sa Barangay Love Stories.
Magandang abilidad ang pagiging determinado pero mas mainam ito kung mabuti ang hangarin mo. Pakinggan ang kwento ni Michael sa Barangay Love Stories.
Happy Halloween 2025, Campers! The Harbingers of Horror are back, Anton and Manila. More stories na dagdag sa mga hit kwentos nila from the years of the show. Pakinggan natin sila ulit! Here are the other Anton and Manila episodes:Episode 128https://open.spotify.com/episode/47szhfmhpmBxtPj7qC1hET?si=e2dafd7f57ad484bEpisode 129https://open.spotify.com/episode/2mWN7mCRj3iHyXtlZvGcMH?si=57344544c9c24f37Episode 168 https://open.spotify.com/episode/5vEWl5OTFSBvjLQKELDQAC?si=68e2e7eb7697432dEpisode 170https://open.spotify.com/episode/6wd5eQEKCXhEmReMgw6U87?si=8fdf6ea851b94904 Leave a comment in our Spotify comment section! AUDIO LINK- Listen for free via: bit.ly/PhCampfireStories You can reach us via email: campfirestoriesph@gmail.comLike, Follow and Join us in our social media channels! Facebook: https://www.facebook.com/campfirestoriesphFB Group Chat Messenger: https://m.me/ch/AbYn72dEVFyi8-B6/?send_source=cm:copy_invite_linkYoutube: youtube.com/@philippinecampfirestoriesInstagram: https://www.instagram.com/campfirestoriesphTikTok @campfirestoriesph Please send us tips! GCash Send to: +639178807978Paypal Find my account using earlm.work@gmail.comPatreon Send money to patreon.com/campfirestoriesph Audio Production by The Pod Network Entertainment Enjoy a good game of BingoPlus! — the first online poker casino in the Philippines. Licensed by Pagcor. Get it at Google Play and App Store, or visit www.bingoplus.com. Gaming is for 21-year-olds and above only. Gambling can be addictive know when to stop. #podcastph #philippinecampfirestories #santelmosociety #pinoyhorror #pinoypodcast #horror #horrortok #horrorstory #horrorstories #tagaloghorrorstory #ghostmode #kakatakot Support this show http://supporter.acast.com/philippinecampfirestories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Baka pwede kang maging milyonaryo kung may makukuhang piso sa bawat sinasabi ng mga taong naiinggit sa'yo. Pakinggan ang kwento ni Miriam sa Barangay Love Stories.
Isa na namang character unlocked sa mundo ng Filipino battle rap at hip hop. Isang karangalan ang makasama at makapanayam natin ang lente sa likod ng mga pinaka-iconic na litrato sa mga eksena ng FlipTop, pati na sa local music scene at large. Isang music photojournalist na dalawang dekada nang humuhuli ng mga sandali at pumipitik ng mga saglit— mula rock concerts hanggang rap battles. Nakasama na sya sa tours ng mga bandang tulad ng Greyhoundz, Rivermaya, Spongecola, Kamikazee, UDD,, at marami pang iba. Point-of-view naman nya ang tututukan natin ngayon. Sa kaliwa ko, mula Pasig City pa para sa inyo, ang official photographer ng FlipTop Battle League– mag-ingay para kay Ma'am Niña Sandejas!Pakinggan ang bagong episode ng Bara-Bara, ang podcast series collaboration FlipTop Battle League at ng Linya-Linya. Game!
Hindi madaling ibigay ang tiwala sa isang tao lalo kung nadurog ka na nang unang beses na binigay mo ito. Tulad ng naranasan ni Evelyn, hindi mabubura ng isang sorry ang trauma na inabot niya sa kanyang asawa. Kaya nang muling magparamdam sa kanya ang pag-ibig, imbes na yakapin nang buo, itinulak niya papalayo si Vino. Si Vino na walang sawang sinuyo si Evelyn pero kahit naging sila na, hindi maalis-alis ni Evelyn ang pagdududa. Pakinggan ang kwento ni Evelyn sa Barangay Love Stories.
Huwag umasang masusuklian sa ginagawang kabutihan dahil ang biyaya ay dumarating sa mga taong malinis ang kalooban. Pakinggan ang kwento ni Erol sa Barangay Love Stories.
Sadyang may mga tao na kung mag-deny ay todo pero isang kalabit lang, bibigay na agad sa tukso. Pakinggan ang kwento ni Mabel sa Barangay Love Stories.
“Only hurt people, hurt people” – narinig mo na ba ang kasabihang iyan? Madalas nahihirapang magmahal ang ibang tao dahil buong buhay nila, wala silang natanggap na tamang pagmamahal. Ganyan ang ex GF ni Leon, aware din siya na red flag ang dalaga pero kahit na ganun, habol pa rin siya nang habol dito. Buti na lang ay nakilala niya si Lucy, ang babaeng magpaparanas sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pakinggan ang kwento ni Leon sa Barangay Love Stories.
Kapag ang relasyon ay hindi nailaban sa mga sumasawsaw, mapapagod lang ang puso at baka tuluyang bumitaw. Pakinggan ang kwento ni Janet sa Barangay Love Stories.
Hindi mabubuwag ang pamilya kapag may tiwala sa isa't-isa at ang respeto'y hindi dapat mawala hanggang sa huling paghinga. Pakinggan ang kwento ni Radni sa Barangay Love Stories.
Bago ka pumasok sa isang relasyon, hilumin mo muna raw ang iyong trauma. Pero para sa tulad ni Patring na desperado nang makatakas sa tahanang puro pasakit ang binibigay sa kanya, wala na siyang oras para maghilom at ayusin ang buhay niya. Kaya nang dumating si Dennis, hindi na niya ito pinakawalan pa. Sobrang mapagmahal at mapagpasensiya ni Dennis bilang karelasyon pero inabuso ni Patring iyon. At nang mabuntis siya nang hindi inaasahan, hindi nagbago ang pagbubunganga niya kay Dennis, mukhang mas lalo pa itong lumala. Pakinggan ang kwento ni Patring sa Barangay Love Stories.
Marie Kondo ng friends and priorities. Weekly reminder sa mga kaganapan tungkol sa korapsyon at ang bagong gamit ng National ID! Pakinggan niyo na habang mainit pa!
May tao talagang hindi malapitan dahil siya'y pinoprotektahan at kung ayaw ng kaguluhan, wala nang pakialamanan. Pakinggan ang kwento ni Orson sa Barangay Love Stories.
Alam mo ba na kahit sa mga bansang ARABO na majority Muslim, dumarami ang mga Katoliko at Kristiyano?
Lahat ng bagay na may renta ay kadalasang pansamantala. At kapag ito'y hindi binalik sa tamang oras, baka maging sanhi ito ng sumbat at pintas. Pakinggan ang kwento ni Nieves sa Barangay Love Stories.
Sa pagkawala ng mama at lolo ni Jameson, kinailangan nila ng lola niya na umuwi sa isa pa nilang bahay para mas makatipid sa pera. Kaso ang bahay na iyon, tinitirahan ng bunsong kapatid ni lola Nancy. Wala naman sanang problemang tumira kasama ang isa pang lola ni Jameson lalo pa't kina lola Nancy naman talaga ang bahay at nakikitira lang si lola Susan. Kaso nang dumating sa bahay ang maglola, para bang ibang tao ang trato sa kanila ng nagre-reynahan na si lola Susan. Pakinggan ang kwento ni Jameson sa Barangay Love Stories.
Inspirado ang isang tao kapag may napupusuan ito pero minsan ang pagmamahal nang palihim ay mahirap para sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Jam sa Barangay Love Stories.
Ang sagwan ay instrumento para malakbay ang ilog na tatawirin pero kung dalawang ilog ang gustong pamangkaan, malamang ay hindi makakarating sa pupuntahan. Pakinggan ang kwento ni Naya sa Barangay Love Stories.
Lahat ng bagay ay nadaraan sa masinsinang usapan at makakaiwas sa problema kung susunod lang sa napagkasunduan. Pakinggan ang kwento ni Rich sa Barangay Love Stories.
Nangangarap ang karamihan na lumipad at maglakbay sa labas ng bansa at nagbabakasakaling matakasan na nila ang hirap ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Matteo sa Barangay Love Stories.
May mga kasalanang madaling palagpasan pero mayroong ding nagiging ugat ng panghabang buhay na sakit. Kaya nang nalaman ni Maribel na hindi siya inako ng kanyang ama at pinagbintangan pang pakawalang babae ang kanyang ina, buo na ang desisyon niyang hindi na patawarin ang malupit at mayabang niyang ama. Pakinggan ang kwento ni Maribel sa Barangay Love Stories.
Pagmulat sa umaga hanggang sa pagpikit ng mata, hindi mawawalay sa isipan ang pag-ibig sa anak ng isang ina. Pakinggan ang kwento ni Calvin sa Barangay Love Stories.
Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo. Kung gusto ng tahimik na buhay, tratuhin lalo nang maayos ang kapitbahay. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.
Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Maryjoy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chealsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Maryjoy para buhayin sila at pag-aralin siya pero luho pa rin niya ang inuuna niya. Mahal ni Maryjoy ang kapatid niya kaya pilit niya itong iniintindi at dinidisiplina, buo pa ang pag-asa niyang magbabago ito. Ngunit hindi pala lahat ng kamalian ni Chelsea ay mapapalampas niya. Pakinggan ang kwento ni Maryjoy sa Barangay Love Stories.
Doble ang balik sa may mga masamang gawain dahil bilog ang mundo at hindi napipigilan ang pag-ikot nito. Pakinggan ang kwento ni Philip sa Barangay Love Stories.
Deserve mo ang kaligayahan, kaya laban lang dahil makakamtan mo rin ang bagay na sa iyo ay tunay na nakalaan. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.
Matagal-tagal na ring naghihintay ng taong mamahalin si Eldrin. Kaya nang makilala niya si Celeste, nabuhay ang nananahimik niyang mundo. Bakasyonistang nag mo-move on si Celeste, at si Eldrin naman ang transient owner na nag-offer na maging tour guide niya. Mabilis nagkagaanan ng loob ang dalawa sa maikling panahon nilang pagsasama kaya kahit nakauwi na si Celeste, hindi nawala ang communication nila. Lumipas ang mga buwan, sinubukan sanang manligaw ni Eldrin kaso hindi pa raw talaga handa ang dalaga na pumasok sa bagong relasyon. Kaya nang dumalang ang pag-reply ni Celeste, nirespeto naman ito ni Eldrin saka nagdesisyong mag-deactivate na lang muna para bigyan ng space si Celeste at ang sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Eldrin sa Barangay Love Stories.
Matuto sa kamalian kung ayaw ng pasanin dahil nag-iiwan ng bagahe ang mga palpak na diskarte. Pakinggan ang kwento ni Willie sa Barangay Love Stories.
Masasabing tunay ang pag-ibig mo sa isang tao kung sa kanya pa rin ang iyong puso kahit gusto mo nang sumuko. Pakinggan ang kwento ni Doray sa Barangay Love Stories.
Nahirapang mag-move si Celeste sa kanyang longtime jowa. Kahit alam niyang barumbado ito, naging magtiyaga siya sa pagmamahal rito sa pag-asang magbabago rin ang kanyang nobyo. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay umayos ang buhay ni Anton dahil sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho pero imbes na kasal ang pag-usapan, nauwi rin sila sa hiwalayan matapos ang 11 years nilang pagsasama. Pero kahit pa sinubukan niyang magliwaliw mag-isa, hirap pa rin siyang makalimot talaga. Pakinggan ang kwento ni Celeste sa Barangay Love Stories.
Madaling maging tao pero mahirap magpakatao at isa sa dahilan kung bakit ganito ay sa kawalan ng respeto. Pakinggan ang kwento ni Kareem sa Barangay Love Stories.
Kung tama ang pag-ibig ng magulang sa anak, magmamahal din ito nang lubos at walang panghihinayang. Pakinggan ang kwento ni Karina sa Barangay Love Stories.
Dahil naging malupit kay Lemuel ang tadhana, wala na siyang gana makipagmabutihan sa mga tao. Pero dahil sa pagiging caregiver niya, nakilala niya si lolo Cerilio. Una nilang pagkikita, sinindak agad ni Lemuel si lolo para mapasunod niya ito. Buti na lang ay makulit at mabagsik din si lolo. Si lolo Cerilio na may hawig na karanasan kay Lemuel; si lolo Cerilio na binago ang buhay para sa babaeng kanyang minamahal; at si lolo Cerilio na hindi sumuko sa buhay, hindi tulad ni Lemuel na kahit bata pa ay parang ayaw niya nang magpatuloy pa. Pakinggan ang kwento ni Lemuel sa Barangay Love Stories.