POPULARITY
13 CELEBRITIES na Nagbago ang Pananaw Ko — Catholic apologetics, punto por punto, pananampalataya Katoliko! Alamin kung bakit nagbago ang tingin ko kina Alex Eala, Andrea Brillantes, BINI, Ivana Alawi, Charlie Kirk, at Brett Cooper.Kumusta? Ako si Jay Aruga, host ng The Jay Aruga Show — ang unang conservative Catholic podcast sa Pilipinas. Sa compilation video na ito, pinagsama-sama ko ang anim na episodes kung saan tinalakay ko ang iba't ibang celebrities at kung paano nagbago ang pananaw ko sa kanila matapos manood ng ISANG video. Catholic Faith Defender ang tawag natin dito — hindi para mang-atake, kundi para ipakita ang katotohanan sa likod ng kanilang mga kuwento ng pananampalataya.Marami sa atin ang naniniwala na ang mga artista ay shallow lang ang pananampalataya. Pero sa video na ito, makikita ninyo kung paano binago ng iisang video ang tingin ko sa kanila. Mula kay Alex Eala na may KATOLIKONG sikreto sa kanyang mga panalo, hanggang kay Brett Cooper na isang Protestante na malapit nang maging KATOLIKO — grabe ang revelations!Kung nag-eenjoy kayo sa content na tulad nito, please hit that subscribe button at i-share sa inyong mga kaibigan. Tulungan nating ipalaganap ang pananampalatayang Katoliko sa YouTube!
Ang pagbabalik ni Inah Evans sa The Linya-Linya Show!Marami nang nangyari mula noong huli natin siyang makasama— mula hosting, TV shows, podcast guestings, theater, improv, at stand-up comedy. Busy at blessed, ika nga. Sa dami ng hats na sinuot niya sa mga nakaraang taon, napagkuwentuhan namin kung paano niya bina-balanse ang iba't ibang passions, projects, at opportunities na dumarating.Napag-usapan din ang kanyang upcoming comedy show sa Music Museum ngayong July, ang mga natutuhan niya sa pagpe-perform sa iba't ibang entablado, at kung paano siya patuloy na lumalago bilang artist at performer.At syempre, hindi rin namin pinalampas ang usapan tungkol sa Pride PH Festival. Bilang host mula pa noong unang Pride PH hanggang ngayong ikaapat na taon nito, ikinuwento ni Inah ang evolution ng festival, kung paano ito lumaki kasabay ng komunidad, at kung ano ang maaaring asahan ng mga dadalo sa Pride March at Festival ngayong taon.Isang masaya, makulit, at makabuluhang catch-up tungkol sa comedy, creativity, community, at ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, representasyon, at empowerment.Listen up, yo.
Paano ba talaga dapat tumugon ang isang seryosong Katoliko kapag hinarap tayo ng secular world pagdating sa usapin ng LGBT at Pride culture?Marami sa atin ang natatakot magsalita. Natatakot tayo na baka magtunog "uncharitable" o mapunta lang sa walang kabuluhang bardagulan sa internet. Pero ang tanong: Posible bang ipaglaban ang Katotohanan (Truth) nang may tunay na Pagmamahal (Pastoral Charity)?Sa episode na ito ng The Sentinel Ph, hihimayin natin ang nakalimutang turo ng Simbahang Katoliko tungkol sa tamang paggabay at pakikitungo sa ating mga kapatid na nakakaranas ng same-sex attraction o gender dysphoria. Kasama rin natin dito ang mahahalagang paalala mula sa sikat na Catholic author at speaker na si Jason Evert.Hindi kailangang magtago sa bunker o makipag-away nang walang direksyon. Panoorin ang video na ito para malaman kung paano maging tunay na representative ni Kristo sa gitna ng modernong panahon.Anong opinyon mo tungkol sa Jason Evert clip? I-comment mo sa ibaba!
This winter, are you feeling the cold? Many of us are using heaters and other appliances more often to stay comfortable at home, which also leads to higher electricity bills. - Ngayong winter, ramdam na ba ninyo ang lamig? Marami sa atin ang mas gumagamit ng heater at appliances para maging komportable sa bahay, kaya kasabay nito ang pagtaas ng electricity bill.
Several people shared their thoughts on SBS Filipino's post asking which Filipino expressions they still use even when speaking with people from other cultures. Here are some of their comments. - Marami ang nagbahagi ng kani-kanilang opinyon sa post ng SBS Filipino kung saan tinanong natin kung anong Pinoy expression ang hindi nawawala kahit may kausap kang ibang lahi. Alamin ang kanilang mga komento.
Marami ang nagsasabi na iba magmahal ang isang ina, kaya dapat ibang klase din ang pagmamahal natin sa kanila. Tara at pakinggan ang masasabi ni Paps Eric dito lang sa #PagkataposNgDrama #DearMORMamaILoveYouMarami ang nagsasabi na iba magmahal ang isang ina, kaya dapat ibang klase din ang pagmamahal natin sa kanila. Tara at pakinggan ang masasabi ni Paps Eric dito lang sa #PagkataposNgDrama #DearMORMamaILoveYou
Hindi kailangan maging Catholic para maintindihan kung bakit mali ang divorce. Ang LOGIC mismo ang magsasalita.
Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures. As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread. Luke 24:13-35 NRSVUE Isang mapayapang araw sa inyong lahat. For today and the next dalawang Linggo, iisang Scripture reading lamang ang ating tatalakayin, ngunit hahatiin natin ang preaching sa tatlong bahagi. For this Sunday, I'd like to talk about being present. Sa ating buhay, madalas tayong nagiging masyadong pokus sa pagtapos ng mga gawain (tasks). Masyado tayong nagmamadali na nakakalimutan na nating maramdaman o ma-appreciate ang proseso—ang “smelling the roses” at ang tunay na pag-enjoy sa journey. Nang una kong mabasa ang tekstong ito mula sa Ebanghelyo ni Lucas (The Road to Emmaus), naisip ko: “Parang ang lakas mang-power trip ni Jesus?” Dahil sa isang kisap-mata, pinigilan niyang makilala siya ng mga alagad, at sa isang kisap-mata rin ay ipinakilala niya ang kanyang sarili. Pero kalaunan, na-realize ko na si Jesus ay kasama na nila sa buong biyahe. Hindi niya ito ginawa para paglaruan sila; sadyang ang dalawang alagad ay masyadong nakapokus sa ibang bagay. Marahil sila ay puno ng kalituhan at emosyon dahil sa balita ng muling pagkabuhay. Unveiling the Characters: Who Was on the Road? Habang binabasa ang kuwento, may mga tanong na lumitaw sa isip ko: Bakit sila papuntang Emmaus? Taga-doon ba sila? At isa pang mahalagang tanong: Sino ang kasama ni Cleopas? Sa kuwento, si Cleopas lamang ang pinangalanan. Sabi ng ilang scholars, maaaring si Simon Peter ito, pero marami ang naniniwala na ang kasama niya ay si Mary of Cleopas—ang kanyang asawa. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, si Cleopas ay kapatid ni Jose (na asawa ni Maria, ang ina ni Jesus). Ibig sabihin, sila ay magbilas. Bago natin sagutin ang ibang tanong, nais kong bigyang-diin ang presensya ng mga kababaihan sa buhay at ministeryo ni Jesus. Mula simula hanggang sa krus, at maging sa muling pagkabuhay, laging nandoon ang mga babae. Sila ang may lakas ng loob at pananampalataya na hindi iniwan si Jesus. Minsan, ang pangalawang disipulo ay sadyang hindi pinangalanan sa Bibliya upang makita natin ang ating mga sarili sa kuwento. Tayo ang kasama ni Cleopas sa paglalakad. The Retreat from Hope Bakit nga ba sila papuntang Emmaus? Walang record na taga-doon sila. Maaaring ito ay nagsilbing temporary refuge o “halfway house” para sa kanila. Alam natin ang nangyari: Marami ang umasa na si Jesus ang magpapalaya sa kanila mula sa Imperyong Romano. Nang siya ay mamatay, tila namatay din ang kanilang mga pangarap. Ang pag-alis nila sa Jerusalem patungong Emmaus ay simbolo ng kanilang pag-atras mula sa pag-asa at komunidad. Ngunit narito ang maganda: Ang pagpapakita ni Jesus sa kalsada ay patunay na ang “Divine Presence” ay sumasalamin sa atin kahit sa mga sandaling tayo ay tumatalikod na sa pag-asa. Si Jesus ang nag-adjust para sa kanila. Nakipagtagpo siya sa kanila kung nasaan man sila. Ipinahayag niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng Kasulatan at sa pagpipiraso ng tinapay (Breaking of the Bread). At nang muling mag-alab ang pag-asa sa kanilang puso, bumalik agad sila sa Jerusalem nang gabing iyon upang magbahagi ng mabuting balita. Vulnerability as Strength Sa ating sariling buhay, madalas tayong nahihirapang lumapit sa Diyos kapag tayo ay nasa gitna ng pagsubok. Kadalasan, lumalapit lang tayo para magpasalamat kapag “tapos na” ang problema. Minsan naman, lumalapit lang tayo kapag nasa breaking point na tayo. Hindi ba natin naiisip na sa gitna ng ating mabigat na problema, malumanay na tumatawag si Jesus: “Hello, I am here. You can be vulnerable with me.” Your vulnerability is as beautiful as your strength. Madalas din nating mahalin ang ating “privacy” hanggang sa punto na hindi na tayo nakakapag-open up sa mga kaibigan o mahal sa buhay. Sinasabi lang natin ang kuwento kapag “overcome” na natin ang challenge. Paano naman yung mga struggle na kasalukuyan nating nilalabanan? Nasaan ang diwa ng komunidad? Bilang inyong pastor, nais kong malaman ninyo na maaari kayong maging vulnerable sa akin. Maaaring hindi ko masolusyunan ang lahat ng inyong problema, lalo na kung pinansyal, pero nangangako akong sasamahan ko kayo sa inyong paglalakbay. We are here to journey with you in your “Emmaus moments.” Learning to Pause Sa gitna ng trabaho at buhay, marami tayong bitbit na “baggages”: job security, inflation, midlife crisis, and the search for purpose. Para silang mabibigat na bag na isa-isang pinapasan hanggang sa tayo ay “ma-freeze” o ma-paralyze sa bigat. Minsan, kailangan nating tumigil at mag-assess: Bakit ito mabigat? 2. Alin sa mga ito ang pwede ko nang bitawan? 3. Alin dito ang pwede kong ipagkatiwala sa iba? Huwag nating kalimutang tumingin sa paligid. May mga taong handang tumulong sa pagpasan ng ating dalahin. Matutong huminga, tumigil, at pahalagahan ang mga kasama sa journey. Conclusion: Today is a Gift Bilang isang “frustrated wanderlust,” aminado akong hindi ako magaling sa direksyon o Maps. Umaasa lang ako sa mga landmarks. Sa paggamit ng mapa, mahalagang malaman mo muna kung nasaan ka (orienting yourself) bago mo malaman kung saan ka pupunta. Gayundin sa ating spiritual journey: Minsan kailangan nating mag-reflect kung nasaan na tayo. Gamitin natin si Jesus bilang ating compass at ang ating komunidad bilang sacred space para sa paghilom. Tandaan natin: Yesterday is history, tomorrow is a mystery, and today is a gift. That's why it's called the PRESENT. Pahalagahan natin ang kasalukuyan at magtiwala na ang Kristong nabuhay ay kasama natin sa bawat hakbang ng ating paglalakbay. The post Easter: The Walk To Emmaus appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
When it was evening on that day, the first day of the week, and the doors were locked where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” After he said this, he showed them his hands and his side. Then the disciples rejoiced when they saw the Lord. Jesus said to them again, “Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.” When he had said this, he breathed on them and said to them, “Receive the Holy Spirit. If you forgive the sins of any, they are forgiven them; if you retain the sins of any, they are retained.” But Thomas (who was called the Twin), one of the twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples told him, “We have seen the Lord.” But he said to them, “Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger in the mark of the nails and my hand in his side, I will not believe.” A week later his disciples were again in the house, and Thomas was with them. Although the doors were shut, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” Then he said to Thomas, “Put your finger here and see my hands. Reach out your hand and put it in my side. Do not doubt but believe.” Thomas answered him, “My Lord and my God!” Jesus said to him, “Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe.” Now Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written so that you may continue to believe that Jesus is the Messiah, the Son of God, and that through believing you may have life in his name. John 20:19-31 NRSVUE Magandang hapon sa inyong lahat. Kamusta kayo? Napansin niyo ba na parang ang haba ng Good Friday? Kahit Easter na, parang hindi natin maramdaman. Napakatahimik ng buong linggo. Pagod ang mga tao, walang gaanong sasakyan sa labas, at dahil na rin siguro sa mahal ng gas kaya nananatili lang tayo sa loob. Parang kailan lang nung kumanta tayo ng “Happy Day” noong Easter Sunday, pero heto na naman tayo, bumalik na sa tahimik at matamlay nating mga buhay. Ito ang nais kong pag-usapan natin ngayon: kung paano natin matututunang mapansin ang mga “glimpses of Easter” o ang mga bakas ng pag-asa sa gitna ng ating pang-araw-araw na buhay na madalas nating binabalewala. Ngayon ay ikalawang linggo na natin sa panahon ng Easter, at sinusundan natin ang naging buhay ng mga alagad pagkatapos mamatay ni Jesus. Sa ating pagbasa ngayon, makikita natin silang nasa loob ng isang silid na nakakandado ang pinto dahil sa takot. Takot sila sa mga awtoridad na baka sila ay hulihin o usigin dahil kakamatay lang ni Jesus. Noong mga oras na iyon, iilan pa lamang ang nakakita sa libingan, kabilang sina Simon Pedro at Juan. Tanging kay Maria Magdalena pa lamang nagpapakita si Jesus, at siya ang unang inutusan ni Jesus na ipahayag ang balita ng muling pagkabuhay. Sa katunayan, maaari nating sabihin na ang unang itinalagang ministro ni Jesus ay isang babae. Isipin natin ang nararamdaman ng mga alagad habang nakakulong sila sa silid na iyon. Isipin niyo ang takot na kailangan niyo pang i-lock ang pinto dahil sa sobrang paranoia. Ginagawa nila ito para lang maramdaman ang kahit katiting na seguridad. Wala na si Jesus. Patay na ang kanilang pinuno at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Siguro ay hindi pa nga sila tapos mag-luksa, pero heto na agad ang banta ng pag-uusig. At ang mga kinatatakutan nila ay hindi lang basta ordinaryong tao; sila ay mga makapangyarihan at may awtoridad. Nakita nila ang sinapit ng kanilang lider, at iniisip nila na baka sila na ang susunod. Napakasakit ng kawalang-pag-asang nararamdaman nila. Wala na silang aasahan. Ang taong sandigan nila, ang nagbibigay sa kanila ng lakas at suporta, ay wala na. Naalala ko tuloy noong nalaman nating magsasabbatical si Pastor Sean—grabe ang naging reaksyon natin. Marami ang nalungkot at nagtanong, “Paano na tayo?” Gayong alam naman nating babalik din siya. Paano pa kaya ang mga alagad na sa isip nila ay tuluyan nang nawala si Jesus?. Kahit sino naman ay gagawin ang ginawa nila. Tayo rin, madalas nating “ikandado ang ating mga pinto” sa panahon ng kawalang-pag-asa at kalungkutan. Ang pagkakandado ng pinto ay maaaring maging porma ng pag-isolate sa sarili, ang hindi pagpapakita sa iba, at ang pagkawala ng gana sa mga bagay-bagay. Minsan ay napapatanong tayo: “Para saan pa? Bakit ko pa kailangang magpatuloy kung parang bale-wala rin ang lahat?”. Ang takot na nararamdaman natin ay hindi lang basta personal; madalas ito ay bunsod ng mga sistemang mas malawak sa atin. Sa ating panahon, marami tayong kinatatakutang “awtoridad” at mga pangyayaring hindi natin kontrolado. Andiyan ang takot para sa ating bansa. Malapit na ang 2028, at may personal akong pangamba: muli ba tayong mabibigoy? Ma-iistuck na naman ba tayo sa isang gobyernong mas malala pa sa nararanasan natin ngayon? Minsan, nakakapagod nang lumabas at makisangkot kung parang walang nangyayari sa ating mga pagsisikap na humanap ng mga lider na may tunay na malasakit sa bayan. Maging sa mga simpleng bagay tulad ng pagbabayad ng pamasahe o pagpapagas, pinapaalalahanan tayo ng mga epekto ng mga desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang lider sa mundo. Nakakalungkot isipin na ang mga “tantrums” at reckless na desisyon ng mga taong ito ay nagdudulot ng pasakit sa buhay nating mga ordinaryong tao. Ito ay isang trend sa buong mundo—mga lider na tila walang pakialam sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Bukod sa politika, isa pang bumabagabag sa akin ay ang tila pag-atras o pag-regress ng pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Kaya naman ngayong taon, ang ating tema ay nakatutok sa queer at feminist theology. Ito ang dahilan kung bakit naramdaman namin ang pangangailangang ilabas ang aming unang single na “She Preached” noong nakaraang Easter. Nais nating ipaalala na sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang unang boses na nagpahayag ng pinakamahalagang balita—ang muling pagkabuhay—ay boses ng isang babae. Minsan, ang mundo ang mismong nagsasara ng pinto para sa atin. Ngunit tulad ng mga alagad, sa gitna ng ating pagtatago at takot, doon tayo kailangang puntahan ng pag-asa. Ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi lamang iisang tao ang ganito; ito ay naging trend na sa buong mundo—mga lider na tila walang tunay na malasakit sa bayan at inuuna ang sariling “tantrums” kaysa sa kapakanan ng nakararami. Ang problema, kapag nag-tantrums sila, tayong mga ordinaryong tao ang pumapasan ng hirap at pasakit. Isa pa sa mga bagay na personal na bumabagabag sa akin ay kung paano tila umaatras o nag-re-regress ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Ito ang dahilan kung bakit, bukod sa pagiging tema natin ang queer at feminist theology ngayong taon, naramdaman namin ang bigat at pangangailangang ilabas ang ating unang single na “She Preach” noong nakaraang Easter. Ito ang aming paraan ng paglaban sa mga mapanirang naratibo at sentimyento laban sa mga kababaihan. Sa kabila ng lahat ng mga “pinto” na isinasara sa atin ng mundo—maging ito man ay dahil sa takot, politika, o diskriminasyon—ang mensahe ng Easter ay nananatili. Tulad ng mga alagad na nakakulong sa silid, doon tayo kailangang puntahan ng muling nabuhay na Kristo. Ang hamon sa atin ngayong panahon ng Easter ay ang matutong kumilala sa mga “glimpses” o bakas ng pag-asa na madalas nating hindi napapansin sa gitna ng ating pagod at takot. Huwag nating hayaang manatiling nakakandado ang ating mga puso. Sa bawat pagkakataon na tayo ay nagmamalasakit, tumitindig para sa katotohanan, at kumikilala sa halaga ng bawat isa, doon natin nararanasan ang tunay na muling pagkabuhay. Salamat sa inyong pakikinig, at nawa’y maging inspirasyon ito sa inyong pagharap sa bagong linggo. Amen. The post Easter: Pagkilala Sa Pag-Asa appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Sa video na ito, hihimayin natin ang trending na DINK (Dual Income, No Kids) lifestyle na paboritong pag-usapan ngayon ng mga Millennials at Gen Z sa Pilipinas. Marami ang nagsasabing ito ang susi sa "financial freedom" at "stress-free life," pero ito nga ba ang katotohanan?We're reacting to a viral clip ng isang Pinoy couple spending 86,500 pesos a month on coffee, golf, and dining out—habang pinipiling huwag magkaanak. Pero as a father of three and a conservative advocate, I'll give you 3 solid reasons kung bakit dapat nating i-reject ang mindset na ito.What we will discuss:The Consumerist Trap: Ang difference ng spending for "wants" vs. building a legacy.Character Growth: Bakit ang pagiging magulang ang ultimate training ground for responsibility.The Economic Time Bomb: Ang panganib ng "Aging Population" sa Pilipinas by 2030 (And why India is winning right now!).Huwag magpa-budol sa "aesthetic" lifestyle kung ang kapalit nito ay isang malungkot at unstable na kinabukasan para sa ating bansa. Watch until the end para malaman ang totoong solusyon!Don't forget to:✅ LIKE this video if you agree (or disagree!)✅ SUBSCRIBE to The Sentinel Ph for more "woke-free" content.✅ COMMENT your thoughts: Is the DINK lifestyle a blessing or a curse?#TheJayArugaShow #DINKLifestyle #PinoyFamily #ConservativePhilippines #MillennialParenting #PamilyangPilipinoSubscribe to our Youtube channel:http://www.youtube.com/@OfficialTheSentinelPH?sub_confirmation=1
Awe came upon everyone because many wonders and signs were being done through the apostles. All who believed were together and had all things in common; they would sell their possessions and goods and distribute the proceeds to all, as any had need. Day by day, as they spent much time together in the temple, they broke bread at home and ate their food with glad and generous hearts, praising God and having the goodwill of all the people. And day by day the Lord added to their number those who were being saved. Acts 9:1-18 (NRSVUE) When he came to Nazareth, where he had been brought up, he went to the synagogue on the Sabbath day, as was his custom. He stood up to read, and the scroll of the prophet Isaiah was given to him. He unrolled the scroll and found the place where it was written: “The Spirit of the Lord is upon me, because he has anointed me to bring good news to the poor. He has sent me to proclaim release to the captives and recovery of sight to the blind, to set free those who are oppressed, to proclaim the year of the Lord's favor.” And he rolled up the scroll, gave it back to the attendant, and sat down. The eyes of all in the synagogue were fixed on him. Then he began to say to them, “Today this scripture has been fulfilled in your hearing.” Luke 4:16-21 (NRSVUE) Mula sa Rejection Tungo sa Komunidad Sa ating mga teksto ngayon, makikita ang dalawang magkaibang eksena. Sa Lucas, naranasan ni Jesus ang pagsubok—mula sa paghanga ng kanyang mga kababayan hanggang sa matinding pagtanggi (rejection). Dahil tumanggi si Jesus na magsagawa ng mga milagro para lamang sa kanilang aliw, napuno sila ng galit at sinubukang itulak siya sa bangin. Sa kwentong ito, tila si Jesus mismo ang nangangailangan ng paglaya at pagtakas. Sa kabilang banda, ang teksto sa Acts ay nagpapakita ng “Life Among the Believers”. Ito ang simula ng paglalakbay ng mga apostol kung saan ang konsepto ng komunidad ang nagpalago sa Kristiyanismo. Ito ang bersyon ng “bigyan ng sapat ang lahat sa araw-araw”—isang radikal na pagbabahagi at pagmamahalan. Pag-unawa sa Soteriology Ngayon, pag-uusapan natin ang Soteriology o ang teolohiya ng kaligtasan. Ang salitang ito ay nagmula sa Griyego na soteria (salvation) o soter (savior). Ito ang pag-aaral kung paano inililigtas ang tao, mula sa ano, at para sa ano. Para sa marami sa atin, lalo na sa LGBTQ+ community, ang salitang “salvation” ay may dalang mabigat na bagahe o trauma. Madalas itong ginagamit bilang panakot—na kung hindi mo ititigil ang pagiging bakla, hindi ka mapupunta sa langit. Para bang may monopoly ang ilan sa kaligtasan. Marami sa atin ang lumaki sa takot na mapunta sa impiyerno, at ang turing sa kaligtasan ay hindi inclusive kundi divisive. Ngunit bakit takot at discomfort ang dulot nito kung ang ibig sabihin naman talaga nito ay “deliverance” o “redemption”? Subukan nating bawiin o i-salvage ang tunay na kahulugan ng salvation mula sa Bibliya. Biblical Meaning: Kaligtasan Bilang Paglaya at Pagbabalik Sa orihinal na konteksto ng Bibliya, ang kaligtasan ay bihirang tumutukoy sa kabilang buhay (afterlife). Ang sinaunang Israel ay walang konsepto ng afterlife sa Genesis, Exodus, o mga Awit. Ang unang malinaw na pagbanggit sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay lumitaw lamang sa Aklat ni Daniel, na isinulat noong 165 BCE. Kaya naman, narito ang apat na pangunahing balangkas ng biblical meaning ng salvation na dapat nating tandaan: Liberation from Bondage (Paglaya sa Pagkaalipin): Ang kwento ng Exodus mula sa Ehipto ang humubog sa salitang ito. Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa pang-aalipin ng Faraon sa pamamagitan ng pamumuno ni Moises. Ito ay paglaya patungo sa isang bagong buhay at tipan (covenant) sa Diyos sa Bundok Sinai. “Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kapangyarihan. Siya ang naging aking kaligtasan” (Awit 118:14). Return from Exile (Pagbabalik mula sa Pagkakabihag): Ito ang ikalawang mayor na balangkas. Noong ika-6 na siglo BCE, sinakop ng mga Babilonia ang Jerusalem at binihag ang mga tao. Sila ay inapi, pinahirapan, at nawalan ng kapangyarihan sa loob ng 50 taon. Natapos lamang ito nang sakupin ng Persia ang Babilonia, at pinayagan sila ni Cyrus na bumalik sa kanilang tinubuang-lupa. Ito rin ang konteksto ng ikalawang bahagi ng Aklat ni Isaias—ang parehong teksto na binasa ni Jesus sa scroll. “Ang Israel ay iniligtas ng Panginoon ng isang walang hanggang kaligtasan” (Isaias 45:17). From Infirmity to Wellbeing (Mula sa Karamdaman Tungo sa Kagalingan): Ang mga Ebanghelyo ay naglalaman ng maraming kwento ng pagpapagaling ni Jesus. Sa kontekstong ito, ang kaligtasan ay nangangahulugang paghahilom ng ating mga sugat at pagiging buo (whole). Ito ay mas literal na panggagamot. Fear to Trust (Mula sa Takot Tungo sa Pagtitiwala): Ang pagtatagumpay laban sa takot at pagkabalisa (anxiety) ay isang karaniwang tema sa Bibliya. Ang “Huwag kang matakot” ay isa sa mga pinakamadalas na parirala. Sa Lucas 12, sinabihan ni Jesus ang kanyang mga tagasunod na huwag mag-alala kundi magtiwala sa Diyos. Sa 1 Pedro 5:7, sinasabing: “Ilagak ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.” Higit Pa sa Personal na Kaligtasan: Justice at Peace Bagaman ang kaligtasan ay mahalaga para sa bawat indibidwal, ito rin ay consistently “corporate” o pangkalahatan sa Bibliya. Kabilang dito kung paano tayo namumuhay nang sama-sama sa mga komunidad, lipunan, at bansa. Ayon sa biblical scholar na si Marcus Borg, ang kaligtasan sa Bibliya ay politikal tulad ng pagiging personal nito, na may dalawang pangunahing focal points: Katarungan (Justice) at Kapayapaan (Peace). From Injustice to Justice: Ang pangunahing isyu sa Bibliya ay ang “economic injustice.” Libu-libong taon na ang nakalipas, umiiral pa rin ang kawalang-katarungan kapag ang mga makapangyarihan at mayayamang elite ay binubuo ang mundo ayon sa kanilang sariling interes. Ang mga modern-day Pharaoh, Herod, at Caesar ay nasa paligid pa rin natin, iba lang ang pangalan o apelyido. Mula sa kanila, kailangan pa rin nating mailigtas. From Violence to Peace: Ang isa pang malawak na politikal na kahulugan ng kaligtasan ay ang kapayapaan. Ang kapayapaan sa Bibliya ay may parehong personal at politikal na kahulugan. Kabilang dito ang kapayapaan ng isip at kapayapaan sa ating mga relasyon sa ating pamilya at mga kaibigan. Ngunit ito rin ay tungkol sa pagwawakas ng karahasan at digmaan. Sinabi ni Jesus sa Mateo 5:9: “Mapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.” Ang Pangarap ng Diyos at ang Ating Hamon Ayon kay Verna Dozier, isang African-American author at theologian, “Ang kaligtasan bilang isang mundo ng katarungan at kapayapaan ay ang pangarap ng Diyos.” Gayundin, ayon kay Archbishop Desmond Tutu, “Ang pangarap ng Diyos, ang pasyon ng Diyos ay isang transpormadong mundo ng katarungan at kapayapaan.” Napakaganda ng pangarap ng Diyos para sa atin. Ngunit libu-libong taon pagkatapos, tila imbes na mapalapit, ay palayo tayo nang palayo sa pangarap na iyon. Hangga’t may ilang taong nasa kapangyarihan na nangkakamkam ng lupang hindi naman sa kanila, mga politikong sakim na kinukurakot ang pera ng bayan, at mga bansang bully na nagti-trigger ng karahasan, patuloy ang injustice, kahirapan, at oppression. Dito pumapasok ang isa pang biblical meaning ng salvation: nang iligtas ni Jesus ang mga tao at dalhin sila mula sa kamatayan patungo sa buhay. Sa kabila ng ating mga limitasyon bilang tao, taglay natin ang kapangyarihang tuparin ang pangarap ng Diyos—ang magkaroon ng “heaven on earth.” Konklusyon: Isang Lifelong Journey ng Pagbabago Ngayong Panahon ng Kuwaresma (Lent season), nanalangin ako na tayo ay patuloy na makalaya sa mga traumang naidulot sa atin ng salitang “salvation.” Madaling sabihin, pero sa lalim ng sugat na naiwan nito, hindi ito parang magic na kayang hilumin agad. Patuloy natin itong i-challenge, araw-araw nating harapin nang personal at bilang isang komunidad. I pray for continuous healing. Kapag sinasabi ng mundo na kasalanan ang maging LGBTQ+, may kapangyarihan tayong “iluwal muli” (be born again) ang ating sarili nang mas malaya at mas buo. At kapag mas buo ka na, kapag mas malaya ka na, palayain mo na rin ang iba. Be transformed so we can transform others and the world. Maging isang “wounded healer.” Magsimula sa isang LGBTQ+ kid, isang homeless person, o isang rally laban sa korapsyon. Magsimula tayo sa pagbabahagi ng magandang balita na dito sa Open Table, may isang ligtas na espasyo kung saan ka tunay na tinatanggap. Balikan natin at maging inspirasyon kung paano nagsimula ang Kristiyanismo noon. Naniniwala akong kaya natin itong gawin muli, sa gabay ng Banal na Espiritu at sa kapangyarihan ng pag-ibig ni Jesus. Achieve natin ang paglaya at paghilom dito, ngayon, at para sa lahat. Salamat po. The post Paglaya at Paghilom appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Isang lihim na mangangaso ang umiikot gabi-gabi sa baryo, armado ng anting-anting at mga patibong para hulihin ang mga aswang. Marami na siyang napabagsak, kaya't kinatatakutan siya ng mga nilalang sa dilim. Ngunit sa bawat pangangaso, may kapalit—unti-unti siyang nagiging katulad ng mga hinahabol niya.
Marami ang nag-react sa statement ni Lea Salonga tungkol sa unconditional love ng mga magulang kapag nag-come out ang anak. Pero sa video na ito, ibinabahagi ko ang kontrobersyal kong take bilang isang Pilipino na naniniwala na ang pagmamahal at moral responsibility ay pwedeng magsabay.Hindi ito tungkol sa poot, kundi tungkol sa tanong na bihira nating pag-usapan:
Sa mundong ito, hindi madaling makatagpo ng mga taong handang umagapay. Marami ang nanghuhusga at sumasagap lang ng tsismis. But even if we don't have people around us who are ready to help, there is a great God who loves us too deeply.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama't foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo't artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase niyang si Rica. At ang mahiyaang foreignoy, napasagot ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Alejandro sa Barangay Love Stories.
Marami akong pinagnilayan bago ko gawin ang video na ‘to. Alam kong sensitive ang Emman Atienza incident, at baka hindi ito para sa lahat. Pero kung nandito ka, I ask you to suspend your judgement and listen until the end. Hindi ako mental health expert — opinion video ito. Gusto ko lang magtanong ng mga bagay na madalas hindi natin pinaguusapan. Sa video na ‘to, tatanungin natin kung ano ba ang ugat ng kalungkutan? Nasa utak ba? O nasa kaluluwa? Pag-uusapan din natin ang mga aral mula sa nangyari kay Emman, ang toxicity ng social media.
Marami sa inyo naka earphones ngayon, nag-iisa. Pero, are you really alone? Magtakutan tayo at makinig sa mga spooky stories from our ka-okras dito sa part 1 ng Silly Gang Sa Gabi Spooking Ina Halloween Special! Plus ang mga nakakatakot na Filipino traits na we want to delete sa pinkabagong Kwentanong - EXCLUSIVE! Labanan ang FOMO! Be a Ka-Okra Pro at Pro Max member on patreon.com/sillygangsagabi! Subscribe na dahil part of your subscription goes to our chosen cause for the month of October ang Cebu and Davao earthquake rehabilitation efforts!CERTIFIED KA-OKRA TO DO LIST:✅GIVE THE GIFT OF GOOD VIBES: patreon.com/sillygangsagabi/gift ✅TAP the FOLLOW button and NOTIFICATION BELL here on SPOTIFY RATE this podcast with 5 STARS! ⭐⭐⭐⭐⭐✅Join the GAME for a chance to win Php150! CLICK here to join our FB group
Marami ang nagsasabi na bawal daw magdasal ng paulit-ulit, kasi sabi raw ni Jesus sa Bible: “Do not use vain repetitions.” Pero totoo ba ito?
Isang lalaking nagngangalang Damian Banog ang kinatatakutan sa kanilang bayan dahil sa kanyang koneksyon sa mga nilalang ng dilim. Marami ang nagsasabing taglay niya ang kakaibang lakas na hindi maipaliwanag, at sa bawat kwento ay may bakas ng takot at kababalaghan. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Damian, at anong sikreto ang bumabalot sa kanyang pangalan?
Sa panahon ngayon, uso na ang DINK lifestyle — “Dual Income, No Kids.”Marami ang naniniwala na ito raw ang mas “smart” at mas “masarap” na paraan ng pamumuhay. Pero… ano nga ba talaga ang mali sa DINK mindset?In this video, we break down the problems behind the DINK lifestyle, bakit ito empty, at paano ito nakakaapekto sa pamilya at lipunan.Kung gusto mong maintindihan kung bakit hindi ito nakakatulong sa tunay na fulfillment sa buhay, panoorin mo hanggang dulo.
Aaron says he made a "snap decision" to intervene when he witnessed racism. But many people say they don't know what to do if they see hate or harassment. - Para kay Aaron, agad siyang nagdesisyon na tumulong nang makita niya ang racism. Pero maraming tao ang hindi alam ang gagawin kapag may nakita silang poot o pambu-bully.
Ang recipe para sa sikat na Dubai Chocolate ay binuo ng tubong Mindanao na Pinoy Pastry Chef Nouel Catis. Marami na siyang nabuong mga recipe ngunit ang Dubai Chocolate ang kaunaunahang sumikat sa buong mundo.
Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Maryjoy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chealsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Maryjoy para buhayin sila at pag-aralin siya pero luho pa rin niya ang inuuna niya. Mahal ni Maryjoy ang kapatid niya kaya pilit niya itong iniintindi at dinidisiplina, buo pa ang pag-asa niyang magbabago ito. Ngunit hindi pala lahat ng kamalian ni Chelsea ay mapapalampas niya. Pakinggan ang kwento ni Maryjoy sa Barangay Love Stories.
Many in Australia's Jewish community say political polarisation is fuelling a new wave of antisemitism. How are Jews responding in the face of high-profile incidents of hate? - Marami sa Jewish community sa Australia ang nagsasabing ang politikal na pagkakahati-hati ay nagpapalala ng antisemitism. Paano tumutugon ang mga Hudyo sa harap ng mga insidente ng diskriminasyon?
Marami sa atin ang tumatanggap ng Banal na Komunyon nang hindi naiintindihan ang bigat at kabanalan ng Eukaristiya. Ngunit ayon sa turo ng Simbahang Katolika, ang pagtanggap sa Katawan ni Kristo habang nasa estado ng mortal na kasalanan ay isang malubhang kasalanan. Sa video na ito, ipapaliwanag namin ang:
Scammer ang mag-asawang si Brando at Jeny. Marami na silang naloko at malaki na rin ang kinikita nila rito. Pero nang tamaan ng konsensya si Jeny, napagdesisyunan na nilang magbago. Itutuwid na raw nila ang baluktot nilang pamumuhay, babalik na sila sa probinsya para makasama ang kanilang unica hija. Kaso hindi ganoon kadali magbago, nami-miss pa rin nila ang buhay sa Maynila. Gusto sana nilang magsimula ulit kaso hindi talaga siguro nakakalimot ang karma. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Shipping Podcast - listen to the maritime professionals in the world of shipping
Turning the tide “Rejection is just another wave to ride.” These words by Elizabeth Marami echo far beyond the deck of a ship—they speak to every woman daring to defy the odds. Listen to Liz Marami; she is a trailblazer in every sense of the word. She was the first female pilot in the Port of Mombasa, the first woman onboard many ships, and the first person of colour on the bridge of a cruise ship. She doesn't stop there; she has more ambition, wanting to make a change, and by simply being herself, she is changing how the world views women in the maritime industry. This is an episode you'll want to listen to. Liz's story will inspire you and motivate you to support her as she moves forward. #everyconversationmatters
First generation Filipinos who migrated in Darwin during the seventies and eighties remain active members of the community. Many are participating in activities geared for seniors as part of the Filipiniana Senior Citizens Association Incorporated. - Patuloy ang aktibong pamumuhay ng Pilipino seniors na nag-migrate sa Darwin noong Dekada 70s hanggang 80s. Marami sa kanila ay bahagi ng Filipiniana Senior Citizens Association Incorporated.
Headaches are something most of us experience. But did you know there are different kinds, each with its own causes. Understanding what type of headache you're dealing with can help you manage it better and know when it's time to seek medical advice. - Marami ang nakakaranas ng sakit sa ulo. Pero alam mo ba na may iba't ibang uri nito at bawat isa ay may kanya-kanyang sanhi. Ang pag-alam sa mga sintomas nito ay makakatulong sa tamang paggamot at kung kailan oras nang magpakonsulta sa doktor.
Many Filipinos were surprised with the 2025 electoral results. Many celebrities and famous personalities failed in their electoral bid during the 2025 mid-term elections. A Filipino-Australian digital and social media expert explains. - Marami ang nagulat sa naging resulta ng 2025 mid-term elections sa Pilipinas. Marami sa mga sikat, tulad ng artista o celebrity ang nabigong mahalal. Ipinaliwanag ng digital at social media expert ang dahilan.
Tila lumawak ang impluwensya ng mga independent na kandidato sa ginanap na pampederal na halalan. Marami sa kanila na muling tumakbo ay hindi lamang nanatili sa puwesto, kundi mas lumawak pa ang kanilang lamang sa boto.
Buksan ang puso't isipan para maunawaan ang hindi maintindihan. Marami nang problema sa mundo kaya 'wag nang dumagdag sa mga negatibo. Pakinggan ang kwento ni Mariel sa Barangay Love Stories.
Many people are finding it harder than ever to squeeze exercise into their day. It's a pattern that echoes across cultures, including Filipinos juggling work, family, and personal responsibilities. - Marami sa mga tao ang hirap ipasok ang ehersisyo sa kanilang pang- araw araw na buhay lalo na ang mga Pilipino na binabalanse ang trabaho, pamilya at mga personal na responsibilidad.
Marami tayong plano sa buhay, at minsan, ang hirap sumunod kay God lalo na't hindi natin nakikita kung ano ang mangyayari in the future. But Elie's story is a good reminder that God holds our future. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Many see her as a successful influencer, but behind the scenes, she is also a survivor of domestic abuse. - Marami ang nakikita siya bilang isang matagumpay na influencer, ngunit sa likod ng lahat ng ito, isa rin siyang survivor ng domestic abuse.
Remote communities across Australia will soon pay the same amount for essential groceries as people living in urban areas. It's one of the changes the government has delivered in the latest Closing the Gap report which seeks to improve the lives of Indigenous people in Australia. - Isa sa mga pagbabagong hatid ng pamahalaan sa Closing the Gap strategy ay magbabayad ng pantay na halaga sa mga basic groceries ang mga malayong komunidad at malaking siyudad upang mapabuti ang pamumuhay ng mga katutubong Australyano.
The Bong Gualberto Story - Part 4Tila hindi mailarawan ni Bong ang sakit na kaniyang naramdaman sa sinapit ng asawa't ama. Marami mang tanong sa isip ay mas pinili niyang magtiwala sa Panginoon sa kabila ng sakit na naranasan. Subalit, hindi pa rito natapos ang kalbaryong kinaharap ni Bong. Muli na namang sinubok ang kaniyang pananampalataya nang magkasakit ang kaniyang anak. Ito na nga ba ang dahilan upang sumuko si Bong? O katulad pa rin ng dati na patuloy siyang magtitiwala sa Diyos? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Nahihirapan ka ba minsang intindihin ang Bible? Marami naman sa atin ang may mga kabisadong verses at pamilyar na mga kuwento. But did you know that the whole Bible has one big story?All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
"Marami ng nagsasabi na may nagpaparamdam daw don. May namatay daw kase ata don kaya ayon, laging merong gumagala." #DearMORNightClass - The Dennis Story Follow us: Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPH Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph
A meeting of the National Cabinet has provided fresh information on police efforts to combat antisemitism. The issue is shaping up to be a major election issue. - Isang pagpupulong ng Pambansang Gabinete ay nagbigay ng bagong impormasyon sa mga pagsisikap ng pulisya na labanan ang anti-semitism o poot o galit laban sa mga Jewish. Ang isyu ay nagiging isang pangunahing isyu sa halalan sa Australia.
Marami sa ating mabilis ma-discourage at mawalan ng pag-asa when we receive a not-so-good health diagnosis, lalo na kung ito ay ang dreaded cancer. Hindi lamang ang mismong sakit ang ating big issue. Iniisip din natin ang malaking gastusin sa pagpapagamot at ang perwisyo sa ibang tao na mag-aalaga sa atin.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Marami ang naniniwala na bihira na ang mabubuting lalaki. Totoo kaya ito?
Marami sa atin ang na-trap sa mga daily routines at distractions na hindi naman talaga nagpapasaya sa atin. Kung gusto mong malaman kung paano mo magagamit nang tama ang oras at buhay mo, panoorin mo ang video na ito. This is your wake-up call to start living with purpose and intention. Stop wasting your life—make it count! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Marami tayong kababayan na nasa parehong sitwasyon na pinagdaanan nina Ronnie at Rosie- yung mahal mo sa buhay ay nasa ICU, terminal ang sakit at kitang-kita mo ang paghihirap. Tanging respirator na lang ang bumubuhay sa kanya. Malaki na ang nagagastos at patuloy pa rin lumalaki ang hospital bill. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
"Hindi porket may mga babae akong nakakasama, ibig sabihin, marami na sila dito sa puso ko. Marami sila, pero iisang babae lang ang mahal ko." #DearMORLamok - The Jomar Story Follow us: Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPH Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph
A new age cap on a popular graduate visa is leaving many international PhD students in Australia facing uncertain futures. Many say they will be forced to leave the country due to changes set to be made to Temporary Graduate Visa Class 485. - Maraming international PhD student sa Australia ang nahaharap sa hindi tiyak na hinaharap, habang nakatakdang simulan ang pagpapatupad sa bagong limitasyon sa edad para sa popular na graduate visa. Marami ang nagsasabing mapipilitan silang umalis ng Australia dahil sa mga pagbabagong nakatakdang gawin sa Temporary Graduate Visa Class 485.
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali. Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya. Sa natatanging episode na ito, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap. Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD. Tara. Listen up ‘yo!
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali. Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya. Sa natatanging episode na ito, kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap. Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD. Tara. Listen up ‘yo!