A podcast specifically for the Filipino. Making sense of life's up and downs through the practical application of God's word in light of biblical truth that is found not in dead religion, but solely in Jesus Christ. Isang podcast para sa Pilipino. Nagbibigay saysay sa mga mabubuti at mapapait na karanasan ng buhay sa pamamagitan ng praktikal na aplikasyon ng Salita ng Diyos ayon sa katotohanang makikita lamang kay HesuKristo, at hindi sa relihiyon.
Ang Salita ng Diyos ay pinangako sa lahat ng magtitiwala na magiging liwanag at gabay ng mga pinababanal habang namumuhay sa mundong madilim at puno ng kasalanan. Nakakalungkot na napakaraming kumikilala sa Diyos ang lumalakad sa dilim na hiwalay sa liwanag at kapangyarihang nanggagaling lamang sa Kanyang Salita. Samahan niyo kaming talakayin ang una sa tatlong pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ika-12th session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin. Credit sa painting: Low Church Devotion. Adolph Tindemand
Maraming tao ang may maling pag-aakala na ang bibliya ay para lamang sa mga aral at matatalino. Sa iba naman ay marami itong pagkakasalungat. Ngunit lingid sa maling pananaw ang bibliya ay nagpapakilala kung sino si HesuKristo at ang Kanyang kaligtasan, nagtuturo ng katuwiran at kaalaman, nagbubunga ng pag-asa at kalakasan, nagdadala ng biyaya, at nagdudulot ng kapayapaan at nagbibigay ng buhay. Samahan niyo kaming talakayin ang pagpapatuloy ng dalawa sa tatlong pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ika-10th session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin. Credit sa painting: Low Church Devotion. Adolph Tindemand
Maraming tao ang may maling pag-aakala na ang bibliya ay para lamang sa mga aral at matatalino. Sa iba naman ay marami itong pagkakasalungat. Ngunit lingid sa maling pananaw ang bibliya ay nagpapakilala kung sino si HesuKristo at ang Kanyang kaligtasan, nagtuturo ng katuwiran at kaalaman, nagbubunga ng pag-asa at kalakasan, nagdadala ng biyaya, at nagdudulot ng kapayapaan at nagbibigay ng buhay. Samahan niyo kaming talakayin ang dalawa sa tatlong pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ika-9th session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin. Credit sa painting: Low Church Devotion. Adolph Tindemand
Ang pagpapaliban sa kahalagahan ng tamang doktrina o katuruan ay ang pinakaunang sanhi ng pagkahulog sa kasinungalingan na babala ni Hesus nuong tinanong Siya tungkol sa mga huling araw. Ngunit isa ito sa mga bagay ng buhay Kristiyano na minamaliit kahit ng mga pastor. Kung kaya't tatanggap lamang ang mga nakikinig kung ano ang sabihin sa kanila ng hindi nila alam kung ito ba ay totoo, mali, o halos totoo. Binibigyan diin natin sa munting aral na ito kung gaano binigyang pagpapahalaga ng Panginoon ang pagtayo sa katuruang ayon sa Kanyang banal na salita, at kung paano ito nagbubunga ng panibagong pagtatangi sa buhay na Diyos. Samahan niyo kaming talakayin ang pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ikaapat session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin. Credit sa painting: Low Church Devotion. Adolph Tindemand
Ang pagpapaliban sa kahalagahan ng tamang doktrina o katuruan ay ang pinakaunang sanhi ng pagkahulog sa kasinungalingan na babala ni Hesus nuong tinanong Siya tungkol sa mga huling araw. Ngunit isa ito sa mga bagay ng buhay Kristiyano na minamaliit kahit ng mga pastor. Kung kaya't tatanggap lamang ang mga nakikinig kung ano ang sabihin sa kanila ng hindi nila alam kung ito ba ay totoo o halos totoo. Binibigyan diin natin sa munting aral na ito kung gaano binigyang pagpapahalaga ng Panginoon ang pagtayo sa biblical na katuruan. Samahan niyo kaming talakayin ang pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ikatlong session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin. Credit sa painting: Low Church Devotion. Adolph Tindemand
Ang tamang pagkakilala sa Diyos ay nagbubunga ng tamang lakad at pagsamba. Ang maling pagaakala na bunga ng di pagkakilala sa Diyos ay nauuwi sa kamatayan. Samahan niyo kaming talakayin ang pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 2 at ikalawang session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Ang kasiguruhan ng kaligtasan na nakatayo sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa tao, ay ang isa sa mga pinakadakilang katotohanang biyaya ng Diyos sa kanyang mga pinili. Samahan niyo kaming talakayin ang pag-aaral sa aklat na ito ni Arthur Pink. Hango sa ika-16th session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Patungkol sa nagpapatuloy at pangwakas na pagpapabanal sa atin ng Holy Spirit. Samahan niyo kaming talakayin ang paksang ito. Mula sa isa sa aming munting pag-aaral sa Salita ng Diyos. Hango sa ika-16th session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Mahalagang maunawaan natin ang ating katayuan sa pagpapabanal sa atin ng Holy Spirit. Samahan niyo kaming talakayin ang paksang ito. Mula sa isa sa aming munting oag-aaral sa Salita ng Diyos. Hango sa ika-15th session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Mahalagang maunawaan natin ang ating katayuan sa pagpapabanal sa atin ng Holy Spirit. Samahan niyo kaming talakayin ang paksang ito. Mula sa isa sa aming munting oag-aaral sa Salita ng Diyos. Hango sa ika-15th session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Ang paghirang o pagpili ng Diyos sa mga ibibliang Niya sa Kanyang Iglesia ay isa sa katotohanang idinidiin ng Bibliya. Samahan niyo kaming talakayin ang paksang ito. Mula sa isa sa aming munting pag-aaral sa Salita ng Diyos. Hango sa ikatlong session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Samahan niyo kami sa aming pag-aaral. Lilinawin natin ang ugat ng pagtutunggali ni Hesus at ng buong kaparian hanggang mauwi ito sa pagtatakwil sa kanya ng bansang Israel at pagkakapako Niya sa krus. Hango mula sa supplementary session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Samahan niyo kami sa aming pag-aaral. Hango mula sa ikalawang session ng aming daily bible studies sa bukirin.
Isang maikling bahagi ng mensahe na ibinigay sa mga kabataan ng Batia, Bulacan. Nawa ay sagutin ng mga tagapakinig ang napakahalagang katanungan na ito, na sa huling araw ay tiyak na haharapin ng bawat taong tatayo sa harapan ng banal na Diyos. .
Sa ikalawang episode ng ating serye patungkol sa mga ina, narito ang kwento ng pagsasamang nabubuhay sa araw-araw na pangangailanagan, at kung paano nila ito tinutustusan sa pamamagitan ng pangangalakal ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit gaya ng lahat na lumalapit sa kabutihan ng Diyos, tinugon Niya ang daing ng ina na ito ng pagbabagong nagmumula lamang sa buhay na Diyos.
Ang pananahimik sa gitna ng paghihirap na biyaya ng Diyos, ay pakinabang sa kanyang mga tunay na anak. Ito'y nagdudulot ng ibayong kapayapaan, pagkalalim, pagbabago, at mas mataas na pagpapahalaga sa mga pangako at katapatan ng Diyos. Hango sa isang sulat ni Thomas Brooks, na dinugtungan ng Verse Ministries.
Nilantad ng kasalukuyang pananakot ng pandemia ang tunay na katayuang spiritual ng karamihan ng iglesia. Ang pagiging mangmang sa tunay na pakay ng sinasabing kumakalat na salot ay nagdulot ng pagkaparalisa ng karamihan dahil sa takot . Ngunit sa mga ganitong panahon lumalabas ang tunay na ningning ng isang iglesiang tiyak ang yapak sa pagsunod sa mga tagubilin ng Panginoon. At isa rito ay ang maninindigang sumamba sa buhay na Diyos at magpahayag ng kanyang ebanghelyo sa kabila ng panganib sa buhay.
Ang pagkabalisa o pagaalala sa mga panahon ng kagipitan at paghihirap ay bunga ng kawalan ng pagpapadalamat.
Isa sa mga pinakamahalagang gawain ng Verse Ministries ay ang pampublikong pagpapahayag ng biblical na ebanghelyo ng Panginoong Hesus. Hango mula sa isang outreach noong 2017.
Sa ating panibagong serye ay bibigyang tinig natin ang mga kwento ng isa sa dalawang biyaya ng Diyos sa ating mga tahanan, na kadalasan ay hindi napapahalagahan, maliban sa ilang okasyong inaalala sila. Ito ay kwento ng isang nanay, na dahil sa mataas na kalooban ng Panginoon ay minabuti niyang paraanin sa ibayong hirap, upang magbigay liwanag hindi lamang sa tahanan, kundi pati sa lipunang nalulunod sa kawalan ng pag-asa.
May tagtuyot na nararanasan ang Iglesia ngayon bunga ng modernization at influence ng banyagang Kristiyanismo. Ang tagtuyot na ito ay kawalan ng discernment o ang kakayanang makita ang kaibahan ng tama, sa halos tama. Hango mula sa sulat ni A.W. Tozer, at sinalinan ng sariling unawa at pagpapaalala ng Verse Ministries, upang pagibayuhin natin ang pagbabantay sa pananampalatayang minsan pang ibinigay sa mga pinabanal ng Ama kay Kristo,
Pinapaalala sa atin ng Diyos, na ang ating tugon sa mga kahirapang dinadanas natin, ay ang paglalabas lamang ng kung ano ang nakatago na sa ating loob. Ang sanhi ng ating paghihirap, ay ang paglakad natin ng hiwalay sa Diyos. Sa episode na ito ng ating podcast, pakinggan natin ang maikling bahagi ng isang sermon sa aklat ni Job.
Isang buong araw naglakbay ang mga magulang ni Hesus pauwi bago nila napansin na wala na pala ang kanilang anak. Isang maikling paalala upang manumbalik at sariwain natin ang ating unang pag-ibig.
Likas sa tao ang humanap ng hustisya o pananagutan sa tuwing magagawan tayo ng kamalian. At ang sigaw na ito sa ating pagkatao ay nagmula sa may akda ng hustisya at katapatan, ang Diyos. Sa ikatlo at huling usapang ito ng ating serye tatalakayin natin ang tamang tugon para sa ilan lamang sa napakaraming masasaklap na trahedyang dumadapo sa tao, at ang nararapat na pananaw sa hustisyang nauukol dito.
Alam natin na ang pinakamahalagang foundation ng society ay ang pamilya, kaya't maaari nating sabihin na ang dahilan sa pagbagsak ng moralidad ng lipunan ay ang pagkasira ng pamilya. At ang pinakaugat ng pagkasira nito ay ang kawalan o maling pananaw ng pagpasok ng lalaki at babae sa sagrado at pang habang-buhay na sumpaan ng kasal. Samahan ninyo kami habang aming pag-uusapan sa ikalawang episode ng serye na ito ang mga nagiging sanhi ng trahedya ng paghihiwalay ng mag-asawa.
May mga taong dumaan sa kabigatan na higit pa sa mararanasan ng karamihan, ngunit lahat tayo ay nakaranas na o dumadanas ng trahedya sa ating mga buhay. May mga sumasakay na lang at minamanhid ang sarili sa mga pangyayari, at may mga hindi na rin muling nakakabangon at nananatiling bagsak o nakatali. Meron din namang mga muling bumabangon dahil sila'y may kaya sa buhay o maraming suporta, ngunit may mga hindi natitinag sa pagkakatayo at lumalakad sa tagumpay na hindi dala ng lakas loob o tiwala sa sarili, kundi dala ng kapangyarihan ng Diyos na may akda, at may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay. Samahan niyo kaming pagusapan ang kaibahan ng mga taong nagtatayo ng bahay sa buhangin, at ng mga taong nagtatayo ng bahay sa bato.