POPULARITY
Categories
Jamie Ilagan shared that although his parents were not musically inclined, his family fully supported him and his siblings in learning piano, a journey that eventually led him to become known as DJ “Dr. J” on SBS PopAsia and at Vivid Sydney. - Inamin ni Jamie Ilagan na bagama't hindi musically inclined ang kanilang mga magulang, suportado naman sila ng pamilya na matutong tumugtog ng piano na naging daan para makilala siya ngayon bilang DJ na si 'Dr. J' sa SBS PopAsia at Vivid Sydney.
Kaysy and Cherry de Leon are among the Filipino migrants living in Coober Pedy, an outback town in South Australia with a population of only around 1,576. - Si Kaysy at Cherry de Leon ay ilan sa mga migranteng Pinoy na nakatira sa Coober Pedy, isang outback town sa South Australia na mag populasyon lamang ng higit kumulang na 1,576.
LYRICS : (Unang Taludtod) Nakatayo sa gitna, hindi alam ang gagawin Dalawang lalaki, sino ang susundin? Ikaw na pangarap, pero malayo ang tingin At siya na tapat, handa akong kalingain. (Pre-Refrain) Gulo ang isip, gulo ang damdamin Sino sa inyo ang dapat aminin? Isang puso lang ang dala-dala ko Bakit nahati sa dalawang mundo? (Refrain - Repetitive Hook) Sino ba? Sino ba? Sino ba sa inyo? Ang mahal ko ba, o ang mahal ako? Sino ba? Sino ba? Sino ang totoo? Yung tinitibok ba, o yung sigurado? Mahal kita, pero mahal niya ako. Sino ba? Sino ba? Gulo ang puso ko. (Sino ba? Sino ba?) (Ikalawang Taludtod) Sa kanya ay payapa, sa 'yo ay kaba Sa kanya ay sapat, sa 'yo ay kulang pa. Siya ang pahinga sa bawat sandali Pero sa 'yo ang puso, kahit mali, kahit hapdi. (Refrain - Repetitive Hook) Sino ba? Sino ba? Sino ba sa inyo? Ang mahal ko ba, o ang mahal ako? Sino ba? Sino ba? Sino ang totoo? Yung tinitibok ba, o yung sigurado? Mahal kita, pero mahal niya ako. Sino ba? Sino ba? Gulo ang puso ko. (Tulay) Ayokong makasakit, ayokong lumuha Ngunit kailangang pumili sa inyong dalawa. Isa ay bituin, isa ay tahanan Sino ang dulo, sino ang iwanan? (Refrain Final - Double Hook) Sino ba? Sino ba? Sino ba sa inyo? Ang mahal ko ba, o ang mahal ako? Sino ba? Sino ba? Sino ang totoo? Yung tinitibok ba, o yung sigurado? Mahal kita, pero mahal niya ako. Sino ba? Sino ba? Gulo ang puso ko. (Outro) Sino ba? (Ikaw ba?) Sino ba? (Siya ba?) Sino ba... ang pipiliin ko? (Sino ba? Sino ba?)
"Tinatahak ko ang aking landas at si Jah ang aking liwanag..."
Iniwan mo na ba ang susi sa dati ninyong tagpuan?
Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam!Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang tumatagal ang kwentuhan, mas narealize kong hindi lang pala ito laro o online competition. Sa maraming paraan, nagiging microcosm din ito ng Pilipinas—may pulitika, alliances, strategy, drama, social dynamics, at reflections ng ugali nating mga Pinoy.Napag-usapan din namin kung bakit sila nahilig dito, ano ang fulfillment na nakukuha nila, paano nabuo ang community, at kung paano naging space ang PSL hindi lang para sa entertainment, kundi para rin sa friendships, advocacies, at minsan, social commentary.Isang unexpectedly insightful at fascinating na kwentuhan tungkol sa internet culture, human behavior, community-building, at pagiging Pilipino sa digital age.Listen up, yo!
Marissa Isang is an Emmy-nominated storyteller whose career has taken her from Chicago newsrooms to the forefront of AI and tech communication.Born and raised in Chicago, Marissa reflects on how the city shaped her understanding of family, resilience, and curiosity. We talk about the feeling of Chicago, navigating life between Bronzeville, the suburbs, and Rockford, and why the city never really leaves you.We also dive into her journey through television news, producing live broadcasts, covering iconic Chicago moments like the Cubs' World Series run, and earning Emmy nominations for her storytelling. Then we explore her transition into the tech world, where she now helps make AI understandable, accessible, and human.This conversation is about evolution, curiosity, storytelling, and learning how to navigate a rapidly changing world without losing sight of who you are.Episode Highlights:• Why “Chicago is a feeling.”• Breaking into television news and sports broadcasting• Covering Chance the Rapper and the Cubs World Series• Transitioning from journalism into tech and AI• Making artificial intelligence understandable for everyone• Ethical AI and why representation matters• The power of curiosity in storytellingEpisode Resources:Marissa's LinkedInMarissa's Instagram AccountLink to purchase:FYLPxTracee Badway Merch CollaborationFYLPxWRDSMTH Merch Collaboration*suggestion is to size upDownload this episode of For Your Listening Pleasure wherever you get your podcasts! Make sure you follow us on Instagram @foryourlisteningpleasureClick here to listen to the For Your Listening Pleasure Theme Song Playlist on Spotify.To continue the conversation, feel free to DM me at https://www.instagram.com/foryourlisteningpleasure/ or email me at foryourlisteningpleasure@gmail.com.
Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures. As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread. Luke 24:13-35 NRSVUE INTRODUKSYON Tayo ngayon ay nasa ikatlong bahagi ng ating serye. Pangatlong beses na rin nating binabasa at naririnig ang Gospel mula kay Luke, ang kwento ng paglalakbay patungong Emmaus. At gusto ko kayong tanungin: Ano ang naging impact ng marinig ito sa pangatlong pagkakataon? May nabago ba sa mensahe? Meron ba kayong bagong napulot mula sa kwento na hindi pa natin napag-uusapan sa nakaraang dalawang linggo? Ang tema natin sa araw na ito ay “Christ in Our Meals”—si Kristo sa ating mga hapag. PAGBABALIK-TANAW SA PARTS 1 & 2 Pero bago ang lahat, magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraang dalawang linggo. Sinamahan natin sina Cleopas at ang kanyang mga kasama sa kanilang paglalakbay, at sa prosesyong iyon, tila tayo rin ay naglakbay kasama nila. Sa Part 1, napag-usapan natin ang kahalagahan ng pagiging present sa ating journey. Madalas sa bigat ng ating dinadala—mga responsibilidad, problema, at mga bagay na hindi natin kontrolado—nakakalimutan nating huminto at namnamin ang kasalukuyan. Tulad ng dalawang disciples, hindi nila napansin na si Jesus ay kasama nila sa daan all along sa kanilang journey. We learned that Emmaus is not just a place; it is a state of being. A moment where our disappointment meets God’s divine presence. At kahit tayo ay tila naglalakad palayo sa pag-asa, si Kristo ay lumalapit sa atin, sinasamahan tayo sa bawat hakbang. Napag-usapan din natin ang involvement ng kababaihan sa journey ng historical Jesus—mula sa pagpondo ng mga ministry ni Jesus, sa kanyang crucifixion, hanggang sa pagkabuhay niyang muli, at sa pagbabahagi ng unang Gospel. Women were always there. Sa ikalawang bahagi naman, nakita natin na si Hesus ay hindi lamang kasama sa ating paglalakbay kundi pati sa ating pakikipamuhay sa kapwa. Through conversations with others, with our community, and even with ourselves, we encounter Christ. I also shared about the importance of clarity through inner work gamit ang M.I.C.K.: Motivate, Inspire, Cheer, Be kind. Mula sa book ni Coach Pia Acevedo na “Focus on What Matters”, we learned that if we don’t do inner work, we don’t just suffer alone; the people we love also encounter a compromised version of us. Napag-usapan natin ang struggle ng pagiging [LGBTQ+]—[LGBTQ+] na nga, breadwinner pa! At kung bakit tila napakahirap para sa ating mga Pilipino ang mag-set ng boundaries sa ating mga mahal sa buhay. Hindi lang ito struggle ng [LGBTQ+] people kundi pati na rin sa ating straight allies. Ang pagsabayin ang pagiging anak, magulang, breadwinner, at tagapagtaguyod ng pamilya sa mga ganitong pagsubok. Mahalaga ang maayos na pag-uusap at pag-engage sa conversations that are uncomfortable but necessary. PART 3: CHRIST IN OUR MEALS Para naman sa ating ikatlong bahagi, ang ating tema ay “Christ in Our Meals.” Alam natin kung gaano kahalaga ang pagkain sa ating buhay upang tayo ay magkaroon ng lakas, makakilos, at makapagpatuloy sa ating journey. Gayun din kahalaga ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Ang pagkain ay esensyal upang tayo ay mabuhay. At kung babalikan natin ang naging paglalakbay ni Kristo kasama ang mga unang Kristiyano, malaking bahagi ng ministry ni Jesus ang umikot sa pagkain. Oh ‘di ba? Unlimited food! Sa ating Gospel nga, nakita natin na matapos silang magbahagi ng tinapay, doon lamang nila naunawaan na si Hesus pala ang kasama nila. Ito rin ang iniwan sa atin ni Kristo: “Sa tuwing pagsasaluhan ninyo ang tinapay at inumin, ako ay inyong alalahanin.” Bukod sa isang paalala, ito rin ay isang covenant, isang pangako na si Kristo ay kasama natin. Christ is revealed when the bread is broken. Isa sa pinakasikat na miracle ni Jesus ay ang pagpapakain niya sa 5,000 katao, at ang kwentong ito ay makikita sa apat na Gospels. Meron ding kwento sa John 21:9-14, kung saan matapos mangisda si Peter at ang kanyang mga kasama, niyaya sila ni Hesus, “Come and have breakfast.” Sa mga oras na iyon, wala ni isa sa kanila ang nagtanong kung sino siya dahil alam nilang iyon ay si Kristo. Inabutan niya sila ng tinapay at isda. Ito ang ikatlong pagkakataon na nagpakita si Hesus sa mga disciples matapos siyang mabuhay muli. Meron din sa Luke 5:29-32 kung saan si Hesus ay kumakain sa bahay ni Levi kasama ang ibang tax collectors. Dito, tinanong siya ng mga Pharisees at scribes, “Why do you eat with tax collectors and sinners?” Isang account kung saan pinili ni Kristo na makisalo at makisalamuha sa mga taong itinuturing na “unclean” at immoral noong panahon na iyon. Let us also remember the best meal chika na matatagpuan din sa Luke 14:15-21, kung saan si Jesus ay inimbita sa isang banquet during Sabbath. Before this, he healed a man with dropsy, and he also challenged the religious leaders. Then someone said, “Blessed is anyone who will eat bread in the kingdom of God.” Then Jesus replied with the Parable of the Great Dinner. A man prepares a great banquet and invites many guests. At nang handa na, inutusan niya ang kanyang servant para papuntahin na ang mga ito. Ngunit wala ni isa sa kanila ang dumalo. At ang excuse? Sila ay busy bumili ng lupa, ng oxen, at ‘yung isa naman ay just got married. Umay, ‘no? So nagalit ngayon ‘yung host and told the servant to invite the poor, the crippled, the lame, and the blind instead of the wealthy friends who can repay them. Then the parable ends with a warning: “None of those invited will taste my dinner.” Sa Jewish culture, very symbolic ang mga banquets at isa itong serious social commitment. Kaya deeply insulting na after mong mag-accept, biglang hindi ka pupunta. Ang parable na ito ay ginamit ni Jesus to speak about God’s invitation to the Kingdom, tungkol sa radical na hospitality at inclusion. Malaking bahagi rin ng pagkain sa ating buhay. I mean, hello, not to state the obvious, isa sa aking love languages ay ang pagluto at paghain ng masarap na pagkain para sa aking mga mahal sa buhay. I also hold it as my personal advocacy ang magbahagi ng pagkain sa mga homeless whenever I am able. Para sa akin, ito ang pinakamadaling paraan upang iparamdam ang presence ni Kristong buhay, dahil ito rin ang mas kailangan nila sa mga sandaling iyon. Habang patuloy tayong lumalaban para sa mundo kung saan ang lahat ay binibigyan ng sapat sa araw-araw, ang mga kwentong ito ang nagpapaalala sa atin na Christ is present in our journey, in our conversations, and in our meals. PAKIKIBAKA AT HUSTISYA Siyang tunay, hindi ba? Ang mga kwentong ito ang ating realization sa pagbasa ng ating Gospel ngayon. Nakaraang dalawang linggo, ang kwento ng journey to Emmaus ay tila buod, isang summary at pagpapatotoo sa presensya ni Kristo sa ating buhay—ang kanyang presence with us by default. A presence that is ever inclusive, mapangyakap, at welcoming, tulad ng isang open table o bukas na hapag, regardless of our sexual orientation, gender identity, race, o katayuan sa buhay. Si Kristo ay kasama natin every step of the way. Hindi lamang sa mga panahon ng festive at masaya, kundi lalo’t higit sa mga panahon ng kalungkutan, galit, at pagluluksa. Si Kristo ay kasama natin tuwing tayo ay nakikisangkot at nakikibahagi sa taunang Pride March, at sa iba pang pagkilos laban sa korupsyon at pang-aabuso; sa ating pakikiisa sa manggagawang Pilipino sa panawagan para sa nakabubuhay na sahod; sa pakikibaka ng mga tsuper na Pilipino sa gitna ng oil crisis; at sa ating panawagan para sa pagtigil ng walang kabuluhang digmaan at karahasan. Patuloy tayong nananawagan ng hustisya para kay Alicia Alano at sa iba pang nasawi noong April 19, 2026, sa isang engkwentro sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Si Alicia ay isang estudyante at student leader mula sa University of the Philippines Diliman, at nasa Negros noon para sa community immersion at pananaliksik tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka, kabilang ang mga alegasyon ng land grabbing at militarisasyon sa lugar. Imagine being killed in a supposed “legitimate encounter” against alleged members of the NPA. Ito ba ang kinabukasang nais nating ipamana sa ating mga kabataan? Isang mundong sapat na ang “umano” at hinihinala upang kumitil ng buhay ng mga pag-asa ng bayan? Kaya kailangan nating makisangkot at makibahagi sa difficult conversations upang labanan ang ganitong klaseng kaisipan at kultura ng karahasan. Patuloy nating bitbitin ang kwento ni Alicia, kasama ang iba pang naging biktima ng karahasan at ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. At sa mga ganitong panahon, dalangin natin na patuloy na yakapin ni Kristo ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Alicia at iba pang biktima sa panahon ng kanilang pagluluksa. Nawa’y puspusin sila ng pag-ibig, yakap, at paghilom ng Diyos habang patuloy tayong nakikibaka para sa hustisya—because God’s love must always be tied to justice. INTERNATIONAL SOLIDARITY & SAINTS OF THE CHURCH I cap this preaching series na may bitbit na mga bagong kwento mula dito sa Taipei, Taiwan, kasama ang ilang sa ating mga members at music team leaders sa event na International [LGBTQ+] Alliance Christian Church. This event is also a popular culmination of what we learned sa Walk to Emmaus. Narinig natin ang journey ng ating Asian neighbors and their stories of struggles of being [LGBTQ+] Christians. Now they went through the same but different situations, just like the two disciples. Hindi nalalayo ang kwento natin as Open Table sa mga struggles ng ating [LGBTQ+] Christian siblings. Ang struggles nila sa mainland China, Korea, maging dito sa Taiwan, Japan, Hong Kong at iba pa, Christians are considered a minority. The Philippines may have the highest percentage of Christians, but we are also a minority within the wider church. We are here to tell our stories, to share a meal with each other, and be a holy conversation with a wider community. (Pasensya na po habang ano, kasama ‘yung sipon sa pagtanda…) To be with the wider community, to be in communion with each other, to be each other’s hope, knowing that even a small light in a great darkness is still light. I got this directly from a pastor from Japan kung saan she was asked just to remain silent and not embrace being [LGBTQ+] and Christian. Sa kwento ng isa nating church sa Singapore, they could not hold a Pride protest. And I will always remember the story of Pride from Bora, Korea. Isang straight sweet ally na literal na inalay ang kanyang buhay to fight along with her [LGBTQ+] siblings in Korea, even facing persecution from conservative churches and the government. I am truly blessed and honored to have met her here during Amplify 2018, and was saddened to hear about her passing a few years ago. Ngunit ang kanyang kwento at ang kanyang buhay ay hindi naiuwi lang sa wala. Ito ngayon ang pinanghahawakan nila upang magpatuloy. Let’s always remember our Christian faith is much about remembering as it is remaining hopeful. At nawa ay patuloy nating alalahanin ang ating mga [LGBTQ+] saints: si Father Richard M. at ang kanyang passion; si Pastor Egay at ang kanyang gentleness at compassion; si Ninong Mike sa kanyang ever-welcoming spirit; at si Maxi Choy sa kanyang tapang at adbokasiya laban sa stigma and awareness about HIV and AIDS. I also remember Himalaya, and my promise to always guide our younger generations of [LGBTQ+] Christians. KONGKLUSYON Mga kapatid, sa pagtatapos ng ating series, ito marahil ang pinakamahalagang paalala ng Emmaus story : Na kailanman ay hindi mawawala si Kristo sa ating buhay. Naroon siya sa ating paglalakbay, pag tayo ay pagod na. Sa ating pag-uusap, when we comfort each other kapag tayo ay sugatan, nalilito, o naghahanap ng sagot. At naroon siya sa ating mga hapag—sa bawat paghahati ng tinapay, sa bawat salo-salo, at sa bawat pagkakataon na tayo ay nagbabahaginan ng buhay, pagmamahal, at pakikibaka. Dahil ang tunay na komunyon ay hindi lamang tungkol sa tinapay at alak; ito rin ay pagkilala niya sa atin, sa uring manggagawa, sa [LGBTQ+] community, sa kabataang lumalaban, at sa ating mga straight allies who journey with us. At nawa’y manatiling nag-aalab ang ating mga puso sapagkat si Kristo ay buhay. Kasama natin sa daan, kasama natin sa hapag, at kasama natin sa paglaban. Amen. The post Easter: The Walk To Emmaus Part 3 appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
A new report says Australia has no national strategy to regulate AI in the workplace, released as an AI forum in Adelaide examines the issue. The John Curtin Research Centre argues AI's impact on workers will be shaped not by technology, but by political decisions. - Isang bagong ulat ang nagsasabing kulang ang Australia sa national strategy o malinaw na plano para sa paglaganap ng AI sa mga lugar ng trabaho. Kasabay ito ng isang forum sa Adelaide na tumatalakay sa epekto ng AI sa mga manggagawa.
Isang tindera ng gulay ang nasubok ang katapatan sa pamilya matapos madala sa misteryosong mundo ng Biringan, kung saan ang kapalit ng walang hanggang yaman ay ang kalayaan ng kanyang puso.
Sa gitna ng kontrobersyal na enkwentro na kumitil sa buhay ng ilang kabataan, ano ba talaga ang dapat nating tingnan—ang choices nila, o ang sistemang naglagay sa kanila sa ganitong sitwasyon? Nakikiramay kami sa mga pamilya ng mga nasawi. Ngunit sa halip na magturo agad ng sisi o mag “name-calling,” mas mahalagang tanungin: May accountability ba ang schools? Ang teachers? Ang system mismo? Sa video na ito, pag-uusapan natin ang mga claims na: • Hindi raw NPA ang mga napatay, kundi mga researchers • May alegasyon na armado ang ilan sa kanila • At ang mas malalim na tanong: Paano napunta ang mga estudyante sa ganitong delikadong lugar? Bilang isang magulang, ibang perspektibo ang dadalhin natin— Kung anak mo ang nasa sitwasyon, sino ang dapat managot? Balikan din natin ang mga nakaraang insidente kung saan schools were held accountable, ang tanong: Bakit parang iba ang standard ngayon? Hindi ito simpleng usapin ng politika. Ito ay usapin ng responsibilidad, impluwensya, at kaligtasan ng kabataan.
Isang matapang na sundalo ang gumamit ng kapangyarihan ng mahiwagang mutya ng ahas upang makipaglaban at makaligtas sa isang madugong giyera laban sa mga rebelde at mga aswang sa Mindanao.
In Trabaho, Visa, atbp., Xenai Digital CEO and founder Pauline Pangan outlines essential strategies for professionals to adapt and thrive as Artificial Intelligence transforms the global workforce. - Sa Trabaho, Visa, atbp., ibinahagi ng Xenai Digital CEO and founder na si Pauline Pangan ang mga estratehiya upang gawing oportunidad ang banta ng Artificial Intelligence sa mga manggagawa.
Panibagong episode ng Daddy Diaries, kasama ang idol ko, si Daddy Rene Sangalang. Noong nakaraang October 2025, naabot nya ang isang milestone: 75 years old na sya! Sa loob ng pito't kalahating dekada, nakakalap sya ng karanasan at kaalaman. Isang umaga, niyaya ko syang magrecord ng podcast— at habang nagkakape, ibinahagi nya ang learnings nya in life. Masayang kausap si Daddy, at ang dami kong natututuhan. Sana, kayo rin! At sana, magkaroon din ang bawat isa na makapag-usap sa magulang, at sa mga mentor sa buhay.Listen up, yo!
Isang natatanging paghaharap para sa kinabukasan ng dalawang dimensyon ang magaganap, saksihan ang pakikipagsapalaran ni Natoy kasama si Wahid sa pagbawi ng Mutya ng Kalikasan sa mga ganid na Higanteng Espaltan.
Melbourne has officially secured its position as the global leader in culinary diversity and excellence for 2026. - Opisyal nang kinilala ang Melbourne bilang pandaigdigang lider sa sarap at pagkakaiba-iba ng pagkain para sa taong 2026.
Pakiramdam mo ba ipinagkait sa'yo ang maayos na buhay? Yung mga bagay na inaasahan mong mangyayari, pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating? Hindi man ito maibigay ng taong mahal mo, o ng taong inaasahan mo, mayroong Diyos na nakakaalam ng lahat ng sakit at pinagdaraanan mo. Sa Kaniya, may pag-asa kang matatagpuan, Isang pag-asang hindi ka bibiguin.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Support the show
For some, Ilocos empanada is the half moon-shaped orange snack that's having a moment online; but for Bryan Dalere, it's a childhood favourite that's followed him all the way from Ilocos Norte to the Sunshine Coast. - Para sa ilan, ang Ilocos empanada ay isang Pinoy snack na nakilala nila online; pero para kay Bryan Dalere, ito ay paborito niyang comfort food mula sa kanyang pagkabata.
Sa episode na ito, tampok ang live event ng Linya-Linya at Rappler noong Jan. 24, 2026, na ginanap sa Linya-Linya HQ. Pinamagatang “Mabuti Pa: Pag-usapan Natin ang Good Governance" ang roundtable discussion na ito, kung saan pinag-usapan kung paano nagagamit ng content creators at comedians ang humor, storytelling, at social media para maiparating ang mga usaping panlipunan, at kung paano nila natutulungan ang mas maraming kabataan na makialam, magtanong, at makibahagi sa diskurso tungkol sa good governance.Moderated by Rappler's Bea Cupin, umikot ang kwentuhan sa papel ng creators sa paglalapit ng current affairs at political issues sa bagong henerasyon—sa paraang relatable, accessible, at may impact.Bahagi ito ng #MabutiPa campaign ng Linya-Linya at Rappler— isang initiative na hinihikayat ang kabataang magsimula ng makabuluhang usapan, makialam sa komunidad, at kumilos tungo sa mas mabuting pamamahala, papalapit sa 2028 elections.Isang masayang kwentuhan na may laman— kung paano nagtatagpo ang content, comedy, at citizen engagement. Mabuti pa, makinig ka, at makinig tayo sa isa't isa. Listen up, yo.
A dedicated group of Filipino entrepreneurs has formed a community aimed at supporting the growth and operational success of local small businesses. - Isang grupo ng mga Pilipinong negosyante ang binuo upang magbigay ng suporta at gabay sa pagpapatakbo at pagpapalawak ng mga lokal na small business.
Isang beses lang binanggit si Susana sa New Testament. Hindi siya tulad ni Mary Magdalene, na pamilyar kahit sa mga hindi mahilig magbasa ng Biblia. O ni Juana, na malamang ay isang influential person noong panahon nila. Parang pahabol lang ang pagdagdag ng pangalan ni Susana sa Gospel ni Luke. Madali itong ma-miss, madaling makalimutan.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
At only 22 years old, Julia Di Pascuale has built her cafe around an eclectic menu of Filipino and Italian favourites that she says should be treated "equally". - Sa murang edad na 22 na taong gulang, nagpapatakbo na si Julia Di Pascuale ng sarili niyang kapehan na may kakaibang menu na may halo ng Italian coffee at pagkaing Pinoy.
Despite facing harsh discrimination in her early years in Queensland Australia, Esther Hoy rose to become a successful chef and café manager. Passionately, she now mentors international students beginning their journey on the Gold Coast, sharing the skills and lessons she has learned. According to data from Trade and Investment Queensland, in 2021, more than 25,300 students on student visas were enrolled on the Gold Coast. Trade and Investment Queensland data show that in 2021, over 25,300 student visa holders were enrolled on the Gold Coast. Esther Hoy, a former domestic helper in Hong Kong, returned to school to study culinary arts and management, becoming a qualified chef and managing a second branch of their Euphoria Espresso Café on the Gold Coast. - Matinding diskriminasyon ang naranasan ni Esther Hoy sa kanyang unang taon sa Queensland, Australia. Sa kabila nito, pinatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang chef at matagumpay na naging katuwang sa kanilang café. Buong puso rin niyang ibinahagi ang kanyang natutunan sa mga nangangailangan, lalo na sa mga international students na nagsisimula pa lamang sa kanilang buhay sa Gold Coast.
Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo.Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi alam ng karamihan. Napag-usapan namin ang kanyang background — mula sa pamilyang accomplished sa academe at corporate world, hanggang sa pagiging top baseball prospect noong kabataan niya, pagdaan sa UP, at pagpasok sa iba't ibang mundo ng Katipunan — bilyaran, underground scenes, at hip hop community na nagpamulat at humubog sa kanya.Ikinuwento rin niya ang kanyang journey sa hip hop — bilang DJ, music producer, at kahit bilang rap artist (whut?!). Mula sa early underground movements, collaborations, beat making, hanggang sa pagiging bahagi ng UPRISING at FlipTop.Napag-usapan din ang pagiging up-close witness niya sa pinakamalalaking battles sa kasaysayan ng FlipTop — ano ang pakiramdam na hawak ang kamera habang nangyayari ang epic battles, at paano niya nakikita ang ambag ng FlipTop sa hip hop, sa kultura, at sa lipunan.Isang jaw-dropping na kwento ng isang tahimik na haligi ng eksena — mula Katipunan, hanggang entablado ng hip hop, hanggang sa likod ng kamera ng kasaysayan.Solid na kwentuhan. May UMPH.Listen up, yo.
Isang biyaya ang magkaroon ng taong mamahalin ka ng buong-buo at ipapakita sa iyo kung ano talaga ang halaga mo. Pakinggan ang kwento ni Anet sa Barangay Love Stories.
Kevin Si is no stranger to grief. From going through a heartbreaking loss to becoming a grief coach to help others, he shares that he learned that healing isn't the goal, learning to see grief as a "friend" is. - Mula sa pagkawala ng kanyang partner patungo sa pagiging isang grief coach, saad ni Kevin Si na natutunan niya na hindi paghilom ang hangarin kundi ang pagkakilala sa pagdadalamhati bilang isang kaibigan.
Sa episode na ito ng Livin' The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na 'to.Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa.Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time.Listen up, yo.
On this special Women's Month episode, nakasama natin ang proud members ng Lady Boses podcast — sina Jeannie Laccay, Diana Aaron-Ong, at Khaye Asco — isang all-female collective ng stand-up comedians na patuloy na nagbibigay ng #Pekpektives sa buhay, trabaho, at comedy scene.Napag-usapan namin ang origin story ng Lady Boses, ang kani-kanilang personal journeys sa stand-up comedy, at kung paano nila nina-navigate ang isang industriyang matagal nang male-dominated. Pinag-usapan din namin ang creative process nila—kung bakit mahalagang magsulat muna ng jokes para sa sarili bago sa audience, para lumabas ang authentic na boses at maiwasan ang magkakatulad na materyal.Napunta rin ang usapan sa women representation sa comedy, validation mula sa kapwa babae, dynamics ng female audiences, at kung paano nagiging mas komportable at mas expressive ang tawa kapag kapwa babae ang nasa entablado.Isang masaya, makulit, pero makabuluhang kwentuhan kasama ang mga trentahin at kwarentahing tita.Listen up, yo.
Isa ka ba sa mga naghahanap ng totoong pag-ibig na magbibigay saya sa iyong buhay?Sa mga panahong pakiramdam mo na nag-iisa ka, nariyan ang Diyos na handa kang samahan at iparamdam ang Kanyang pagmamahal na walang katulad. Isang pagmamahal na hinding-hindi kayang pantayan ninuman sa mundong ito.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
In a board room of middle aged tech men, CEO and founder of Xenai Digital Pauline Pangan shares that she's the 'odd one'; but while this difference means she constantly needs to prove herself, she anchors herself in being part of a Filipino culture that sees female leadership as a norm. - Ayong sa CEO at founder ng Xenai Digital na si Pauline Pangan siya ang 'odd one' sa board room na puno ng mga kalalakihan; ngunit ang kaibahan na ito ang nagtutulak sa kanyang mas lalo pang ipaalam sa iba ang kaya niyang gawin
During the SBS Filipino live broadcast at Bondi, Ronna Guzman of the Philippine-Australian Multicultural Association Inc (PAMAI) shared her insights about social cohesion and discrimination. - Sa naging live broadcast ng SBS Filipino sa Bondi, isa si Ronna Guzman ng Philippine-Australian Multicultural Association Inc (PAMAI) sa nakapanayam kaugnay sa diskriminasyon at pagkakaisa ng lipunan.
Si Camille Punzalan ay isang kilalang host sa Filipino community sa Australia at kamakailan lang ay nag-host siya ng event para sa AFC Women's Asian Cup 2026 sa Optus Stadium, kung saan halos 45,000 ang dumalo. - Si Camille Punzalan ay isang kilalang host sa Filipino community sa Australia at kamakailan lang ay nag-host siya ng event para sa AFC Women's Asian Cup 2026 sa Optus Stadium, kung saan halos 45,000 ang dumalo.
At a time when women's safety and empowerment remain key concerns, a family-run jiu-jitsu school in Blacktown, Western Sydney, is helping women build skills that go beyond physical defence, focusing on awareness, prevention, and safer decision-making. - Sa gitna ng patuloy na usapin tungkol sa kaligtasan at empowerment ng kababaihan, isang family-run jiu-jitsu school sa Blacktown, Western Sydney ang nagsasagawa ng self-defense training para sa kababaihan upang matulungan silang magkaroon ng kumpiyansa at kakayahang ipagtanggol ang sarili.
International student aiming for early childhood education deported from Australia - Isang international student na nagnanais mag-aral ng early childhood education ang hinarang at agad na ipina-deport palabas ng Australia.
Sa pinakabagong episode ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang dalawang award-winning writers at guro—Prof. Joselito Delos Reyes at Jerry Gracio—para sa isang masayang pero makabuluhang kwentuhan.Pinag-usapan namin ang mga recent na balita sa pulitika, ang mga aral na dapat sana'y natutuhan sa mga huling kampanya, at ang halaga ng pag-uusap-usap ng iba't ibang mga grupo at kampo, upang maipanalo ang mga nais nating mamuno sa bansa. Syempre, natalakay din natin kung paano nagbabago ang paraan ng pagsusulat—mula sa tradisyunal na panitikan hanggang sa social media. Napagkwentuhan din ang creative writing, ang papel ng manunulat sa lipunan, at syempre, ang hypothetical campaign strategy kung sakaling tumakbo na nga sa pulitika si Sir Jerry Gracio (haha!).Isang usapan na may talas, may tawa, at may lalim—para sa mga naniniwala na ang salita ay may bigat, at ang panitikan ay may pakialam.Listen up, yo!
Socialism vs Capitalism — alin nga ba ang mas makatarungan, mas epektibo, at mas aligned sa moral values?
While Filipinos are known to be one of the happiest people in the world, mental health advocate Giancarlo de Vera says that we should be cautious about always pushing through the hurt and simply 'looking at the bright side' of things. - Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa pinakamasayahing grupo sa mundo, ngunit ayon sa mental health advocate na si Giancarlo de Vera, kailangang mag-ingat sa mga coping mechanisms gaya ng 'looking at the bright side' ng mga bagay-bagay.
A new study from the Scanlon Foundation reveals that although migrant communities in Australia are growing, many still experience intense discrimination that hinders their full sense of belonging in the country. - Isang bagong pag-aaral mula sa Scanlon Foundation ang nagpapakita na bagama't lumalago ang mga komunidad ng migrante sa Australia, marami pa rin ang nakararanas ng matinding diskriminasyon na humahadlang sa kanilang ganap na pakiramdam ng pagkabilang sa bansa.
Maiba tayo itong buwan ng mga puso. Isang kwentong kama ni DJ Joe, isang past guest. Ang topic na mapapagusapan ay para sa edad 18 pataas.Kung di nyo pa naririnig ang mga episode ni DJ Joe, eto ang part 1 at part 2 ng kwento nya:Part 1 - EP240 - Joe's Paranormal Protocols - https://youtu.be/LjDpVMJF5T0Part 2 - Undas Episode - https://youtu.be/_Vs4z9sTAsUKung meron ka ring gustong share na mga kakaibang Kwentong Kama para sa susunod na Valentin'e s Day pwede mo yan email sa paranormalsph@gmail.comKung shy ka, pwede mo rin yan share sa Discord ng Para Normal Podcast: https://discord.gg/YWF4BpS4gQ In case first time mo makinig sa podcast, pwede ka magsimular sa Episode 1:EPISODE 1 The Unexpected VisitorIf you enjoy this kind of conversation, you might want to subscribe :D FacebookSpotifyYouTubeTiktok Apple Podcast- - - - - - - - - - - - - - - - - - Do you want to support the podcast? You can help keep us going by giving us a cup of joe! ko-fi.com/paranormalpodcast You can also support us on Patreon https://www.patreon.com/paranormalpodcast We have different tiers for supporters, from the general support to early access, to joining us on the calls way in advance. No pressure, just additional help for us :) The Para Normal Podcast. Engineered and Produced by f90 Productions Rate and Review our show on Spotify, Pocket Casts, and Apple PodcastsFor brand partnerships, advertisements, or other collaboration opportunities with our podcast, please contact our management team at info@tagm.comEnjoy.
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama muli natin ang award-winning writer, at dati kong guro, na si Edgar Calabia Samar—isa sa mga pinakamahusay na manunulat ng ating henerasyon.Nagkwentuhan kami tungkol sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalin— hindi lang bilang mga gawain, kundi bilang mga paraan ng pananatiling buo sa gitna ng magulong realidad. Pinag-usapan namin kung bakit hindi kahinaan ang pagiging emosyonal, kundi sintomas ng mas malalalim na suliranin sa lipunan; kung paano dapat igalang ang sariling damdamin; at kung bakit mahalagang hanapan ng oras ang pagsusulat kahit sa “karaniwang araw.”Tinalakay rin namin ang halaga ng pagbabasa— kahit pa minsan ay tinatawag na "performative" — at kung paanong ang libro ay nagiging security blanket sa mga sandaling pinaghihintay tayo ng mundo. May pagbasa rin ng tula, pagninilay sa salitang “dito,” at pag-usisa kung kanino at hanggang saan ba ang sakop ng ating espasyo, damdamin, at pananagutan.Isang mahabang kwentuhan tungkol sa wika, emosyon, at pagkatao— na nagpapaalala sa atin na ang nararamdaman natin ay may pinanggagalingan, at may saysay.
A leaked Liberal Party policy proposes banning migrants from what they are calling terrorist-controlled regions such as Gaza, Somalia and the Philippines from entering Australia. - Isang leaked policy o nabunyag na polisiya mula sa Liberal Party ang nagsusulong na ipagbawal ang pagpasok sa Australia ng mga migrante mula sa mga tinatawag nilang "terrorist-controlled regions," gaya ng Gaza, Somalia, at Pilipinas.
Like many migrants adjusting to a new life overseas, food became a powerful connection to home. After relocating to Melbourne, Chef Ben Roquero found himself missing familiar snacks from the Philippines, the golden, sesame-coated rice balls often enjoyed as dessert or merienda called buchi. What started as a simple longing for a taste of home eventually grew into something bigger. - Hindi inakala ng Melbourne-based Filipino chef na si Ben Roquero na ang pagka-takam sa buchi matapos lumipat sa Melbourne ang magiging daan at inspirasyon para sa isang negosyong patok hindi lang sa mga Pinoy at Asyano na nasa Australia.
Sa gitna ng takot at pangamba, may pag-ibig na hindi natitinag. Isang pag-ibig na kayang magpalaya mula sa alinlangan at pangamba. Nais mo bang malaman at maranasan ang pag-ibig na ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
What's the story behind “MR BIG aka Tatay, A Transwoman and That Tiring Tune!”—a dark comedy play infused with Filipino music and culture? SBS Filipino interviewed the characters Dax Carnay-Hanrahan, Trevor Santos, and Aiden Miranda. - Ano ang kuwento sa likod ng “MR BIG aka Tatay, A Transwoman and That Tiring Tune!”—isang dark comedy play na hinaluan ng musika at kulturang Pilipino? Nakapanayam ng SBS Filipino ang mga karakter na sina Dax Carnay-Hanrahan, Trevor Santos, at Aiden Miranda.
Andre Marquez, a 16-year-old Filipino-Australian, was found dead in the Blue Mountains after going missing for 24 hours during a hiking and camping trip with a friend. Police investigations are ongoing as the family mourns his passing and expresses gratitude for the overwhelming community support. - Isang 16 anyos na Filipino-Australian na si Andre Marquez ang natagpuang patay sa Blue Mountains matapos mawala nang bente kwatro oras habang nagha-hiking at nagka-camping kasama ang isang kaibigan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang nagdadalamhati ang pamilya at nagpapasalamat sa suporta ng komunidad.
Kailan lang, nag-trending sa social media ang pagbabalik-tanaw sa mga post at litrato noong 2016. Maraming napa-throwback, napa-reminisce, at napa-“grabe, ang layo na pala.”Sa latest episode ng Livin' The Filipino Life, ginawa rin ‘yan nina Ali at Vic — dalawang magtropang noon pa magkasama, parehong nagsisimula pa lang sa kani-kanilang mga karera, parehong hinahabol ang passion, at parehong wala pang ideya kung saan sila dadalhin ng buhay. Nagsimula na ang Linya-Linya at Comedy Manila, pero wala pang The Linya-Linya Show noon.Isang nostalgic na kwentuhan na puno ng alaala, tawa, at realizations — tungkol sa growth, pagbabago, at kung paano mabuhay bilang Pilipino habang hinahanap ang sarili at pwesto sa mundo. Hanep!Listen up, yo!
Gumawa ka ng maraming alaala kasama ang iyong pamilya, malimutan niyo man ito, masasabi mo pa ring minsang sumaya ang inyong mga puso. Pakinggan ang kwento ni Kenzo sa Barangay Love Stories.
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Lian Buan — investigative journalist ng Rappler, kilala sa kanyang matiyaga at matapang na pagbantay sa usapin ng hustisya, karapatang pantao, at pananagutan sa kapangyarihan.Nagkwentuhan kami hindi lang tungkol sa balita, kundi tungkol sa tao sa likod ng byline: saan siya nagmula, paano siya napunta sa journalism, at paano niya hinaharap ang bigat ng trabaho sa isang panahon na sabay-sabay ang information, misinformation, at disinformation.Pinag-usapan din namin kung paano dapat kumonsumo ng balita sa panahon ng social media, ano ang papel ng investigative journalism, paano makikilahok ang kabataan at ordinaryong mamamayan sa national discourse, at saan nga ba humuhugot ng pag-asa ang isang mamamahayag na araw-araw nakakasaksi ng mga problema sa sistema.Isang kwentuhan tungkol sa katotohanan, konteksto, at paninindigan — na hindi kailangang maging mabigat para maging mahalaga.
Yo, check. Panibagong episode ng Bara-Bara — ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya .Kasama natin ang isang rap artist at battle emcee na nakilala sa kanyang unique brand of humor, malikhaing pagbusisi ng angles, matalas na pen game, at estilong may kombinasyon ng kwela at mala-halimaw na delivery. Reppin' Las Piñas, at ngayon ay isa nang ganap na kampeon — ang FlipTop Battle League 2025 ISABUHAY CHAMPION-- mag-ingay para kay KATANA!Sa episode na 'to, binalikan namin ang kanyang pinanggalingan— mula childhood at underground battles, hanggang Motus at sa big stage ng FlipTop. Pinag-usapan namin ang pagbuo ng kanyang persona, ang hugot ng kanyang jokes at angles, ang creative process sa paggawa ng rounds, at kung paano niya hinasa ang kanyang talim para sa matinding Isabuhay run.Siyempre, sinilip din namin ang behind-the-scenes ng kanyang championship journey: preparations, kaba, adjustments, at ang mga sandaling hindi inaasahan. Kasama rin ang reflections niya bilang bagong kampeon, dream matches, at kung ano ang susunod para kay Katana sa battle rap at hip hop.Isang masinsin, masaya, at insightful na kwentuhan kasama ang emcee na kayang maging teddy bear — at isang iglap lang, maging dibel-dibel sa entablado.Game na. Listen up, yo!