POPULARITY
Categories
Meanwhile Saul, still breathing threats and murder against the disciples of the Lord, went to the high priest and asked him for letters to the synagogues at Damascus, so that if he found any who belonged to the Way, men or women, he might bring them bound to Jerusalem. Now as he was going along and approaching Damascus, suddenly a light from heaven flashed around him. He fell to the ground and heard a voice saying to him, “Saul, Saul, why do you persecute me?” He asked, “Who are you, Lord?” The reply came, “I am Jesus, whom you are persecuting. But get up and enter the city, and you will be told what you are to do.” The men who were traveling with him stood speechless because they heard the voice but saw no one. Saul got up from the ground, and though his eyes were open, he could see nothing; so they led him by the hand and brought him into Damascus. For three days he was without sight and neither ate nor drank. Now there was a disciple in Damascus named Ananias. The Lord said to him in a vision, “Ananias.” He answered, “Here I am, Lord.” The Lord said to him, “Get up and go to the street called Straight, and at the house of Judas look for a man of Tarsus named Saul. At this moment he is praying, and he has seen in a vision a man named Ananias come in and lay his hands on him so that he might regain his sight.” But Ananias answered, “Lord, I have heard from many about this man, how much evil he has done to your saints in Jerusalem, and here he has authority from the chief priests to bind all who invoke your name.” But the Lord said to him, “Go, for he is an instrument whom I have chosen to bring my name before gentiles and kings and before the people of Israel; I myself will show him how much he must suffer for the sake of my name.” So Ananias went and entered the house. He laid his hands on Saul and said, “Brother Saul, the Lord Jesus, who appeared to you on your way here, has sent me so that you may regain your sight and be filled with the Holy Spirit.” And immediately something like scales fell from his eyes, and his sight was restored. Then he got up and was baptized. Acts 9:1-18 (NRSVUE) Isang mapagpalayang araw sa lahat ng kababaihan. Ngayon ay Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan (International Women’s Day). Inaalala natin ang mga dakilang kababaihan sa kasaysayan—ang ating mga ina, kapatid, asawa, kasamahan sa trabaho, mga lingkod-bayan, at lingkod-simbahan na patuloy na bumubuo ng mas mabuting mundo at kinabukasan para sa ating lahat. Tayo ay nasa Lenten series pa rin ng ating simbahan. Noong nakaraang dalawang linggo, tinalakay ni Pastor Jom ang kalikasan ng “sin theology”. Noong nakaraang linggo naman, pinaalalahanan tayo tungkol sa Juan 3:16, ang ating paboritong memory verse, ngunit binigyang-diin din ang talata 17: na hindi tayo nais hatulan ng Diyos. Sa hapong ito, ipagpapatuloy natin ang talakayan at magpopokus sa kung ano ang susunod. Susubukan nating unawain ang Metanoia. Ang Metanoia ay kombinasyon ng dalawang salitang Griyego: ang “Meta” na nangangahulugang beyond, after, o change; at “Noos” na ang ibig sabihin ay perception, understanding, o mind. Sa Griyegong Bagong Tipan, karaniwan itong isinasalin sa Ingles bilang repentance o pagsisisi. Kaya naman sa Marcos 1:15, sinabi ni Jesus: “Magsisi (repent) at maniwala sa mabuting balita dahil malapit na ang kaharian ng Diyos”. Sa Gawa 2:38, sa sermon ni Pedro noong Pentecostes, sinabi rin niya: “Magsisi (repent) at magpabinyag ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan”. Sa tradisyong Kristiyano at teolohiya, tinitingnan ang metanoia bilang isang karanasan ng konbersyon—isang pagbabago mula sa lumang gawi patungo sa bago at mas mabuting buhay. Sa kuwento ni Saul, makikita natin na ang tunay na pagbabago ay madalas nagsisimula sa isang hindi inaasahang pagtatagpo o mystical experience. Habang si Saul ay naglalakad patungong Damascus—bitbit ang kanyang mga plano at awtoridad—bigla siyang nabulag ng isang matinding liwanag. Dito natin makikita ang ironya: si Saul, na akala ay “nakikita” ang lahat at alam ang lahat ng tama, ay kailangang mabulag upang tunay na makakita. Ang kanyang pisikal na pagkabulag ay sumasalamin sa kanyang espirituwal na kalagayan. Sa loob ng tatlong araw, siya ay nasa dilim—walang pagkain, walang inumin, at walang kasiguruhan. Ito ang yugto ng paglilinis, ang sandali kung saan ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan ay gumuho upang bigyang-daan ang isang bagong katotohanan. Upang mas maunawaan ang pinagdaanan ni Saul, maaari nating gamitin ang konsepto ng Old Testament scholar na si Walter Brueggemann tungkol sa buhay ng pananampalataya. Ayon sa kanya, ang ating buhay ay dumadaan sa isang cycle: Orientation: Ito ang panahon kung saan maayos ang lahat. Alam natin ang ating gagawin, kontrolado natin ang sitwasyon, at panatag ang ating loob sa ating mga nakasanayan. Ito si Saul bago ang Damascus. Disorientation: Ito ang “madilim na gabi ng kaluluwa.” Dito pumapasok ang krisis, pagkabulag, at ang pagkawala ng kontrol. Ito ang tatlong araw ni Saul sa Damascus kung saan ang kanyang mundo ay nagulo. New Orientation: Ito ang yugto ng Metanoia. Hindi tayo bumabalik sa dati; sa halip, tayo ay nagiging bagong nilalang na may mas malalim na pag-unawa at mas malawak na pananaw. Ang pagbabagong-loob ay hindi lamang tungkol sa paghinto sa paggawa ng masama, kundi ang pagyakap sa isang bagong paraan ng pag-iisip at pamumuhay na mas malapit sa puso ng Diyos. Ang Metanoia o ang pagbabago ng isip ay dapat humantong sa Metamorphosis—ang pagbabago ng anyo o buhay. Tulad ng isang uod na nagiging lilibuyo, ang ating pagbabago ay dapat maging kitang-kita sa ating mga gawa at pakikitungo sa kapwa. Ang pagbabago ay hindi isang minsang kaganapan lamang; ito ay isang patuloy na proseso. Sabi nga ni Hesus, tayo ay tinatawag na mamuhay sa liwanag. Ang mga “kaliskis” na nalaglag sa mga mata ni Saul ay simbolo ng pag-alis ng ating mga maling akala, paghuhusga, at poot sa ating mga puso. Sa kuwento, makikita natin na hindi lamang si Saul ang sumailalim sa metanoia. Si Ananias din ay kinailangan ng pagbabago ng isip. Takot siya kay Saul dahil sa reputasyon nito, ngunit sumunod siya sa utos ng Panginoon. Tinawag niya si Saul na “Kapatid na Saul” (Brother Saul)—isang pagkilala na ang dating kaaway ay isa na ngayong kapamilya sa pananampalataya. Ito ang hamon sa atin: Handa ba nating tanggapin ang mga taong nagbago na, o patuloy natin silang huhusgahan base sa kanilang nakaraan? Ang metanoia ay hindi lamang para sa “masasamang tao” na kailangang maging mabuti, kundi para rin sa mga “mabubuting tao” na kailangang maging mas mapagmahal at mapagpatawad. Ang pagbabago ay hindi natatapos sa isang iglap. Tulad ng nabanggit natin, ang metanoia ay dapat humantong sa isang tuloy-tuloy na metamorphosis. Bilang mga Kristiyano, tinawag tayo ni Hesus na lumakad sa liwanag. Hindi tayo iniwan sa ating lumang kalagayan; patuloy tayong hinuhubog ng Diyos araw-araw. Sa pagtatapos ng ating pagninilay sa Lenten series na ito, nawa’y maging tapat tayo sa ating sarili. Siyasatin natin ang ating mga puso: Ano-anong mga “maskara” ang kailangan nating tanggalin? Ano-anong mga “kaliskis” sa ating mga mata ang kailangang malaglag upang tunay nating makita ang pangangailangan ng ating kapwa? Ang tunay na pagsisisi ay hindi lamang pag-iyak sa ating mga pagkakamali, kundi ang matapang na paghakbang patungo sa direksyong nais ng Diyos para sa atin. The post Metanoia: What’s Next appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Ang apoy mainit pa rin, but it will not consume you. Hindi sinabi ng Lord na hindi mahirap, hindi masakit. Hindi ka pinaparusahan ng Panginoon, hindi ka pinahihirapan. Kailangan mo lang pagdaanan. We may not know all the reason, pero hindi natin katapusan ang apoy, at hindi tayo mag-isang lalakad dito. There comes your fourth man in the fire. Whatever you are going through right now, ipinapahatid ng Diyos na alam Niya kung gaano kabigat, let Him carry you through the fire. #JIACMNVChurch #NameDropSeries #JehovahShammahJesus is Alive CMNV Monumento SOCIALS: linktr.ee/jesusisalivecmnvPastor Stephen Prado SOCIALS:FB:www.facebook.com/iamstephenpradoYT:@iamstephenprado Tiktok: www.tiktok.com/@iamstephenpradoIG: www.instagram.com/iamstephenpradoPRAYER? www.jiacmnv.com/prayerGIVE? www.jiacmnv.com/giveLINKUP GROUPS: bit.ly/cmnvwhatsnext
Sa kabila ng ating mga nagawang kasalanan, alam mo ba na araw-araw din tayong pinapatawad at inililigtas ng Panginoon? Oo, kapatid. Wagas ang pag-ibig ng Diyos para sa'yo, anuman ang pagkakamali mo. Kaya malaya kang lumapit sa Kanya araw-araw upang bigyan ka Niya ng panibagong pag-asa at bagong simula. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
You are not abandoned, you are not neglected. Nakikita ka ng Panginoon at alam Niya kung ano ang pangangailangan mo at kung gaano mo ito kailangan. Fret not, His provision is not only prepared but is on its way to you. Take heart, it will be at your door at the right time. Fear not, God got you! Listen to “The Provision is Here” by Ps. Stephen Prado, and let it ease your mind by being reminded that God has already prepared the provision. #JIACMNVChurch #NameDropSeries #JehovahJireh
Imposible man sa ating paningin, walang imposible sa mata ng Diyos. Siya ang Diyos na kayang gumawa ng himala sa buhay mo, kaya't huwag mong tuldukan ang sitwasyon mo ngayon. Patuloy ka lang na kumapit at manampalataya sa Kaniya—hindi ka bibiguin ng Panginoon. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Alam niyo na usapan sa title pa lang. Droga at ang Panginoon ang laman ng usapang ngayon tara na!
Nakilala ko ang batang batang pari na kasama natin ngayon sa Jubilee of Digital Missionaries sa Roma nung 2025. Wala pang dalawang taong pari, pero nakakainspire at nakakachallenge siyang halimbawa sa mga paring tulad namin at pati na sa libu-libong taong nakakabasa ng kanyang mga viral reflections sa Facebook. Pero sa kwentuhang ito mas nalaman ko ang kanyang kwento—a powerful testimony to how letting God's plans override our own, no matter how painful and crushing it can be, is always the best path to follow. Kwento ng pagsunod at pagpapaubaya sa mga plano ng Panginoon mula sa tunay na buhay ni Fr. France Baasis, in episode 131 of the PadsCast!
Meron ka bang pinagdaraanan and you feel alone right now? That is a lie from the enemy! Huwag mong kalimutan na hindi ka hahayaang mag-isa ng Panginoon. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Na-experience mo na bang magkaroon ng answered prayer, like for a job, and after so many years of doing what God has called you to do, biglang may bagong opportunity na nabuksan para sa iyo? Then you ask yourself, “Paano ako aalis kung dito ako inilagay ng Panginoon?” Well, maybe it is time to enter a new season.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Bago bawian ng buhay, sumigaw siya ng, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!'” (Mga Gawa 7:60). May pahabol siyang end-of-life request! Bakit ang last thoughts niya ay ang ihingi ng tawad sa Diyos ang mga taong nambato sa kanya? All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok na iyong kinakaharap, paano nga ba natin masasasabing tunay tayong nananampalataya sa Panginoon? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Kay Hesus, sigurado ang tagumpay! Kaya't kung humaharap ka sa matinding pagsubok, patuloy ka lang kumapit sa Panginoon. Hindi ka Niya iiwan at siguradong bibigyan ng katagumpayan sa ano mang ng buhay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
We are excited to experience the Lord's return because we believe na ang lahat ng paghihirap natin ngayon — sa kabuhayan, sa trabaho, sa relasyon, ay magwawakas na kapag dumating na ang Panginoon. Ang sarap ngang isipin at tama naman na ma-excite ang sino mang nananalig kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas! All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Minamahal tayo ng Panginoon, marumi man o malinis ang tingin ng mga tao sa atin. Nag-uumapaw ang pagmamahal Niya para sa atin at kalooban Niyang linisin tayo sa anumang karumihan. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Kahit sa paningin mo ay tila wala nang pag-asa ang iyong sitwasyon, may kapangyarihan ang Panginoon na buhayin ang patay mong pag-asa. Magtiwala ka lamang sa Kaniya at sa Kaniyang mga salita. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Kung paano ka itinawid ng Panginoon noong nakaraang taon, Siya rin ay tapat na sasamahan ka sa panibagong taong ito. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sermon: Eyes of Faith: To See Him is to Follow Him Series: God's Perfect Servant Speaker: Ptr. Allan Rillera Scripture: Mark 10:46-52 Marami ang nakarinig tungkol kay Hesus, ngunit iilan lamang ang tunay na nakakakita at sumusunod sa Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Pastor Allan Rillera na ang mga kumikilala sa Panginoon ay tumatawag sa Kanya nang may matatag na pananampalataya at sumusunod sa Kanyang mga tagubilin nang walang pag-aalinlangan. Many have heard of Jesus, but only a few truly see and follow Him. This Sunday, Ptr. Allan Rillera shares how those who do recognize the Lord know to call on Him with unwavering faith and follow His instructions without hesitation. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1e7RIgOEx8Q0-3yCZh9VB38SYOcEJW-WL/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/12/14/eyes-of-faith-to-see-him-is-to-follow-him/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Pilit ka mang binabagsak ng mga pagsubok, lagi mong tandaan na maaari kang lumapit sa Panginoon upang bigyan ka ng kalakasan. Dahil sa tulong Niya, kaya mong mapagtagumpayan ang lahat ng hamon sa buhay. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. May magandang kinabukasan na naghihintay sa'yo. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sa darating na Pasko, mayroon ka bang hiling sa Panginoon na nais mong matanggap? Sabay-sabay nating itaas ito sa panalangin. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Huwag tayong matakot na humarap sa Panginoon kapag tayo ay nagkasala. There is also no such thing as wrong timing. Lagi Siyang handang makinig, umunawa, gumabay at magpatawad. Wala Siyang pamalong bitbit. Hindi mabigat ang Kanyang kamay. In John 3:17 we read, “For God did not send his Son into the world to condemn the world, but to save the world through him.” All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Andrei Gineta Story - Part 4Labis ang pasasalamat ni Andrei nang makilala niya ang Panginoon. Naranasan niya ang pagmamahal ng mga kapwa Kristiyano, na naging malaking tulong upang mapatatag ang kaniyang pananampalataya. Ngunit may isa pa rin siyang problemang tila hindi niya kayang takasan. Ano ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Madalas ay may halong lungkot kapag nagre-reminisce tayo. Normal lang naman ito dahil mahal natin sila at may malaking void na na-create sa ating puso noong sila ay nawala. Pero may iniwang pangako ang Panginoon sa BibleAll Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Myla Lim Story - Episode 5Tila wala nang matakbuhan si Myla sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinaharap. Nawawalan na siya ng pag-asa kung paano pa nga ba siya makakalaya sa madilim na sitwasyon ng kaniyang buhay. Subalit, nang makilala niya ang Panginoon, nagbago ang lahat. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Reymark Mena Story - Episode 4Laking pasasalamat ng asawa ni Reymark nang makilala niya ang Panginoon. Naging aktibo siya sa simbahan at miyembro pa ng dance ministry. Ngunit sa kabila ng kaniyang aktibong paglilingkod sa Panginoon, mas lumakas at patuloy pa rin ang mga tukso kay Reymark. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Hindi madali ang magpatawad sa mga taong nakasakit sa'yo. Subalit, ang tunay na kapatawaran ay nagsisimula sa Panginoon. Siya ang nagbibigay ng lakas at kapayapaan upang makalaya ka mula sa galit at sama ng loob. Kaya kung nais mong maranasan ang kapayapaan at kalayaan mula sa nakaraan, lumapit ka lamang kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
God gave them confirmation, assurance, and a new identity. Pinagtibay ng Panginoon ang kanilang pananampalataya. Sa sumunod na taon, kahit senior citizens na sila, ay sumunod sila sa kalooban ng Panginoon, ginawa ang dapat gawin, at naghintay hanggang sa ipinanganak nga si Isaac (Genesis 21).All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 4Labis ang pasasalamat ni Elmer sa Panginoon nang siya'y makatapos ng pag-aaral. Sa kabila ng diskriminasyong kaniyang pinagdaanan, nanaig pa rin ang mabuting plano ng Diyos sa kaniyang buhay. Subalit, hindi inaakala ni Elmer na kahit sa pagtatapos ng kaniyang pag-aaral ay patuloy pa rin niyang mararanasan ang pagmamaliit ng iba. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 3Gustuhin man ni Elmer na tahakin ang landas tungo sa pagiging sundalo, mas pinili niyang mag-aral upang tugunan ang pagtawag ng Panginoon sa kaniyang buhay. Habang naglilingkod sa Diyos at nakapagtapos ng Bible school, hindi siya binigo ng Panginoon dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo. Subalit, may mabigat na pagsubok siyang hinarap. Ano nga ba ito? Ito na nga ba ang hahadlang upang pabagsakin si Elmer sa buhay?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 4Kapatid, maaaring mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. Pero sa Panginoon, may tunay tayong katagumpayan. Kaya patuloy kang magtiwala at kumapit sa pangako ng Diyos. Siya ay tapat at kailanman ay 'di tayo pababayaan.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Patricia Ranieses StoryIsa si Pat sa mga nawalan ng hanapbuhay nang tumama ang COVID-19 pandemic. Bilang professional photographer silang mag-asawa, labis ang kanilang pangamba kung saan kukuha ng panggastos lalo na't sabay silang nawalan ng pinagkakakitaan. Sa gitna ng takot at pangamba, may ipinagkaloob na hindi inaasahang pagpapala ang Panginoon kay Pat. Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 4Muling humarap si Cris sa pagsubok nang makaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Dahil sa bigat na kaniyang pinagdaraanan, muli siyang lumapit sa Panginoon at nagtiwala na kaya siyang tulungan na makabangon muli. Sa pagkausap sa kaniya ng Diyos, muling nabigyan ng pag-asa si Cris na maayos muli ang kaniyang relasyon. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 2Tuluyan nang naghiwalay ang mga magulang ni Cris at nagkaroon ng sariling pamilya ang kaniyang ama. Tanging ang kaniyang ina na lamang ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Sa gitna ng pagsubok sa buhay, nakakilala si Cris sa Panginoon. Nahikayat siya ng kaniyang ina na unang nakakilala kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Marami sa atin ang tumatanggap ng Banal na Komunyon nang hindi naiintindihan ang bigat at kabanalan ng Eukaristiya. Ngunit ayon sa turo ng Simbahang Katolika, ang pagtanggap sa Katawan ni Kristo habang nasa estado ng mortal na kasalanan ay isang malubhang kasalanan. Sa video na ito, ipapaliwanag namin ang:
The Camila Kim-Galvez StoryMalaki ang role ng mga nanay sa isang tahanan. Kasama na rito ang kahalagahan nila sa pagpapalaki ng mga anak. Pero paano nga ba maging isang ina na namumuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos?Panoorin ang kuwento ng “host moms” na sina Camilla Kim-Galvez at Felichi Pangilinan-Buizon dito sa The 700 Club Asia, at tuklasin kung paano sila ginabayan ng Panginoon sa kanilang motherhood journey.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Felichi Pangilinan-Buizon StoryBilang isang babae, may listahan si Felichi ng mga katangian ng lalaking nais niyang makasama habang buhay. Subalit, hindi naging madali para sa kanya ang tumanggap ng manliligaw—lalo na kung wala siyang kapayapaang nagmumula sa Panginoon. Sa matagal na panahon niyang naghihintay, paano, saan, at kailan nga ba niya makikilala ang lalaking inihanda ng Diyos para sa kaniya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 5Paulit-ulit mang nasaktan at napariwara si Allan, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon at binigyan ng bagong simula. Ma-encourage sa kaniyang kuwento at alamin kung paano niya tuluyang tinanggap ang Panginoon at nilakaran ang tamang landas patungo sa maayos na buhay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 4Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Garvic Garcia storyKilala si Garvic bilang isang pastor na matiyagang naglilingkod sa Panginoon. Isang matinding pagsubok sa kanyang pananampalataya ang dumating nang magpositibo siya at ang 11 miyembro ng kanyang pamilya sa COVID-19, kabilang din ang kanyang anim na buwang gulang na apo. Paano siya nanatiling matatag sa kabila ng matinding takot at pagsubok? Saan siya humugot ng lakas upang patuloy na manampalataya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Nina Recio Story - Part 5Sa paulit-ulit na pagkakadapa ni Niña sa buhay, paano siya nagsimula muli at nakita ang pag-asa na nagmumula sa Panginoon? Ano ang naging daan patungo sa kaniyang pagbabago? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Rose Coloma Story - Part 5Sa kabila ng sunod-sunod na sakit na dumaan kay Rose at sa kaniyang pamilya, saan sila humugot ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito? At paano ginamit ng Panginoon ang mga pagsubok na ito upang lalong mapatibay at mapalalim ang kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Rose Coloma Story - Part 4Panibagong pagsubok sa kalusugan ang hinarap ni Rose. Natuklasang may bukol siya sa kaniyang lalamunan na maaaring isang cancer. Muli na namang bumalot sa kaniyang puso ang matinding takot hanggang dumating sa punto na minsan ay nasambit niyang sana kunin na lamang siya ng Panginoon. Ito na nga kaya ang wakas? O isa lamang itong yugto ng pagsubok na muli niyang malalampasan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Rose Coloma Story - Part 3Laking pasasalamat ni Rose nang maka-recover ang kaniyang anak sa pagkakaroon ng global development delay. Dito, ay mas nakita niya ang kapangyarihan ng pagtitiwala sa Panginoon.Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang problemang kinakaharap ni Rose at kaniyang asawa. Patuloy pa nga bang kakapit si Rose sa Panginoon? O tuluyan na siyang lunurin ng problema?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Rose Coloma Story - Part 2Laking pasasalamat ni Rose sa Panginoon nang matugunan ang matagal na nilang panalangin. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ilang taon lang din ang pagitan ay biniyayaan naman sila ng kambal na babae. Ngunit, hindi ito naging madali para kay Rose at kaniyang asawa. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#KayaNiLordYan LIVE TV Special Day 6Si Hesus ang iyong saklolo sa gitna ng ano mang pagsubok. Lagi Siyang nariyan para sa 'yo kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka kailanman iiwan ng Panginoon. Kaya ni Lord 'yan!Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#KayaNiLordYan LIVE TV Special Day 2Napupuno ka ba ng takot dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mag-alala, kaya ni Lord 'yan! Hindi ka iiwan ng Panginoon, kapatid. Handa Siya palagi na tulungan ka. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jouieanne Fajardo Story - Part 5Mula sa madilim na nakaraan ni Lorenzo, iniligtas siya ng Panginoon at ngayo'y ginagamit upang ibahagi ang kabutihan Niya. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jouieanne Fajardo Story - Part 4Matapos bumagsak ni Lorenzo sa licensure exam, labis ang lungkot at pighati na kaniyang pinadaanan. Ilang beses din niyang sinisi ang Panginoon kung bakit niya nararanasan ang mga ganitong pagsubok. May magandang kinabukasan pa nga bang naghihintay sa kaniya matapos ang pagkabigo na kaniyang kinaharap? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jouieanne Fajardo Story - Part 2Nakakilala si Jouieanne sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang lola. Ito ang naging daan upang madali niyang napatawad ang mga taong umabuso sa kaniya. Ngunit, sa paglalim ng relasyon ni Jouieanne sa Panginoon, isang pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Huwebes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Sirak 5, 1-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Marcos 9, 41-50