Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--som…

Bilang batang lumaki nang salat, isa sa kagustuhan ni Sasha ang magkaroon nang maayos na buhay para matulungan ang mga mahal niya pati na rin ang iba - tao man 'yan, hayop, o maging mga elementong hindi nakikita. At sa tuwing hindi niya natutulungan ang mga ito, sobra siyang nakokonsensiya. Pakinggan ang kwento ni Sasha sa Barangay Love Stories.

Kung ang isang tao'y mahalaga, disiplinahin siya't magpasensya sa ugali niyang nakakadismaya. Mahirap mang intindihin ito pero baka ikaw ang pag-asa niyang magbago. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.

Nakakasabik nga namang gumawa ng bagay na kakaiba pero asahan ang pangit na resulta kapag alam nang mali pero ipipilit pa. Pakinggan ang kwento ni Marialyn sa Barangay Love Stories.

Nakakalungkot isipin ang katotohanan na nagsasama-sama lang ang ibang tao kapag namatayan. Pakinggan ang kwento ni Maureen sa Barangay Love Stories.

Walang babae ang gustong maging number two, pero minsan dahil magaling mambola ang ibang lalaki, hindi nila mapigilang umasa na balang araw, magigiging priority rin sila. Ganyan ang nangyari kay Jamie, sa hindi inaasahang pangyayari, ginawa siyang kabit ni Paolo na asawa pala ng bagong kaibigan niya. Ayaw ni Jamie makasira ng pamilya kaya sinimulan niyang layuan ang mag-asawa pero si Paolo, habol pa rin nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Jamie sa Barangay Love Stories.

Takot sa kamatayan ang jowa ni Mildred kaya sobra ito kung mag-alala kapag hindi siya nakakapag-update. Minsan, nakakalimutan ni Mildred ang takot na iyon ni Lulu at nagagawa niya pang magbiro tungkol sa mga disgrasya at kamatayan. Pero sa sobrang pangangamba ni Lulu, natatakot na rin ang mga tao sa paligid niya. Pakinggan ang kwento ni Mildred sa Barangay Love Stories.

Sa panahon ngayon, madali na lang ang komunikasyon at madali na rin makahanap ng karelasyon. Kaya mas lalong ingatan ang puso, huwag agad bibigay sa konting pagsuyo. Pakinggan ang kwento ni Iboy sa Barangay Love Stories.

Ang tao na hindi marunong magpahalaga ay walang kasiyahan kahit anong putahe ang ihain sa kanila. May edad na si Imelda pero hindi niya pinigilan ang sarili niyang mahumaling sa katrabaho niyang mas bata sa kanya. At nakuha niya pang iwan sa nanay niya ang kanyang mga anak para lang makipag-live in sa bago niyang jowa. Pakinggan ang kwento ni Imelda sa Barangay Love Stories.

Masakit sa puso kapag nagmahal ka ng tao na sa simula pa lang ay alam mong hindi na magiging iyo. Tulad ni Shaun na matagal nang gusto si Meredith pero kahit pa sinubukan niyang ligawan ang dalaga, may tinitibok na pala ang puso nito. Kaya wala na siyang nagawa kun'di ang pagmasdan si Meredith na maging masaya sa piling ng lalaking pinili nito. Pakinggan ang kwento ni Shaun sa Barangay Love Stories.

Dahil sa bugso ng damdamin, madaling napapayag si Menggay na makipag live-in kay Jason. Pero huli na nang ma-realize niya na mali pala ang napasukan niyang relasyon dahil imbes na magtulungan sila ni Jason, siya lahat ang sumasagot sa kanilang mga gastusin bahay. Sa kabila ng napakaraming red flags ng kanyang jowa, hindi agad umalis si Menggay hanggang isang araw, si Jason pa mismo ang nagpaalis sa kanya sa bahay na tinuring niya na sanang tahanan. Pakinggan ang kwento ni Menggay sa Barangay Love Stories.

Walang may gustong makaranas ng pagpapasakit lalo pa kung magulang mo mismo ang magpapahirap sa'yo. Sa kasamaang palad, ang pamilya nina Dionna ay dumanas ng pagmamalupit sa kanilang padre de pamilya. Dumating ang panahon na dinemanda nila ito at nilayasan. Pero nang pinagdudusa na ng panahon ang tatay nila, nagawa pa rin siyang tulungan nina Dionna. Kaso ang kanilang ama, parang hindi pa rin talaga nagtatanda. Pakinggan ang kwento ni Dionna sa Barangay Love Stories.

Nasanay na talaga ang iba sa ating mga kababayan na iasa sa kanilang mga anak ang pag-ahon nila sa kahirapan. Kaya nagkaroon ng hinanakit si tiya Luz kina Carissa dahil ito ang nagsakripisyo para iahon ang kanilang mag-anak noon. At bilang kapalit, si tiya Luz naman ngayon ang sa kanila'y magpapasakit. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.

Minsan, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at alitan sa pinagtatrabahuhan. Buti na lang ay may Desirey sina Dina at Domeng na handang makinig at umintindi sa kanilang kwento. Pero mahirap pagbatiin ang mga taong naubos na ang tiwala sa iba. Pakinggan ang kwento ni Desirey sa Barangay Love Stories.

Konduktor ang mag-asawang si Ito at Nene. Tulad ng iba, nahihirapan man sila sa buhay ay masaya naman sila kapag nagsasama-sama lalo pa't nakakilala sila ng anghel sa lupa sa katauhan ni lola Gertrude. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.

Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama't foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo't artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase niyang si Rica. At ang mahiyaang foreignoy, napasagot ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Alejandro sa Barangay Love Stories.

Isusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.

Ang buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.

Matagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkaroon sila ng malaking pagtatalo, napatawad pa rin nila ang isa't-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niya iyon. Pakinggan ang kwento ni Patrice sa Barangay Love Stories.

Si Jaq ay isang babae na may pusong lalaki. At nang makilala na niya si Krissa - ang babaeng gusto niyang ligawan, problema naman ang dala ni Inno na kuya ni Krissa. Wala namang kaso kay Krissa ang kasarian ni Jaq pero hindi niya rin talaga bet si Jaq. Lalo't hindi rin naman boto si Inno kay Jaq dahil si Inno, nagugustuhan na rin pala ni Jaq. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.

Iwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.

Walang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit papaano pero nang mag disiotso na si Coleen, ninais niya namang makabalik sa pag-aaral pero ito'y ikagagalit pala ng kanyang nanay. Pakinggan ang kwento ni Coleen sa Barangay Love Stories.

Ang work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.

Misis, hinihintay pa rin si mister na matagal nang hindi umuuwi. Matagal na panahon na pero ang landlady ni Innana, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na uuwi pa rin ang mister niya. Kaya sariwain ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo dahil walang oras ang pareho sa pagtakbo ng bawat segundo. Pakinggan ang kwento ni Innana sa Barangay Love Stories.

Kinailangan magsipag ni Ara para maging maayos ang kanyang buhay at syempre idadamay niya ang kanyang pamilya roon. Kaya kahit na nakuha na niya ang mga gusto niya, hindi niya tinigil ang paghangad pa nang mas mataas at malawak na pangarap. Kaso dahil sa pagiging workaholic niya, naging matamlay ang relasyon niya sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan. Kasabay noon ang paghiling pa ni Ryan na magkaroon na sana sila ng anak pero ayaw niya talaga muna itong pagbigyan. Pakinggan ang kwento ni Ara sa Barangay Love Stories.

Kapag tanggap mo ang isang bagay, hindi ito kailangang pagtiisan nang sobra kaya maging tapat dahil panloloko lang sa sarili kung nagkukunwari ka lang pala. Pakinggan ang kwento ni Roda sa Barangay Love Stories.

Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil ikaw lang ang nakakakilala kung sino ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Lorie sa Barangay Love Stories.

Nang maulila si Jeboy kaya napunta siya sa kanyang masungit na tiyahin. Pero nang humingi siya ng tulong dito dahil pinagsasamantalahan pala siya ng kanyang tito, imbes na ipagtanggol ay pinalayas pa siya nito. Masipag naman si Jeboy, maraming pinagdaanan pero walang sinukuan. Hanggang isang araw, nakilala niya sa inuman si Rafa. Lalalim ang kanilang pagkakaibigan at sa paglipas ng panahon, hindi niya aakalaing magagawa sa kanya ni Rafa ang isa sa kanyang kinakatakutan. Pakinggan ang kwento ni Jeboy sa Barangay Love Stories.

Ang pag-ibig ay isang bisyo na kapag hindi na-kontrol, ginagawang sakim at makasarili ang isang tao. Pakinggan ang kwento ni Sabel sa Barangay Love Stories.

Samahan mo ang iyong anak sa pag-abot ng kanyang pangarap at huwag siyang itali sa sarili mong mga layunin. Tulad ng mukhang-perang tatay ni Arlan, na binugaw siya sa foreigner para mas madali ang pasok ng salapi sa pamilya. Pakinggan ang kwento ni Arlan sa Barangay Love Stories.

Aminado si Joana na matatakutin siyang tao. Pero sa kabila nito, mas pinili niyang manirahan nang mag-isa sa apartment dahil akala niya mas matatahimik siya kapag ganun. Hanggang sa isang araw, may nag-iwan ng box sa labas ng kanyang pintuan kasama ang isang sulat na para bang tinatakot at pinagbabantaan siya. Ang masaklap, nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa pati sa loob ng kanyang apartment ay para bang may nagpaparamdam na rin pero hindi nila ito makita-kita. Pakinggan ang kwento ni Joana sa Barangay Love Stories.

Magandang abilidad ang pagiging determinado pero mas mainam ito kung mabuti ang hangarin mo. Pakinggan ang kwento ni Michael sa Barangay Love Stories.

Baka pwede kang maging milyonaryo kung may makukuhang piso sa bawat sinasabi ng mga taong naiinggit sa'yo. Pakinggan ang kwento ni Miriam sa Barangay Love Stories.

Hindi madaling ibigay ang tiwala sa isang tao lalo kung nadurog ka na nang unang beses na binigay mo ito. Tulad ng naranasan ni Evelyn, hindi mabubura ng isang sorry ang trauma na inabot niya sa kanyang asawa. Kaya nang muling magparamdam sa kanya ang pag-ibig, imbes na yakapin nang buo, itinulak niya papalayo si Vino. Si Vino na walang sawang sinuyo si Evelyn pero kahit naging sila na, hindi maalis-alis ni Evelyn ang pagdududa. Pakinggan ang kwento ni Evelyn sa Barangay Love Stories.

Huwag umasang masusuklian sa ginagawang kabutihan dahil ang biyaya ay dumarating sa mga taong malinis ang kalooban. Pakinggan ang kwento ni Erol sa Barangay Love Stories.

Sadyang may mga tao na kung mag-deny ay todo pero isang kalabit lang, bibigay na agad sa tukso. Pakinggan ang kwento ni Mabel sa Barangay Love Stories.

“Only hurt people, hurt people” – narinig mo na ba ang kasabihang iyan? Madalas nahihirapang magmahal ang ibang tao dahil buong buhay nila, wala silang natanggap na tamang pagmamahal. Ganyan ang ex GF ni Leon, aware din siya na red flag ang dalaga pero kahit na ganun, habol pa rin siya nang habol dito. Buti na lang ay nakilala niya si Lucy, ang babaeng magpaparanas sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pakinggan ang kwento ni Leon sa Barangay Love Stories.

Kapag ang relasyon ay hindi nailaban sa mga sumasawsaw, mapapagod lang ang puso at baka tuluyang bumitaw. Pakinggan ang kwento ni Janet sa Barangay Love Stories.

Hindi mabubuwag ang pamilya kapag may tiwala sa isa't-isa at ang respeto'y hindi dapat mawala hanggang sa huling paghinga. Pakinggan ang kwento ni Radni sa Barangay Love Stories.

Bago ka pumasok sa isang relasyon, hilumin mo muna raw ang iyong trauma. Pero para sa tulad ni Patring na desperado nang makatakas sa tahanang puro pasakit ang binibigay sa kanya, wala na siyang oras para maghilom at ayusin ang buhay niya. Kaya nang dumating si Dennis, hindi na niya ito pinakawalan pa. Sobrang mapagmahal at mapagpasensiya ni Dennis bilang karelasyon pero inabuso ni Patring iyon. At nang mabuntis siya nang hindi inaasahan, hindi nagbago ang pagbubunganga niya kay Dennis, mukhang mas lalo pa itong lumala. Pakinggan ang kwento ni Patring sa Barangay Love Stories.

May tao talagang hindi malapitan dahil siya'y pinoprotektahan at kung ayaw ng kaguluhan, wala nang pakialamanan. Pakinggan ang kwento ni Orson sa Barangay Love Stories.

Lahat ng bagay na may renta ay kadalasang pansamantala. At kapag ito'y hindi binalik sa tamang oras, baka maging sanhi ito ng sumbat at pintas. Pakinggan ang kwento ni Nieves sa Barangay Love Stories.

Sa pagkawala ng mama at lolo ni Jameson, kinailangan nila ng lola niya na umuwi sa isa pa nilang bahay para mas makatipid sa pera. Kaso ang bahay na iyon, tinitirahan ng bunsong kapatid ni lola Nancy. Wala naman sanang problemang tumira kasama ang isa pang lola ni Jameson lalo pa't kina lola Nancy naman talaga ang bahay at nakikitira lang si lola Susan. Kaso nang dumating sa bahay ang maglola, para bang ibang tao ang trato sa kanila ng nagre-reynahan na si lola Susan. Pakinggan ang kwento ni Jameson sa Barangay Love Stories.

Inspirado ang isang tao kapag may napupusuan ito pero minsan ang pagmamahal nang palihim ay mahirap para sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Jam sa Barangay Love Stories.

Ang sagwan ay instrumento para malakbay ang ilog na tatawirin pero kung dalawang ilog ang gustong pamangkaan, malamang ay hindi makakarating sa pupuntahan. Pakinggan ang kwento ni Naya sa Barangay Love Stories.

Masalimuot ang pamilyang kinagisnan ng kaibigan ni Dave. Iniwan na si Jaimee ng kanyang ina sa palabugbog nitong ama. Naging ka-phone pal ni Dave si Jaimee pero kahit sa telepono lang nagkakausap, totoo ang naging pagkakaibigan nila noong bata pa sila. Ngunit nang tumigil sa pagtawag si Jaimee, sinubukan pa rin sana siyang hintayin ni Dave pero para sa isang bata, mahirap talagang makahanap ng paraan para humingi ng tulong sa iba. Lumipas ang maraming taon, maayos na ang buhay ni Dave at nang makatagpo niya ulit si Jaimee, nangangailangan na pala talaga ng tulong ang kaibigan niya. Pakinggan ang kwento ni Dave sa Barangay Love Stories.

Lahat ng bagay ay nadaraan sa masinsinang usapan at makakaiwas sa problema kung susunod lang sa napagkasunduan. Pakinggan ang kwento ni Rich sa Barangay Love Stories.

Nangangarap ang karamihan na lumipad at maglakbay sa labas ng bansa at nagbabakasakaling matakasan na nila ang hirap ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Matteo sa Barangay Love Stories.

May mga kasalanang madaling palagpasan pero mayroong ding nagiging ugat ng panghabang buhay na sakit. Kaya nang nalaman ni Maribel na hindi siya inako ng kanyang ama at pinagbintangan pang pakawalang babae ang kanyang ina, buo na ang desisyon niyang hindi na patawarin ang malupit at mayabang niyang ama. Pakinggan ang kwento ni Maribel sa Barangay Love Stories.

Pagmulat sa umaga hanggang sa pagpikit ng mata, hindi mawawalay sa isipan ang pag-ibig sa anak ng isang ina. Pakinggan ang kwento ni Calvin sa Barangay Love Stories.

Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo. Kung gusto ng tahimik na buhay, tratuhin lalo nang maayos ang kapitbahay. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.

Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Maryjoy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chealsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Maryjoy para buhayin sila at pag-aralin siya pero luho pa rin niya ang inuuna niya. Mahal ni Maryjoy ang kapatid niya kaya pilit niya itong iniintindi at dinidisiplina, buo pa ang pag-asa niyang magbabago ito. Ngunit hindi pala lahat ng kamalian ni Chelsea ay mapapalampas niya. Pakinggan ang kwento ni Maryjoy sa Barangay Love Stories.