Podcasts about kahit

  • 112PODCASTS
  • 447EPISODES
  • 26mAVG DURATION
  • 1WEEKLY EPISODE
  • May 16, 2026LATEST

POPULARITY

20192020202120222023202420252026


Best podcasts about kahit

Latest podcast episodes about kahit

BUN DA MIX SESSION
Babalik ka ba

BUN DA MIX SESSION

Play Episode Listen Later May 16, 2026 4:33


Chink Positive
Ep. 520: Bakit Ka Nahihirapang Tumigil Kahit Alam Mong Mali?

Chink Positive

Play Episode Listen Later May 14, 2026 8:35


Alam mong mali.Pero bakit ginagawa mo pa rin?This episode is for you kung paulit-ulit ka sa gastos, utang, impulse buying, at guilt. Pag-usapan natin ang self-sabotage, money mindset, emotional triggers, at paano magsimula ulit with awareness.You'll learn:Bakit hindi laging discipline ang issuePaano emotions affect money decisionsPaano putulin ang toxic patternsFollow or Subscribe for more real talk on money, mindset, and financial freedom.Share this with someone na pagod na sa same cycle.#ChinkPositive #FinancialFreedom #MoneyMindset #FinancialLiteracy #SelfAwarenessFor any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Dear MOR: The Podcast
“Mama, I Love You” (The Barry Story) | Dear MOR Episode 567

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later May 11, 2026 49:38


”Mama, hindi po mangyayari yan. Kasi kayo ang Mama ko. Kahit sino pa dumating sa buhay ko, hinding-hindi ko po kayo iiwan. Walang makakapalit sa puwesto niyo sa puso ko.” #DearMORMamaILoveYou- The Barry StoryFollow us:Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPHInstagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph

SBS Filipino - SBS Filipino
'I felt valued and useful': Meet the 82-year-old Pinay redefining active retirement in Queensland - Active Retirement: Kilalanin ang Pinay sa Queensland na nagtatrabaho kahit 82-taong gulang na

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 21, 2026 14:24


Erlinda Esguerra proves that age is no barrier to service. At 82, she continues to work and serve others, staying active in her role and dedicated to helping her community. - Hindi naging hadlang ang edad ni Erlinda Esguerra para patuloy na gampanan ang kanyang trabaho para makapaglingkod sa kapwa sa edad na 82.

Open Table MCC Sunday Worship Podcast
Easter: Pagkilala Sa Pag-Asa

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

Play Episode Listen Later Apr 13, 2026 23:17


When it was evening on that day, the first day of the week, and the doors were locked where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” After he said this, he showed them his hands and his side. Then the disciples rejoiced when they saw the Lord. Jesus said to them again, “Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.” When he had said this, he breathed on them and said to them, “Receive the Holy Spirit. If you forgive the sins of any, they are forgiven them; if you retain the sins of any, they are retained.” But Thomas (who was called the Twin), one of the twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples told him, “We have seen the Lord.” But he said to them, “Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger in the mark of the nails and my hand in his side, I will not believe.” A week later his disciples were again in the house, and Thomas was with them. Although the doors were shut, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” Then he said to Thomas, “Put your finger here and see my hands. Reach out your hand and put it in my side. Do not doubt but believe.” Thomas answered him, “My Lord and my God!” Jesus said to him, “Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe.” Now Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written so that you may continue to believe that Jesus is the Messiah, the Son of God, and that through believing you may have life in his name. John 20:19-31 NRSVUE Magandang hapon sa inyong lahat. Kamusta kayo? Napansin niyo ba na parang ang haba ng Good Friday? Kahit Easter na, parang hindi natin maramdaman. Napakatahimik ng buong linggo. Pagod ang mga tao, walang gaanong sasakyan sa labas, at dahil na rin siguro sa mahal ng gas kaya nananatili lang tayo sa loob. Parang kailan lang nung kumanta tayo ng “Happy Day” noong Easter Sunday, pero heto na naman tayo, bumalik na sa tahimik at matamlay nating mga buhay. Ito ang nais kong pag-usapan natin ngayon: kung paano natin matututunang mapansin ang mga “glimpses of Easter” o ang mga bakas ng pag-asa sa gitna ng ating pang-araw-araw na buhay na madalas nating binabalewala. Ngayon ay ikalawang linggo na natin sa panahon ng Easter, at sinusundan natin ang naging buhay ng mga alagad pagkatapos mamatay ni Jesus. Sa ating pagbasa ngayon, makikita natin silang nasa loob ng isang silid na nakakandado ang pinto dahil sa takot. Takot sila sa mga awtoridad na baka sila ay hulihin o usigin dahil kakamatay lang ni Jesus. Noong mga oras na iyon, iilan pa lamang ang nakakita sa libingan, kabilang sina Simon Pedro at Juan. Tanging kay Maria Magdalena pa lamang nagpapakita si Jesus, at siya ang unang inutusan ni Jesus na ipahayag ang balita ng muling pagkabuhay. Sa katunayan, maaari nating sabihin na ang unang itinalagang ministro ni Jesus ay isang babae. Isipin natin ang nararamdaman ng mga alagad habang nakakulong sila sa silid na iyon. Isipin niyo ang takot na kailangan niyo pang i-lock ang pinto dahil sa sobrang paranoia. Ginagawa nila ito para lang maramdaman ang kahit katiting na seguridad. Wala na si Jesus. Patay na ang kanilang pinuno at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Siguro ay hindi pa nga sila tapos mag-luksa, pero heto na agad ang banta ng pag-uusig. At ang mga kinatatakutan nila ay hindi lang basta ordinaryong tao; sila ay mga makapangyarihan at may awtoridad. Nakita nila ang sinapit ng kanilang lider, at iniisip nila na baka sila na ang susunod. Napakasakit ng kawalang-pag-asang nararamdaman nila. Wala na silang aasahan. Ang taong sandigan nila, ang nagbibigay sa kanila ng lakas at suporta, ay wala na. Naalala ko tuloy noong nalaman nating magsasabbatical si Pastor Sean—grabe ang naging reaksyon natin. Marami ang nalungkot at nagtanong, “Paano na tayo?” Gayong alam naman nating babalik din siya. Paano pa kaya ang mga alagad na sa isip nila ay tuluyan nang nawala si Jesus?. Kahit sino naman ay gagawin ang ginawa nila. Tayo rin, madalas nating “ikandado ang ating mga pinto” sa panahon ng kawalang-pag-asa at kalungkutan. Ang pagkakandado ng pinto ay maaaring maging porma ng pag-isolate sa sarili, ang hindi pagpapakita sa iba, at ang pagkawala ng gana sa mga bagay-bagay. Minsan ay napapatanong tayo: “Para saan pa? Bakit ko pa kailangang magpatuloy kung parang bale-wala rin ang lahat?”. Ang takot na nararamdaman natin ay hindi lang basta personal; madalas ito ay bunsod ng mga sistemang mas malawak sa atin. Sa ating panahon, marami tayong kinatatakutang “awtoridad” at mga pangyayaring hindi natin kontrolado. Andiyan ang takot para sa ating bansa. Malapit na ang 2028, at may personal akong pangamba: muli ba tayong mabibigoy? Ma-iistuck na naman ba tayo sa isang gobyernong mas malala pa sa nararanasan natin ngayon? Minsan, nakakapagod nang lumabas at makisangkot kung parang walang nangyayari sa ating mga pagsisikap na humanap ng mga lider na may tunay na malasakit sa bayan. Maging sa mga simpleng bagay tulad ng pagbabayad ng pamasahe o pagpapagas, pinapaalalahanan tayo ng mga epekto ng mga desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang lider sa mundo. Nakakalungkot isipin na ang mga “tantrums” at reckless na desisyon ng mga taong ito ay nagdudulot ng pasakit sa buhay nating mga ordinaryong tao. Ito ay isang trend sa buong mundo—mga lider na tila walang pakialam sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Bukod sa politika, isa pang bumabagabag sa akin ay ang tila pag-atras o pag-regress ng pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Kaya naman ngayong taon, ang ating tema ay nakatutok sa queer at feminist theology. Ito ang dahilan kung bakit naramdaman namin ang pangangailangang ilabas ang aming unang single na “She Preached” noong nakaraang Easter. Nais nating ipaalala na sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang unang boses na nagpahayag ng pinakamahalagang balita—ang muling pagkabuhay—ay boses ng isang babae. Minsan, ang mundo ang mismong nagsasara ng pinto para sa atin. Ngunit tulad ng mga alagad, sa gitna ng ating pagtatago at takot, doon tayo kailangang puntahan ng pag-asa. Ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi lamang iisang tao ang ganito; ito ay naging trend na sa buong mundo—mga lider na tila walang tunay na malasakit sa bayan at inuuna ang sariling “tantrums” kaysa sa kapakanan ng nakararami. Ang problema, kapag nag-tantrums sila, tayong mga ordinaryong tao ang pumapasan ng hirap at pasakit. Isa pa sa mga bagay na personal na bumabagabag sa akin ay kung paano tila umaatras o nag-re-regress ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Ito ang dahilan kung bakit, bukod sa pagiging tema natin ang queer at feminist theology ngayong taon, naramdaman namin ang bigat at pangangailangang ilabas ang ating unang single na “She Preach” noong nakaraang Easter. Ito ang aming paraan ng paglaban sa mga mapanirang naratibo at sentimyento laban sa mga kababaihan. Sa kabila ng lahat ng mga “pinto” na isinasara sa atin ng mundo—maging ito man ay dahil sa takot, politika, o diskriminasyon—ang mensahe ng Easter ay nananatili. Tulad ng mga alagad na nakakulong sa silid, doon tayo kailangang puntahan ng muling nabuhay na Kristo. Ang hamon sa atin ngayong panahon ng Easter ay ang matutong kumilala sa mga “glimpses” o bakas ng pag-asa na madalas nating hindi napapansin sa gitna ng ating pagod at takot. Huwag nating hayaang manatiling nakakandado ang ating mga puso. Sa bawat pagkakataon na tayo ay nagmamalasakit, tumitindig para sa katotohanan, at kumikilala sa halaga ng bawat isa, doon natin nararanasan ang tunay na muling pagkabuhay. Salamat sa inyong pakikinig, at nawa’y maging inspirasyon ito sa inyong pagharap sa bagong linggo. Amen. The post Easter: Pagkilala Sa Pag-Asa appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

Life Talk (Tagalog version)
Whatever your heart desires, believe

Life Talk (Tagalog version)

Play Episode Listen Later Apr 11, 2026 93:00


Nagduda ka na ba sa mga bagay na naiisip o nais mong mangyari? Para man ito sa buong mundo, sa ibang tao, o sa sarili mo, kahit anong aspeto, maniwala ka. In this episode, help yourself realize that you are capable when you believe. Kahit ano man yang nais mo, maniwala ka. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, at sa pagsubok mo, kailangan mong maniwala.

Open Table MCC Sunday Worship Podcast
Easter: The Unsealed Entrance

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

Play Episode Listen Later Apr 6, 2026


Early on the first day of the week, while it was still dark, Mary Magdalene came to the tomb and saw that the stone had been removed from the tomb. So she ran and went to Simon Peter and the other disciple, the one whom Jesus loved, and said to them, “They have taken the Lord out of the tomb, and we do not know where they have laid him.” Then Peter and the other disciple set out and went toward the tomb. The two were running together, but the other disciple outran Peter and reached the tomb first. He bent down to look in and saw the linen wrappings lying there, but he did not go in. Then Simon Peter came, following him, and went into the tomb. He saw the linen wrappings lying there, and the cloth that had been on Jesus's head, not lying with the linen wrappings but rolled up in a place by itself. Then the other disciple, who reached the tomb first, also went in, and he saw and believed, for as yet they did not understand the scripture, that he must rise from the dead. Then the disciples returned to their homes. But Mary stood weeping outside the tomb. As she wept, she bent over to look into the tomb, and she saw two angels in white sitting where the body of Jesus had been lying, one at the head and the other at the feet. They said to her, “Woman, why are you weeping?” She said to them, “They have taken away my Lord, and I do not know where they have laid him.” When she had said this, she turned around and saw Jesus standing there, but she did not know that it was Jesus. Jesus said to her, “Woman, why are you weeping? Whom are you looking for?” Supposing him to be the gardener, she said to him, “Sir, if you have carried him away, tell me where you have laid him, and I will take him away.” Jesus said to her, “Mary!” She turned and said to him in Hebrew, “Rabbouni!” (which means Teacher). Jesus said to her, “Do not touch me, because I have not yet ascended to the Father. But go to my brothers and say to them, ‘I am ascending to my Father and your Father, to my God and your God.' ” Mary Magdalene went and announced to the disciples, “I have seen the Lord,” and she told them that he had said these things to her. John 20:1-18 NRSVUE Sa mapagpalang hapon po sa inyo. Tuwing pumupunta ako sa ibang simbahan, ang pulpito lagi ang una kong tinitingnan para malaman kung kasya ba ako at makikita doon. Finally, nandito na rin ako sa inyong harapan; tuwing busy ang buong linggo at hindi makauwi sa bahay tuwing hapon ng Linggo, nanonood lamang ako ng inyong live. Ang pakiramdam ay parang nasa iisang tahanan na rin tayo. Tayo po ay manalangin para sa ating pagbubulay ng mensahe ng ating Panginoon. Salamat po dakilang Diyos sa pagkakataon na ito na kami ay pare-parehong magbubulay at makikinig ng inyong mensahe. Dalangin namin Panginoon na ang inyong abang lingkod ay magamit na instrumento sa paghahatid ng inyong mabuting balita sa bawat isa sa pangalan ni Hesus, Amen. Ang Pagbabalik ni Maria Magdalena at ang Huling Paglilingkod Si Maria ay muling bumalik at may dalang mabuting balita. Sa tuwing ako ay nagbibigay ng mensahe, iniisip ko kung anong komunidad ang aking dadalhan at kung ano ang mabuting balita para sa kanila. Hindi po tayo pumipili kung ano ang ating dadalhin, kundi kung ano ang ating pinaniniwalaan na iyon ang mabuting balita para sa inyo. Bakit nga ba patungo sa libingan si Maria Magdalena? Ang layunin ni Maria Magdalena at ng ibang alagad ay pumunta roon para magbigay sana ng maayos na libing kay Hesus—isang huling pagkakataon ng paglilingkod, isang “last ritual”. Ngunit ang kanilang kalungkutan at takot ay napalitan ng pagkagulat, pananabik, at kagalakan. Ang Kakulangan ng Pag-asa: Kasama ba si Maria sa mga alagad na sinabihan ni Hesus na Siya ay muling mabubuhay? Sa mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas, malinaw na binanggit ni Hesus na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo, papatayin, ngunit muling bubuhayin sa ikatlong araw. Sa Ebanghelyo ni Juan, may mga pahiwatig tulad ng “Gibain ninyo ang templong ito at sa loob ng tatlong araw ay muli kong itatayo,” at “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita at pagkaraan ng kaunti pang panahon ako’y inyong makikitang muli.” Ang Pangamba ng mga Alagad: Bagama’t may mga pahayag si Hesus, hindi ito lubusang naunawaan at inasahan ng mga alagad. Nang mamatay si Hesus, binalot silang lahat ng takot at nagtago; walang naitalang nagpakita ng pag-asa na Siya ay mabubuhay muli. Naniwala na lamang sila noong Siya ay kanilang narinig, nakita, at muling nakasalo sa pagkain. Ang Nagmamadaling Paglilibing: Dahil namatay si Hesus noong Biyernes at ang kasunod na araw ay Sabado (Sabbath kung saan bawal gumawa), dali-dali lamang ang ginawang pagbabalot at pagpapahid ng pabango upang mapreserba ang Kanyang katawan. Kaya naman noong Linggo ng umaga, inipon nila ang kanilang mga pabango at nagtungo sa libingan upang iayos ang katawan ni Hesus. Hindi sila pumunta para tingnan kung Siya ay nabuhay, kundi para pahiran ng langis ang Kanyang katawan. Ang Mga Batong Humaharang at ang Pagbibigay-Access ni Hesus Sa kabilang banda, nakarating sa mga pinunong pari ang balita na mabubuhay si Hesus, kaya’t hiniling nila sa mga Romano na i-seal ang libingan. Nilagyan ito ng malaking bato, lubid, at wax, pati na ng Roman Seal, upang walang makabukas nito; ang sinumang sumira sa selyo ay maaaring patayin. Ngunit hindi na inabot ni Maria ang ganitong tagpo dahil naigulong na ang bato nang sila ay makarating doon. Hindi na rin nila kinailangang tangkain na buksan ito. Ang ganitong pagharang at pagkontrol sa katawan ni Hesus ay hindi na bago sa mga gawain ng mga political and religious leaders. Kinokontrol nila at sila ang may access sa lahat ng bagay: sa pera, sa kaayusan, at sa mga ritwal. Sila ang nagpapasya at nagtatakda kung sino ang matuwid, kung sino ang makasalanan, kung sino ang karapat-dapat, at kung sino ang mga hamak. Ginagamit nila ang buwis, templo, at batas upang manipulahin ang mga tao, na nagresulta sa pagmamayagpag ng injustice kung saan maraming naging alipin at naghirap. Ang Ministeryo ni Hesus: Kabaligtaran ito ng ginawa ni Hesus. Kung hinaharangan ng mga lider ang access, ibinubukas naman ito ni Hesus para sa lahat. Nagbigay Siya ng access sa kagalingan para sa mga may sakit, pagpapatawad, pagtanggap sa mga makasalanan, at pag-asa sa mga itinakwil ng lipunan, habang hinahamon ang pagpapaimbabaw ng mga nasa kapangyarihan. Ang Kanyang buhay, ministeryo, at muling pagkabuhay ay nangangahulugang pagbibigay ng access sa kaganapan ng buhay; wala nang pwedeng humadlang sa kabutihan ng Diyos. Noon, kamatayan ang laging panakot sa mga tao, pero muling nabuhay si Hesus para mawala ang hadlang tungo sa buhay na ganap. Mga Makabagong “Bato” sa Ating Buhay: Sa ating buhay ngayon, marami pa ring “bato” na tila nagsasara ng pagkakataon upang makamit natin ang biyaya ng Diyos. Sa buong mundo, nariyan ang tatlong malalaking bato: imperialism, feudalism, at capitalism. Madalas ding pinipigilan, at kung minsan ay humahantong pa sa kamatayan, ang gawain at ministeryo ng mga sumusunod kay Hesus. Tila paulit-ulit na nakukulong si Hesus at sinasaraduhan ang pagkakataong malapitan Siya. Napakayaman sana natin sa resources, ngunit dahil nakaharang ang mga bato, pare-pareho tayong nahihirapang makamit ang access sa biyaya ng Panginoon. Lalo na para sa LGBTQ community, alam kong danas ninyo ang maraming batong iniharang—mga sandaling “access denied” kayo, sinasabihang bawal o hindi kabilang. Ngunit patuloy na ipinapaalala ng Panginoon na ang access ay ibinigay na Niya; walang nakaharang para tayo ay dumiretso, manalangin, at maniwala sa Kanya. Kahit may mga pumipigil sa pagtatayo ng ganitong simbahan, dito ninyo mararanasan ang pag-ibig ng ating Panginoon. Ang Mga Ebidensya ng Muling Pagkabuhay 1. Ang Mga Nakatiklop na Telang Lino Nang pumasok si Pedro sa libingan, nakita niya ang mga telang lino, at ang telang nakatakip sa ulo ni Hesus ay nakatiklop at inilagay nang hiwalay. Para sa mga Hudyo, mahalagang igalang ang katawan at gawin itong disente kaya ibinabalot sa lino. Praktikal din ito dahil wala silang embalsamo, at ang lino ang sumisipsip sa mga likidong lumalabas sa katawan. Ang ritwal ng pagbabalot sa telang lino ay ang kaganapan ng kamatayan. Kung ninakaw ang katawan, walang magnanakaw ang mag-aaksaya ng oras na tanggalin ang lino lalo’t ito ay didikit na sa sugatang katawan ni Hesus. Nawala ang katawan hindi dahil ito ay kinuha, kundi nabuhay si Hesus at hindi na Niya kailangan pang manatiling nakabalot. Ang simpleng telang ito na maayos na nakatupi ay ebidensya na Siya ay bumangon. Aplikasyon: Sa ating buhay pananampalataya, dapat din tayong magpakita ng ebidensya na tayo ay kasamang muling nabuhay. Kailangan nating kumawala sa mga “telang lino” na bumabalot sa atin na nagpapakitang tayo ay patay; kung hindi, magiging parang mga “mummy” o walking dead tayo na naging komportable na sa maling pakikitungo at panggigipit. Ipinapakita ng Panginoon na kayang pagtagumpayan ang kamatayan, at dapat din tayong mag-iwan ng ebidensya ng Kanyang muling pagkabuhay. 2. Ang Luklukan ng Awa (Ang Dalawang Anghel) Nakita ni Maria ang dalawang anghel na nakaupo kung saan inilagay ang bangkay ni Hesus, isa sa ulo at isa sa paa. Bakit sila nakaupo? Kung titingnan natin ang Exodo 25, inilalarawan doon ang Kaban ng Tipan (Ark of the Covenant) kung saan may dalawang kerubin sa magkabilang dulo ng “luklukan ng awa” (mercy seat). Doon nagtatagpo ang Diyos at nagaganap ang pagbabayad-sala. Ang mga anghel sa libingan ay nakaupo dahil hindi na nila kailangang magbantay kung maghahandog ng dugo ang mga tao. Naganap na ang pinakamainam na handog at nakamit na ang pagpapatawad; bukas na ang mesa para sa lahat, at may direkta na tayong ugnayan sa Diyos. Konklusyon: Tayo ang Patunay Paano tayo niligtas ng kamatayan ni Hesus? Hindi lamang ito nakatuon sa mismong kamatayan sa krus. Ang kaligtasan ay makikita sa Kanyang kapanganakan, ministeryo, kamatayan, muling pagkabuhay, at ang Kanyang mga ginawa sa pamamagitan ng mga alagad. Dahil sa muling pagkabuhay, ang kamatayan sa krus ay hindi isang pagkatalo kundi isang mapagpalayang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan. Ang pagkabuhay muli ay hindi lamang mangyayari pagkatapos nating mamatay; maaari natin itong maranasan araw-araw. Mararanasan natin ito tuwing tayo ay tumutulong na alisin ang mga gumagapos sa mga tao, sa ating pagmiministeryo, at sa tuwing ipinapangaral natin ang mabuting balita. Ang pinakamagandang patunay na muling nabuhay si Kristo ay hindi ang puntod na walang laman, at hindi rin ang krus. Tingnan ninyo ang inyong katabi: ang bawat isa sa atin at kung paano natin ipinaparanas ang kabutihan ng Diyos, ang ating buhay mismo ang siyang pinakamagandang patunay. Muli, si Kristo ay buhay. Siya ay muling nabuhay, at ang buhay natin ang magiging patunay. Sa pangalan ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, Amen. The post Easter: The Unsealed Entrance appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

CCF Sermon Audio
EYE WITNESS 2: More Lessons from People Who Saw Jesus Suffer | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Mar 30, 2026 78:21


Kapag tayo ay nag-aalinlangan o natatakot, pinapaalala sa atin ni Hesus na mamuhay tayo base sa katotohanan kung sino Siya at sa pag-asang Kanyang binigay sa mundo. Sa pananaw ng mga nakasaksi sa pagkamatay ni Kristo, makikita natin na ang pagkilala sa Kanya ang siyang magbibigay pagbabago sa lahat. Kahit ano pa ang ating mga inaalala sa mundo, ang ating pananampalataya ay nakatuon lamang sa Kanyang mga pangako at sa bagong buhay na tanging ang Anak ng Diyos lang ang makakapagbigay.Screen recording, reproduction, and reuploading of CCF's messages and videos are prohibited. Re-uploads will be reported for copyright infringement. Speaker: Ptr. Bong SaquingSeries: Eye WitnessScripture: Luke 23:33-43Watch the full message here: https://go.ccf.org.ph/03292026Tag

Barangay Love Stories
EP 644: "Pagbigyan" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Mar 25, 2026 46:41


Kahit pareho ng kinalakihan na tahanan ang magkakapatid, nagkakaiba-iba pa rin ang kanilang mga pananaw at plano sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Topher sa Barangay Love Stories.

Barangay Love Stories
EP 642: "Mananatili" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Mar 23, 2026 37:40


Sakit sa ulo ang unang karelasyon ni Nancy. Bukod sa mapanumbat, mapanakit din ito kaya isang matapang na desisyon ang kanyang ginawa - iniwan niya ito at sinama niya ang kanilang anak. Kahit nakalayo na, bagong problema naman ang kinaharap niya nang nakitira ulit siya sa bahay ng kanyang ina. Pero tinanggap niya lahat ang bunga ng kanyang pagkakamali hanggang sa muli siyang bigyan ng pangalawang pagkatataon ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Nancy sa Barangay Love Stories.

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

I thank my God for every remembrance of you, always in every one of my prayers for all of you, praying with joy for your partnership in the gospel from the first day until now. I am confident of this, that the one who began a good work in you will continue to complete it until the day of Jesus Christ. Philippians 1:3-6 NRSVUE “I am the true vine, and my Father is the vine grower. He removes every branch in me that bears no fruit. Every branch that bears fruit he prunes to make it bear more fruit. You have already been cleansed by the word that I have spoken to you. Abide in me as I abide in you. Just as the branch cannot bear fruit by itself unless it abides in the vine, neither can you unless you abide in me. I am the vine; you are the branches. Those who abide in me and I in them bear much fruit, because apart from me you can do nothing. John 15:1-5 NRSVUE Pakinggan natin ang sinasabi ng Espiritu Santo sa atin ngayong araw. Nawa’y ang pangangaral na ating matatanggap ay magbigay-inspirasyon, kalinga, at hamon sa atin. Amen. Kanina, nabanggit ng ating Hermanan na gumagamit tayo ng mga kanta nina Adele at Lady Gaga. Pero ngayon, ibang klaseng kanta ang gagamitin ko—isang K-pop song. Bago ako magsimula, may ipaparinig ako sa inyo. DJ, pasensya na Chris dahil baka ma-copyright tayo, pero gaya ng sabi ko, ito ang ganda ng preaching sa isang inclusive church—meron tayong mga contemporary readings. Ang pamagat ng kanta ay “What It Sounds Like” ng Huntrix. Ito ang huling kanta sa Netflix movie na KPop Demon Hunters (na ngayon ay Oscar's best animated feature film). Para sa akin, maraming bahagi ng movie ang queer-coded at ang plot mismo ay isang malakas na queer allegory, partikular sa pag-explore ng themes ng shame at coming out. Ang kantang ito ay sumasalamin sa kwento ng mga queer Christians. Ang unang verse ay nagpapaalala sa akin ng aking karanasan bago ako nag-come out. Nagsisimula ito sa isang tapat na pag-amin: marami sa ating mga queer Christians ang dumaan sa hiya dahil sa kung sino tayo. Sinubukan nating ayusin ito at nagdasal tayo nang marubdob sa Diyos na baguhin tayo. Nung umuwi ako sa Cavite kamakailan, hinanap ko ang dati kong diary. Hindi ako consistent sa pagsusulat, pero kapag may dinaramdam ako, isinusulat ko ito. Ang simula ng bawat entry ko ay “Dear Jehovah” dahil iyon ang tawag sa Diyos sa kinalakihan kong relihiyon bilang Jehovah’s Witness. May isang pahina doon na ang sabi ko sa Diyos, “Bakit niyo po ako ginawang ganito? Ang hirap-hirap”. Ang prayer ko pa nga noon, gawin niyo na lang po akong bisexual para man lang may option ako at maitawid ko pa rin. Sa dulo ng diary, nakiusap ako sa Diyos na huwag sana akong ma-fall sa aking first love. Pero walang nangyari sa pagbe-beg ko. Siguro ang sabi ng Diyos sa akin, “Deserve mo anak, i-experience mo ‘yan.” Doon natapos ang diary dahil lumandi lang talaga ako at hindi na ako nag-pray. Siguradong may ganyan din kayong moments. Sinubukan ninyong labanan ang inyong nararamdaman at ni-repress ang inyong mga emosyon. Gaya sa kanta, baka nagsinungaling kayo sa inyong pamilya, kaibigan, at lalo na sa inyong sarili. Naramdaman ninyong wala ang Diyos sa inyong panig. Ang mga karanasang ito ay nangyari dahil ang tingin ng maraming simbahan sa queerness ay “unholy”. Madalas sa kanila, ang kabanalan ay kapareho lamang ng moral o sexual purity, o kaya ay pag-conform sa mga tradisyon. Malamang isa yan sa rason bakit kayo narito sa Open Table, dahil na-realize ninyo na ang listahan nila ng rules ay hindi naman talaga sukatan ng holiness. Bawal ang premarital sex, bawal ang same-sex relationships, pati ang pag-aayos ng sarili ay binabantayan. Dahil sa mga rules na ito, marami ang nakakaramdam ng guilt. Sa mga Katoliko, tinatawag itong “Catholic guilt”. Pero ang totoo, karamihan sa mga rules na iyon ay hindi naman talaga Biblical. Sa framework na ito kung saan “conformity” ang goal, nakondisyon tayo na ikahiya ang ating mga katawan at relasyon. Pati ang ating mga straight allies ay biktima rin ng sistemang ito. Ang turo sa kanila, ang sex ay regalo ng Diyos pero sa loob lang ng kasal. Ninakawan sila ng purity culture ng pagkakataong intindihin ang kanilang mga katawan at ang tunay na kahulugan ng intimacy. Na-witness ko kung gaano ka-obsessed ang mga simbahan sa purity. Sa dati kong church, bawal lumabas ang couple nang silang dalawa lang; dapat laging may “chaperone”. Noong bata ako, pabor ito sa akin dahil lagi akong libre sa pakain kapag isinasama ako ng tita ko sa date nila ng boyfriend niya. Bukod doon, matindi rin ang pressure sa mga couple na magpakasal agad para “hindi magkasala”. Sa mga Jehovah’s Witness, maximum na ang dalawang taon ng dating; kapag lumampas doon, minamata na kayo. Kahit hindi pa ready ang couple—hindi lang sa financial kundi pati sa emosyon—napipilitan silang magpakasal dahil sa takot sa “sexual immorality”. May malaking stigma rin, lalo na sa mga kababaihan, pagdating sa virginity—na kapag nawala ito ay “marumi” ka na. Bukod sa pressure na magpakasal, matindi rin ang pressure sa mga kababaihan na manatiling birhen hanggang kasal. Mas malaki ang stigma sa kanila; kapag nawala ang kanilang virginity, itinuturing na silang “marumi” at parang wala nang halaga. Ang mga straight women ay tinuruan din na maging submissive sa kanilang mga asawa, habang ang mga lalaki naman ang dapat na may final say sa lahat ng desisyon. Ang ganitong sistema ay hindi lang nakakaapekto sa mga kababaihan kundi pati sa mga lalaki, dahil itinuturo nito na ang intimacy ay tungkol lamang sa kontrol at hindi sa mutual respect at pag-ibig. Dito pumapasok ang ating pagbasa mula sa Filipos. Sabi ni Pablo, “May tiwala ako na ang nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay ipagpapatuloy ito hanggang sa ganap na matapos sa araw ni Jesu-Cristo”. Ang “mabuting gawa” na ito ay ang proseso ng sanctification o pagpapakabanal. Sa maraming simbahan, ang sanctification ay tinitignan bilang isang checklist ng mga bawal at dapat gawin. Pero ang tunay na kahulugan nito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang grasya. Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto sa mata ng tao, kundi sa pagiging tapat sa kung sino tayo sa harap ng Diyos. Sa ating Ebanghelyo, binanggit ni Jesus na Siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Ang pagbubunga ay hindi nangyayari dahil sa sarili nating pagsisikap na sumunod sa mga panuntunan ng tao. Nangyayari ito kapag tayo ay nananatili sa Kanya. Para sa ating mga queer Christians, ang pananatiling ito ay nangangahulugan ng pagtanggap sa ating sarili bilang mga nilalang na minahal at tinanggap ng Diyos. Ang mga “pruning” o paglilinis na binanggit sa Ebanghelyo ay hindi ang pagtanggal sa ating pagkatao, kundi ang pag-alis sa mga shame, guilt, at takot na humahadlang sa atin na magmahal nang lubos. Ang pagiging isang inclusive church gaya ng Open Table ay isang hamon sa tradisyonal na konsepto ng kabanalan. Ipinapakita natin na ang kabanalan ay matatagpuan sa pag-ibig, sa pagtanggap, at sa pagiging totoo. Hindi kailangang ikahiya ang ating mga katawan o ang ating mga relasyon dahil ang mga ito ay bahagi ng mabuting gawa na sinimulan ng Diyos sa atin. Gaya ng kanta ng Huntrix na “What It Sounds Like,” ang ating kwento ay hindi na tungkol sa pagtatago o pagsisinungaling. Ito ay tungkol na sa pagbangon mula sa hiya at pagyakap sa liwanag ng katotohanan. Sa dulo ng kanta, may pagbabago sa tono—isang pagtanggap na hindi kailangang maging “normal” o sumunod sa dikta ng iba para maging karapat-dapat. Ang ating mga kwento bilang queer Christians ay hindi nagtatapos sa hiya. Gaya ng sinabi ni Pablo, ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay hindi tayo iiwan sa gitna ng daan. Ang bawat “Dear Jehovah” entry sa aking diary, ang bawat dasal ninyo na sana ay maging “straight” na lang kayo, ay bahagi ng mahabang proseso. Ngayon, ang ating mga katawan at relasyon ay hindi na tinitignan bilang “unholy” kundi bilang mga sisidlan ng grasya ng Diyos. Ang sanctification ay hindi isang biglaang pangyayari kundi isang mahabang paglalakbay ng pagpapakabanal. Ito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin, hindi para maging kamukha ng mga tradisyon ng tao, kundi para maging mas malapit sa puso ni Cristo. Huwag nating hayaan na ang “purity culture” ang magdikta ng ating halaga sa harap ng Diyos. Ang ating pananatili sa “Puno ng Ubas” ay sapat na para tayo ay magbunga. Hindi natin kailangang baguhin ang ating pagkatao para mahalin ng Diyos; sapat na ang tayo ay manatili sa Kanya. Sa huli, ang ating pananampalataya ay hindi tungkol sa mga listahan ng bawal. Ito ay tungkol sa kagalakan ng pagkilala sa Diyos na tumitingin sa puso at hindi sa panlabas na anyo o oryentasyon. Nawa’y magpatuloy tayo sa paglalakbay na ito nang may kagalakan at pag-asa, alam na ang Diyos ay kasama natin sa bawat hakbang. Amen. The post Purity and Sanctification appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

Kwentong Takipsilim Pinoy Horror Podcast
DALAGANG ITINULOY ANG KASAL KAHIT WALA NA ANG KATAWAN NG NOBYO | KWENTONG ASWANG | TRUE STORY

Kwentong Takipsilim Pinoy Horror Podcast

Play Episode Listen Later Mar 11, 2026 86:21


DALAGANG ITINULOY ANG KASAL KAHIT WALA NA ANG KATAWAN NG NOBYO | KWENTONG ASWANG | TRUE STORY Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
When God Closes a Door

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Mar 6, 2026 3:48


Kahit pinaghandaan, pinagaling nang husto at may suporta ng lahat ng bansa sa mundo, maaari rin palang mapigil ito. Truly, God can close any door. For sure, marami ang nagulantang sa nangyari. Losses were incurred by governments and the hearts of athletes, who could make it in 2020 but not in 2021, were broken. However, what was a major disappointment to many, was a blessing in disguise to others.  All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

Now there was a Pharisee named Nicodemus, a leader of the Jews. He came to Jesus by night and said to him, “Rabbi, we know that you are a teacher who has come from God, for no one can do these signs that you do unless God is with that person.” Jesus answered him, “Very truly, I tell you, no one can see the kingdom of God without being born from above.” Nicodemus said to him, “How can anyone be born after having grown old? Can one enter a second time into the mother's womb and be born?” Jesus answered, “Very truly, I tell you, no one can enter the kingdom of God without being born of water and Spirit. What is born of the flesh is flesh, and what is born of the Spirit is spirit. Do not be astonished that I said to you, ‘You must be born from above.' The wind blows where it chooses, and you hear the sound of it, but you do not know where it comes from or where it goes. So it is with everyone who is born of the Spirit.” Nicodemus said to him, “How can these things be?” Jesus answered him, “Are you the teacher of Israel, and yet you do not understand these things? “Very truly, I tell you, we speak of what we know and testify to what we have seen, yet you do not receive our testimony. If I have told you about earthly things and you do not believe, how can you believe if I tell you about heavenly things? No one has ascended into heaven except the one who descended from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the wilderness, so must the Son of Man be lifted up, that whoever believes in him may have eternal life. “For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life. “Indeed, God did not send the Son into the world to condemn the world but in order that the world might be saved through him. John 3:1-17 (NRSVUE) Tayo at si Nikodemo Sa ating pagbasa, nakatagpo ni Hesus si Nikodemo sa gitna ng kadiliman. Si Nikodemo ay isang taong may mataas na katayuan ngunit may dalang mga tanong na hindi masagot ng kanyang tradisyon. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maliban na ang tao ay ipanganak na muli, hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.” Bilang isang Katoliko at Kristiyanong bakla, madalas kong nararamdaman na ako si Nikodemo. Sa Juan 3, pumunta siya kay Hesus sa ilalim ng takip ng gabi. Bakit gabi? Siguro dahil takot siya sa sasabihin ng kapwa niya Pariseo , o siguro dahil hindi pa niya kayang pangatawanan sa harap ng marami ang kuryosidad ng pananampalataya niya. Ganoon din ako; maraming tanong, maraming takot. Until now, hindi pa rin ako sigurado sa aking pananampalataya. Gayon din ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang mga mapanghusgang salita sa paligid na nagsasabing mali ako, makasalanan ako, at hindi karapat-dapat. Ang mga salitang ito ay parang kadiliman na nagpapalayo sa akin sa liwanag ng Diyos. Sa ating paglalakbay bilang mga LGBTQIA+ na mananampalataya, ang pag-uusap nina Hesus at Nikodemo ay tila isang salamin. Tulad ni Nikodemo, marami sa atin ang lumalapit sa Diyos sa gabi o sa gitna ng kadiliman , dala ng takot sa sasabihin ng iba , ng bigat ng ating pagkakakilanlan, at ng tanong na: “Tatanggapin ba ako? Karapat-dapat ba ako?”. Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Muling Pagsilang Ang sagot ni Hesus ay hindi pagtataboy kundi isang paanyaya: “Kailangan kayong ipanganak na muli.” Ang muling pagsilang na ito ay hindi nangangahulugang kailangang burahin ang ating kulay. Sa halip, ito ay pagpapaubaya sa Banal na Espiritu na linisin ang ating paningin upang makita natin ang ating sarili ayon sa tingin ng Diyos : mahalaga, banal, at sapat. Ang konsepto ng muling pagsilang ay madalas gamitin laban sa atin upang sabihing kailangan nating magbago o itatwa ang ating tunay na pagkatao. Ngunit sa mas malalim na espiritwal na pag-unawa, ang muling pagsilang na tinutukoy ni Hesus ay hindi pagpatay sa ating katotohanan, kundi pagyakap sa ating banal na pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos at malaya sa tanikala ng mapanghusgang mundo. Mahirap isabuhay ang gospel na ito sa mundong puno ng limitasyon. Ngunit dito pumapasok ang tunay na milagro ng Espiritu Santo. Aaminin ko, hindi madali. May mga araw na mabigat ang krus ng diskriminasyon at pagdududa. Subalit gaya ng hangin na binanggit sa bersikulo 8 na umiihip kung saan ito nais, ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakakulong sa kahon ng tradisyon. Tuwing ako ay humihingi ng patnubay, ipinapaalala ng Diyos sa akin na ang Kanyang grasya ay sapat. Ang aking pagkatao ay hindi hadlang sa aking paglilingkod; ito ay aking natatanging paraan upang ipakita ang makulay at malawak na pag-ibig ng Maylikha. Hindi ako o tayo tinawag para maging perpekto ayon sa pamantayan ng tao, kundi para maging tapat sa ilalim ng biyaya. Paglilingkod sa Pamilya at Trabaho Ang paglilingkod ay hindi lamang ginagawa sa loob ng simbahan. Ito ay isinasabuhay natin sa bawat aspeto ng ating pang-araw-araw na pakikibaka. Sa Ating Pamilya: Madalas, sa pamilya tayo pinakahinahamon. Maraming mga kamag-anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang iyong katotohanan , kung saan minsan ay kailangan pa nating patunayan ang halaga sa kabila ng ating pagkakaiba. Naririnig natin ang mga patama sa hapag-kainan o nararamdamang tila may limitasyon ang pagmamahal nila sa iyo. Subalit sa kabila nito, pinipili nating manatiling mapagmahal na anak, kapatid, o kamag-anak. Kapag tayo ang unang tumutulong sa oras ng pangangailangan , o nag-aalaga sa mga magulang na may sakit nang walang pag-aalinlangan, ipinapakita natin ang gospel in action. Pinapatunayan natin na ang pag-ibig ng isang LGBTQIA+ member ay hindi nababawasan ng kanilang panghuhusga. Kahit inaalipusta at sinasaktan ng mga mahal natin sa buhay , kung kailangan nila ng tulong o aruga , tayo ang unang tutugon kahit tayo ay nasasaktan. ‘Yan ang pag-ibig na kaya nating ibigay, at ang tawag diyan ay grasya. Sa Ating Trabaho: Madalas tayong kailangang magtrabaho nang doble upang patunayan sa ating mga kasamahan ang ating halaga. Ang propesyonalismo ay hinahaluan natin ng pagtitimpi at pagmamahal kahit sa mga hindi nakakaunawa sa atin. Hinaharap natin ang mga micro-aggressions o ang pakiramdam na kailangang itago ang ilang bahagi ng ating sarili upang hindi mapag-usapan. Ang ating katapatan sa trabaho at pagiging go-to person sa ating mga kasamahan ay isang porma ng ministeryo. Sa pamamagitan ng pagiging mahusay at mabuting katrabaho, binabali natin ang mga maling akala. Naglilingkod tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng dangal ayon sa ating propesyon , habang tahimik na nananalangin para sa mga kasamahang hindi pa bukas ang isipan. Ang Tahanan Natin sa Open Table MCC Lahat tayo—ako noon—ay takot at naghahanap ng isang community kung saan pwede tayong maging totoo sa ating pagkatao, kung saan tanggap tayo nang walang halong panghuhusga. Dito ako dinala sa simbahan ng Open Table MCC Manila pa noon, year 2000. (Kaya alam niyo na kung ilang taon na ako ngayon; siguro ako ang pinakamalapit nang maging ‘dalawang citizenship’) . Nang sabihin ni Hesus na kailangang ipanganak na muli, hindi Niya ibig sabihin na burahin natin kung sino tayo. Ang muling pagsilang ay ang pag-iwan sa mga lumang paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay limitado lamang sa iilan. Sa Open Table MCC, natutunan ko na ang aking pagkatao bilang LGBT ay hindi hadlang kundi isang bahagi ng aking paglalakbay. Ang muling pagsilang para sa akin ay ang pagtanggap na tayo ay nilikha ng Diyos nang may layunin , at ang Kanyang Espiritu ay umiihip kung saan Nais Niya. Hindi ito nakakulong sa mga tradisyong puno ng poot. Dito sa ating komunidad, ang paglilingkod ay may ibang lalim. Ito ang ating tahanan kung saan ang pag-ibig ay walang pasubali. Dito natin nararamdaman na ang paglilingkod sa Diyos ay tunay na inklusibo. Juan 3:16-17: Sandigan ng Ating Pananampalataya Madalas gamitin ang Bibliya sa mga katulad natin para takutin tayo. Pero ang Juan 3:16-17 ang pinakamatibay nating sandigan. Actually, ito ‘yung gumising sa akin. Ito ‘yung nagbigay sa akin ng pundasyon na hawak ko until now , at sinasabi kong hinding-hindi ako magkakamali. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan , pinadala Niya ang Kanyang Anak at kung sino man ang maniwala ay hindi Niya pababayaan at Kanyang ililigtas.” Hindi sinabi na gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga “diretso” ang buhay. Sinabi Niya, “sa lahat,” hindi lang sa iilan. Kasama ako doon, kasama ka doon, kasama tayong lahat. Ang salitang “sanlibutan” ay walang itinatangi; lahat ay yayakapin. At ang pinakamahalaga para sa ating mga nakaranas ng diskriminasyon ay ang talatang 17 : “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Ang Diyos mismo ay hindi naparito upang husgahan tayo. Kaya sino sa mga tao sa paligid natin ang may karapatang gawin ‘yon? Paglilingkod ng mga Sugatan Ang pagod mula sa labas ng mundo ay dinadala natin sa loob ng simbahan. Minsan, mahirap maglingkod kapag ikaw mismo ay sugatan. Hindi tumitigil ang ingay ng mundo kapag tayo ay papasok sa pinto ng simbahan. Bawat isa sa atin ay may dalang bigat na bagahe: mga mapanghusgang tingin mula sa trabaho, ang pagod ng pakikipagsapalaran sa sistemang hindi tayo laging kinikilala, at ang mga sugat ng nakaraan na tila ayaw maghilom. Napakahirap magbigay ng liwanag kung ang sarili mong mitsa ay halos mapundi na. Minsan ang paglilingkod ay nagiging isang pakikibaka. Paano ka aawit ng pag-asa kung ang puso mo ay puno ng pag-aalinlangan? Paano ka mag-aayos ng upuan para sa iba kung ikaw mismo ay naghahanap ng lugar na matitigilan? Ngunit dito papasok ang tunay na diwa ng grasya. Ang paglilingkod ay hindi nangangailangan ng pagiging perpekto. Ang ating mga sugat ay hindi hadlang sa ating ministeryo. Sa halip, ito ang nagbibigay sa atin ng lalim at malasakit na hindi matutumbasan ng sinumang hindi pa kailanman nasaktan. Sa loob ng simbahan, ang ating pagod ay kinikilala at ang ating sugat ay hinahayaang huminga—at damang-dama ko ‘yon dito sa Open Table MCC. Ang pag-aayos ng mga upuan ay hindi lamang paghahanda ng espasyo ; ito ay pagtiyak na mayroong lugar ang bawat ligaw na kaluluwa. Sa pag-awit sa koro o simpleng pagyakap sa isang bagong miyembro na takot at naghahanap ng pagtanggap , ikaw at ako ay nagiging daluyan ng muling pagsilang para sa iba. Isang Radikal na Akto ng Pag-ibig Ang Open Table MCC ay nagiging patunay na ang Diyos ay hindi limitado ng pader ng tradisyon. Ang paglilingkod natin dito ay isang deklarasyon : Narito ako, narito tayo, tinawag ng Diyos at karapat-dapat. Ang bawat maliit na gawain sa loob ng simbahan ay isang radikal na akto ng pag-ibig. Ang pag-awit sa koro ay hindi lamang paglabas ng himig ; ito ay pagpaparinig ng boses na minsang pinatahimik ng tradisyon. Kapag niyakap mo ang isang bagong miyembro na puno ng takot at pag-aalinlangan, hindi mo lang siya tinatanggap sa isang organisasyon ; ibinabalik mo sa kanya ang kanyang dignidad. Ang komunidad na ito ay isang buhay na patunay na ang pag-ibig ng Diyos ay parang karagatan na hindi kayang ikulong ng mga makitid na doktrina. Ang ating paglilingkod ay isang matapang na deklarasyon laban sa lahat na nagsabing ikaw ay kulang o mali. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay tumitindig para sa iba , sinasabi mo sa mundo: “Narito ako, hindi dahil sa pahintulot ng tao kundi dahil sa tawag ng Diyos. Ako ay buo, ako ay pinili, at ako ay karapat-dapat.” Hindi madaling maging asin at ilaw sa mundong madalas ay ayaw tayong pasikatin. Ngunit ang muling pagsilang sa Espiritu ay nangangahulugan na hindi tayo umaasa sa sariling lakas. Tuwing nararamdaman mo ang pagod, tandaan mo ang hangin—ang Espiritu ay umiihip kung saan Ito nais. Hayaan mong tangayin ka ng hanging ito patungo sa mga taong nangangailangan ng iyong kalinga. Ang iyong pagkatao ay hindi hadlang ; ito ay natatanging paraan upang ipakita ang grasya ng Diyos para sa lahat. The post Muling Pagsilang appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

Barangay Love Stories
EP 612: "Durog na Puso" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Feb 9, 2026 44:41


Ang magmahal at mahalin ay isang napakalaking kasiyahan para kay Yvette. Kahit pa LDR sila ng longtime boyfriend niyang si Dominic, nangibabaw pa rin ang kanilang commitment at pag-ibig sa isa't-isa. Ngunit tatlong araw bago ang kanilang kasal, binawi ang kasiyahang matagal na sana nilang inaabangan. Pakinggan ang kwento ni Yvette sa Barangay Love Stories.

Barangay Love Stories
EP 607: "Sibling Rivalry" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Feb 2, 2026 43:27


May mga tao talagang mahilig magkumpara kahit pa magulang sila. Kaya lumaki si Kyla na insecure at inggit sa ate Nicole niya. Kahit pa mahal na mahal siya ng ate niya at mahal niya rin ito, minsan talaga ay hindi niya maiwasang magtampo lalo pa't hindi niya mapantayan man lang ang mga achievements ng mabait at mapagmahal niyang ate. Kaya nang umibig sila sa iisang lalaki, pasikretong hinangad ni Kyla na sana ay maghiwalay sila agad. Pakinggan ang kwento ni Kyla sa Barangay Love Stories.

Barangay Love Stories
EP 602: "Alipusta" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jan 26, 2026 46:30


Ang nanay nina Aria at Amelia, gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya. At ang gusto naman ni Aria ay makatulong naman sa kanyang mama. Kahit kailan hindi sila nagkulang dahil sa pagsisikap ng kanilang ina kaya nang makahanap ng trabaho, sinalo na ni Aria ang pag-papaaral sa bunso niyang kapatid upang ma-enjoy naman ng kanyang mama ang sarili nitong pension. Kaso si Amelia, masyadong nakunsinte ng kanilang ina kaya lumaking lapastangan. Pakinggan ang kwento ni Aria sa Barangay Love Stories.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
The Path to Paradise

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Jan 19, 2026 3:41


Hawaii. Costa Rica. Mga travel handpicks ng karamihan. Kaya naman iyan ang scents na ginamit para sa Path to Paradise line of body wash fragrances. Kahit man lang sa shower ay makarating ka sa paraiso.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

The Jay Aruga Show
S07 E63: 5 CELEBRITIES na DEBOTO ng Santo Niño

The Jay Aruga Show

Play Episode Listen Later Jan 17, 2026 9:59


Maraming Pilipino ang deboto sa Sto. Niño — at hindi lang dahil bahagi ito ng ating kasaysayan at kultura, kundi dahil may malalim na spiritual connection tayo sa Batang Hesus. Mula sa pagdating nito sa Cebu hanggang sa pagkakaroon ng exclusive Sto. Niño Mass na inaprubahan ng Vatican para sa Pilipinas, tunay na espesyal ang debosyon na ito.

CBNAsia.org - Audio Podcast
God's Word Brings Life

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Jan 12, 2026 41:29


Kahit sa paningin mo ay tila wala nang pag-asa ang iyong sitwasyon, may kapangyarihan ang Panginoon na buhayin ang patay mong pag-asa. Magtiwala ka lamang sa Kaniya at sa Kaniyang mga salita. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
'12 Round fruits, wearing polka dots': What New Year traditions or superstitions did you grow up with? - ‘Bilog na prutas, pagsuot ng polka dots': Anong mga tradisyon o pamahiin ang kinagisnan mo tuwing Bagong Taon?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 31, 2025 6:50


From wearing polka dots to preparing 12 round fruits, these practices may lack scientific proof, yet they remain deeply rooted in Filipino culture as symbols of hope, prosperity, and protection as the new year begins. - Kahit walang ebidensyang siyentipiko, nananatili ang mga paniniwalang ito bilang bahagi ng kultura at kolektibong pag-asa para sa suwerte, kasaganaan, at ligtas na panibagong simula.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Christmas is still different in the Philippines': Why this Fil-Aussie always returns home for the holidays - 'Iba pa rin ang Pasko sa Pinas': Bakit hindi pinapalampas ng Pinoy na ito sa Australia ang pag-uwi sa Pilipinas tuwing Kapaskuhan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 25, 2025 9:01


Despite living in Australia for eight years and becoming an Australian citizen, Denny Geronimo Jr. from Melbourne makes it a point to return to the Philippines every Christmas, saying the Filipino way of celebrating the season is unmatched. - Kahit walong taon nang naninirahan sa Australia at isa nang Australian citizen, pinipili pa rin ni Denny Geronimo Jr. na umuwi ng Pilipinas tuwing Pasko dahil para sa kanya, walang kapantay ang Paskong Pinoy, lalo na kung walang kamag-anak na kapiling sa abroad.

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

Now the birth of Jesus the Messiah took place in this way. When his mother Mary had been engaged to Joseph, but before they lived together, she was found to be pregnant from the Holy Spirit. Her husband Joseph, being a righteous man and unwilling to expose her to public disgrace, planned to divorce her quietly. But just when he had resolved to do this, an angel of the Lord appeared to him in a dream and said, “Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary as your wife, for the child conceived in her is from the Holy Spirit. She will bear a son, and you are to name him Jesus, for he will save his people from their sins.” All this took place to fulfill what had been spoken by the Lord through the prophet: “Look, the virgin shall become pregnant and give birth to a son, and they shall name him Emmanuel,” which means, “God is with us.” When Joseph awoke from sleep, he did as the angel of the Lord commanded him; he took her as his wife but had no marital relations with her until she had given birth to a son, and he named him Jesus. Matthew 1:18-25 NRSVUE Sa Isang progressive church na intentionally mulat sa mga katarantafudahan ng bayan at mg Mundo, we are always confronted with the hardest question pag pasko and then later pag pasko ng pagkabukay… Is there something to celebrate sa kashitan na ito? But we are reminded na Hindi porket maraming kashitan, Tayo ay magpapatalo at magpapalugmok sa mga tae ng kasalukuyang kaganapan. Advent reminds is that there is always hope and our hope is based on the action of God throughout history. Kaya mahalagang mag-alam natin ang history because it proves to us thay things do get better eventually. Advent reminds that our peace does not come from the kings and emperors of this world but from the king of heaven who chooses to lower himself and become human, poor, a servant, and someone willing to die. Ang kapayapaan ay nagmumula sa kanya at ipinakita rin nya sa kanyang naging buhay paano natin maaachive Ang kapayapaan sa pamamagitan ng paglilingkod sa isat isa.Advent reminds us that there is joy and we must actively pursue joy. Mariz reminds us that Joy is rooted in grace and growing from the soil of ministry and Advocacy. Joy through ministry and Advocacy is our act of resistance against sa kashitan ng Mundo and it is a gift of God through community and shared work. Lastly, today, last Sunday of Advent, we are reminded in all of this it is always about love from love and towards love. Love that is not abstract but love na bodily – nagkakatawan – and intimately relational. Pag-ibig na gustong makipag ugnayan, nakikipag-kapwa, at nais yumakap at humipo. Eto any pag-ibig na Ang pangalan ay Emmanuel – God with us. God through us. Sa lahat ng paalalang ito ay kung paano Tayo nag-ambag at nagparticipate sa Open table, merong dapat ipagdiwang ngayong pasko at sa pagtatapos ng taon. Merong pag-asang masayang inaabangan para sa darating na taon in the face of all the shittiness now and will also continue to come. Mary and Joseph as Immanuel Sa last Sunday of Advent and our last worship of the year magandang paalala ang ating scripture reading tungkol sa pagkakatawang tao no Hesus ayon sa gospel of Matthew. Ang buong gospel of Matthew ay tungkol sa presensya ng Diyos na kasa-kasama natin. Yan Ang main theological frame and linchpin of the gospel of matthew. It reminds us that Jesus is Immanuel – the living presence of God among us… But I want us to also look at this story a little differently. I want us to also realize that in the Story the presence of God to the Son of God was also Mary who chose and decided to conceive Jesus and give birth to him. She didn’t have to. She could say No especially when it will most likely get her into trouble and danger. But she said yes to the danger and to the physical struggle and pain of child bearing and child birth. Joseph also embodied Immanuel – God’s presence towards Mary and Jesus – when he decided to continue his marriage with Mary and not have her stoned to death for adultery. Despite his own internal struggle, shame, and pain, he accepted Mary and her pregnancy. She believed his dream when he does not have to. Unlike Kay Mary na Meron talagang nagpakitang anghel, so Joseph, nananiginip lang. Ano bang Malay nya kung lerler lang sya Ang under a lot of stress that caused that dream. Baka gusto nya lang paniwalain Ang sarili nya. But he kept faith and did not have Mary put to death. Or kahit Hindi na nga put to death, Sabi sa gospel, he just wanted to divorse her in secret para Hindi na mapahamak so Mary. But even with that, paano na lang si Maria bilang deborsyadang batang ina? Hindi man sya ma stone to death, how will she survive as a young mother divorced so young? She was poor and from a poor family herself. Peasante. So when Joseph decided to keep Mary as his wife and believe a dream, and be a father to Jesus, he was Immanuel to them. Pero Hindi lang si Mary and Joseph ant Immanuel Kay Jesus. Later the wise men who gave them resources to help them start over and who also decided not to go back to herod. Then sino-sino pa kaya any mga kapamilya, kapit-bahay, at mga kaibigan ni Maria at Jose na naging Immanuel sa kanilang pamilya at Kay Hesus? We are Immanuel to Jesus in our midst Our advent story and indeed Christmas tells us not only God’s presence in and through Jesus but God’s presence in and through Each one of us for each other lalong-lalo na sa kashitan na nararanasan ng isa’t Isa at ng ating kapwa. Not only that Jesus is God’s presence to us. But it is also how we are God’s presence to Jesus who is among us. After all Sabi nga ni Jesus rin whatever good you have done for the least of this, you have done for me. Sabi rin ni Paul that Christ lives in and through us. Paano Tayo Immanuel din para Kay Hesus sa mga naghihirap ay nagdudusa sa ating paligid. Paanong Yung mga nasa paligid natin ay naging Immanuel para sa atin sa mga oras na Tayo ay nahihirapan, nag-iisa, nasasaktan, at nalulungkot. Paanong Tayo bilang open table, – community and a body – paanong Tayo rin ay katawan ni Kristo and presence ni God for our queer siblings and straight allies? Paanong Ang ating straight allies are God’s presence to our community of Open Table MCC? Reflection questions: As we end 2025… Let us reflect and look back. Tayo ay magmuni-muni Sinu-sino Ang naging Maria, Joseph, at Hesus sa iyong buhay nitong 2025? Who were the people who cared for you and were there for you in those moments of difficulty, pain, or loneliness? Who are those who took the time para kumustahin ka at makinig sayo? Sino any mga taong naging buhay na katugunan sa mga panalangin mo this 2025? Where the persons who became your answered prayers? Who were those who cared for you if and when you got sick? Ako sa akin buhay at bilang pastor, syempre pagoda mirasol Ako every Sunday or some days and ang immanuel para sa akin ay si Lawrence pag minamasahe nya Ako after Sunday or after one lagare day. Siya rin ay nakikinig sa akin sa mga hanash ko sa inyo at mga kunsumisyon. Pero malaking Immanuel din sa akin this year so Jaetee, Rix, at mother Sean sa mga bagay na need ng pastoral care. Malaking bagay sa akin Ang iilang sa Inyo na nakakaalala, nanganganusta, at minsan may pa ayuda. Pero kahit Hindi, Yung simpleng pag gampan sa mga ministry ninyo ay isang malaking presence of God para sa akin bilamg pastor nyo. Salamat. Sa Inyo? Sino ang mga naging Immanuel sa buhay nyo this 2025? Paano naging immanuel any open table sa buhay nyo this year? Whether you are here for a long time or bago la lang… How does open table continue to be God’s living presence in your life and spirituality?Reflectik. 2. Paano Naman kayo naging immanuel sa kapwa nyo this 2025? In what ways have you embodied Jesus nitong 2025? Sino Ang nilapitan mo para kausapin, kumustahin, at pakinggan kahit na inconvenient? Was there a time and a person you went out of your way to give your time and attention even? Meron rin bang mga times that you were less of a presence of God to someone or might even be the opposite nitong 2025? How have you repented as per Ardy’s preaching? How have you changed?Last reflection as reminded by our gospel today and this preaching, how can you continue to be Immanuel for 2026? Paano kayo patuloy na magiging aktibont presensya ng Diyos sa darating na taon sa community na ito, sa inyong mga kapamilya at kaibigan, at sa iba pang higit na nangangailangan? Kahit matatapos Ang year of grace sa open table, paano ka magpapatuloy na daluyan ng kanyang grace next year? Because the presence of God is marked by grace. What acts of kindness and grace will you continue or commit to do for next year here and everywhere? As Open Table MCC with our year of faith, how can we live and embody our progressive and queer Faith bilang nagkakatawang presensya ng Diyos sa mga nahihirapan at nasasaktan? Bilang Open Table, paano Tayo magiging instrumento ng Diyos para maging kasagutan sa panalangin nh bawat Isa at ng iba pa? Sa lahat ng kashitan at katarantaduhan ng sa ating bayan, how can we continue to embody Emmanuel and give the hope, peace, joy, and love of God in our own way sa mas malawak na pakikibaka? Next year is our year of faith, at ako ay tiwala sa Inyo to do well next year while at the same time pinagkakatiwala ko kayo sa presence of God that is in each other and among us. I trust you and God among you to live out your faith with grace and to embody Immanuel this 2026. The post We Are Immanuel appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Gift of Presence, Not Presents

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Dec 14, 2025 3:22


Christmas season na! Ramdam mo na rin ba ang pressure dala ng gastusin sa parties, reunions, at gift-giving? Kahit tight ang budget, puwede pa rin tayong mag-celebrate at mag-enjoy.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Have a holiday plan? Be prepared for possible fires this summer even if you're away from home - May plano ka ba sa holiday? Maghanda pa rin sa posibleng sunog ngayong tag-init kahit wala sa iyong tahanan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 10, 2025 7:02


Experts warn that the fire season is only just beginning, and travelers need to stay prepared and informed during their holidays, especially when far from home. - Nagbabala ang mga eksperto na simula pa lang ng fire season, at kailangang maging handa at maalam ang mga nagbibiyahe para sa holiday, lalo na kapag malayo sa bahay.

HILAKBOT TV's PINOY HORROR STORIES || The Podcast
Minu-MULTO kahit SAAN MAGTUNGO

HILAKBOT TV's PINOY HORROR STORIES || The Podcast

Play Episode Listen Later Dec 5, 2025 16:55


Mga tunay na kwentong ipinadala sa sindakstories2008@gmail.com.True Ghost Stories of Podcast Listeners. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

SBS Filipino - SBS Filipino
How can Filipinos in Australia continue their SSS contributions and keep their pension eligibility? - Maari bang ma-access ang SSS pension kahit sa Australia na nakatira?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 5, 2025 11:00


Do you live in Australia? Do you have an SSS account, or are you waiting for your SSS pension to start? Would you like to continue your SSS contributions? SSS Executive Vice-President Elvira Alcantara-Resare and Atty Gary Jimenez will tell us how to access our benefits while living in Australia. - Nakatira ka ba sa Australia? May SSS pension ka bang hinihintay na makolekta? Nais mo bang ipagpatuloy ang SSS contribution mo? Sasagutin ni SSS Executive Vice-President Elvira Alcantara-Resare kasama si Atty Gary Jimenez ang mga katanungan ng maraming Pilipino nakatira sa ibang bansa tulad ng Australia.

CBNAsia.org - Audio Podcast
How Long Will I Keep Struggling?

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Dec 4, 2025 29:26


Dahil sa hindi pagkakaintindihan, nagpasya si Mazy at ang kaniyang asawa na pansamantalang maghiwalay muna. Kahit pa rin naman magkahiwalay sila ay patuloy pa ring nagbibigay ng sustento ang asawa ni Mazy para sa kanilang anak. Sa gitna ng magulong sitwasyong kinakaharap niya, dito unang narinig ni Mazy ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang Bible study. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

The story found in Exodus 16 is a story of God's miraculous provision to the Israelites when they had nothing to eat in the desert. Kahit sinong makabasa ng kuwento, matutuwa at mapapasabi ng “sana ol!” All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

CCF Sermon Audio
The Gospel Sets Us Free | Julius Rayala

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Nov 30, 2025 78:24


Kahit ano pang gawin mong “performance” para makamtan mo ang langit, kahit ano pang sipag mo, hinding-hindi ka pa rin makakalaya sa kasalanan. ‘Yan ang ipinapaalala sa atin ni Apostol Pablo.Dahil ang kaligtasan ay hindi ginagantimpalaan, ito ay kaloob ng Diyos na malayang matatagpuan lamang kay Kristo!Screen recording, reproduction, and reuploading of CCF's messages and videos are prohibited. Re-uploads will be reported for copyright infringement. Speaker: Ptr. Julius RayalaSeries: No Other GospelScripture Reading: Galatians 4:1-11, 28-31Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/11302025Tag

Dear MOR: The Podcast
“Perya” (The Gino Story) | Dear MOR Halloween Special

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later Nov 15, 2025 28:04


“Totoo nga! Maniwala ka't sa hindi, palibhasa konti pa ang mga bahay dati, tsaka mga poste ng kuryente, ay nako! Kahit saan ka pumunta, may kababalaghan.”#DearMORPerya- The Gino StoryFollow us:Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPHInstagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph

SBS Filipino - SBS Filipino
Why do Filipinos keep the love for basketball alive even abroad, such as in Australia? - Bakit basketball pa rin ang popular na sport sa mga Pinoy kahit nasa abroad na gaya Australia?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 14, 2025 9:01


In a recent episode of Usap Tayo, we explored why basketball remains close to the hearts of Filipinos, even when living in Australia. - Sa episode ng Usap Tayo, tinalakay kung bakit nananatiling malapit sa puso ng mga Pilipino ang basketball kahit malayo sa Pilipinas.

SBS Filipino - SBS Filipino
'No safe sip': Mga eksperto nagbabala sa kaugnayan ng kahit konting pag-inom ng alak sa breast cancer

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 12, 2025 10:38


Ayon sa pag-aaral sa Australia 1 sa bawat 7 kababaihan ang maaaring ma-diagnose ng breast cancer bago umabot sa edad na 85 taong gulang.

Dear MOR: The Podcast
“Matabang” (The Lani Story) | Dear MOR Episode 554

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later Nov 3, 2025 54:04


“Kung 'yung klase ng pagiging magulang mo, 'wag na lang, Ma. Kahit sa inyo ni Papa. O kung sakali man, hindi na lang ako magpa-pamilya. Kesa maging responsable nga, pero masamang magulang naman ako.”#DearMORMatabang- The Lani StoryFollow us:Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPHInstagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph

SBS Filipino - SBS Filipino
Australians cut screen time but pay more as subscription costs hit record high, according to study - Mga Australian, mas tumataas ang gastos sa subscriptions kahit bumababa ang screentime, ayon sa pag-aaral

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 3, 2025 11:30


In this Usap Tayo episode, we discussed Deloitte's Media & Entertainment Consumer Insights report about Australians' growing subscription expenses, shifting media habits, and why more people are choosing real-life experiences over endless screen time. - Sa episode na ito ng Usap Tayo, tinalakay ang bagong report ng Deloitte na Media & Entertainment Consumer Insights kung saan nakita ang pagtaas ng gastusin ng mga Australyano sa subscriptions at pagbabago sa media habits.

SBS Filipino - SBS Filipino
Bakit mahalagang alamin ang kasaysayan ng Pilipinas kahit naninirahan ka na sa Australia?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Oct 29, 2025 10:37


Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas kahit nasa Australia upang mapanatili ang ating pagkakakilanlan sa sariling bayan. Sa pag-unawa sa nakaraan, mas napapahalagahan ng mga Pilipino ang pinagmulan, kultura, at ugnayan kahit sa ibang bansa.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Kapag Ikaw Ang Topic ng Tsismis

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Oct 29, 2025 2:35


Ang tsismis o gossip at paninirang-puri o slander ay parehong kasalanan. Hindi lang ito paglabag sa utos ng Diyos kundi nakakasira din ng magandang samahan — ng magkakaibigan, magkakapitbahay o maging sa pamilya (Proverbs 16:28; Proverbs 11:9). Kahit ayaw natin, may mga pagkakataon na kasali tayo sa usapang may temang tsismis. Pero paano naman kung tayo ang topic o biktima ng tsismis?All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Buhay komedyante, walang patid na kasiyahan kahit pa may pinagdadaanan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Oct 15, 2025 16:05


Minsan nang humarap sa entablado sa araw na pumanaw ang kanyang ama, itinuloy ni Alex Calleja ang show at pansamantalang nilimot ang pagdadalamhati.

Monster Radio RX93.1's Official Podcast Channel

Our Top 10 for today: #MamahalinKitaKahit

CBNAsia.org - Audio Podcast

Kahit ano pa ang nakaraan mo, tandaan mo ito: mahal ka ng Diyos.  Hindi hadlang ang iyong pagkukulang o pagkakamali sa pag-ibig Niya. Kay Hesus ay may kapatawaran, bagong simula, at walang hanggang pagmamahal. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

The Jay Aruga Show
S07 E32: Top 10 CHARLIE KIRK Most Viral Debates

The Jay Aruga Show

Play Episode Listen Later Sep 19, 2025 19:56


The Jay Aruga Show
S07 E30: Paano Nagkaroon ng SANTO NG INTERNET ang mga Katoliko? The St. Carlo Acutis Story

The Jay Aruga Show

Play Episode Listen Later Sep 10, 2025 7:04


Si Saint Carlo Acutis ang tinaguriang “Patron Saint of the Internet.” Kahit teenager lang siya, ginamit niya ang kanyang galing sa computers para ipalaganap ang pagmamahal kay Jesus sa Eucharist. Pero hindi naging madali ang buhay niya—mula sa pagiging halos walang gabay sa pananampalataya sa bahay, hanggang sa biglang pagharap sa malubhang sakit na leukemia sa edad na 15. Sa video na ito, alamin kung paano ginamit ni Carlo ang kanyang talento, kabutihan, at sakripisyo para kay Lord… at kung paano siya naging inspirasyon sa ating lahat na pwedeng maging banal, kahit sa panahon ng social media at technology.

SBS Filipino - SBS Filipino
May PERAan: Pandemic bread shortage led to a thriving online bakery side hustle - May PERAan: Ang kakulangan sa tinapay ang naging simula ng isang matagumpay na side hustle

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 9, 2025 10:51


With zero background in baking or cooking, Kate Samson, a full-time marketing manager for a cybersecurity company, researched how to bake to cater to her bread-loving sons when Canberra experienced a scarcity in bread during the pandemic. - Kahit walang kaalaman sa pagbe-bake at pagluluto, nag-research si Kate Samson- isang full-time marketing manager sa isang cybersecurity company- upang makagawa ng tinapay para sa kanyang dalawang anak nang magkaroon ng bread shortage sa Canberra noong panahon ng pandemya.

SBS Filipino - SBS Filipino
Kahit Kailan: Paano napanatili ng bandang South Border ang kanilang tunog sa gitna ng pagbabago sa mga myembro

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 4, 2025 7:53


Isa sa mga banda na unang sumikat sa Pilipinas pagdating sa soulful ballads at R&B-inspired sound, ang South Border. Mula nang mabuo sila noong 1993 sa Davao City, ang kanilang musika ay naging bahagi ng buhay ng maraming Pilipino.

Barangay Love Stories
EP 525: "Bituin sa Lupa" with Papa Dudut

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Sep 1, 2025 70:29


Nahirapang mag-move si Celeste sa kanyang longtime jowa. Kahit alam niyang barumbado ito, naging magtiyaga siya sa pagmamahal rito sa pag-asang magbabago rin ang kanyang nobyo. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay umayos ang buhay ni Anton dahil sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho pero imbes na kasal ang pag-usapan, nauwi rin sila sa hiwalayan matapos ang 11 years nilang pagsasama. Pero kahit pa sinubukan niyang magliwaliw mag-isa, hirap pa rin siyang makalimot talaga. Pakinggan ang kwento ni Celeste sa Barangay Love Stories.

SBS Filipino - SBS Filipino
May PERAan: A retired pastry chef's bakery flourishes after 27 years - May PERAan: Bakery matagumpay pa rin kahit na 27 na taon na

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 1, 2025 11:12


Queenslander Mila Gapas established a robust bakery and eatery business that has been successfully operating for 27 years and continues to thrive today. - Nananatiling malakas ang negosyong sinimulan ni Mila Gapas, isang retiradong pastry chef, sa Cairns, Queensland, na tinayo niya nuong 1998.

SBS Filipino - SBS Filipino
Usap Tayo: Anong mga gamot o hygiene products ang laging bitbit ng mga Pinoy kahit nasa Australia na?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Aug 22, 2025 5:54


Sa episode ng Usap Tayo, tinalakay natin ang mga nakasanayang gamot at hygiene products na hindi nawawala sa bag ng mga Pilipino, kahit naninirahan na sa Australia.

Chink Positive
Ep. 446: Dahil Ba Mahirap Ka, Wala Ka Nang Karapatan Mangarap?

Chink Positive

Play Episode Listen Later Aug 14, 2025 7:55


May mga nagsabi na “hanggang d'yan ka na lang.” Minsan pamilya pa. Minsan sarili mo na rin. Pero tandaan: ✅ Hindi mo kasalanan kung mahirap ka ✅ Pero responsibilidad mong ipaglaban ang pangarap mo In this episode, Chinkee Tan shares stories of ordinary people with extraordinary grit. Pangarap hindi sinusukuan — ginagawan ng paraan. Kahit pa wala kang load. Kahit wala kang budget. Kahit pagod ka na. Kung kailangan mo ng paalala na may karapatan ka pa ring mangarap — eto na ‘yon. #ChinkPositive #PangarapPaRin #RealTalkPodcast #LabanLang #Iponaryo #MindsetShift Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Dear MOR: The Podcast
"Laro Muna" (The Nikka Story) | Dear MOR Episode 538

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later Jul 17, 2025 55:04


"Ganyang ganyan din ako noong sobrang in love ako sa ex ko.Lahat okay lang, lahat hinayaan ko, lahat tiniis ko. Kahit niloloko na ako, nagbulag-bulagan pa ako. Sobrang tiwala ako, pero tignan mo kung anong nangyari? Kaya alam mo, walang masamang mag-ingat. Kahit asawa mo na si Jerry, hindi ibig sabihin nu'n na hindi na siya gagawa ng kalokohan."#DearMORLaroMuna- The Nikka StoryFollow us:Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainmentTwitter: https://www.twitter.com/MORentPHInstagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph