POPULARITY
Panahon na naman ng bigayan ng mga regalo, pero naisip mo rin ba kung anong pwede mong mai-regalo kay Hesus? Alamin kung ano naman ang regalong maaari nating maibigay sa Kanya na nagbigay nang Pinakadakilang Regalo sa atin. Please do not record or reproduce this video. You may instead share the link with your friends. Speaker: Paul de Vera Series: Christmas Redefined: Jesus Scripture Reading: Matthew 2:1-12 Watch The Full message here: https://go.ccf.org.ph/12222024Tag
Panahon na naman para dalawin nina Brando ang puntod ng mga kamag-anak nila. Habang naglilinis sa puntod ng kanyang lolo, may nakitang gintong kwintas si Brando. Para sa tulad niyang hindi naniniwala sa multo o anumang pamahiin, walang pagdadalawang-isip niyang binulsa ang kwintas upang ito ay ibenta. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Paano kaya itinaguyod ng mga apostles ang misyon na binigay sa kanila ni Kristo? Let's find out as we unbox how the the early church was created! Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, a priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Please check his I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Links to Social Media Pages: Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism youtube.com/@unboxingcatholicism?sub_confirmation=1
Makikilala natin ang mga bagong karakter, mga pagsubok, at mga himala sa kwentong ito. Join us as we dive deep into the exciting chapters of Acts and uncover the lessons and insights it holds for us today. Don't miss out on this enlightening journey through faith and community! Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, a priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Links to Social Media Pages: (Invite to follow you) Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism/?hl=en Bro Bernz: https://www.instagram.com/bernzocaasi/ Unboxing Catholicism: https://unboxingcatholicism.com UC YouTube: https://www.youtube.com/@unboxingcatholicism
A cold spell across Australia's south-eastern states has led to record demand in the national electricity market. - Alamin ang ulat kung saan apektado ng inflation at mataas ng demand ang energy bill sa Australia.
With Australians entering tax season, experts are urging caution due to a high number of scammers using the opportunity to target Australians for their personal information. - Sa pagpasok ng panahon ng pagbabayad ng buwis, pinag-iingat ng mga eksperto ang lahat dahil sa mataas na bilang ng mga scammer na nanamantala para lokohin ang mga Australyano at makuha ang kanilang personal na impormasyon.
Sa nagdaang mga linggo, naungkat ang iba't ibang isyung dala ng paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa. Panahon na nga ba para ipagbawal nang lubusan ang POGOs? Panoorin at sumali sa talakayan sa #ALAB Analysis!
In this episode of Kalinga, a youth leader shared ways to balance online and offline life to encourage young people to participate in community activities. - Ibinahagi ng isang youth leader ang mga paraan para mabalanse ang buhay online at offline upang mahikayat ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing pang-komunidad.
Isa ka rin ba sa curious kung paano nabuo ang early Church? Alamin natin sa episode na ito kung paano itinaguyod ng mga apostples ang misyon na binigay sa kanila ni Kristo! Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, a priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Thanks also to Unboxing Catholicism Volunteer Daxx F. Bondoc for helping us in the trimming and timestamping of our live audio files for the podcast. Please check his I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Links to Social Media Pages: Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message
MAY SHOW KAMI NI MAK SA 18 CLICK NIYO TO: https://linktr.ee/minwagemaxrage Pwede din kayo magpareserve ng rekta via GCASH: 09665611088 Generational divide, pagiging mabuting magulang at utang na loob. Yan usapan namin ngayon.
Assembly of Yahusha BQA Tagalog episode 10 officiated by Bro. Jon Dizon 04-13-2024. Most Sound Recordings (such as Intermission and Hymns, Lyrics and Melodies) used in this video are produced by Assembly of Yahusha members exclusively for worship services using Public Domain Hymns and No Copyright Infringement is intended. ©2024 Assembly of Yahusha All rights reserved. The Assembly of Yahusha exclusively own the rights to the contents of the videos and any non-assembly member reproduction must have the approval of the Assembly. Only bona fide members of the Assembly are authorized to copy, download, and reproduce the contents of the videos for their personal religious use. For permission to copy, download, and reproduce send an email to: info@aoy.today --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/assemblyofyahusha/message
While many Christian faithful see the Lenten season as their holiest week, many Filipino families both in Australia or the Philippines, make the most of their time to come together and be with family. Going to church is just one norm, gathering with food is another. - Sinusulit ng maraming pamilyang Pilipino, mapa-Australia man o Pilipinas, ang panahon ng Kwaresma para magsama-sama para sa kanilang pananalig pati na rin para magsalo-salo. Marami ang patuloy sa kanilang pagbisita sa iba't ibang simbahan.
For Filipino-Australians Candice, Ira, and Cristine, the Maria Clara virtues still resonate within their own lives, shaping their identities and influencing their decisions. - Para sa mga Filipino-Australians na sina Candice, Ira, at Cristine, ang mga katangian ni Maria Clara ay patuloy na humuhubog sa kanilang mga pagkatao at nakakaapekto sa kanilang mga desisyon sa buhay
Mabuting Balita l Pebrero 16, 2024 – Biyernes pagkaraan ng Miyerkules ng Abo Ebanghelyo: Mt 9:14-15 Lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Hesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang Panahon naaagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Pagninilay: Kuwaresma na naman, at muli nating naririnig ang salitang Fasting o pag-aayuno. Madalas iniuugnay natin ito sa pagkain, dahil napaka halaga ng pagkain at inumin para sa atin araw-araw, dito tayo kumukuha ng nutrisyon at lakas. Kung isasakripisyo natin ito, tiyak mahihirapan tayo, minsan pa nga makakadama tayo ng panghihina ng katawan. Tandaan, na hindi ito pag-didiet lang, o pagnanais na pumayat. Nagsasakripisyo tayo – para makibahagi sa pagpapakasakit ni Hesus at upang mapalapit tayo sa ganap na kabanalan ng Diyos. Tunay na maraming iba't ibang paraan ng pag-aayuno o fasting. Maliban sa pagkain o inumin, sa Panahon natin ngayon, may mga nagfafasting na din sa paggamit ng social media, sa labis na paggamit o pagkahumaling sa mga gadgets. Sa iba naman, hindi daw sila bibili ng mga mamahaling damit, sapatos o bag. Ang kanilang maiipon, ibibigay nila bilang tulong sa mga nangangailangan. Sa iba naman hindi muna sila mamimintas, mamumuna, magmamarites, o kaya di muna makiki-alam sa buhay ng iba. Iba-ibang paraan ng pagsasakripisyo. Ikaw, paano ka mag-aayuno ngayong kwaresma? Mga kapanalig, sa ating pagsasakripisyo, alalahanin natin na hindi lamang tayo umiiwas sa paggawa ng mga labis o masasarap na bagay. Bagkus, ang tunay na layon – sa ating mga gagawing pagsasakripisyo ay mas maging malinaw ang daan na ating tinatahak tungo sa kabanalan upang masundan natin si Kristo. Nais nating tularan si Hesus. Nawa, sa panahong ito ng kuwaresma, dalisayin natin ang ating mga puso at diwa, pagbutihin ang ating mga gawa. Alisin natin ang mga labis o mga bagay na makasasagabal sa daan tungo sa ating pakikiisa sa pagsasakripisyo ni Hesus hanggang sa makibahagi tayo sa ganap na Paghahari ng Diyos dito sa lupa para ng sa langit. Amen.
Different people listen to the radio for different reasons, but one thing remains the same - it's a way to get information and stay connected with the community. This World Radio Day, listen to a special story from one of our listeners and learn how radio and SBS Filipino became a big part of his daily life. - Iba't-iba ang dahilan ng pakikinig ng mga tao sa radyo. Base sa isang pag-aaral, pinaka marami ang nagsasabing ito ang paraan nila para makakuha ng impormasyon at magkaroon ng koneksyon sa komunidad. Ngayong World Radio Day, pakinggan ang kwento ng isa sa mga masugid na tagapakinig ng SBS Filipino na si Patrick Acierda.
Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo (Pag-aayuno at Abstinensya) San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Ebanghelyo: Mt 6:1-6, 16-18 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n'yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.” Pagninilay: Mapagpalang Ash Wednesday, kapatid. Hudyat ito nang apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma. Gayunpaman, huwag nating kalilimutan ang higit na hihihingi ng panahon ng kuwaresma: ang makiisa sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Tamang tama lamang din, dahil kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang pagdiriwang ng Valentine's Day. Naku, marami ang makakatipid!!! Hahahhahahaha!!! Pero sana huwag nating tipirin ang magdasal, ang magsakripisyo at maging bukas palad na tumulong sa ating kapwa. Ang abo na nasa ating noo, maliban na ito ay paalala na hiram ang buhay, ay maging tanda nawa ng ating tipanan sa Panginoon. Huwag sana itong maging dekorasyon para masabing katoliko ako; sa halip maging tanda nang pagbabalik loob, pagsunod at pagmamahal nang lubos. Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Catalina de Ricci Ebanghelyo: Mk 8:14-21 Nakalimutan ng mga alagad na magadala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka. At pinagsabihan sila ni Hesus: “Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.” At sinabi ng mga alagad sa isa't isa: “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.” Alam ni Hesus ang mga ito kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? May mata kayong di nakakakita at may tengang di nakakarinig? Hindi ba ninyo naaalala nang pinira-piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila: “Labindalawa.” “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo, ilang bayong na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila: “Pito.” At sinabi ni Hesus: “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?” Pagninilay: Hindi maipagkakailang may pagkahilig tayong mga Pilipino, sa panlabas na kaanyuan. Isa siguro sa mga dahilan, kung bakit napakaganda ng Pasko sa Pilipinas ay dahil sa mga dekorasyon – mga Christmas lights na kumukuti-kutitap, mga parol na naglalakihan, mga awiting Pamasko na September pa lang ay namamayagpag na sa mga radyo, at iba pa. Kaya lang kung minsan, sa hilig natin sa garbo at pa-wow na effect, nakakaligtaan natin ang tunay na kahulugan ng ating pagdiriwang na kadalasa'y nalulunod sa rangya ng palamuti. Sa Mabuting Balita ngayon, tahasang pina-alalahanan ni Hesus ang kanyang mga alagad, na mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo at ni Herodes. Hindi ang pampaalsa sa tinapay, ang tinutukoy ni Hesus, kundi ang kanilang pagpapaimbabaw. Mahalaga ang lebadura dahil pinapaangat at binibigyang-hugis nito ang tinapay, pero kung susuriin, hangin lang pala ang nagpapalaki sa tinapay! Sa ating buhay, ang karangyaan, karanasan, at kasanayan ay ang lebadura ng ating pagkatao, kung kaya't maaaring umalsa ang ating kayabangan mula sa mga ito. Hindi ang lebadura ang mahalaga sa Diyos, dahil hindi Niya ito mamamasa; ang Kanyang minamahal, ay ang harinang nagpapaubayang maging tinapay sa Kanyang paghuhulma't paggabay. Mga kapanalig, hingin natin kay Hesus ang biyayang maging mas mapagpakumbaba, upang sa ating pagganap ng araw-araw na tungkulin, laging nakaapak sa lupa ang ating mga paa, at laging nakatutok naman ang ating mga mata sa langit, Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 12, 2024 – Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon San Melecio ng Antioquia Ebanghelyo: Mk 8:11-13 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Hesus. Gusto nilang subukan si Hesus at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Hesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo. Pagninilay: Napabuntung-hininga nang malalim ang ating Hesus Maestro. Sa English version, mas makahulugan ang sipi. Ang sabi: Jesus “sighed from the depth of His spirit.” Hindi ito ordinaryong buntung-hininga. Mas malalim pa ito sa emosyon. Mula ito sa kaibuturan ng Kanyang Espiritu. May feeling of hurt and suffering dahil hindi makaunawa ang mga Pariseo. Naramdaman Niya ito sa Kanyang kaloob-looban dahil nagmamahal Siya. Mahal Niya ang mga Pariseo, pero patuloy ang pagtakwil at pagtanggi sa nila Kanya. Hindi napopoot ang ating Hesus Maestro sa kanila, kundi puno Siya ng awa. Sa sipi ng Mabuting Balita ngayon, tahimik Siyang umalis. Sa ibang mga Gospels, layunin Niyang i-convert sila dahil mahal Niya sila. Madalas na sinusubukan ng ating Panginoon na gimbalin sila sa kanilang indifference at pagtanggi sa dulot Niyang biyaya. Pero hindi rin sila magbago. Sa makalawa, February 14, Ash Wednesday, simula ng Kuwaresma at Valentines day pa. Noong bata ako, basta Araw ng puso, kinikilig ako at pulang damit ang suot ko. Pero habang nag-aadvance na ako sa age, iba na ang level ng pagmamahal ko. Kaya ko nang magparaya, masaktan, magsakripisyo para sa minamahal ko. Ito ang kahulugan ng Kuwaresma. Ito ang panahon ng Celebration of the greatest love of all. Bilang kapalit, tularan din natin ang pagmamahal ng ating Hesus Maestro na handang i-alay ang sarili para sa kapwa. Kung sakaling natutulad tayo sa mga Pariseo, na madalas hindi ma-gets ang message of love ng ating Hesus Maestro, humingi tayo ng tawad. In case, nahihiya tayong magbalik-loob, titigan natin ang Krusipiho. Paalala ito ng tapang ng loob na harapin ang hamon ng kababaan at pagbabagong-loob. Reminder din na humugot tayo ng hininga ng buhay na nagbubukal sa ating Hesus Maestro na may katangi-tangi, pinakadakila at pinakadalisay na pagmamahal para sa iyo at sa akin.
Mabuting Balita l Pebrero 11, 2024 - Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Ebanghelyo: Marcos 1:40-45 Lumapit sa kanya ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing. Pagninilay: Noon, kapag nagkukuwentuhan kaming magkakaibigan, ang madalas na pinag-uusapan (maliban sa Diyos) ay pagkain, magandang lugar at gawain sa bakasyon at marami pang iba. 51 years old na ako ngayon (bata pa rin kahit papaano), at may napansin ako. May nadagdag na topic sa kuwentuhan—efficacent oil, doctor, iba't ibang gamot at marami pang iba. Ganun yata talaga kapag tumatanda, nakakaramdam na ng iba't ibang sakit. Haaay… Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang tungkol din sa isang sakit, ketong. Ayon sa aklat ng Leviticus (13:2), “Kung ang balat ninuman ay mamaga, magnana o kaya'y magkaroon ng parang singaw, at ang mga ito'y maging sakit sa balat na parang ketong, dapat siyang dalhin kay Aaron o sa mga anak niyang pari.” Ang epekto: tinuturing na magkaka-ketong ang mga may sakit sa balat tulad ng pimples, acne, eczema, psoriasis, an-an or buni. Naku, ang hirap naman noon!!! Parang pandemic lang: noon ang basta inubo at sinipon ay suspect na may covid!!! Sa panahon ni Hesus, kinatatakutan ang ketong! Kapag meron ka nito, ikaw ay ititiwalag, hinihiwalay at pinandidirihan! Ang paniniwala kasi, parusa ito na ipinataw ng Diyos sa tao, dahil sa kanyang malaking kasalanan o sa kasalanan ng lahi nila. Ramdam ni Hesus ang abang kalagayan ng mga ketongin: yung pinandidirihan, mababa ang tingin at hindi tinatanggap sa lipunan. Kaya hindi nagdalawang isip si Hesus na pagalingin ang ketongin. Hindi lamang niya nilinis ang kanyang sugat, kundi hinilom niya ang sakit na ibinigay ng Lipunan. Mga kapanalig, mahirap magkasakit. Pero mas mahirap kapag ikaw ay iniwan at nag-iisa. Ibahin mo ang Diyos. Kahit anong mangyari, hinding-hindi tayo iiwan. Mapagmahal ang Diyos. Siya ang Emmanuel. Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 10, 2024 – Sabado sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Escolastica, dalaga (Paggunita) Ebanghelyo: Mark 8:1-10 Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay at para sa pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila nabusog at tinipon ang mga natirang pira-piraso-pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad upang pumunta sa lupain ng Dalmanuta. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. “Ako'y nahahabag sa mga taong ito sapagkat tatlong araw na silang sumasama sa akin at wala silang makain.” Nalalaman ni Hesus ang sitwasyon ng mga tao na sumusunod sa Kanya, kaya naman tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ilang tinapay mayroon kayo? At sumagot sila, “Pito” at mayroon din silang maliliit na mga isda. Batid natin na binasbasan ito ni Hesus, at lahat ng tao ay nabusog, at may lumabis pa na pitong bakol na puno. Sa Bibliya ang bilang na Pito o Seven ay perfect number. Sa aking pagninilay, sa lahat ng milagro na galing sa salita ni Hesus ay perfect. Lalo itong naging perfect dahil ang tinapay at isda na nagpa busog sa mga tao, ay galing sa mga alagad. Mga kapatid, ginagamit ng Panginoong Hesus ang ating mga kamay upang makatulong sa kapwa sa kasalukuyang panahon. Hayaan nating patuloy tayong gamitin ng Panginoon na maging daluyan ng Kanyang biyaya at pagpapala, lalo't higit sa mga nangangailangan. Nawa ang biyayang ating natatanggap kay Hesus ay maging daan din upang maging biyaya din tayo para sa ating kapwa. Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – – Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Apolonia Ebanghelyo: Mk 7:31-37 Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos hindi makapagsalita. At hiniling nila kay Hesus na ipatong dito ang kamay. Matapos siyang ihiwalay sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntong hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi'y “Buksan.” Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid. Tinagubilinan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: ”Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.” Pagninilay: Isang touch lang at click, nakakapag-communicate na tayo. Sa bilis ng internet, napakadali nating kumunek sa iba. Easy lang ang pag-access sa maraming bagay. Relate na relate tayo sa salitang “connection”. Marami rin sa atin ang may FOMO o fear of missing out kapag hindi nakasama sa kasunduan o sa pagsasamahan. Kaya madalas sinasabi natin sa loved ones natin, “Keep in touch, ha?” O kaya, “Stay connected”. Sa ganito tayo nilikha ng Diyos. Bukod pa rito, ang pinakamahalaga, makahulugan at pinagmumulan ng lahat ng koneksyon natin ay ang ugnayan sa ating Panginoon. Nakaka-amaze isipin ang encounter ng lalaking utal at bingi at ng ating Hesus Maestro. Bukod sa buong galang na inihiwalay siya sa maraming tao, isinuot Niya ang Kanyang daliri sa tainga ng lalaki, lumura, habang hinipo naman ang dila. Ginamit Niya ang Kanyang daliri at laway. Malalim ang ginawa Niyang kuneksyon sa utal at bingi. Alam nyo, kapanalig, ito ang isa sa mga struggles ko bilang isang lingkod ng komunikasyon. Hindi ako makaconnect sa mga utal at bingi. Hindi ko kayang magsign language man lang. Oo, alam ko ang finger spelling alphabet. (a, b, c, d, e) pero mabagal ko itong nagagawa. Madalas kapag labasan na sa school for the deaf na katabi ng convent naming, nakakatuwang tingnan kung paano sila nagcocommunicate sa isa't isa. Pero aaminin ko, hindi ko mabasa ang konteksto ng kanilang pinag-uusapan. Maraming beses iniisip ko. Paano ko maipapasok ang aking puso sa kanilang kalooban? Mapalad ang mga teachers nila, classmates, at ang kanilang parents. Tayo naman na hindi alam ang lenggwahe ng utal at bingi. Ano ang maaari nating magawa? Una, iisipin natin sila kapag nakikipag-usap tayo sa iba. Gawin ang active listening para maunawaan natin nang maigi ang ating kausap. Ikalawa, isipin muna ang ating sasabihin kung makakatulong ba o makakapapahina ng kanilang kalooban. Ikatlo, laging subukan na magkaroon ng life giving conversation. Sa ganitong paraan, every encounter nagiging instruments na rin tayo ng Daliri ng Diyos na nakapaglilikha ng buhay, tuwa at sigla. Nagiging daluyan din tayo ng Kanyang sacred healing power ng mga nawawalan ng lakas-loob na magpahayag ng katotohanan.
Mabuting Balita l Pebrero 8, 2024 – Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 7:24-30 Lumayo si Hesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming Espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirapa sa kanyang paanan. Isa siyang paganong taga-Sirofenicia. At ipinakiusap niya kay Hesus na palayasin ang demonyo sa kanyang anak. Sinabi naman niya sa kanya: ”Bayaan mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang ang tinapay sa mga bata at itapon sa mga tuta.” Sumagot ang babae: ”Totoo nga Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” At sinbi sa kanya ni Hesus: ”Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” Kaya umuwi ang babae at nakita niya ang bata na nakahiga sa kama; lumabas na nga ang demonyo. Pagninilay: Sa Pilosopiya, itinuturo sa atin ang principle ng “space and time.” We, humans, are bounded by time and space. Tayong mga tao dito sa mundong ibabaw, ay nalilimitahan pa ng espasyo at oras. Kung madalas kang sumakay ng jeepney, may limit lang ang pwedeng isakay nito, ganun din sa elevator; patunay lamang ito na bilang tao, kaya tayong limitahan ng espasyo. Sa kabilang banda, tayong mga tao dito sa mundong ibabaw ay nalilimitahan ng oras at panahon. May nakatakdang panahon kung kelan tayo lilisan dito sa mundo. Totoo nga, na habang andito pa tayo sa mundo, “we are bounded by space and time.” Pero taliwas ang kaisipang ito, pagdating sa awa at pagmamahal ng Diyos sa atin. Kailanman hindi kayang limitahan ng espasyo at oras, ang pagmamahal ng Diyos sa atin. “God's love knows no boundary.” Mamahalin ka Niya regardless of your race, age, gender, socio-econonomic conditions, etc. Yan ang naranasan ng babaeng Hentil na tubong Sirofenicia. Sa ating Mabuting Balita, nakita ng Panginoong Hesukristo ang dakilang pananampalataya ng babaeng Hentil, nang lumapit ito sa kanya upang hilingin ang kagalingan ng kanyang maliit na anak na babae na inaalihan ng demonyo. Dahil sa ipinakitang lakas ng loob, kapakumbabaan at pananalig ng babaeng Hentil, iginawad ng Panginoong Hesukristo, ang kagalingan ng kanyang anak. Kahit naging iskandalo pa ito sa mata ng mga Hudyo na naniniwala, na ang Awa at Pagmamahal ng Diyos ay limitado lamang para sa kanila, na bayang pinili. Mga kapanalig, huwag sana nating bigyan ng limitasyon ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Huwag nating huhusgahan ang mga taong hindi ka mahal mahal sa ating mga paningin. Tandaan natin, na lahat naman tayo ay may karamdamang pisikal at espiritwal, at nangangailangan ng habag at pagmamahal ng Diyos. I-claim natin na Mahal na Mahal tayo ng Diyos. Tunay nga “God's love knows no boundary.”
Mabuting Balita l Pebrero 7, 2024 – Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Beato Pio IX Ebanghelyo: Mk 7:14-23 Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang mga may tainga.” Pagkalayo ni Hesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng mga alagad tungkol sa talinhagang ito. At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi n'yo ba nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas. Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masamang hangarin: kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.” Pagninilay: Madalas sa buhay natin, mas nabibigyan natin ng pansin ang mga bagay-bagay sa paligid natin, kaysa sa mga bagay na nangyayari sa kaibuturan ng ating mga puso. Kaya ang hamon sa atin ng Mabuting Balita ngayon – bigyang pansin at suriin, ang mga bagay na nakapagpaparumi sa ating mga puso. Gaya ng sinabi ni Hesus, “ang nakapagpaparumi sa tao, ay hindi ang mga bagay na pumapasok sa kanya, kundi ang lumalabas sa kanya. Gaya ng masamang pag-iisip, kahalayan, inggit, kapalaluan, kabuktutan, at iba pang masasamang bagay na nakapagpaparumi sa puso at kaluluwa ng bawat tao. Bilang mga anak ng Diyos at mananampalataya, tinatawagan tayo ni Hesus na mamuhay sa kalinisan at kabanalan. Sa ating Mabuting Balita, tinuturuan tayo ni Hesus ng paraan kung paano mamuhay sa kabanalan at mapalalim ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Nang sa gayon, manatili tayo sa kanyang presensya at mas maging matatag sa pag-iwas sa kasalanan, at piliin ang kabutihan. Nagkakaroon lang ng kapangyarihan ang kasalanan, kung pinipili nating sundin ang mga bagay na nakapagpaparumi sa ating puso at isip. Kung kaya't sa araw-araw nating pamumuhay, hilingin natin ang grasya ng Diyos, na pagkalooban tayo ng determinasyon na palagiang suriin ang ating budhi, ang nilalaman ng ating puso at isip, upang maiayon natin ito sa kalooban ng Diyos. Mga kapanalig, dumulog tayo sa Diyos nang may pagpapakumbaba at manalangin. “Likhain Mo sa akin, O Diyos, ang isang malinis na puso, at pagkalooban ako ng isang panibagong Espiritung matatag”. Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 6, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Karaniwang Panahon Unang Pagbasa I 1 H 8, 22-23. 27-30 Salmong Tugunan l Slm 83 #MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines Ebanghelyo: Marcos 7:1-13 Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem. Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya na may maruming kamay, na hindi naghuhugas ayon sa seremonya. Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isinabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” At sinabi sa kanila ni Jesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na: “Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.” Pinabayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao. Mahusay na pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos para tuparin ang inyong tradisyon. Sinabi nga ni Moises: ‘Igalang mo ang iyong ama at ina,' at ‘patayin ang sinumang sumumpa sa kanyang ama o ina.' Ngunit sinasabi niyo, na kung may magsasabi sa kanyang ama o ina, inaalay na ang pwede kong itulong sa inyo wala na siyang magagawang anuman ayon sa palagay ninyo para sa kanyang ama at ina. Kaya pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa tulong ng sarili ninyong tradisyon. At marami pa ang mga ginagawa ninyong ganito.” Pagninilay: Tayong mga Pilipino, malinis sa ating sarili, sa ating katawan. Madalas tayong maligo, yung iba nga dalawa o tatlong beses sa isang araw, lalo na kapag mainit ang panahon. Higit sa tradisyon o pagsunod sa mga iniuutos ng mga nakatatanda, ginagawa natin ang paghuhugas ng kamay o pagpapanatili sa kalinisan sa katawan, dahil nauunawaan natin ang halaga nito, para sa ating pansariling kalusugan. Sa ating Mabuting Balita, hindi sinasabi ni Hesus na masamang maghugas ng kamay o ang pagsunod sa turo ng mga nakatatanda o ang pagpapanatili sa kalinisan ng katawan. Sinasabi ni Hesus, higitan at lampasan natin ang mapagpaimbabaw na kalinisan, at laliman natin ang ating pag-unawa sa tunay na ninanais at plano ng Diyos sa atin. Halimbawa, naririnig natin ang Salita ng Diyos araw-araw, nauunawaan natin ang sinasabi at paanyaya nito, pero malayo naman dito ang ating ginagawa, malayo dito ang ating puso. Malinis na malinis ang kamay – mga kamay na mahilig namang magturo sa pagkukulang at karumihan ng iba. Mga kapanalig, kahit ilang ulit tayong maghugas ng kamay, o magpakita na nagpepenitensya, o magbihis ng Malinis na puti, pero kung sa loob at puso naman ay puno ng kasalanan, ng galit at poot, at pag-iimbot, ah, tugmang-tugma ang puna ni Hesus – mga hipokrito! Kaya pinapaalalahan tayo ng Mabuting Balita ngayon, na hindi sapat na ipakita natin ang ritwal ng kalinisan, hindi sapat na sumunod lamang tayo sa sinasabi ng tradisyon. Kundi, unawain natin ang kadahilanan at kung ano ang tunay na layon ng kalinisan, ang daan ng ganap na kabanalan, upang makasunod tayo sa Salita ng Diyos, upang makapamuhay tayong mapayapa kasama ang Diyos, upang anyayahan natin ang lahat, na magkaroon ng pusong tunay na dalisay at malinis para sa Diyos. Amen. – FR. BUEN ANDREW CRUZ, SSP | Society of St. Paul
Humihilab na ang tiyan ni Marina. Napapaiyak na siya sa sakit kaya dali-daling tinawag ni Danny ang mga kapitbahay. Panahon na para sa usong. Sa kanilang maliit na komunidad sa isang bundok sa Batangas, napakahirap pag may ganitong emergency. Bukod sa malayo ang ospital, walang kalsada mula sa itaas hanggang sa paanan ng bundok. Kaya naman may usong — ang sama-samang pagpasan ng mga tao sa pasyenteng nakahiga sa stretcher hanggang sa maihatid ito sa sasakyan.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
NITV Radio spoke to representatives from local government, Aboriginal Corporations and community organisations about diverse First Nations perspectives around changing the date, as well as local efforts to make January 26 a more inclusive day. - Nakausap ng NITV Radio ang mga kinatawan ng lokal na gobyerno, Aboriginal Corporations at community organisations kaugnay sa ibat ibang pananaw ng First Nations kaugnay sa pagbabago ng petsa ng Australia Day.
Support the show
Makakaranas muli ang Australia ng mainit, at tuyong tag-init sa ilang bahagi ng Australia ayon sa Bureau of Meteorology na maaring magdulot ng bushfire. Para sa ilan, ang mga babalang ito ay maaring magdulot ng pagkabalisa.
Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpaslang. Sa ikalimang taon ng #TheLinyaLinyaShow, mapalad tayong makasama at makausap ang Filipina writer, trauma journalist, former investigative reporter for Rappler, at ang author ng recently launched and widely acclaimed book na “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” na si Patricia Evangelista. Tungkol sa karanasan at proseso ni Pat bilang isang manunulat at mamamahayag. Tungkol sa pagkalap at pagbabahagi ng kwento– sa parehong written and visual storytelling. Tungkol sa papel ng journalism sa mundo. Tungkol sa tapang. Tungkol sa paglalahad ng katotohanan.
May ilang kumpanyang nag-aalok ng insentibo sa mga empleyadong naka-work from home kung pipiliin ng mga itong bumalik na sa pagtatrabaho sa opisina.
Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba? Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM! 'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tatlong magkakaibigan dahil #GetsKaNamin! Listen up 'yo na!
Makararanas ng mas mainit at tuyong panahon ang Australia sa summer ngunit hindi pa idinedeklara ng Bureau of Meteorology ang pagsisimula ng El Niño.
Support the show
As tax filing season commences, an alarming rise in ATO impersonator scams has been observed. Fraudsters are posing as ATO representatives, targeting unsuspecting individuals and attempting to obtain their personal information. - Ngayong panahon ng tax-filing, tumataas ang kaso ng mga ATO impersonator scams. Ang kadalasang nabibiktima, mga bagong salta sa Australia o 'yung mga unang beses na maghahain ng tax returns.
Do you feel like moving out of your parents house para dumiskarte sa buhay on your own? Handa ka na ba sa hamon ng tunay na buhay? Himayin natin 'yan with the ageing millennials na sina Jed, Isha, and Mike ng Silly Gang Sa Gabi Year 3!Perks and the not so glamorous ganaps of living alone plus, kilalanin kung sino itong mga tahimik lang sa umpisa pero gusto ng tequila. HAAA?! ! Log on to patreon.com/sillygangsagabi! Subscribe for only Php150, now na!CERTIFIED KA-OKRA TO DO LIST:Rate the podcast with 5 STARS! ⭐⭐⭐⭐⭐Click here to get our 100th Ep Merch Bundle
Naglabas ng bagong ulat ang Gidget Foundation Australia na pinamagatang Fathers' Mental Health Data.
Tito, Vic and Joey: " Wala namang bago, mga niluma ng panahon!" Paolo Contis: "Eto na nga ang chika!" Bele Mariano, may "surprise" sa mga Donbelle fans!
Melbourne was shaken by a 3.8-magnitude quake on May 28, 2023. Here are the necessary steps to ensure safety during an earthquake. - Niyanig ng 3.8 magnitude ang Melbourne nitong ika-28 ng Mayo, 2023. Narito ang mga dapat gawin para maging ligtas sa lindol.
Niyanig ng 3.8 magnitude ang Melbourne nitong ika-28 ng Mayo, 2023. Narito ang mga dapat gawin para maging ligtas sa lindol.
La Niña - the system that has dominated weather patterns around the globe for the past three years - has been declared officially over. So, what does this mean to Australia? - Opisyal ng idineklara ang pagtatapos ng La Niña makalipas ang tatlong taon pagdomina sa panahon sa buong mundo pero aayos na nga ba ang kondisyon sa Australia?
Nainis at nag tampo ka na ba kay Lord dahil hindi pa niya sinasagot ang iyong mga panalangin? Hanggang kailan mo kayang maghintay sa tamang panahon? Let's unbox these questions as we learn about the story of Samuel with Rodney De Leon, a Catholic Educator, Speaker and a Philo Grad Student! Ilabas na ang inyong mga Bibles at ang inyong mga notebooks! Let's continue unboxing the Scriptures from Genesis to Revelation! Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Thanks also to Unboxing Catholicism Volunteer Daxx F. Bondoc for helping us in the trimming and timestamping of our live audio files for the podcast. Please check his I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Follow our Social Media Pages: Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism “So ang question doon is, 'Bakit kaya nandoon 'yong desire sa atin na magkaanak? So nandoon 'yong desire pati kay Hannah na magkaanak.' And maybe because we are created in the image and likeness of someone who wants to have a child. Who wants me, who wants us. The Lord wants to have us, diba? So 'yon 'yong naisip ko dito. 'Yon 'yong moral sense rito. That's why nilagay ni Lord ang desire na magkaanak pati kay Hannah.” --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message
Hear the latest news from the Philippines about the recent floodings in provinces, rising onion prices and the Senate probe about the airport mess last New Year's Day. - Alamin ang mga pinakahuling balita sa Pilipinas tungkol sa mga pagbaha, presyo ng sibuyas at pagdinig ng Senado kaugnay sa problema sa airport noong bagong taon.
Panahon na muli para sa mga family reunion, monito-monita, at iba't ibang kasiyahan at celebration ngayong Pasko. Higit sa lahat, bilang isang pamilya kay Kristo, sama-sama na nating maipagdidiwang ang Pasko pagkatapos ng dalawang taon! Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: Christmas Unwrapped Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/12252022Tag
Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 35, 1-6a. 10 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. o kaya Aleluya! Papurihan ang ating Poong Maykapal Santiago 5, 7-10 Mateo 11, 2-11
Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 11, 1-10 Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17 Mabubuhay S'yang marangal at sasagana kailanman. Roma 15, 4-9 Mateo 3, 1-12
Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 2, 1-5 Salmo 121, 1-2. 4-5. 6-7. 8-9 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos. Roma 13, 11-14a Mateo 24, 37-44
Archie Veloria is a Supervising Science Research Specialist under the PhilSA's Earth Sciences Space Mission Studies Division. His research revolves around satellite remote sensing of the environment, extreme weather monitoring and forecasting, and rainfall climatology. We talked about space science and technology applications within the Philippine context, how satellites contribute to understanding weather and climate systems, how we use satellites to monitor air pollution, why there is a need for science-based environmental solutions and policies, the state of Philippine space science in the next ten years, and more. How to contact Archie: Email: info@philsa.gov.ph Website: linktr.ee.philspaceagency
Sa episode na ito ng #MayPERAan, ipapaliwanag ng finance broker na si Maria Papa ang proseso ng refinancing ng home loan kung plano mong mapababa ang binabayarang mortgage sa gitna ng patuloy na pagtaas ng interest rate ng mga bangko.
"Atat na atat na kasi akong matulungan si nanay eh. Ilang taon na siyang nagtitiis na itaguyod kaming magkakapatid. Panahon na para kahit papaano eh gumaan ang pasanin niya. Kahit sa simpleng paraan, gusto kong makatulong sa kanya." #DearMORFeelingLost - The Diego Story
HALA-LAN! Kinakabahan ka na rin ba sa magiging resulta ng eleksyon? Hindi na maka-focus sa work at sa life? Huhu, samedt. Samahan niyo kami ng resident The Linya-Linya Show guest, friend, at dating kasamahan sa gobyerno na si Charles Tuvilla na labanan ang election anxiety at i-process ang thoughts and feelings sa mga nangyayari at mangyayari sa bansa. Panahon na nga ng pagpapasya. Ano'ng Pilipino at Pilipinas ang uusbong pagkatapos ng halalan? Listen up, yo.