Sa bagong normal, mas pinaigting na ang ugnayan ng mga tao sa iba't ibang paraan, pisikal man o birtwal. Bilang kaisa ng komunidad na nagdiriwang at nagsusulong ng sining at kultura ng bansa, layunin ng podcast na ito mula sa mga kabataang artista ng PUP Sining-Lahi Polyrepertory ang iparinig ang kanilang mga natatanging kwento ng pag-asa, pagbangon, at paglaban sa pang araw-araw na pamumuhay. Mga tinig ito ng lakas, himagsik, at pag-ibig. Pagsasadokumento ito ng danas, pagbabahagi ng aral, at higit sa lahat pagpapakatotoo.
Fresh na seniors? Sa huling episode ng 2nd season ng NKSP, magbabahagi ang naggagandahang miyembro ng grupo na sina Lemon at Lalaine tungkol sa kanilang karanasan at mga natutunan sa tatlong taon nila sa grupo at pag-aaral sa kolehiyo.
“Yakap! Mahal kita! Pahinga…... Hinga.” Sa episode na ito, nais naming ibahagi sa mga tagapakinig ang aming kahulugan sa “First Love”. Muli nating alalahanin ang maraming tanong na kung paano at bakit natin hindi makalimutan ang una nating minahal. Kung bakit sobrang sarap balikan ang mga alaalang iyon.
Sa rebolusyong dinaraanan ng kasalukuyang karanasan, paano nakakabuo ng piraso ng obra ang mga mag-aaral at artista ng bayan? Sa dinaraanang landas ng dalawang magkaiba, patuloy na nakikita at inaalam ng bagong miyembro ang bagong karanasan upang masilayan ang pamumukadkad g sining at akademiko sa gitna ng pandemya.
Sa kabila ng pandemya, nagagawa pa ri nating lumaban at magpatuloy sa buhay. Samahan natin sina Meinard at Gary upang magbahagi ng kanilang karanasan at nararamdaman bilang mag-aaral at nagmamahal sa sining. Kanilang bibigyang kahulugan at pagpapaliwanag ang salitang pagod na kaakibat ng pahinga.
Bilang mga soon-to-be na 'juniors' hindi lamang ng grupo, pati na rin sa kanilang programa, isang masiglang kwentuhan at katuwaan ang inihahandog nina Angelica at Carly para sa panibagong episode ng NKSP. Samahan ang dalawa bilang sina DJ Gingging at DJ Ningning makinig sa mga natatanging karanasan ng isa't isa pati na rin ang mga mala-unsolicited advice pa– dahil paano nga naman ba mahinahon ang nag-aalab na puso?
Paano ba kumanta? Paano ba gumawa ng instrumental? Paano ko susundin ang passion ko rito? Isa ka ba sa mga mahilig sa music at gustong makakuha ng tips kung paano lumikha nito? Worry no more! Dahil sa podcast na ito, tuturuan tayo ng mga resident musicians ng polyrep na si Trixie at Ed kung paano ipursue ang passion mo sa music! Ipapaliwanag ni Trixie kung paano kumanta! Ipapaliwanag ni Ed kung paano aralin ang music production at kumita mula rito!
“Bakit green ang blackboard? Bakit kailangan matulog ng tanghali?” Masarap maging bata. Tamang laro lang sa gedli, happy-happy lang. Sa ating mga adventures noon, paniguradong marami ring umusbong na katanungan sa ating maliit na isipan. Samahan ngayon sina Jaja at Jhovelyn sa panibagong episode ng Narining Ko Sa Polyrep para sagutin ang mga tanong natin nung bata tayo ngayong tayo'y young adults na. May nagbago ba sa ating pananaw?
Samahan ang naggagandahang dilag ng Batch 19-20 na sina Via Mae Tubal at Shathea Bren Seriosa sa kanilang Mini Talkshow×Mook Up Sesh. Pakinggan ang kanilang kwento kung paano sila nagsimula at nagpapatuloy sa mundo ng teatro kasabay ng pag aaral at ibang kaganapan sa buhay.
Jack of all trades, master of none - katagang pinanghahawakan nina Lean at Pat upang bigyang katwiran ang kanilang mga kakulangan sa pagiging Broadcasting students at Theater artists. Hindi alam kung paano kumuha ng tracking shot. Hindi alam kung paano gumawa ng lights cue sheet. Lugmok sa pansariling pagdududa, paano binibigyan ng dalawa ng label ang kanilang mga sarili?
Si Marj at si Angel ay kasalukuyang mag-aaral ng PUP at mga kabataang artista sa PUP SLP. Paano nila pinagsasabay ang kanilang mga gampanin sa pag-aaral at pagtatrabaho?
Si Angel ay kasalukuyang English Major student samantalang si Rhon Sky naman ay estudyante sa Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Paano kaya sila magtatagpo sa kabila ng pagkakaiba ng language na pinagaaralan?
The question of Tito Boy from Bb Pilipinas 2021 was a tricky one yet, not that hard to grasp and to answer. For this episode, Nico and Arvin will join us in answering the dreaded question, offering a different perspective on the word “loneliness” including its factors, coping up and of course, life lessons. (Disclaimer: The views and opinions of the hosts are coming from an early-adulthood perspective and are just based on their own experiences).
Pagod na ba kayo? Hayaan niyong damayan kayo nina Fiona at Mariel habang nagbabalik-tanaw sa kanilang karanasan sa teatro at pag-aaral. Chismisan lang sa mga challenges sa online classes, pagbabalanse ng pag-aaral sa trabaho, at kung paano masurvive ang buhay ngayong pandemic.
Sina Louella, Elijah at JR, nagbalik-tanaw sa mahahalagang kaganapan sa nakalipas na mga taon na nagdala sakanila kung nasaan man sila ngayon. Pare-pareho ng college program at nasa ilalim ng iisang organisasyon, marami silang pagkakatulad pero anu-ano kaya ang mga pagkakaiba nila?
Samahan sina Jovelyn at Bea sa kanilang chikkahan tungkol sa kanilang pagmamahal sa sintang paaralan at sa sining at kung paano nila naipagtatagpo ang Filipinolohiya at Sikolohiya sa kanilang proseso ng paggawa ng sining.
Paano ba magdiet? Kailangan ba gutumin ang sarili? Paano ba mag-ipon? Gugutumin mo ba ulit ang sarili mo? Gurl, 'wag! Sa ating panibagong episode, samahan natin sina Kath at Ace na baybayin ang malikot at nakakalokang mundo ng teatro at akademiko.
Hindi madaling maging college student. Hindi rin naman madali ang proseso ng paggawa ng art. Ang pagsabay-sabayin ang mga gawain ay nakakaloka! Pero paano nga ba naipagkakaiba at naipagsasama ni Elisha at Jovie ang mga bagay na malapit sa kanila at pinili nila? Halika't samahan silang talakayin kung saan nga ba nagtatagpo ang Sining, Agham at Pananaliksik.
Nagbabalik ang podcast channel ng paborito ninyong grupong pantanghal para sa ikalawang season! Ngayon ay mas makakarinig kayo ng mga kwento, hinanaing, at mga aral mula sa mga miyembro ng grupo habang inuugnay ang mga ito sa kanilang proseso sa paggawa ng kanilang sining. Halika't magpahinga muna mula sa napakabilis na pag-ikot ng mundo at tambak-tambak na deadlines na hindi niyo pa rin nasisimulan tuwing Biyernes, 9 ng gabi. Dito lang 'yan sa Narinig Ko Sa Polyrep.
Samahan si Carly sa pagkilala at pagtuklas sa natatangi niyang identidad at pagkababae. Kwento ito ng pagmamahal at pagtanggap sa sarili sa kabila ng diskriminasyon. Mabuhay ang kababaihan!
Naniniwala ka ba sa tadhana at sa pangarap na itinadhana sa'yo? Naisip mo ba na may pwersang nakapagbabago't sumusuyo sa 'yo sa bawat daan na tinatahak mo, sa bawa't pagpili mo? Ang hiwaga ng buhay at ang byaheng dapat mong harapin ay naghihintay lang. Halina't makinig sa kwentuhang paniniwala.
Paano tayo nangarap, at natutong magpasya sa daang sinasabi nating nararapat. Ano ang pinili mong tahakin at ano ang nagpapasaya sa iyo, pinili mo ba ang nais mo? O namili ka ng daang hindi mo gusto kaya ka naliligaw ngayon?
Kwentuhang panganay tayo! Paano ba natin hinahandle ang pressure ng pagiging unang anak? Paano ba nito naaapektuhan ang mga desisyon natin sa buhay, at kung may epekto ba ito sa sa atin?
May mga mahahalagang bagay na kahit ipilit nating isantabi, babalik at babalik pa rin sa atin. Gaya ng musika kay Edrian. Paano nga ba siya nakarating sa craft na ito sa kabila ng mga pagpapalit-palit ng interes sa mga bagay na gusto niyang gawin.
Minsan mo na bang hiniling na sa paggising mo, successful ka na? Yun bang wala ka nang po-problemahin kasi okay na lahat. Nakapagtapos ka na, financially stable and well-off, na-reach na yung dream job and living your life. May shortcut ba sa ganun? Sa success? Bakit nga ba kating-kati tayo maging successful?
Ano ang buhay? Paano ito magiging makahulugan? May tama bang daan na dapat tahakin? Mga katanungan na marahil minsan nang sumagi at patuloy na sumasagi sa ating mga isipan. Mga katanungan na walang tiyak na kasagutan. Hindi sagot, bagkus proseso ng pagninilay-nilay at pagmumuni-muni tungkol sa kahulugan ng buhay, at paano ito magiging makabuluhan, ang hatid ni Ben sa podcast na ito.
Sa loob ng pitong buwan na nakakulong si Rhon sa loob ng bahay, marami siyang natutunan at natuklasan na patuloy na nagbibigay sa kanya ng pag-asa upang bumangon, lumaban, at abutin ang kanyang mga pangarap. Sa podcast na ito makilala niyo kung sino si Rhon, malalaman niyo ang kanyang mga saloobin, paano siya mag-isip, at kung ano ang pananaw niya sa buhay.
Sa humigit dalawang dekadang pamumuhay ni Gary, masasabi niyang masarap ang magmahal ngunit mahirap kung ikaw ay patuloy na nagpapaapi sa pag-ibig. Sa podcast na ito ay makikilala niyo ang tunay na Gary. Ang mapagmahal ngunit bigo at takot nang umibig muli na baka maulit muli.
Ito ang kwento ni Artagnan na patuloy na tinutupad ang mga pangarap na mahinto man sa paglalakbay ay maipagpapatuloy pa rin ang laban na kanyang tinatahak hanggang sa dulo ng kanyang hininga.
Ang episode na ito ay patungkol sa ilaw ng tahanan, ang mga benepisyo at gampanin at ang pagkawala nito at takot ni Ana sa dilim. Pumapatungkol sa nagmahal, minamahal, at walang sawang pagmamahal ng mag-ina.
Alamin kung paano binalikan ni Angge ang talentong nakalimutan at ginamit upang makatulong sa nakaka-stress na pandemyang kinahaharap natin ngayon!
Paano nga ba nasasagot ang tanong na "Saan ka magaling?" Nararapat lang ba na isang bagay lang ang alamin ng isang tao? Samahan si Lalaine sa kaniyang paglalakbay sa kaniyang pag-aaral ng marami pang bagay na inaalok ng mundo at kung paano niya tignan ang pagkatuto.
Pakinggan ang kwento ni Lemy tungkol sa mga dilemma na kanyang kinaharap sa likod ng nakangiting maskara at kung paano niya nahanap ang pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa na nagpatatag sa kanya para maging buo at positibo sa lahat ng pagkakataon.
Isang kuwento ng pagtuklas ng sariling tinig ng anim na taong gulang na si Anne at sa pakikipagsapalaran niya sa mundo.
Ninais kumawala ni Alyssa mula sa kanyang kinalakihang bayan ng Imus, Cavite. Bilang batang babae na may matayog na pangarap, hinanap niya kung saan siya tunay na tinatawag ng kanyang puso. Hindi naging madali para sa kanya ang pagtahak dito. Gayunpaman, sa mga oras ng pag-angat at paglubog, hindi niya nalilimutang namnamin ang mga sandaling iyon sa pamamagitan ng pagsusulat. May biyaya siya ng matatas na kaisipan at mga panaginip, at pinasasalamatan niya iyon.