Podcast by CBN Asia Inc.
Donate to CBNAsia.org - Audio Podcast
“Then you will experience God's peace, which exceeds anything we can understand. His peace will guard your hearts and minds as you live in Christ Jesus.” (Phil. 4:7, NLT) Going through mental health struggles isn't easy and it can be lonely. But the Lord promised in His Word that He will be with us through it all and that He can give us peace that goes beyond our trials. In Him, there is hope!Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Paano nga ba mapagtatagumpayan ang bawat pagsubok, lalo na pagdating sa mental health? Ano ang susi upang malampasan ang mga ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Iking Caspe Story - Part 4Nagkaroon ng matinding galit noon si Iking sa kaniyang ama dahil sa bisyo at magulong pamumuhay nito. Ngunit ngayon, mas mabigat na pagsubok ang dinaranas ni Iking at halos patapon na ang kaniyang buhay. Paano siya makakalaya sa ganitong sitwasyon? Mayroon pa bang tatanggap sa kaniya sa kabila ng kanyang magulong buhay? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Iking Caspe Story - Part 3Nagpasya si Iking na lumuwas ng Maynila upang makatulong sa kaniyang ina. Pinasok niya ang iba't ibang trabaho, subalit palagi siyang nasasangkot sa gulo. Kaya naman, hindi rin nagtagal at bumalik siya sa puder ng kaniyang ina. Ngunit imbes na magbago, muling binalikan ni Iking ang bisyo. Makalaya pa kaya siya mula sa adiksyon? Saan niya mahahanap ang kapayapaan?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Iking Caspe Story - Part 2Dahil sa pagkakamaling nagawa ng kaniyang ama, napilitan itong magtago mula sa mga awtoridad, dahilan upang maghiwa-hiwalay ang kanilang pamilya. Nakaranas din si Iking ng panunukso sa eskwelahan dahil sa kasalanang nagawa ng kaniyang ama. Sa patong-patong na kaguluhan sa buhay, ano nga ba ang magiging tugon ni Iking sa mga pagsubok? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Iking Caspe Story - Part 1Salat sa buhay. Hirap makapag-aral. Mapang-abusong ama. Ilan lamang ito sa mga naranasan ni Iking noong siya ay bata pa. Buo man ang pamilya, hindi niya naramdaman ang pagkakaisa sa kanilang tahanan, lalo na ang pagmamahal ng isang ama. Nadatnan din niya ang mga bisyo ng kanyang ama na naging dahilan ng pagkakabaon nila sa utang. Sa murang edad ni Iking, saan niya matatagpuan ang patnubay ng isang ama kung ganito ang kanyang nakikita? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 5Muling nasubok ang pananampalataya ni Elmer nang siya'y magkaroon ng matinding sakit na nagdulot ng takot sa kaniyang buhay. Malaking tanong para sa kaniya kung bakit niya nararanasan ang ganitong klaseng pagsubok. Ngunit ang isa pang tanong: Muli nga bang magiging matatag si Elmer sa gitna ng pagsubok? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 4Labis ang pasasalamat ni Elmer sa Panginoon nang siya'y makatapos ng pag-aaral. Sa kabila ng diskriminasyong kaniyang pinagdaanan, nanaig pa rin ang mabuting plano ng Diyos sa kaniyang buhay. Subalit, hindi inaakala ni Elmer na kahit sa pagtatapos ng kaniyang pag-aaral ay patuloy pa rin niyang mararanasan ang pagmamaliit ng iba. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 3Gustuhin man ni Elmer na tahakin ang landas tungo sa pagiging sundalo, mas pinili niyang mag-aral upang tugunan ang pagtawag ng Panginoon sa kaniyang buhay. Habang naglilingkod sa Diyos at nakapagtapos ng Bible school, hindi siya binigo ng Panginoon dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo. Subalit, may mabigat na pagsubok siyang hinarap. Ano nga ba ito? Ito na nga ba ang hahadlang upang pabagsakin si Elmer sa buhay?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 2Isang mabigat na pagsubok ang kinaharap ng pamilya ni Elmer nang sunod-sunod na magkasakit ang kaniyang mga kapatid. Agad nila itong dinala sa anito na kanilang pinaniniwalaan, subalit laking gulat nila nang hindi ito gumaling at kalaunan ay nasawi. Saan ngayon hihingi ng saklolo ang pamilya ni Elmer, ngayong ang kanilang inaasahan ay binigo sila sa oras ng pangangailangan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Elmer Victoria Story - Part 1Bata pa lamang si Elmer ay namulat na siya sa ibang paniniwala na natutunan mula sa kaniyang mga magulang. Naniniwala sila sa tinatawag na “anito” o mga kapangyarihang espiritu na sinasabing kayang magpagaling ng anumang sakit. Ito ang paniniwalang tumatak sa murang isipan ni Elmer, lalo na't siya mismo ay nakaranas nito. Pero ang tanong, tama nga ba ang landas na pinaniniwalaan ni Elmer? Anong klaseng buhay ang naghihintay sa kaniya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 10Minsan, pakiramdam natin ay tapos na ang lahat. Wala nang pag-asa at wala nang bagong simula. Ngunit sa Diyos, laging may pagkakataong magsimula muli, kapatid. Siya ang nagbibigay ng panibagong lakas at pag-asa. Kung kasama mo ang Diyos, laging posible ang isang bagong simula.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 9Kapag mabigat na ang pinagdaraanan mo at tila wala ka nang lakas, huwag kang mawalan ng pag-asa. Sa paglapit mo sa Diyos, matatagpuan mo ang kapahingahan at kalakasan na iyong kailangan. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 8Know that God is with you even in the lowest points of your life. We invite you to watch the 8th night of The 700 Club Asia's live TV special, #Restart, at midnight on GMA, and be reminded that God will never leave you in your battles.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 7Pagod ka na bang harapin ang laban nang mag-isa? Tandaan mo, kasama mo ang Diyos sa bawat pagsubok. Kahit gaano kabigat ang problema, hinding-hindi ka nag-iisa. Nariyan si Hesus na nagbibigay lakas at tagumpay. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 6Sa tuwing naiisipan mo nang sumuko dahil sa pagsubok, piliin mong patuloy na lumaban dahil hindi ka nag-iisa. Nariyan ang Diyos upang samahan ka at bigyan ng lakas na harapin ang bawat problema. Kumapit ka sa Kaniya, kapatid. Dahil sa Kaniya, mayroong tagumpay!Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 5Kay Hesus, ang imposible ay nagiging posible at ang himala ay nagiging totoo. Kaya kahit gaano kahirap ang sitwasyon mo, tandaan mo na kapag kumilos ang Diyos, may mangyayaring kamangha-mangha. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 4Kapatid, maaaring mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. Pero sa Panginoon, may tunay tayong katagumpayan. Kaya patuloy kang magtiwala at kumapit sa pangako ng Diyos. Siya ay tapat at kailanman ay 'di tayo pababayaan.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 3Sa gitna ng pagod at gulo, hindi masama ang huminto at magpahinga. Puwede kang lumapit sa presensya ng Diyos at hayaan Siyang bigyan ka ng lakas at pag-asa. Magsimula ka muli kasama ang Diyos.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 2Pagod ka na bang humarap sa sunod-sunod na pagsubok ng buhay? Kapatid, mayroon tayong Diyos na puwede mong takbuhan. Handa Siyang sumaklolo sa'yo at bigyan ka ng kalakasan. Lumapit ka sa Kaniya at manampalataya.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
#Restart LIVE TV Special Day 1 Matapos humarap sa sunod-sunod na pagsubok sa buhay, may pag-asa pa nga bang makabangon muli at muling makaranas ng kaginhawaan? Hindi pa huli ang lahat, kapatid! God is ready to give you a brand new start. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sa gitna ng lahat ng pagsubok, may isang bagay na siguradong hindi nagbabago—ang pag-asang mayroon tayo kay Hesus. Puwede mo itong maranasan sa lahat ng oras basta't patuloy ka lang na manampalataya at lumapit sa Kaniya. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Nakakaramdam ka ba ng takot dahil sa mga pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mag-alala, kapatid. Nariyan si Hesus upang ingatan at palakasin ka sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. Lumapit ka lamang sa Kaniya—hindi ka Niya kailanman bibiguin. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Pakiramdam mo ba'y wala nang patutunguhan ang lahat? Huwag kang bibitaw—may pag-asa sa Diyos, kapatid. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Alam ng Diyos ang pinagdaraanan mo, at hindi ka Niya kailanman pababayaan. Kaya kahit mahirap at masakit, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tutulungan ka Niya. Kumapit ka lang at manamplataya. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sa gitna ng lahat ng problema, kabiguan, at kawalang-katiyakan sa buhay, isa lang ang hindi nagbabago at iyon ay ang pag-asa na matatagpuan natin kay Hesus. Hindi Siya napapagod magmahal, hindi Siya sumusuko, at kailanman ay hindi Siya nawawala. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Ronnie Ventayen StorySino'ng mag-aakalang ang dating transgender ay tuluyang magbabago? Matapos makilala si Hesus, tuluyang isinuko ni Ronnie ang kaniyang buhay at naging masigasig siya sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa iba. Pero natigil ito nang dumating ang lockdown. Paano siya nanatiling matatag sa kaniyang pananampalataya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Patricia Ranieses StoryIsa si Pat sa mga nawalan ng hanapbuhay nang tumama ang COVID-19 pandemic. Bilang professional photographer silang mag-asawa, labis ang kanilang pangamba kung saan kukuha ng panggastos lalo na't sabay silang nawalan ng pinagkakakitaan. Sa gitna ng takot at pangamba, may ipinagkaloob na hindi inaasahang pagpapala ang Panginoon kay Pat. Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Winner and Cent de los Reyes StoryNot every love story is easy. But with God at the center, even the toughest trials can lead to the most beautiful “I do.” Watch the inspiring story of Winner and Cent as they share their journey through challenges, delays, and uncertainties. What God has joined together, no trial can tear apart.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jay Lledo StoryBilang isang events manager, naging malaking pagsubok kay Jay nang dumating ang COVID-19 pandemic. Malaking takot sa kaniya kung saan kukuha ng pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dumagdag pa sa kaniyang iisipin nang magkaroon pa siya ng COVID-19 virus.Saan nga ba humugot ng lakas ng loob si Jay sa kaniyang mga pinagdaanan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Eunice Pangilinan StoryMaayos at maganda ang naging trabaho ng mga magulang ni Eunice, kaya naman naging masagana ang takbo ng kanilang pamumuhay. Ngunit sa isang iglap, nasubok ito nang magkaroon ng pandemya. Nawalan ng trabaho ang kaniyang ama, kaya napilitan ang kaniyang ina na magdoble-kayod para sa kanilang pamilya. Dahil dito, labis na pangamba ang bumalot sa kanilang tahanan, lalo na kay Eunice. Ano'ng buhay ang naghihintay sa kanila? Paano nila nakita ang kapangyarihan ng panalangin sa kanilang buhay? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 5Ngayong nabigyan ng pangalawang pagkakataon si Cris sa kaniyang relasyon, ginawa na niya kung ano ang nararapat—ang gawing sentro ng relasyon si Hesus. Ano nga ba ang naging resulta nito sa kanilang buhay mag-asawa? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 4Muling humarap si Cris sa pagsubok nang makaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Dahil sa bigat na kaniyang pinagdaraanan, muli siyang lumapit sa Panginoon at nagtiwala na kaya siyang tulungan na makabangon muli. Sa pagkausap sa kaniya ng Diyos, muling nabigyan ng pag-asa si Cris na maayos muli ang kaniyang relasyon. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 3Bagama't naging aktibo na sa simbahan, nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Cris at ng kaniyang Pastor dahilan upang siya ay umalis.Nagtrabaho siya sa isang BPO company bilang call center agent. Hindi naging madali kay Cris na manindigan sa kaniyang pananampalataya nang masubok siyang muli sa bisyo na matagal na niyang tinalikuran. Muli nga ba siyang babalik sa maling gawain?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 2Tuluyan nang naghiwalay ang mga magulang ni Cris at nagkaroon ng sariling pamilya ang kaniyang ama. Tanging ang kaniyang ina na lamang ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Sa gitna ng pagsubok sa buhay, nakakilala si Cris sa Panginoon. Nahikayat siya ng kaniyang ina na unang nakakilala kay Hesus. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Cris Lomotoan Story - Part 1Maayos at masaganang pamilya ang kinamulatan ni Cris. Nabibigay lahat ng kaniyang ama ang lahat nilang pangangailangan habang inaalagaan naman sila ng kaniyang ina. Subalit, bigla na lamang naglaho ang kasiyahan sa kanilang pamilya nang humarap sila sa matinding pagsubok. Napadalas ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang, dahilan upang hanapin ni Cris ang kasiyahan sa ibang bagay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Gordon Robertson StoryWatch the comeback of one of the original hosts of The 700 Club Asia in this special episode featuring the story of CBN Asia's founder, Gordon Robertson. See how God's ministry through CBN Asia and The 700 Club Asia has reached countless lives—all because of simple obedience to the Lord. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Mari Kaimo StoryKabi-kabilang pagsubok ang kinaharap ni Mari sa kaniyang buhay. Matagal din siyang ilegal na nanirahan sa Amerika, kung saan namuhay siya nang may takot at walang kapayapaan. Ilang beses din niyang tinakbuhan ang pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at sariling Tagapagligtas. Subalit sa kabila ng lahat, kinatagpo pa rin siya ng Diyos at inayos ang kaniyang buhay. Paano nga ba ito nangyari? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Camila Kim-Galvez StoryMalaki ang role ng mga nanay sa isang tahanan. Kasama na rito ang kahalagahan nila sa pagpapalaki ng mga anak. Pero paano nga ba maging isang ina na namumuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos?Panoorin ang kuwento ng “host moms” na sina Camilla Kim-Galvez at Felichi Pangilinan-Buizon dito sa The 700 Club Asia, at tuklasin kung paano sila ginabayan ng Panginoon sa kanilang motherhood journey.Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Felichi Pangilinan-Buizon StoryBilang isang babae, may listahan si Felichi ng mga katangian ng lalaking nais niyang makasama habang buhay. Subalit, hindi naging madali para sa kanya ang tumanggap ng manliligaw—lalo na kung wala siyang kapayapaang nagmumula sa Panginoon. Sa matagal na panahon niyang naghihintay, paano, saan, at kailan nga ba niya makikilala ang lalaking inihanda ng Diyos para sa kaniya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Dahil sa maagang pagpanaw ng kaniyang ama, lubhang nahirapan sina Erick na makabangon sa buhay. Nasundan pa ito ng paglalim ng hidwaan sa pagitan niya at ng kaniyang ina dahilan upang hanapin ang pagmamahal ng isang pamilya sa barkada na nag-resulta naman sa pagkawasak ng kaniyang buhay. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, kinatagpo siya ng Diyos. Tumugon kaya si Erick sa tawag ng pag-ibig ng Diyos? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 5Paulit-ulit mang nasaktan at napariwara si Allan, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon at binigyan ng bagong simula. Ma-encourage sa kaniyang kuwento at alamin kung paano niya tuluyang tinanggap ang Panginoon at nilakaran ang tamang landas patungo sa maayos na buhay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 4Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 3Muling binisita si Allan ng kaniyang ama sa pag-aakalang maaayos pa ang kanilang relasyon. Subalit imbis na matuwa, poot ang naramdaman ni Allan.Mas lalo ring sinira ni Allan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng droga at mga bisyo. Ilang beses din siyang napaalis sa kolehiyo at huminto sa pag-aaral.Sa gitna ng magulong buhay na nararanasan ni Allan, saan nga ba niya matatagpuan ang bagong pag-asa?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 2Nang magkaroon ng pagkakataon na makalaya sa puder ng ama, winasak naman ni Allan ang kaniyang buhay sa pagbibisyo tulad ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Humantong na rin siya sa puntong nais na niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matapos na ang paghihirap na kaniyang dinaranas. Subalit, patuloy pa rin siyang nakaligtas sa panganib. Saan pa dadalhin si Allan ng galit sa kaniyang puso? Makalaya pa nga ba siya mula dito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 1Sa murang edad ni Allan, nakaranas na siya ng matinding pang-aabuso mula sa kaniyang ama. Naging mas malala pa ito nang umalis ang kaniyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng matinding galit si Allan sa kaniyang ama. Paano makakalaya si Allan sa magulong tahanan? Hanggang kelan niya mararanasan ang pagmamalupit ng kaniyang ama? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Joven Hubo storyDahil sa pagkamatay ng kanyang ina, nagsimulang magkaroon ng matinding galit si Joven sa Diyos. Nagrebelde siya at inalay ang kanyang buhay sa kadiliman. Ito na nga ba ang magiging wakas ng kanyang kwento?O may pag-asa pa bang maranasan niya ang pag-ibig ng Diyos at kalayaan mula sa dilim? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Garvic Garcia storyKilala si Garvic bilang isang pastor na matiyagang naglilingkod sa Panginoon. Isang matinding pagsubok sa kanyang pananampalataya ang dumating nang magpositibo siya at ang 11 miyembro ng kanyang pamilya sa COVID-19, kabilang din ang kanyang anim na buwang gulang na apo. Paano siya nanatiling matatag sa kabila ng matinding takot at pagsubok? Saan siya humugot ng lakas upang patuloy na manampalataya? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Aubrey Juanta storyPaano nga ba makakabangon mula sa buhay na may mapait na nakaraan? Saan mahahanap ang saklolo na matagal nang hinahanap? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Dan Milson dela Cruz storySa murang edad ni Dan ay natuto na siyang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Impluwensya ito hindi lang ng mga pinsan kundi ng sariling ama niya mismo. Labis na naapektuhan ang pag-aaral ni Dan at dumagdag pa rito ng mabuntis niya ang kaniyang nobya. May pag-asa pa bang maiayos ni Dan ang kaniyang sarili? Saan niya matatagpuan ang saklolo sa oras ng pangangailangan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show