POPULARITY
Now there was a Pharisee named Nicodemus, a leader of the Jews. He came to Jesus by night and said to him, “Rabbi, we know that you are a teacher who has come from God, for no one can do these signs that you do unless God is with that person.” Jesus answered him, “Very truly, I tell you, no one can see the kingdom of God without being born from above.” Nicodemus said to him, “How can anyone be born after having grown old? Can one enter a second time into the mother's womb and be born?” Jesus answered, “Very truly, I tell you, no one can enter the kingdom of God without being born of water and Spirit. What is born of the flesh is flesh, and what is born of the Spirit is spirit. Do not be astonished that I said to you, ‘You must be born from above.' The wind blows where it chooses, and you hear the sound of it, but you do not know where it comes from or where it goes. So it is with everyone who is born of the Spirit.” Nicodemus said to him, “How can these things be?” Jesus answered him, “Are you the teacher of Israel, and yet you do not understand these things? “Very truly, I tell you, we speak of what we know and testify to what we have seen, yet you do not receive our testimony. If I have told you about earthly things and you do not believe, how can you believe if I tell you about heavenly things? No one has ascended into heaven except the one who descended from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the wilderness, so must the Son of Man be lifted up, that whoever believes in him may have eternal life. “For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life. “Indeed, God did not send the Son into the world to condemn the world but in order that the world might be saved through him. John 3:1-17 (NRSVUE) Tayo at si Nikodemo Sa ating pagbasa, nakatagpo ni Hesus si Nikodemo sa gitna ng kadiliman. Si Nikodemo ay isang taong may mataas na katayuan ngunit may dalang mga tanong na hindi masagot ng kanyang tradisyon. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maliban na ang tao ay ipanganak na muli, hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.” Bilang isang Katoliko at Kristiyanong bakla, madalas kong nararamdaman na ako si Nikodemo. Sa Juan 3, pumunta siya kay Hesus sa ilalim ng takip ng gabi. Bakit gabi? Siguro dahil takot siya sa sasabihin ng kapwa niya Pariseo , o siguro dahil hindi pa niya kayang pangatawanan sa harap ng marami ang kuryosidad ng pananampalataya niya. Ganoon din ako; maraming tanong, maraming takot. Until now, hindi pa rin ako sigurado sa aking pananampalataya. Gayon din ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang mga mapanghusgang salita sa paligid na nagsasabing mali ako, makasalanan ako, at hindi karapat-dapat. Ang mga salitang ito ay parang kadiliman na nagpapalayo sa akin sa liwanag ng Diyos. Sa ating paglalakbay bilang mga LGBTQIA+ na mananampalataya, ang pag-uusap nina Hesus at Nikodemo ay tila isang salamin. Tulad ni Nikodemo, marami sa atin ang lumalapit sa Diyos sa gabi o sa gitna ng kadiliman , dala ng takot sa sasabihin ng iba , ng bigat ng ating pagkakakilanlan, at ng tanong na: “Tatanggapin ba ako? Karapat-dapat ba ako?”. Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Muling Pagsilang Ang sagot ni Hesus ay hindi pagtataboy kundi isang paanyaya: “Kailangan kayong ipanganak na muli.” Ang muling pagsilang na ito ay hindi nangangahulugang kailangang burahin ang ating kulay. Sa halip, ito ay pagpapaubaya sa Banal na Espiritu na linisin ang ating paningin upang makita natin ang ating sarili ayon sa tingin ng Diyos : mahalaga, banal, at sapat. Ang konsepto ng muling pagsilang ay madalas gamitin laban sa atin upang sabihing kailangan nating magbago o itatwa ang ating tunay na pagkatao. Ngunit sa mas malalim na espiritwal na pag-unawa, ang muling pagsilang na tinutukoy ni Hesus ay hindi pagpatay sa ating katotohanan, kundi pagyakap sa ating banal na pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos at malaya sa tanikala ng mapanghusgang mundo. Mahirap isabuhay ang gospel na ito sa mundong puno ng limitasyon. Ngunit dito pumapasok ang tunay na milagro ng Espiritu Santo. Aaminin ko, hindi madali. May mga araw na mabigat ang krus ng diskriminasyon at pagdududa. Subalit gaya ng hangin na binanggit sa bersikulo 8 na umiihip kung saan ito nais, ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakakulong sa kahon ng tradisyon. Tuwing ako ay humihingi ng patnubay, ipinapaalala ng Diyos sa akin na ang Kanyang grasya ay sapat. Ang aking pagkatao ay hindi hadlang sa aking paglilingkod; ito ay aking natatanging paraan upang ipakita ang makulay at malawak na pag-ibig ng Maylikha. Hindi ako o tayo tinawag para maging perpekto ayon sa pamantayan ng tao, kundi para maging tapat sa ilalim ng biyaya. Paglilingkod sa Pamilya at Trabaho Ang paglilingkod ay hindi lamang ginagawa sa loob ng simbahan. Ito ay isinasabuhay natin sa bawat aspeto ng ating pang-araw-araw na pakikibaka. Sa Ating Pamilya: Madalas, sa pamilya tayo pinakahinahamon. Maraming mga kamag-anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang iyong katotohanan , kung saan minsan ay kailangan pa nating patunayan ang halaga sa kabila ng ating pagkakaiba. Naririnig natin ang mga patama sa hapag-kainan o nararamdamang tila may limitasyon ang pagmamahal nila sa iyo. Subalit sa kabila nito, pinipili nating manatiling mapagmahal na anak, kapatid, o kamag-anak. Kapag tayo ang unang tumutulong sa oras ng pangangailangan , o nag-aalaga sa mga magulang na may sakit nang walang pag-aalinlangan, ipinapakita natin ang gospel in action. Pinapatunayan natin na ang pag-ibig ng isang LGBTQIA+ member ay hindi nababawasan ng kanilang panghuhusga. Kahit inaalipusta at sinasaktan ng mga mahal natin sa buhay , kung kailangan nila ng tulong o aruga , tayo ang unang tutugon kahit tayo ay nasasaktan. ‘Yan ang pag-ibig na kaya nating ibigay, at ang tawag diyan ay grasya. Sa Ating Trabaho: Madalas tayong kailangang magtrabaho nang doble upang patunayan sa ating mga kasamahan ang ating halaga. Ang propesyonalismo ay hinahaluan natin ng pagtitimpi at pagmamahal kahit sa mga hindi nakakaunawa sa atin. Hinaharap natin ang mga micro-aggressions o ang pakiramdam na kailangang itago ang ilang bahagi ng ating sarili upang hindi mapag-usapan. Ang ating katapatan sa trabaho at pagiging go-to person sa ating mga kasamahan ay isang porma ng ministeryo. Sa pamamagitan ng pagiging mahusay at mabuting katrabaho, binabali natin ang mga maling akala. Naglilingkod tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng dangal ayon sa ating propesyon , habang tahimik na nananalangin para sa mga kasamahang hindi pa bukas ang isipan. Ang Tahanan Natin sa Open Table MCC Lahat tayo—ako noon—ay takot at naghahanap ng isang community kung saan pwede tayong maging totoo sa ating pagkatao, kung saan tanggap tayo nang walang halong panghuhusga. Dito ako dinala sa simbahan ng Open Table MCC Manila pa noon, year 2000. (Kaya alam niyo na kung ilang taon na ako ngayon; siguro ako ang pinakamalapit nang maging ‘dalawang citizenship’) . Nang sabihin ni Hesus na kailangang ipanganak na muli, hindi Niya ibig sabihin na burahin natin kung sino tayo. Ang muling pagsilang ay ang pag-iwan sa mga lumang paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay limitado lamang sa iilan. Sa Open Table MCC, natutunan ko na ang aking pagkatao bilang LGBT ay hindi hadlang kundi isang bahagi ng aking paglalakbay. Ang muling pagsilang para sa akin ay ang pagtanggap na tayo ay nilikha ng Diyos nang may layunin , at ang Kanyang Espiritu ay umiihip kung saan Nais Niya. Hindi ito nakakulong sa mga tradisyong puno ng poot. Dito sa ating komunidad, ang paglilingkod ay may ibang lalim. Ito ang ating tahanan kung saan ang pag-ibig ay walang pasubali. Dito natin nararamdaman na ang paglilingkod sa Diyos ay tunay na inklusibo. Juan 3:16-17: Sandigan ng Ating Pananampalataya Madalas gamitin ang Bibliya sa mga katulad natin para takutin tayo. Pero ang Juan 3:16-17 ang pinakamatibay nating sandigan. Actually, ito ‘yung gumising sa akin. Ito ‘yung nagbigay sa akin ng pundasyon na hawak ko until now , at sinasabi kong hinding-hindi ako magkakamali. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan , pinadala Niya ang Kanyang Anak at kung sino man ang maniwala ay hindi Niya pababayaan at Kanyang ililigtas.” Hindi sinabi na gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga “diretso” ang buhay. Sinabi Niya, “sa lahat,” hindi lang sa iilan. Kasama ako doon, kasama ka doon, kasama tayong lahat. Ang salitang “sanlibutan” ay walang itinatangi; lahat ay yayakapin. At ang pinakamahalaga para sa ating mga nakaranas ng diskriminasyon ay ang talatang 17 : “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Ang Diyos mismo ay hindi naparito upang husgahan tayo. Kaya sino sa mga tao sa paligid natin ang may karapatang gawin ‘yon? Paglilingkod ng mga Sugatan Ang pagod mula sa labas ng mundo ay dinadala natin sa loob ng simbahan. Minsan, mahirap maglingkod kapag ikaw mismo ay sugatan. Hindi tumitigil ang ingay ng mundo kapag tayo ay papasok sa pinto ng simbahan. Bawat isa sa atin ay may dalang bigat na bagahe: mga mapanghusgang tingin mula sa trabaho, ang pagod ng pakikipagsapalaran sa sistemang hindi tayo laging kinikilala, at ang mga sugat ng nakaraan na tila ayaw maghilom. Napakahirap magbigay ng liwanag kung ang sarili mong mitsa ay halos mapundi na. Minsan ang paglilingkod ay nagiging isang pakikibaka. Paano ka aawit ng pag-asa kung ang puso mo ay puno ng pag-aalinlangan? Paano ka mag-aayos ng upuan para sa iba kung ikaw mismo ay naghahanap ng lugar na matitigilan? Ngunit dito papasok ang tunay na diwa ng grasya. Ang paglilingkod ay hindi nangangailangan ng pagiging perpekto. Ang ating mga sugat ay hindi hadlang sa ating ministeryo. Sa halip, ito ang nagbibigay sa atin ng lalim at malasakit na hindi matutumbasan ng sinumang hindi pa kailanman nasaktan. Sa loob ng simbahan, ang ating pagod ay kinikilala at ang ating sugat ay hinahayaang huminga—at damang-dama ko ‘yon dito sa Open Table MCC. Ang pag-aayos ng mga upuan ay hindi lamang paghahanda ng espasyo ; ito ay pagtiyak na mayroong lugar ang bawat ligaw na kaluluwa. Sa pag-awit sa koro o simpleng pagyakap sa isang bagong miyembro na takot at naghahanap ng pagtanggap , ikaw at ako ay nagiging daluyan ng muling pagsilang para sa iba. Isang Radikal na Akto ng Pag-ibig Ang Open Table MCC ay nagiging patunay na ang Diyos ay hindi limitado ng pader ng tradisyon. Ang paglilingkod natin dito ay isang deklarasyon : Narito ako, narito tayo, tinawag ng Diyos at karapat-dapat. Ang bawat maliit na gawain sa loob ng simbahan ay isang radikal na akto ng pag-ibig. Ang pag-awit sa koro ay hindi lamang paglabas ng himig ; ito ay pagpaparinig ng boses na minsang pinatahimik ng tradisyon. Kapag niyakap mo ang isang bagong miyembro na puno ng takot at pag-aalinlangan, hindi mo lang siya tinatanggap sa isang organisasyon ; ibinabalik mo sa kanya ang kanyang dignidad. Ang komunidad na ito ay isang buhay na patunay na ang pag-ibig ng Diyos ay parang karagatan na hindi kayang ikulong ng mga makitid na doktrina. Ang ating paglilingkod ay isang matapang na deklarasyon laban sa lahat na nagsabing ikaw ay kulang o mali. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay tumitindig para sa iba , sinasabi mo sa mundo: “Narito ako, hindi dahil sa pahintulot ng tao kundi dahil sa tawag ng Diyos. Ako ay buo, ako ay pinili, at ako ay karapat-dapat.” Hindi madaling maging asin at ilaw sa mundong madalas ay ayaw tayong pasikatin. Ngunit ang muling pagsilang sa Espiritu ay nangangahulugan na hindi tayo umaasa sa sariling lakas. Tuwing nararamdaman mo ang pagod, tandaan mo ang hangin—ang Espiritu ay umiihip kung saan Ito nais. Hayaan mong tangayin ka ng hanging ito patungo sa mga taong nangangailangan ng iyong kalinga. Ang iyong pagkatao ay hindi hadlang ; ito ay natatanging paraan upang ipakita ang grasya ng Diyos para sa lahat. The post Muling Pagsilang appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Here is the latest news from the Philippines, covering the anti-dynasty bill, the People Power commemoration, the ICC pre-trial hearing, and more. - Narito ang pinakabagong balita mula sa Pilipinas: mula sa anti-dynasty bill at paggunita sa People Power, hanggang sa ICC pre-trial hearing at iba pa.
Australia was one of the countries included in a study conducted by the Pew Research Centre regarding "national pride." - Isa ang bansang Australia sa isinagawang pag-aaral ng Pew Research Center kaugnay sa “national pride”.
Registered Migration Agent Elaine Caguiao shared some essential advice on strengthening your tourist visa application by demonstrating strong ties to your home country. - Narito ang mahahalagang payo mula sa Registered Migration Agent na si Elaine Caguiao tungkol sa pagpapatibay ng iyong tourist visa application sa pamamagitan ng pagpapakita ng matinding koneksyon sa iyong sariling bansa.
Senate President Tito Sotto has clarified that there was no agreement with Senator Loren Legarda regarding sharing the Senate Presidency. - Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas mula isyu ng Senate Presidency, update impeachment case laban kay Pangulong Marcos Jr, at iba pa.
Here are the latest developments from the Philippines, from the threat posed by the Nipah virus to high domestic travel costs and a maritime tragedy. - Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas, mula sa banta ng Nipah virus hanggang sa mataas na presyo ng domestic travel at isang trahedya sa karagatan.
Here are the latest developments from the Philippines, from the health condition of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr to updates on the impeachment cases involving the President and Vice President Sara Duterte. - Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas, mula sa kalagayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr hanggang sa mga update kaugnay ng impeachment laban sa Pangulo at kay Vice President Sara Duterte.
Jesus is our Living Hope. Nakakaranas ka na ba ng kawalan ng pag-asa dahil sa walang katapusang problema? Narito ang isang paalala, kapatid: Si Jesus ang ating pag-asa. Siya ang ating liwanag sa dilim, kalakasan kapag tayo'y nanghihina, at kasaganaan sa panahon ng kakulangan. Lumapit ka lamang kay Hesus, at kailanman ay hindi ka Niya bibiguin. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Here are the latest updates from the Philippines: tensions between the Philippines and China in the West Philippine Sea, renewed activity at Mayon Volcano, the Traslacion of the Black Nazarene, and how Filipinos view the year 2026. - Narito ang mga bagong balita sa Pilipinas mula sa iringan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, Traslacion ng Poong Nazareno at pananaw ng mga Pinoy ngayong 2026.
Here is a selection of notable Filipino films streaming on SBS On Demand this January 2026, showcasing stories of identity, history, and social reality. - Narito ang listahan ng ilang piling pelikulang Filipino na mapapanood sa SBS On Demand ngayong Enero 2026.
In Usap Tayo, experts offer practical tips to manage stress, maintain life balance, and be ready for work after the weekend. - Sa Usap Tayo, hatid ang praktical na tips para ma-manage ang stress, mapanatili ang balanse sa buhay, at maging handa sa trabaho pagkatapos ng weekend.
This week's news from the Philippines: VP Sara Duterte visits father after ICC denies request for interim release, still no replacement for Rogelio Singson after he resigned from ICI, and updates on the flood control scandal. - Narito ang mga pinakahuling kaganapan sa Pilipinas: VP Sara Duterte binista ang ama matapos ma-deny ang request for interim release; Wala pang kapalit ang nagbitiw na si Rogelio Singson; Alamin ang mga pinakahuling kaganapan sa imbestigasyon sa flood control.
Filipino communities across Australia are gearing up for a festive season filled with traditional celebrations and holiday cheer. - Sa Usap Tayo episode, inilista natin ang mga Filipino Christmas community events sa iba't ibang bahagi ng Australia.
Here are the latest top stories in the Philippines: President Ferdinand Marcos Jr. attended the ASEAN Summit in Malaysia and the APEC meeting in South Korea; updates on investigations into alleged flood control project anomalies; and Filipinos across the country prepare for Undas. - Narito ang mga pangunahing balita sa Pilipinas mula sa pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa ASEAN Summit sa Malaysia at APEC Summit sa South Korea; update sa imbestigasyon sa flood control project; at paghahanda para sa Undas.
A well-packed emergency go-bag can save lives during disasters. Here's a comprehensive guide on what to include to ensure your family stays safe and prepared. - Ang maayos na emergency go-bag ay maaaring magligtas ng buhay sa oras ng sakuna. Narito ang gabay kung ano ang dapat ilagay upang laging handa ang inyong pamilya.
In this Usap Tayo episode, we discussed the ten of Australia's most breathtaking drives, from the rugged cliffs of the Great Ocean Road to the endless horizons of the Nullarbor Plain, as featured by Australia.com. - Sa Usap Tayo, tinalakay ang sampung sikat na road trip sa Australia ayon sa Australia.com: mula sa tanawing dagat ng Great Ocean Road hanggang sa malawak na disyerto ng Nullarbor Plain.
In this episode of Trabaho, Visa, atbp., a study revealed how artificial intelligence or AI is gradually reshaping workplaces in Australia. - Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., tinalakay kung paano unti-unting binabago ng artificial intelligence o AI ang mga proseso sa trabaho sa Australia.
Being pregnant in a new country can feel overwhelming, but understanding how the system works can help ease worries. Here's what Filipino mums need to know about navigating pregnancy and maternity care in Australia. - Hindi madali ang pagbubuntis sa isang bagong bansa. Ang pag-alam sa sistema ay makakatulong. Narito ang mga dapat malaman ng mga expectant mum tungkol sa pag-navigate ng pregnancy at maternity care sa Australia.
Kapag dumating ang sweldo pero parang nauubos agad dahil sa dami ng plano at gastos, paano mo malalaman kung alin ang dapat unahin? Sa video na ito, pag-uusapan natin ang tamang pag-prioritize ng budget, mula sa bayarin, savings, hanggang sa wants, para masulit ang kita at maiwasan ang utang. Narito ang isang simple at epektibong plano para masigurong bawat piso ay nagtutulak sa'yo palapit sa iyong mga goals.
Simula Oktubre 1, maaari nang makabili ng bahay ang mga first-home buyer sa Australia na may 5% lamang na deposit. Narito ang paliwanag kung paano ito gumagana, ano ang nagbago, at bakit mainit ang usapan tungkol dito.
Kasabay ng bagong 5% First Home Buyers Deposit Scheme ng gobyerno, tinanong natin ang ating mga kababayan kung ano ang mga batayan nila sa pagpili ng suburb. Narito ang sagot ng komunidad, datos mula sa survey, at impormasyon tungkol sa bagong scheme.
Narito ang mga bagong balita at kaganapan sa Pilipinas.
Nothing New: A Remake Podcast (Threads | Instagram) is hosted by Andrew Linde (Threads | Instagram) and Justin Quizon (Threads | Instagram). Mitch Narito (Threads | Instagram) is an actor and comedian. Join our Patreon at just $1 a month to gain access to the bonus feed for episodes like this month's on Karate Kid: Legends! 00:03:21 - The Karate Kid (1984) Available on: Disney+ (Stream) YouTube (Buy/Rent) 01:31:07 - The Karate Kid (2010) Available on: FXNOW (Stream)
In our “Usap Tayo” banters, we discussed the common differences noticeable in Philippine and Australian television and radio programming. - Sa “Usap Tayo” segment, tinalakay ang mga napapansin ng mga migranteng Pinoy sa mga palabas na programa sa Pilipinas at Australia.
Have you come across the terms Protection Orders and Restraining Orders? What do they mean, and what legal process does a domestic violence victim undergo after reporting to the authorities? Here's a guide and explanation from family lawyer Atty. Jesil Cajes. - Narinig mo na ba ang terminong Protection Orders at Restraining Orders? Ano ang mga ito ano ang legal na proseso na pinagdaraanan ng isang biktima ng domestic violence matapos magsumbong sa mga awtoridad. Narito ang gabay at paliwanag mula kay family lawyer Atty. Jesil Cajes.
While internet voting promises convenience, many overseas Filipinos are still facing challenges, particularly seniors and dual citizens with outdated or missing documents. Here's a guide on how to seek assistance if you're having trouble enrolling or casting your vote online. - Umaasa ang Commission on Election (COMELEC) sa Pilipinas na mas dadami ang makakaboto sa pamamagitan ng online voting ngayong Halalan 2025, pero marami pa ring Pilipino sa abroad ang nakakaranas ng suliranin sa bagong sistema. Narito ang gabay para sa paghingi ng tulong kung nahihirapan kang mag-enrol at makaboto online.
Handa na ba ang lahat sa paparating na mid-term elections? Narito na ang latest Kan-Thoughts playlist to get you in the mood to VOTE WISELY! Tune in na sa Silly Gang Sa Gabi! Be a member on patreon.com/sillygangsagabi for early vidcast release PLUS, another week, another kwentanong! Sino nga ba itong muntik nang lumaki bilang akyat bahay gang? Haaa! Available ang EXTENDED VERSION of the VIDCAST exclusively when you become a Ka-Okra PRO or PRO MAX member! Subscribe na dahil part of your subscription goes to our chosen organization for the month of MAY ang Gawad Kalinga!Add your songs HERE!
The Family Law Act 1975 in Australia outlines how parental responsibility and support are handled. When a couple separates, it's essential for the parents to work together for the best interest of their child. Family lawyer Jesil Cajes explains the process. - Sa Australia, ang kustodiya at sustento para sa anak ay tinatalakay ng Family Law Act 1975. Kapag naghiwalay ang mag-asawa, ang mga magulang ay kailangang magtulungan upang matiyak ang kapakanan ng kanilang anak. Narito ang paliwanag ng Family lawyer na si Jesil Cajes.
Narito ang pito pang mga santo ng Simbahang Katoliko na may hindi nabubulok na katawan! Isang pambihirang tanda ng kabanalan at biyaya ng Diyos, ang kanilang mga katawan ay nananatiling buo kahit daan-daang taon na ang lumipas. Alamin ang kanilang mga kwento at himala sa video na ito.
Here is the list of the most popular baby names from five Australian states in 2024. - Narito ang listahan ng mga paboritong pangalan ng baby mula sa limang estado sa Australia noong 2024.
Paano nga ba sasagutin ang mga taklesang tanong sa family reunions ngayong Kapaskuhan?Narito ang ilang tips mula sa dating radio host na ngayon ay trauma therapist na si Gang Badoy Capati.Date recorded: December 4, 2022Puwedeng mapakinggan ang full episode dito: https://open.spotify.com/episode/7Acmz5ST3dv2NRFZLgkL7a?si=yVQbF0j_SHeMJL1h90_dMQ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Paano nga ba sasagutin ang mga taklesang tanong sa family reunions ngayong Kapaskuhan?Narito ang ilang tips mula sa dating radio host na ngayon ay trauma therapist na si Gang Badoy Capati.Date recorded: December 4, 2022Puwedeng mapakinggan ang full episode dito: https://open.spotify.com/episode/7Acmz5ST3dv2NRFZLgkL7a?si=yVQbF0j_SHeMJL1h90_dMQ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Alam niyo mga Ka-Hugot, maraming tao ang nag-iisip na kailangan nilang magkaroon ng relasyon para maging masaya. Pero hindi totoo yan! Maraming paraan para maging masaya kahit single ka. Narito ang ilang tips para sa inyo.
With people across Australia struggling to make ends meet, and inflation at a sticking point, a budget that delivers relief without driving up costs is the goal. Treasurer Jim Chalmers has spoken to SBS News ahead of his third budget night. - Habang nahihirapan sa pamumuhay ang maraming Australians at lumalala ang inflation, isang budget na maghahatid ng ginhawa ang layuning maibigay ng pamahalaan. Narito ang naging panayam ng SBS News Kay Treasurer Jim Chalmers bago ang budget night.
The Genuine Student (GS) requirement replaced the Genuine Temporary Entrant (GTE) on March 23, 2024, in response to the new guidelines for applying for a student visa in Australia. Will there be additional requirements to submit? - Pinalitan ng Genuine Student (GS) requirement ang Genuine Temporary Entrant (GTE) noong March 23, 2024 bilang tugon sa bagong panuntunan ng pag-a-apply ng student visa sa Australia. Madadagdagan ba ang mga kailangang ipasa?
As migrants, we can participate in commemorating Anzac Day in Australia through events like Dawn services and parades. Here are the details. - Bilang migrante, maari tayong makilahok sa paggunita ng Anzac Day sa Australia gaya ng Dawn services at parada. Narito ang detalye.
Here are the latest news from the Philippines: President Marcos Jr.'s visit to New Zealand, brownouts in Luzon and Visayas, heatwave in some provinces, and more. - Narito ang mga pinakabagong balita mula sa Pilipinas mula sa pagbisita ni Pangulong Marcos Jr sa New Zealand, brownout sa Luzon at Visayas, heatwave sa ilang probinsiya, at iba pa.
The recent string of unsettling news can be alarming or stressful, but experts offer advice to protect our mental well-being. - Maaring nakakabahala o nakakastress ang mga sunod sunod na balitang lumabas nitong mga nakaraang araw pero may payo ang eksperto para maprotektahan ang ating mental health.
Filipino community organisation in NT spearheaded this initiative. Here's what the booklet is all about. - Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ng Filipino community sa Northern Territory. Narito ang nilalaman at tungkol saan ang booklet.
Here are the latest news updates from the Australian Capital Territory. - Narito ang mga pinakabagong balita mula sa Australian Capital Territory.
Here are the latest news from the Philippines, including US Sec. Blinken's visit to the country, SMNI and El Niño franchise. - Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas kabilang ang pagbisita ni US Sec. Blinken sa bansa, prangkisa ng SMNI at El Niño.
Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas kabilang ang pagbyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa Germany, isyu ng South China Sea, kontrobersyal na resort sa Bohol at iba pa.
Here are the latest news highlights from the Philippines following President Bongbong Marcos's return from Australia, including tensions in the South China Sea, the impact of El Niño, and more. - Narito ang mga maiinit na balita mula sa Pilipinas mula sa pagbabalik ni Pangulong Bongbong Marcos mula Australia, tensyon sa South China Sea, epekto ng El Niño at marami pang iba.
After delivering a speech at the Australian Federal Parliament, President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. will return to the Philippines and come back to Australia on March 4-6 for the ASEAN-Australia Special Summit. Here are the anticipated events the President will attend. - Matapos ang naging talumpati sa Australian Federal Parliament, uuwi si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa Pilipinas at babalik sa Australia sa March 4-6 para sa ASEAN-Australia Special Summit. Narito ang mga inaasahang dadaluhan ng Pangulo.
Here are the latest news from the Philippines, including the issue of People's initiative on charter change, VP Sara Duterte's declaration of candidacy for the 2025 polls, and more. - Narito ang mga bagong balita mula sa Pilipinas kabilang ang isyu ng People's initiative sa charte change, pagdeklara ni VP Sara Duterte na tatakbo sa 2025 polls at iba pa.
Middle-income earners stand as the probable beneficiaries of adjustments introduced in the income tax policy, as revealed during Wednesday's Labor caucus. - Inanunsyo ng gobyerno ang mga pagbabago sa stage threet tax cuts. Narito ang mga dapat mong malaman.
This December, the government launched migration strategies and plans to be implemented in 2024. Here's what you need to know. - Nitong Disyembre ay naglunsad ang pamahalaan ng mga migration strategy at planong ipatupad ngayong 2024. Narito ang mga dapat mong malaman.
Find out the details about the expected increase in the price of the Australian passport and when it will take effect. - Alamin ang detalye kung magkaano aabutin ang pagtaas ng presyo ng Australian passport at kailan ito magiging epektibo.
Maraming nakababahalang detalye, mga larawan, at mga video ang lumalabas mula sa Israel at Gaza sa ngayon. Narito ang mga magagawa mo para alagaan ang iyong mental health.
Ang rehimen ng mga Marcos ay isang kakaibang panahon. Hindi lang sa usapang politiko-sosyal, maging sa usapang kababalaghan at misteryo. Narito ang Part 2 ng Marcos Mysteries tungkol sa San Juanico Bridge.Listen for free via: http://sptfy.com/PhilippineCampfireStoriesLike, Follow and Join us in our social media channels!Email Address: campfirestoriesph@gmail.comFacebook:https://www.facebook.com/campfirestoriesphTwitter: https://twitter.com/campfirestoryphInstagram: https://www.instagram.com/campfirestoriesph/You can send over your support thru the following platforms:via Kofi http://ko-fi.com/philippinecampfirestoriesvia Patreon http://patreon.com/campfirestoriesphvia GCash +639477784678via Paypal earlm.work@gmail.comAudio Production by Podmachine#podcastph #philippinecampfirestories #conspiracytheoriesAng kuwentong ito sa Philippine Campfire Stories ay may mga usaping maaring sensitibo sa ilang makikinig. Hinihikayat ang lahat ng makinig ng may bukas na pag-iisip lalo na ang mga mas bata sa gulang na labing tatlo (13 y.o). Ang Santelmo Society ay koleksyon ng mga kwento mula sa mga taga-pakinig at piling kakilala ng may lathala. Hindi maaring i-reproduce ang mga kwento sa episode na ito, sa kahit anong paraan ng walang pahintulot ng may lathala.Support this show http://supporter.acast.com/philippine-campfire-stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.