POPULARITY
The Allan Sobrevega story - Part 4Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 3Muling binisita si Allan ng kaniyang ama sa pag-aakalang maaayos pa ang kanilang relasyon. Subalit imbis na matuwa, poot ang naramdaman ni Allan.Mas lalo ring sinira ni Allan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng droga at mga bisyo. Ilang beses din siyang napaalis sa kolehiyo at huminto sa pag-aaral.Sa gitna ng magulong buhay na nararanasan ni Allan, saan nga ba niya matatagpuan ang bagong pag-asa?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Allan Sobrevega story - Part 2Nang magkaroon ng pagkakataon na makalaya sa puder ng ama, winasak naman ni Allan ang kaniyang buhay sa pagbibisyo tulad ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Humantong na rin siya sa puntong nais na niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matapos na ang paghihirap na kaniyang dinaranas. Subalit, patuloy pa rin siyang nakaligtas sa panganib. Saan pa dadalhin si Allan ng galit sa kaniyang puso? Makalaya pa nga ba siya mula dito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Vernon Onrubia StoryDahil sa kasabikan na maranasan ang pagmamahal ng magulang, hinanap ni Vernon ang pupuno sa kaniyang puso sa pamamagitan ng barkada. Subalit nagkamali si Vernon sa desisyon na kaniyang ginawa. Napariwara ang kaniyang buhay dahil sa droga at pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Nina Recio Story - Part 3Nakulong ang kinakasama ni Niña dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Subalit imbis na lumayo, nahikayat din siya na makisama at ‘di nagtagal ay gumamit na rin ng ipinagbabawal na gamot. Mas lalo ring lumala ang kanilang mga alitan hanggang sa panibagong sikreto ang nabunyag kay Niña? Ano nga ba ito? May pag-asa pa nga bang maayos ang relasyon nila ng kinakasama?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Nina Recio Story - Part 2Malaking pagsubok para kay Niña na itaguyod ang dalawang anak simula nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Nahirapan din siyang makahanap ng trabaho dahil hindi siya tapos ng pag-aaral. Naging mailap din siya sa pakikipagrelasyon sa kadahilanang takot siyang masaktang muli. Subalit nang makakilala siya ng isang lalaki, muli siyang nabighani kung paano siya tratuhin at pangakuan ng maayos na buhay. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Nina Recio Story - Part 1Lumaki sa masaganang pamilya si Niña. Nabibigay ng kaniyang mga magulang ang lahat ng kaniyang hilig dahilan upang siya ay lumaki sa layaw. Hindi nagtagal, napariwara si Niña at maagang namulat sa mga bisyo. Sumabay pa rito nang maaga siyang magkaroon ng anak. Subalit, isang rebelasyon ang nabunyag kay Niña sa gitna ng hindi pagkakaunawaan niya at kaniyang nobyo. Ano ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Rose Coloma Story - Part 3Laking pasasalamat ni Rose nang maka-recover ang kaniyang anak sa pagkakaroon ng global development delay. Dito, ay mas nakita niya ang kapangyarihan ng pagtitiwala sa Panginoon.Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang problemang kinakaharap ni Rose at kaniyang asawa. Patuloy pa nga bang kakapit si Rose sa Panginoon? O tuluyan na siyang lunurin ng problema?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Nida Solo StoryNagtapos ng kursong midwifery si Nida at nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Libya. Sa panahon ng kaniyang pagta-trabaho, may isa siyang kaibigan na masipag na ipakilala sa kaniya si Hesus. Subalit dahil sa kalayaan na natatamo sa buhay, binalewala ito ni Nida. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Philip Quinto Story Patapon na kung maituturing ang naging buhay ni Philip dahil sa kabi-kabilang kasalanan na kaniyang nagawa. Nalulong siya sa iba't-ibang bisyo at nagkaroon ng maraming karelasyon. Dahil sa kawalan ng pag-asa na mararanasan pa ang maayos na buhay, inisip na niya ang magpakamatay. Subalit iba ang plano ng Diyos para kay Philip. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Mary Joy Dacasin Story - Part 3Inakala ni Mary Joy na tapos na ang pagluluksa mula sa dalawang kapatid na pumanaw. Subalit, hindi pa man nakakahinga mula sa trahdeyang naranasan, panibagong pagsubok ang kanilang hinarap ng maaksidente ang kaniyang ama. Paano nga ba siya bumangon sa madilim na sitwasyon ng kaniyang buhay? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Mary Joy Dacasin Story - Part 1Bagama't salat sa buhay ang pamilya ni Joy, mayaman naman ang kanilang tahanan sa pagmamahal. Malapit siya sa kaniyang mga kapatid maging sa kanilang mga magulang. Subalit, dahil sa isang trahedya, nabalot ng lungkot ang dating masayang tahanan. Ano nga ba ang nangyari? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The RC Paraso Story - Part 2Sumubok si RC na magsumbong sa kaniyang ina tungkol sa pang-aabuso ng kaniyang stepfather. Subalit hindi siya pinaniwalaan nito. Labis ang naramdaman na lungkot at sakit ni RC kaya binaling na lang niya ang atensyon sa barkada at iba't-ibang bisyo. Ito ang kaniyng ginawang daan upang makalaya sa sakit na pinagdaraanan. Saan mahahanap ni RC ang tulong patungo sa pagbabago? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jouieanne Fajardo Story - Part 1Maagang pumanaw ang ina ni Jouieanne dahil sa sakit na breast cancer at bilang OFW, malayo din sa kanilang piling ang kaniyang ama. Kaya naman ang kaniyang lola na ang tumayo niyang magulang at naging gabay niya rin sa buhay ang iba pa nilang kamag-anak. Subalit, isang pangyayari ang nagbigay ng takot at galit kay Jouieanne dahilan upang lumayo ang kaniyang loob. Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Jonathan and Pia Rapusas StoryMatagal nang ipinagdarasal ng mag-asawang Jonathan at Pia ang magkaroon ng anak. Subalit bigo sila dahil sa pagkakaroon ni Pia ng PCOS. Labis ang lungkot na nadama ng mag-asawa dahil sa halos isang dekadang paghihintay. Sa kawalan ng pag-asa, paano pinaranas ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig at kapayapaan sa mag-asawa? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Mark David Cerezo StoryDahil sa pagiging malikhain ni Mark, marami siyang ninais na gawin sa pamamagitan ng mga patapong bagay. Mula sa mga plastic, bote, hanggang mga goma, ginamit ito ni Mark upang simulang buuin ang mga robot na kaniyang iniidolo. Subalit katulad ng ibang nangagarap, marami ring humuhusga sa mga pangarap ni Mark. Maapektuhan nga ba siya nito? O mas lalong tatatag ang kaniyang loob? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Daymeer Baetiong story - Part 3Sa pag-aakalang wala nang katapusan ang paghihirap na pinagdaraanan ni Daymeer, halos anim na beses siyang nagtangkang magpakamatay. Subalit sa pang-pitong pagkakataon, nagkaroon ng ibang pakiramdam si Daymeer. Ito na nga ba ang magiging daan patungo sa kaniyang ninanais na pagbabago? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Joebert and Vangie Maningo story - Part 1Isa sa mga hiling ng mga bagong mag-asawa ang magkaroon ng anak. Ito rin ang dalangin ng mag-asawang Joebert at Vangie sa Panginoon. Hindi naman sila binigo ng Panginoon at nagkaroon ng supling. Subalit, matapos nito, humarap naman sila sa matinding pagsubok? Ano nga ba ito? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Shiela Cantos Story - Part 4Habang tumatagal ay mas lumalala ang magulong pagsasama ni Sheila at kaniyang asawa. Naisipan na rin niyang tapusin ang kaniyang buhay para lamang malampasan ang kalbaryong kinakaharap. Subalit, parati rin itong napipigilan. Hanggang saan nga ba kayang kumapit ni Sheila upang maitaguyod ang pamilyang sinimulan? May pag-asa pa nga bang magbagong buhay ang kaniyang asawa? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Loribel Bontilao Story - Episode 4Laking pasasalamat ni Loribel nang matapos na ang gyera sa Marawi. Subalit, hindi doon natapos ang misyon ni Loribel. Muli siyang tinawag ng Panginoon na bumalik sa kanilang lugar upang ipagpatuloy ang kaniyang nais na maging isang doctor. Laking pangamba naman ni Loribel kung saan siya kukuha ng kaniyang panggastos sa pag-aaral. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Loribel Bontilao Story - Episode 3Matapos ang sunod-sunod na pagpapalang natatanggap ni Loribel, panibagong pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Nakaranas siya ng isang matinding sakit, dahilan upang makaramdam siya ng takot at pangamba. Subalit, isang araw ay nangusap sa kaniya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Ano nga kaya ito? Sumunod nga ba si Loribel sa kabila ng pagsubok na kinakaharap? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Boy Manlapaz Story - Part 5Ilang beses naglabas-pasok sa kulungan si Boy at nasampahan ng iba't-ibang kaso. Subalit, sino ang mag-aakala na magkakaroon pa siya ng maayos na buhay? Sino ang tumulong sa kaniya upang magsimulang muli? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Boy Manlapaz Story - Part 4Dala ng kahirapan, hinikayat si Boy ng kaniyang asawa na bumalik sa masamang gawain. Subalit patuloy na tumatanggi si Boy dahil sa pangungusap ng Panginoon sa kaniya. Hanggang sa patuloy na sinubok si Boy at ang kaniyang pamilya sa kanilang pangangailangan sa pera. Muli nga bang matutuksong bumalik si Boy sa masamang gawain?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Boy Manlapaz Story - Part 2Imbes na maging matino, mas lalong lumala ang kasalanang ginagawa ni Boy sa kaniyang buhay. Natuto siyang pumatay sa edad na 19 at napabilang sa mga most wanted person sa kanilang lugar. Subalit, ano nga bang dahilan kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon si Boy? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Lynn Monsanto Story - Part 4Laking pasalamat ni Lynn sa Panginoon nang tulungan siyang malampasan ang kaniyang karamdaman. Subalit, hindi pa rin doon natatapos ang pagsubok sa kaniya ng kaaway. Panibagong problema ang kinaharap ni Lynn nang masangkot ang isa pa niyang anak sa aksidente. Ito na nga ba ang magpapasuko kay Lynn? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Hazel Anne Zaragosa Story - Part 2Bagama't naging magulo ang nakaraan ni Hazel, ninais pa rin niya na magkaroon ng maayos na pamilya sa piling ng kaniyang nobyo. Subalit nang tumagal ang pagsasama ng magkasintahan, nasubok din ang kanilang relasyon. Masosolusyunan nga ba ito nila Hazel o matutulad na lang din sila sa pamilya na kaniyang kinagisnan? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Mernalyn Bautista StoryNapuno ng galit ang puso ni Mernalyn dahil sa hindi magandang pagtrato sa kaniya ng kaniyang asawa. Lulong sa alak, paninigarilyo, at pambabae, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nagdesisyon na siyang hiwalayan ito. Subalit ang galit sa asawa ay naipasa sa kaniyang anak na nakaranas ng kalupitan sa kamay ni Mernalyn. Makalaya pa nga ba si Mernalyn sa galit?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Czarinah & Camille Story - Part 2Laking pasalamat pa rin ni Brenda nang dumating ang panganay na anak na si Czarina sa kanilang buhay. Hindi nagtagal, pinagpala silang muli ng isa pang anak. Subalit, kagaya ni Czarinah, mayroon ding kapansanan ang nakababatang kapatid. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Czarinah & Camille Story - Part 1Hindi maipaliwanag ni Brenda at Alvin ang saya na nadarama nang malaman na magkakaroon na sila ng anak. Labis ang pag-iingat ni Brenda upang makasiguro na ligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Subalit, nang dumating na ang kanilang anak, laking gulat ng mag-asawa na mayroon itong kapansanan. Ano nga ba ang kondisyon ng anak ni Brenda?Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Leo and Kath Story - Part 4Simula ng maranasan ni Leo at Kath ang pag-ibig ng Diyos, nagbago ang takbo ng kanilang buhay at nagkaroon ng kapatawaran sa kanilang mga puso. Subalit, ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga taong nakapligid sa kanila ngayong may pagbabago na sa kanilang buhay? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
The Minda Macaso Story - Part 3Nagsunod-sunod ang mga oportunidad na nagbukas para kay Minda. Naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay at naging maayos ang kita sa trabaho. Subalit ang naging kapalit naman nito ay ang kawalan ng oras sa kaniyang asawa. Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21:15-19 Nag pahayag si Hesus sa Kanyang mga Alagad: Nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo'y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ni Hesus si Pedro ng makaikatlong beses kung iniibig Siya ni Pedro. Narinig natin na ang pagtatanong ng Panginoong Hesus ay may progreso. Sa una, winika Niya na pakanin ni Pedro ang Kanyang maliliit na tupa, na sa aking personal na pagkaunawa ay yaong mga bata at balo. Ang ikalawa at ikatlo ay winika ng Panginoong Hesus na pakanin ang malalaking tupa na maaaring yaong mga naunang taga sunod ni Hesus. Subalit sa pangkalahatan, ang maliliit na tinutukoy ay yaong mga sumasampalataya at nanalig sa ating Panginoong Hesus. Mga kapanalig, ipinapakita lamang sa pagbasa na kay Pedro ipapaubaya ni Hesus ang pangangalaga ng Simbahang itinatag Niya. Bilang kauna-unahang Santo Papa, ipinagkatiwala kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Napakalaki ng responsabilidad ng mga sumunod sa kanya, na ngayon ay sa katauhan ni Santo Papa Francisco. Ipanalangin natin siya at ang mga obispo, pari, diyakono na mga lingkod ng ating Simbahan. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Ang ilan sa mga lalaki ay hindi nagugustuhan ang mga babae na may buhok sa kilikili. Ito ay dahil sa kanilang personal na preference sa hygiene at pag-aalaga. Subalit, ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo, kundi sa kanyang mga katangian at pagkatao. Sa Bibliya, itinuturo na ang tunay na kagandahan ay nanggagaling sa puso at hindi lamang sa panlabas na anyo. --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/hugot-radio/message
Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 10:22-30 Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. “Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Mahirap pong pagsabihan ang mga taong mas marunong pa sayo. Kadalasan nga ay nagmamarunong lang naman talaga. Mahirap ding kumbinsihin ang taong papilit pa. Yun bang wala naman talaga siyang intension maniwala. Gusto lang ng bangayan. Mga kapanalig, ganun po ang nangyari kay Hesus at sa mga Judio sa ating mabuting balita. Marahil sila man ay naguguluhan na din kung sino ba itong si Hesus? Kinikilala namin ang kanyang mabuting gawa, pero ang kanyang pagkatao o pagka-Diyos hindi namin kikilalanin… Kung kilala mo ang iyong sarili, hindi mo na kailangang ipagpilitan pa ito sa iba. Hayaan mong ang iyong salita at gawa ang magbunyag ng iyong pagkakakilanlan. Tulad ng ating Panginoong Hesus, magkaroon din nawa tayo ng malinaw na pananaw sa sarili, paninindigan, upang tayo rin maipahayag na Siya'y ating tunay na Diyos. Manalangin tayo: Panginoon, bigyan Mo po ako ng kababaang-loob na makilala ang aking sarili. Maging bukas nawa ako sa iyong grasya ng paghilom. Tulungan Mo po akong baguhin ang pag-uugali kong taliwas sa'yong mahal na kalooban, Amen.
In today's modern era, everyone is busy pursuing their own individual success. However, there are indeed people or groups who think beyond themselves and can be considered heroes for individuals who are often overlooked by society. Because they provide assistance and support to help improve and change the course of their lives, just like Welcome Merchant. - Sa makabagong panahon ngayon, abala ang lahat sa paghahanap-buhay para sa sariling kapakanan. Subalit, mayroon talagang mga tao o grupo na hindi lang sarili ang iniisip dahil maituturing na bayani sila para sa mga indibidwal na halus hindi pinapansin ng lipunan. Dahil nagbibigay sila ng tulong at suporta para umunlad at maiba ang takbo ng kanilang buhay, tulad ng Welcome Merchant.
Ang pinaka mainam na paraan sa pagkakaroon ng pagbabago sa mundo ay kung sa atin mismo magmumula ang pagbabago! Subalit paano natin pangungunahan ang pagbabago sa mundo kung pakiramdam nating wala naman tayong sapat na impluwensya? Panoorin at tuklasin natin sa video na ito kung paano tayo makakaapekto sa mundong ito at maging tagapagbago! Tutukan ang katotohanan ng ating panahonsa loob lamang ng 30 minuto! Maaari niyo ring panoorin itong mga nasa links para sa karagdagang panonood ng Run Through: Praise and Worship: https://go.ccf.org.ph/praiseandworship Sunday Fast Track: https://youtu.be/YmTTS7KYnps Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: Changemakers
Lumipat si Edge sa Bicol upang doon mag-aral ng kolehiyo, dahilan upang siya ang magsilbing 'caretaker' pansamantala ng lumang bahay ng kanilang pamilya. Subalit hindi umano niya matagalan ang halos araw-araw na paggambala sa kanya ng mga 'nilalang' na tila mas nauna pa pala sa kanyang lumipat. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Ibabahagi ni May, hindi tunay na pangalan, ang kanyang personal na karanasan sa inaakalang bagong tahanan na makapagdudulot sa kanilang pamilya ng bagong simula. Subalit bagong karanasan ng katatakutan pala ang maihahatid nito sa kanila - lilipat ba silang muli o sa bahay na may mga ligaw na espiritu pa rin mananatili? *** DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Choosing the right heating system for your home becomes easier when you know the offerings available. And if you cannot change what is already installed, there are ways to upgrade on energy and cost efficiency. - Ang pagpili ng tamang heating system para sa bahay ay nagiging mas madali kapag alam mo ang mga inaalok na maaaring gamitin. Subalit, kapag hindi mo mabago ang matagal ng naka-install may paraan para mag-upgrade sa mas epektibo at murang heating system ngayong taglamig.
Lahat ng makikitang kagamitan sa shop ng mga Clariano ay authentic at masasabing 'hard-earned treasures' na ng kanilang angkan kung kaya't aabot sa milyon ang halaga ng mga ito. Halos lahat ng kagamitan tulad ng mesa, upuan, painting at marami pang iba ay makikita sa palibot nito. Naengganyo tuloy si Victor na dito na bilhin ang violin ng kanyang anak na si Rebecca bilang kapalit ng nasira nitong instrumento - isa ang dalaga sa mga napiling mag-perform sa Violin Concierto sa Manila sa susunod na linggo. Subalit may hindi magandang pakiramdam si Diana (asawa ni Victor) nang makita't mahawakan ang mga antigong kagamitan. Pakinggan sa kwentong ito. *** DISCLAIMER: This podcast episode is based on or is inspired by true events. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this podcast are either the product of the podcast creators' imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental." --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Research shows that many Australians underestimate the importance of having a will. But experts argue that planning for your loved ones' future should be a priority regardless of age, socioeconomic status, and ethnicity. So, what is a will, who should have one, and what should it include? - Lumabas sa isang pag-aaral na karamihan sa mga Australians ay minamaliit ang kahalagahan ng paggawa ng will and testament o habilin. Subalit, payo ng mga eksperto dapat prioridad ang pagpaplano para sa mga mahal sa buhay. Pero ano nga ba ang will, sino ang dapat gumawa at ano ang nakapaloob dito?
Naghain ang bagong pederal na gobyerno sa Fair Work Commission para taasan ang kada oras na sahod ng mga minimum wage earners. Subalit mga Pinoy nanawagang taasan ang sahod ng lahat ng manggagawa dala ng epekto ng COVID at pagtaas ng inflation rate.
Selecting a high school can be unexpectedly stressful for both parents and children. By keeping a few key things in mind, families can make their way through the maze of information to find what best suits their child and their circumstances. - Pahirapan para sa mga magulang at mismong mga estudyante ang pagpili ng papasukang high school sa Australia. Subalit, ang pagbibigay halaga sa mga imporanteng bagay sa buhay ay makakatulong para makahanap ng angkop at tamang eskwelahan ayon sa pangangailangan at kalagayan ng estudyante.
Kahit napakahabang byahe ang ginugol ni Enzo ay pinilit pa rin niyang makarating upang makasama sa gimik nila ng barkada. Hindi niya alam kung bakit sa liblib na lugar na iyon napagkasunduan ng tropa na mag-resort pero para sa kanya ay ayos lang upang makalayo sa ingay ng Maynila. Subalit, sa kanyang daan patungo sana sa resort, hindi niya inaasahan ang pag-atake ng mga aswang. Ang kwentong ito ay inihango sa isang tunay na 'aswang encounter' sa Visayas. *** DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Isang sakristan si Benedict sa maliit na kapilya sa kanilang lugar. Sa katunayan, naging gawi na niya ang mag-serve sa kapilya kahit hindi niya schedule. Subalit, may isang bagay siyang natuklasan kung kaya't tila nawalan siya ng gana - hindi lamang kasi pangkaraniwan ang rason kundi nakaka-hilakbot. Nagsimula ang lahat nang halos kada linggo ay may nakikitang mga bangkay sa ilog ng kanilang barangay. May kaugnayan kaya ang lahat ng ito sa kanyang natuklasan? --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Gasgas na sa mga kwentong bayan, lalo na sa mga BPO companies ang ngalan ni Junjun na diumano'y multo ng isang bata na palaging nagpaparamdam sa mga call center agent. Subalit hindi lamang pala si Junjun ang nananahan sa mga opisinang ito sapagkat marami pa palang ligaw na mga kaluluwa ang doo'y naghihintay lang na makawala. Pakinggan sa tampok na tatlong kwentong kababalaghan sa Call Center na ibinahagi sa sindakstories2008@gmail.com mula sa ating mga tigapakinig. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
The federal government is pushing its credentials in job creation, infrastructure spending, and easing cost of living pressures ahead of the federal budget. But, the opposition says it's just an attempt to distract voters by spending lots of money just before the federal election. - Ibinida ng pederal na gobyerno ang pundo para sa pagbibigay ng maraming trabaho, at imprastraktura para mapagaaan ng pamumuhay ng mga Australians. Subalit duda ng mga taga-oposisyon, pang-akit lang ang malaking na ito para makakuha ng boto ngayong nalalapit na ang pederal na eleksyon.
Australia has one of the highest pet ownership rates in the world, with approximately 61% of households owning a pet. Yet, thousands of pets go into shelters or are rescued every year. - Ang Australia ay tinaguriang isa sa may pinakamataas na pet ownership rates sa buong mundo. Umaabot sa 61 % ng mga bahay ay may inaalagaang hayop. Subalit, libu-libong mga hayop ang dinadala sa mga bahay kanlungan o mga nailigtas na hayop bawat taon.
Isang matanda ang lumapit kay Felix at pinilit siya nitong bentahan ng rebultong hawak ng una. Naawa naman si Felix kaya hindi na siya nagdalawang-isip na bilhin ito. Bukod pa doon ang rason ng matanda na kailangan nito ng perang pambili ng gamot ng kanyang apo. Subalit hindi pa nakakatagal sa pagkaka-display ang rebulto, tila hindi maganda ang idinulot nito sa tahanan nina Felix makaraang mapansin nito na pinupupog ng mga nakakadiring insekto ang mismong rebulto. Anong misteryo ang bumabalot rito? --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message
Nasa isang cruise ship ang bagong kasal na sina Grace at Jigs para sa kanilang 'honeymoon' Subalit magugulantang ang lahat makaraang misteryosong isa-isang nawala ang kapwa nila pasahero. Ano ang nangyari sa kanila? May magagawa kaya ang mag-asawa para pigilan ang kababalaghang ito? --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hilakbot-tv/message