Hi everyone, this is your Bible Buddy, Myla Cunanan. Welcome to Kape at Kapitulo- A Tagalog Bible Reading. Tara nang magkape habang nakikinig sa mga Salita ng Diyos.
Dalangin ng Pagtitiwala 31 Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. 2 Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. 3 Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan. 4 Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. 5 Ipinauubaya ko sa inyo ang aking sarili. Iligtas nʼyo ako, Panginoon, dahil kayo ang Dios na maaasahan. 6 Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga dios-diosan na walang kabuluhan, dahil sa inyo ako nagtitiwala. 7 Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig, dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa, at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan. 8 Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway, sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan. 9 Panginoon, kahabagan nʼyo po ako, dahil akoʼy labis nang nahihirapan. Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak, at nanghihina na ako. 10 Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian; umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan. Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan, at parang nadudurog na ang aking mga buto. 11 Kinukutya ako ng aking mga kaaway, at hinahamak ng aking mga kapitbahay. Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan; kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan. 12 Para akong patay na kanilang kinalimutan, at parang basag na sisidlan na wala nang halaga. 13 Marami akong naririnig na banta laban sa akin. Natatakot akong pumunta kahit saan, dahil plano nilang patayin ako. 14 Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon. Sinasabi kong, “Kayo ang aking Dios!” 15 Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin. 16 Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod. Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako. 17 Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya, dahil sa inyo ako tumatawag. Ang masasama sana ang mapahiya at manahimik doon sa libingan. 18 Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid. 19 O kay dakila ng inyong kabutihan; sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan. Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan. 20 Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga. At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba. 21 Purihin ang Panginoon, dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin noong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan. 22 Doon akoʼy natakot at nasabi ko, “Binalewala na ako ng Panginoon.” Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan. 23 O, kayong tapat niyang mga mamamayan, mahalin ninyo ang Panginoon. Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya, ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas. 24 Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Dalangin ng Pagpapasalamat 30 Panginoon, pupurihin ko kayo, dahil iniligtas nʼyo ako. Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway. 2 Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako. 3 Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. 4 Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. 5 Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. 6 Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” 7 Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. 8 Tumawag ako sa inyo, Panginoon, at nanalangin ng ganito: 9 “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? 10 Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” 11 Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, 12 para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Makapangyarihang Tinig ng Panginoon 29 Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios.[a] Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. 2 Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya. 3 Ang tinig ng Panginoong Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. 4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang. 5 Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon. 6 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon[b], na parang bisirong baka na tumatalon-talon. 7 Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat. 8 Ang tinig din ng Panginoon ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kadesh. 9 Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,[c] at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa templo ay sumisigaw, “Ang Dios ay makapangyarihan!” 10 Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. 11 Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan. Footnotes 29:1 kayong mga anak ng makapangyarihang Dios: Sa ibang salin ng Biblia, kayong mga nilalang sa kalangitan. 29:6 Hermon: sa Hebreo, Sirion. 29:9 napapagalaw ang mga puno ng ensina: sa literal, napapaanak ang mga usa. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin ng Paghingi ng Tulong 28 Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Bato na kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan. 2 Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo. 3 Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. 4 Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa. 5 Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali, gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli. 6 Purihin kayo, Panginoon, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo. 7 Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat. 8 Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang. 9 Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo. Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila, at kalungin magpakailanman. Footnotes Psalm 28:2 Hebrew your innermost sanctuary Psalm 28:8 Some Hebrew manuscripts, Septuagint, Syriac; most Hebrew manuscripts is their strength --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin ng Pagtitiwala 27 Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. 2 Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo! 3 Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios. 4 Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay. 5 Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar. 6 Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin. Maghahandog ako sa templo ng Panginoon habang sumisigaw sa kagalakan, umaawit at nagpupuri. 7 Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin. 8 Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo. 9 Huwag nʼyo po akong pagtaguan! Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit. Kayo na laging tumutulong sa akin, huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan, O Dios na aking Tagapagligtas. 10 Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin. 11 Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko. Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan, dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama. 12 Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway, dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan, at nais nilang akoʼy saktan. 13 Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo. 14 Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon! Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Panalangin ng Taong Matuwid 26 Patunayan nʼyo, Panginoon, na akoʼy walang kasalanan, dahil akoʼy namumuhay nang matuwid, at nagtitiwala sa inyo ng walang pag-aalinlangan. 2 Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan, 3 dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal, at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan. 4 Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap. 5 Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao, at hindi ako nakikisama sa kanila. 6-7 Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan. Pagkatapos, pumupunta[a] ako sa pinaghahandugan ng hayop at ibaʼt ibang ani upang sumamba sa inyo, O Panginoon, na umaawit ng papuriʼt pasasalamat. Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa. 8 Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan, na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian. 9-10 Huwag nʼyo po akong parusahang kasama ng mga makasalanan, gaya ng mga mamamatay-tao. Palagi silang handang gumawa ng masama, at nanghihingi ng suhol. 11 Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid, kaya iligtas nʼyo ako at inyong kahabagan. 12 Ngayon, ligtas na ako sa panganib,[b] kaya pupurihin ko kayo, Panginoon, sa gitna ng inyong mamamayang nagtitipon-tipon. Footnotes 26:6-7 pumupunta: sa Hebreo, iikot. 26:12 ligtas … panganib: sa literal, akoʼy nakatayo sa patag na lugar. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Dalangin para Ingatan at Patnubayan 25 1-2 Panginoon kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. 3 Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor. 4 Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. 5 Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan. 6 Panginoon, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig, na inyong ipinakita mula pa noong una. 7 Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata. 8 Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan. 9 Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan. 10 Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan. 11 Panginoon, alang-alang sa inyong kabutihan,[a] patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan. 12 Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. 13 Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. 14 Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. 15 Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan. 16 Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap. 17 Lalong dumarami ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo ako sa aking mga kalungkutan. 18 Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan. 19 Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway na galit na galit sa akin. 20 Iligtas nʼyo ako, Panginoon! At ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako. 21 Dahil namumuhay ako nang matuwid at walang kapintasan, at umaasa sa inyo, nawaʼy maging ligtas ako. 22 O Dios, iligtas nʼyo po ang Israel sa lahat ng kaguluhan. Footnotes 25:11 inyong kabutihan: sa literal, inyong pangalan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Dios ang Dakilang Hari 24 Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. 2 Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. 3 Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? 4 Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. 5 Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas. 6 Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob. 7 Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! 8 Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban. 9 Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! 10 Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan. Tunay nga siyang Haring makapangyarihan! Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Panginoon ay Tulad ng Isang Pastol 23 Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. 2 Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. 3 Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. 4 Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo[a] ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban. 5 Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman. 6 Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay. At titira[b] ako sa bahay nʼyo,[c] Panginoon, magpakailanman. Footnotes 23:4 pamalo: ginagamit ng pastol para itaboy ang mga mababangis na hayop. 23:6 titira: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik. 23:6 sa bahay nʼyo: Maaaring ang ibig sabihin, sa templo, o, sa tahanan ng Dios sa langit. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panawagan sa Diyos para Tulungan --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Pagpupuri sa Pagtatagumpay 21 Panginoon, sobrang galak ng hari dahil binigyan nʼyo siya ng kalakasan. Siyaʼy tuwang-tuwa dahil binigyan nʼyo siya ng tagumpay. 2 Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan. 3 Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto. 4 Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya, at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay. 5 Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya, naging tanyag siya at makapangyarihan. 6-7 Dahil nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon, pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan, at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling. At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Dios, hindi siya mabubuwal. 8 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway. 9 At kapag kayo ay dumating Panginoon, lilipulin nʼyo sila. Dahil sa galit nʼyo, tutupukin sila na parang dayami sa naglalagablab na apoy. 10 Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan, upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahing masama. 11 Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo, ngunit hindi sila magtatagumpay. 12 Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana. 13 Panginoon, pinupuri namin kayo dahil sa inyong kalakasan. Aawit kami ng mga papuri dahil sa inyong kapangyarihan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Kadakilaan ng Salita ng Dios 19 Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. 2 Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. 3 Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, 4 ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan. 5 Tuwing umagaʼy sumisikat ang araw, na parang lalaking bagong kasal na lumalabas sa bahay nila nang may galak. O katulad din ng isang manlalarong kampeon sa takbuhan, na nasasabik na tumakbo. 6 Itoʼy sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran. At ang kanyang init, hindi mapagtataguan. Ang Kautusan ng Panginoon 7 Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman. 8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay liwanag sa kaisipan. 9 Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos niya ay matuwid at makatarungan. 10 Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. 11 Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. 12 Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. 13 Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. 14 Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Awit ng Tagumpay ni David --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Dalangin ng Taong Matuwid 17 O Panginoon, pakinggan nʼyo ang taimtim kong dalangin. Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan. 2 Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid, kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan. 3 Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama 4 gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan. 5 Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan, at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man. 6 O Dios sa inyo akoʼy dumadalangin, dahil alam kong akoʼy inyong diringgin. Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling. 7 Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa. Alam ko, sa inyong kapangyarihan, inyong inililigtas ang mga taong nanganganlong sa inyo mula sa kanilang mga kaaway. 8 Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata, at kalingain nʼyo gaya ng pagtatakip ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak. 9 Ipagtanggol nʼyo po ako sa aking mga kaaway na nakapaligid sa akin at pinagtatangkaan ang aking buhay. 10 Silaʼy mayayabang sa kanilang pagsasalita at mga walang awa. 11 Akoʼy hinanap nila at ngayoʼy kanilang napapaligiran. Naghihintay na lamang sila ng pagkakataong itumba ako. 12 Para silang mga leon na kumukubli at nag-aabang, at nakahandang sumakmal ng mga biktima. 13 Sige na po Panginoon, labanan nʼyo na at talunin sila. At iligtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. 14 Iligtas nʼyo ako sa mga makamundong tao na ang gusto lamang ay ang mga bagay ng sanlibutan. Kaming mga minamahal nʼyo ay biyayaan nʼyo ng kasaganaan, pati ang aming mga anak, hanggang sa aming kaapu-apuhan. 15 Dahil akoʼy matuwid, makikita ko kayo. At sapat na sa akin ang makita ka sa aking paggising. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin ng Pagtitiwala sa Dios 1 O Dios, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong. 2 Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo. 3 Tungkol sa inyong mga taong banal na nasa lupain ng Israel, lubos ko silang kinalulugdan. 4 Ngunit ang mga sumusunod sa mga dios-diosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasama sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga dios-diosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito. 5 Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. 6 Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang malawak na taniman, kahanga-hangang tunay. Tunay na napakaganda ng kaloob na ibinigay nʼyo sa akin. 7 Pupurihin ko kayo, Panginoon, na sa akin ay nagpapayo. At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi. 8 Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. 9 Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako. 10 Sapagkat hindi nʼyo pababayaan na ang aking kaluluwa ay mapunta sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat nʼyong lingkod. 11 Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Nais ng Dios sa mga Sumasamba sa Kanya 1 Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? 2 Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan, 3 hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa. 4 Itinatakwil ang mga taong sobrang sama, ngunit pinararangalan ang mga taong may takot sa Dios. Tinutupad ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin. 5 Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang, at hindi tumatanggap ng suhol upang sumaksi laban sa taong walang kasalanan.” Ang taong gumagawa ng ganito ay hindi matitinag kailanman. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Kasamaan ng Tao 1 “Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. 2 Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. 3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti. 4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Panginoon. 5 Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot, dahil kakampihan ng Dios ang mga matuwid. 6 Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila. 7 Dumating na sana ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin para Tulungan 1 Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin? 2 Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko? Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan. Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway? 3 Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay 4 at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako. 5 Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako. 6 Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin para Tulungan ng Dios 1 Panginoon, tulungan nʼyo po kami, dahil wala nang makadios, at wala na ring may paninindigan. 2 Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba. 3 Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola. 4 Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.” 5 Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.” 6 Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon. 7 Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman. 8 Pinalibutan nila kami, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawain. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Pagtitiwala sa Panginoon 1 Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan. O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin, “Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.[a] 2 Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana, para panain nang palihim ang mga matuwid. 3 Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?” 4 Ang Panginoon ay nasa kanyang templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao. 5 Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama. At siyaʼy napopoot sa malulupit. 6 Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasama; at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila. 7 Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.[b] Footnotes 11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok. 11:7 makakalapit sa kanya: sa literal, makakakita sa mukha niya. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Di kailanman pinababayaan ng Diyos ang mga nagpapakupkop at nagpapasakop sa Kanya. Panalangin upang Tulungan 1 Panginoon, bakit parang kay layo nʼyo sa akin? Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin? 2 Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano. 3 Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon. 4 Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, binabalewala nila ang Dios, at ayaw nila siyang lapitan. 5 Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan. Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway. 6 Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema. 7 Silaʼy lapastangan kapag nagsalita, sinungaling at mapagbanta, at sila na rin ang nagsasabi ng masasakit at masasamang salita. 8 Sa liblib na mga lugar silaʼy nagtatago, at nag-aabang sa mga inosente na kanilang papatayin. 9 Naghihintay silang nakakubli na parang leon, upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap. 10 Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa, hanggang sa hindi na makabangon. 11 Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Dios at hinding-hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa. 12 Sige na Panginoong Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama. Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi. 13 O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama? Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.” 14 Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap. Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila, at nakahanda kayong tumulong sa kanila. 15 Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama. 16 Panginoon, kayo ay Hari magpakailanman! At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo. 17 Panginoon, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin. 18 Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Makatarungang Paghatol ng Dios 9 Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga. 2 Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo. 3 Kapag nagpapakita kayo sa aking mga kaaway, natatakot sila: tumatakas sila, nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay. 4 Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong hinatulan nʼyo ako, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan. 5 Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasama, kaya hindi na sila maaalala magpakailanman. 6 Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan. 7 Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol. 8 Hinahatulan nʼyo nang matuwid ang mga tao sa bawat bansa, at wala kayong kinikilingan. 9 Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan. 10 Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo. 11 Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa! 12 Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila. 13 Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan, 14 upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion,[a] ang inyong mga ginawa, at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas. 15 Nangyari mismo sa kanilang bansa ang plinano nilang masama. At sila mismo ang nahuli sa sarili nilang bitag. 16 Ipinakita ng Panginoon kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid. At ang masasama ay napahamak, dahil na rin sa kanilang ginawang masama. 17 Mamamatay ang taong masasama sa lahat ng bansa, dahil itinakwil nila ang Dios. 18 Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan, at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman. 19 O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao, tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo. 20 Turuan nʼyo silang matakot Panginoon, at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Kadakilaan ng Dios ay Makikita sa Buong Sanlibutan 1 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. 2 Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway. 3 Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, 4 akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain? 5 Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari. 6 Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: 7 mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop, 8 ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng naroroon. 9 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Palaging Tama ang Ginagawa ng Dios 1 Panginoon kong Dios, nanganganlong ako sa inyo. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin. 2 Baka patayin nila ako, katulad ng pagluray ng leon sa kanyang mga biktima, kung walang magliligtas sa akin. 3 Panginoon kong Dios, kung talagang ginawa ko ang mga kasalanang ito – 4 kung ginantihan ko nga ng masama ang ginawang mabuti ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan, 5 hayaan nʼyong usigin ako ng aking mga kaaway at talunin. Hayaan nʼyong tapakan nila ako hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay. 6 Sige na po, O Panginoon kong Dios, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway, dahil nais nʼyo rin ang katarungan. 7 Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo, at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit. 8 Kayo Panginoon ang humahatol sa lahat ng tao. Patunayan nʼyo sa kanila na mali ang kanilang mga paratang laban sa akin, dahil alam nʼyo na akoʼy matuwid, at namumuhay nang wasto. 9 Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan. 10 Kayo, O Dios, ang nag-iingat sa akin. Inililigtas nʼyo ang mga namumuhay nang matuwid. 11 Kayo ang matuwid na hukom, at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo ang inyong galit sa masasama. 12-13 Kung ayaw nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan, ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan. Katulad nʼyo ay isang sundalong nakahanda na ang mga nakamamatay na sandata. Nahasa na niya ang kanyang espada, at nakaumang na ang palasong nagbabaga. 14 Mapag-isip sila ng gulo at kasamaan, kaya nakakapanloko sila ng kapwa. 15-16 Pero sila mismo ang mapapahamak sa kanilang binabalak na panggugulo at karahasan. Ang katulad nila ay humuhukay ng bitag para mahulog ang iba, pero sila rin ang mahuhulog sa hinukay nila. 17 Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid kayo. Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin para Tulungan ng Dios 1 O Panginoon, huwag nʼyo akong parusahan kahit na kayo ay nagagalit sa akin. 2 Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na. 3 O Panginoon, akoʼy labis na nababagabag. Kailan nʼyo po ako pagagalingin? 4 Dinggin nʼyo ako Panginoon at akoʼy palayain. Iligtas nʼyo ako sa kamatayan alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin. 5 Dahil kung akoʼy patay na ay hindi na kita maaalala, sa lugar ng mga patay ay hindi na rin ako makakapagpuri pa. 6 Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing. Gabi-gabiʼy basa ng luha ang aking unan, dahil sa labis na pag-iyak. 7 Ang aking mga mataʼy namumugto na sa kaiiyak, dahil sa ginagawa ng lahat kong mga kaaway. 8 Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng kasamaan, dahil narinig ng Panginoon ang aking pag-iyak. 9 Narinig niya ang paghingi ko ng tulong, at sasagutin niya ang aking dalangin. 10 Mapapahiya at matatakot ang lahat ng aking kaaway, kaya bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan. Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin para Ingatan ng Panginoon 1 O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak. 2 Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari, dahil sa inyo lamang ako lumalapit. 3 Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan. 4 Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan. 5 Ang mga mapagmataas ay hindi makalalapit sa inyong harapan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman. 6 Lilipulin nʼyo ang mga sinungaling. Kinasusuklaman nʼyo ang mga mamamatay-tao at mga mandaraya. 7 Ngunit dahil sa dakila nʼyong pag-ibig sa akin, makakapasok ako sa banal nʼyong templo. At doon akoʼy sasamba nang may paggalang sa inyo. 8 O Panginoon, dahil napakarami ng aking mga kaaway, gabayan nʼyo ako tungo sa inyong matuwid na daan. Gawin nʼyong madali para sa akin ang pagsunod ko sa inyong kagustuhan. 9 Hindi maaasahan ang sinasabi ng aking mga kaaway, laging hangad nilaʼy kapahamakan ng iba. Ang kanilang pananalita ay mapanganib katulad ng bukas na libingan, at ang kanilang sinasabi ay puro panloloko. 10 O Dios, parusahan nʼyo po ang aking mga kaaway. Mapahamak sana sila sa sarili nilang masamang plano. Itakwil nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan, dahil silaʼy sumuway sa inyo. 11 Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan. 12 Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Panalangin sa Gabi 1 O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo. Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan? Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko. 2 Kayong mga kumakalaban sa akin, kailan kayo titigil sa inyong paninirang puri sa akin? Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at magpapatuloy sa kasinungalingan?[a] 3 Dapat ninyong malaman na ibinukod ng Panginoon ang mga banal para sa kanyang sarili. Kaya kung tatawag ako sa Panginoon, pakikinggan niya ako. 4 Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay. 5 Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog. 6 Marami ang nagsasabi, “Sino ang magpapala sa amin?” Panginoon, kaawaan nʼyo po kami! 7 Pinaliligaya nʼyo ako, higit pa kaysa sa mga taong sagana sa pagkain at inumin. 8 Kaya nakakatulog ako ng mapayapa, dahil binabantayan nʼyo ako, O Panginoon. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
(Awit 3) Panalangin sa Oras ng Panganib 1 Panginoon, kay dami kong kaaway; kay daming kumakalaban sa akin! 2 Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas. 3 Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. 4 Tumawag ako sa inyo Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal[a] na bundok. 5 At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa. 6 Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin. 7 Pumarito kayo, Panginoon! Iligtas nʼyo po ako, Dios ko, dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan ang lahat ng mga kaaway ko, at inalis mo sa mga masamang tao ang kanilang kakayahang saktan ako. 8 Kayo, Panginoon, ang nagliligtas. Kayo rin po ang nagpapala sa inyong mga mamamayan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Ang Haring Hinirang ng Panginoon 1 Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama? Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan? 2 Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa hari na kanyang hinirang. 3 Sinabi nila, “Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!” 4 Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila. 5 Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot. 6 Sinabi niya, “Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion,[a] sa banal kong bundok.” 7 Sinabi ng hari na hinirang ng Dios, “Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko, at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.[b] 8 Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo. 9 Pamumunuan mo sila, at walang sasalungat sa iyong pamamahala. Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.' ” 10 Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo, unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo. 11 Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot, at magalak kayo sa kanya. 12 Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Hi friends! Welcome to our virtual tambayan, coffee and Bible lovers! I'm Myla and join me as I read God's Scriptures to start your day with Him. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Mapalad ang Taong Matuwid 1 Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. 2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. 3 Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa. 4 Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy parang ipa na tinatangay ng hangin. 5 Parurusahan sila ng Dios sa araw ng paghatol, at ihihiwalay sa mga matuwid. 6 Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang mga matuwid, ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message
Kaaliwan sa Panahon ng Bagabag Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Mang-aawit na si Jeduthun. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message