POPULARITY
Sinabi ng professional basketball player at coach Eric Miraflores ang mga katutubong kabataan na kanyang tinuturuan mula sa Yuendumu community ay nagpapaalala sa kanya kung paano nagsimula ang pagmamahal niya sa basketball.
Underlying inflation has dropped to its lowest rate in three years in the December quarter. Economists say it's strengthening the case for a pre-election rate cut next month. - Ang pinagbabatayang inflation ay bumaba sa pinakamababang antas nito sa loob ng tatlong taon sa quarter ng Disyembre. Sinabi ng mga ekonomista na pinalalakas nito ang kaso para sa pagbabawas ng pre-election rate sa susunod na buwan.
Ang mga Utos na Lumilikha At nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” (Efeso 5:14 MBBTAG) Nung inutusan ni Hesus si Lazaro na bumangon mula sa kanyang libingan, paano niya sinunod ang utos na ito? Sabi sa Juan 11:43, “Pagkasabi nito ay sumigaw Siya, ‘Lazaro, lumabas ka!'” Ito ang utos sa patay na tao. Sabi sa sumunod na talata, “Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa” (Juan 11:44). Paano ito nagawa ni Lazaro? Paano sumunod ang isang patay sa utos na siya'y muling mabubuhay? Ang sagot ay parang ganito: Ang utos ay may kaakibat na kapangyarihang lumikha ng isang bagong buhay. Ang pagsunod sa utos ay nangangahulugang paggawa kung ano man ang ginagawa ng mga tao. Napakahalaga nito. Ang utos ng Panginoon, “”bumangon ka mula sa libingan!” ay may kaakibat na kapangyarihan na kailangan nating sundin. Hindi natin ito sinusunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay. Sinusunod natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga buhay — lumabas si Lazarus. Bumangon siya. Lumakad siya papunta kay Hesus. Ang utos ng Diyos ay lumilikha ng buhay. Tumutugon tayo sa kapangyarihan ng kung ano ang kayang gawin ng Kanyang utos. Sinabi ni Pablo sa Efeso 5:14, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Paano ka susunod sa isang utos na gumising sa iyong pagtulog? Kung ang iyong bahay ay may lason na carbon monoxide, at may sumisigaw, “Gising! Iligtas mo ang iyong sarili! Lumabas ka!” hindi ka sumusunod sa paggising sa sarili mo. Ang malakas at makapangyarihang utos mismo ang gumigising sa iyo. Sumusunod ka sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga taong nahaharap sa panganib. Tatayo ka't aalis sa iyong bahay. Ang utos ang lumilikha ng paggising. Tumutugon ka sa kapangyarihan nilikha ng utos — ang pagmulat. Naniniwala ako na ito ang paliwanag kung bakit sinasabi ng Biblia ang mga bagay na paradoxical tungkol sa bagong kapanganakan; kumbaga, dapat tayong magkaroon ng bagong puso, ngunit ang Diyos lamang ang makababago ng ng puso natin. Halimbawa: Deuteronomio 10:16: “Kaya nga, maging masunurin kayo!” Deuteronomio 30:6 “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso.” Ezekiel 18:31: “Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay.” Ezekiel 36:26a; “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.” Juan 3:7a; “Kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.” 1 Pedro 1:3: “Tayo'y binigyan Niya ng isang panibagong buhay.” Ang paraan ng pagsunod sa utos na ipanganak ay maranasan muna ang banal na kaloob ng buhay at hininga, at pagkatapos ay gawin ang ginagawa ng mga taong may buhay: malakas na tumawag sa Diyos nang may pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahal. Kapag ang utos ng Diyos ay dumating kasama ng lumilikha't nagpapabagong-loob na kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ito ay nagbibigay-buhay. At tayo'y naniniwala, nagagalak, at sumusunod.
In the midst of an alarming rise in cyber attacks, not only in the Philippines but around the globe; experts in the Philippines have focused on its links to actual events and wars. - Sa gitna ng nakakaalarmang cyber attacks, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo; pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto sa Pilipinas ang kaugnayan nito sa mga aktwal na kaguluhan.
Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo [...] Read More... The post Pride March Continues appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Isang bagong datos mula sa Leukemia Foundation ang nagsasabing walong porsyento ng mga Australian ang mada-diagnosed ng isang uri ng Blood Cancer. Sinabi ng foundation na mahalagang malaman ng lahat ang mga kondisyon na makaka apekto sa kalusugan.
Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,28-31 Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n'ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.” Pagninilay: Narinig natin ang sinabi ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.” Mukhang may hugot ang binitawang salita ni Pedro. Totoong may kalakip na pag-uusig, sa bawat panawagan na sumunod sa yapak ng ating Panginoon. Ito ang great challenge. Noong nagsisimula akong tumugon sa calling ng pagmamadre, exciting para sa akin. Dahil nananabik ako noon na manahan sa kumbento. At sa formation na natanggap ko, doon ko lang napagtanto na ang kamangha-manghang panawagan ay ang ugnayan ko sa Diyos. Sa initial formation, dahan-dahan kong nauunawaan kung sino ako. Unti-unti, natutuhan ko ring mahalin ang sarili ko. Kasabay nito, little by little, ang nakilala kong Hesus, hindi ko lang nakikilala sa pangalan kundi, ang tunay na kahulugan ng Kanyang pangalan sa aking buhay. Kay tamis pagnilayan: Aking Tagapagligtas. Hindi lang din Siya bilang aking Hesus Maestro na nagtuturo sa akin, kundi isang Maestro na mas nakakaalam pa ng aking pagkatao kaysa sa akin. Nang tumatagal na ako sa pagtugon sa paghuhubog sa akin, natagpuan ko ang aking strengths and weaknesses, talents and incompetencies. Mayroon na ring requirement na i-let go ang maraming bagay na natutuhan kong i-treasure. Higit pa roon, mas natatanggap ko na, ang panawagan ng pag-uusig. Yun bang kahit na malinis ang iyong intensyon, at iba ang kanilang interpretasyon, kaya ko nang tiisin. May tukso rin na pilit sinusungkit ang pagmamahal ko sa aking Hesus Maestro at ipagpalit sa yamang material, at sa inaalok na pag-ibig ng isa ring nilalang, pero nakakayanan ko Siyang ipaglaban. Sa mga pag-uusig na ito, hindi ito dapat ikabahala dahil kailangan ko ito sa paglago ng aking pagmamahal at pananampalataya sa Kanya.
Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,17-27 Isang tao ang patakbong sumalubong kay Hesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama't ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Hesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.” Pagninilay: Anuman ang imposible sa tao, sa Diyos, lahat ay maaaring mangyari. Ito ang nais kung bigyang-diin sa aking pagninilay. Ipinapaalaala sa atin na lahat ng nangyayari dito sa mundo ay nakikita ng Diyos. Totoong anumang gawin natin ay makakaapekto sa ating relasyon sa bawat isa, at sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa ating kalayaan, maaari tayong pumili ng ating desisyon. Harinawa ay isipin natin ang kapakanan ng higit na nakararami, kaysa sa pansariling kapakinabangan. Nalungkot ang taong nagtanong kay Hesus kung ano ang dapat pa niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan noong marinig ang sagot niya. Winika kasi ni Hesus na ipagbili nito ang lahat niyang ari-arian at ipamigay sa mga dukha. Tayo po kaya, mga kapanalig, saan nakasalalay ang ating kaligayahan at kahulugan ng ating buhay? Sa kayamanang bumibilanggo ng kalayaan? O sa karukhaan sa materyal na bagay pero maayos ang relasyon sa Diyos at sa kapwa?
Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:1-12 Nagpunta si Hesus sa probinsiya ng Judea, sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. At napakaraming tao naman ang nagdatingan. At muli niya silang tinuruan gaya nang dati. At lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises” At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.” Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. Ngunit sa simula'y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magigigng iisang katawan ang dalawa. Kung gayo'y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking magpaalis sa kanyang asawa at saka magpakasal sa iba, nakiapid siya. At kung ang babae naman ang magpaalis sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya. Pagninilay: Gaano katigas ang Puso ng tao. Mahirap kalaban ang puso ng tao. Lalo na kung katakut-takot ang galit at poot, at nagsusumiksik ang tampo at pagwawalang kibo. Dito nakaugat ang maraming suliranin at pagkakasala. Sa pusong nagmamatigas madalas nagmumula ang paghihiwalay, pag-aaway at pagkakawatak-watak ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng mag-asawa. Kapag nagmatigas ang puso – wala itong nadarama, walang nauunawa, walang nakikita, ga-pader at ga-bato. Sa pagmamatigas ng puso – yabang, taas ng tingin sa sarili, at kawalang-awa ang pinamamayani. Talo ng nagmamatigas na puso ang kahit na anong maso o bato; hindi ito mapalalambot o madudurog ng kahit na ano. Maliban sa isa – ang pagmamahal ng Diyos na hindi sumusuko. Kung makikinig lamang tayo sa patuloy na pagtawag ng Diyos, layon Niya na makaisa natin ang lahat, makasundo, makadaupang palad – makaisang puso at diwa. Mangyayari lamang ito kung tumitibok ang ating mga puso nang sabay sabay – tulad ng isang koro na ang mga tinig ay sabay sabay na umaawit. Walang pusong matigas sa grasya na patuloy na ibinubuhos ng Diyos. Walang pusong bato sa kapatawaran na laging iniaalay ng Diyos. Hamon ng Mabuting balita sa ating lahat na hayaang lumambot ang ating mga puso – sa tulong ng pagmamahal, kapatawaran, pagkalinga at awa na nagmumula sa grasya ng Diyos. Huwag nating hayaang ang yabang, kasinungalingan at pagkamakasarili ang bumalot sa puso natin, upang patuloy na maramdaman ang presensya at pag-ibig ng Diyos; pag-ibig na dapat ibahagi at ibigay din sa lahat – lalung-lalo na sa inyu-inyong asawa at sa ating pamilya. Amen. - Fr. Buen Cruz , SSP l Society of St. Paul
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21,20-25 Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako'y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito'y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko'y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat. Pagninilay: "Sumunod ka sa akin." Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?" Kahit pala Santo ay usisero din si Pedro! Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga'y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga'y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig. Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?
Mabuting Balita l Mayo 14, 2024 – Martes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15, 9-17 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin Kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.” Pagninilay: "Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo, at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo." Katulad ng labindalawang apostol na nauna sa kanya, pinili din at hinirang ng Diyos si San Matias na maging malapit na tagasunod ni Kristo. Sa apostolic exhortation ni Pope Francis na pinamagatang Gaudete et Exsultate (Magsaya at Magalak) sinabi niya, na hindi kailangang maging obispo, pari o madre para maging banal. Madalas kasi, iniisip natin na ang kabanalan ay para lang sa mga taong lumalayo sa mundo para magdasal nang buong araw. Hindi po! Tinatawag tayong maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay na punung-puno ng pagmamahal, at sa pagpatotoo sa mga aral ni Kristo saan man tayo naroroon. May asawa ka ba? Maging banal ka sa pagmamahal at pag-aaruga sa iyong asawa gaya ng pagmamahal ni Kristo sa simbahan. Nagtatrabaho ka ba? Maging banal ka sa pagsisikap na magawa ang trabaho mo nang may katapatan at buong galing, bilang serbisyo mo sa buong mundo. Isa ka bang magulang? Maging banal ka sa pagmamahal mo at pagtuturo sa mga anak mo kung paano sumunod kay Jesus. Nasa posisyon ka ba ng kapangyarihan? Maging banal ka sa pagtataguyod ng ikabubuti ng mas nakararami, at sa pagtalikod sa anumang bagay na makasarili. Digital creator ka ba o social media user? Gamitin mo ang kakayahan mo sa pag-spread ng katotohanan at pag-asa, hindi ng tsismis at puro nega. Sundan natin ang halimbawa ni San Matias na nagpalaganap ng salita ni Kristo hanggang sa maging martir siya para sa Panginoon. San Matias, ipanalangin mo kami.
Mabuting Balita l Mayo 13, 2024 – Lunes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16: 29-33 Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na naming ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito't parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n'yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n'yo ang loob, nagtagumpay ako sa mundo.” Pagninilay: Maraming uri ng pagsubok ang dumarating sa ating buhay. Marami tayong mga balita na nababasa at naririnig tungkol sa maraming klase ng violence na nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo. Minsan ito ay nagaganap rin mismo sa sariling pamilya, sa komunidad, o sa ating lipunan. Sa ngayon, may mga bansang katulad ng Ukraine at Russia, Israel at Hamas na patuloy pa rin ang giyera. Marami nang tao ang namatay, nasugatan, mga pamilyang nagkawatak-watak, mga infrastructures at important landmarks na nasira, dahil lamang sa walang saysay na giyerang ito. Kapanalig, ang kapayapaan ay matatamo lamang natin kung ang ating puso at kalooban ay malapit na kaisa ni Hesus. Ang kawalan ng kapayapaan ay di lamang nangyayari kung may mga physical violence na nagaganap sa buhay. Pero puede rin tayong mawalan ng kapayapaan kapag ang ating puso ay puno ng poot sa ibang tao at wala nang puwang ang pag-ibig ng Diyos. Ang negative na gamit ng social media ay nagiging hadlang rin para manahan ang kapayapaan sa ating puso. Sa kabila ng mga kaguluhan at mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, sikapin nating maging kaisa ni Hesus sa bawat sandali para Manahan sa ating puso at kalooban ang tunay na kapayapaan na tanging siya lamang ang makapagbibigay.
Mabuting Balita l Mayo 9, 2024 – Huwebes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16,16-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n'yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n'yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa't isa: “Ano ba itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n'yo na ako makikita, at sandali pa at makikita n'yo rin ako' at ‘Papunta ako sa Ama'?” Kaya sinabi nila: “Ano ba itong ‘sandali'? Hindi natin alam kung ano ang sinasabi n'ya.” Alam ni Hesus na niloloob nilang tanungin s'ya at sinabi n'ya sa kanila: “Itinatanong n'yo sa isa't-isa ang ibig kong sabihin, ‘Sa sandali pa at hindi n'yo na ako makikita, at sandali lamang at makikita n'yo ako.' Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy, ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Pagninilay: Sandali lang po! Madalas ito ang sagot kapag may inuutos si Mamang o si Papang sa aming magkakapatid. Kahit na may mga toka na kami sa mga gawaing bahay at alam naman na walang ibang gagawa ng naka-atas sa amin, laging “Sandali lang” ang sagot kapag ipinaalala yon. Minsan, tatlong beses nang sinabi na maghugas na ng pinagkanan, at naka-tatlong sandali lang na sagot. Nagalit na ang Papang: “Ano, tatakpan ko na lang ba ng banig ang lamesa? At dito na rin tayo kakain bukas?” Saka pa lang nagkumaripas at nagtulung-tulong kami sa pagliligpit. Sa Mabuting Balita ngayon, walong beses inulit ang sandali na lang. Sa Griego po, ito ay micron, pero dalawang sandali ang tinutukoy ni Jesus: “Sandali pa at hindi nyo na ako makikita, at sandali pa at makikita nyo rin ako.” Una, sandali na lang at magdurusa na at mamamatay si Kristo sa Krus – kaya't hindi na siya makikita ng mga alagad. Ang ikalawang sandali na lang ay ang kanyang pagkabuhay na mag-uli, ang pagtatagumpay niya laban sa kasalanan at kamatayan. Sinabi niya ito sa kanila para maging handa sila sa mga paghihirap ni Jesus na masasaksihan nila, at nang hindi sila mawalan ng pag-asa. Magbubunyi at magagalak ang mga nagpapatay sa Kanya at mapupuno ng pighati ang kanyang mga alagad. Pero pagkatapos ng tatlong araw, sila ang magdiriwang kay Kristong muling nabuhay. Kapatid/ kapanalig, sandali lang ang mga paghihirap na pinagdaraanan natin dito sa lupa. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Roma: “Ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.” Kaya't tibayan natin ang ating loob, at huwag tayong padaig sa kawalan ng pag-asa.
Paulo Avelina, ang KJ naman! Xian Lim, tumawag kay Kim Chiu! Na-shock si Kim sa sinabi ng Ex! Kung ano 'yon? Alamin!
Mabuting Balita l Mayo 7, 2024 – Martes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16: 5-11 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad “Ngayon nama'y papunta ako sa nagpadala sa akin at wala sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako papunta. Kundi tigib ng lungkot ang iyong puso sa pag sasabi ko nito sa inyo. Ngunit sinasabi ko ang katotohanan. Makabubuti sa inyo'y ako'y umalis, sapagkat kong hindi ako aalis hindi makararating sa inyo ang tagapag tanggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko sa inyo at pagdating niya, hihiyain niya ang mundo sa pag lalantad sa kasal-anan sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol. Ito ang kasal-anan, hindi sila naniniwala sa akin. Ito ang daan ng pagka matuwid. Sa Ama ako papunta, samantalang hindi n'yo na ako makikita at hinatulad na ang pinuno ng mundong ito. Ito ang pag hatol.” Pagninilay: Bilang bunsong anak sa aming pamilya, malapít ako sa aking mga magulang, lalo na sa aking ina. Sa katunayan, tuwing umaalis siya dati para pumasok sa trabaho, minsan ay iniiyakan ko ang kanyang pag-alis, kahit na alam ko na babalik siya sa hapon. Ang mabilisang magpapatahan sa akin ay ang pangako ng pasalubong mula sa aking paboritong fastfood chain at mga yakap at halik pag-uwi. Ang pait ng minsang paglisan ang siya palang nagpapatamis ng muling pagkikita. Sa tagpo ng Mabuting Balita ngayon, halatang-halatang nagpapaalam na si Hesus sa kanyang mga alagad. Sa katunayan, ilang araw na lang ay ipagdiriwang natin ang pag-akyat niya sa langit. Pinapapanatag tayo ni Hesus na may kaunting pait man ang sandalling paglisan, mananatili Siya sa ating piling sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang siyang papatnubay sa atin upang muli nating makadaupang-palad si Hesus na muling nabuhay sa mga karaniwang kaganapan ng ating buhay. Mga kapanalig, kapatid, marahil ay nasanay tayong makatagpo si Hesus sa mga kakaibang kaganapan, katulad ng mga alagad. Hilingin natin ang kanyang Espiritu upang mas madali natin siyang makita sa mga “mumunting milagro” ng araw-araw. Sa ganitong paraan, muling mag-aalab ang ating mga puso upang mapag-alab ang puso ng ating kapwang uhaw sa pag-ibig ng Diyos. Ang Espiritu Santo ang siyang papatnubay sa atin upang muli nating makadaupang-palad si Hesus na muling nabuhay sa mga karaniwang kaganapan ng ating buhay.
Mabuting Balita l Mayo 6, 2024 – Lunes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15,26-16:4 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin. At Magpatotoo rin kayo sapagkat kasama ko rin kayo mula sa simula. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang huwag kayog matisod o mahulog. Palalayasin nila kayo sa kanilang Komunidad. At Parating na ang mga oras na wari nag aalay ng handog sa Diyos ang sinumang papatay sa inyo. Gagawin nila ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama ni Ako. Kaya naman Sinasabi ko sa Inyo ang lahat ng Ito upang Pag dating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko ito sa inyo. Pagninilay: Si Hesus mismo ang nagsabi na totoo ang Paraklito, ang Espiritu ng Diyos na nagmula sa Ama. Hindi agad natanggap ng mga alagad ang Espiritu sapagkat kasama pa nila ang ating Panginoong Hesus. Ang Espiritu ang saksi ni Hesus, at ang mga alagad ni Hesus naman ang magiging saksi Niya kapag si Hesus ay pumaroon na sa langit kapiling ng Ama. Mahalaga sa mga alagad ni Hesus ang presensya at gabay ng Espiritu sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Ang bunga ng panahon ng kanilang pagkilala kay Hesus ay nakasalalay sa kanilang katatagan sa pagpapatunay na ang Panginoong Hesus ay tunay sa Anak ng Diyos Ama. Magiging matatag din tayo sa ating pagsunod at pagsasabuhay ng aral ni Hesus sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu. Sa sakramento ng kumpil tinanggap natin ang bunga na dulot ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kasiyahan, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang-loob, kabaitan, pagtitiwala, kaamuan at pagtitimpi. Mga kapanalig, harinawang manatili tayong matatag at walang takot na sumaksi sa ating Panginoong Hesus. Makita nawa sa ating buhay ang larawan ng pag-ibig ng Diyos sa buong sangkatauhan at sangnilikha. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Mayo 5, 2024 Ikaanim na Linggo ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15, 9-17 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.” Pagninilay: Meron ka bang matalik na kaibigan? O sa tawag ng mga kabataan ngayon, BFF? Kilala ka ng BFF mo – ang lakas at kahinaan mo, ang mga paborito mo at ayaw mo. Alam niya ang lahat ng mahalaga sa iyo, ang mga problema at mga sikreto mo. At BFF mo siya dahil kahit alam niyang lahat ito, alam mo na tanggap ka niya kahit ano ka pa at mahal ka niya. Kapanalig, Alam mo ba na ito ang sinasabi ni Jesus sa ebanghelyo ngayon: BFF kita kasi sinabi ko sa iyo lahat ng sikreto ko! Sa katunayan po, ang salitang Griyegong ginamit dito ay mas angkop na isaling 'minamahal' o 'beloved' sa halip na kaibigan. Itinuturing tayong beloved, minamahal ni Jesus. Huminto tayong sumandali at hayaan nating pumasok ang katotohanang ito hindi lang sa ating isipan kundi sa ating puso at kalooban. MINAMAHAL! Hindi na tayo nag-iisa. Meron na tayong takbuhan sa panahon ng kagipitan at pagdurusa. May kasama tayo anuman ang mangyari, at hindi niya tayo pababayaan. Pinadarama at pinaaalaala niya sa atin na mayroon tayong Ama sa langit: Amang mapagkalinga at mapagmahal. Kapanalig tumingin ka sa paligid mo at balikan mo ang karanasan mo sa mga nakaraang araw. Naranasan mo ba ang pagkalinga at pagmamahal ng Diyos? Nagpasalamat ka ba? Naging BFF ka din ba sa Kanya? Naibahagi mo ba ang pagmamahal niya sa iba? Lalo na sa mga taong nalulungkot o yung aburido at puno ng galit? Baka kailangan din nilang marinig ang mga sikretong ipinahayag sa iyo ni Jesus – pwede bang i-share mo ito sa kanila?
Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 14:6-14 Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata't matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama'? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n'yo sa Ngalan ko'y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki'y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Kamakailan, nakasalubong ko ang isang babae na humingi ng blessing. Pagka-bless niya, nangilid ang luha. “O bakit? Anong nangyari?” tanong ko. “Pwede po ba kayong makausap sandali?” sabi niya… Tumango ako at pinakinggan ang kanyang kwento. Galing pala siya sa isang simbahan para humingi ng payo sa pari, pero wala daw itong panahon dahil abalang-abala. Sinubukan din ng babae na kausapin ang isang madre, pero hindi rin siya pinakingan. Kaya sabi niya, “Salamat, sister, dahil ikaw ang naging mukha ng Diyos para sa akin ngayon.” Sa Mabuting Balitang narinig natin, hiniling ni Felipe kay Hesus na ipakita sa kanya ang mukha ng Diyos Ama, at masisiyahan na siya. Kahit matagal na nilang kasama si Hesusay hindi pa rin nila siya nakikilala – na kaisa niya ang Diyos Ama. kapanalig, nilikha tayong lahat sa wangis ng Diyos. Pinalalalim mo ba ang pagkilala mo sa Panginoon sa panalangin at pag-aaral ng kanyang Salita? Nagtataglay ang bawat isa sa atin ng natatanging katangian ng Diyos. Ano ang katangiang ipinagkaloob niya sa iyo? Paano mo maipapakita ang mukha ng Diyos sa iba sa araw na ito? Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 15: 9-11 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.” Pagninilay: Isa sa mga favorite flowers ko ang Everlasting. Kahit matagal mo nang pinitas, nananatili pa rin ang pagkacolorful at shiny ng petals. Higit sa lahat, gustong-gusto ko ito noong iniaalay sa aming altar ng Kristong hari. Nananatili ito at nagtatagal sa altar ng aming bahay. Pananatili. Ito ang paanyaya ni Hesus Maestro sa atin. Pananatili sa kanyang pagmamahal. Paano nga ba mapapanatiling sariwa ang pagmamahal? Alam natin na ang pagmamahal ay isang handog na galing sa ating Diyos Ama. Nakakintal ito sa ating puso at diwa. Paano naman tayo mananatiling nagmamahal? Ano ang susi? Katapatan. Sa kabila ng tukso na tumanggi, tumiwalag, tumakas, manatiling tapat. Di ba't tapat ang ating Panginoon sa atin? Pinatunayan Niya ito nang Muli Siyang nabuhay! Matapos ang tatlong araw sa puntod, nagtagumpay siyang dala ang panibagong buhay para sa atin. Binigyan din Niya ng kahulugan ang ating buhay sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa. Sinimulan Niya ito bago Siya umakyat sa luklukan ng Diyos Ama. Kay gandang pagnilayan kung paano'ng tayo na inalayan Niya ng Kanyang katapatan, ay nais din Niyang maging bahagi ng Kanyang plano ng kaligtasan para sa lahat. Ito nga ang pakikibahagi sa kagalakan ng ating Panginoon. Sundin natin ang Kanyang payo na tumahak sa landas ng pananatili, tulad ng taimtim na panalangin, at laging handang magparaya ng oras, lakas at kakayanan. Ikalawa, tumalima sa kalooban ng Ama na maglingkod nang hindi naghihintay ng kapalit. Ngayong buwan ng ating Inang Maria, matuto sana tayo sa kanyang matimtiman at tapat na puso. Siya ang dakilang halimbawa ng tunay na pananatili. Siya rin para sa akin ang buhay na larawan ng everlasting flower. Matulad sana tayo sa kanya, sa tulong ng biyaya at awa ng ating Panginoon.
Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 - Miyerkules San Jose Manggagawa Ebanghelyo: MATEO 13, 54-58 Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba't siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba't narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano't nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya. Pagninilay: Nagtatakang nagtanong ang mga taga-Nasaret: “Saan kumuha ng karunungan at mga makapangyarihang gawa ang taong ito? Hindi ba ito ang anak ng karpintero?” At ayaw nilang kilalanin siya. Sa iba pong salin, ang mga makapangyarihang gawa ay tinawag na kababalaghan, milagro at himala. Ano ba ang inihahayag ng mga makapangyarihang gawa ng Diyos? Gaya ng narinig natin sa Ebanghelyo, ang presensiya ng Diyos kay Jesukristo ay nagpapagaling at nagpapalaya sa anumang sitwasyon ng karamdaman, kahirapan o kasamaan. Kaya nga hindi makapaniwala ang mga taga-Nasaret. Kasi, anak “lang” naman si Hesus ng karpintero, at kilala nila siya. kapanalig, alam mo ba na ang mga makapangyarihan gawa ng Diyos ay nangyayari pa rin hanggang ngayon? Oo, maraming milagrong nagaganap, at iyong iba pa nga ay sa pamamagitan ng ating mga kamay! Sapagkat anumang trabaho o hanapbuhay kapag ginawa nang may dangal, katotohanan, at mapagmahal na layunin ay nagpapabanal. Tuwing tayo'y nagpapatawad, nagmamahal, nagpaparaya, at ginaganap nang may responsibilidad ang ating tungkulin, hinahayaan nating maging daluyan tayo ng makapangyarihang gawa ng Diyos. Oo, kapanalig. Katulad ni San Joseng karpintero, tayo rin ay binigyan ng misyon ng Panginoon na itaguyod at akayin ang kapwa tungo kay Kristo. Huwag tayong manghinawa kung hindi tayo paniniwalaan ng iba, o pinahihirapan tayo sa ating trabaho; bagkus ay magpatuloy tayong makiisa sa mga makapangyarihan gawa ng Diyos. Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:21-26 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Iskariote: “Panginoon, paano mangyayaring sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hindi sa mundo?” Sumagot si Hesus at nagwika sa kanya: “Kung may nagmamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya namin gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Amang nagpadala sa akin. “Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat. Siya ang Espiritu Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko, at ituturo niya sa inyo ang lahat at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Noong bagong pasok ako sa kumbento, ang madalas na pumapasok sa aking isipan ay ang mga sandali na nag-uusap kami ni Tatay. Dahil dalawang taon akong nahinto sa pag-aaral, sa kakulangan ng pera matapos ang high school, madalas sa gabi ay nag-uusap kami ni Tatay. Doon ko nakita ang lalim ng karunungang meron si Tatay. Marami siyang words of wisdom, lalo na, kung tungkol sa hirap ng buhay ang pag-uusapan. Madalas sabihin ng Tatay, walang krus na hindi kayang dalhin. Mahalin ang taong nagkasala, dahil ang kabuuan ng tao ay mabuti. Ibig sabihin, hate the sin, not the sinner. Ipinakikita sa Mabuting Balita na ang ugnayan ng Diyos Ama at Anak ay lubhang malapit sa isa't isa. Sa pagbasa, narinig nating sinabi ni Hesus, “Ang sino mang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y sasakanya at mananahan sa kanya.” Mga kapanalig, ang karanasan, mga pangyayari, mga taong nakakasalamuha natin ay mga instrumento ng Diyos upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Kanya. Idalangin natin, na sa tulong ng mga aral at turo ng Panginoong Hesus, makaisa nila tayo sa buhay natin dito sa lupa, at sa langit na pangarap. Manalangin tayo: Panginoon, kulang na kulang ang aming kakayahan upang sumunod sa iyo at manalig. Ang tawag ng kabanalan ay hindi madali. Pero sa tulong ng Banal na Espiritu na laging gumagabay, kami ay makasusunod sa inyo. Nawa'y lagi po ninyo kaming gabayan. Amen.
Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:7-14 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala n'yo rin ang aking Ama. Ngunit kilala n'yo siya at nakita n'yo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot naman sa kanya si Hesus: “Diyata't matagal na panahon n'yo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama'? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n'yo sa Ngalan ko'y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki'y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. In Jesus name, “hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus.” Madalas ganito tayo manalangin, at maging sa Misa ay maririnig natin ang mga salitang ito. Marahil hango ito sa ating Ebanghelyo ngayon araw, kung saan sinasabi ni Hesus, na kung anuman ang hihilingin natin sa Ama sa pamamagitan nya ay tiyak na ipagkakaloob. Pero may iba sa atin na ginagamit ang pangalan ni Hesus na parang magic. Na kapag babanggitin nila ang mga salitang ito na kahit walang pananampalataya, ay matutupad ang kanilang ninanais. Parang Hocus Pocus. Pero eto nga ba ang ibig sabihin ni Hesus? Mga kapanalig, mahalaga ang pangalan, makapangyarihan ang pangalan, maging sa konteksto ng mga Hudyo. Nagkakaroon tayo ng kapangyarihan sa mga taong nakikilala natin. Pero, ang kapangyarihang ito ay nagmumula sa pakikipag- ugnayan natin kay Hesus, sa ating personal na relasyon sa kanya at sa Ama. Dito, ipinapakita din ni Hesus ang kanyang malalim na ugnayan sa Ama, dahil ang Ama at siya ay iisa. Sa pagkakakilala natin kay Hesus, nakikilala din natin ang Ama. Kaya sa pagsasabi natin ng in Jesus' name, o sa pangalan ni Hesus, nagpapahayag tayo na tayo ay kaisa niya, at nabibilang sa kanya, sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Tayo ay pinaghaharian niya, at doon nagmumula ang ating tiwala na humiling sa Ama.
Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:1-6 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi'y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Pupunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.' At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo. “At alam n'yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang Buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Dumarating sa buhay natin ang mga pagkakataong nababalisa tayo o natatakot, dahil sa mga problemang nararanasan natin sa buhay. Maraming uri ng problema na pwedeng magdala ng takot sa ating puso. Problemang pinansyal, problema sa relationship, problema sa pag-aaral, sa health, sa work, problema sa pamilya, at iba pa, na pwedeng pagmulan ng takot at pagkabalisa, na makaka apekto sa ating pagkatao at sa ating pananampalataya sa Poong Maykapal. Mga kapatid, alalahanin nating, tanging si Hesus lamang ang ating makakapitan, sa panahon ng kagipitan. Tumawag lamang tayo sa Panginoon nang buong kababaang loob, tiyak na hindi niya tayo bibiguin. Diringgin niya ang ating panalangin, at nababatid niya ang hinaing ng ating puso. Kaya pinapa alalahanan niya tayo sa Mabuting Balita ngayon, na panaigin ang ating pagtitiwala sa kanya, at payabungin ang ating pananalig sa kanyang walang hanggang pagmamahal at pagkalinga sa atin. (Naalala ko ang kuwento ni Jonathan Roumie, yung star na gumaganap na Jesus sa “The Chosen.” Bago siya naging lead actor sa “The Chosen” at sumikat dahil dito, he was a struggling actor. Down na down siya, walang perang panggastos at pambayad sa rent. Pakiramdam niya talaga, nasa dead-end na siya. Sa puntong iyong ng kanyang buhay, tanging ang pananalig niya sa Diyos ang kanyang pinanghawakan. Nanalangin siya ng mataimtim at sinurrender niya sa Diyos ang kanyang buhay. To make the long story short, nakatanggap nga siya ng offer na gampanan ang the lead role ng “The Chosen.” Mga kapatid, huwag matakot, huwag mabalisa. Si Hesus ang ating daan, ang katotohanan, at ang buhay…
Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 10:1-10 Sinabi ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, ang hindi dumadaan sa pintuan sa pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at mandarambong. Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan. Binubuksan siya ng bantay-pinto, at nakikinig ang mga tupa sa kanyang tinig; at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan at inilalabas niya sila. Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya naglalakad at sa kanya sumusunod ang mga tupa, sapagkat kilala nila ang tinig niya. Hinding-hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng dayuhan.” Ito ang talinhagang sinabi sa kanila ni Hesus. Ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi uli ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pintuan ng mga tupa. Magnanakaw lamang at mandarambong ang lahat ng nauna sa akin. Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. (Napakaganda ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Sinabi ni Hesus: “Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa… naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.”) Abundant life! Yan daw ang dahilan sa pagparito ni Hesus. Ano ba ang lubos na masaganang buhay para sa iyo? Sagana ka ba o kapos? Kapatid, ang kasaganaan ay hindi isang bagay na nakukuha natin. Itoý isang handog, isang paraan ng pamumuhay at pag-iral. Ang masaganang buhay ay hindi tungkol sa dami ng kayamanan, ng tagumpay, ng pagiging sikat sa social media, ng seguridad, o pagiging number one sa alinmang larangan. Hindi ito mga bagay na madalas nating iniisip. Ilang beses mo na bang nakuha ang gusto mo, natupad ang iyong pangarap, o nagawa ang pinararangalan ng lipunan? Para lamang matuklasan ang iyong sariling kahungkagan at kahirapan? Nasa iyo ang lahat pero hindi ka sagana. Hindi, ang masaganang buhay ay pakikiisa sa buhay na banal. Tungkol ito sa kalidad ng buhay, hindi sa dami. Buhay na makahulugan, may integridad at layunin, malikhain, may mabuting mga relasyon, at kaganapan. Ang masaganang buhay ay nagbibigay-buhay din sa iba at sa mundo. Buhay na puno ng pag-ibig, ng kagalakan, ng pag-asa, ng kabaitan, ng pagkabukas-palad, ng kagandahan, at pasasalamat. Hindi ba ito talaga ang gusto natin? para sa ating sarili at para sa isa't isa? (Manalangin tayo: Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol, gusto naming sundan ka sa pastulan ng kasaganaan. Tulungan mo kaming makinig sa iyong tinig sa araw-araw. Amen.)
Mabuting Balita l Abril 20, 2024 – Sabado Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:60-69 Sinabi ng mga alagad ni Hesus: “Sino ang makakarinig sa kanya?” Alam naman ni Hesus sa loob niya na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kaya kung masaksihan ninyo ang Anak ng Taong umaakyat sa dati niyang kinaroroonan…? Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko ay espiritu kaya buhay. Datapwat ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Sapagkat alam ni Hesus mula sa simula kung sino ang mga di maniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya. At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyo na walang puwedeng lumapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.” Kaya marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sa pagsama sa kanya. Sinabi naman ni Hesus sa Labindalawa: “Gusto ba rin ninyong umalis Pedro?” “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay na walang hanggan ang iyong salita. Naniwala nga kami at nakilala namin na ikaw ang Banal ng Diyos.” Pagninilay: Isinulat ni Amiel Mercado Ilandag, isang Pauline cooperator, ang pagninilay sa ebanghelyo. Tatalikuran ba natin si Hesus dahil hindi natin maunawaan ang mga turo ng simbahan? O tatalikod ba tayo, dahil hindi tayo sang-ayon sa ilan dito? // Marahil hindi pa ganun katibay ang ating paniniwala, kaya sa kakaunting pagsubok pa lamang, agad na nating lilisanin ang pag-ibig niya. Oo, pag-ibig. Dahil si Hesus ay naparito upang tayong lahat ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. // Paano ka tumutugon sa tawag nya? Ano ang iyong ginagawa sa Kanyang mga salitang nagbibigay buhay? Mga kapanalig, sa pamamagitan ng araw-araw na pakikinig at pagbabasa ng kanyang salita, nabibigyan tayo ng grasya upang si Hesus ay makilala. Napakahalaga ng bawat sandali na ating ginugugol upang maunawaan natin siya ng lubos. Pagbabasa ng Bibliya, pag attend ng Misa, at panonood ng mga spiritual na mga programa, ang ilan lamang sa mga paraan upang makilala natin si Hesus. Maliban dyan, may isa pang sikreto upang makapiling si Hesus sa bawat araw. Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. (Dahil, maliban sa mga disipulo niya, ang ating Mahal na Ina, ang Birheng Maria ang higit na nakakaalam kung ano nga ba ng nasa puso ni Hesus. Sa ating pagninilay ng bawat misteryo ng Santo Rosaryo, ating nakakasama si Hesus sa bawat parte ng kanyang buhay. Sa pamamagitan nito, atin siyang masasabayan at mas mauunawaan. Si Maria ang kanyang instrumento upang tayo ay mapalapit sa kanya. Sa pamamagitan ni Maria, hindi natin iiwanan si Hesus. Sa bawat Ave Maria ay makikita natin ang pag-ibig niya. Tayo ay lalago sa ating buhay Kristiyano at sa kalaunan ay magiging banal.) “To Jesus, through Mary.” Isang tiyak na daan upang masambit ang mga salitang “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Manalangin tayo. Ama, sa tulong ni Maria, nawa'y aming maunawan ang Iyong mga salitang nagbibigay buhay na walang hanggan. Amen.)
Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:52-59 Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Binigyang diin sa Mabuting Balita ngayon, ang kahalagahan ng pagtanggap natin sa katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, sa Banal na komunyon. Sinabi Niya, na ang sinumang hindi kakain ng laman ng Anak ng Tao, at hindi iinom ng kanyang dugo, hindi magkakaroon ng buhay. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya may mga bagay na hindi kayang maunawaan ng ating isipan, pero kayang damhin ng ating puso. Sa pagtanggap natin sa banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, matapos ang isang maayos na pagbabalik loob sa Diyos sa kumpisal, mapapansin natin na lumalakas tayo sa lahat ng bagay, lalo na sa pisikal at espiritwal na aspeto ng ating buhay. Ugaliin nawa natin ang regular na pagkukumpisal, upang may malinis na puso tayong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Kung malapit tayo sa ating Panginoong Hesus, at may maayos na pakikipag-ugnayan sa Kanya, madarama ito ng ating mga kasama sa tahanan, pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Malay mo, sila din ay mahikayat na magkaroon ng mabuting ugnayan sa ating Panginoong Hesus, dahil sa'yong pagsaksi sa buhay na pananatili ng Diyos sa'yong salita at gawa. Maging daluyan nawa tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa, at maging kamanlalakbay tungo sa walang hanggang buhay. Manalangin tayo: Panginoon Hesus, salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng Iyong katawan at dugo sa Banal na Eukaristiya. Manatili nawa kaming matatag sa aming pananampalataya. Maging larawan nawa kami at gabay ng pagsunod sa Iyo ng aming kapwa sa tulong ng iyong mga biyaya. Amen
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21, 20-25 Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako'y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito'y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko'y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat. Pagninilay: "Sumunod ka sa akin." Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?" Kahit pala Santo ay usisero din si Pedro! Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga'y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga'y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig. Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?
Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B) Ebanghelyo: Lk 24:35-48 Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagulat nga sila at natakot, at akala'y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig? (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.) Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya'y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Natunghayan natin sa Mabuting Balita, ang paglalakbay ng dalawang alagad na takot na takot. Tumatakas sila mula sa Jerusalem papuntang Emaus. Bitbit nila ang panghihinayang dahil para sa kanila, ang kanilang kinikilalang Mesiyas ay wala na. Kaya nga ‘t balot ng lungkot at pighati ang kanilang paglisan sa Jerusalem, ang lugar nang kanilang “pagkabigo”. Pero ang kanilang pagkabahala ay pinawi ni Hesus. Siya mismo ang tumagpo sa kanila sa daan, upang iparamdam na hindi sila iniwan. (Nakisabay si Hesus sa kanila; ipinaliwanag ang Kasulatan, at binuksan ang kanilang isipan sa “Paghahati ng Tinapay.” Doon nila naunawaang ang Diyos pala ay “kapiling nila!) Mga kapanalig, (ito rin ang sinasabi sa atin, na sa bawat krisis na pinagdadaanan sa paglalakbay ay madali sa atin ang lisanin ang Jerusalem, lugar ng pagdududa at takot; at sa bandang huli ay tumakas papuntang Emmaus, lugar naman ng kawalan ng pag-asa.) Isa lang ang nais ipahiwatig sa atin ni Hesus—hindi niya tayo bibiguin! Matiyagang uunawain niya ang ating kahinaan at mananatiling kapiling siya upang bigyan tayo ng lakas at pag-asa! Magandang paalala ito sa ating lahat, na may Diyos na matiyagang nakikilakbay sa atin. Amen.
Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:1-15 Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginawa niya sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad niya; malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio. Kaya pagkatingala ni Hesus, nakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam na niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” Kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin n'yo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin. Pagninilay: Isinulat ni Fr. Mikhael Sandoval ng Archdiocese ng Lipa ang pagninilay sa ebanghelyo. Tayong lahat ay makakapagpatunay na may himala kapag tayo ay tumatanggap ng pagpapala. Mangyayari ang himala, kapag nagsama ang Kanyang Pagpapala at ang ating pagtitiwala. Kaya nga ang paanyaya ng Mabuting Balita, hindi na mahalaga na tayo ang makilala, kundi ang Diyos dapat ang makilala. Ibinibigay niyang halimbawa sa Mabuting Balita ang isang bata, na may dalang tinapay at isda na pinakain sa madla. Kaya hindi natin pwedeng sabihing tayo ay walang-wala, dahil sa simula't simula pa, nag-uumapaw na ang kanyang biyaya at pagpapala. Gayundin naman, hindi rin dapat natin binabale-wala ang kakayanang sa atin ay ipinagkatiwala. Kaya pagsumikapan nating pagyamanin ito, at manalig na lahat ay makakatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na Dakila, kung bawat isa ay makikita ang Kaligtasang dala ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Isang napakagandang Biyaya at Pagpapala na sa kanya lagi magtitiwala.
Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 3:31-36 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtitibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos ang mga Salita ng Diyos, sapagkat walang sukat na binibigyan siya ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May Buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.” Pagninilay: Sa halos dalawang buwan ko pong pagkaka-assign, na mag-assist sa mga pasyente sa hospital, na-realize ko ang karupukan ng buhay. Habang nag-miminister po kami sa mga maysakit, at nasa banig na ng kamatayan, makikita't mararamdaman mo ang takot, kaba, minsan payapang disposisyon ng maysakit. Iba-iba man, pero masasabi mong hiram nga lang naman talaga ang buhay. Ang kaganapan ng buhay ay wala sa haba, kayamanang nakamkam, lupaing inutang, sasakyang ni-loan, tayog ng napag-aralan, o kahit na mga parangal, kasikatan, impluwensyang ating nakamit. Lahat nagiging pantay-pantay sa harap ng kamatayan. Mga kapanalig, sa ating Mabuting Balita, ito rin ang itinuturo sa atin ni Hesus. Kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo ng mundo—edi makamundong buhay ang ating konsepto. Pero, kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo ni Hesus—gagawin natin ang lahat upang maging makabuluhan ang bawat sandali nito. Mga kapanalig, sinasabi ng liturhiya sa atin sa tuwing may misa ng patay, ang ganda po noon sa prepasyo…” Indeed for your faithful, Lord, life is changed not ended, and, when this earthly dwelling turns to dust, an eternal dwelling is made ready for them in heaven.” Sana po huwag na nating hintayin ang kamatayan, bago pa tayo magpasyang magpakabuti. Ngayon, simulan na natin ang ating mabuting pamumuhay, upang masalamin natin ang pangakong buhay ni Hesus sa langit. Gawing langit ang mundo.
Mabuting Balita l Abril 5, 2024 – Biyernes Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 21:1-14 Muling ibinunyag ni Hesus ang kanyang sarili sa mga alagad sa may Lawa ng Tiberias. Ibinunyag niya nang paganito. Magkakasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas...at dalawa pa sa mga alagad niya. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Nang madaling-araw na, nakatayo si Hesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Hesus iyon. Tinatawag sila ni Hesus: “Mga bata, may kaunti kaya kayong makakain?” Sumagot sila sa kanila: “Wala!” Sinabi naman niya sa kanila: “Ihulog n'yo sa bandang kanan ng bangka ang lambat at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nga nila at hindi na nila makayanang hilahin iyon dahil sa dami ng isda. Kaya sinabi ni Pedro sa alagad na yon, na Mahal ni Hesus: Ang Panginoon siya. Kaya nang makalunsad sa lupa, nakita nilang may nagbabagang uling doon, na kinaihawan ng isda at may tinapay. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Halikayo't mag-almusal!” Wala namang makapangahas sa mga alagad na mag-usisa sa kanya: “Kayo ba'y sino?” dahil alam nilang si Hesus iyon. Lumapit si Hesus at kumuha ng tinapay at ipinamahagi sa kanila. Gayundin ang ginawa niya sa isda. Ito na ang ikatlong pagpapahayag ni Hesus sa mga alagad matapos siyang ibangon mula sa mga patay. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria De la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Nabubuhay ka pa ba sa kahapon? Dahil ba nabigo ka? Do you have come face to face sa questions of pain, suffering, o kaya, loneliness? Ngayon, naggoodbye ka na sa nasimulan na malalim na ugnayan sa iyo ni Lord, at di mo nakayanan ang mabigat na challenge. Feeling mo, talagang iniwan ka Niya. Kaya back to normal way ka na. Sa tagpo na narinig natin, bumalik si Pedro sa dati niyang ginagawa. Ang mangisda. Sumama rin si Tomas at dalawa pang alagad. Back to normal way sila, na sa bandang kaliwa ng bangka sila naghuhulog ng lambat. Nasa kultura ito ng mangingisda, at normal nila itong paraan, para ang kanang kamay ang hihila pataas kapag may huli na. Kaso magbubukang-liwayway na, wala pa silang huli. Kaya nang marinig nila ang tinig, bago pa nila makilala na si Hesus Maestro ‘yon, tumalima sila na ihulog sa kanan. Noon din, napuno ang kanilang lambat! Ngayong Easter, narito sa atin ang Muling Nabuhay na Panginoon. Inaalalayan tayong maka-recover sa ating pag-asa, lakas-loob, at direction in life. Let us remember na tayo ang dahilan ng pagbangon Niya mula sa puntod. Kaya't sumama tayo sa Kanya na lumukso sa Liwanag!
Mabuting Balita l Abril 4, 2024 - Huwebes Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Lk 24:35-48 Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at nagsabi: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagulat nga sila at natakot, at akala'y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang alinlangan sa inyong isipan? “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.) Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya'y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.” Pagninilay: Isinulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Happy Easter po sa inyong lahat. Tayo pa rin ay nasa Octave ng Easter, ibig sabihin ineextend ang ating celebration ng walong araw, matapos ang araw ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus. Ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus ay maituturing na kakaiba. Bakit? Dahil hindi ito tulad ng mga taong muli niyang binuhay mula sa kamatayan. Tulad na lamang halimbawa ng babaeng anak ni Jairo, o yung anak ng balo na mula sa bayan ng Nain, o ng pinakamamahal ni Hesus na si Lazaro. Sinasabi na ang muling Pagkabuhay ni Hesus ay hindi lamang mula sa kamatayan, kundi siya rin ay ini-angat muli sa kaluwalhatian ng Ama, kung saan siya tunay na nagmula. Kaya nga't kung mapapansin natin ang mga tagpo, matapos ang kanyang muling pagkabuhay…hindi nila agad nakikilala si Hesus. Hindi din naman dinescribe bakit? Puting-puti ba sya o nagniningning. Pero, ang mas importanteng dapat nating malaman, nakilala siyang muli ng mga disipulo niya dahil sa kanyang mga gawa—hinati niya ang tinapay, kumakain kasama nila, nagtuturo ng salita ng Diyos. Mga kapanalig, ang nangyari sa ating Panginoon sa kanyang muling pagkabuhay ay isang paanyaya din sa atin. Sana isipin natin na sa huling araw, hindi lang tayo ibabangon sa kamatayan, tayo man di'y sasama, kabilang sa luwalhati ng Diyos.
Mabuting Balita l Abril 2, 2024 - Martes Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 20:11-18 Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus. Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mo na akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: 'Paakyat ako sa Ama ko at Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'”Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Sa ating pagpapatuloy sa Octave of Easter, makikita natin si Maria Magdalena na iyak ng iyak, dahil sa pagkamatay ni Hesus. Na-iimagine ko tuloy ang kalunos-lunos na kalagayan ni Maria—tulala, nananaghoy, hinahanap ang katawan ni Hesus. Marahil, nagtatanong pa kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito. Nangangapa ng sagot. Naghahanap ng lakas at nakatuon sa kumakalat na fake news, na ninakaw ang katawan ng Dakilang Maestro. Kung kayat kahit binigyan na siya ng sagot ng anghel at ni Hesus mismo, nalilito pa rin si Maria Magdalena. Nakababad pa rin siya sa kasinungalingan at libingan; at hindi sa pangako ni Hesus na muling nabuhay. Mga kapanalig, marahil may mga ilan sa atin, ang tulad ni Maria Magdalena, nakababad sa lungkot at kawalan ng pag-asa sa buhay. Akala ay wala nang patutunguhan. To make things worst, may mga ilan na kumakapit pa rin sa patalim: drugs, pagpatay, pagnanakaw, kayabangan, panloloko at marami pang iba. Kapanalig, huwag! Sabi nga diba? Sa panahon nang lumbay, “dumaan ka lang at huwag tumambay.” Kaya nga mas gusto kong gamitin ang salitang pagsubok, kasi sinusubok ka lang upang lalong magtiwala sa Diyos, at lumakas ang tiwala sa sarili, upang malampasan ang anumang pinagdadaanan. Manalig tayo sa Diyos, sa kanyang pangako, at hindi sa kasinungalingan ng mundo.
Mabuting Balita l Abril 1, 2024 – Lunes Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Mt 28:8-15 Agad na iniwan ng mga babae ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. Nakasalubong nila sa daan si Hesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.” Samantalang pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at ibinalita sa mga Punong-pari ang lahat ng nangyari. Nakipag-usap naman ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at ibinigay sa mga sundalo, at tinagubilinan silang “Sabihin ninyong dumating nang gabi ang kanyang mga alagad at ninakaw ang katawan habang natutulog kayo. Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa kanya at hindi kayo magkakaproblema.” Tinanggap ng mga sundalo ang pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang kuwentong ito sa mga Judio. Pagninilay: Napakinggan natin sa ebanghelyo, na mga babae ang unang dumalaw kay Hesus sa libingan kaya't sila rin ang unang nakaalam sa kanyang muling pagkabuhay. Sila rin ang unang nakatagpo kay Hesus at nagkaroon ng pagkakataong makasamba sa kanya. Pero, alam ni Hesus na kahit masaya ang mga babae sa pagkakita sa kanya, hindi pa rin nawawala ang matinding takot ng mga ito para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga pamilya. Patuloy pa rin ang mga Punong-pari at mga sundalo sa pagbaluktot sa katotohanan at pagpapalaganap ng mga kasinungalingan. Kaya, kapayapaan ang inihandog sa kanila ni Hesus. Kapayapaan ng puso at isip na hindi makukuha sa kanila ng sinuman. Kapayapaang nagbibigay sa kanila ng panloob na tapang, at tatag ng kalooban, sa pagharap sa anumang problema, sa pang-araw-araw na buhay. Nakakamit ito sa liwanag ng katotohanan, nang pagtupad sa kung ano ang tama, gaano man ito kahirap o kapanganib. At dahil kasama siya na muling nabuhay, walang dapat ikatakot ang sinumang sumusunod sa kanya. Manalangin tayo. Mahal na puso ni Hesus, samahan mo po kami sa aming mga pagkatakot. Loobin mong lagi naming magawa ang mga bagay na ayon sa iyong mahal na kalooban. Dito lang namin makakamit ang tunay na kapayapaang hinahangad mo para sa amin, Amen.
Mabuting Balita l Marso 28, 2024 – Huwebes Santo Ebanghelyo: Jn 13:1-15 Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras. Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik. Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit siya kay Simon Pedro, sinabi nito sa kanya. Hinding hindi mo huhugasan ang aking mga paa magpakailanman. Sumagot si Hesus sa kanya “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin. Sinabi sa kanya ni simon Pedro. “Panginoon hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo ko.Sinabi sa kanya ni Heus “Mga paa lamang ang kailangan hugasan ng naligo na dahil malinis na ang buo niyang sarili, malinis na nga kayo subalit hindi lahat”. Kilala n ani Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong mga paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa.” “Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.” Pagninilay: Naalala pa ba ninyo ang pagbisita sa bansa natin ni Pope Francis? Noong taong 2015, habang nandito si Pope Francis sa bansa natin, binisita siya ng kanyang mga kapatid na Heswita sa kanyang tinutuluyang bahay. Bago umuwi ang mga Heswitang Pilipino, meron silang inihandog na kanta para sa mahal na santo papa, ang Amare et Servire, “To love and Serve the Lord”. Simple, pero malalim ang mensahe ng kanta, at ito rin ang ipinahahayag ni Hesus sa araw na ito: In everything, love and serve the Lord. Ito ang nagbigay ng mahabang pasensya kay Hesus, sa kahinaan ng pag-unawa ng mga alagad sa Kanyang mga salita, habang itinatag niya ang Banal na Eukaristiya. Gayundin, pagmamahal at paglilingkod ang dahilan, kaya hindi inalintana ng Panginoon ang marumi at mabahong paa ng Kanyang mga alagad na buong kababaang-loob niyang hinuhugasan. Sadyang mas malakas ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng ating mga kahinaan dahil sa kasalanan. Kaya, katulad ni Hesus, kung ninanais natin na palaging masaya, malakas at hindi mapagod gumawa ng kabutihan, gawin natin ito nang may buong-pusong pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at kapwa. Amen.
Mabuting Balita l Marso 27, 2024 – Miyerkules Santo Ebanghelyo: Mt 26:14-25 Pumunta sa mga Punong-pari ang isa sa Labindalawa, ang tinatawag na Judas Iskariote, at sinabi: “Magkano ang ibibigay ninyo sa akin kung ibibigay ko siya sa inyo? Inalok nila ito ng tatlumpung baryang pilak, at mula noon, naghanap ito ng pagkakataong maipagkanulo siya. Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, lumapit kay Hesus ang mga alagad at sinabi sa kanya: “Saan mo kami gustong maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?” Sumagot si Hesus: “Puntahan ninyo ang lalaking ito sa lunsod at sabihin sa kanya: 'Sinabi ng Guro: malapit na ang oras ko at sa bahay mo ako magdiriwang ng Paskuwa kasama ng aking mga alagad.'” At ginawa ng mga alagad ang lahat ng iniutos ni Hesus at inihanda ang Paskuwa. Pagkalubog ng araw, nasa hapag si Hesus kasama ng Labindalawa. Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Lubha silang nalungkot at nagtanong ang bawat isa: “Ako ba, Panginoon?” Sumagot siya: “Ang kasabay kong nagsawsaw ng tinapay sa plato ang magkakanulo sa akin. Patuloy sa kanyang daan ang anak ng Tao ayon sa isinulat tungkol sa kanya ngunit kawawa ang nagkakanulo sa Anak ng Tao; mas mabuti pa para sa taong ito kung hindi na siya ipinanganak pa.” Nagtanong din si Judas na magkakanulo sa kanya: “Ako ba, Guro?” Sumagot si Hesus: “Ikaw na ang nagsabi.” Pagninilay: Si Hesus ay nakatakdang mamatay sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan. Ito ang kalooban ng Diyos Ama, at ang pangunahing dahilan ng pagparito Niya sa daigdig. Pero, para maisakatuparan ito at mapagtibay pa ang akusasyon ng mga Pariseo laban kay Hesus, kailangang may magtakwil sa kanya - isang taong malapit sa kanya. Kahit sino naman sa labindalawang apostol ay pwedeng magkanulo kay Hesus; pero si Judas Iscariote ang pinakamalapit sa tukso, dahil siya ang may hawak ng pondo ng kanilang samahan. Bilang ingat-yaman o treasurer, natural lang na pera ang kanyang pangunahing alalahanin. Si Hesus, para sa kanya ay isang investment, na itinaya niya sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Si Hesus para kay Judas ay matalino at makapangyarihan. Naniniwala siyang, kayang-kayang lusutan ni Hesus ang mga Pariseo, pero alam naman natin na iba ang nangyari. Hindi lubos na naunawaan ni Judas ang totoong misyon ni Hesus, at ang plano ng Diyos, kaya siya ang naging “kontrabida” sa kasaysayan ng Kaligtasan. Alam ni Hesus na mangyayari ito kay Judas, at nais sana niyang bigyan pa ito ng pagkakataong magbago ng isip. Binigyan Niya ng babala si Judas, nang sabihin niyang “kahabag-habag ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak.” Kapanalig, huwag nating tularan si Judas. Unawain natin ang sinasabi ni Hesus. Pakinggan ang bulong ng Espiritu Santo sa ating mga puso. Manalangin tayo. Halina, Espiritung Banal, bigyang liwanag ang mga isipang naguguluhan. Patahimikin ang mga pusong nangangamba, at ihanda kaming papasukin si Hesus sa aming buhay. Amen.
Mabuting Balita l Marso 26, 2024 – Martes Santo Ebanghelyo: Jn 13:21-33, 36-38 Nabagabag sa kalooban si Hesus, at nagpatotoo: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Nagtinginan ang mga alagad at hindi nila malaman kung sino ang tinutukoy niya. Nakahilig sa dibdib ni Hesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Hesus. Kaya tinangunan ito ni Simon Pedro para usisain si Hesus kung sino ang kanyang tinutukoy. Kaya paghilig niya sa dibdib ni Hesus, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, sino ba iyon?” Sumagot si Hesus: “Iyon siyang ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pagkasawsaw ng kapirasong tinapay, ibingay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. Kasama ng kapirasong ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Hesus: “Gawin mo agad ang gagawin mo. Kaya pagkakuha niya ng kapirasong tinapay, agad siyang lumabas. Gabi noon. Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Hesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. Mga munting anak, sandali na lamang ninyo akong kasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga Judio: ‘Hindi kayo makaparoroon kung saan ako pupunta,' sinasabi ko rin sa inyo ngayon. Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Hindi ka makasusunod ngayon sa akin sa pupuntahan ko; susunod ka pagkatapos.” Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi kita masusundan ngayon? Maiaalay ko ang aking Buhay alang-alang sa iyo.” Sumagot si Hesus: “Maiaalay mo ang iyong buhay alang-alang sa akin? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang manok hanggang maitatuwa mo akong makaitlo.” Pagninilay: Ang paraan ng ating pagkakanulo sa Diyos ay hindi sa pera lamang. Kundi anumang bagay, maging tao, na mas binibigyan natin ng priyoridad o importansya kaysa sa Diyos. Maaring ito ay ang ating trabaho o careers, ang ating ambisyon, ang ating mga tagumpay, materyal na pag-aari at iba pa. Pero sa kabila ng maraming pagkakataong ipinagkanulo natin ang Panginoon sa ating buhay – hindi tayo tinatalikuran ng Diyos. Patuloy Niya tayong binibigyan ng pagkakataong matunton ang landas pabalik sa kanya. Sa Mabuting Balita, alam ni Hesus na ipagkakanulo siya ni Judas. Pero hindi niya lubusan ibinunyag sa harap ng kanyang mga alagad kung sino sa kanila ang magkakanulo sa kanya. Marahil ayaw niyang mapahiya si Judas sa harapan nila. Ganun na lamang ang pagkahabag ni Hesus sa mga makasalanan, maging kay Judas na magbubulid sa kanya sa kapahamakan. Kung inimbitahan ni Hesus si Judas na maging bahagi ng kanyang piging, maaring iniimbitahan ka rin niya ngayon na maging bahagi ng kanyang iniaalok na kaligtasan. Ano ang tugon mo sa kanyang paanyaya? Ngayong Martes Santo, samahan natin ang Panginoon sa kanyang pagkabagabag at kalungkutan dahil ipagkakanulo siya ng tinuturing niyang isang alagad at kaibigan. Ipagkaisa natin sa kanya, ang mga karanasan natin ng kalungkutan, poot at galit, dahil sa mga pagkanulo at pagtataksil na naranasan natin, mula sa ating mahal sa buhay at kaibigan. Hilingin natin sa Panginoon na hilumin tayo, sa sobrang sakit na naranasan natin, at turuan tayong magpatawad, Amen. - Fr. Edward Dantis, SSP l Society of St. Paul
Mabuting Balita l Marso 25, 2024 - Lunes Santo Ebanghelyo: Juan 12:1-11 Anim na araw bago mag-Paskuwa, pumunta si Hesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Hesus mula sa mga patay. Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya. Naglilingkod si Marta at si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Hesus. Kinuha ni Maria ang isang libra ng mamahaling pabangong mula sa tunay na nardo at pinahiran niya ang mga paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa nito. Napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay. Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano ito? Maipagbibili sana ang pabangong ito sa halagang tatlundaang denaryo para maibigay sa mga dukha.” Sinabi niya ito, hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; hawak niya ang pananalapi at nangungupit doon. Kaya sinabi ni Hesus: “Bayaan mo na siya; inilaan na niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin. Kasama ninyong lagi ang mga dukha, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.” Marami sa mga Judio ang nakaalam na naroon siya. At dumating sila hindi dahil lamang kaya Hesus kundi upang makita nila si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay. Pinag-usapan naman ng mga Punong-pari ang pagpatay pati na kay lazaro, sapagkat marami sa Judio ang lumilisan dahil sa kanya at naniniwala kay Hesus. Pagninilay: Ano ba ang kaya nating ibigay o pakawalan na, o (i-let go) para sa pagmamahal? Nung nagbigay ng opinion si Judas sa ginawa ni Maria, ipinakita niya ang klase ng pag-iisip at pagkatao niya. Hindi niya maintindihan ang animo'y pagsasayang ni Maria sa mamahaling pabango na ibinuhos lang sa paa ni Hesus, at pinunasan pa ito ng buhok niya mismo. Malungkot na isiping sinayang ni Judas ang pagkakataong magkasama sila ni Hesus. At dahil napuno siya ng pagkaganid at kasamaan, hindi niya na maintindihan ang mga dapat mangyari, para matupad ni Hesus ang kanyang misyon. Ngayong nasa mahalagang panahon na tayo ng Semana Santa, nawa'y bigyan natin ng panahon na pagnilayan at idulog sa panalangin, ang mga bagay na nagpapatigas ng ating puso at nagpapalabo ng ating isipan para makita at maramdaman ang nais ng Diyos sa atin. Nawa'y maging bukas tayo sa grasyang, harapin ang mga hadlang sa lubos na pagbabalik loob natin sa Diyos. Pagpapakumbabang humingi ng tawad, para malaya sa mga hadlang, na maipakita ang higit at lubos na pagmamahal sa iba, tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin.
Mabuting Balita l Marso 22, 2024 – Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Ebanghelyo: Jn 10:31-42 Dumampot ng mga bato ang mga Judio para batuhin si Hesus. Sinabi sa kanila ni Hesus: “Maraming mabubuting gawa ang itinuro ko sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung baki't n'yo ako binabato?” Sinagot siya ng mga Judio: “Binabato ka namin hindi dahil sa isang mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan sapagkat gayong ikaw ay tao, itinuturing mong Diyos ang iyong sarili.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Hindi ba nasusulat sa Batas ninyo: 'Aking sinabi,” mga Diyos kayo” '? Kaya tinawag na mga diyos ang mga tumatanggap ng salitang ito ng Diyos, at hindi mapawawalang-saysay ang Kasulatan. Kung gayon, nang sinabi kong ako ang Anak ng Diyos—ako na pinabanal ng Ama at sinugo sa mundo –bakit n'yo sinasabing paglapastangan ito? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking ama, huwag n'yo akong paniwalaan. Kung ginagawa ko naman, kahit hindi kayo naniniwala sa akin, maniwala naman kayo sa mga gawa. Kaya alam na alam nga ninyo na nasa akin ang Ama at ako'y nasa Ama.” Kaya muli nilang pinagtangkaang dakpin si Hesus ngunit nakatalilis siya sa kanilang kamay. At muli siyang lumayo pakabilang ibayo ng Jordan sa lugar na pinagbibinyagan ni Juan sa simula. At doon siya nanatili. Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi: “Hindi nga gumawa ng anumang tanda si Juan, pero nagkatotoo nga ang lahat ng sinabi ni Juan tungkol sa kanya.” At doo'y marami ang naniwala sa kanya. Pagninilay: Lagi nating nababasa ang bahaging ito ng Mabuting Balita, na tinangka ng mga taong batuhin si Hesus, dahil para sa kanila ipinapantay niya ‘di umano, ang kanyang sarili sa Diyos. Mauunawaan natin ito nang mas malinaw, kung titignan natin ang kultura ng mga Hudyo. Isang napakalaking pagkakasala para sa kanila ang angkinin ang pagiging Diyos, dahil iisa lamang ang Diyos. Ang pambabato ang isa sa mga paraan ng kaparusahan sa kanilang panahon. Kaya nga kung may mga ganitong pagkakataon, binabato nila ang mga may pagkakasala. Pero alam nating lahat na hindi nagpapanggap si Hesus. Alam natin na siya at ang Ama ay iisa. Na siya ang Anak ng Diyos. Marahil mayroon ding ganitong pakiramdam ang mga taong muntik nang bumato kay Hesus. Hindi nila maituloy-tuloy dahil nakikilala nila siya, at nakita nila ang mga kagila-gilalas niyang ginawang himala. Naranasan nila ang pagpapagaling sa mga may sakit, ang pagsasalita ng mga pipi, ang pagkakarinig ng bingi at maging pagkakita ng mga bulag. Higit sa lahat, nakita nila mismo ang muling pagkabuhay ng namatay. Alam ng mga Hudyo na mga tanda ito ng Kapangyarihan at Gawa ng Diyos at ng Mesiyas na ipinangako. Handa na silang bumato, pero hindi nila maipukol-pukol dahil natatakot din sila – Hindi nila kayang batuhin ang Diyos. Kaya nga nagpatuloy pa rin siH esus. Pero kahit batuhin pa nila si Hesus, hindi siya titigil sabihin ang katotohanan at ipahayag ang paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Sa ating panahon ngayon, mahilig tayong bumato ng maraming problema at paratang sa Diyos. Minsan grabe tayo pumukol ng kasalanan, na labis na ikinasusugat ng puso ng Diyos. Hindi natin napapansin ang dakila niyang awa at gawa, na nasa paligid natin, mga araw-araw na himala mula sa pagsikat ng bagong araw, hanggang sa paggaling sa mga karamdaman. Hindi natin makita dahil binubulag tayo ng katigasan ng puso, kasalanan at takot. Sa papalapit na mga mahal na araw ipakikita at ipapaalala sa atin ng Diyos na kahit ilang beses natin siyang batuhin, pukulin, lumatay man ang daang latigo sa kanyang katawan, tatanggapin niyang lahat. Dahil kahit kailan, hindi niya iiwan ang kanyang minamaha na sambayanan. Hindi siya titigil, ni hindi mapapagod, lagi niyang ituturo ang daan ng kapatawaran at kapayapaan tungo sa buhay na walang hanggan.
Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Jn 8:51-59 Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Hesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.” Kaya dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Hesus at umalis sa Templo. Pagninilay: Ang mamuhay ayon sa Salita ng ating Hesus Maestro, may forever. Ligtas siya mula sa kamatayan. Si Hesus na ating Guro at ang Kanyang Salita, iisa. Di ba, sa simula pa lang ng Mabuting Balita ni Juan nasusulat na “Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos”? Nakasulat din ang pagpapatunay nito sa Aklat ng Pahayag. Nasasaad: “Suot Niya ang balabal na winisikan ng dugo at ang pangalan Niya ay Salita ng Diyos”. Siya na Tagapagligtas, nagdudulot ng walang hanggang buhay. Sa cyberspace, kapansin-pansin ang information overload, nakaka-overwhelm. Hahanga ka sa creativity ng mga communication scientists and technologists. Innovative at progressive ang kanilang inventions tulad sa Artificial Intelligence. Ask anything, anywhere. Ask Chatbot assistant, free ka nang magresearch. Save ang time mo, save na rin sa effort. Pero hanggang doon na lang ba ang kailangan natin? Kung may information overload sa communication technology, sa ating Hesus Maestro, hindi information overload kundi Word of God overflowing. Siya ang Perfect Communicator at abundant life ang dulot Niya. Tatlong araw na lang, Holy Week na. Dadalhin tayo ng Salita ng Diyos, na nag-cocommunicate ng great offering of life ng ating Hesus Maestro. Kaya't pagnilayan nating mabuti at maging buhay na saksi tayo ng Kanyang Banal na Salita. Totoong may forever ang Salita ng Diyos. Hindi lang itonagdudulot ng pagbabagong-loob, kalinisan ng budhi, at katiwasayan ng kaluluwa. Kundi nagbibigay sa atin ng pag-asa na makakapiling natin ang ating Panginoon sa buhay na ganap at kasiya-siya.
Mabuting Balita l Marso 20, 2024 – Miyerkules sa Ikalimang Linggo ng Ebanghelyo: Juan 8:31-42 Sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniwala sa kanya: “Kung mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at malalaman Ninyo ang katotohanan, at magpapalaya sa inyo ang katotohanan.” Sumagot sila sa kanya: “Binhi ni Abraham kami at hindin-hindi kami nagaalipin kaninuman. Paano mo masasabing magiging malaya kayo?' Sumagot sa kanila si Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ngunit hindi nanatili ang alipin sa pamamahay magpakailan man. Ang anak ay mananatli magpakailanman. Kaya kung Anak ang nagpapalaya sa inyo, totoong magiging malaya kayo. Alam kong binhi kayo ni Abraham. Ngunit hangad ninyo akong patayin, sapagkat walang lugar sa inyo ang aking salita. Ang nakita ko sa Ama ang sinasabi ko, at ang narinig ninyo mula sa inyong ama ang inyo namang ginagawa.” Kaya sumagot sila sa kanya: “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung mga anak kayo ni Abraham, ang mga gawa ni Abraham ang inyo sanang paggagawain. Ngunit ngayon ay hangad ninyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ito gawa ni Abraham, mga gawa nga ng inyong ama ang inyong ginagawa.” Kaya sinabi nila sa kanya: “Kami ay hindi mga anak sa labas. May isang ama lamang kami--ang Diyos.” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Kung ang Diyos nga ang inyong ama, mamahalin sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako galing, at ako'y pumarito. Dumating ako hindi sa ganang sarili ko, kundi siya ang nagsugo sa akin.” Pagninilay: May isa akong kaibigan na nagreveal sa akin ng lihim, ng kanyang tunay na estado sa buhay. Hindi ito alam ng iba naming kaibigan. Minsan, nasukol sya, sa dami ng tanong ng isa pa naming kaibigan, kaya nagdesisyon siyang sabihin na ang totoo, dahil aniya kapag hindi nya sasabihin ang totoo, marami pa syang kasinungalingang sasabihin. Natuwa ako sa kanyang desisyon, kaya tinawag ko ang isa pa, upang mapakinggan ang kanyang rebelasyon. Kapanalig, ang taong nabubuhay sa kasinungalingan, ay hindi malaya. Kailangan niyang magtagni tagni ng maraming kasinungalingan, upang pagtakpan ang isang kasinungalingan. Samantalang ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapalaya at nagpapagaan ng pakiramdam. Hindi naman masama, at lalong hindi naman kasalanan ang lihim ng kaibigan ko, pero kapag hindi pa nya sinabi ang totoo, kakailanganin nyang magtagni tagni ng maraming kwentong kasinungalingan, upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa ating Mabuting Balita ngayon, ipinahayag ni Hesus na ang pagpapanatili sa kanyang salita ang magdadala sa atin tungo sa pagiging tunay Niyang alagad. Kapag babad tayo sa salita ng Diyos, walang puwang ang kasinungalingan sa buhay natin dahil si Hesus ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Kapanalig, sa panahon ngayon na laganap ang fake news sa social media, higit nating kailangang manindigan sa katotohanan. Kung alam natin ang totoo, magsalita tayo at manindigan gaya ni Hesus kahit hindi siya pinaniwalaan ng mga Hudyo. Maaari tayong ma-bash at usigin ng mga bayarang trolls, pero kung magpapatalo tayo sa takot, higit na mamamayagpag ang mga kampon ng hari ng kasinungalingan. Hahayaan ba natin sila?
Sinabi ng Pamahalaang Albanese na sang ayon ito sa 56 na inilatag na rekomendasyon ibinalangkas sa Robodebt Royal Commission report.
Nagbabalik sa Pilipinas ang mga Australian volunteers na umuwi sa Australia nuon dahil sa COVID-19 pandemic. Sinabi ng Australian Embassy sa Manila, ito ang unang in-country deployment ng mga volunteers mula nuong March 2020, nuong nag-shift sa remote work ang mga volunteers dahil sa pandemya.
Nag-usap sa telepono sina Pangulong Bongbong Marcos at French President Emmanuel Macron. Sinabi ni Pangulong Marcos sa French President na ginagawa ng Pilipinas ang lahat ng paraan para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea.
Treasurer Jim Chalmers has landed in Washington for talks with the International Monetary Fund and G-20 finance ministers. He says global economic pressures will influence the upcoming May budget, putting a premium on sustainable spending, despite pressures at home to alleviate the rising cost of living. - Treasurer Jim Chalmers has landed in Washington for talks with the International Monetary Fund and G-20 finance ministers. He says global economic pressures will influence the upcoming May budget, putting a premium on sustainable spending, despite pressures at home to alleviate the rising cost of living. Nakarating na sa Washington, US si Treasurer Jim Chalmers para sa makipagpulong sa International Monetary Fund at mga ministro ng pananalapi ng G-20. Sinabi ng Tesorero na malaki ang magiging impluwensya ng pandaigdigang sitwasyong pang-ekonomiyang sa paparating na badyet sa Mayo, binibigyang-diin ang importansya ng sustinableng paggasta, sa kabila ng hinaharap na problema ng Australia sa tumataas na mga bilihin.
Sinabi n'yo na yan dati. Ano'ng nangyari? Naulit pa rin. Kung ako sa iyo Joy, umpisahan mo nang magbalot-balot ng mga gamit mo. Sisiguraduhin kong hindi ka na magtatagal dito sa dorm na ‘to. Mga perwisyo!" #DearMORSalbahe - The Mariz Story For MORe videos subscribe now: http://bit.ly/MORForLife Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/morentertai... Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MOREntManila Follow us on Twitter: http://twitter.com/MORentPH
Vice President and Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio said that the COVID-19 pandemic must no longer affect classroom learning. - Sinabi ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio ni hindi na maaaring mabalam o maapektuhan ng COVID-19 pandemic ang pag-aaral ng mga estudyante.
The Royal Australian College of General Practitioners says primary care has reached crisis point. - Sinabi ng The Royal Australian College of General Practitioners nasa krisis na ang primary care sa bansa
The Federal Opposition Leader says his party will boycott an upcoming jobs summit to tackle chronic worker shortages, labelling it a Labor stunt. - Sinabi ni Peter Dutton na hindi dadalo ang kanilang partido sa isasagawang jobs summit pero ang Nationals ay makikibahagi ayon sa lider nitong si David Littleproud.
The federal government says it will take whatever action's necessary to help ease gas prices as supply tightens across the east coast. - Sinabi ng Pamahalaang Pederal na gagawin nito ang lahat ng kailangang hakbang upang makatulong maibsan ang presyo ng gas sa paghihigpit sa supply sa silagang bahagi ng bansa