Podcasts about tungkol

  • 40PODCASTS
  • 207EPISODES
  • 34mAVG DURATION
  • ?INFREQUENT EPISODES
  • Dec 27, 2024LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about tungkol

Latest podcast episodes about tungkol

The Linya-Linya Show
337: Bara-Bara - Mga Konseptong Isinabuhay w/ GL

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Dec 27, 2024 143:16


Isang araw pagkatapos ng AHON 15, salang agad sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show podcast.Sa harap ko, para sa inyo— isang battle emcee, poet, at lyricist; isa sa pinaka-inaabangang emcee ng panahon ngayon dahil sa kanyang intelligent concepts and clever angles, sa lawak at lalim ng kanyang vocabulary, sa kanyang creative writing; Champion ng 2018 Process of Illumination, at kahapon lang, mainit-init pa, ang FlipTop Battle League 2024 ISABUHAY CHAMPION— representing Visayas division, mula pa Palo, Leyte para sa inyo— ang nagtawag sa Old Gods at nagpanginig sa current— GL! BOOM!Tungkol sa kanyang Isabuhay experience at sa pagkamit ng kampeonato, sa creative process at preparations sa isang battle, sa poetry at kung paano nito natulungang mahubog ang kanyang pagsusulat at estilo, sa kwento sa likod ng tumatak nyang “Old Gods” scheme at sa matinding revelation nya (dito nya lang nireveal!) sa naging konsepto ng kanyang Isabuhay 2024 run.All good with the Old Gods at maging ang current— samahan nyo akong pasukin ang isip, himayin ang mga ideya, at baybayin ang mundo ni GL. Mindblowing ang mahigit dalawang oras na episode na ‘to.Lisyen up, yo!

Unboxing Catholicism
Ang Mga Sulat ni San Pablo| UC #102

Unboxing Catholicism

Play Episode Listen Later Sep 2, 2024 87:24


Tungkol saan kaya ang mga sulat ni San Pablo? Ano-ano kaya ang kanyang layunin sa pag sulat nito?Let's answer these questions as we unbox today's episode! Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, a priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also  The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Do you struggle in praying and sleeping?  Don't count the sheep. Talk to the Shepherd.  Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Links to Social Media Pages:  Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism UC YouTube: https://www.youtube.com/@unboxingcatholicism?sub_confirmation=1

SBS Filipino - SBS Filipino
LGBTIQ+ community disappointed by the exclusion of sexuality and gender questions in the next Census - LGBTIQ+ dismayado sa hindi pagsama ng mga tanong tungkol sa sekswalidad o kasarian sa Census

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Aug 30, 2024 8:40


Before the last election, Labor promised to include questions on sexuality and gender in the next Census for better data, but the government now says this will not happen. What could be the reason? - Bago ang huling eleksyon, nangako ang Labor na isasama ang mga tanong tungkol sa sekswalidad at kasarian sa susunod na Census para sa mas mahusay na datos, ngunit sinasabi ng gobyerno na hindi na ito mangyayari. Ano kaya ang dahilan?

Bugoy na Koykoy Podcast
Lumalim Ang Usapan Tungkol Sa Topak Ng Mga Babae - Milk & Wine Podcast

Bugoy na Koykoy Podcast

Play Episode Listen Later Aug 12, 2024 130:30


Intindihin natin ang wiring ng utak ng mga babae...

SBS Filipino - SBS Filipino
Mga dapat malaman tungkol sa kanser sa dugo na nakukuha ng isa sa bawat 12 Australians

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 29, 2024 9:38


Isang bagong datos mula sa Leukemia Foundation ang nagsasabing walong porsyento ng mga Australian ang mada-diagnosed ng isang uri ng Blood Cancer. Sinabi ng foundation na mahalagang malaman ng lahat ang mga kondisyon na makaka apekto sa kalusugan.

Updated with Nelson Canlas
[VIDEO] Ana Feleo, may rebelasyon tungkol sa yumaong amang si Johnny Delgado

Updated with Nelson Canlas

Play Episode Listen Later May 22, 2024 49:15


Ayon sa acting coach at aktres na si Ana Feleo, kakaiba ang paraan ng pagdidisiplina sa kanya ng yumaong ama at tanyag na aktor na si Johnny Delgado. Totoo nga bang bata pa lang ay tinuruan na siyang uminom at magpalit ng gulong? Panoorin sa video.

SBS Filipino - SBS Filipino
Catholic transmum respects the message of the church regarding gender-affirming surgery and surrogacy - Katolikong transmum nirerespeto ang mensahe ng simbahan tungkol sa gender-affirming surgery at surrogacy

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 9, 2024 16:34


In April, the Vatican declared that gender-affirming surgery, gender reassignment, and surrogacy are serious violations of human dignity. For Sofiya Huggins, there are different beliefs among people that should be respected. - Noong Abril, idineklara ng Vatican na ang gender-affirming surgery, pagbabago ng kasarian, at surrogacy ay malubhang paglabag sa dignidad ng tao. Para kay Sofiya Huggins, may iba't ibang paniniwala ang mga tao na dapat respetuhin.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 21, 2024 5:07


Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  Ebanghelyo: Jn 10:1-10 Sinabi ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, ang hindi dumadaan sa pintuan sa pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at mandarambong. Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan. Binubuksan siya ng bantay-pinto, at nakikinig ang mga tupa sa kanyang tinig; at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan at inilalabas niya sila. Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya naglalakad at sa kanya sumusunod ang mga tupa, sapagkat kilala nila ang tinig niya. Hinding-hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng dayuhan.” Ito ang talinhagang sinabi sa kanila ni Hesus. Ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi uli ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pintuan ng mga tupa. Magnanakaw lamang at mandarambong ang lahat ng nauna sa akin. Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  (Napakaganda ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Sinabi ni Hesus: “Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa… naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.”)  Abundant life! Yan daw ang dahilan sa pagparito ni Hesus. Ano ba ang lubos na masaganang buhay para sa iyo? Sagana ka ba o kapos? Kapatid, ang kasaganaan ay hindi isang bagay na nakukuha natin. Itoý isang handog, isang paraan ng pamumuhay at pag-iral.  Ang masaganang buhay ay hindi tungkol sa dami ng kayamanan, ng tagumpay, ng pagiging sikat sa social media, ng seguridad, o pagiging number one sa alinmang larangan. Hindi ito mga bagay na madalas nating iniisip. Ilang beses mo na bang nakuha ang gusto mo, natupad ang iyong pangarap, o nagawa ang pinararangalan ng lipunan? Para lamang matuklasan ang iyong sariling kahungkagan at kahirapan? Nasa iyo ang lahat pero hindi ka sagana. Hindi, ang masaganang buhay ay pakikiisa sa buhay na banal. Tungkol ito sa kalidad ng buhay, hindi sa dami. Buhay na makahulugan, may integridad at layunin, malikhain, may mabuting mga relasyon, at kaganapan. Ang masaganang buhay ay nagbibigay-buhay din sa iba at sa mundo. Buhay na puno ng pag-ibig, ng kagalakan, ng pag-asa, ng kabaitan, ng pagkabukas-palad, ng kagandahan, at pasasalamat. Hindi ba ito talaga ang gusto natin? para sa ating sarili at para sa isa't isa? (Manalangin tayo: Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol, gusto naming sundan ka sa pastulan ng kasaganaan. Tulungan mo kaming makinig sa iyong tinig sa araw-araw. Amen.)  

The Linya-Linya Show
302: Ituloy ang kuwento w/ Patricia Evangelista

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Apr 11, 2024 82:56


Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento.  Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwento-kuwento ang isang kuwento? Sa kabila ng pagsuot sa pinakamadidilim na sulok ng komunidad, ano nga ba ang nakikita nyang liwanag? Samahan nyo kami sa kuwentuhang ito. Kasama kayo sa kuwento.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 2, 2024 4:18


Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo:  Lk 24:13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Sumagot ang isa sa kanila: “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya'y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba't kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinabi ng Kasulatan tungkol sa kanya. Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo'y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba't nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di'y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Sa lahat ng kwento ng Resurrection, ang kwento ng dalawang alagad sa daan patungong Emaus ang paborito ko. Para kasing nakikipaglaro si Hesus ng hide and seek sa kanila. Malungkot silang naglalakad nang lumapit si Hesus, pero hindi nila siya nakilala. Ipinaliwanag niya sa kanila ang Banal na Kasulatan tungkol sa kanya, pero wala pa rin. Di pa rin nila gets. Noong makarating sila sa pupuntahan, inanyayahan nila si Hesus na “Tumuloy ka muna rito sa amin.” Kaya't nagpaunlak si Hesus. Nabuksan lang ang kanilang mga mata noong kumakain na sila – pero bigla namang naglaho si Hesus!  Kapatid, nagpapakita sa atin si Hesus kung kailan hindi inaasahan. Kahit hindi natin siya nakikilala, kasama natin siya; ginagabayan niya tayo at itinuturo niya ang tamang daan. Katulad nitong lumang Icon of Christ and his Friend, yakap ng kanyang kanang kamay ang kanyang kaibigan. Gaano man kagulo o kalungkot ng buhay, laging may pag-asa. Kahit hindi natin naiintindihan kung ano ang nangyayari, pwede tayong magtiwala na may plano ang Diyos para sa atin. Mahal tayo ni Hesus at kasama natin siya sa bawat hakbang ng ating buhay. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan mo kaming makilala kang lagi upang mamuhay kami nang may saya at pag-asa. Amen.

Ogie Diaz Showbiz Update
ETO PA ANG INFO TUNGKOL SA HIWALAYANG BEA AT DOM!

Ogie Diaz Showbiz Update

Play Episode Listen Later Feb 12, 2024 35:56


Gabby Conception, OA! Saan? Alamin! Kampo ni Dominic Roque, nagsalita na tungkol sa issue ng "bakla" at pewkeng engagement ring! Aktor "hinawaan" ng sakit si misis!

SBS Filipino - SBS Filipino
Filipino community and veterans gather in Brisbane to unveil hidden World War II heroism - Ilang beterano at Pinoy sa Brisbane, nagtipon sa inilunsad na libro tungkol sa kabayanihan noong World War II

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 9, 2024 6:25


The Filipino community in Brisbane, along with veterans and with the support of the Philippine Consulate Queensland, gathered at the launch of Marie Silva Vallejo's book, "Dauntless." - Nagtipon sa Brisbane ang ilang mga Pilipino at mga veteran sa paglulunsad ng librong Dauntless na tungkol sa lihim na kabayanihan noong World War II.

SBS Filipino - SBS Filipino
Kwaderno: A new podcast series about the international students in Australia - Kwaderno: Isang podcast series tungkol sa mga international student sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 24, 2024 5:53


Different experiences and ways of perseverance — that is how the situation of international students in Australia can be depicted. This podcast series will discuss the things that international students in the country should know while sharing their journey. - Iba't ibang karanasan at paraan ng pagpupursigi — ganito mailalarawan ang sitwasyon ng mga international student sa Australia. Layunin ng bagong podcast series na ito na magabayan ang mga international student sa bansa habang ibinabahagi rin ang kanilang kwento.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Have Fun Butt Play Safe': Pagbibigay ng higit na kaalaman sa mga migranteng populasyon tungkol sa HIV

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 1, 2023 11:23


Nananatili ang stigma tungkol sa sakit na human immunodeficiency virus (HIV) at sa mga taong mayroon nito sa Australia dala ng kakulangan sa kamalayaan ng mas malawak na populasyon. Isang grupo ng mga mananaliksik mula Queensland ang hangad na makatulong sa pagbibigay ng sapat na impormasyon lalo na sa hanay ng mga migrante.

Unboxing Catholicism
Feast of Christ the King | UC #86

Unboxing Catholicism

Play Episode Listen Later Nov 29, 2023 68:08


Tungkol saan nga ba ang pagdiriwang ng “Christ the King”? At ano ang kahalagahan nito sa ating pananampalatayang Katoliko? Let's unbox these questions with Unboxing Catholicism's Spiritual Director, Fr. Cayo Estrada and one of our core volunteers, Voltaire de los Reyes. Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Please check Daxx F. Bondoc's I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping?  Don't count the sheep. Talk to the Shepherd.  Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Social Media Pages:  Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Tiktok: @UnboxingCatholicism “First, we have a God, a king. Unlike other kings who force themselves to their people, our king is someone who invites and really entices people through His love. And then ‘yong part doon na as a response, how are we becoming kings to others as well. When we are correcting others, are we responding with hate? Just like the other kings when they are challenged, they get angry. But because our king is someone who looks after the best of us, when he reprimands us, when he corrects us, it comes from that desire of wanting the best for us.” --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message

The Linya-Linya Show
273: Tapang at Katotohanan sa Panahon ng Pagpatay w/ Patricia Evangelista [VIDEO]

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Nov 9, 2023 84:25


Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpaslang.   Sa ikalimang taon ng #TheLinyaLinyaShow, mapalad tayong makasama at makausap ang Filipina writer, trauma journalist, former investigative reporter for Rappler, at ang author ng recently launched and widely acclaimed book na “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” na si Patricia Evangelista.   Tungkol sa karanasan at proseso ni Pat bilang isang manunulat at mamamahayag. Tungkol sa pagkalap at pagbabahagi ng kwento– sa parehong written and visual storytelling. Tungkol sa papel ng journalism sa mundo. Tungkol sa tapang. Tungkol sa paglalahad ng katotohanan.

Tsaastrology: The Podcast
10.12 Tsaa: Eclipse (Not Twilight)

Tsaastrology: The Podcast

Play Episode Listen Later Oct 17, 2023 54:55


Hindi kikinang sa sunlight ang keki. Tungkol ‘to sa recently naganap na solar eclipse, October 14, 2023, at kung anez ang effectchina nitey sa jojakels mez. Havey ka ba o waley? Let's find out sa mga gaes! --- Tsaastrology is part of the BUNK Collective. Discover more podcasts at ⁠⁠https://thebunkph.com⁠⁠ and connect with us through social media @thebunkph Advertise with us! BAKA NAMAN! Hit us up at ⁠⁠wassup@thebunkph.com⁠⁠ and baka basahan pa namin kayo ng kapalaran ninyo! Support this podcast through ⁠⁠https://ganknow.com/tsaastrology⁠⁠ For inquiries and partnerships, e-mail us at ⁠⁠tsaastrology@thebunkph.com⁠⁠ Join our community Discord channel at ⁠⁠https://dsc.gg/bunk⁠⁠ and join the conversation with the BUNK hosts! Connect with Tsaastrology ⁠⁠https://facebook.com/tsaastrology⁠⁠ ⁠⁠⁠⁠https://twitter.com/tsaastrology⁠⁠ ⁠⁠https://instagram.com/tsaastrology

The Linya-Linya Show
265: Tunay lamang ang mananatili w/ KJah

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Oct 1, 2023 57:09


Muling nagbabalik sa #TheLinyaLinyaShow-- ang isa sa pinakamalupit na lyrcist at isa sa pinakamatinik na makata sa mundo ng Pinoy rap-- si KJAH!  Mula Camarin, tawid ng Novaliches-- nagkwentuhan kami ni KJah tungkol sa kanyang simulain sa mundo ng musika, sa pagbalanse ng kanyang career sa rap at sa kanyang day job, sa pananaw tungkol sa "hustle culture" at sa halaga ng edukasyon, at kung saan siya patuloy na dinadala ng kanyang dedikasyon. Tungkol sa iba pang bagay na tunay, na sabi nga nya ay "nakasalalay sa letra." Listen up ‘yo!  Pakinggan din ang ang bagong album ni KJah sa ilalim ng UPRISING: https://open.spotify.com/album/4XmjaVD45HYh0nxiTZoVHl?si=ALrtsblrR4yAVKpry1v3cw Linya-Linya x KJah collab shirt: https://www.linyalinya.ph/products/kjah-uprising?_pos=1&_sid=3596d6c29&_ss=r

SBS Filipino - SBS Filipino
FECCA: Ethnic Communities' Council of Victoria holds a forum to address issues regarding the Voice Referendum - FECCA: Magsasagawa ng forum sa Victoria para sagutin ang isyu tungkol sa Voice Referendum to Parliament

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 24, 2023 8:42


Listen, ask questions, and participate in an important discussion about the upcoming referendum with expert panelists in Victoria. - Makinig, magtanong, at makilahok sa mahalagang talakayan tungkol sa paparating na referendum mula sa mga ekspertong panelist sa Victoria.

SBS Filipino - SBS Filipino
Filipino Australian group hosts virtual forum to answer questions surrounding the Voice Referendum - Grupo ng Pinoy sa Australia, nagsagawa ng online forum para sagutin ang mga isyu tungkol sa Voice Referendum

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 19, 2023 8:57


The Australians for Philippine Human Rights Network organised an online forum to address Filipino concerns regarding the Indigenous Voice to Parliament referendum. - Binuo ng Australians for Philippine Human Rights Network ang online forum para masagot ang mga katanungan ng mga Pinoy kaugnay sa Indigenous Voice to Parliament referendum

Ogie Diaz Showbiz Update
TRINA CANDAZA, NAKIUSAP TUNGKOL SA VISITATION RIGHTS NA HINIHINGI NI CARLO AQUINO!

Ogie Diaz Showbiz Update

Play Episode Listen Later Sep 18, 2023 23:39


sa isyung pag-file ng visitation rights ni Carlo Aquino sa korte, may sinabi si Trina Candaza! Grabe ang mga Basher kay Mama Ogs!

The Linya-Linya Show
259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 69:54


Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM! Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng Gen Z! Kilalanin, unawain, at yakapin ang generation na nagshe-shape ng society natin ngayon! Listen up ‘yo na!

PumaPodcast
The Comprehensive Agreement on the Bangsamoro is signed, but what's next? | Balangkas ng Bukas

PumaPodcast

Play Episode Listen Later May 28, 2023 35:11


"People will only leave a relationship when they are treated badly." isn't just a quote applicable to our love lives. Tungkol din 'yan sa pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Professor Miriam Coronel-Ferrer and Director Wendell Orbeso, Member of Parliament Anna Basman, and Director Emboy Bahjin of the Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity speak on the lengthy debates at congress and the most important parts of the Bangsamoro Organic Law in this episode of "Balangkas ng Bukas."Balangkas ng Bukas is a podcast by Youth Leadership for Democracy (YouthLed)—a project of The Asia Foundation and the United States Agency for International Development, powered by PumaPodcast with the support of the United Voices for Peace Network.Subscribe so you don't miss an episode! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

The Linya-Linya Show
237: Walang Aray w/ Gio Gahol and Marynor Madamesila [VIDEO]

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Apr 11, 2023 54:19


Sa episode na ‘to, may nakasama tayong two very special and talented guests from PETA's comeback show– Walang Aray– Gio Gahol and Marynor Madamesila. BOOM! Tungkol sa teatro at pag-ibig: Pinoy culture and society, isang dekadang Gio, rising from the lockdown, kwentuhang array of aray's, the joy of shared laughter, at ang totoong dahilan kung bakit tinawag na ‘palabas' ang isang palabas. Tumindig, umibig, and listen up, yo!

Fr. Jade Shares
Fr. Jade Shares #481: Tungkol lang ba sa itlog ang Easter?

Fr. Jade Shares

Play Episode Listen Later Apr 9, 2023 12:57


There's a serious concern on how we understand Easter, the greatest mystery and celebration in our Christian life. Sadly, we are stucked in the trivial things in celebrating the Paschal Triduum like eggs, overacting and over dressed Roman soldiers and unconsciously pulling away our attention to Jesus and his loving act to save us. [John 20:1-9, Easter Sunday]

The Linya-Linya Show
233: DOG SHOW TO GOD SHOW w/ Romar Chuca

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Mar 16, 2023 47:28


Magsitayo ang lahat, dahil sa episode na ‘to, nakasama natin ang isang Ateneo Management graduate, former teacher and Linya-Linya member, and now a Social Economic Enrichment Development Officer for indigenous people, content creator and TikTok star, Romar Chuca – BOOM! Tungkol sa haha sa Hallelujiah: Ang halaga ng tawa sa pananampalataya, saan at paano humuhugot ng inspirasyon sa mga religious skits, at kung ba't hindi kailangang maging boring ng pagiging banal. Sumainyo rin, and listen up, yo!

Ogie Diaz Showbiz Update
OGIE DIAZ, MAY LILINAWIN TUNGKOL SA KOMISYON KINA LIZA SOBERANO AT VICE GANDA!

Ogie Diaz Showbiz Update

Play Episode Listen Later Mar 3, 2023 30:34


"Kung mukha akong pera!" "Lilinawin ko lang 'yung 40% daw ang komisyon ko kay Liza Soberano, ha? Dabid Licauco, ba,t laging viral?

The Linya-Linya Show
230: PLANalo sa buhay w/ Victor Anastacio

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Feb 22, 2023 51:58


Prepare yourselves, dahil nagtambal muli ang paborito niyong mga podcast superstars! Kasama ulit natin ang comedian, actor, super hunk, hot and steaming jowa, and OG ng The Linya-Linya Show na si Vic Anastacio – BOOM! Nagkasama ulit kami para sa simple pero sincere na catch-up tungkol sa life – Pareho nang may love life, nagpupursige sa karera, patuloy na ineenjoy ang kanya-kanya naming hobbies, at masaya sa piling ng mga minamahal sa buhay. Tungkol sa pag-appreciate sa magagandang bagay sa buhay, tamang balance at paghahanda, at pag-invest at pag-prioritize sa sarili at mga minamahal. Isang malupit sa shoutout to Manulife for sponsoring this episode! Listen up, yo!

The Linya-Linya Show
227: Kalinya sa karera at adbokasiya w/ Ranze Calderon

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Feb 10, 2023 40:32


Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin. Iba't ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, kasama natin ang Isko from UP Diliman-- isang youth leader na Executive Director ng GoodGovPH, Membership & Governance at Director ng 2030 Youth Force in the Philippines Inc., ang Social Media Head ng Linya-Linya, si Ranze Calderon – BOOM! Masaya at malaman ang naging kwentuhan namin ni Ranze mula sa mga unang pagkonekta ng linya namin sa kanyang NGO work bilang youth leader, hanggang sa maging mahalagang bahagi siya ng Linya-Linya. Tungkol sa pagpapasaya, sa pagpupursige, at sa pagtulak sa mga bagay na pinaniniwalaang mahalaga. Listen up at matuto tayo sa isa't isa, yo!

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Katotohanan tungkol sa Purgatoryo-Part 2

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Feb 8, 2023 29:00


AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Katotohanan tungkol sa Purgatoryo-Part 1

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Feb 1, 2023 29:00


Katotohanan tungkol sa Purgatoryo-Part 1

The Linya-Linya Show
225: Dropping the Beat w/ DJ Ayel Mari

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Jan 28, 2023 64:39


Ang guest natin sa episode na ‘to ay isang creative na nagpapatugtog ng music at gumagawa ng videos, and Nectar nightclub resident DJ, Ayel Mari – BOOM! Tungkol sa music, PH Dance and Hiphop scene, waacking and vogue, at buhay DJ; from Bora to Nectar. Listen up, yo!

SBS Filipino - SBS Filipino
The first and the most recent Australians add their views to debate on Australia's path to the future - Dagdag na pananaw ng mga una at bagong Australyano tungkol sa hinaharap ng Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 27, 2023 4:17


Australia Day has seen a continuation of the debate about the proposed Indigenous Voice to Parliament. - Nasaksihan kahapon, Australia Day ang pagpapatuloy ng debate tungkol sa panukalang Indigenous Voice to Parliament.

Ogie Diaz Showbiz Update
ETO PA ANG IBANG NAGREREKLAMO TUNGKOL KAY ALEX GONZAGA!

Ogie Diaz Showbiz Update

Play Episode Listen Later Jan 20, 2023 29:09


Dani Barreto nag-iiyak! Alex Gonzaga, umiiyak! Sising-sis! Gabriela, nakialam na!

The Linya-Linya Show
219: Rated: Underrated w/ Mon Confiado [Video]

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Dec 29, 2022 53:39


Paalala: Ang podcast episode na ito ay Rated Underrated. Ang kasama natin ngayon, isang batikang aktor, na naging bahagi na ng daan-daang pelikula at TV Shows, hindi lang locally, pero maging international– isa sa mga pinakamahusay nating character actors sa entertainment and movie industry-- si Mr. Mon Confiado! BOOM! Tungkol sa impluwensya at pagkamulat nya sa pelikula, sa mga 'di malilimutang karanasan sa pinilakang tabing, sa pagsisimula sa wala at pagsunggab sa mga bumubukas na oportunidad, hanggang sa tips and advice nya sa up and coming movie star at ang Totoy Mola ng podcast na si Ali. Haha! Nagsimula mang underrated, heto sya ngayon-- kapapanalo lang bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Nanahimik ang Gabi! Congratulations, Mon! Punong-puno ng passion sa craft at sa buhay ang episode na ito, kaya listen up, yo!

The Linya-Linya Show
213: Sabayang Love Life w/ Victor Anastacio ft. Ali Sangalang & Reichelle Carlos [Video]

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Dec 2, 2022 64:16


Talaga nga namang may mga love life na ang mga paborito niyong podcast superstars, dahil nandito na ang crossover post ng Sabayan with Victor Anastacio episode namin ni Reich– now in video format! Tungkol sa mga early Bumble landian days, pagiging official with mood lighting, pagkakasundo sa beer, gigs, at comms life, and in not simply looking at each other, but looking towards the same direction together – BOOM! Happy kilig kinig and listen up, yo!

boom reich bumble love life talaga tungkol victor anastacio ali sangalang
SBS Filipino - SBS Filipino
Thousands of Bondi birthday suits to raise awareness of skin cancer - Libu-libong tao dadalo sa nude installation sa Bondi Beach para magbigay ng kaalaman tungkol sa skin cancer

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 25, 2022 2:58


Thousands of people will take part in a nude installation at Bondi Beach on Saturday to raise awareness of skin cancer. Artist and photographer Spencer Tunick has been enlisted to capture one of his internationally renowned images featuring thousands of naked people. - Libu-libong beach goers ang makikibahagi sa maagang nude installation sa Sabado, ika-26 ng Nobyembre sa Bondi Beach na kukunan ng artist at batikang photographer na si Spencer Tunick.

Ogie Diaz Showbiz Update
EXCLUSIVE! JOSHUA GARCIA, NAGSALITA NA TUNGKOL SA BABAING NALI-LINK SA KANYA!

Ogie Diaz Showbiz Update

Play Episode Listen Later Nov 15, 2022 31:11


Ogie Diaz Showbiz Update kinilala sa Amerika! Joshua Garcia may daretsahang inamin! Christian Bables, straight or gay? Sasagutin!

The Linya-Linya Show
207: 22 w/ a Fellow 22 ft. Jomar Jay

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Nov 7, 2022 42:59


Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin. Iba't ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, kasama natin ang standup comic, ½ of the Buhangin Brothers Podcast, at magiting na OFW na si Jomar Jay – BOOM! Tungkol sa Pinoy podcast scene, buhay OFW sa Dubai, pasta at jacket, free dental care advice, at totoong camaraderie amongst creatives. Always floss because we all have flaws and listen up, yo!

SBS Filipino - SBS Filipino
Women aren't seeking advice on their weight for fear of judgment - Mga kababaihan hindi na kumukunsulta sa doktor tungkol sa kanilang timbang sa takot na mahusgahan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 4, 2022 7:24


New research reveals that over half (52%) of Australian women feel judged for their weight by their healthcare professional, and in turn, this deters more than three-quarters (79%) from seeking medical advice for not only their weight but other health areas of concern. - Sa bagong pananaliksik kalahati o 52 porsyento ng mga kababaihan sa Australia ay nakadama na hinuhusgahan ang kanilang timbang ng kanilang mga healthcare professionals, tuloy naging hadlang ito para ikunsulta ang iba pa nilang mga sakit.

The Linya-Linya Show
204: Mental Health matters and why it matters w/ Dr. RJ Naguit

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Oct 22, 2022 46:14


Ngayong World Mental Health Month, masaya akong nakasama natin ang medical doctor, activist, community development student, colleague and friend na si Dr. RJ Naguit – BOOM! Tungkol sa advocacy, lagay ng mental health services sa Pilipinas, mental health in the workplace, at kung paano pa natin mas mapapakalas at masusuportahan ang kampanya para sa ikabubuti ng mental health nating lahat. Reach out to the ones you love, yakaping mahigpit, and listen up, yo! Trigger warning: Suicide

SBS Filipino - SBS Filipino
Do you understand your finances? Help may be at hand. - Sapat ba ang iyong nalalaman tungkol sa iyong pananalapi? May tulong na pwdeng magamit.

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 20, 2022 8:56


Is the complexity and cost of financial advice putting you off from getting it? And should it be free or should it come with a cost? - Ano nga ba ang pumipigil para sa ilan na kumuha ng payong pinansyal? Ito ba'y dahil ba sa pagiging kumplikado nito at mataas na presyo? Dapat nga bang gawing libre ito o dapat na may bayad?

The Linya-Linya Show
196: LOLs and LULs w/ Alex Calleja

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Sep 19, 2022 74:46


Long time coming, at sa wakas, nakasama na rin natin ang isa sa dream guests ko: Host, writer, radio TV personality, director, podcaster, IT programmer, standup comedian, Alex Calleja! BOOM! Tungkol sa naging journey so far ng isang Alex Calleja: mula sa humble beginnings with otso-pesos Pancit Canton, kung pa'no siya nagsumikap at nakaahon, sa'n siya humuhugot ng inspirasyon, perspective tungkol sa mundo ng standup comedy, at kung sa'n ang mararating ng patuloy na pagpupursigi at pagpapatawa sa iba't ibang ng klase ng tao. Hagalpak ang tawa ko rito hahaha. Listen up, yo!

The Linya-Linya Show
193: Mabuting Makinig w/ CarlJoe Javier

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Sep 2, 2022 76:23


Makinig nang mabuti: #MabutingMakinig sa episode na ‘to, dahil nagbabalik ang writer, musician, podcaster, ½ of Chino and Carl's Guitar Picks, CEO of PumaPodcast, and good friend, CarlJoe Javier – BOOM! Masaya at swabeng kwentuhan lang may mutual na pakikinig from both sides. Tungkol sa halaga ng paggamit ng tenga: Mula sa Metallica, gigs at music scene, The Joy of Radio Discovery, hanggang sa maigi at matalinong pakikinig sa mundong lunod sa content and information. Sa pagiging bukas habang pinangangalagaan ang sariling espasyo, at ang halaga ng pakikinig nang mabuti para mabuo ang tiwala at paniniwala. Makinig nang mabuti a.k.a. Listen up, yo!

The Linya-Linya Show
186: Daddy Diaries - Buhay Tatay

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Jun 21, 2022 61:38


Sa episode na ‘to, alamin natin: What did it take to raise a Podcast Superstar? WIW! Nagbabalik sa pod, by popular demand, si Engr. Rene Sangalang a.k.a. Daddy! Sinakto namin sa Father's Day na pagkwentuhan ang Buhay Tatay bilang magiging tatay tayo... I mean, ang marami sa atin, balang-araw. BOOM! Tungkol sa mainam na paghahanda at tamang mindset for fatherhood, happiest and saddest moments, pag-strike ng balance sa lahat ng aspekto ng buhay, at ang iba't ibang mga sakripisyo, maliliit man o malalaki, na inaalay ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Hindi lang tuwing Father's Day, kundi araw-araw nating ipinagdiriwang ang mga tumatayong ama sa buhay natin at ang walang pagod nilang pagkalinga. Listen up, yo!

SBS Filipino - SBS Filipino
Coalition super plan faces criticism - Plano ng Koalisyon tungkol sa superannuation, binatikos

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 17, 2022 6:21


The Prime Minister is defending his party's plan to unlock super for first home buyers - despite warnings it could drive up house prices further, and hurt retirement savings in the long term. - Sa kabila ng mga batikos, patuloy na ibinida ni Prime Minister Scott Morrison ang plano nitong gamitin ang superannuation para pang-deposito ng mga first home buyers. Ikinabahala ng mga kritiko na magiging sanhi ito ng pagsipa ng presyo ng bahay at malaki ang magiging epekto nito sa retirement savings.

Machong Chismisan
Machong Chismisan S13E20: Takeshi's Castle at mga Lumang Palabas

Machong Chismisan

Play Episode Listen Later Apr 19, 2022 77:25


Tungkol dapat sa mga cartoons ang pag-uusapan namin kaya lang napasarap kwentuhan namin sa Takeshi's Castle at sa mga palabas nung mga panahon na iyon kaya yun na lang ang pinag-usapan namin. Muling nagbabalik ang Macho Initiative na Machong Tambay kaya kasama namin si Aling Leony sa podcast episode na ito.Kung nagustuhan nyo ang aming podcast, pwede nyo kami i-follow sa Spotify at mga social media namin. Facebook: https://www.facebook.com/showbizbro/ Twitter: @machongchismisn Instagram: @machongchismisn Pag marami kayong pera at gusto nyo kaming suportahan para makagawa pa ng maraming content, pwede kayong mag subscribe sa aming Patreon. www.Patreon.com/MachongChismisan Kami rin ay tumatanggap pa rin ng online limos gamit ang mga Paypal, Paymaya at GCash accounts below: Paypal: Paypal.Me/MachongChismisan Paymaya/Gcash: 09178274673 Want to start your own podcast? Use Podmetrics and sign up for free using the link below and use our referral code. link: https://podmetrics.co/ referral code: MachongChismisan See acast.com/privacy for privacy and opt-out information.

The Linya-Linya Show
172: DONG ABAY

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Mar 5, 2022 102:34


May mga usapang hindi na kailangang lagyan ng pamagat, o lagyan pa ng mahabang paliwanag. Minsan, kailangan mo na lang umupo, magtanggal ng sapatos, at makinig. Isang napakalaking karangalan ang makausap ang musikero, makata, social and environmental activist, at rockstar of the Philippines na si Dong Abay. Tungkol tubig at sa buwan, sa paa at sa mata, sa tula at sa musika, sa paglikha at sa pagkawasak,  sa buhay at sa kamatayan, sa Inang Kalikasan at sa Inang Bayan. Samahan niyo akong mag-deep dive sa malawak at malalim na isip ni Dong sa isang dakilang araw para sa The Linya-Linya Show podcast at sa ating lahat. Linya-Linya x Dong Abay LIMITED EDITION collab shirt: https://www.linyalinya.ph/products/dong-abay TW: On mental health, death, and suicide

Rappler
Ano'ng dapat malaman tungkol sa Omicron variant?

Rappler

Play Episode Listen Later Dec 9, 2021 32:04


Ano ang dapat gawin ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng pinakabagong variant of concern sa bansa? Pakinggan ang talakayan nina Sofia Tomacruz at Jodesz Gavilan.

Rappler
Mga dapat malaman tungkol sa petisyon laban sa kandidatura ni Bongbong Marcos

Rappler

Play Episode Listen Later Nov 11, 2021 37:26


Gaano katagal ang magiging pagdinig ng Comelec sa petisyong kanselahin certificate of candidacy ng presidential aspirant? Pakinggan ang talakayan nina Lian Buan at Jodesz Gavilan. Kung gusto mong suportahan ang malayang pamamahayag sa Pilipinas, bisitahin ang https://rplr.co/supportRappler para mag-donate sa Rappler.