LuponWXC Podcasts

Follow LuponWXC Podcasts
Share on
Copy link to clipboard

This is the official Kumu channel for all original entertainment shows starring your favorite talents. Currently showing Isumbong mo kay Kute, but also shows Patalinuhan and Tamang Usapan both on the Kumu platform and youtube.

Luponwxc Kumu


    • Sep 19, 2021 LATEST EPISODE
    • weekdays NEW EPISODES
    • 23m AVG DURATION
    • 262 EPISODES


    Search for episodes from LuponWXC Podcasts with a specific topic:

    Latest episodes from LuponWXC Podcasts

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 209 (Rina)

    Play Episode Listen Later Sep 19, 2021 10:20


    "Ok lang ba na ang aking partner na 8 years na is nangangamusta pa sa babaeng nating classmate nya.. for me kasi nasasaktan ako. salamat po. any advice. nagdedelete pa kc ng convo para daw hindi ako magalit. pangangamusta lang naman ang rason nya. salamat po"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 208 (Ren)

    Play Episode Listen Later Sep 19, 2021 14:13


    "Normal Lang bang masaktan ka kapag nakikita mong magkasama sa pic si bf at ex nya..kahit may kasama Naman silang iba sa pic..at dalawang beses ko Ng nakita SA myday ng ex pic nilang magbabarkada na nag iinuman Pero Di nagpaalam si bf..normal Lang po ba na makaramdam Ng kirot kahit na may anak na Yung girl at bf?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 207 (Cross)

    Play Episode Listen Later Sep 19, 2021 10:10


    "Hi po need ko po tlga advice kasi wala na akong peace of mind... Normal lang po ba sa lalaki na in a relationship na mag send ng friend request sa mga babae sa kabilang shop ng work nya... considered cheating po ba yun kung sinu sino inaad sa fb ?? Naiisip ko bkt need pa nya iadd sa fb mga yun nasa kabilang shop po kasi mga babae, pareho sila ng company.. nasa Canada po kasi bf ko di ko maiwasan maghinala. Ano pong gagawin ko, niloko na nya po ako dati nkikipgkita pala sa iba.. at parang feeling ko mauulit na naman kasi kung sinu sino inaadd nya sa kabilang shop... Ano po bang dapat kong gawin naiisip ko po na itigil ko na yung 2nd chance na binigay ko at tuluyan ko na siyang iwan.. need advice po"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 206 (Stewie)

    Play Episode Listen Later Sep 19, 2021 12:19


    "Sumbong ko sana ex manager ko sa axie boss, pinatungtong ko lang ng 1900mmr ng team nya tinanggal ako as scholar, potek pina-tikim lang ako ng 1and a half sweldo."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 205 (Kute Reacts)

    Play Episode Listen Later Sep 19, 2021 14:16


    Facebook, Ginamit sa Kopyahan?

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 204 (Ike)

    Play Episode Listen Later Sep 14, 2021 12:53


    Hello po. kakagraduate ko palang po ng shs ngayon. kaso po diba sa shs may mga parang courses katulad ng stem, etc. kaso po feeling ko po pagka graduate ko, bigla po ata nagiba yung ihip ng hangin. para pong hindi ko bigla nagustuhan yung course ko na tinapos sa shs. May mapapayo po ba kayo pano niyo nakita or naramdaman na "etong bagay na to yung gusto ko gawin sa buhay ko"?

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 203 (Ford)

    Play Episode Listen Later Sep 14, 2021 14:59


    "Pwede po ba huminge ng advice kung tama ba ang desisyon kona iwan yung taong mahal ko dahil sa paulit ulit nyang pagsisinungaling saakin? Nahihirapan na ako mag isip po. Tuwing may pupuntahan sya, ang sabi nya lagi nya kasama yung pinsan nya na babae tapos puputna daw po sila sa lola nila. Eh ang sabi saking kapatid niya, hindi daw po pinsan namin yung lagi nyang kasama at hindi daw po sa lola nila sya pupunta kundi mag-gagala daw po sila. Ano po pwede niyo mapayo?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 202 (April)

    Play Episode Listen Later Sep 14, 2021 12:12


    "Hello po may dummy account kasi live-in partner ko eh. bakit po kaya ganun? Chineck ko naman po malinis naman po at di nya nilalog-out yung acc nya nakaprofile pa yung anak namin. pero nung nagtanong ako sakanya "anu toh? para saan toh?" Sabi nya "wala masyado kang pakealamera eh. panglaro ko lang yan" Bakit kaya toh may dummy account nambababae ba? may jowa ba? may kabit ba? Any advice po kung paano ko malalaman yung totoo."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 200 (Bella)

    Play Episode Listen Later Sep 12, 2021 15:30


    "May kaibigan kame na tatawagin nating " Istapadora " oo yes Istapadora nakakagigil lang kase ganito kase yan etong istapadorang to kaibigan namen very close na friend. bestfriend, matatawag mong kaibigan sa lahat ng oras pero di ko alam na sa isang iglap maglalaho lahat. Kmeng magbabarkada nagkaroon ng hulugan which is si istapadora ang nagsabeng sya ang maghahawak ng pera. So kame go lang kame, ayoko den namang magtago ng pera at etong si istapadora siniraan pa ung isa nameng kaibigan na sabe huwag daw dun kase nung naghulugan daw sila di nadaw nabalik. Nung nagkasawaan ng maghulugan at mga tinamad na kinukuha na namen ung pera namen. So nag meet kami magbabarkada pero pag sisingilin mo sasabihin "mamaya na" "ay sorry besh di ko dala" with matching pacute pa. another day ganun paden nung usapan nyo na talaga sinabe wala sa kanya ung pera nasa ate nya tas nag decide kameng puntahan na sya sa bahay nila at ate nya. nakausap namen ang sabe ng ate nya wala daw silang hinihiram na pera na pinagtaka namen saan napunta ang pera? Anung ginawa nya sa pera? Anlake ng pera na yun na di ko na babanggitin dito halos lahat kame ng naghulugan nasa kanya ang pera kapag sinisingil namen sya tinataguan kme minsan tinatakbuhan kame kunyare may gagawen di na namen alam kung paano mababalik yung pera na yun kase ipon den naman un e. I need advice ayoko kaseng awayin baka kase masira ung pagkakaibigan namen."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 199 (Warren)

    Play Episode Listen Later Sep 12, 2021 13:28


    "Hihingi lang po sana ako ng advice sa inyo. Medyo hirap po kasi kami sa buhay ngayon financially. Meron naman po trabaho si mama pero po si papa po wala nang trabaho dahil sa pandemic. Tapos po dumating na sa point na sabi po ni mama sakin need ko na daw po muna mag stop sa pag-aaral at need ko po daw muna magtrabaho para po may pangkain kami sa araw araw. hindi po kasi kasya talaga yung pera na nakukuha ni mama sa sahod nya. Eh kaso po kaka-enroll ko lang po, 1st year college palang po ako at gusto ko po yung school at course na nakuha ko. Ano po pwede niyo maipayo?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 198 (Nicole)

    Play Episode Listen Later Sep 12, 2021 8:40


    "Hi po ito po ay about sa ex ko na nagcheat saken. Ngayon nagparamdam nanghihingi ng closure. Hihingi daw po sya ng tawad nangungulit na makipag kita ako sa kanya. Sabi ko masaya nako wag nako kulitin. Ang dami kung sinabi sa kanya. Napamura pa nga ako. Ewan iniisip nya po ata na kapag nakapag kita ako magiging ok na kami. Hirap kasi magpatawad. lalo na kapag grabe yung ginawa sayo nung tao. Ngayon naka block po sya saken. Ano pong gagawin ko? Gagawin kopa ba sinasabi nya or putulin ko na laht ng communication namin? Sa ngayon d pako handang magpatawad."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 197 (Sanjie)

    Play Episode Listen Later Sep 11, 2021 13:32


    "Pag sinabe po ni girl na, "ikaw bahala kung maghihintay o hindi" sa lalake. May chance po b yon? Thanks. Pano kung sinabe po yan ng girl sa isang guy na nangungulit sa kanya.. And may bf po yung girl n yun.. Mejo conflict lng sila ng bf nya." PS: ako po yung bf at gf ko po yung tinutukoy kong girl.

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 196 (Tine)

    Play Episode Listen Later Sep 11, 2021 15:47


    "Ask ko lang kung anong gagawin ko kapag nagkakagusto ako sa friend kong manhid at play boy? Matagal na kami magkakilala at opo, alam ko na manhid at playboy sya. Kilala ko din halos ng naging ex nya at nakalandian nya. Pero sa tuwing magbrbreak sila nung mga ex nya, ako "daw" lagi nya unang kinakausap para mapaglabasan ng sama ng loob. Ako naman tong si marupok, todo advice sa kanya. Ano po pwede ko gawin?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 195 (Jo)

    Play Episode Listen Later Sep 11, 2021 16:01


    "Ako lang ba ang nakakaramdam na parang dika belong minsan sa fam mo? Ung pakiramdam mo na ur near yet so far sa kanila. Hinahanap ka kapag wala ka. Tpos kapag andyan ka para ka namang bula? Kaya gabi gabi nag pray ako na sana tanggalin ni Lord sama ng loob ko sa kanila. Kase ang pangit tignan. Sa 24 years ko nabuhay sa mundo sanay ako kahit mag isa lang sa buhay. Though may financial support naman from my tito and papa, sanay ako na ako lang sa bahay mag isa. At pagdating sa trabaho ayoko ng gala. Ayoko ng nag aaksaya ng oras sa kakachismis sa buhay ng iba. So inshort I'm an introvert. So balik tau dun sa issue ko sa fam ko. Bakit parang pakiramdam ko ang baba ng tingin nila sakin? Bakit parang di rin cla supportive sakin minsan. Bakit pakiramdam ko walang ibang magaling sa kanila kundi ibang tao. Tapos kapag nagkakamali ako parang ang big deal. Bakit pakiramdam ko ayaw nila sakin?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 194 (Grace)

    Play Episode Listen Later Sep 10, 2021 14:08


    "So this past day nakakaranas ako ng depression. Andameng problema, di ko na kayang saluhin lahat, puro failures nangyayare saken tas puro judgement ng ibang tao naririnig ko even to my family. Di ako makapag labas ng nararamdaman ko im literally drain seriously! I think suicide is the only option to end this life, Need ko ng advise please."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 193 (Cassie)

    Play Episode Listen Later Sep 10, 2021 13:22


    "Actually I need an advice po tungkol dito. Hindi ko alam kung pano to sisimulan sa dami ng tumatakbo sa isip ko pero I'll try.. Sabi nila walang mali sa pag ibig, pero kung sobra na, mali na daw yun, well how will you differentiate if its wrong or right? kapag nasaktan kana at nauntog ka sa pader at natauhan kana na tama na pagiging tanga mo? hmmn maybe. pero pano mo masasabi na hindi pa sya yung para sayo? pano mo masasabi na nasa tamang tao kana? pano mo masasabi na time will come at the right place at the right person kana? eh yung iba nga jan bagong kasal pero they end up broken. yung iba naman long partner relationship pero end up broken parin. masasabi mo naman na they love each other (because nga married couple, yung iba may anak na, yung iba long-term partner) but why choose to end up apart? is it only means that love is not enough? marriage is not the basis to stay in your relationship? child is not enough to stay your partner together? and long term relationship is not the basis to not fall apart? what do you think?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 192 (mrEloy)

    Play Episode Listen Later Sep 10, 2021 22:02


    "Boss baka pwede magsumbong mamaya. Tungkol pa rin dun sa sumbong ko tungkol sa prof naming di nagtuturo tapos biglang magbibigay ng activities/assignments out of nowhere."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 191 (Max)

    Play Episode Listen Later Sep 5, 2021 17:31


    "Last year, I met a guy na sobrang minahal ko. Actually, di ko po sya naging Boyfriend. M.U lang, wala kaming label and wala ding kami. Pero super sweet kami sa isat isa. Kung baga nafefeel ko na merong kami. Ang mali , ako kasi yung nag first move. Ako yung unang nagbigay ng motibo. Nag effort ako super like binibigyan ko sya ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Pagkain kapag nagugutom sya at regalo nung birthday niya. Kinantahan niya rin ako at di ko makalimutan yun. Ginawan niya pa ako ng kanta. Basta araw araw kami nung magkachat lagi gabi gabi yung parang wala ng bukas. Matanda po sya sakin. Nasa apat na agwat ang layo ng edad naming dalawa at alam niya yun . Ayun tuloy tuloy pero wla paring kami. Di niya ako niligawan pero ewan ko lang sa kanya. Hanggng sa nag school na ako, dun nagbago. Di na kami nagkikita. Cold replies and seens yung natatanggap ko na sa kanya. Nafefeel ko na baka busy lang sya pero di naman sya ganun dati kayat yun tinanong ko sya kun anong problema. Hanggang sya gusto niya ng tigilin lahat ng nafefeel ko para sa kanya. Kumbaga friends nalang kami. Ano po ba masasabi niyo? Naging totoo po ba yung nafefeel niya sakin o hindi? Kung oo bakit bigla niya nalang yun sinabi sakin. At bakit nagbago sya. Nagkulang ba ako? Ginawa ko naman lahat?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 190 (Coffee)

    Play Episode Listen Later Sep 5, 2021 19:55


    "May nobyo ako, actually live in kami at may anak kami na 7 months old. And before eh nasa maynila kami, sa mandaluyong. Dun ako nanganak and after 2 months ng panganganak eh umuwi kami ng lip(live in partner) ko dito sa bulacan. Mother's side naming magkakapatid and kasama namin sa bahay ung bunso namin na kapatid which is 17 yrs old na. The problem is ung kapatid ko. Natutuwa sa kanya nung una ung lip ko dahil tumutulong sakin sa bahay. Pero after 1 week na pamamalagi namin dito eh lumabas na ung ugali ng kapatid ko. Actually hindi naman talaga sya ganun dati nung magkakasama pa kami. May kusa sya kahit papano. Kahit papano lang ha, hindi ung talagang may pagkukusa. Pero ngayon hindi na, iba na. Kailangan uutusan mo palagi, kailangan magsasalita ka muna bago kumilos which is nakakapagod na sa part ko. Ung kapag pinagsasabihan mo tatahitahimik pero hindi mo alam kung ano ang nasa isip. Kapag pinagalitan ko mas galit pa sakin. Kahit kaharap namin ung lip ko pagsisigaw sigawan nya ako. Gusto kong sapakin pero alam ko kc na gaganti sya kapag ginawa ko un at baka magpang abot pa sila ng lip ko which is pinaka iniiwas iwasan ko. Hndi ko alam kung magbabago pa ba sya. I don't know what to do anymore. Isusumbong ko sa magulang namin pero wala naman din silang nagagawa dahil parehas silang wala sa poder namin."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 189 (A)

    Play Episode Listen Later Sep 5, 2021 12:49


    "Nahihirapan ako mag open up sa kahit na sino kasi pakiramdam ko no one can understand kung bakit nga ba Ako ganito. Sinubukan ko mag open up sa mama ko pero Ang Sabi nya nababaliw lang daw Ako. Alam mo yun kaya siguro ayoko nalang mag talk Kasi puro judge lang matatanggap ko, the moment na tinatanong ako kung anong problema wala akong masabi na kung bakit ako malungkot. Hindi ko masabi pero ramdam na ramdam ko yung ang bigat bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung Ako lang ba Yung nakakaranas nito madalas umiiyak nalang talaga ako. Sinubukan ko Naman mag Sabi sa bf ko Sabi nya andyan lang daw sya para sakin pero pakiramdam ko nag iisa Ako. Yung tipong mas ginugusto ko nalang mapag Isa. Hindi din Ako makatulog Ng maayos kaya gusto ko lang mag Tanong sainyo kung ano ba tong nararamdaman ko. Ano po ba dapat gawin?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 188 (Darkstar)

    Play Episode Listen Later Sep 5, 2021 4:45


    "Bakit wala si Darkstar sa No Star Match?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 187 (Kute Reacts)

    Play Episode Listen Later Sep 4, 2021 25:34


    Kute Reacts: Philippines will lift the restrictions imposed on travelers coming from 10 countries starting September 6

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 186 (Lando)

    Play Episode Listen Later Sep 4, 2021 34:56


    "Sumbong ko sana yung nagparetri na tropa ko, iniwan niya yung jowa niya. Bale recently nakita ko ung tropa ko na nagmyday na ibang babae, kilala ko kasi jowa niya kasi kapatid siya ng jowa ko. Nung nagkakilala kami ni tropa sabi niya sakin laro lang talaga habol niya sir tapos wala daw siya pake sa mga babae na makakalaro niya. Akala ko nahanap ko na yung kabaro ko na loyal yun pala kopkop rin ang hinayupak. I felt betrayed. What should I do?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 185 (Kute Reacts)

    Play Episode Listen Later Sep 3, 2021 32:00


    Kute Reacts: Vaccine na Moderna, puwede na sa edad 12-17 sa Pilipinas.

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 184 (Chin)

    Play Episode Listen Later Sep 3, 2021 31:29


    "5 kami magkakapatid and growing up, ngiiba ugali ng bawat isa , so to cut the story short both my elder sibling after graduated to college choose to have a family so ending hindi sila nakatulong sa family. Im third among the 5th children imagine niyo ung bigat na dinadala ko ngayon, my father died last year and mom is ofw. Maswerte kami kasi my mama kami naghahanap buhay. Ang nangyare bigla napunta sakin ang responsibilidad sa 2 ko pa na kaptid na age 18 and 17 , ako ang tumatayong guardian. Nung buhay pa tatay namin im living my own na and independent na ko while c mama sinusuportahan ako sa college expense tuition fee. Ever since hindi ko close mga kaptid ko kc iba ugali nila. Even ung 2 ko na kapatid maka tatay kasi sila. Buhay ng tatay ko siya pala lahat gumagawa, cooking, pamamalengke and managing the house while working siya. Grabe ang dalawang bagets na kapatid ko super tatamad walang alam gawin kung hindi pupokpokin hindi babangon. So namatay na nga ang tatay at nakiusap mama ko na ako muna mag alaga sa kanila in short maging guardian. Marunong sila maghugas plato , un lng alam nila hindi sila marunong magluto. Eversince paguwi ko d ko sila nakita nagwalis sa labas ng bahay namin imagine living with them again for a year walang development. Mga tamad at batugan mga kababaing tao. Matatalino sa acads pero sa gawaing bahay wala. Ang nangyare inoobserve ko sila ung isa pag pinaprito ko ng egg or almusal nagaaway sila bakit daw ung isa nakahiga lang eh. Napapgod na ko alagaan sila ayuko sila kasama sa bahay at nasstress nila ako. Nagbibilangan sila ng gingawa. Imagine guys ako namamalengke ako pa magsasalansan ng pinamalengke ko ako pa ang magaayus sa ref ako taga luto grocery lahat lahat nakakapagod tapos nakikita ko sila ang tatamad nagbibilangan ng ginagawa walang development. Ano ba maganda gawin??"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 183 (Kute Reacts)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 11:12


    Kute Reacts: Covid-19 cases kahapon pumalo ng 22,366!

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 182 (Rose)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 11:48


    "What if niligawan ka ng lalaking gustong gusto ng close friend mo and eventually nagkagusto ka din sa guy kasi nga naman kagusto gusto naman siya at talagang pinu-pursue ka niya. How will you handle the situation po?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 181 (Maddy)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 12:15


    "Sa tingin nyo rebound ba ako o hindi? Kasi may nanliligaw sa akin ngayon pero may naging girlfriend sya for 4years at kakabreak lng nila 2months ago. Nagbreak sila dahil nagloko daw si ex nya. Tapos nakita ko sa phone nya may pictures pa sya ng ex nya at naguusap pa po sila hanggang ngayon kahit na nanliligaw na sya sakin."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 180 (Blaire)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 12:56


    "Hi po wanna share lang po sana, pde po pahingi na rin ng advice? Meron po kasi akong bf ngayon mag f'5months na kami next month. Bali meron po syang ex na taga doon lang din malapit sa knila 3mos sila nun ung tipong sobrang ganda niya tapos ikaw di nman. Yung girl po na yun is malayong pinsan niya pag kakaalam ko ayaw ng mama nung babae na maging mag jowa sila nung bf ko now kasi nga mag pinsan pero netong nag daan nababasa ko sa post niya sa tiktok tanggap nga daw ng mama niya na maging sila. Maghihintay daw sya sa time na pde na sila. Nung time po nagka kilala kami ni bf malabo napo sila nun, matagal napo daw nawala feelings ng bf ko dun sa ex niya and someone took a picture po na kasama ako at magkatabi kami pero ung inuopuan lg nman po tapos minay day po. Wala pa po kaming palitan ng soc.med. That time sa pagkikita nmin nag iinom kami nun and broken hearted po ako kinumfort po niya ako, then after a week ng confess siya kung pde siya man ligaw sakin and ayun po naging kami. Nung 1st month po nmin diko pansin si girl ung ex ng bf ko kahit ng stay na ako dun sa bahay ng bf ko diko sya nakikita or diko nakikita ung mga post niya sa fb or tiktok. Pero netong nagdaang mga buwan. Nannira na, inahas ko daw pero dipo tlga kami personally mag kakilala ni bf dati nadayo lang ako kasi ininvite lang ako ng kasamahan ko sa work. I asked him if love pa niya ung ex niya sabi nman niya hindi na at di na niya bablikan wala na daw syang olano, I asked him also kung rebound ako sabi niya hindi din. Pero ex niya patay na patay parin sa knya. Nasa point ako na pag ayusin sila magkaliwanagan pero natatakot ako. Mahal na mahal ko bf ko. Diko lang po tlga alam ano gagawin ko, feel ko kasalanan ko na gusto ko mag usapa sila para magkaayos sila maging friends sila ulit.. Pa advice po sana please nahihirapan po ako."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 179 (Joshua)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 16:08


    "Pa advice naman may GF ako 38 siya ako naman ay 20. Pinipilit ko siya ipakilala sa nanay at tatay ko pero ayaw pa daw nya kasi natatakot siya sa sasabihin sa kanya ng magulang ko. Ayaw din sakin ng magulang nya dahil masyado daw akong bata para sa anak nila. Nag ttrabaho siya at ako studyante pa lang. BTW dalaga pa siya."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 178 (Gly)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 13:49


    "Can i ask you guys on how do you say or express your feelings on your partners without actually doing anything physical things? Kasi medyo mahiyain po ako. Mahal ko po yung partner ko pero hindi ko kayang mapakita yung pagmamahal ko sa kanya physically."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 177 (Maria)

    Play Episode Listen Later Aug 31, 2021 19:51


    "Pahingi ng advice guys. I'm 23 years old, fresh college graduate at 3 months na buntis. Di pa alam ng magulang ko, pero yung tatay ng magiging anak ko ay umalis pa Cavite para magtrabaho para may maipadala sakin pang check up ko. Bale nagdadahilan na lang ako pag umaalis ng bahay para magprenatal check up at bumili ng vitamins. Alam ng magulang ko ang relasyon namin pero laging silang may sinasabing di maganda. Masyadong masikip ang mundo ko sa aking pamilya dahil sa kahit anong desisyon ko, pinapangunahan nila. Naging mabuting anak ako, alam ko yun dahil lagi akong sumusunod sa kanila, di ako laging humihingi ng pera sa kanila dahil ayokong may maisumbat sakin kasi ganun sila, pag may binigay, sinusumbat pagalit, mali lagi ang nakikita at di maaaring walang sasabihing masasakit na salita. Yung bf ko ngayon, minahal ko ng sobra at mahal na mahal niya rin ako. Siya yung first kiss ko at sa halos lahat dahil ilag ako nun sa mga nakaraang bf ko. Tapos siya, ako rin ang first niya dahil mga nakaka gf nun ldr, di nagkikita kumbaga fun time lang. Sa ngayon, sabi ko sa kanya na ayoko rito samin manganak dahil siguradong di ako magkakaroon ng peace of mind. Kaya pinapapunta niya ako sa Cavite kasi andun mga kamag anak niya at matutulungan daw kami. Alam ng pamilya niya ang tungkol sa kalagayan namin at handa silang tumulong. Pero ako, di ko alam kung kaya kong magpaalam sa magulang ko at di ko alam kung kaya kong tanggapin mga masasakit na salita mula sa kanila. Natatakot ako, dahil sa trauma sa magulang ko, di ko na alam kung pano magkaroon ng sariling desisyon. Ayokong basta umalis ng di nagpapaalam ng maayos at may part sakin na pag di sila pumayag, natatakot akong sumuway. Gusto ko ring lumayo at maghanap ng oppurtunity at di nakatali. Para na nga akong katulong dito sa bahay pero wala pa rin akong kwenta sabi ng magulang ko."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 176 (Kristina)

    Play Episode Listen Later Aug 24, 2021 31:56


    "Honestly,di ko alam kung pano sisimulan pero NAGUGULUHAN kasi ako kung tama ba na nag college kaagad ako. At first feeling ko daming incidents na parang di pa time para mag college ako pero tinuloy ko pa din kasi ayokong madissapoint mga tao sakin. Gusto ko munang magpahinga sa pag aaral pero natatakot ako sa pwedeng sabihin ng taong nasa paligid ko. Di naman sa tinatamad ako pero para kasing di ako masaya sa path na tinungo ko. Gusto kong tulungan pamilya ko ngayon kasi nakikita ko silang nahihirapan. Balak ko sana mag stop muna and hanapin yung sarili ko yung dating ako kasi ngayon prang di ko na kilala kung sino ko daming negativities na pumapasok sa utak ko di ko na alam gagawin ko."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 175 (Tada)

    Play Episode Listen Later Aug 24, 2021 10:08


    "Ano po ba yung pinagkaiba ng awa at pagmamahal? kasi the truth is eto talaga gumugulo sa isipan ko ,I have this jowa and 1yr and 6months na kami pero hindi ko alam kung mahal ko sya o awa lang nararamdaman ko. Everytime na gusto ko man sya ibreak hindi ko magawa kasi naiisip ko pano na sya, Sa bahay nila laging sinasaktan ,tapos parang wala silang pake sa nararamdaman nya,laging sya Yung nagtratrabaho sa labas man o loob. Andun kasi yung awa at pagmamahal. Hindi naman sya nagloloko, ako lng ata yung minsan na gusto ko syang mawala sa buhay ko pero hindi kaya ng konsensya ko. Ano bang gagawin ko?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 174 (Kute Reacts)

    Play Episode Listen Later Aug 24, 2021 12:37


    Axie Infinity, pwede daw patawan ng TAX according sa Department of Finance?

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 173 (Payne)

    Play Episode Listen Later Aug 21, 2021 18:01


    "Hingi lang Po sana Ako advice sa inyo. May partner ako now 12 years na kmi. May 3 na anak narin. Di ko kasi alam kung tama pba yung gngawa ko. Isa akong call center and currently wfh. Yung partner ko walang work. Pinagwwork ko siya pero alam nio un parang walang willingness. Ako pa naghahanap ng work para sa kanya. Tapos ayun nga, tulong nalang na sana asikasuhin yung mga bata habang nagwwork ako, kaso di yun nangyayare, yung mga bata laging nasa labas, ako pa nag aasikaso ng pagkain, naglilinis,nagluluto. Tapos siya maghapon tulog, gigising lang para kumain. Pag inutusan mo, ayaw pa. One time nag usap kami, sabi nia gusto nia isa lang samin magwork para may tumutok sa mga bata kasi maliliit pa, pero di naman niya gngawa. Ewan ko, tapos pag nalalasing iba ugali. Nagliligalig di ko maexplain kung ano gngawa nia basta iba ugali nia although di naman sia nananakit. Gusto ko na umalis dito kasi nga nattoxican na ako sa knya. Marami akong pangarap para saming pamilya pero kung gnyan gngawa nia nakakawalang gana. Pinupush ko naman siya na magwork ineencourage ko siya abt sa future namin pero parang wala lang sa kanya. Di ko sia maintindihan. Away bati kami lagi. Ewan ko, di ko alam feeling ko nga wala siyang pakelam sakin. Di ko alam kung worth it pabang ipagpatuloy to iniisip ko kasi mga anak ko pano nalang. Salamat sa mag aadvice."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 172 (Mika)

    Play Episode Listen Later Aug 21, 2021 16:14


    "To all the girls out there? pareho ba kayo nang nafefeel ko like yeah simpleng bagay lang yung pag popost about sayo ng bf mo sa social media,yung tags at mention but for me it means so much. But sadly di ganyan yung bf ko feeling ko kinakahiya niya ako kasi sa tuwing itatag ko siya ni magreact or magcomment man lang di niya magawa pero sa iba nakikita ko,sasabihan niya pa na "ang ganda mo" pero sakin ni isa wala,i felt sad and insecure pero isinawalang bahala ko yun pero ito nanaman yung feeling na parang ampangit mo HAHAAA,may time na chinachat ko siya angtagal niya magseen sa chat ko pero online naman siya,so i decided to open his account there i saw him chatting with this friends,and sadly yung sineselosan kong girl.May time rin na pag lumalabas kami kasama mga kaibigan namin umiiwas siya sakin at dun sa sineselosan ko lalapit, di niya ako kakausapin hanggang sa makauwi kami nagalit ako at sinabi ko yun sakanya at ang rason niya di lahat nang oras kasama kita,umiyak ako nang sobra kasi ang saket. Then now, nauulit lang ang ginagawa niya so pag nakikita kong kasama niya na yung pinagseselosan ko aalis nalang ako at iiyak magpapakalayo layo nalang."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 171 (Ren)

    Play Episode Listen Later Aug 17, 2021 20:17


    "Hi i just wanna share my story,may boyfriend ako until now,3 years na kame and we're still strong pero may mga bagay talaga na talagang di mawalawala sa isip ko like,being jealous and paranoid all the time,di naman sa kawalan nang tiwala but it really bothers me.My boyfriend is caring and understanding pero may mga time na aalis pala siya tapos di magpalaalam sakin like pupunta siya sa isang paliguan with a lot of girls then makikita ko nalang siya sa picture sobrang saya,ansakit lang kase yung kasama niya pa is yung babaeng sineselosan ko,feeling ko di pa ako enough para sakanya,magaganda sila at ako hindi kaya palagi akong nagseselos,may time na tatakas siya para lang makasama DAW yung mga kaibigan niya which is malalaman ko na,kasama nanaman yung pinagseselosan ko,diko na kaya mag overthink please i need an advice."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 170 (Jing)

    Play Episode Listen Later Aug 17, 2021 14:14


    "Anu mapapayo nyo sa tulad ko na nasa friend with benefits for 2yrs na po.. I think in love ako sa guy but recently may nalaman ako na nagawa nya pero matagal na yun ngayon ko lang nalaman. At dahil doon nawalan ako ng gana or maybe yung trust ko sakanya wala na.. Gusto ko magmoveon pero kanina lang nag back read ako sa convo namin... Base sa mga chat nya Napansin ko na parang takot sya magmahal ulit or I should say takot sya maging vulnerable ulit, kaya nakonsensya ako if magmoveon ako kasi ako lang nag stay sakanya kahit may mga iba pala sya dati.. Pero naiisip ko naman na gusto lang nya eenjoy pagka independent through not getting into any commitment or relationship.. Ang gulo po diba? Maybe ang puso at utak ko naglalaban kung anu desisyun ko."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 169 (RON)

    Play Episode Listen Later Aug 16, 2021 36:20


    "update ko about double job. nakamit ko na. pero balak ko na rin mag resign sa isa since bawal sya. sa ngayon sinusulit ko pa sya. Although naghahanap na ako ng work na pwede talaga mag 2 jobs. simula kasi nasubukan ko mag 2 jobs at the same time. para nasanay nako sa sahod haha Tapos sumbong ko lang mga alaga ko. yung aso ko kasi., kung ano kinakaen. kung ano makita. mag 1 year na sya. di natagal ng 1 day wasak agad mga kahoy. like paa ng mesa kinagat din, gilid ng pinto, cat litter ng pusa ko kinakain din. pati tae pag natimingan."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 168 (Eks)

    Play Episode Listen Later Jul 26, 2021 14:50


    "Hihingi lang po sana ako ng payo kung paano po ba maiiwasan si Ex? Kasi po kakabreak lang namin last month and ang panget naman siguro kung ib-block ko siya. Pero dahil nga di ko siya mablock, nagkakaroon parin po ng communication. Mag chchat siya ng kamusta ganun eh ako naman to si marupok nagrereply pa. Ang hirap lang po sa sitwasyon ko kase ang hirap makawala sa mga masasayang ala-ala."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 167 (Fader)

    Play Episode Listen Later Jul 26, 2021 12:00


    "Di naman po sumbong to yung parang magbibigay lang ng topic na pwede pag usapan. About sa susunod na pasukan may chance na magka F2F sa school namin. Sakto naka graduate nadin kami going senior high na. Any thoughts po?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 166 (Mateo)

    Play Episode Listen Later Jul 26, 2021 10:10


    "Nagsimula po ito nung may nakilala po ako sa work. Bagong hired din po ako sa work and nakilala ko po siya. Ready naman po ako pumasok sa relationship nun kasi matagal na din po akong single and alam ko na po yung mga dapat ko gawin sa relationship. Naging okay naman po kami nung umpisa, halos buong araw kami magkausap tapos nag decide na po kami magkita kasi po dahil din sa pandemic kasi parang LDR po yung nangyayari. Pero may dumating po kasing problema. Nung nagkakilala po kami, parang napansin ko po na parang di pa po yata sya ready mag commit sa relationship kasi parang di sya okay sa past relationship nya. Kaya ayun, kinabahan po ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko po alam na hindi pa sya okay sa past nya. Tapos bigla ko po nalaman na nagkikita pa sila ng ex nya habang on-going po yung samin. Ano pong pwede kong gawin?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 165 (Grace)

    Play Episode Listen Later Jul 25, 2021 25:07


    "Hi po. may boyfriend po ako ngayon at halos mag 7 years na po kami. eh diba po may kasabihan na pag lumagpas ng 7 years is pang long-term or marriage po diba? Pero paano po ba niyo malalaman kung siya na po ba talaga ang nakatadhana sakin? Kasi sa side ko po alam ko mahal na mahal po namin ang isa't isa pero may mga times parin na napapaisip ako kung kami ba talaga hanggang dulo. Sana po matulungan niyo ako."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 164 (Francis)

    Play Episode Listen Later Jul 23, 2021 24:18


    "Naramdaman nyo na din po ba yung feeling na hindi n kayo nageejoy sa mga ginagawa nyo dati, okay naman sa work, sa family, may mga friends naman. Kumakain namn ng tatlong beses isang araw, sobra pa nga. Marami namng tao na concerned sa inyo, pero hindi mo maramdaman yung concerned mo sa sarili mo. Sa kabila ng mga yun, malungkot ka parin at hindi mo malaman kung bakit hindi ka na nagiging masaya? Hihingi sana po ako ng payo tungkol dito. Wala naman po talagang kulang sakin sa totoo lang, hindi lang po talaga ako masaya sa mga nangyayari ngayon."

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 163 (Avery)

    Play Episode Listen Later Jul 9, 2021 16:57


    "Paadvice naman po. 2 years and 4 months po ang tinagal ng relationship namin ng bf ko. Nong una okay naman kami kaso simula nong nagkapandemic medyo nagkalabuan na since himinto sya sa pag-aaral at nagwork sya as call center agent, 8am to 5pm ang pasok nya(M-F). Ang laging pinag-aawayan po namin ay time at ang pagiging selosa ko or maduda kong tao. Hindi naman po ako magiging selosa kung di sya nagdiday at nagpopost ng pics ng friend nya lang "daw". Ang sesexy po kasi at ang gaganda, kaya po kapag may iday syang babae or kawork mate nya tinatanong ko agad kung sino. Tanong lang naman po kung sino yon at bakit nya pinost ang pics na magkasama sila.Yon lang po tapos ang dating po sa kanya nagdududa raw ako sa kanya. Sa time naman po since ldr kami ngayon simula nong pandemic, di na kami nagkaka-usap ng maayos dahil every time na magchat ako sa kanya after nya work sa hapon/gabi. Minsan sinasabihan nya ako na wala na raw syang pahinga kasi bawat makita ko syang online kinakausap ko raw sya. Di na raw sya makayoutube at makaml, ganun po. Hanggang isang araw nagdecide syang maghiwalay nalang kami dahil ang toxic daw ng relationship namin. Ldr at Wala raw kasi akong tiwala sa kanya at ang sabi nya pa. Magfofocus sya sa work nya at goals nya. Valid po ba na reason ang magfocus sa work nya?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 162 (Ash)

    Play Episode Listen Later Jul 9, 2021 12:19


    "Hello po ask lang po sana ako ng advice. Isa akong estudyante na grade 12 maglalabas lang ako ng sama ng loob kasi sa lahat ng teacher ko sa kaniya lang ako nagkaproblema ng todo. Sa ugali niya mismo. Di niya maintindihan na kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko. Sabay may kagrupo ako na paborito niya dalawa yun na akala mo kung sinong putak ng putak wala namang dulot. Sabay iniinsulto ako kasi bakit ako nagtatrabaho. Ang hirap no kapag yung teacher mo lumaking may kaya pati kaklase kasi kailanman di nila mauunawaan kalagayan. Nakakairita lang sabay ako pa masama.. Sasabihin wala akong gawa eh halos lahat sila di gumawa nagrereklamo din kaklase ko siya lang gumawa tapos bakit di ako nasama sa grupo. Ayun, halos ako nagsisimula kapag may gagawin tapos sila di nila alam tumulong kung papaano. Sinong gaganahan sa ganiyan. Isipin mo graduating kana at ayaw ng teacher na iyon na mahabol ko pag ka with honors ko. Hirap na hirap po ako kasi pagod na nga ako sa trabaho tapos pagdating sa school eh mas nakakapagod dahil sa ganito."

    ang kute sasabihin
    Isumbong Mo Kay Kute Ep 161 (Aicy)

    Play Episode Listen Later Jul 6, 2021 18:59


    "I have a boyfriend, live in po kame at 6yrs na kmeng magkasintahan. Main problem is ayaw ako ng mga kapatid niya (wala na both parents) at relatives for the reason that wala daw makuha bf ko saken at poor lang ako. They even call my bf tanga at gago because of me. They insults me everyday and binabastos. Dinadramahan ko lang daw bf ko palagi which is mga paglalambing ko un, they even making fake stories just to ruin my image and judging me with all i am to other people. Nakipaghiwalay ako sa jowa ko but he don't want us to break apart. Pinaglaban naman nya ako sa family niya kaso para saken mahirap po kac family nya un, watever happens family is family. Hindi naman nya pwede kalimutan at iignore sila basta basta kasi family nya nga po un. It affects me much, unti unti po akong nakaramdam na hindi na ako masaya. Ngayon hirap po ako makapagdesisyon what's best to do. Ano po pwede niyong ma-advice sakin?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 160 (Cess)

    Play Episode Listen Later Jul 6, 2021 15:00


    "Paano ba tamang pagrereject sa Bestfriend kong nanliligaw at ipaliwanag at the same time na magkaiba kami ng feelings without loosing our friendship?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 159 (Step)

    Play Episode Listen Later Jul 6, 2021 11:51


    "Hello po. Need ko po advise niyo. Well, meron po akong pinsan and ahead po ang age ko sakanya 25 ako 21 siya. actually magpinsan po mama ko tas papa niya. itutuloy ko pa po ba feelings ko sa kanya?"

    Isumbong Mo Kay Kute Ep 158 (Virgo)

    Play Episode Listen Later Jul 6, 2021 42:49


    "Nakarelate po kasi ako sa topic niyo tungkol sa overthinking."

    Claim LuponWXC Podcasts

    In order to claim this podcast we'll send an email to with a verification link. Simply click the link and you will be able to edit tags, request a refresh, and other features to take control of your podcast page!

    Claim Cancel