EngotSilog

Follow EngotSilog
Share on
Copy link to clipboard

EngotSilog is an online platform that aims to provide entertainment, fun and happiness. The EngotSilog was formed due to an increasing number of people who have anxiety, depression, and fears, with this podcast, the show will be able to help people, uplift their spirit and recover from pains and aches. Also, the podcast aims to provide a platform to all the viewers and online community to experience and witness the capacity of everyone to be happy and successful.

EngotSilog


    • Aug 14, 2023 LATEST EPISODE
    • infrequent NEW EPISODES
    • 1h 16m AVG DURATION
    • 60 EPISODES


    Search for episodes from EngotSilog with a specific topic:

    Latest episodes from EngotSilog

    EngotSilog EP62 - Humayo kayo at mag-pasalubong

    Play Episode Listen Later Aug 14, 2023 45:15


    Isang episode para sa mga kaibigan at kamag-anak natin na makikipag sapalaran manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. Gusto lang namin ipaalam sa inyo na kami ay nakasuporta (wag lang financially) at proud na proud sa inyo! Mabuhay kayo at magkita-kita na lang tayong lahat sa finals!

    EngotSilog EP61 - Mundo ng Cosplay with Darcell Diaz

    Play Episode Listen Later Aug 4, 2023 63:23


    Sa episode na to guest namin ang napaka gandang content creator at cosplayer na si Darcell Diaz! Ano ano na nga bang mga characters ang mga na cosplay nya at paano nya ba pinaghahandaan ang mga costumes nya? Halina't pakinggan at kilalanin natin ng husto si Darcell Diaz! Pero syempre follow niyo din sya sa mga social media accts nya like FB,IG, & Tiktok. So pano? tara pakinggan at panoorin ang guesting nya sa episode na to.

    EngotSilog EP60 - Bakasyon feat. Bagyong Egay

    Play Episode Listen Later Jul 28, 2023 58:00


    Nitong mga nakaraang araw panay ang buhos ng malakas na ulan. Maraming binaha at nasalanta dahil sa bagyong egay. Samantala kaming mga engot ay nasa galaan pa din ng mga panahon na yan, kaya napag kwentuhan namin ang mga na experience namin nitong mga nag daang araw. Halina at makisali sa usapan namin dahil hindi nyo lang kami basta maririnig kundi mapapanood nyo din kami dahil itong episode na to ay ang kauna-unahang video episode namin sa spotify! Dahil kahit sobrang pangit ng panahon ngayon, nandito kami para magbigay ng kaunting lilgaya at ganda sa araw mo! Tara na! makinig at manood na!

    EngotSilog EP59 - Parokya ni Pura Luka Vega

    Play Episode Listen Later Jul 20, 2023 75:20


    Isang nagbabagang issue na naman mga ka-engot! mainit na mainit na pinag uusapan ngayon sa socmed ang isang video na nirelease ng isang Drag artist na si Luka Pura Vega. Natuwa ka ba sa art nya o nainis tulad ng karamihan? halina at pakinggan ang opinyon namin sa issue na yan. But wait, there's more! May isang ka-engot ang humingi din ng opinyon para sa design nya na bookmark na ipa-publish soon. nabigyan kaya namin sya ng magandang opinyon o nag paka engot na naman kami? halina at pakinggan ang nag babangang episode na ito dahil ang engotsilog ay may dalawang bagong host pero absent yung isa sa episode na to!

    EngotSilog EP58 - Awra Warla

    Play Episode Listen Later Jul 1, 2023 53:02


    Nagbabagang Balita!! Sa episode na to napag usapan ang kaguluhan sa isang bar sa Makati na kinasangkutan ng artistang si Awra. Sino o ano ba talaga ang tunay na nangyari? Ang mapapakinggan nyo sa episode na ito ay pawang mga opinyon lang naming mga host at guest base sa mga videos at post na nakita namin sa social media. Ano tara? Chisimisan tayo!

    EngotSilog EP57 - Not so perfect circle

    Play Episode Listen Later Jul 1, 2023 51:49


    Isa na namang masayang episode sapagkat may sumulat sa amin! Isang ka engot at nanghingi ng advice para sa kanyang pinagdadaanan sa buhay. Ano kaya ang problema ni letter sender? at anong kaengotan ang mga naipayo namin? Halina't makinig at makichismis sa amin!

    EngotSilog EP56 - Lato-lato now pero suntukan later

    Play Episode Listen Later Jun 22, 2023 50:22


    Okay lang mag laro ng lato-lato basta walang mapipikon sa huli. Wag na din nating tularan ang mga napapanood nating violente sa social media para everybody happy! So mga ka-engot, Please don't try this at home! Understood?

    EngotSilog EP55 - Kung hindi para sa'yo

    Play Episode Listen Later Jun 15, 2023 50:20


    Pakinggan mo nalang at kung hindi para sa'yo? Marami pa kami ibang episodes jan hanap ka ng matitripan mo

    EngotSilog EP54 - So Long and Welcome Back

    Play Episode Listen Later Apr 13, 2023 56:28


    Kami humihingi ng paumanhin gawa ng matagalang pagbalik sapagkat kami ay naging abala sa kanya kanyang buhay at eto na muli, naglalabas ng halo-halong saloobin at pagkasabik sa inyo at isa't-isa. Kami ay susubok maging madalas muli para sa dalawang taga pakinig namin. Maraming Salamat! Sa episode na ito napagusapan namin ang mga food reviews ng mga food vloggers na nag kalat sa socmed ngayon. Kaya kung trip mo pakinggan ang saloobin namin, halina't makinig at makisali sa kwentuhan namin. Babala: Kung may nasabi man kaming ikaka-ooffend niyo, pag pasensyahan nyo na lang. Engot nga e. Mabuhay kayong lahat!

    EngotSilog EP53 - Huli Cow Year of the Rabbit

    Play Episode Listen Later Jan 31, 2023 56:17


    Nahuli ka na ba ng traffic enforcer? Kasi kami "OO" pero wag na wag ka mag lalagay dahil may Gcash na din sila. Halika at makinig sa kwento namin. At kung may naexperience ka din kagaya nito, imessage mo kami para mapagkwentuhan natin next episode.

    EngotSilog EP52 - Manny Fest

    Play Episode Listen Later Jan 8, 2023 55:15


    Happy New Year mga ka-engot! Bagong taon, bagong episode din para masaya. Isang episode na sobrang rumble ng topic pero marami kaming sinigaw sa universe na gusto namin mangyari ngayong year of the rabbit. Ikaw? Ano plano mo for this year? Tara, makinig ka baka may mai-ambag kami.

    EngotSilog EP51 - Watsnyu?

    Play Episode Listen Later Dec 22, 2022 51:16


    Ka-engot! Nagbabalik kami mula sa hukay ng engotokat! Anong bago sa inyo? Kami marami! kaya tara? Makipag yabangan ka ng bago samin kasi may bago din kaming episode at bagong topic at bagong kwento. So pano? Makinig ka muna bago mag pasko at bagong taon. Mahaba haba ang traffic ngayon kaya wag ka na mainis hindi ka chinese. Sagot ka na namin dahil meron kaming bago!

    EngotSilog EP50 - Engotokat Pt.2

    Play Episode Listen Later Nov 1, 2022 59:29


    O diba nabintin ka sa part 1? Edi tapusin natin ang takot mo at mas matakot pa sa part 2 ng Halloween special namin. Nawa'y tumayo ang balahibo mo at napatalukbong ka ng kumot at hindi nagpatay ng ilaw bago matulog. Wag ka mag-alala di ka nag iisa...

    EngotSilog EP49 - Engotokat Pt.1

    Play Episode Listen Later Nov 1, 2022 80:19


    Ang kauna-unahang Halloween episode ng engotsilog! Dalawang episodes na puno ng mga kwento ng katatakutan at kababalaghan naganap sa buhay buhay naming mga engot at engot warriors. Halika at pakinggan ang aming makapanindig balahibong mga kwento. Wag ka mag-alala hindi ka nag iisa...

    EngotSilog EP48 - To Fit or Not to Fit

    Play Episode Listen Later Oct 23, 2022 76:31


    Nagbabagang chismis! Isang transwoman ang hindi pinapasok sa fitting room na pang babae! Malamang narinig o napanood mo na ang chismis na to? So pano? Tara! Pagkwentuhan natin! Makisali sa usapan at pakinggan ang opinyon ng mga engot sa issue na ito. Basta dito sa engotsilog mahal namin kayo maging sino man kayo! Mwah!

    EngotSilog EP47 - BELIEVE IT OR NON

    Play Episode Listen Later Oct 18, 2022 126:22


    Lahat tayo sa mundo ay makasalanan! Kaya wag kayo magmalinis at pakinggan niyo na lang tong episode namin patungkol sa mainit na issue na may mga katagang "Non believers go to hell" Kasama namin ang pinaka mabait na pastorito na si Alvin para bigyan liwanag at kasagutan ang mga katanungang bumabagabag satin tungkol sa langit and impyerno. Ikaw, alam mo na ba san ka mapupunta? Kung hindi pa, edi parehas tayo! Kaya makinig ka na lang at baka ma-avail mo pa promo sa langit!

    Episode EP46 - Extra Rice Invasion

    Play Episode Listen Later Oct 11, 2022 94:55


    Ka Engot Episode 46

    EngotSilog EP45 - NOT A FOOD CHANNEL with Kutsara

    Play Episode Listen Later Oct 2, 2022 85:50


    Muli naming nakasama si kutsara at OH EM GEEE! Ibang iba na sya! Kasing daldal na namin sya! Kaya superb saya ng kwentuhan namin sa episode na to! Halina't sumali sa masayang kwentuhan at chikahan kasama si Kutsara! Follow nyo din page nya "Kutsara" at magsend ng stars kung hindi sisipain nya kayo sa ulo! Hahaha!

    EngotSilog EP44 - Rehas atbp.

    Play Episode Listen Later Sep 24, 2022 50:17


    Magandang umaga, tanghali, gabi mga kaengot! Sa dami ng mga kumakalat na balitang socmed at mga ganap sa personal at buhay trabaho, halika at makipag kwentuhan saming kwentuhang inuman sa episode na 'to, syempre dahil masaya kami at mayroon ng nabubuong community ang engotsilog family, sana ay wag kayong mag sawang makinig at makisali sa aming mga kalokohan at personal nating mga opinyon, laging mag ingat!

    EngotSilog EP43 - Cheat Sheet

    Play Episode Listen Later Sep 17, 2022 87:19


    Mga kaengot! Etong episode na to ang isa sa mga pinaka malamang usapang sa haba ng taon namin ngayong 2022, kasama ang mga mas batang henerasyon ngayon na humaharap rin sa mga pagsubok ng buhay pag-ibig at pakikipag kaibigan. Mananitiling ligtas at kilalanin maigi ang mga makakasalubong at daraan sa ating buhay. Halina at sumama, makipag kwentuhan. Shot Shot rin pag gusto, drink moderately!

    EngotSilog EP41 - University of Engot

    Play Episode Listen Later Sep 3, 2022 55:43


    Naimbitahan kami mag guest sa welcoming party ng mga freshies engineering students ng UE caloocan. Dahil nabitin kami tinuloy na namin ang recording at napagkwentuhan ang aming buhay kolehiyo. Tara at makisama sa kwentuhan namin at naway makarelate kayo sa mga kaengotan namin noon.

    EngotSilog EP40 - Baha Season

    Play Episode Listen Later Aug 5, 2022 62:25


    Welcome back mga ka-engot! Tamang kwentuhan lang sa kanto habang pumapatak ang ulan, kamustahan, balik tanaw sa mga pinapanuod na sasakyan, lindol, baha, monkey pox at iba pa. Tara sali ka at mang judge haha! Ingat!

    EngotSilog EP39 - Trip Lang Adventure

    Play Episode Listen Later Jul 10, 2022 75:19


    Mga KaEngot! Magandang umaga, tanghali at gabi saan mang panig ng mundo kayo naroon! Halina at samahan kaming makipag kwentuhan kasama ang aming Guest na si Ode ng Trip Lang Adventure Vlog! Halina at mamangha sa ganda ng ilan sa mga pwedeng dayuhing lugar sa Pilipinas, maglaway sa masasarap na food trip, at nakakatanggal stress na tanawin at experience! Enjoy kaEngot!

    EngotSilog EP38 Recap

    Play Episode Listen Later Jul 3, 2022 66:04


    Tamang kwentuhan lang walang matinong topic at muling nagbabalik ang dalawang engot ng EngotSilog! Maganda pala mag record sa discord so wala kaming ieedit haha! Enjoy at ingat! makisali ka naman!  Leave us a message :D

    tamang maganda
    EngotSilog EP37 - Eternals Flame

    Play Episode Listen Later Jan 20, 2022 49:00


    Mga ka-engot! Isa na namang kwentuhang walang patutunguhan at spoiler ng mga Marvel Movies ang ating ka-engot Kenjo! Halo-halong kwentuhang pang-inuman, walang sawang pagpapaalala ng bakuna at mga pangarap na ating sabay-sabay tutuparin. Salamat ka-engot sa inyong walang sawang pag suporta! Mag-enjoy at manatiling safe!

    EngotSilog EP36 - New Year, New Variant

    Play Episode Listen Later Jan 6, 2022 47:46


    Belated Happy New Year mga Ka-engot! Ikaw ba ay sawa na sa buhay? Pwes wag ka mandamay! Distansya ka-engot. Pag usapan natin ang pagsalubong at pagpasok ng bagong taon sa ating mga buhay, manatiling nag iingat sa kapaligiran, mag mask, mag alcohol at mag podcast, manatili sa bahay at magtiktok! Pag medyo humupa na ulit ang cases magpagawa ng salamin sa RMGS Optical wahaha! Keep Safe!

    EngotSilog EP35 - MMFF Atbp.

    Play Episode Listen Later Dec 30, 2021 54:40


    Mga ka-engot! Kamusta naman ang pagdiriwang nyo ng pasko? Di malayo na karamihan satin nasa bahay lang at nag nenetflix and chill pero wag natin kalimutan na panahon ngayon ng MMFF kaya di nyo mapanood at di nyo mapakinggan ang last epi natin na spoiler ng gagamboy walang-uuwi! Halina at samahan kaming pag-usapan ang mga pelikulang lokal sa pamamagitan ng usapang lasing at sariling opinyon.

    mga halina kamusta
    EngotSilog EP34 - Simbang Gabi No Way Home [Spoiler Alert]

    Play Episode Listen Later Dec 22, 2021 59:26


    Mga Ka-engot! Isa na namang kwentuhang puno ng kaengotan at mga walang kwentang bagay maliban sa mga ganap sa buhay ni Spider-man! Samahan mo kaming pasukin ang iba-ibang dimensyon ng buhay ng mga nabanggit na involved sa mga kung ano-anong kaganapan! Disclaimer! Syempre kanya-kanyang opinyon lang tayo dito engot nga kami e. Halina at mag sunog ng oras kasama kami! Ingat palagi! 

    EngotSilog EP33 - [R18] Mahilig ka, may kopya ka

    Play Episode Listen Later Dec 15, 2021 62:59


    Mga ka-engot! Hindi ka pa naman huli sa balita kung malalaman mo lang ito dahil nakinig ka samin, kahit kami di namin to agad nalaman. Haha! Maliban sa nagbabagang balita ay samahan niyo kaming pag usapan ang mga bagay related sa topic na ito. Kaya ka-engot, wag ka ng mag panggap alam naming may kopya ka! Wag ka papahuli kay partner! 

    EngotSilog EP32 - Post-13th month Syndrome

    Play Episode Listen Later Dec 8, 2021 69:35


    Naka kuha na ba ng 13th month pay at Nakapag parebond na ba lahat? Kung oo, IPASA MO NA YANG RESIGNATION LETTER MO!!!! ito na ang episode na magbibigay ng sign sayo para mag resign. Alam namin na matagal ng na-compose yang resignation letter mo kaya iprint, submit, email mo na yan at sabay sabay tayo sumigaw ng FREEEEEDOOOOOOM!

    EngotSilog EP31 - Isang Taon ng Kaengotan

    Play Episode Listen Later Nov 30, 2021 56:27


    Mga Ka-engot isang taon na tayo halina't sariwain natin ang mga dumaang episodes na ngpasaya, nagpangiti, nag bigay ng bagong pag-asa sa araw-araw! Muli, buong puso kami nagpapasalamat sa suporta at walang sawang pakikinig nyo sa ka-engotan namin. Happy Anniversary mga ka-engot! Mabuhay kayo!

    EngotSilog EP30 Elite Cheerlearder in the New Normal

    Play Episode Listen Later Oct 17, 2021 52:39


    Ang pagbabalik ng ating love surgeon na ngayon ay isa ng cheerleader! Samahan nyo kami tuklasin ang napakalaking transition sa buhay ng ka engot na si Dwn at mga pagsubok na hinarap nya nitong mg nakalipas na buwan. Napag kwentuhan din dito mga adjustment at diskarte sa pagpapakasal at ang pagbabalik face to face learning ng mga estudyante ngayong pandemic. Halina't makisali sa kwentuhan namin dahil kumpleto ang mga Engot sa episode na 'to!

    EngotSilog EP29 Presidential Candy-date!

    Play Episode Listen Later Oct 10, 2021 73:24


    Sa ikalawang episode ng ating season 2 ay nagbabalik ang ating long lost brother na si Keyt Garcia! Samahan kaming pag usapan ang mainit pa sa matigas na pandesal ang mga sumusubok maging pinaka mataas na posisyon ng politiko sa ating bansa. At syempre lahat ng inyong maririnig ay pawang mga sariling opinyon lamang ng ating mga host at muling tumingin sa aming Title na EngotSilog! Maari kayong mag iwan ng mensahe sa aming facebook o mag email sa aming gmail account kung kayo ay may nais ibahagi! Mabanas o mag enjoy! Ingat!

    EngotSilog EP28 Kinalawang na Kabanata (Season II)

    Play Episode Listen Later Oct 3, 2021 41:38


    Sa sunod sunod na pagiging abala ng bawat Host ng EngotSilog ay muling nagbabalik ang inyong lingkod na si Kenjotero at Memonyo na nagsisimula ng Season 2 ng ating podcast! Halina at samahan kaming magkamustahan at makumpleto muli, magkaroon ng Guest sa mga susunod na linggo! Pabakuna kana! Parehistro kana rin para bumoto! Salamat at ingat, mabuhay!

    EngotSilog EP27 Axie Infinity and Beyond!!!

    Play Episode Listen Later Aug 1, 2021 73:14


    Dahil sa taas ng hype ng crypto trading nabuhay ang isa sa mga blockchain game na Axie infinity na pinag kakaguluhan ng mga Pinoy ngayong panahon ng pandemya dahil ito ay nagbibigay ng instant kabuhayan sa pamamagitan lamang ng iyong phone at game app! Halina at pagusapan at tuklasin paano magsimula sa larong ito kasama ang aming dalawang Axie Manager Guest na itatago natin sa pangalang Wendybell at Kelvinator! Malay mo mga ka-engot, ito ang ikayaman nating mga alipin ng salapi!

    EngotSilog EP26 Father's day special

    Play Episode Listen Later Jun 22, 2021 67:13


    Maligayang araw ng mga TATAY mga ka-engot!!! isang episode na napag-usapan ang mga ala-ala namin habang kasama ang aming mga tatay. Mga ka-engotang pinalampas ng mga tatay natin at ang mga hindi malilimutan na payo na tumatak at nag mantsa sa aming kaisipan. Isang episode na magbibigay pugay sa mga haligi ng tahanan. Halina't makinig, maki-tawa at makarelate sa mga kwento namin. Muli Happy Father's day sa lahat ng mga tatay! Mabuhay kayo!

    EngotSilog EP25 We Survived and we will survive

    Play Episode Listen Later Jun 15, 2021 108:01


    Isang episode na magbibigay ng importansya sa sarili at pamilya, pag uusapan ntin ang mga challenges lalo ngayon pandemic, esp ang epekto ng hinayupak ng Covid19!!! Biruin mo pati ang mga engot nasampulan ng virus na yon!!! Kaya halika, pag chismisan natin ang mga pinag-daanan ng nag-iisang pambansayang kenjotero at Coach Gabay Forlales, na gagabay satin sa journey ng survival! PS: hindi kami mga experts para paniwalaan nyo. Ang mga mapapakinggan nyo sa episode na to ay base sa aming napag-daanan. Panatilihing komunsulta sa inyong mga Doctor para ligtas tayo palagi. Bawal ang engot mga ka-engot!

    EngotSilog EP23 Pambansang Kolokoy & Mother's Day Special

    Play Episode Listen Later May 12, 2021 69:11


    Mga Ka-engot! halina't pakinggang ang napaka gandang episode kasama ang nag-iisang pambansang kolokoy na si Sir Joel Mondina. Tuklasin pano nagsimula ang social media sensation at mainspire sa mga kwento nya sa amin. Syempre dahil Mothers day special din to, pakinggan ang mga di malilimutang kwento naming mga engot kasama ang aming mga minamahal na Nanay. So ano pa hinihintay mo? arat na! makinig na!

    EngotSilog EP22 Home Budols

    Play Episode Listen Later May 4, 2021 96:15


    Mga ka-engot! Sa episode na to napag-usapan namin ang mga nabudol samin ng FB group na Home buddies. Napag-usapan din namin yung mga pangarap na set-up ng aming kanya-kanyang batcave. Pinag-usapan din namin dito yung mga pwede namin iambag sa Home buddies hampaslupa edition tulad ng mga nauwing gamit sa mga paboritong restaurant at kung ano anong kadugyutan sa bahay. Ikaw? ano ang pangarap mo sa dream house mo? halina't makinig baka may makuha kang idea sa mga kalokohan namin!

    EngotSilog EP21 Attack on TitanGel

    Play Episode Listen Later Apr 27, 2021 96:33


    Mga ka-engot! isa na namang episode kasama ang gossip boys na napagusapan ang mga hot issues tulad ng "motivational speaker, community pantry, at ang never ending ika-anim na utos". At syempre ito ang first episode ng Social Media drama ng engotsilog na pinamagatang "Attack on Titangel" so pano? halika at makichismis samin at pakinggan ang kwentong aantig at kikiliti sa mataba mong kili-kili. Sigurado akong mapapa-arf arf ka dito! Tara na! kinig na!

    EngotSilog EP20 Strengthening our mental health (Survival tips 101)

    Play Episode Listen Later Apr 20, 2021 97:58


    Isang makabuluhang gabi kasama ang isa sa mga mkakatulong para mapangalagaan ang ating Mental Health, walang iba kundi si Ms Chairmaine Almasen, isang Mental Health Advocate and Registered Guidance Counselor. Tulungan natin ang kapwa at sarili para ma-overcome ang ating mga takot, anxiety, at stress. Arat na ka-engot, ayain ang tropa at pamilya!

    EngotSilog EP19 Gossip Boys

    Play Episode Listen Later Apr 13, 2021 106:38


    Chismiso din ba kayo mga ka-Engot? Sa Episode nato pinagusapan ng Gossip Guys ang mga topic tulad ng is Lugaw essential, Kasalang Luis at Jessy (kasama ang mga nagkalat na memes na nagpa good vibes satin), engagement Ellen at Derek, covid vaccine, change oil, are all men cheaters? At syempre kwentuhan with the viewers. So ano pang hinihintay mo?? Arat na mga ka-engot at makichismis sa episode na to!

    boys gossip arat gossip guys engot
    EngotSilog EP18 Kaya din namin!

    Play Episode Listen Later Mar 24, 2021 84:53


    Arat, mga Ka-Engot! Isang gabi na naman puno ng kwentuhan kasama ang mga nag-gagandahang bisita na sina Raycia Garcia at Franchezca Khaila Franco! Isang gabi na puno ng chikahan at kulitan patungkol sa mga kababaihan, sa kanilang mga kakayahan at bilang inspirasyon! Sumama na kayo! Let us all empower woman! Isa sila bayani ng ating makabagong lipunan!

    EngotSilog EP17 The return of the comeback, Kuya Jobert

    Play Episode Listen Later Mar 17, 2021 87:16


    Eto na mga ka-Engot!!! The Return of the Comeback ng isang makulit, kwela at natural na komedyante, walang iba, kundi si Kuya Joberrrt!!!!! Halika at sumama para masaksihan natin ang isang kapana-panabik na kwentuhan, kumustahan at walang humpay na tawanan!!! Magsasama na naman tayo sa isang AMAZING kulitan, wag nang magpatumpik tumpik pa. Samahan kaming tumawa at lumigaya para sa isang gabi ng walang problema. ARAT na mga Ka-engot!!!!

    EngotSilog EP16 Rock & Roll kulitan with Tanya Markova

    Play Episode Listen Later Mar 9, 2021 96:41


    Hello, Mga Ka-Engot! Isang mala-ROCK and ROLL na episode ang ating pag sasamahan kasama ang mga tanyag na bokalista ng Tanya Markova na sina Mr. Iwa Motors and Mr. Norma Love. Unkatin natin ang mga kwento sa likod ng mga katang kanilang pinasikat. Tara na at makipag kulitan at kwentuhan! Sumabay sa amin sa pagpapasaya at pagpapaligaya. It is a rock and roll night with Tanya Markova!!!!

    EngotSilog EP15 Young Entrepreneur

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 97:47


    Mga Ka-engot! halina't makipag kwentuhan at kulitan, kasama ang isang "Young Entrepreneur", na si Ms. Jean Grey Santos, na magbibigay ng mga business tips and magtuturo ng entrepreneurship strategies sa lahat. Halika na at makipag-chikahan samin, isang episode na puno ng saya at learnings!

    EngotSilog EP14 Spike it!, Dig it!

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 87:52


    Tara na mga ka-Engot! Makakasama natin ang isa sa mga kilalang Coach sa larangan ng Volleyball, walang ibang kundi si Coach George Pascua ng FEU Womens Volleyball. Makipagsabayan sa paghampas at hagis ng saya at tuwa!

    EngotSilog EP13 LOVE is in the AIR

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 76:27


    Halika kaengot, ayain ang inyong pamilya at makisaya sa aming bisita na sina Ms. Kiesha KC Ancheta, Barangay kagawad and Secretary of SABAK (Samahan ng Barangay Kagawad) Valenzuela chapter at Mr. Rey Chan Nambatac, Professional Basketball Player of Rain or Shine Elasto Painters, para sa isang espesyal at malapag-ibig na episode para sa Valentine's day!

    EngotSilog EP12 O VICTOR

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 100:49


    Hello, mga Ke-Engot! May panibago na naman tayong pagsasamahan, isang bisita na naman ang magpapasaya ng gabi natin! Hindi lang basta, "a, e, i but O Victor, ang makakasama natin na maghahatid ng ligaya at saya! Samahan nyo kami makipag-sabayan at kwentuhan kay Victor Anastacio! Isang episode na naman na puno ng saya at galak!

    EngotSilog EP11 Goin' kulilit kami naman ang hihirit!

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 111:06


    Good day mga ka-engot! Samahan niyo kami makipag kulitan at kwentuhan kasama ang Artist/Singer/Vlogger/Director na si Kristel Fulgar at ang tropa nating multi-talented at founder ng Bdrmstudios21 na si Boss Miko Reyes. Tara na at makinig mga ka-engot! Tayo naman ang hihirit!

    EngotSilog EP10 Usapang Budgetarian

    Play Episode Listen Later Mar 8, 2021 96:23


    Mga ka-engot! Tara pagusapan natin pano ba mag budget,tipid at invest in a smart way. Sasamahan tayo ng ating super friendly financial advisor na si Andrew Suatengco para turuan tayo maging isang budgetarian.

    Claim EngotSilog

    In order to claim this podcast we'll send an email to with a verification link. Simply click the link and you will be able to edit tags, request a refresh, and other features to take control of your podcast page!

    Claim Cancel