AltM Radio

Follow AltM Radio
Share on
Copy link to clipboard

Alternative news and views on issues that matter--brought to you by the Philippines’ only alternative media network, AlterMidya (People's Alternative Media Network).

AlterMidya Network


    • Jun 14, 2025 LATEST EPISODE
    • every other week NEW EPISODES
    • 31m AVG DURATION
    • 70 EPISODES


    Search for episodes from AltM Radio with a specific topic:

    Latest episodes from AltM Radio

    Break it Down: Job Creation

    Play Episode Listen Later Jun 14, 2025 8:50


    RABAHO, bakit ang hirap mong hanapin?Sa episode na ito ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang paglikha ng trabaho o JOB CREATION.Panoorin si Sonny Africa ng @IBONFoundation sa programang naghihimay ng akala natin ay kumplikadong salita.Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation.

    Break it Down: Tariffs

    Play Episode Listen Later Jun 14, 2025 6:57


    Usap-usapan ngayon ang away nina Donald Trump at Elon Musk. Pero balikan muna natin ang Tariffs ni Trump. Ano ba ito? Samahan si Sonny Africa ng IBON Foundation sa pagpapaliwanag ng 'TARIFFS'

    Pag-alis ng Pilipinas sa grey list, anong kapalit? | ALAB Analysis (Pebrero 28, 2025)

    Play Episode Listen Later May 28, 2025 25:16


    Tinanggal na sa money laundering at terrorism financing grey list ang Pilipinas. Good news nga ba ang pag-alis sa listahan ng Financial Action Task Force? Ano ang kapalit nito?Alamin sa episode na ito ng #ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona!

    2025 National Budget instertions: corruption or distraction? | ALAB Analysis (February 14, 2025)

    Play Episode Listen Later May 28, 2025 24:13


    Malinaw na corruption issue ang ginawang insertions sa 2025 national budget. Pero ayon sa kampo ng mga Marcos, pagtatangka raw itong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment at ibang kasalanan ng mga Duterte. Tama bang pagtingin ito? Alamin ‘yan sa ALAB Analysis kasama sina Inday Espina-Varona at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel!

    Korapsyon at pagpapanagot | ALAB Analysis (January 31, 2025)

    Play Episode Listen Later May 28, 2025 21:32


    Impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, bakit tila tinututulan ni Marcos Jr? Alamin sa ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona at ACT Teacher's Party-list Rep. France Castro!

    A very Talk Baks #Halalan2025 | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later May 19, 2025 45:11


    Grrrraaaabe ang eleksyon mga dzai! Sira-sirang automated counting machines, red-tagging, vote buying, disenfranchisement... gurl we need to debrief!Shot on election day, May 12, at the Kontra Daya and Vote Report PH monitoring center in UP Diliman.

    GURL THE ELECTIONS! | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later May 11, 2025 55:27


    Alam na ba natin mga iboboto? Please wag naman yung kampon ng kadiliman at kasamaan PLEASE!Habemus Papam, the 2025 midterm elections, and this fantasy TV show you should definitely watch—come join the conversation, mga baks!#Altermidya #TalkBaks #LakanUmali #NeilEco #AlternativeMedia #Philippines #Halalan2025

    Happy Women's Month! Trans women are women! Also, may kinulong! | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later Mar 22, 2025 49:40


    Uso pa ba 'yang New Year's resolutions na yan? | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later Jan 26, 2025 41:19


    January pa lang, andami nang nangyayari! Ceasefire sa Gaza, Tiktok ban sa US, sex education bill sa Pilipinas... let's talk about it, baks! Thank you RIOT GRRRLL for sponsoring this episode!

    Lumaki kang bakla, hindi bakla lang | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later Dec 21, 2024 41:23


    Hirap lumaking bakla no? Congrats sa ating mga naka-survive! Ang goal ngayon ay baguhin ang mundo para maging mas mabait at makatarungan hindi lang para sa mga bading, kundi para sa lahat. Trew?!

    Kung buhay si Andres Bonifacio, papapasukin kaya siya sa BGC? | TALK BAKS! with Lakan and Neil

    Play Episode Listen Later Dec 5, 2024 35:00


    Palanca-winning writer Lakan Umali and journalist Neil Eco sit down and chat about anything and everything—from Mandatory ROTC to beekeeping to the revolutionary movement that expelled Spanish colonizers from the Philippines. This is TALK BAKS! with Lakan and Neil!

    Drug war: Malapit na ba ang hustisya? | ALAB Analysis (Oktubre 18, 2024)

    Play Episode Listen Later Oct 18, 2024 36:53


    Isiniwalat sa Kongreso nitong October 10 ang mga detalye sa likod ng drug war ng Duterte administration. Ang tanong ng publiko, ano na ang kasunod? Sinu-sino ang ibang sangkot at mapapanagot ba sila?

    Bong Ramilo on his songs during Martial Law

    Play Episode Listen Later Sep 15, 2024 50:23


    Naging tampok ang mga awit bilang porma ng paglalahad ng tunay na sitwasyon at paglaban noong panahon ng diktadurang Marcos. Paano nga ba nakakalikha ng kanta ang mga musikero at artista noong panahon ng Martial Law? Ano ang halaga nito sa kasalukuyan? Panoorin ang kwentuhan at kantahan nina Edge Uyanguren ng Concerned Artists of the Philippines at progresibong artistang si Bong Ramilo.

    Lumad rights supporters, bakit hinatulang guilty? | ALAB Analysis (Agosto 2, 2024)

    Play Episode Listen Later Aug 2, 2024 24:02


    Inapila ng tinatawag na Talaingod 13 ang desisyon ng korte na guilty daw sila sa kasong child abuse diumano sa mga estudyanteng Lumad. Ilan sa mga kinasuhan ay sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at former Bayan Muna Representative Satur Ocampo. Ano ang totoo sa kaso laban sa Talaingod 13 at sino nga ba ang dapat managot dito? 'Yan ang tatalakayin sa episode na ito ng ALAB Analysis!

    ALAB ANALYSIS: US at China: Sinong kakampi, sinong kaaway?

    Play Episode Listen Later Jul 12, 2024 24:12


    Makailang beses na naglunsad ng military expedition ang US at China sa West Philippine Sea, dahilan para lalo pang tumindi ang tensyon dito. Para tuloy naiipit ang Pilipinas sa dalawang dambuhalang bansang ito. Saan nga ba tayo dadalhin ng umpugang ito?

    Break it Down Ep7: Rice tariff

    Play Episode Listen Later Jul 10, 2024 12:47


    Magiging abot-kaya ba ang bigas pag binawasan ang taripa? Alamin ito sa pinakabagong episode ng BREAK IT DOWN kasama si Rosario Guzman ng IBON Foundation! Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation.

    ALAB Analysis: POGO, dapat bang i-ban? (Hunyo 14, 2024)

    Play Episode Listen Later Jun 14, 2024 27:39


    Sa nagdaang mga linggo, naungkat ang iba't ibang isyung dala ng paglipana ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa. Panahon na nga ba para ipagbawal nang lubusan ang POGOs? Panoorin at sumali sa talakayan sa #ALAB Analysis!

    ALAB Analysis: ICC investigation, nasaan na?

    Play Episode Listen Later May 17, 2024 30:04


    Gumugulong ang balita tungkol sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC sa “War on Drugs” ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Bakit nga ba mahalagang tutukan ang imbestigasyong ito? ‘Yan ang laman ng diskusyon kasama si si Atty. Krissy Conti, abogado ng drug war victims, sa ALAB Analysis! Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!

    Break It Down: Wage hike

    Play Episode Listen Later Feb 28, 2024 8:54


    Panukalang P100-minimum wage increase, masama ba sa ekonomiya? Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para sagutin ang epekto ng umento sa sahod sa ekonomiya. Tara at pakinggan ang Break It Down!

    Break it down: Charter Change

    Play Episode Listen Later Jan 29, 2024 8:56


    Totoo bang gaganda ang buhay natin sa Cha-cha? Makakasama natin si Sonny Africa ng IBON Foundation para talakayin ang posibleng epekto ng Charter change sa ordinaryong mamamayan. Pakinggan ang Break It Down!

    Break it down: Public Transport

    Play Episode Listen Later Dec 29, 2023 12:40


    BAKIT BA IMPORTANTE ANG PUBLIC TRANSPORT SA EKONOMIYA? Hihimayin natin ang kahalagahan ng public mass transport sa pag-unlad ng isang bansa, at kung ano ang mga pwedeng solusyon imbes na ang tinutulak na #JeepneyPhaseout Panoorin ‘yan sa latest episode ng BREAK IT DOWN!

    COP28: Epektibo ba laban sa climate change? | ALAB Alternatibong Balita | Disyembre 1, 2023

    Play Episode Listen Later Dec 1, 2023 20:28


    Climate change ang pinag-uusapan ng world leaders ngayon na nasa Dubai para sa ang ika-28 na Conference of Parties o COP28. Pero duda ang environmentalists kung epektibo ba ang COP28 sa pagtugon sa climate crisis. Pag-uusapan natin ‘yan sa episode na ito ng #ALAB Analysis!

    TAMBAYAN Ep 3: Kumusta na sina Jhed at Jonila? | October 24, 2023

    Play Episode Listen Later Oct 24, 2023 25:57


    Sa pinakahuling episode ng Tambayan ngayong tinaguriang 'International Day of Climate Action', kumustahin natin ang dalawang environmental defenders na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Kamakailan lang ay kinasuhan sila ng Department of National Defense ng perjury kaugnay ng paglalantad nila ng pagdukot sa kanila ng mga militar.

    Break it down: Presyo ng bigas

    Play Episode Listen Later Sep 13, 2023 13:35


    Sa latest episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang murang bigas. Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para himayin kung bakit nagmamahal ang presyo ng bigas!

    break it down makakasama
    Break It Down: Inflation

    Play Episode Listen Later Aug 15, 2023 9:48


    Bumababa na raw ang inflation rate, pero bakit parang hindi naman nararamdaman? Sa pilot episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang salitang INFLATION. Panoorin si Sonny Africa ng @IBONFoundation sa programang naghihimay ng akala nating ay kumplikadong salita. Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation

    TAMBAYAN Episode 2: Kumusta ang Wyeth Workers?

    Play Episode Listen Later Jul 31, 2023 35:04


    Sa ikalawang episode ng Tambayan, pinuntahan natin ang mga manggagawa ng Wyeth na kamakailan ay kumaharap sa biglang tanggalan. Para sa mga manggagawa, naging matagumpay pa rin ang paggiit nila sa kanilang karapatan. Kumusta na nga ba sila? Mapapanood din ang Tambayan sa iba't ibang social media pages ng Altermidya Network

    TAMBAYAN: Kumusta na ang mga magsasaka ng Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83?

    Play Episode Listen Later Jun 9, 2023 43:07


    Samahan ang aming Chairperson, Raymund B. Villanueva, sa pilot episode ng TAMBAYAN. Sa unang episode, dinalaw natin ang tambayan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Kakatanggap lang nila ng dokumentong ipinagkakaloob na sa mga agrarian reform beneficiaries ang lupang kanilang sinasaka. Kumusta na nga ba ang mga magsasaka sa Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83 at ang inaasahang installation nila sa lupa?

    ALAB ANALYSIS: Maharlika Fund, mabuti ba sa ekonomiya?

    Play Episode Listen Later Jun 2, 2023 32:03


    Ngayong linggo, nasaksihan natin kung paanong sa kabila ng mariing pagtutol ng iba't ibang grupo, niratsada pa rin ng Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Bill. Ang tanong: bakit ba ganoon na lang ang pagmamadaling maipasa ang panukalang ito? Makabubuti nga ba ang Maharlika sa ekonomiya? Makakasama natin ngayong gabi ang dalawang eksperto – sina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Gov. Diwa Guinigundo at Sonny Africa ng IBON Foundation.

    ALAB Analysis with Inday Espina-Varona (May 19, 2023) | Political Prisoners at PH Justice System

    Play Episode Listen Later May 20, 2023 50:00


    Mahigit 700 na ang political prisoners sa bansa. Marami sa kanila ang mabagal ang usad ng kaso tulad kay former senator Leila de Lima, na ipinakulong ng Duterte administration habang bahagi ng oposisyon. Makatwiran bang makulong ang isang indibidwal dahil sa pulitikal na paninindigan?

    ALAB Analysis: Comfort Women--Karahasan ng Digmaan

    Play Episode Listen Later Mar 29, 2023 19:49


    Uncomfortable truth: As we end Women's Month, it is just right to extol that fight of 'comfort women'--and let us be reminded of the cruelty during war. Listen to Inday Espina-Varona's interview with 'comfort women' during the World War II in this special episode of ALAB Analysis.

    ALAB Analysis (#CommutersNaman: Transport Crisis, Ano ang Solusyon?) | March 3, 2023

    Play Episode Listen Later Mar 3, 2023 24:09


    Palalalimin kung bakit nga ba palala nang palala ang krisis sa transportasyon Sama-sama nating pakinggan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Ira Cruz ng AltMobility PH at Ramir Mangila ng LABAN TNVS.

    PAKI-EXPLAIN: U.S. Military bases sa Pinas

    Play Episode Listen Later Feb 27, 2023 7:54


    Nabalita kamakailan na planong dagdagan ang "agreed locations" ng US military sa Pilipinas. Sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea, bakit gustong palawakin ng Estados Unidos ang presensya nito sa bansa? Ano ang epekto nito sa soberanya natin? Sasagutin lahat 'yan sa pinakabagong show ng Altermidya, ang PAKI-EXPLAIN!

    RIGHTS WATCH: 'Terrorist' Designation

    Play Episode Listen Later Feb 10, 2023 6:10


    In this episode of Rights Watch, Atty. Josa Deinla discusses the impacts of 'terrorist' designation on organizations and individuals by the Anti-Terrorism Council (ATC) and what are the remedies.

    ALAB Analysis (ICC investigation, usapin ng soberanya?) | February 3, 2023

    Play Episode Listen Later Feb 4, 2023 23:41


    Sa pag-anunsyo ng International Criminal Court na ipagpapatuloy na nito ang imbestigasyon sa kasong “crimes against humanity” na nakasampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga dating opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng madugong ‘War on Drugs,' halos sabay-sabay ang naging sagot ng mga nasa gobyerno: labag ito sa soberanya ng Pilipinas. Bakit biglang napasok ang usapin ng soberanya kahit hustisya naman ang hiling sa ICC investigation? ‘Yan ang laman ng talakayan kasama sina Atty. Krissy Conti at Atty. Neri Colmenares sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis!

    Kumusta ang SIM Registration experience mo?

    Play Episode Listen Later Jan 8, 2023 81:53


    Kasama ang #JunkSIMRegistration network, pinag-usapan natin ang unang linggo ng implementasyon ng SIM Registration Law at ano ang karanasan ng ordinaryong mamamayan dito. Ano nga ba ang violations na nakita ng data privacy advocates sa pagpapatupad nito. Pakinggan:

    ALAB Analysis: 'War on Drugs', anong itsura sa ilalim ni Marcos Jr?

    Play Episode Listen Later Oct 28, 2022 31:41


    Isa sa masasabing pinakamalagim na legasiyang iniwan ng Duterte administration ang madugong “War on Drugs.” Pero ngayong iba na ang administrasyon, maraming tanong ang namumutawi: Paano na ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya? Matitigil na ba ang mga madugong pagpatay, o tuloy pa rin? 'Yan ang laman ng talakayan sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis, kasama sina Carlos Conde ng Human Rights Watch, Llore Pasco Benedicto ng Rise Up for Life and for Rights, at drug policy reform advocate na si Atty. Henrie Enaje.

    ALAB Analysis (Masagana 99: Ang Pagbabalik)

    Play Episode Listen Later Oct 20, 2022 30:26


    MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS! Balak daw ng Marcos Jr administration na ibalik ang programang Masagana 99, na sinimulan noong panahon ni Marcos Sr. Pero bakit umaalma ang mga magsasaka sa muling pagbuhay ng programang ito? Tatalakayin ‘yan sa episode ng #ALAB para ngayong Buwan ng Pesante!

    ALAB Analysis (Marcos Years: Golden Age?) | Setyembre 16, 2022

    Play Episode Listen Later Sep 17, 2022 37:19


    "Golden age" nga ba ang Martial Law? Napapanahong pag-usapan 'yan sa 50th anniversary ng Martial Law. Samahan sina Atty Chel Diokno at ekonomistang si JC Punongbayan sa latest episode ng #AlabAnalysis Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!

    ALAB Analysis: Sa Fake News Era, Pelikula Pa'No Na?

    Play Episode Listen Later Aug 6, 2022 31:57


    Sa panahong laganap ang fake news at historical distortion, anong papel ang ginagampanan ng sining, lalo na ng pelikula? ‘Yan ang tatalakayin natin ngayon sa #ALABAnalysis! Pakinggan at sumali sa diskusyon!

    ALAB Analysis with Inday Espina-Varona: Marcos Jr., What's the Plan?

    Play Episode Listen Later Jul 23, 2022 48:17


    MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS! Nakailang linggo nang nakaupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero ang pangakong "comprehensive all-inclusive plan for economic transformation" niya, mistulang lista sa tubig pa rin daw. 'Yan ang pag-uusapan sa bagong episode ng #ALABAnalysis, kasama ang mga ekonomistang si Emmanuel Leyco at Sonny Africa.

    ALAB Analysis with Inday Espina-Varona: Imeldific comeback?

    Play Episode Listen Later Jul 14, 2022 32:38


    Imeldific comeback? Samahan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Bibeth Orteza ng Concerned Artists of the Philippines at Bonifacio Ilagan ng CARMMA sa talakayan:

    Payong Ligal: Tinanggal na mga manggagawa

    Play Episode Listen Later Oct 13, 2021 19:45


    Nanalo na sa Supreme Court ang kaso pero ayaw pa rin pabalikin ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho? Panoorin ang ating Payong Ligal kasama si Atty. Neri Colmenares.

    Payong Ligal: Freedom of expression, freelance artists rights

    Play Episode Listen Later Oct 6, 2021 17:24


    Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang rights and welfare ng mga artist. Tutok na kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

    Payong Ligal: Bakuna, mental helth, at benefits ng health workers

    Play Episode Listen Later Sep 15, 2021 19:06


    Tama bang hindi papasukin sa trabaho kung wala pang bakuna? ‘Yan ang sasagutin nina Atty Neri Colmenares at Atty VJ Topacio sa latest episode na ito ng Payong Ligal.

    Payong Ligal: Social pension, SSS, at iba pang concern ng mga senior citizen

    Play Episode Listen Later Sep 8, 2021 28:15


    Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang social pension at iba pang mga usapin ng ating senior citizens. Makinig kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

    Payong Ligal: Mga katanungan tungkol sa ayuda at collective bargaining agreement

    Play Episode Listen Later Sep 1, 2021 11:38


    Sa pilot episode ng PAYONG LIGAL, si Atty Neri Colmenares ang aming inimbitahan para magbigay ng legal advice. Winner! Meron ba kayong katanungang ligal? Ipadala nyo lang ang inyong tanong sa pinakabagong public service program ng Altermidya!

    ALAB Analysis: Lockdown: Paano ang Ayuda?

    Play Episode Listen Later Aug 6, 2021 36:15


    Lockdown na naman! Gutom na naman ang kakaharapin ng marami ngayong bawal na namang lumabas. Paano na ang ayuda? Tayo-tayo na naman ba ang magtutulungan? ‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis, kasama si Inday Espina Varona. Tara at makibahagi sa diskusyon kasama ang ekonomistang si JC Punongbayan at si Ana Patricia Non ng Community Pantry PH.

    ALAB Analysis: President as VP: Pwede ba 'yun?

    Play Episode Listen Later Jul 10, 2021 21:34


    Seseryosohin na raw ni Pangulong Duterte ang plano niyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022. Pero ang tanong ng marami: pwede ba ‘yun? ‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis kasama si Edge Uyanguren at dating COMELEC chairperson at kasapi ng 1986 Constitutional Commission na si Atty. Christian Monsod.

    ALAB Analysis: Pride at Paglaban

    Play Episode Listen Later Jun 25, 2021 41:29


    Ngayong Pride Month, guests natin sa ALAB Analysis ang 2 myembro ng LGBTQ+ community: ang Filipino food historian & LGBT activist na si Giney Villar, at ang Lumad teacher na si Chad Booc.

    ALAB Analysis: Atin ang 'Pinas

    Play Episode Listen Later Jun 11, 2021 47:07


    Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, may isang tanong na nasa isip ng sambayanan: malaya nga ba ang Pilipinas? Sa isang banda, patuloy pa rin ang impluwensya ng US sa bansa, at sa kabilang banda, unti-unting umiigting ang panghihimasok ng China hindi lang sa West Philippine Sea kundi sa marami pang aspekto ng lipunan at ekonomiya ng Pilipinas. ‘Yan ang pinag-usapan ng ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona, Neri Colmenares ng Makabayan Coalition, at si Bobby Roldan, isang mangingisdang pumapalaot sa Scarborough Shoal.

    ALAB Analysis: Terrorist designation?

    Play Episode Listen Later May 15, 2021 34:05


    For longtime peace consultants Prof. Jose Ma. Sison and Rafael Baylosis, what does it mean to be labeled as "terrorists" under the Anti-Terrorism Act? Listen to the exclusive interview by veteran journalist Inday Espina-Varona at #ALAB Analysis!

    Claim AltM Radio

    In order to claim this podcast we'll send an email to with a verification link. Simply click the link and you will be able to edit tags, request a refresh, and other features to take control of your podcast page!

    Claim Cancel