Linya-Linya founder and writer Ali Sangalang host this comedy-na-may-kabuluhan show based on the daily experiences of Filipinos. Imagine being with your own Pinoy barkada, with endless kwentuhan, kulitan, and hiritan-- plus loads of laughs, tons of puns,
isa rin sa mga pinakakinakatakutang kalaban sa entablado dahil sa kanyang pagkahalimaw, sa intricate bars, sa matinding rhyme schemes, sa hayop na delivery, kakaibang angles, sa overall presence na parang susukluban ka ng kadiliman– mula Quezon City pa para sa inyo, mag-ingay, para kay SAYADD!Seryosong usapan kasama ang isa sa mga pinaka-hardcore at pinaka-solid na emcee ng mundo ng battle rap sa Pilipinas. Samahan niyo akong galugarin ang mga kweba at pasikot ng utak ni Sayadd. Listen up, yo!
APAKAINIT!!!Hindi na mawawala sa buhay nating mga Filipino ang Tag-Araw, na panahon din ng tag-pawis at tag-lagkit. Mula noon hanggang ngayon, parte na ng kultura natin ang paghahanap ng creative ways para labanan o i-distract ang sarili natin mula sa lumalalang init.Sa Livin' The Filipino Life episode na ito, kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang mga gawaing Pinoy na hindi na mawawala tuwing tag-init! Ihanda na ang choice of pamaypay at flavor of palamig habang nakikinig sa makulit na episode na ‘to. Listen up, yo!
Muling nagbabalik, at unang beses sa Bara-Bara series ng The Linya-Linya Show at ng FlipTop Battle League-- ang battle emcee at Presidente ng liga, si ANYGMA!Isa't kalahating dekada. Tatlong Pangulo na ng Pilipinas ang dinaanan. Nananatiling matatag ang FlipTop, hindi lang bilang isang ligang nagbibigay ng entablado para sa batte emcees, kundi isang pwersang nagpapayabong ng kultura ng hip hop sa Pilipinas. Sa episode na ito, kinumusta natin ang lagay ni Anygma at ng liga, mula sa katatapos lang na makasaysayang AHON 15 Days 1 and 2, na ginanap noong Disyembre ng 2025. Kay Anygma na mismo nanggaling: Ito na marahil ang pinakamakasaysayang rap battle event, sa tindi ng bawat laban, at sa pinakitang husay ng battle emcees sa harap ng libo-libong tagasubaybay. Sa abot ng makakaya sa limitadong oras, dinaanan namin ang ilan sa mga tumatak na laban para kay Anygma, at ilan sa kanyang insights at takeaways sa mga ito. Mahirap ding baybayin ang buong labinlimang taon ng FlipTop, pero napag-usapan din namin ang ilang milestones na nakamit ng liga. Una pa lang ito sa 2-part special ng one-on-one natin kasama ang utak sa likod ng FlipTop na si Anygma. Pakinggan, panoorin, magbahagi ng matitinong thoughts and comments, at abangan ang pangalawa!Listen up, yo!
Muling nagbabalik, at unang beses sa Bara-Bara series ng The Linya-Linya Show at ng FlipTop Battle League-- ang battle emcee at Presidente ng liga, si ANYGMA!Isa't kalahating dekada. Tatlong Pangulo na ng Pilipinas ang dinaanan. Nananatiling matatag ang FlipTop, hindi lang bilang isang ligang nagbibigay ng entablado para sa batte emcees, kundi isang pwersang nagpapayabong ng kultura ng hip hop sa Pilipinas. Sa episode na ito, kinumusta natin ang lagay ni Anygma at ng liga, mula sa katatapos lang na makasaysayang AHON 15 Days 1 and 2, na ginanap noong Disyembre ng 2025. Kay Anygma na mismo nanggaling: Ito na marahil ang pinakamakasaysayang rap battle event, sa tindi ng bawat laban, at sa pinakitang husay ng battle emcees sa harap ng libo-libong tagasubaybay. Sa abot ng makakaya sa limitadong oras, dinaanan namin ang ilan sa mga tumatak na laban para kay Anygma, at ilan sa kanyang insights at takeaways sa mga ito. Mahirap ding baybayin ang buong labinlimang taon ng FlipTop, pero napag-usapan din namin ang ilang milestones na nakamit ng liga. Una pa lang ito sa 2-part special ng one-on-one natin kasama ang utak sa likod ng FlipTop na si Anygma. Pakinggan, panoorin, magbahagi ng matitinong thoughts and comments, at abangan ang pangalawa!Listen up, yo!
Yo, mga Pangga! Kasama natin ang masipag at madiskarteng ina, at iconic photocopy operator ng Ateneo de Manila University—walang iba kundi si Ate Alma Fermano! Kung Atenista ka, siguradong kilala mo siya! At kung hindi, malamang napanood mo na ang viral GCash story niya noong 2024, yung heartwarming ad nya, directed by Direk Tonet Jadaone! Sa episode na ‘to, bukod sa muling pagkikita nila ni Ali, mas lalo natin siyang makikilala—mula sa pagiging photocopy operator hanggang sa kwento ng kaniyang walang-sawang pagsisikap at paulit-ulit na pagbangon sa harap ng matitinding pagsubok. Tara, makinig at matuto kasama ang ating Photocopy Queen!#TheLinyaLinyaShowXGCash#InternationalWomensDay
Yo, Fellow 22s! Welcome sa panibagong episode ng Daddy Diaries kasama ang ating favorite guest—Daddy Rene Sangalang!Sa episode na ‘to, ibinahagi ni Daddy Rene ang kanyang mga paboritong moments habang naglalakad—mula sa simpleng enjoyment ng scenery hanggang sa realizations at reflections na dumarating habang nasa daan.Nagbahagi rin si Daddy Rene ng tips sa sa pagkakaroon ng mental clarity, relaxation, at overall well-being!Lakad na habang nakikinig!
Nitong March 6, 2025, nagmarka ang 16th death anniversary ng artist, host, actor, ang nag-iisang Master Rapper na si Francis Magalona. Bilang mga fanboy na lumaki sa kanyang iconic songs— tulad na lang ng Mga Kababayan, 3 Stars & A Sun, Ito Ang Gusto Ko, at Kaleidoscope World— nag-reminisce sina Ali at Victor sa episode na ‘to. Puno ng kalokohan at hiritan sa pagbabalik-tanaw, kasabay ng ng malalim na respeto sa tindi ng impact na nagawa ng King of Rap sa mga kabataang Pilipino, sa musika, at sa pangkalahatan nating kamalayan at kultura.Francis M Forever!
To the millionz and millionz of lizzners around the world—handa na ba kayo para sa isang matapang at makabuluhang talakayan?Karangalang makasama natin ngayon ang isang labor leader, abogado, at political figure na kilala sa kanyang matinding paninindigan—Atty. Luke Espiritu! Sa episode na ‘to, ibinahagi niya ang kanyang naging landas sa pakikibaka para sa mga manggagawa, ang kanyang tapang sa harap ng mga makapangyarihan, at kung bakit mahalaga ang paglaban sa political dynasties na matagal nang kumokontrol sa ating bansa.At syempre, hindi natin palalampasin ang Paspas Talk kasama si Atty. Luke—derechahang opinyon tungkol sa kanyang mga kapwa senatoriable at sa mga kasalukuyang nakaupo sa Senado. Walang preno, walang takot! Hindi basta-bastang kwentuhan ang episode na 'to.Stream na!
Sandali lang. Oo, sandali lang ang episode na ‘to. Galing ito sa recording noong 2023, kasama ang emcee, at ang founder ng Fliptop Battle League, si Anygma. Sa sandaling ito, nagbahagi si Alaric Yuson ng kanyang karanasan at ilang reflection tungkol sa fame at recognition ng FlipTop. Ano nga ba ang epekto ng kasikatan sa isang artist na katulad ni Anygma? Ano ang pinagkaiba ng pagiging kilala, sa tunay na pagkilala sa isang sining o obra? Ngayong ika-15 taon ng most-viewed battle rap league sa buong daigdig, balikan at pakinggan ang malaman na usapan tungkol sa bigat ng responsibilidad, misconceptions ng publiko, at ang mga natatanging karanasan ni Anygma sa pagpapatakbo ng liga. Nasa episodes 270-271 ang buong interview sa mga gustong panoorin nang buo. Follow and subscribe sa Spotify at YouTube.
Isang karangalang makasama natin sa The Linya-Linya Show— ang former auditor ng Food and Agriculture Organization, World Health Organization, at International Labour Organization; former Under-Secretary-General ng United Nations Office of Internal Oversight Services; at former Commissioner ng Commission on Audit (COA)— Heidi Mendoza!Bukod sa mahabang listahan ng kaniyang karanasan, mas makikilala pa natin si Tita Heidz, sa kaniyang mga kwento at personal na karanasan—mula sa kaniyang pagkabata, pagpasok sa gobyerno, mga karanasan sa paglaban sa korapsiyon, ang kaniyang non-traditional campaign strategy, at mga plano kung palarin siyang manalo sa 2025 Philippine Senate election—lahat ng ito ay ibinahagi niya sa episode na ‘to!Sama-sama tayong matuto at palawakin ang pananaw, dahil sa episode na ‘to, may mga mahalagang payo si Tita Heidz upang mas maunawaan natin ang proseso at sistema ng pamahalaan at magkaroon ng informed decision sa nalalapit na halalan.Makinig at matuto sa pagseserbisyo nang may puso mula sa Imbestigadora ng Bayan, Heidi Mendoza!
Yo, Fellow-22s at mga Ka-Eme! Kasama natin sa episode na ‘to ang awar-winning filmmakers, real-life friends, at Ang Walang Kwentang Podcast hosts—Antoinette Jadaone at JP Habac!We will take a quick trip down memory lane dahil pag-usapan natin ang mga Rom-Com at Love Team na kinalakihan, kinahiligan at nagpakilig sa ‘tin! At dahil Rom-Com ang usapan, syempre hindi mawawala ang usapang love and relationship kaya sa episode na ‘to, nagbahagi sina Direk Tonet at Direk JP ng kani-kanilang thoughts at opinions tungkol sa pag-ibig– gaya ng okay lang bang maging friends kayo ng ex mo?Ibinahagi rin nila ang kanilang naging process sa paggawa ng kanilang upcoming and much-anticipated romantic comedy film na “Ex Ex Lovers” kung saan muli nating makikita sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Ka-excite!Samahan nyo kaming mag-throwback, na may kasamang halakhak– listen up, yo!
Sa episode na ‘to, kilalanin natin ang “Most-viewed Battle Rapper in the World,” ang “Joke King” ng FlipTop Battle League, at ang owner ng Real Jokes Clothing. All the way from Pampanga— si SINIO! BOOM! Sino nga ba si Sinio? Mapa-freestyle o written, kilala na natin si Sinio sa mga bara niyang nakakatawa at tumatatak sa isip kaya sa episode na ito, puno ng katatawanan ngunit seryoso natin siyang kinilala at inalam ang buhay sa loob at labas ng entablado ng FlipTop. Kwentuhang puno ng katatawanan tungkol sa personal na mga karanasan ni Sinio sa buhay na ginagamit niya sa kaniyang creative process at mga karanasang tumulong na bumuhay sa kaniyang pangarap na pagra-rap! Listen up, yo!
Isang karangalang makasama natin sa The Linya-Linya Show—ang Filipino politician and social entrepreneur—Former Senator Bam Aquino! Sa episode na ‘to, nakausap natin si Sen Bam tungkol sa karanasan nya—mga naging strategy at mga pagsubok—bilang campaign manager ni Former Vice President Leni Robredo noong 2022 Presidential election. Napag-usapan din natin ang mga bagong strategy, reporma sa edukasyon, at mga planong isagawa sa larangan ng negosyo at kabuhayan kung palarin siyang manalo sa 2025 Philippine Senate election. Dinaanan din natin ang usapin sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa eskwela, trabaho, at sa gobyerno.Sumabak din si Senator Bam sa ating Paspas Talk kung saan sumagot siya ng ilang mabilisang tanong tungkol sa kaniyang sarili.Kilalanin si Former Senator Bam Aquino sa episode na ‘to. Listen up, yo!Subsribe na sa Spotify!
YO, YO, YO CHECK!Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show— ang standup comedian, at fellow-podcast suferstar na si Victor Anastacio! BOOM!Bagong taon, bagong series— at yes, mas madalas nyo nang makakapiling ang Ali & Vic tandem sa “Livin' The Filipino Life”! Kwentuhang everyday Pinoy life and anything under the sun!Sa pilot episode na ‘to, ibinahagi ni Victor at Ali ang kani-kanilang mga pinagdaanan sa mga nakalipas na taon (5 years na talaga ‘yon?!) at mga bitbit-bitbit nilang aral at realization mula sa kanilang mga personal na karanasan.Fellow-22's unite and listen up yo!!
Sa harap ko— isang battle emcee, rap artist, at activist— kilala sa technical rhyming scheme nya, sa aggressive nyang atake, sa umaapoy na stage presence, sa hindi matinag na confidence; na-witness nating lahat ang evolution ng kanyang game nitong 2024 Isabuhay Run, kung saan nangibabaw ang kanyang Cultural Swagger; ang tinaguriang "The People's Champ" at " Ang Pinakamaangas na Gen Z"— mula Etivac pa para sa inyo, Goddamn, VITRUM! BOOM! Isang linggo pagkatapos ng epic Isabuhay Finals laban kay GL, salang agad sa podcast si Vitrum. Sa simula, nagmistulang processing ng battle ang usapan (ano nga bang take nya at takeaway sa battle nila ni GL?). Pagkatapos, bahagyang pasada sa kanyang pinagmulan at background; tawid sa biyahe nya sa mundo ng hip hop-- sa pagpasok nya sa FlipTop, sa ebolusyon ng kanyang persona (kupal nga ba talaga sya? paano umabot sa ganitong "dark humor" ang kanyang estilo?), sa creative process; sa kultura ng rap sa Pinas, sa papel ng aktibismo sa sining (o ng sining sa aktibismo), sa kung ano pang aasahan sa kanyang "cultural swagger" sa loob at labas ng hip hop. Mahigit dalawang oras ng solid na usapan. Walang ibang masasabi kundi isang napakalaking... GODDAMN!
So ayun, after 10 long years, nakasalang ulit ng standup comedy open mic sa Brick Wall, BGC, Taguig!Isang araw na nalulunod ako sa kaba at pangamba, nagdecide akong gumawa ng bagay na masaya lang akong gawin. Binalikan ko yung mga nasulat kong jokes noon, binuo para sa isang 5-min set, at nagsign up sa open mic ng Comedy Manila. Salamat at nakapasok. Salamat at nagkalakas ng loob ulit na sumalang!Short solo ep lang tayo. Start the year right! Listen up, yo!
Isang araw pagkatapos ng AHON 15, salang agad sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show podcast.Sa harap ko, para sa inyo— isang battle emcee, poet, at lyricist; isa sa pinaka-inaabangang emcee ng panahon ngayon dahil sa kanyang intelligent concepts and clever angles, sa lawak at lalim ng kanyang vocabulary, sa kanyang creative writing; Champion ng 2018 Process of Illumination, at kahapon lang, mainit-init pa, ang FlipTop Battle League 2024 ISABUHAY CHAMPION— representing Visayas division, mula pa Palo, Leyte para sa inyo— ang nagtawag sa Old Gods at nagpanginig sa current— GL! BOOM!Tungkol sa kanyang Isabuhay experience at sa pagkamit ng kampeonato, sa creative process at preparations sa isang battle, sa poetry at kung paano nito natulungang mahubog ang kanyang pagsusulat at estilo, sa kwento sa likod ng tumatak nyang “Old Gods” scheme at sa matinding revelation nya (dito nya lang nireveal!) sa naging konsepto ng kanyang Isabuhay 2024 run.All good with the Old Gods at maging ang current— samahan nyo akong pasukin ang isip, himayin ang mga ideya, at baybayin ang mundo ni GL. Mindblowing ang mahigit dalawang oras na episode na ‘to.Lisyen up, yo!
Isang karangalan na makasama natin sa The Linya-Linya Show— former Human Rights Chair, former Justice Secretary, former Senator, and now ML Partylist first nominee— Leila de Lima. BOOM!Sa episode na ito, nakausap natin si Ma'am Leila tungkol sa simulain nya at naging biyahe sa mundo ng public service. Dinaanan din namin ang naging mga pagsubok sa panggigipit sa kanya ng nakaraang administrasyon, ang naging buhay niya sa piitan, at kung ano ang bitbit nya mula sa mga karanasang ito. Mula sa kung paano siya nakahanap ng pag-asa kasama ang mga pusa, hanggang sa umaatikabong QuadComm hearings na nagpasikip sa kaniyang puso at nagpainit sa ulo ng maraming Pilipino— ramdam sa usapang ito ang tapang at paninindigan ni Ma'am Leila, at kung paanong sa huli't huli, isa syang simpleng taong lumalaban para sa katarungan at ikakabuti ng marami.Sana mabigyan natin ng justice ang episode na ito! Listen up, yo!
Lumaki sa araw si Hya Bedaña bilang isang barker ng jeepney. Sa kabila ng kahirapan, buong determinasyon siyang pinag-aral at napagtapos ni Tatay Renato na isang jeepney driver. Noong 2019, ginulat niya tayo sa kaniyang valedictorian speech sa Ateneo kung saan highlight ang mga ordinaryong taong walang mukha, walang pangalan. Sa episode na ito, daraanan natin ang stops sa biyahe ng buhay ni Hya, at kung ano ang relevance ng araw sa kaniyang buhay ngayon—sa paggamit ng renewable energy, partikular na ang solar power.Magigising ka at mae-energize sa kwentuhan sa episode na ito! Listen up, yo! POWER!
Yo, Fellow 22s! Let's wrap up 2024! Lumalamig na ang panahon pero punong-puno naman ng warmth ang year-end episode natin! Sa episode na ‘to, sama–sama nating balikan ang mga nangyari this year mula sa mga unforgettable moments—mga good news at not-so-good news, at magpasalamat na rin tayo sa lahat ng accomplishments at blessings ng taon na ‘to. Sama-sama rin tayong mag-reflect sa mga learnings at experiences natin this year para maging better version of ourselves natin in the future! Makinig at matuto! Listen up, yo!
Yo, Fellow 22s! Makinig, maka-relate, at matuto sa bagong episode ng Turo-Turo kasama ang ating award-winning educators Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta. Sa episode na ‘to, napag-usapan natin ang pagiging matatag sa iba't ibang hirap ng buhay-- mula buhay-eskwela, love life, hanggang sa pagpapalaki ng anak! Ibinahagi ni Teach Sabs kung paano mag-bounce forward mula sa heartbreaks at past relationships. Habang si Teach Jaton, nagbahagi naman ng kaniyang experiences bilang magulang. Si Ali, well-- nakinig. Haha!Sama-sama tayong maging matatag! Listen up, yo!
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle League– tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM! Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep dive sa kanyang karasanan sa hip hop-- sa pagiging baguhang battle rapper sa Barangay at Customer Service Representative sa isang BPO Company, sa mga hugot sa payak na pinanggalingan na nagsisilbing gasolina nyang makipaglaban at magtagumpay sa battle at sa buhay, sa pangungulit kay Anygma na sinasagot lang sya ng "Pucha," sa kwento sa likod ng alter ego nyang si "Eveready," sa simulain, mga pagsubok, at naaabot ng Motus Battle League, at sa mga pangunahin nyang katangian na nagdadala sa kanya sa mga panalo sa entablado at tagumpay sa buhay. TIME!!! Pakinggang ang buong episode sa Spotify, o panoorin sa YouTube ng Linya-Linya. Listen up, yo!
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries! Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE! Masarap pakinggan ang episode na ‘to habang nabiyahe. Listen up, yo!
Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog! At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humor– sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG!Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition collab shirt na! Kaya sa Creepers dyan, dalaw na sa www.linyalinya.ph
Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya… si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala!HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colanta— ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito. Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry? Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At disclaimer lang: Walang nag-topless dito! Sorry!Listen up, yo!
Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October! Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!
Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons!Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito.Kabilang din ito sa selebrasyon ng ika-25 taon ng Orange & Lemons– sakto bago ang kanilang Now & Then concert sa Oct. 18, sa Metrotent. Labas na rin ang Linya-Linya x Orange & Lemons limited edition merch sa www.linyalinya.ph.Listen up, yo!
Yo, check! Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA! Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap. At para sa unang Bara-Bara episode: Nakilala sa kanyang husay sa pag-subvert ng expectations; tinatawag ng iba ang kanyang style bilang “unpredictable,” at expert sa “crowd control.” Mula pa sa Bicol, Lungsod ng Naga, kasama ngayon sa studio ng Linya-Linya-- si CripLi! Maraming ibinahaging kwentong FlipTop (at marami ring ni-name drop, haha!) si CripLi. Mga karanasan niya sa loob at labas ng battle, sa pakikipagsapalaran sa Maynila, at ayun na nga-- umabot pa sa love language ni Anygma. BOOM! Malalaman niyo ‘yan dito, so tara, mag-ingay and listen up, yo!
Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo. At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta, founder ng AHA Learning Center. Sobrang honored kong makasama sila rito, at masaya akong ibahagi sa Fellow-22's at mga Ka-Linya ang mga magagawa naming episodes. Kasabay ng kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan sa pang-araw-araw, susubukin naming tatlo-- mga magkakaibigan-- para magrecord ng episodes tungkol sa iba't ibang subjects, anuman ang aming mapusuan, tulad na lang ng pagpili sa iba't ibang putahe sa isang Turo-Turo na kainan. Matuto tayo sa isa't isa, mag-Turo-Turo tayong magkakasama!
Yo, yo, yo! Or should we say, ‘lo, ‘lo, ‘lo! Dahil eto na naman ang isang episode ng Daddy Diaries para i-celebrate ang Grandparents Day! Biglaang topic at set-up ng pod lang, sakto namang kakakita lang ni Daddy Rene sa social media na Grandparents Day pala! Kaya sa episode na ito, tinalakay natin ang naging experience niya sa pagiging lolo, at nagbahagi siya ng malulupit na karunungang napulot niya sa pagtanda. BOOM! Full of wisdom ang episode na ito, kaya stream now!
The Linya-Linya Show, mag-ingay, o! Sa harap ko, isang rap artist, battle emcee, at songwriter; nakilala bilang “Rebuttal King” dahil sa malulupit nyang balik at mga banat sa FlipTop Battle League– representing, Skwaterhauz and Mongol Unit, mula pa Tondo, Manila, at ngayon, nasa California na sa US– si DELLO! BOOM! Laking Bambang, Tondo-- isa sa pinakamakulay na lugar sa Pilipinas-- kaya naman hitik din sa karanasan at kuwento ang mga bára at pambará ni Dello. Sa episode na ‘to, kinuwento niya sa atin ang kanyang paglalakbay sa entablado ng hip hop at battle-rap, ang mga eksenang umusbong sa mga kanto ng Tondo; kanyang tingin sa mga nauna at bagong emcees, mga pananaw sa pagsulpot ng mga bagong liga; at ang kasalukuyan niyang pamumuhay, pati na ang ilan sa kanyang mga plano, sa California. Para kaming nag-inuman nang walang alak. Ihanda na ang pulutan sa siksik sa kwentuhan. Tara, listen up, yo!
Nitong Aug. 30, naimbitahan si Ali bilang tagapagsalita sa Miriam College Middle School. Para ito sa closing program ng kanilang Buwan ng Wika, kung saan ang tema ay: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”Nag-share siya ng kanyang sariling kwentong MC, ng kanyang karanasan sa skwela at trabaho, at syempre, ng memes.
Walang script-script ang malulupit at makukulit na linyahan ng SPIT-- ang pioneer at popular improv group sa Pinas ngayon! Samahan natin ang SPIT (Silly People's Improv Theater) members na sina Aryn Cristobal, Ariel Diccion, Kara Flores, Karl Echaluse, at Pappu de Leon sa episode na 'to! Dito, tinalakay natin ang sining ng improvised theater, at mga karanasan nila sa pagtatanghal sa iba't ibang audiences sa Pilipinas. Ang saya ring malaman kung ano-ano ang kanilang backgrounds-- kung paano ito nakakatulong sa kanilang performances, at kung paano naman nakakatulong ang Improv sa kani-kanilang mga trabaho. Malalaman din natin ang kuwento kung paano nga ba napaputok ng SPIT ang Improv Theater sa social media. Tara! Maki-'yes, and' na sa nakakaaliw at nakakatalinong kuwentuhan kasama ang SPIT-- listen up, yo! Available na rin ang Linya-Linya x SPIT Manila collab shirts sa www.linyalinya.ph
Yow, yow, yow! Ihanda na ang kutsara at tinidor dahil ready na ang mainit-init na at malamang kuwentuhan natin ngayon! Kasama ang writer, producer, at standup comedian from Comedy Manila na si Chino Liao! Sa episode na ‘to, usapang food at comedy tayo. Nagsimula sa kwentuhang hotdog sa sopas at hanggang nilantakan na ang life stories ni Chino sa pagiging isang komedyante. Malalaman natin ang maraming pit stops na dinaanan niya bago mapunta sa scene ng stand-up comedy. Mabubusog ka sa tawanan at kuwentuhan sa episode na ‘to! Kaya tara, listen up yo!
Matagal na naming gustong mangyari ‘to, ngayon andito na! Isa sa malupit na podcast collabs of the year, The Linya-Linya Show kasama ang Ang Walang Kwentang Podcast! Sinamahan tayo ni direk Antoinette Jadaone at JP Habac para mag-emehan! Napag-usapan natin ang pagtawid nila mula filmmaking sa podcasting, ang kaibahan ng audio at video podcasts, at sinagot natin ang isang malupit na tanong: Ano bang kwenta ng Ang Walang Kwentang Podcast?! Warm-up episode pa lang ito ng mas malupit na kolaborasyon natin, listen up at abangan ang mga susunod na mangyayari! Pakinggan din ang episode collabs with Wake Up With Jim and Saab, pati na ang Royal Rumble episode with TLLS x WUWJAS x AWKP!
Tuloy-tuloy ang kuwentuhan nina Ali at Anygma sa Big Fuzz, dito sa Amorsolo St., Makati, at sumali ang isa pang malupit na emcee, mula Uprising, at tubong Camarin, si KJah! Alam niyo bang naging housemates sina Anygma, KJah, at Zaito noong 2013? Subukin mo pa lang i-imagine, kagulo na! Sa episode na ito, masisilip natin ang simulain ng Uprising Records, mga kalokohan nina Anygma, KJah, at Zaito noong magkakasama pa sila sa isang apartment sa Pasig-- tungkol sa giniling na panis, iba't ibang mahiwagang discoveries ni Zaito, at siyempre, rap at FlipTop. Puno ng kulitan at suwabeng inuman ang episode na ito! Kaya listen up, yo!
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop head ka man, FlipTop fan, o basta't may pake at appreciation sa iba't ibang forms of art– para sa inyo ‘to. Samahan niyo kaming kumustahin ang lagay ng Hip Hop at Battle Rap sa Pilipinas. Ito na nga ang Part 2! Listen up, yo!
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop head ka man, FlipTop fan, o basta't may pake at appreciation sa iba't ibang forms of art– para sa inyo ‘to. Samahan niyo kaming kumustahin ang lagay ng Hip Hop at Battle Rap sa Pilipinas. Part 1 pa lang ito.Listen up, yo!
Kumusta, Fellow-22's at mga Ka-Linya? Sa episode na 'to, nagbabalik si Jaton Zulueta ng AHA Learning Center, ang isa sa partner organizations ng Linya-Linya, na focused sa paghubog ng early education at pag-empower ng mga bata sa underprivileged areas tulad ng Smokey Mountain at Tondo. Sa episode na ito, malaliman nating napag-usapan at napag-isipan ang mga rason kung bakit nga ba pinipiling tumulong ng organisasyong tulad ng AHA Learning Center, at kung bakit mahalagang malaman natin ang limitations o scope ng ating pagtulong. Mapapa-AHA! ka sa dami ng learning sa episode na 'to. At naku, puwedeng magsimula ang pagtulong sa pakikinig dito. Kaya tara, ilabas ang notebook, listen up yo, at tulong-tulong tayo!
Yo, yo, yo, mga Fellow 22s! Ready na ba ang mga baso o bote niyo? Tara na at mag-inuman, mapakape, beer, o tubig man ‘yan, maki-join ka sa latest kuwentuhan natin ngayon! Kasama si Kelvin Yu ng bandang The Itchyworms! Naging matunog sa 2000s OPM scene ang bandang The Itchyworms, at hanggang ngayon umaalingawngaw sa radyo, streaming, at mga videoke ng kapitbahay ang kanilang mga kanta. Kaya sa episode na ito, alamin natin ang kuwento sa likod ng pagkakabuo ng The Itchyworms, at ang kuwento ng ilan sa kanilang kanta katulad ng hit song nilang “Beer,” na mula sa pagiging kanta, isang official beer brand na! Kaya tara, malasing sa kulitan at usapan sa episode na ito. Lezzgo!
Kasama sa pagiging positibo ang hindi pagtalikod o pag-iwas sa mga mahihirap na sitwasyon ng buhay. Ang pagtanggap sa sarili ay nangangailangan ng katapangan at katapatan. Gaya na lang ng pinamalas ng ating guest sa episode na ito, ang aktor na si Adrian Lindayag, na kamakailan lang ay ipinaalam sa public ang kaniyang status bilang isang person living with HIV, nang gumanap siya musical na RENT bilang si “Angel,” isang tauhan na mayroon ding HIV. Maging open-minded at maging positive sa knowledge! Dahil sa episode na ito, tatalakayin natin ngayon ang kuwento ni Adrian tungkol sa pamumuhay nang may HIV, at sa pagiging advocate niya for HIV Awareness. Being educated is better than the cure, kaya tara, listen up, yo!
Be kind, form ties. Makinig tayo… kay Thysz! Yo, yo, yo, listen-up sa all-inclusive at all-insightful kuwentuhan kasama ang freelance writer, LGBTQIA+ advocate, at current chairperson ng PANTAY, na si Thysz Estrada! Dito, tinalakay namin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, sa porma ng equality, equity, at kindness. Ang need sa pagpapasa ng SOGIE Bill, at iba pang usapin under the sun, after the rain, forming all colors of the rainbow. BOOM! Pandinig at atensyon ay ialay… maging kasangga, maging ally! Tara at makisali, di lang sa pakikinig, kundi sa community. Lezgo! Happy Pride, mga kaibigan!
Happy Father's Day sa lahat ng tatay natin sa buhay, Fellow-22s! Para ipagdiwang espesyal na araw na ito, kasama natin ulit, walang iba kundi ang best dad na si Engr. Rene Sangalang! At alam niyo bang halos kasabay ng Father's Day ay ang 100th Anniversary ng MAPUA, kung saan rin graduate si daddy? Kaya naman ngayon, tatalakayin natin ang colleges experiences ni Daddy Rene sa university, pati na ang advocacy nya for further studies! Lahat ito, nakatulong, hindi lang sa kanyang career, pero pati na sa kanyang passions in life! Kaya para sa students at students of life, para sa atin ito-- maglabas na ng notebook at ang daming learnings dito! Listen up yo!
Ano'ng bagyo at brownout core memories nyo nung kabataan? Kumusta yan compared ngayon at kung nasaan ka na? Ito ang napagkwentuhan natin kasama si Charles Tuvilla, kaibigang writer na tubong-Ilocos, may karanasan din sa Maynila, at ngayon, nasa Dallas, Texas na. Si Ali naman, nagbahagi din ng mga kwento noong nasa Novaliches, QC pa sya. Magaang kwentuhan, pero may laman! Listen up, yo!
Umupo kami ng musikero at makatang si Bullet Dumas, nag-usap, nag-isip, at pinadaloy lang ang usapan. Napunta kami sa proseso ng paglikha, sa pagpapahalaga sa hindi pa ganap, sa tsamba, sa raw, sa draft, sa mga bagay na nananatili at lumilipas. Naglalakad-lakad kami sa makulit at malupit nyang utak. Tulad ng mga awitin ni Bullet, malaman, masaya, at masarap pakinggan ang kwentuhang ito. Listen up, yo!
Mabuhay ang bagong ikakasal! Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage! Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa't isa. BOOM! Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo!
Yo, yo, yo! Heto ngayon si Ali, nagsosolo! ‘Wag sana kayong mabibigla, Fellow-22s, kung wala tayong guest for today's pod. Consider this a one-on-one session with your host, Ali Sangalang! Trying something new, nakakatakot, nakakakaba. Kasama na diyan ang pagsasalita nang mag-isa. Pero siyempre, nakakapagod din ang laging may kausap, lalo, iba't iba ang kaharap na may iba't ibang puso at utak. Kaya naman ang episode na ito, ituring nating isang form ng pahinga at paghinga. Pakinggan ang malapitan at malupitang thoughts ni Ali sa paggawa ng podcast, pagharap sa maraming tao, at pag-handle sa hurdles tulad ng impostor syndrome at stage fright. Ready ka na ba makinig? Wag nang mag Ali-nlangan pa. Stream na!
Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM! Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at pagbabalik ng pagmamahal ang episode na ito para sa kanya.
Anuman ang kulay ng balat, welcome sa usapang ito. Swerte tayo, dahil bumista sa Linya-Linya HQ at Linya-Linya Studio ang content creator, children's book author, multimedia host, youth empowerment advocate, beauty queen, at superwoman– si Ms. Ayn Bernos. BOOM! Samahan niyo kami sa isang masaya at meaningful na kwentuhang kayumanggi: ang pagtingin ng mga FIlipino sa pagkakaroon ng morenang balat, ang obsession ng iilan sa pagpapaputi, at kung paano nga ba natin mas mamahalin ang sarili nating kulay. Punong-puno ng kaalaman at heartfelt moments ang episode na ito, kaya listen up, yo!
Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento. Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwento-kuwento ang isang kuwento? Sa kabila ng pagsuot sa pinakamadidilim na sulok ng komunidad, ano nga ba ang nakikita nyang liwanag? Samahan nyo kami sa kuwentuhang ito. Kasama kayo sa kuwento.