Gospel-centered sermons from the ministry of Pastor Derick Parfan
Preached by Ptr. Marlon Santos on Hebrews 10: 19-25. "Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti."
Preached By: Drin Capili on John 14:12-14 12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.
#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo't madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.
Preached by Ptr. Marlon Santos from 1 Peter 2: 9- 10 9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag. "Tayong mga Kristiyano, o ang Iglesya, ay pinili ng Diyos dahil sa Kanyang habag sa pamamagitan ni Kristo para sa natatanging layunin ng pagpapahayag ng Kanyang mga papuri, kadakilaan, at kagandahan sa mundong ito na puno ng kasamaan dahil sa kasalanan." "We Christians, or the Church, were chosen by God out of His compassion through Christ for the unique purpose of expressing His praises, greatness, and beauty in this world full of evil due to sin."
#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa (Matt. 28:19; Acts 2:44-45; 4:34-35; 1 Cor. 16:1-2; 2 Cor. 9:7; 1 Pet. 4:10-11).
#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna (Gal. 1:6–9; 1 Cor. 5:1–13; 11:17–34; Heb. 13:17; 1 Pet. 5:1–5)
#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo'y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo (Rom. 6:1-4; 12:1-2; Eph. 5:15-18; Col. 3:12-13; 1 Pet. 1:14-16; 2:11-12).
#6: Makikigalak tayo sa kasiyahan ng bawat isa, at sisikaping makatulong sa pagdadala ng mga kabigatan, at makiramay sa kapighatian ng bawat isa bilang bahagi ng iisang Katawan at sa paraang mararamdaman ang pagpapahalaga natin sa bawat isa (Rom. 12:15; 1 Cor. 15:25-26)
#5: Sisikapin nating palakihin sa disiplina at aral ng Panginoon ang sinumang inilagay Niya sa ating pangangalaga, at hahangaring madala sa Panginoon ang ating mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa kanila (Eph. 6:4; 1 Thess. 2:1-12; Col. 4:3-6).
Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba (Jas. 5:16).
Hindi natin pababayaan ang ating mga pagtitipon bilang isang pamilya ng Diyos upang sama-samang umawit, manalangin, makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos, at magsalu-salo sa hapag ng Panginoon (Heb. 10:24-25; Eph. 5:19-20; Acts 2:42-47).
Sama-sama tayong mamumuhay nang may pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon at bahagi ng iisang Katawan, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagbabantay sa buhay ng bawat isa, at tapat na pagtuturo at pagtutuwid sa bawat isa ayon sa hinihingi ng pagkakataon (John 13:34-35; 1 Cor. 12:12; 13:4-6; Col. 3:16; 1 Thess. 5:14; Gal. 6:1-2; 2 Tim. 3:16-17).
Pagsisikapan nating manalangin at gawin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa atin, na may pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa kapakanan ng iba, at pagpapatawad sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos (Eph. 4:1-6, 31-32; Phil. 2:1-4).
Ito ang ibig sabihin na mapabilang sa covenant people of God. Kinikilala natin na napabilang tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Hindi dahil mas karapat-dapat tayo kaysa sa iba. (By grace alone through faith alone in Christ alone). At kasama sa pagiging covenant people of God ang pagtupad ng mga obligasyon na dapat nating gawin para makapamuhay ayon sa nais ng Diyos para sa mga taong kabilang sa kanyang tipan. Hindi tayo ang nagse-set ng sarili nating rules sa covenant na ‘to. Ang Diyos ang sovereign King at tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
Tama ang sinabi ni Edmund Clowney, “The story of the church begins with Israel, the Old Testament people of God” (The Church, p. 28). So ang church ay hindi lang New Testament reality. Hindi rin ito bagong plano ng Diyos, o plan B ng Diyos. Ito ay nasa isip na ng Diyos mula sa Old Testament. Sabi ni apostle Peter sa church, “You are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession” (1 Pet. 2:9). Siksik ‘yan ng Old Testament references. Lalo na yung sinabi ng Diyos tungkol sa Israel noong nasa Mount Sinai na sila, “…you shall be my treasured possession among all peoples…you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Exod. 19:5-6). Preached by Derick Parfan on June 25, 2023 at Baliwag Bible Christian Church Full sermon notes here:
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang pagkanta ay bahagi ng ating pagsamba? Every Sunday, tuwing nagsasama-sama tayo sa pagsamba, hindi kailanman nawalan tayo ng kantahan. Hindi ito for cultural reasons lang, dahil mahilig kumanta ang mga Pilipino. Inutos ng Diyos na tayo ay kumanta nang sama-sama. “Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos” (Col. 3:16). Katunayan, isang buong libro sa Bible ang naglalaman ng 150 songs, the book of Psalms, na hindi lang “salita” ng Diyos, kundi “awit” ng mga anak ng Diyos para sa Diyos. Kakaiba ang Christianity sa ibang mga relihiyon sa buong mundo. Ours is a singing religion.
Sa wakas, naranasan na rin natin ang kaligtasan. Pero hindi ibig sabihin na ie-expect na natin na pagkatapos nun ay magiging maayos o smooth na ang lahat hanggang sa araw na kuhanin na tayo ng Panginoon. Hindi ibig sabihin na yung buhay ninyo ngayong nakay Cristo na—sa pamilya, sa marriage, sa finances, sa health, atpb.—ay magiging better compared sa buhay ninyo nung wala pa kayo kay Cristo. Alam naman nating posibleng hindi. At kung maka-experience man tayo ng mga difficulties, ‘wag din naman nating isipin na yung paggawa ng Diyos ay dun lang sa initial part ng salvation natin. We are saved by grace, not by works, gawa ng Diyos, oo. Pero ibig sabihin ba nun, pagkatapos nun ay ikaw na ang bahala, kaya mo na ‘yan. Hindi pa tapos ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa atin. Sigurado, oo. Pero hindi pa tapos. May gagawin pa ang Diyos. And don't expect na yung gagawin ng Diyos ay kung ano ang ayon sa expectations natin. Preached by Derick Parfan on June 4, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Mahalagang maunawaan ang gospel. Kung ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—at sa buhay natin—mahalagang palaging marinig, mahalagang palaging alalahanin, mahalagang balik-balikan, mahalagang tiyakin natin na hindi natin ‘to makakalimutan. Meron kasi tayong sakit na tinatawag na “gospel amnesia.”
Heto ang dulo ng chapter 12, “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang lahat ng lipi ng bayan ni Yahweh. Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto...Nang araw na iyon, inilabas ni Yahweh sa Egipto ang mga Israelita na nakahanay ayon sa kani-kanilang lipi” (vv. 41-42, 51). Matagal na panahong alipin sila. Kailangan nila ng tagapagligtas. Sino? Si Yahweh ang nagligtas sa kanila. Ang tanong, paano ito ginawa ni Yahweh?
We must realize, as followers of Christ, na hindi lang ito kuwento ng Israel. Nakakonekta tayo rito dahil kay Cristo na siyang fulfillment ng lahat ng ito. So, this is also our story as God's people. Kaya mahalaga na hindi lang natin marinig, mapanood, ma-imagine, maramdaman yung “drama” ng kuwentong ito. Mahalaga yung tamang “doktrina” na nanggagaling sa kuwentong ito. Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos natin? Tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa atin? Tungkol kay Cristo? Tungkol sa buhay natin? May drama, may doktrina.
Sapat na ang pruweba na ibinigay sa atin ng Diyos. Gumawa sila Moises ng himala para patunayang si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos at ang kanyang salita ay makapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngayon, hindi na natin kailangang makakita ng himala o gumawa ng himala para patunayang makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang “huling himala” na kailangan natin para makumpirma na totoo nga ang mabuting balita na si Cristo ay naparito para iligtas tayong mga alipin ng kasalanan.
Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang ginagawa ng Diyos, at abangan kung ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya.
Preached by Derick Parfan on March 19, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on March 12, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Feb. 26, 2023 at Baliwag Bible Christian Church.
From Filipino/Taglish translation of John Piper's Astonished by God, translated by Dess Ventura, read by Derick Parfan
Preached by Derick Parfan on Feb. 12, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Feb. 5, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Jan. 29, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached on Jan. 22, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on January 8, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Jan. 1, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Dec. 25, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Paano nga iaapply ang gospel sa mga di-pagkakasundo? Paano kung ikaw ang may atraso sa iba? Mahirap umamin at humingi ng tawad. Kapag ikaw ang naagrabyado—may ninakaw sa ‘yo, may utang na hindi mabayaran o ayaw bayaran, o may ginawang masama laban sa ‘yo—mahirap magpatawad, mahirap maibalik ang dating magandang relasyon. O kung mabalitaan mo na may ganito sa church, mahirap makialam. Mas madali sa atin ang tahimik lang, umiwas lang, o ipalagay na okay lang naman ang lahat at no big deal naman yung mga ganyan. But if we care about the gospel of Christ, we must care about our relationships sa loob ng church.
We as a church love the gospel. We love the preaching of the gospel. Yun ang prayer natin palagi na magpatuloy na maging passion ng church natin—a passion for the gospel of Jesus Christ. Pero yung passion na yun ang prayer din natin na maging passion natin for godliness o yung matuwid, tama at banal na pamumuhay. Sabi ni Kevin DeYoung, “There is a gap between our love for the gospel and our love for godliness. This must change” (The Hole in Our Holiness, 21).
Preached by Derick Parfan on Nov. 20, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Nov. 9, 2022 at Golden City Alliance Fellowship (Cagayan de Oro City)
Preached by Derick Parfan on Nov. 8, 2022 at Golden City Alliance Fellowship (Cagayan de Oro City)
Preached by Derick Parfan on Nov. 7, 2022 at Golden City Alliance Fellowship
Preached by Derick Parfan on Nov. 6, 2022 at Golden City Alliance Fellowship (Cagayan de Oro City)
Preached by Derick Parfan on Oct. 23, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Preached on Oct. 26, 2022 by Derick Parfan at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Oct. 9, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Preached by Derick Parfan on Oct. 2, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Preached during the 36th anniversary celebration of Baliwag Bible Christian Church
Preached by Ramen Caliwag on Sept. 11, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
We know na hindi madali na maranasan ang kagakalan sa oras ng kahirapan. Mas natural sa atin ang kalungkutan, kabalisahan, pag-aalinlangan. Pero dapat makita natin na napakabuti ng Diyos na iniutos niya na magalak tayo dahil ito ang gusto niya para sa atin na maranasan natin hindi pagkatapos ng mga kahirapan kundi sa gitna mismo ng kahirapan. Video here - https://youtu.be/Acgc9aTC8nk
Video here - https://youtu.be/Wej97td9E2k
Preached by Marlon Santos on August 21, 2022 at Baliwag Bible Christian Church
Walang-wala o hinang-hina? Nararamdaman natin ‘yan, pero hindi ‘yan nakatugma sa realidad ng buhay Kristiyano. Bakit kaya ganun? Kasi nakakalimutan natin kung sino ang Diyos natin, kung ano ang ginawa ni Cristo para sa atin, kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo, kung ano ang buhay na inilatag sa atin ng Diyos ngayon, at kung ano ang buhay na naghihintay sa atin sa pagbabalik ni Cristo. We are easily forgetful of the gospel.
Kapag ibang gospel na ang pinaniwalaan mo, yun ay paglayo rin sa Diyos at kay Cristo. Hindi mo pwedeng sabihin na ang mahalaga “close” naman kayo ni Jesus, kahit na mali naman yung gospel na pinaniniwalaan mo. You cannot separate the person of Christ from the message and work of Christ. Kaya nga mahalaga na we get the gospel right. Meron pa bang ibang gospel? Sabi ni Paul, wala namang ibang gospel, isa lang (1:7). So, if you get the gospel wrong, everything else in your life will go wrong.