Podcasts about kristyano

  • 15PODCASTS
  • 32EPISODES
  • 25mAVG DURATION
  • ?INFREQUENT EPISODES
  • Feb 7, 2025LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about kristyano

Latest podcast episodes about kristyano

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue
#24 Soulwinning (Pagaakay ng Kaluluwa)

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue

Play Episode Listen Later Feb 7, 2025 19:33


In this episode, Raymart Lugue discusses the importance of making disciples and soulwinning in our Christian Life.(Sa kabanatang ito, tinalakay ni Raymart Lugue ang kahalagahan ng pagaakay ng kaluluwa at pag-gawa ng mga disipulo sa ating buhay bilang Kristyano.)

christian life kristyano
Modesty on SermonAudio
Huwag maging Mapag-hambog (2)

Modesty on SermonAudio

Play Episode Listen Later Feb 4, 2024 38:00


A new MP3 sermon from Grace Baptist Church Los Baños is now available on SermonAudio with the following details: Title: Huwag maging Mapag-hambog (2) Subtitle: Kristyano sa Pagsubok Speaker: Ferdie Facundo Broadcaster: Grace Baptist Church Los Baños Event: Sunday Service Date: 2/4/2024 Bible: James 5:1-6 Length: 38 min.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martesl Kapistahan ni San Esteban l unang martir

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 25, 2023 4:16


Mabuting Balita l Disyembre 26, 2023 – Martes l Kapistahan ni San Esteban l unang martir Ebanghelyo: Mateo 10:17-22 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat sa mga tao, ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo'y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan Ninyo. Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas kayo maliligtas.   Pagninilay:    Kahapon, ipinagdiwang natin ang pagsilang ni Hesus sa sanlibutan, isang pagdiriwang na punong-puno ng kasiyahan. Ngayon naman, ipinagdiriwang ng Inang Simbahan ang kapistahan ni San Esteban, Unang Martir. Marahil, itatanong natin, bakit ganun, kahapon ang saya-saya, kasi pagsilang ang ating ipinagdiwang, tapos ngayon, kamatayan agad? Pero kung tutuusin, hindi kamatayan ang ating ipinagdiriwang sa kapistahang ito ni San Esteban, kundi ang kanyang pagsilang sa walang hanggang buhay. Oo, ibang uri ng pagsilang. Pagsilang ito sa buhay na walang hanggan na kung saan, makakapiling natin ang Panginoong Diyos magpakailanman. At iyon ang dahilan, kung bakit isinilang si Hesus na katulad natin. Nang sa gayon, maipakita sa atin ang tamang daan patungo sa Ama sa langit, at tubusin tayo sa ating mga kasalanan.  Mga kapanalig, narinig natin sa Mabuting Balita, ang mga pagsubok na mararanasan at titiisin ng mga tagasunod ni Hesus. Ang mga pagsubok na ito ay naranasan ni San Esteban, at ng marami pang mga tagasunod ni Hesus, mga banal at mga martir na nag- alay ng kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya at pagsasabuhay sa Mabuting Balita.   Gayundin naman sa panahon natin ngayon. Maraming mga Katoliko Kristiyano ang nakararanas ng persecution at nagiging marginalized, sa lipunang kanilang kinabibilangan, dahil vocal sila sa kanilang pananampalataya, at hindi nila itinatago ang pagsasabuhay nito. Minsan, ang pang-uusig ay ginagawa sa mga banayad na paraan, pero ramdam mo na ginigipit o inuusig ka. Meron ding mga pagkakataon, na ang pag-uusig ay hayagan, at nauuwi sa pagbubuwis ng buhay. Marami na ring beses na nangyari ang ganito, lalo na sa mga bansang minoridad ang Kristyano, at ipinagbabawal ang pagsasabuhay ng pananampalatayang katoliko. Sa harap ng ganitong sitwasyon, nawa'y mabigyan tayo ng lakas at pag-asa ng mga salita ni Hesus: “huwag mabahala, sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.” Amen  -SR. PINKY BARRIENTOS, FSP  

Pleasure on SermonAudio
Makamundong Pagnanasa

Pleasure on SermonAudio

Play Episode Listen Later Dec 24, 2023 41:00


A new MP3 sermon from Grace Baptist Church Los Baños is now available on SermonAudio with the following details: Title: Makamundong Pagnanasa Subtitle: Kristyano sa Pagsubok Speaker: Ferdie Facundo Broadcaster: Grace Baptist Church Los Baños Event: Sunday Service Date: 12/24/2023 Bible: James 4:1-10 Length: 41 min.

Dodong Cacanando - Break Through in Life & Business
The Hidden Struggle: Recognizing Signs of Modern-Day Demon Possession

Dodong Cacanando - Break Through in Life & Business

Play Episode Listen Later Dec 10, 2023 34:27


“Modern-Day Demon Possession” Many years ago may nagsabi sa akin, “Hindi lahat ng nasa garahe, kotse!” So hindi lahat ng nasa simbahan or nagsisimba Kristyano. Possessed ka ba? Are you addicted to pleasure, like Samson? Is something robbing you of your freedom? Or is there a spirit of conceit, hate, and anger in you, like King Saul, that is making you do things that are against the Lord? Wag mong sayangin ang freedom na binibigay ni Jesus. He died for that freedom so you can live a good fruitful life. Do not allow anything to enslave you. You were blessed to be a blessing, not so that you can decide your right and your wrong. If we insist on what we want to do, He will make us accountable for what we do. We cannot use the devil or other people as an excuse.

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue
#21 Fellowship (Pakikipagsama)

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue

Play Episode Listen Later Sep 16, 2023 19:34


In this episode, Raymart discusses the importance of fellowship in our Christian life. (Sa kabanatang ito, tinalakay ni Raymart ang kahalagahan ng pakikipagsama sa ating buhay bilang isang Kristyano.)

fellowship kristyano
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 - Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 24, 2023 4:17


Mabuting Balita l Hulyo 25, 2023 Martes ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 20:20-28 Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n'ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s'ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s'ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n'ya para makiusap. Tinanong s'ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n'yo alam ang inyong hinihingi, maiinom n'yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.”  “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi, “Alam n'yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s'ya ang maging lingkod n'yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s'ya ang maging alipin n'yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang Buhay bilang pagtubos sa marami.”     Pagninilay: Ipinagmamalaki natin sa buong mundo na ang Katoliko Kristyano ang pinaka-malaki at may pinaka-maraming miyembro. Ipinagmamalaki natin na tayo ay Kristyano.  Oo Kristyano tayo pero ang tanong: “Kristyano ba tayo sa pangalan lang o Kristyano tayo kasi tunay tayong tagasunod ng ating Panginoong Hesukristo?” Sa ating Mabuting Balita, ito rin ang tinatanong ng ating Panginoong Hesukristo: “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?”  Mga kapanalig, ang pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo ay hindi parang Insurance Company, na kapag sumunod tayo sa Kanya ay ligtas na tayo sa mga paghihirap. Alalahanin natin na kung ang ating Panginoon ay hinarap ang hirap, asahan natin na tayo din, ay hindi ligtas na harapin ang mga ito.   Ang isa pa sa mga tanda ng pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo ay ang pagsisilbi. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal lang natin ang Panginoon pero hindi natin mahal ang ating kapwa.  Hindi na natin kasama ang ating Panginoong Hesukristo ng pisikal, pero pinaalalahanan niya tayo sa kanyang mga turo na siya ay nananahan sa bawat isa sa atin. Kaya naman matatagpuan ang presensya ng ating Panginoong HesuKristo sa mga buhay natin. Dito natin maiintindihan ang mensahe ng ating Panginoong Hesukristo na kailanma'y hindi pwedeng paghiwalayin ang Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Parehong dakila ang mga kautusang ito. Nawa ang ating pagsamba sa Diyos, hindi lang manatili na pagsamba o kaya maging lip service. Sa halip, ang ating pagsamba sa Diyos ang siyang mag udyok sa atin sa pagsisilbi sa kapwa. Sa madaling salita, ang tunay na Kristyano ay hindi lamang sa salita, kundi nakikita ito sa kanyang kilos at gawa. Naipapamalas niya ang kanyang pagiging alagad ng ating Panginoon sa pagpapakita ng Awa, Habag at Pagmamahal sa kapwa. Amen.   - Fr. Sebastian Gadia, SSP l Society of St. Paul  

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue
#18 Word of God (Salita ng Dios)

Tagalog Bible Studies with Raymart Lugue

Play Episode Listen Later May 26, 2023 20:57


In this episode, Raymart discusses the importance of God's Word in our Christian life. (Sa kabanatang ito, tinalakay ni Raymart ang kahalagahan ng Salita ng Dios sa ating buhay bilang isang Kristyano.)

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Abril 15, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 14, 2023 4:14


Mabuting Balita l Abril 15, 2023 Sabado sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Marcos 16:9-15 Una siyang nagpakita kay Maria Magdalena na mula rito'y pitong demonyo ang pinalayas niya. Umalis siya at ibinalita ito sa mga kasama ni Hesus na noo'y umiiyak at nagluluksa. Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Hesus at napakita sa kanya. Pagkatapos nito, nagpakita naman si Hesus sa ibang anyo sa dalawa habang papunta sila sa labas ng bayan. At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pero hindi rin sila naniwala sa kanila. Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, nagpakita sa kanila si Hesus at pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin. At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, tatlong tagpo ng pagpapakita ng Panginoon ang inilahad sa atin ni San Markos.  Una, kay Maria Magdalena na agad pumunta sa mga alagad para ibalita na nakita niya ang Panginoon.  Ikalawa, sa dalawang alagad papuntang Emaus na agad ding bumalik para ibalita sa iba kung ano ang nangyari sa daan.  At ang ikatlo, napakita Siya sa Labing-isa at tinanggap nila ang tungkuling humayo sa buong mundo at ipahayag ang Mabuting Balita.  Mga Kapanalig, hindi man natin nakita at nakasama ang Panginoong Hesus habang Siya'y nabubuhay pa, katulad ng naranasan ng mga alagad, pero bilang mga binyagang Kristyano, nananalig tayong tunay Siyang buhay at nananahan sa ating piling.  Nananatili Siya sa Banal na Sakramento.  At sa tuwing nakikinabang tayo sa Kanyang katawan at dugo sa Banal na Komunyon, mismong si Kristo ang tinatanggap natin.  Kaya nga pagkatapos ng pagdiriwang ng Banal na Misa, inaatasan tayo ng paring humayo at maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita.  Paano ba tayo tutugon sa panawagang maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita?  Ang araw-araw nating pagsisikap na mamuhay sa pag-ibig sa Diyos nang higit sa lahat, at pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili; ang pagharap natin sa mga suliranin nang may pagtitiwala at pag-asa sa kabutihang-loob ng Diyos; ang pananatiling masigla at payapa ng kalooban sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok sa buhay – ilan lamang itong paraan ng pagpapahayag ng pagsaksi natin sa Panginoong Hesus na Muling Nabuhay.  Manalangin tayo.  Panginoon, tulungan Mo akong maging Buhay na saksi ng Iyong pananatili sa kasalukuyang Panahon.  Amen.

Langga Speaks Podcast
LSP 159: Lord, Bad Trip Ka!

Langga Speaks Podcast

Play Episode Listen Later Mar 31, 2023 67:05


LITONG-LITO KA NA BA?Lord, what's your direction for me? Where do I begin? Lord, bakit? Worth it pa bang maging Kristyano nowadays? These are some of the questions we have every now and then. In this episode, we invited over our home, one of our priest friends, Fr. Jeamboy Mayo OFM Cap. The story 20-year journey towards his chosen vocation is truly a gift in itself.We tackle things like:Killjoy ba si Lord?Manifesting prayers Knowing God's willWorth it ba pa to be Catholic nowadays and moreJoin us as we unbox on how we can go about our life walking with Christ.————————————————————————Follow Pads Jeamboy here:YT - youtube.com/@joedmayoIG - @joedmayo————————————————————————❤️  Support Our Mission by simply sending us virtual coffees at☕  https://www.buymeacoffee.com/langga

Soulution: Grace - Based Devotions
Is it Really Hard to be a Christian?

Soulution: Grace - Based Devotions

Play Episode Listen Later Feb 28, 2023 63:38


Mahirap bang maging at magpaka-Kristyano? Yes or No? Bakit? Stay Connected! Facebook - bit.ly/3jf0QGQ Youtube - bit.ly/34gHJGF Partner with us! Click here: bit.ly/3IqHs64

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Oktubre 26, 2022 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 25, 2022 6:10


Mabuting Balita | Oktubre 26, 2022 – Miyerkules Ika – 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 13:22-30 Dumaan si Hesus sa mga lunsod at mga nayon na nagangaral habang papunta s'ya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Hesus sa mga tao, “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo marami ang gustong pumasok at di makapapasok. Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing, ‘Panginoon, buksan mo kami.' Sasagot naman s'ya sa inyo, ‘Hindi ko alam kung taga-saan kayo.' Kaya sasabihin ninyo, ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.' Ngunit sasagutin n'ya kayo, ‘hindi ko alam kung taga-saan kayo. Lumayo kayo sa akin kayong gumagawa ng masama.' Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng Propeta sa kaharian ng Diyos at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At makikisalo naman sa kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli. Pagninilay: Mga kapanalig, sinasabing ang Pilipinas na lamang ang natatanging Kristiyanong bansa sa Asya. Ayon sa huling talaan ng Philippines Statistics Authority 2022 mahigit sa Siyamnapu't dalawang porsyento ng ating populasyon ay mga Kristiyano, na karamihan ay mga Katoliko. Pero ilan ba sa bilang na ito ang aktibong nagsasabuhay ng pananampalataya? Mas marami pa rin ang kabilang sa mga itinuturing na “nominal Christians,” o yung mga nabinyagan lang sa Kristiyanong pananampalataya, pero hindi naman nagsasabuhay ng pananampalataya. Marami din sa bilang na ito ang kasapi ng KBL – yung pumapasok sa Simbahan tuwing Kasal, Binyag, Libing. Meron din namang aktibong nagsisimba tuwing Linggo, nakikinig sa Salita ng Diyos, nakikinabang sa Banal na Komunyon, nagkakawanggawa rin – pero namumuhay ng taliwas sa kalooban ng Diyos. Grabe kung mag tsismis! Maraming Marites sa loob at labas ng simbahan, maging sa komunidad na ating ginagalawan. Nakakabahala din ang kalakaran ng pagpapakalat ng kasinungalingan, at pagbaluktot sa kasaysayan; ang walang humpay na batuhan ng hate messages sa social media, na wala nang paggalang sa kapwa; at tila ba mas iniidolo pa at ginagawang bayani ang mamamatay tao, katulad ng nangyaring patayan sa Ateneo de Manila University kamakailan. Meron ding pumapabor sa katiwalian at pagkagahaman sa kapangyarihan… at sumusulong na gawing legal ang aborsyon at diborsyo sa ating bansa. Di ba taliwas ang mga gawaing ito sa Sampung Utos ng Diyos? Mga kapanalig, kung totoong Kristyano tayo na sumusunod kay Kristo, mga katangian ni Kristo ang dapat makita sa ating pagkatao – mapagmahal, mapagpatawad, at tunay na may malasakit sa kapwa. At magagawa natin ito kung tatahakin natin ang makipot na daan na Kanyang tinahak – ang daan ng Krus. – Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul Panalangin: Panginoon, papag-alabin Mo po ang ningas ng apoy ng Espiritu Santo sa aking puso, upang tahakin ko ang makipot na pintuan ng pagpapakatao at pagiging tunay na Kristiyano. Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 19, 2022 - LUNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 18, 2022 5:17


MABUTING BALITA l SETYEMBRE 19, 2022 - LUNES Ika – 25 na LINGGO sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lk 8: 16-18 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok, o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang nalilihim na di mabubunyag, di natatakpan at di mahahayag at malalantad. Kaya't isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman kahit na ang akala n'yang kanya ay aagawin sa kanya. Pagninilay: Ayon sa isang kanta, “kung ‘di ako nagmamahal, sino ako?” Totoo naman, kalakip sa pagkakakilanlan ng isang Kristiyano ang pagiging mapagmahal. Ngunit kapag ang pagkakakilanlan natin bilang Kristiyano ay ating ikukubli, itatago at pababayaan ang kaakibat na tungkulin nito, magiging sino ba tayo? Ating narinig sa Mabuting Balita ngayon ang tatlong mga kasabihan na mga babala sa pag-uugali ng buhay, na pwede na ring palawagin sa pag-uugaling at pagkakakilalang Kristiyano. Ang unang kasabihan ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagpapakita at pagsasabuhay ng ating pagiging mga tagasunod ni Kristo. Madalas, ang buhay Kristiyano ay nauugnay sa pagiging liwanag ng sanlibutan, kaya't nangangahulugan ito na kailangan nating magliwanag sa mundong madilim sa pamamagitan ng ating isip, salita, at ginagawa para sa ating kapwa. Kaakibat rin nito ang pangangailangan mamuhay ng isang ganap na Kristiyano na naaayon sa mga turo ni Kristo, ang Dakilang Guro. Ngunit kadasalan, may mga panahong hindi nating naisasabuhay ang mga pamantayan ng pagiging Kristiyano, at sa halip na ipagmalaki natin ang ating pagiging Kristiyano, atin itong ikinukubli, pagkat mas gusto nating mabuhay bilang makamundong mamamayan. Dito pumapasok ang ikalawang paalala ni Hesus: na walang bagay na ating ikinukubli ang hindi mabubunyag. May tatlong pananaw na pwede nating tignan sa pagtago ng sekreto. Una, ay maihahalintulad natin sa patuloy nating pagpapaka-alipin sa kasalanan; pinikit natin ang ating mga mata sa mga gawaing nating alam natin ang kahihinatnan. Pangalawa, may mga tinatago tayo mula sa ating kapwa-tao na lumalabas ng kusa tulad ng sama ng loob, galit, at kahit poot. At ang panghuli, ay ang mga bagay o kasalanan na pilit nating tinatago sa Diyos, kahit na alam nating na “Siya ay Diyos na nakakakita.” Dito pumapasok ang pangatlong paalala, na kung sino mayroon, ay mas may ibibigay sa kanya; at doon sa wala, ay ang kakarampot na meron siya ay kukunin sa kanya. Tayong mga Kristyano ay makikilala sa ating gawa, sa hindi pagkukubli, at sa pamumuhay naaayon sa biyayang tinanggap. -Nov. Anjon Fredrick C. Mamunta ng Society of Saint Paul

Almusalita by Fr Luciano Felloni
Daily Reflection: #RealTalk | John 14:21-26:

Almusalita by Fr Luciano Felloni

Play Episode Listen Later May 15, 2022 2:52


#RealTalk | John 14:21-26: Namimili ka ba ng sinusunod na aral ng Panginoon? Taliwas ba ang mga gawa mo sa sinasabi mong ikaw bilang Kristyano? Tara't pagnilayan natin 'yan, ka-Almusalita. Let's make the Word of God viral. God bless! --- Support this podcast: https://anchor.fm/almusalita-by-fr-luciano/support

Victory Katipunan's Podcast
The Role of Perseverance and Resolve in God's Redemptive Plan - Ferdie Javier

Victory Katipunan's Podcast

Play Episode Listen Later Apr 20, 2022 40:23


"Sa kabila ng mga oposisyon na nararanasan natin sa pag-unlad ng ating bansa, paano ba dapat lumaban bilang isang Kristyano?"Nehemiah experienced problems internally and externally. But he maintained his integrity and persevered in doing the work.The path towards national transformation is filled with hardships, insurmountable oppositions, injustices, and corruption. We are to persevere in pursuing God's plan for our nation and not compromise our integrity despite the difficulties and discouragements. Our confidence comes from the truth that our God is in full control.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 12, 2022 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 12, 2022 4:12


Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa Mabuting Balita | Enero 12, 2022 – Miyerkules sa Unang Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 1:29-39 Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo'y nakahiga ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Hesus. Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan. Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpalayas ng mga demonyo. PAGNINILAY: Para kanino ka bumabangon? Isa itong katanungan sa isang commercial ng brand ng kape. Maganda rin itong itanong sa atin bilang isang Kristyano. Para kanino nga ba tayo bumabangon? Kung titingnan natin ang buhay ng ating Panginoong Hesukristo, bumabangon siya at ibinuhos niya ang buhay niya sa pagtupad ng kalooban ng kanyang Ama. Ito ang dahilan kung bakit siya nabuhay dito sa mundo. Ang ipakilala ang Diyos Ama bilang mapagmahal na Diyos. Ipinakilala niya ang Diyos Ama at tinupad niya ang layunin sa kanya ng Ama sa pamamagitan ng kanyang ministeryo. Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon, ang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesukristo sa mga may sakit tulad na lang ng Biyenan ni Simon, at pagpapalayas ng mga masamang espiritu sa mga inaalihan nito. Para kanino tayo bumabangon? Bumabangon tayo para sa Diyos. At ang pagbangon na yan para sa Diyos ay naipapadama natin sa ating kapwa. Kaya naman di natin pwedeng paghiwalayin ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Maganda ding itanong natin sa ating sarili: “Kanino ba nagmumula ang ating lakas para sa ating pagbangon?” Narinig na natin sa Mabuting Balita ngayon na umaga palang bumabangon na ang ating Panginoong Hesukristo upang pumunta sa isang tahimik na lugar at magdasal. Ito ay para humugot ng lakas mula sa Diyos Ama. Ganun din sana ang maging buhay natin. Bumabangon tayo para sa Diyos na pinagmumulan ng ating buhay at lakas araw-araw. Amen. - Fr. Baste Marfilgadia, SSP | Society of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 6, 2022 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 5, 2022 4:34


EBANGHELYO: LUCAS 4:14-22 Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat. Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ihayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan na ang Kasulatan ito ngayon habang nakikinig kayo.” At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba't ito ang anak ni Jose?” PAGNINILAY: Madalas nating mabasa ang mga Mission Statements ng iba't ibang paaralan. Ano mang paaralan ang mapuntahan at nais nating pasukan, may iisa lamang silang misyon – ito ay hubugin ang kanilang mga estudyante na maging mabuti at magaling na mamamayan. Bilang mga Kristyano, lahat tayo'y may misyon. Ang ating pagiging kristyano ay may kaakibat na misyon. Ang misyon na ito ay ipadama ang pagmamahal ni Hesus sa mundo lalo na sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal, unawa, awa at habag. Narinig natin sa Mabuting Balita ngayonang Mission statement ng ating Panginoong Hesukristo. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran nya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Mga kapanalig, marami pa rin sa atin ang naniniwala na mapagparusa ang Diyos. Ang Diyos ay hindi mapagparusa. Ang bawat kasalanang nagagawa natin ang siya mismong nagdadala sa atin ng kaparusahan. Ipinakilala sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang tunay na anyo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang ministeryo. Nais ng ating Panginoong Hesukristo na maging galamay niya tayo upang ipadama ang pag ibig ng Diyos sa mundo. Nawa ang Mission Statement niya ang siya ring maging mission statement natin habang nabubuhay tayo dito sa mundo. Sana balang araw, masasabi natin sa Diyos ng taas noo- Mission accomplished. - Fr. Baste Marfilgadia, SSP | Society of St. Paul

Ahmad Javier
Makatarungan na Hari mula sa Habasha

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Sep 13, 2021 6:37


Ang hari ng Habasha na isang makatarungang hari na Kristyano na nag balik loob kay Allah kinalaunan. The post Ahmad Javier – Makatarungan na Hari mula sa Habasha appeared first on Ahmad Javier.

Soulution: Grace - Based Devotions
How To Flow With The Holy Spirit

Soulution: Grace - Based Devotions

Play Episode Listen Later Jul 28, 2021 58:31


Ano ang malaking kaibahan ng isang Kristyano sa taong wala pang relasyon kay Cristo? Stay Connected! Facebook - bit.ly/3jf0QGQ Youtube - bit.ly/34gHJGF Twitter - bit.ly/2WsCPCJ Instagram - bit.ly/2CIzdFD Want to support our ministry? Click here: bit.ly/3jPcTLi

Ahmad Javier
Puwede daw ba magasawa ang Muslimah ng isang Kristyano na nag-Muslim?

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Apr 8, 2021 58:26


Puwede daw ba magasawa ang Muslimah ng isang Kristyano na nag-Muslim?, nag balik-islam hindi dahil sa relihiyon, bagkus sa mga iba pang kadahilanan. The post Ahmad Javier – Puwede daw ba magasawa ang Muslimah ng isang Kristyano na nag-Muslim? appeared first on Ahmad Javier.

MBBE Messages
Ang Pagpapakasakit ni Jesus at ang Masunuring Kristyano (Part 2)

MBBE Messages

Play Episode Listen Later Feb 7, 2021 46:58


Preached by Dr. Benny M. Abante, Jr. on February 07, 2021 during the Sunday Morning Service of the Metropolitan Bible Baptist Ekklesia. Visit https://go.mbbe.org/3pTI3Uy to watch the video version of this message. The post Ang Pagpapakasakit ni Jesus at ang Masunuring Kristyano (Part 2) appeared first on MBBE.org.

jesus christ preached sunday morning service kristyano mbbe metropolitan bible baptist ekklesia
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | Pebrero 1, 2021 - Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 31, 2021 4:56


MABUTING BALITA | Pebrero 1, 2021 Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Taon MARCOS 5:1-20 PAGNINILAY: Sa Mabuting Balita ngayon, tumapak si Jesus sa teritoryo ng mga pagano sa unang pagkakataon. Para sa mga Judio, kilala ang mga pagano bilang mga taong hindi nakakikilala sa tunay na Diyos. Sumasamba sila sa mga diyus-diyosan. Sa mundo natin ngayon, marami ang nasa ganitong estado ng pamumuhay – hindi nakakikilala sa tunay na Diyos. Kung kaya't napadadala sila sa iba't ibang klase ng diyus-diyosan – katulad ng kapangyarihan, kayamanan, katanyagan, at iba pang mga makamundong pinahahalagahan. At gagawin nila ang lahat para makamtan ang mga ito, kahit sa maling pamamaraan. Mga kapanalig, ang kundisyon ng lalaking inaalihan ng demonyo sa narinig nating Mabuting Balita ay maituturing na simbolikong paglalarawan ng uri ng buhay, na hiwalay sa Diyos. Isang uri ng buhay na taliwas sa kalooban ng tunay na Diyos. Buhay na pinaghaharian ng maraming idolo o diyus-diyosan. Ngayon, suriin mo ang iyong sarili, ano bang diyus-diyosan ang naghahari sa buhay mo? Anumang bagay, gawain o pinagkakaabalahan, libangan at bisyo na umuubos sa ating oras, ay maaaring tawaging diyus-diyosan, lalo na kung inilalayo tayo nito sa pagdarasal, at sa tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa ating pamilya at kapwa at sa ating sarili. Halimbawa ang pagbababad sa ating mga gadgets. Ilang oras ba ang nauubos natin sa isang araw para mag-access ng facebook, Youtube, Netflix, computer games at iba pang katulad nito? Kapansin-pansin, na kahit magkakasama sa bahay ang pamilya lalo na ngayong lockdown at may pandemya, pero, hindi naman nag-uusap ang bawat miyembro, dahil busy sila sa kani-kanilang mga gadgets. May kanya-kanya silang mundo! Malaking hamon ito sa atin, lalo na sa mga kabataan na maging maingat, matalino at responsable sa mga ina-access nating sites. Siguraduhing makakatulong sa'ting paglago/ bilang mabubuting tao at Kristyano ang pina-follow nating palabas sa iba't ibang social media platforms, dahil maaring gamitin ng demonyo ang ating mga gadgets para aliwin tayo sa masasama at malalaswang panoorin at babasahin na talamak sa internet. At kapag naging bisyo na ang panonood ng malalaswa, ito ang nag-uudyok sa tao para magkasala sa kanyang sarili o sa iba. Maari ding maging diyus-diyosan ang sobrang pagpapahalaga sa sarili, gumugugol ng katakot-takot na pera sa pagpapaganda, pagparetoke ng mukha at katawan para manatiling fit at young-looking. Ilang oras ba ang nilalaan mo para sa gawaing ito? Maari ding maging diyus-diyosan ang mga bisyo na kinahuhumalingan natin, lalo na ang pagkalulong sa alak, sugal, sigarilyo, droga at pagtataksil sa asawa dahil nagiging dahilan ang mga ito para sirain ang ating sarili, ang ating relasyon sa pamilya at sa kapwa at marami pang ibang diyus-diyosan na naglalayo sa'tin sa Diyos. Ang tanong, paano natin malalaman kung pinaghaharian tayo ng diyus-diyosan? Narito ang ilang senyales: Kung wala nang direksyon ang ating buhay at feeling natin wala nang saysay mabuhay, kaya pagpapatiwakal na ang naiisip na solusyon para takasan ang ganitong sitwasyon. Kung puro negatibo ang nakikita natin sa'ting paligid, kaya sa halip na magpasalamat sa Diyos at sa mga taong tumutulong sa'tin, puro reklamo, paninira at paninisi ang lumalabas sa'ting bibig, kung tuliro ang ating puso't isipan at hirap tayong mag-pokus, at kung pahirap na tayo buhay ng ibang tao. Maaring sabihin ng iba, na may mental health issue o depress lang ang taong nasa ganitong estado. Pero bago pa tayo umabot sa ganitong sitwasyon, anong diyus-diyosan ba ang umalipin sa'tin at naglayo sa'tin sa tunay na Diyos. PANALANGIN: Panginoon, palayain Mo po ako sa anumang diyus-diyosang umaalipin sa akin ngayon. Patawad po, sa maraming oras na sinayang ko, sa mga diyus-diyosang kinagigiliwan ko. Linisin Mo po ako sa masasamang gawain at pinahahalagahan na labag Sa'yong mahal na kalooban. Amen.

MBBE Messages
Ang Pagpapakasakit ni Jesus at ang Masunuring Kristyano

MBBE Messages

Play Episode Listen Later Jan 31, 2021 58:32


Preached by Dr. Benny M. Abante, Jr. on January 31, 2021 during the Sunday Morning Service of the Metropolitan Bible Baptist Ekklesia. Visit https://go.mbbe.org/36uB90h to watch the video version of this message. The post Ang Pagpapakasakit ni Jesus at ang Masunuring Kristyano appeared first on MBBE.org.

jesus christ preached sunday morning service kristyano mbbe metropolitan bible baptist ekklesia
Ahmad Javier
Janazah o Lamay? libing muslim o Libing kristyano?

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jan 17, 2021 7:04


Usap-usapan ng burol ng yumaong balik-islam na kapatid ni robin padilla dahil sa kumalat na litrato at video.maraming angulo ang dapat tingnan subalit nais kong pagtuunan ng pansin ang pinakamahalaga sa paksang ito. The post Ahmad Javier – Janazah o Lamay? libing muslim o Libing kristyano? appeared first on Ahmad Javier.

Ang Santos nga Ebanghelyo sa Matag Adlaw
Ang Santos nga Ebanghelyo sa Matag Adlaw.

Ang Santos nga Ebanghelyo sa Matag Adlaw

Play Episode Listen Later Dec 26, 2020 2:12


Ang umaabot nga pagpanglutos sa mga unang Kristyano.

santos ang ebanghelyo kristyano
Ahmad Javier
Muslim ba ang Propetang si Abraham?

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Aug 9, 2020 5:11


Muslim ba ang Propetang si Abraham?Pinaniniwalaan ng Hudyo, Kristyano at Muslim, tinatawag na Ama ng mga mananamapalataya, subalit may katibayan ba ang mga Muslim na angkinin siya bilang isang Muslim? The post Ahmad Javier – Muslim ba ang Propetang si Abraham? appeared first on Ahmad Javier.

muslims ama kristyano si abraham
Higher Life With Junie Josue
April 23rd 2020: Ang Tunay na Kristyano ay Mapagbigay

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later Apr 23, 2020 4:38


tunay kristyano
Ahmad Javier
Si Hesus sa Islam

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Dec 24, 2018 53:59


-Ang Pagbabalik ni Hesus -Ang mga Kristyano noong panahon ng Propeta Muhammad (saw) -Ang kapanganakn ni Hesus The post Ahmad Javier – Si Hesus sa Islam appeared first on Ahmad Javier.

Ahmad Javier
Kung Ihaharap si Hesus sa Tatlong Relihiyon?

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Mar 31, 2018 1:56


Si Hesus para sa Hudyo ay dapat patay, sapagkat hindi nila tanggap ang kaniyang pagiging SUGO ni Allah, at para naman sa Kristyano si HESUS ay dapat ring patay sapagkat doon nakasalalay ang kanilang kaligtasan. samantalang para sa mga Muslim si HESUS ay buhay, sapagkat yun ang sabi ni Allah at yun ang katotohanan. The post Ahmad Javier – Kung Ihaharap si Hesus sa Tatlong Relihiyon? appeared first on Ahmad Javier.

Ahmad Javier
Ugnayan sa Pagitan ng Kristyano at Muslim

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Dec 21, 2017 36:41


Ugnayan sa pagitan ng Kristyano at Muslim. – Dayalogo sa pananaw ng isang Muslim. – Paglalapastangan ba sa Kristyano kung sabihin ng Muslim na hindi Dios si Hesu? Islamic Dawah Lecture @ Malate, Manila – August 2015 The post Ahmad Javier – Ugnayan sa Pagitan ng Kristyano at Muslim appeared first on Ahmad Javier.

muslims dios kristyano
Sino ang tunay na Kristyano ?
Sino ang tunay na Kristyano ?

Sino ang tunay na Kristyano ?

Play Episode Listen Later May 7, 2014 51:08


Sino ang tunay na Kristyano ?

sino tunay kristyano
Bakit ako Muslim at Ikaw ay Kristyano ?
Bakit ako Muslim at Ikaw ay Kristyano ?

Bakit ako Muslim at Ikaw ay Kristyano ?

Play Episode Listen Later Mar 19, 2014 51:08


Bakit ako Muslim at Ikaw ay Kristyano ?