Podcasts about paalala

  • 15PODCASTS
  • 35EPISODES
  • 22mAVG DURATION
  • ?INFREQUENT EPISODES
  • Jan 2, 2025LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about paalala

Latest podcast episodes about paalala

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Paalala rin sa atin ni Jesus sa Mateo 6, na alam na ng Ama natin sa langit ang mga kailangan natin. At kung uunahin natin ang pagsunod sa kalooban Niya, for sure na ibibigay Niya ang lahat ng needs natin in His perfect time. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Nasa 30% lamang ng mga Australyano ang makakaretiro ng komportable ayon sa bagong ulat

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 17, 2024 4:41


Paalala ng mga eksperto sa mga Australyano na dapat siguruhing sakto ang binabayad ng mga taga-empleyo sa kanilang mga superannuation. Dapat laging icheck ang payslip at super statement.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Mahalagang magkaisa': Paalala ng mga lider ng komunidad sa Sydney matapos ang stabbing attacks

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 17, 2024 8:46


Naganap ang pangalawang pag-atake o pananaksak sa Sydney kung saan hindi mapalagay ang mga residente sa sunod-sunod na krimen, kahit pa sinabi ng mga opisyal na wala nang karagdagang banta sa seguridad.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 12, 2024 – Lunes l Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 11, 2024 4:14


Mabuting Balita l Pebrero 12, 2024 – Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon     San Melecio ng Antioquia Ebanghelyo: Mk 8:11-13 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Hesus. Gusto nilang subukan si Hesus at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Hesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.   Pagninilay: Napabuntung-hininga nang malalim ang ating Hesus Maestro. Sa English version, mas makahulugan ang sipi. Ang sabi: Jesus “sighed from the depth of His spirit.” Hindi ito ordinaryong buntung-hininga. Mas malalim pa ito sa emosyon. Mula ito sa kaibuturan ng Kanyang Espiritu. May feeling of hurt and suffering dahil hindi makaunawa ang mga Pariseo. Naramdaman Niya ito sa Kanyang kaloob-looban dahil nagmamahal Siya. Mahal Niya ang mga Pariseo, pero patuloy ang pagtakwil at pagtanggi sa nila Kanya. Hindi napopoot ang ating Hesus Maestro sa kanila, kundi puno Siya ng awa. Sa sipi ng Mabuting Balita ngayon, tahimik Siyang umalis.  Sa ibang mga Gospels, layunin Niyang i-convert sila dahil mahal Niya sila. Madalas na sinusubukan ng ating Panginoon na gimbalin sila sa kanilang indifference at pagtanggi sa dulot Niyang biyaya. Pero hindi rin sila magbago. Sa makalawa, February 14, Ash Wednesday, simula ng Kuwaresma at   Valentines day pa. Noong bata ako, basta Araw ng puso, kinikilig ako at pulang damit ang suot ko. Pero habang nag-aadvance na ako sa age, iba na ang level ng pagmamahal ko. Kaya ko nang magparaya, masaktan, magsakripisyo para sa minamahal ko. Ito ang kahulugan ng Kuwaresma. Ito ang panahon ng Celebration of the greatest love of all. Bilang kapalit, tularan din natin ang pagmamahal ng ating Hesus Maestro na handang i-alay ang sarili para sa kapwa. Kung sakaling natutulad tayo sa mga Pariseo, na madalas hindi ma-gets ang message of love ng ating Hesus Maestro, humingi tayo ng tawad. In case, nahihiya tayong magbalik-loob, titigan natin ang Krusipiho. Paalala ito ng tapang ng loob na harapin ang hamon ng kababaan at pagbabagong-loob. Reminder din na humugot tayo ng hininga ng buhay na nagbubukal sa ating Hesus Maestro na may katangi-tangi, pinakadakila at pinakadalisay na pagmamahal para sa iyo at sa akin.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 28, 2023 – Martes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 27, 2023 3:56


Mabuting Balita l Nobyembre 28, 2023 – Martes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 21:5-11 May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinasabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Hesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito? Paano namin malalaman?” Sumagot si Hesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan na magsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,' at ‘Palapit na ang panahon.' Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n'yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at naglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit.”  Pagninilay: Nothing lasts forever.  May hangganan ang lahat.  Maging ang templo ng Jerusalem, na itinayo sa naglalakihan at magagandang bato at puno ng mga palamuting inihandog ng mga tao ay gumuho at nawasak.  Sa ating Mabuting Balita ngayon, ipinapaalala sa atin ng ating Panginoong Hesus na ang mga bagay sa mundo ay nagmula sa Diyos, at ito'y maari niyang bawiin, anumang oras.  Sa ating buhay, hindi natin alam kung kailan darating ang paghuhukom ng Diyos. Paalala ito sa atin na dapat maging laging handa. Kaya naman tanungin natin ang ating mga sarili: "Handa ba akong humarap sa Diyos sa anumang oras?" Mga kapanalig, ang tunay na paghahanda ay nagmumula sa pagsusuri ng ating buhay, pagsisisi sa mga pagkukulang, at pagtanggap sa biyaya at pagmamahal ng Diyos. Hindi ito sa pag-iipon ng kayamanan na mawawasak din lang naman. Ito ay sa pagiging handa na ibigay ang ating buhay kay Hesus at maging tapat na mga alagad Niya.  Magunaw man ang mundo, ang pagmamahal ng Diyos ay mananatili: His love will last forever.  Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Arch. of Manila  

Kwentong Takipsilim Pinoy Horror Podcast
MOTEL HORROR STORIES - TAGALOG TRUE HORROR STORIES

Kwentong Takipsilim Pinoy Horror Podcast

Play Episode Listen Later Oct 17, 2023 26:30


Motel Horror Stories - Tagalog Horror Stories (True Stories). Ang Kwentong Takipsilim ay dadalhin kayo sa mundo ng katatakutan at kababalaghan. True stories tagalog horror at tagalog fiction. #tagaloghorrorstories #motel #mgakababalaghan0:00 First Love (Rudolfo sa Umaga)12:58 Paalala sa mga Kababaihan (Alma) Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 29, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 28, 2023 5:27


Mabuting Balita l Hulyo 29, 2023 Sabado ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: JUAN 11:19-27 Pag dating ni Hesus , apat na araw na palang nakalibing si Lazaro.Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang makiramay sa kanila dahil sa pagyao ng kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Hesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Subalit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hilingin mo sa Diyos, ibibigay ito sa iyo ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sumagot sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa muling pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Mabubuhay ang naniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay. Hinding-hindi mamamatay ang bawat nabubuhay sa paniniwala sa akin. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Naniniwala nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na dumarating sa mundo.”     Pagninilay: Mga kapanalig, ang kwento nina Marta, Maria at Lazaro - ang magkakapatid na kaibigan ng Panginoong Hesus, ay isa sa mga “familiar stories” sa biblia.  Isang kwento na nagbibigay sa atin ng pag-asa, sa ating muling pagkabuhay sa langit.  Sobrang kalungkutan at hapis ang nadama ng magkapatid na Maria at Marta sa pagkamatay ni Lazaro. Hindi agad sila naniwala sa ating Panginoong Hesus ng kanyang sinabi, “Muling mabubuhay ang iyong kapatid.” Sa pagpapatuloy ng kwento, binuhay nga ng Panginoon si Lazaro. Ang kamatayan ay isang realidad sa ating buhay na hindi natin matatakasan. Kailangan natin ang pananampalataya sa Panginoon upang lubos nating maintindihan at maisabuhay ang turo ng simbahan tungkol dito.  Paalala ito, na tayo'y mga “pilgrims” o pawang manlalakbay lamang dito sa lupa, at ang tunay nating tahanan ay ang langit, ang buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoon. Kaya sinabi niya – “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay”.  Kaya ang salitang sumakabilang buhay ay mas makahulugan para sa atin, kesa sa salitang namatay. Hangad natin na makamit ang buhay na walang hanggan, sa tulong ng grasya ng Panginoon kapag sumakabilang Buhay na tayo.  Kaya habang nabubuhay pa tayo sa mundo, sikapin nating mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos, sa pamamagitan ng pagtupad ng Kanyang utos na magmahal, sa Diyos nang higit sa lahat, at sa kapwa gaya ng sarili.  Ito ang magiging ticket natin pagpasok sa Kaharian ng Langit.     Manalangin tayo:  Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Salamat po sa aming buhay at sa iyong pangako na buhay na walang hanggan.  Hinihiling po namin na magingmalalim at matatag ang aming pananampalataya.  Tulungan mo po kaming maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.  Sa iyong mga biyaya, nawa'y maghari ang pagmamahal, pagpapatawad at pagpapakumbaba sa aming buhay. Amen.   - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughter's of St. Paul

Tita Talks
Ep215 KDrama Review: Under The Queen's Umbrella Part 2

Tita Talks

Play Episode Listen Later Dec 15, 2022 75:55


Heto na nga ang part ng chismisan namin ni Ram about #UnderTheQueensUmbrella . Paalala lang hindi kami marunong magpigil pag dating sa spoilers. Itong episode ay di lang umuulan kundi tuluyan nang lumubog sa baha ng mga spoilers so gabay ng magulang ang kailangan.Check out Ram's podcast The Millennial Mindshift here: https://open.spotify.com/show/5B8BIEO8IkZgFkDsDkaxriSupport this podcast by using the below affiliate links below:Shopee: podlink.co/vopLazada: podlink.co/3mkFB/IG/Twitte/TikTok: @annyeongtita Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Oktubre 27, 2022 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 26, 2022 4:55


Mabuting Balita | Oktubre 27, 2022 – Huwebes Ika – 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 13:31-35 Dumating ang ilang Pariseo at binalaan si Hesus: “Umalis ka rito at pumunta sa ibang lugar. Gusto kasing ipapatay ni Herodes.” Sinabi naman ni Hesus: “Puntahan n'yo ang musang na ‘yon at sabihin sa kanya: ‘Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling at nasa ikatlong araw ang katapusan ko. Ngunit dapat akong maglakad ngayon, bukas at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta. Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang Mga Propeta at binabato ang mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka nga. Ngayon, maiiwan sa inyo ang inyong bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi n'yo na ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin n'yong ‘Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.'” Pagninilay: Alam ni Hesus na sa takdang panahon siya ay ipapapatay, ngunit hindi siya natatakot harapin ito. Walang sinuman ang makapipigal sa kanya sa paghahayag ng kaharian ng Diyos; ng pagpapagaling at pagtuturo, kahit si Herodes pa. Ito ang sinabi niya sa mga Pariseo: Sabihin ninyo sa alamid na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayun din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain. Natapos nga ang gawain ni Hesus nang sambitin niyang: consumatum est!(natapos na!) habang siya'y nakabayubay sa krus. Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Hesus, hirap, pagod, pagtutuligsa, pagtatwa, at pag-iwan, nanatili siyang matatag. Hindi siya pinanghinaan ng loob. Bagkus, patuloy siya sa kanyang misyon – ang iligtas ang sangkatauhan. Tularan natin si Hesus. Huwag tayong umayaw, matakot, panghinaan ng loob sa mga dagok ng buhay. Huwag tayong patatalo sa mga makapangyarihan sa atin. Nakatitiyak tayong ligtas tayo sa mga kamay ng Diyos. Kaya naman, magpatuloy tayo sa ating mga gawain at responsibilidad lalong-lalo na kung ito'y sa tama at mabuti. Huwag nating pansin ang mga pananakot ng ibang tao tulad ni Herodes. Tanging paglingkuran lang natin at sundin ay ang Diyos. Paalala lang sa atin, na maging mapagmatyag at alerto tayo laban sa mga taong tuso, mapaglihim, nagbabalak manira, at walang prinsipyo katulad ni Herodes – naturingang isang alamid. Hindi titigil ang mga ito hanggang hindi tayo sumusuko at napababagsak. Kaya, ang “moog at tanggulan” natin ay ang Diyos. – Fr. Brian Paul Tayag, SSP | Society of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l OKTUBRE 1, 2022 – SABADO

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 30, 2022 6:06


Mabuting Balita | Oktubre 1, 2022 – Sabado Ika – 26 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Kapistahan ni Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus Ebanghelyo: Lucas 10:17-24 Tuwang-tuwang nagbalik ang pitumpu't dalawa at ang sabi: “Panginoon, mga demonyo ma'y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” “Nakita kong bumagsak na parang kidlat si Satanas mula sa Langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil ninyo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makapipinsala sa inyo. Subalit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong mga pangalan.” Nang sandaling iyo'y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Hesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama naging nakalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakikilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinuman gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling si Hesus sa mga alagad at sinabi sa kanila ng sarilinan: “Mapalad ang matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita ngunit hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig ngunit hindi nila narinig.” Pagninilay: Magalak at magpasalamat dahil pinagpala ka ni Lord! “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon...” “Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan!” Mahalaga na makita natin sa araw araw ang kamay ng Panginoon na gumagabay sa atin. Nagpapalalim ng ating relasyon sa Diyos ang marinig mula sa ating puso ang kanyang pagpapatawad at malasakit sa atin. Magsaya at magpasalamat sa pagkakataong makapagnilay sa Salita ng Diyos. Ang ating pananabik na madama ang presensiya ng Diyos at lalong mapalapit sa Kaniya ay espesyal na biyaya sa araw na ito. Ayon kay Juliette Garesche, sa kanyang aklat na may pamagat: Scriptures Way to Live Each Day na: “Your first and most important choice is whether you will believe in God. God wants to be at the center of your life. If you love God, it follows that you will try to live a God-honoring life.”Totoo nga naman, ang una at mahalaga mong choice ay ang magtiwala sa Diyos at piliin siyang maging sentro ng iyong buhay. Dahil anumang kabutihang nagawa, nagbibigay ito ng kapurihan sa Diyos. Mga kapatid, sana, hindi lang basta makita natin ang mga blessings ni Lord. Kundi, maging blessing din tayo sa ating kapwa kahit sa simpleng paraan. Paalala sa atin sa kapistahan ni St. Therese of the Child Jesus ang paggawa ng mga simple o ordinaryong gawain nang may buong pagmamahal. Mga kapanalig, nagpapatuloy pa rin tayo sa ating paglalakbay bilang isang simbahan, bilang isang pamayanan patungo sa tunay na “synodality”. Makinig tayo sa paggabay ng Banal na Espiritu na Siyang tunay na nagdadalisay ng ating puso at nagtitipon sa atin bilang sambayanan. Tinatawag tayo sa buhay na may kagalakan kasama ang ating Diyos Ama. Manalangin tayo: Panginoon, salamat po sa Iyong pagtawag sa amin na maki-isa sa buhay Mong puno ng pagpapala. Basbasan mo po ang aming mabubuting hangarin. Kasama ang paggabay ng aming Mahal na Ina, Ang Birhen ng Santo Rosaryo. Amen. – Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HULYO 24, 2022 – LINGGO

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 23, 2022 4:36


HULYO 24, 2022 – LINGGO Ika – 17 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lc 11:1-13 Isang araw, nananalangin si Hesus sa isang lugar at pagkatapos niya'y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung papaanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Hesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin kami sa aming mga sala; tingnan mo't pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.” Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo s'ya sa hatinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.' At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo upang bigyan ka.' Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man s'ya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin s'ya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa iyong pagpupumilit sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo'y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbubuksan ang kumakatok. Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hinihiling nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang masasama'y marunong magbigay ng mabuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa Langit? Tiyak na ibibigay n'ya ang banal na Espiritu sa mga hihingi sa kanya.” Pagninilay: Sa Mabuting Balita Tayo'y kanyang Tinuturuang Manalangin. Paalala niyang una'y, Diyos Ama ay dapat nating kilalanin. Papuri't Pagsamba ay dapat rin nating banggitin pagiging makasalanan ay dapat nating aminin Upang kapatawaran ay mapa saatin. Paghiling ay huli nating sambitin, dahil alam na niya ang biyayang para saatin. Dahil sa panalangin, tayo ay may tungkuling Diyos ay Panatilihing buhay sa ating piling. Ipahayag din natin, ang Diyos nga ay sumasa atin. Kaya tayo ay kanyang aakayin, sa tunay na landasin ng buhay para sa atin. Hesus na Kaibigan namin, dalangin naming kami ay lagi mong kupkupin. -FR. MIKHAIL SANDOVAL

SBS Filipino - SBS Filipino
Men encouarged to look after their mental health - Paalala sa mga kalalakihan bigyan pansin ang usapin mental health

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 16, 2022 9:06


A recent study has found that 64% of men in Australia are not open about their problems and issues relating to mental health.  - Sa pinaka huling pag-aaral napag-alaman na may 64% ng mga kalalakihan sa Australya ang kinikimkim ang kanilang problema at isyu kaugnay ng mental health. 

SBS Filipino - SBS Filipino
Philippine Embassy in Australia dispatches ballots for registered overseas absentee voters - Embahada ng Pilipinas sa Australia, may mga paalala sa mga overseas absentee voters

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 20, 2022 15:23


There are 21,316 registered Overseas Absentee Voters in Australia.  - Naipadala na ng Embahada ang mailing ballots kasama ang prepaid return envelopes sa mga rehistradong botante sa Australya at Asia-Pacific Region.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Marso 20, 2022 - Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Mar 19, 2022 4:16


Mabuting Balita | Marso 20, 2022 Ikatlong Linggo ng Kuwaresma EBANGHELYO: LUCAS 13: 1-9 Dumating ang ilang tao na nagbalita kay Hesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo'y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyan kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat. Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo'y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, ngunit kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.” At sinabi ni Hesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta s'ya upang maghanap ng mga bunga subalit wala s'yang nakita. Kaya sinabi n'ya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo ‘yan at pampasikip lamang sa lupa.' Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na s'ya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling mamunga s'ya, ngunit kung hindi'y saka mo s'ya putulin.'” PAGNINILAY: Tawag ng pagsisisi. Tawag ng pagbabalik-loob. Tawag ng pagtalikod natin sa mali nating nakakasanayan. Sa puno ng igos na binigyan ng last chance ng may-ari ang puno ng igos dahil sa pakiusap ng tagapag-alaga. Paalala sa atin ito na paulit-ulit tayong binibigyan ng chance ng Diyos na magbago. Ano ba ang nangyari sa puno ng igos? Hindi siya makapagbigay ng bunga. Matagal na panahon, hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin. May inaasahan ang nagmamay-ari sa kanya, binibimbin niya. Sayang. Ito nga ang pakiramdam ng may-ari. Nanghinayang sa mga pagkakataon na hindi nya na-maximize. Hindi niya pinahalagahan. Kumusta ang pagbibigay natin ngayong Kuwaresma? Bukas ba sa ating loob? Kumusta ang quality ng iyong pagtulong? Panahon ngayon ng pagbibigay lalo na sa may matindi ang pangangailangan. Naibigay mo ba ang nararapat sa kanila? O nakasanayan mong humalukipkip at walang ginagawa? - Sr. Gemma Ria dela Cruz, FSP | Daughters of St. Paul

Tinig ng Pag-asa
Pag-alaala ng Paglilingkod

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Mar 9, 2022 29:00


AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Pag-alaala ng Paglilingkod ng Ating Dios

Tinig ng Pag-asa
Pag-alaala ng Paglilingkod

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Feb 9, 2022 29:00


Pag-alaala ng Paglilingkod ng Ating Dios

Ahmad Javier
Paalala para sa mga Tumangging Mananampalataya.

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jan 3, 2022 5:24


Paalala para sa mga Tumangging Mananampalataya. The post Ahmad Javier – Paalala para sa mga Tumangging Mananampalataya. appeared first on Ahmad Javier.

paalala
Hugot Radio Philippines
Paalala Bago Magpakasal

Hugot Radio Philippines

Play Episode Listen Later Sep 11, 2021 40:31


Tips bago magkapasal? Heto para sa'yo! :) --- Send in a voice message: https://anchor.fm/hugot-radio/message

tips bago paalala
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 15, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 14, 2021 5:12


MABUTING BALITA | AGOSTO 15, 2021 Dakilang Kapistahan sa Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria EBANGHELYO: LUCAS 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng pag-aakyat kay Maria sa kalangitan. Pinaniniwalaan natin na ang langit ay isang estado na kung saan kapiling at kaisa natin ang Diyos. Si Maria, dahil sa kanyang huwarang pamumuhay at pagsunod sa Diyos, ay hindi napasailalim sa korapsyon ng kamatayan. Iniakyat sya, katawan at kaluluwa sa piling ng Diyos, pagkatapos ng kanyang buhay dito sa daigdig. Isang larawan at modelo si Maria ng ating pag-asa at pagtugon sa Diyos. Ang pag-aakyat kay Maria ang larawan ng ating pag-asa at kasiguraduhan sa buhay na walang hanggan. Pero upang makamit ito, hinihikayat tayong tularan ang fiat ni Maria, ang kanyang pagtugon sa kalooban ng Diyos, kahit pa magdulot ito sa atin ng buhay patungo sa kalbaryo, sa paanan ng Krus. Nawa, sa katapusan ng ating buhay, makasama tayo ni Maria, katawan at kaluluwa. Ipinapakita din ng pag-aakyat kay Maria ang dignidad at kahalagahan ng ating katawan at pagkatao. Ipinapakita dito na maging ang ating katawang lupa ay dadalhin patungo sa kaharian ng Diyos kung saan wala ng korapsyon. Paalala ito na igalang din natin ang ating katawan at pahalagahan katulad ng pagpapahalaga dito ng Diyos mula sa paglikha at paghubog sa atin. Hindi tayo diyos ng ating sarili at hindi natin pag-aari ang ating katawan. Dahil nagmula ang lahat ng ito sa Diyos at babalik muli sa kanya. Ipanalangin natin na makasunod tayo sa kalooban ng Diyos sa halimbawa ni Maria, upang sa huli ay makamtan din natin ang grasya ng pag-aakyat sa Kalangitan, katawan at kaluluwa. Amen. Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul

Dear MOR: The Podcast
Episode 124: "Nasulot" (The JB Story)

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later Apr 5, 2021 50:37


"Alam mo, wala kang karapatang magda-drama dyan. Paalala ko lang sa'yo ha, ikaw ‘tong nang-iwan, lalo nung panahon na kailangang kailangan ka niya. Kaya ‘wag kang umarte na ikaw ang biktima dito." - THE JB STORY #DearMORNasulot

kaya alam paalala
GAGOALS
Episode 1.09: Gago, I miss my friends!

GAGOALS

Play Episode Listen Later Mar 23, 2021 41:36


Paalala na huwag muna tayo lumabas at lumalala na naman ang pandemya na ito. Why not do a listening party online with your friends with this episode as we will talk about maintaining friends during the pandemic. Keep same mga iho at iha!

SBS Filipino - SBS Filipino
Reminder to international students: read the fine print - Mga paalala sa mga international students sa pagpili ng kurso at iskwela

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 25, 2021 20:57


Many international students are forced to remain in courses and schools they are unhappy with because of conditions set in their contracts - Maraming international students ang naiipit sa kanilang kurso at iskwela dahil sa mga kondisyon sa kontrata

Tita Talks
Ep132: Top 10 Recommend Horror Movies for Valentine's Day

Tita Talks

Play Episode Listen Later Feb 9, 2021 100:09


Kakaibang episode ang mapapakinggan nyo ngayon dahil extra special ang guest ng Tita nyo. Kasama ang host ng podcast show na Quickie PH na si Juan Hapito, pinag-usapan ng Tita nyo at ng kanyang guest ang mga highly recommended horror movies para ngayong Valentine's Day. Bakit horror movies? Pakinggan nyo ang episode na ito para malaman ang sagot. Paalala: hwag mag-loud speaker! Podmetrics.co referral code: TitaTalks Got questions, suggestions, or comments?** Twitter: https://twitter.com/TalksTita Instagram: https://www.instagram.com/talkstita/ Facebook: https://www.facebook.com/TitaTalksPodcast

TADCAST
BAKLAAN LANG! EP. 9 IBA'T-IBANG LOVE LANGUAGES

TADCAST

Play Episode Listen Later Oct 17, 2020 36:20


Experts say, knowing your love language is one of the single most important things in a relationship, kaya naman for today's episode ng Baklaan Lang! himay-himayin natin ang limang (5) love languages na makakatulong sa'yo at sa inyong mga partner na mas maintindihan ang isa't-isa. Paalala, hindi po kami mga love experts, pero ito ay batay lamang sa aming personal experiences. (Kala mo naman talaga dami nang naging jowa) Follow TADCAST on Spotify, Apple Podcasts, Google Podcasts, and other podcast streaming platforms worldwide! Like and follow the official Facebook page of TAD - facebook.com/TADNetworkOfficial --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app --- Send in a voice message: https://anchor.fm/tadlistaofficial/message Support this podcast: https://anchor.fm/tadlistaofficial/support

Tita Talks
Ep100: Encantadia 2005 VS Encantadia 2016 (Part 1)

Tita Talks

Play Episode Listen Later Sep 8, 2020 91:40


Since ika-100 episode na nga ng Tita Talks, ni-level up ng Tita nyo ang usapan. In short, mas mahaba ang chismisan niya at ng kanyang guest sa episode na ito. At dahil nga 100th episode ito, pinush talaga ng Tita nyo na tuparin ang matagal nya nang pangarap na topic. Dito sa unang part ng Enca vs Enca, pinasadahan nila ang mga likes and dislikes nila sa dalawang version ng show. Paalala lang na kung ikaw ay hindi pa nasa legal na edad o di kaya may katabing bagets, skip nyo na muna ito at medyo nadala ang Tita nyo at ang kanyang guest sa kanilang mga uhaw na imahinasyon. Nadala ka ba sa napaka-wonderful kong commercial plug, pwes click the links below para may pambayad naman ako ng bills: Lazada 9.9 Sale : http://bit.ly/TitaTalksxLazada99Sale Ring Light para sa kaliwanagan ng pangarap mo: https://tinyurl.com/TitaTalksxLEDRingLight Microphone para marinig nila ang nilalaman ng puso mo: https://tinyurl.com/TitaTalksxSamsonQ2UMi **Got questions, suggestions, or comments?** Twitter: https://twitter.com/TalksTita Instagram: https://www.instagram.com/talkstita/ Facebook: https://www.facebook.com/TitaTalksPodcast

Kristine's Voice: The Podcast
BONUS: Mga Paalala ng DOH kung paano makaiwas sa COVID-19

Kristine's Voice: The Podcast

Play Episode Listen Later Jul 23, 2020 2:53


Previously uploaded the WHO version, but I still want to read... Practice reading turned useful. ^_^ So I searched the Department of Health's (DOH) general guidelines - the closest version to WHO's advice for the public. This information can also be found on the DOH's COVID-19 website: covid19.healthypilipinas.ph/faqs Sana po ay sundin natin palagi ang mga paalala ng DOH at i-share ang mga mahahalagang impormasyon na ito sa ating mga kakilala. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kristinesvoicethepodcast/message

Kristine's Voice: The Podcast
BONUS: Mga Paalala ng DOH kung paano makaiwas sa COVID-19

Kristine's Voice: The Podcast

Play Episode Listen Later Jul 23, 2020 2:53


Previously uploaded the WHO version, but I still want to read... Practice reading turned useful. ^_^ So I searched the Department of Health's (DOH) general guidelines - the closest version to WHO's advice for the public. This information can also be found on the DOH's COVID-19 website: covid19.healthypilipinas.ph/faqsSana po ay sundin natin palagi ang mga paalala ng DOH at i-share ang mga mahahalagang impormasyon na ito sa ating mga kakilala. Support the show (https://paypal.me/kristinecambay?locale.x=en_US)

Brother Bear Podcast
20 na ang infected ng COVID-19 sa bansa

Brother Bear Podcast

Play Episode Listen Later Mar 9, 2020 13:05


Paalala ng DOH kung ikaw ay close contact person ng infected ng COVID-19

Buhay at Hanapbuhay
Episode 59 | Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho

Buhay at Hanapbuhay

Play Episode Listen Later Nov 5, 2018 22:10


Dumadating tayo lahat sa punto na kailangan ng lumipat ng trabaho. Nguni't bago ka tuluyang umalis sa iyong kasulukuyang trabaho, balikan mo muna ang ilang mahalagang paalalang ito. Sa unang bahagi ng ating Panayam sa isang Recruiter, malalaman natin kung paano sila nakapag simula sa trabahong ito at kung ano ano ba ang mga karaniwang trabaho na kanilang ginagawa. "Don't be afraid to give up the good, for the great." - J.D. Rockefeller Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon: 00:37 Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho 04:01 Unang bahagi ng panayam sa isang Recruiter 22:17 Quote for the Week

recruiters mga paalala panayam
Brother Bear Podcast
Bawal ang "NO RETURN, NO EXCHANGE POLICY"

Brother Bear Podcast

Play Episode Listen Later Aug 18, 2018 10:26


Poor ang quality ng nabili kong headphones kaya nakibaka ako na i-refund hahahaha! Paalala, bawal ang "NO RETURN, NO EXCHANGE POLICY" sa lahat ng store sa Pilipinas.

Ahmad Javier
Karagdagang Paalala ngayon buwan ng Ramadan

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jun 13, 2017 14:07


Mga Paalala sa Pagitan ng Taraweh 19. – Karagdagang Paalala ngayon buwan ng Ramadan – Nawa’y kayoy ay Maging Makatakutin. – Salam Mosque Compound, Culiat, Tandang Sora, QC The post Ahmad Javier -19. Mga Paalala sa Pagitan ng Taraweh – Karagdagang Paalala ngayon buwan ng Ramadan appeared first on Ahmad Javier.

ramadan qc ngayon taraweh paalala
Ahmad Javier
Dahilan kung bakit Bumitbitiw ang Tao sa Kanyang Relihiyon

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later May 3, 2017 18:57


Ilan sa mga dahilan kung bakit bumitbitiw ang tao sa kanyang relihiyon. -Paalala sa mga magulang, Huwag gawing makamundo ang ating mga anak. -Hadith ng Rasulullah (saw) “Mahiya kay Allah ng tunay na pagkahiya.” @Masjid Ibnu Abbas The post Ahmad Javier – Dahilan kung bakit Bumitbitiw ang Tao sa Kanyang Relihiyon appeared first on Ahmad Javier.

Ahmad Javier
May Katapusan din ang Pagbibigay ng Paalala!

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Apr 22, 2017 3:33


May katapusan din ang pagbibigay ng paalala! @Masjid Ibnu Abbas The post Ahmad Javier – May Katapusan din ang Pagbibigay ng Paalala! appeared first on Ahmad Javier.

paalala