Podcasts about biyaya

  • 22PODCASTS
  • 87EPISODES
  • 22mAVG DURATION
  • 1MONTHLY NEW EPISODE
  • May 18, 2024LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about biyaya

Latest podcast episodes about biyaya

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 18, 2024 4:13


Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 Linggo ng Pentekostes Ebanghelyo: Juan 20,19-23 Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Gaya ng pag kakasugo sa akin ng Ama, Gayon ko rn kayo ipadadala.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”       Pagninilay: Isang araw may batang lumapit sa akin at nagtanong. “Sir, ano po ang kulay ng Holy Spirit?” Nagulat ako sa kanyang tanong. Naisip ko na sabihing pula, pero nahamon ako na pagnilayan: May kulay nga ba ang Espiritu Santo? Kung mayroon, ano kaya ito? Isang mapagpalang araw ng linggo mga kapanalig. Sa araw na ito ginugunita natin ang Dakilang kapistahan ng Pentekostes, ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga apostol, at araw rin ng kapanganakan ng ating simbahan. Bagama't sa simula pa lamang ng binyag tinanggap na natin ang Espiritu Santo, mas pinagtitibay sa kumpil o Confirmation ang tinanggap na nating Banal na Espiritu. Tinatawag din siyang Parakletos, ang tagapagbigay-lakas, ang Tagapagpabanal, ang hininga ng Diyos (ruah) at ang Pag-ibig sa pagitan ang Ama at Anak. Marami pang mababanggit tungkol sa Espiritu Santo pero walang sinasabing kulay. Kung titingnan sa malikhaing mga mata, ang katapangan at katatagan na mga bunga ng Espiritu Santo ay kulay pula; makikita naman ang Chrisma at Biyaya ng Buhay na kulay luntian o berde; pwede ring kulay puti ng kalinisan o kabanalan, tulad ng kalapati na madalas na larawang ginagamit para sa Espiritu Santo. Mga kapatid/kapanalig, marahil tulad ng liwanag na dumaraan sa isang prism at nagbubunga ng isang buháy na hanay ng iba't ibang kulay, masasabi nating walang iisang kulay ang Espiritu Santo. Higit sa pula o sa puti, higit pa sa bahag-hari. Ang bawat kulay at bawat biyaya na aakma sa taong tumatanggap sa apoy ng espiritu ang magbibigay kulay sa buhay ng mundong ating ginagalawan. Higit sa anupamang kulay, sa ating pagtanggap sa Espiritu Santo, pinag-aalab niya ang marubdob nating adhika na makagawa at makapagbigay-patotoo bilang isang Simbahan na buháy ang ating Panginoong Hesukristo sa ating isip, sa bawat salita, lalo na sa ating mga gawa. Amen.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 11, 2024 4:17


Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  Ebanghelyo:  Jn 6:1-15 Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginawa niya sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad niya; malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio. Kaya pagkatingala ni Hesus, nakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam na niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” Kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin n'yo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin. Pagninilay: Isinulat ni Fr. Mikhael Sandoval ng Archdiocese ng Lipa ang pagninilay sa ebanghelyo.  Tayong lahat ay makakapagpatunay na may himala kapag tayo ay tumatanggap ng pagpapala. Mangyayari ang himala, kapag nagsama ang Kanyang Pagpapala at ang ating pagtitiwala. Kaya nga ang paanyaya ng Mabuting Balita, hindi na mahalaga na tayo ang makilala, kundi ang Diyos dapat ang makilala. Ibinibigay niyang halimbawa sa Mabuting Balita ang isang bata, na may dalang tinapay at isda na pinakain sa madla. Kaya hindi natin pwedeng sabihing tayo ay walang-wala, dahil sa simula't simula pa, nag-uumapaw na ang kanyang biyaya at pagpapala. Gayundin naman, hindi rin dapat natin binabale-wala ang kakayanang sa atin ay ipinagkatiwala. Kaya pagsumikapan nating pagyamanin ito, at manalig na lahat ay makakatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na Dakila, kung bawat isa ay makikita ang Kaligtasang dala ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Isang napakagandang Biyaya at Pagpapala na sa kanya lagi magtitiwala.

CBNAsia.org - Audio Podcast
Biyaya sa Pasko

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Dec 26, 2023 29:49


Support the show

pasko biyaya
CBNAsia.org - Audio Podcast
Biyaya sa Pasko

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Dec 19, 2023 29:49


Support the show

pasko biyaya
SBS Filipino - SBS Filipino
'We envisioned it like a night of love': The advocates share the purpose behind 'Share the Light' - Mga Pilipino sa Sydney naghatid ng biyaya sa mga batang nagugutom sa Pilipinas

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 10, 2023 11:36


The Team Stars of the Share the Light fundraising event aspires to provide daily nutritious meals for children in orphanages in the Philippines, aiming towards a brighter future. - Hangad ng Team Stars ng Share the Light fundraising event na matustusan ang pang-araw-araw na masusustansyang pagkain ng mga batang nasa sa mga bahay-ampunan sa Pilipinas, tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
July 20 - Biyaya para sa Bawat Pangangailangan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 3:48


Biyaya para sa Bawat Pangangailangan Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod. (Salmo 86:16, ASND)  Biyaya sa hinaharap ang patuloy na sinusumamo ng mga nagdadasal na salmista. Paulit-ulit nila itong ipinagdarasal upang matugunan ang bawat pangangailangan nila. Binibigyan nila tayo ng magandang modelo ng pang-araw-araw na pag-asa sa biyaya sa hinaharap para sa bawat pangangailangan. Nagsusumamo sila ng biyaya kapag sila'y nangangailangan ng tulong: “Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” (Awit 30:10).  Kapag sila'y nanghihina: “Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod” (Awit 86:16).  Kapag sila'y nangangailangan ng kagalingan: “Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na” (Awit 6:2). Kapag sila'y nagdurusa dahil sa mga kaaway: “O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!” (Awit 9:13, MBBTAG). Kapag sila'y nalulumbay: “Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap” (Awit 25:16). Kapag sila'y nagdadalamhati: “O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha” (Awit 31:9, MBBTAG).  Kapag sila'y nagkasala: “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!” (Awit 41:4, MBBTAG). Kapag sila'y nananabik na maitaas ang ngalan ng Diyos sa mga bansa: “O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain . . . upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas” (Mga Awit 67:1–2).  Hindi maitatanggi na ang panalangin ay ang dakilang ugnayan ng pananampalataya sa pagitan ng kaluluwa ng banal at ng pangako ng biyaya sa hinaharap. Kung nilayon ng Diyos na bigyang-lakas ng panalangin ang ministeryo, nilalayon Niyang ipagpatuloy ito ng pananampalataya sa biyaya sa hinaharap. Devotional excerpted from Future Grace, page 296 This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/grace-for-every-need Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Tinig ng Pag-asa
Ang Diyos na Nagkatawang Tao

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Feb 4, 2023 29:00


Tinig ng Pag-asa
Ang Diyos ay....

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Jan 28, 2023 29:00


Ang Diyos ay....

Tinig ng Pag-asa
Ang Makapangyarihang Salita

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Jan 21, 2023 29:00


Ang Makapangyarihang Salita

ama salita ulo pangako biyaya
AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Ang Makapangyarihang Salita

ama salita ulo pangako biyaya
AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Maging mahirap ay maaaring makapagbigay-Part 2

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Dec 5, 2022 29:00


Maging mahirap ay maaaring makapagbigay

Tinig ng Pag-asa
Maging mahirap ay maaaring makapagbigay-Part 2

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Dec 5, 2022 29:00


Maging mahirap ay maaaring makapagbigay

Tinig ng Pag-asa
Pananagumpay sa Tukso

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Oct 12, 2022 29:00


Pananagumpay sa Tukso

acne pimples sebum biyaya
AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Pananagumpay sa Tukso

acne pimples sebum biyaya
Almusalita by Fr Luciano Felloni
Daily Reflection: #Biyaya | Luke 17:11-19

Almusalita by Fr Luciano Felloni

Play Episode Listen Later Oct 9, 2022 5:15


#Biyaya | Luke 17:11-19: Paano mo hinaharap ang mga pagsubok sa buhay? Nakikita mo ba ang biyaya sa gitna ng unos? Tara't pagnilayan natin 'yan, ka-Almusalita. Let's make the Word of God viral. God bless! ***** PARA SA MGA NAIS MAGPADALA NG DONASYON, narito po ang aming account details: Through GCash: 0917 511 8412 Through Bank: Account Number: 6316172189 Bank Name: BPI Family Savings Bank Account Name: Luciano Felloni For International Donors: Account Number: 6316172189 Account Name: Luciano Felloni Bank Name: BPI Family Savings Bank Bank Address: 35 North Avenue, Brgy. Pag-asa, Quezon City Swift Code: BOPIPHMM Paypal: https://www.paypal.me/AlmuSalita Maraming salamat! Mag-ingat tayong lahat, mga ka-Almusalita! **** FOLLOW US ON OUR SOCIAL MEDIA ACCOUNTS! Facebook: facebook.com/AlmuSalita Instagram: @almusalita2016 Twitter: @AlmuSalita Tiktok: @frluciano Youtube: AlmuSalita by Father Luciano Felloni --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app Support this podcast: https://anchor.fm/almusalita-by-fr-luciano/support

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 21, 2022 – MIYERKULES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 20, 2022 4:23


MABUTING BALITA l SETYEMBRE 21, 2022 – MIYERKULES Ika – 25 na LINGGO sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 9:9-13 Sa paglalakad ni Hesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan s'ya. At habang nasa hapag si Hesus sa bahay ni Mateo, maraming taga-singil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Hesus at sa kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumaking kasama ng mga makasalanan at maninigil ng buwis ang inyong guro?” Nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit! Sige, matutunan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.' Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.” Pagninilay: Ngayon po ay kapistahan ni San Mateo Apostol y Evanghelista. Sa salitang Hebreo po ang pangalan niyang Mattityahuay nangangahulungang “Biyaya ng Diyos” o “Biyaya mula sa Diyos.” Si San Mateo po bago siya naging apostol ay isang maniningil ng buwis (tax collector). Ang mga maniningil ng buwis noong panahon ni Hesus ay kilala bilang “public sinners” makasalanan, sapagkat pinapatawan pa nila sa higit pa ang buwis para magkamkam, kaya naman mas hirap ang tao makabayad. Habang namumuhay sa ganoong paraan si Mateo, dumaan si Hesus—tara sumama ka sa akin. Walang pag-aatubili, siya'y sumama at tumalikod sa makasalanang pamumuhay. Mga kapanalig, ang pinakapuso daw ng pagliligtas ng Diyos ay awa. Kaya naman, si Hesus ang mukha ng maawaing Diyos. Ang pusong maawain ni Hesus ang naglapit sa kanya sa mga taong takot, duwag, at nahihiya sapagkat sila'y makasalanan. Ang pusong maawain ni Hesus ang siyang tumanggap at umakap sa kanila. Sa tuwing tinutukso tayo ng demonyo sa pamamagitan ng pag-papaalala sa atin kung gaano tayo ka-makasalanan, dumulog tayo sa mukha ng awa ng Diyos—si Hesus. Matularan nawa natin si Mateo na nanindigan. Kasi nga ang namulat na sa pag-ibig ni Hesus, hindi na muling pipikit, aayaw na siya sa dilim. Amen. -BRO. VINZ, SSP

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Sept 9 - Libre Dapat ang Biyaya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Sep 9, 2022 2:38


Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo? (1 Corinto 4:7) Isipin mo ang kaligtasan bilang bahay na iyong tinitirahan. Binibigyan ka nito ng proteksyon. Ito'y stocked ng pagkain at inumin na tatagal habang-panahon. Hindi ito kailanman mabubulok o masisira. Ang bintana nito'y nagbubukas sa mga tanawin ng kaluwalhatiang kasiya-siya sa lahat. Malaki ang ibinayad ng Diyos at ng Kanyang Anak sa pagtayo nito, at ibinigay Niya ito sa 'yo nang libre at tiyak. Ang kasunduan sa “pagbili” ay tinatawag na “new covenant.” Mababasa sa mga tuntunin nito: “Ang bahay na ito'y magiging sa 'yo at mananatili sa 'yo kung tatanggapin mo ito bilang regalo at kaluluguran ang Ama at Anak habang naninirahan Sila sa bahay kasama mo. Hindi mo lalapastanganin ang bahay ng Diyos sa pamamagitan ng ibang mga diyos o pagtuon ng iyong puso sa ibang kayamanan, bagkus ay matatagpuan mo ang iyong kasiyahan sa fellowship ng Diyos sa bahay na ito." Hindi ba kamangmangan na umoo sa kasunduang ito, at pagkatapos ay kumuha ng abugado para gumawa ng iskedyul ng amortization na may buwanang bayad, sa pag-asang kahit paano'y mababalanse mo ang iyong accounts at mababayaran ang bahay? Ituturing mo ang bahay hindi na bilang isang regalo kundi isang bagay na iyong binili. Hindi na magiging malayang benefactor ang Diyos. At magiging alipin ka sa panibagong tuntunin na hindi naman Niya pinangarap na ibigay sa 'yo. Kung ang biyaya ay magiging libre — na siya mismong kahulugan ng biyaya — hindi natin ito puwedeng tingnan bilang isang bagay na kailangan babayaran.

Lighthouse Christian Community Alabang
Preaching Podcast Ep. #140 - Pagmamahal Sa Bayang Biyaya Ng Diyos (Pastor Jojo Baldo)

Lighthouse Christian Community Alabang

Play Episode Listen Later Aug 21, 2022


Kamakailan lamang kumalat ang isang internet meme ng isang sikat na Pinoy celebrity na nagsabing “PILIPINAS, BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN?”Ito ay umani ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens. Ang iba ay sumang-ayon, at gumatong; ang iba naman ay nasaktan sa ganung mga panlalait sa ating bayan. Marahil ito na ang pambansang libangan nating mga Pinoy: ang mag-debate kung ang Pilipinas nga ba ay kamahal-mahal, o kamuhi-muhi. Marami nang mga pagaaral ang nagawa, at ginagawa patungkol sa isyu ng patriyotismo ng Filipino, o ang kawalan nito. Subalit ang hindi maipag-kakaila ay ang katotohanan na ang Filipino ay may alab ng puso sa mga isyung patungkol sa ating bayan. Kung atin lamang sisikapin na tingnan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, baka mas magiging mapayapa, at bukas ang ating pagyakap sa katotohanang ang ating bayan ay biyaya ng Diyos sa ating mga Filipino. Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa pagaaral ng Salita ng Panginoon patungkol sa ating pinagpalang panawagan na mahalin, itaguyod, at ipaglaban ang ating bayang Pilipinas.#LighthouseOnline

Soulution: Grace - Based Devotions
True Transformation, Is it through the Law or Grace?

Soulution: Grace - Based Devotions

Play Episode Listen Later Aug 16, 2022 62:59


Paano ba nangyayari ang tunay na pagbabago, sa pamamagitan ba ng Kautusan o ng Biyaya? Stay Connected! Facebook - bit.ly/3jf0QGQ Youtube - bit.ly/34gHJGF Partner with us! Click here: bit.ly/3IqHs64

CCF Run Through
Ano Ang Pinakamagandang Biyaya? with Bro Paul De Vera

CCF Run Through

Play Episode Listen Later Jul 26, 2022 35:17


Posible bang magsimula muli at magkaroon ng mapagpalang buhay kahit na puno ng problema, kasalanan, at kahihiyan ang ating nakaraan? Panoorin ang video na ito upang malaman ang mga blessings of justification! Makinig sa katotohanan sa loob ng kalahating oras! Nag-enjoy ka ba sa mensaheng ito? Speaker: Bro. Paul De Vera Series: What's The Real Solution? Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/07242022Tag

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
July 15 - Naglilingkod Tayo sa Pamamagitan ng Biyaya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Jul 15, 2022 4:32


Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako, at ang kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat, bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. (1 Corinto 15:10, ABTAG2001) Na-realize ni Paul na baka hindi maintindihan ang unang bahagi ng talatang ito: “Ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Kaya sinabi pa niya, “Bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin.” Hindi kinukunekta ni Paul ang kanyang pagsunod sa kanyang pasasalamat para sa past grace. Ikinakabit niya ito sa grace ng bawat sandali na laging dumadating. Tumataya siya sa pagdating ng pangakong future grace ng Diyos sa bawat sandali ng pangangailangan. Sa bawat intensyon at pagsisikap ni Paul na sumunod kay Cristo, kumikilos ang biyaya para makabuo ng intensyon at effort na iyon. Hindi naglilingkod si Paul dahil lang sa pasasalamat para sa past grace, kundi sa bawat sandaling pag-asa sa pagdating ng ipinangakong biyaya. Gustong bigyang-diin ni Paul na ang laging pagdating ng biyaya ng Diyos ang tiyak na dahilan ng kanyang paglilingkod. Talaga bang sinasabi 'yan? Hindi ba't sinasabi lang na ang biyaya ng Diyos ay kumikilos kay Paul? Hindi, higit pa rito ang sinasabi nito. Kailangan nating maintindihan ang mga salitang, “Bagaman hindi ako.” Gusto ni Pablo na itaas ang biyaya ng bawat sandali ng Diyos sa paraang malinaw na hindi siya ang nagpapasyang gumawa ng gawaing ito. Gayunman, isa siyang tagapaglingkod ng gawaing ito: “Ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Naglilingkod siya. Pero sinabi niya na ito'y biyaya ng Diyos “na ibinigay sa akin.” Kung hahayaan natin tumindig ang lahat ng bahagi ng talatang ito, ito ang bunga: grace ang tiyak na manggagawa sa gawain ni Paul. Yamang si Paul ay isa ring tagapagtupad ng kanyang gawain, ang paraan na nagiging tiyak na tagapaglingkod ang biyaya ay sa pamamagitan ng enabling power ng paglilingkod ni Paul. Sa tingin ko, ito ang ibig sabihin nito: Sa pagharap ni Paul sa pasanin ng ministeryo bawat araw, yumuyuko siya at ipinagtatapat na, maliban kung bibigyan siya ng future grace para sa gawain sa araw na iyon, hindi niya ito magagawa. Siguro'y naalala niya ang mga salita ni Jesus, “Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin” (Juan 15:5). Kaya ipinagdasal niya ang future grace para sa maghapon, at nagtiwala siya sa pangako na darating ito nang may kapangyarihan. “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (Mga Taga Filipos 4:19). Pagkatapos nito… naglingkod siya nang buong lakas.

Devotions with Pastor Israel
Ang Biyaya ng Kalayaan

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Jun 23, 2022 2:15


June 24, 2022

biyaya
AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Acts of Service | Three Keys for Understanding Paul

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later May 28, 2022 29:00


Tatlong Susi para sa Pag-unawa kay Paul

Tinig ng Pag-asa
Acts of Service | Three Keys for Understanding Paul

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later May 28, 2022 29:00


Tatlong Susi para sa Pag-unawa kay Paul

Tinig ng Pag-asa
Quality Time | Jesus and the Law

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later May 21, 2022 29:00


AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Maging Makatarungan at Makapagpatawad

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later May 3, 2022 29:00


Maging Makatarungan at Makapagpatawad

Tinig ng Pag-asa
Maging Makatarungan at Makapagpatawad

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later May 3, 2022 29:00


Maging Makatarungan at Makapagpatawad

Mga Teorya ng Pagkahulog
S03E09: Isang Biyaya na Lagi Kong Lilingunin

Mga Teorya ng Pagkahulog

Play Episode Listen Later Mar 25, 2022 28:51


Tampok sa episode na ito ang dalawang liham mula sa MGA LIHAM KAY ELIAS na “Nakaraan” at “Bahagi” at nasulat ko noong Agosto 14 at 15, 2021. Binasa ko rin dito ang tulang “Kulang ang Kulam” mula sa libro kong SAMANTALANG SAKOP AT INIIBIG: PANIBAGONG TULAMBUHAY. ✨ Kung gusto ninyong magkaroon ng access sa transcripts nitong podcast, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar para sa detalye. Bisitahan din ang personal na website kong http://ecsamar.com para sa lahat ng iba pang impormasyon tungkol sa akin. ✨ At kung namimili kayo sa Lazado o Shopee, maaari ring gamitin ang mga sumusunod na link sa Shopee (https://shp.ee/28h683p) o Lazada (https://tinyurl.com/MTNPxLazada) para makatanggap kayo ng discount at bilang pagsuporta rin dito sa podcast: ✨ Kung gusto naman ninyong mag-sign-up sa Podmetrics para sa pagmo-monetize ng inyong podcast, pumunta lang sa http://podmetrics.co at gamitin ang REFERRAL CODE na: MgaTeoryaNgPagkahulog. ✨ Kung naghahanap kayo ng VPN, please check out NordVPN! Nag-o-offer sila ng 73% discount ngayon sa listeners ng MGA TEORYA NG PAGKAHULOG podcast! Go to this link: http://nordvpn.com/teorya and use the coupon code: teorya when you check out! Maraming salamat!

Tinig ng Pag-asa
Rest Part 1 | Why God Allows Bad Things to Happen

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Mar 5, 2022 29:00


Bakit nga ba pinahintulutan ng Panginoon na magkaroon ng kasamaan?

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Rest Part 1 | Why God Allows Bad Things to Happen

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Mar 5, 2022 29:00


Bakit nga ba pinahintulutan ng Panginoon na magkaroon ng kasamaan?

Tinig ng Pag-asa
Air | God's Options

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Mar 3, 2022 29:00


Ano nga ba ang pinag pipilian ng Panginoon?

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Ano nga ba ang pinag pipilian ng Panginoon?

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Walang sinoman ang maipapako ang kaniyang sarili

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Feb 28, 2022 29:00


Walang sinoman ang maipapako ang kaniyang sarili

Tinig ng Pag-asa
Walang sinoman ang maipapako ang kaniyang sarili

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Feb 28, 2022 29:00


Walang sinoman ang maipapako ang kaniyang sarili

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Itinanggi at Ibinigay na Biyaya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Jan 7, 2022 5:16


Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos. (Mga Gawa 14:22, MBBTAG) Hindi lamang pagod dahil sa pang-araw-araw na stress nagmumula ang pangangailangan para sa inner strength. Mula rin ito sa pagdurusa at paghihirap na dumarating paminsan-minsan. At dumarating nga ang mga ito. Hindi maiiwasang maidagdag ang pagdurusa sa panghihina ng puso sa daan papuntang langit. Pagdating nito, maaaring mag-alinlangan ang puso at puwedeng magmukhang napakahirap lakaran ng makitid na daan ng buhay. Mahirap na ngang magkaroon ng makitid na kalye at matarik na bundok na sinusubok ang lakas ng isang lumang kotse. Ngunit ano ang gagawin natin kapag nasira ito? Tatlong beses iniyak ni Paul ang tanong na ito dahil sa ilang paghihirap sa kanyang buhay. Humingi siya ng ginhawa mula sa kanyang tinik sa laman. Ngunit ang biyaya ng Diyos ay hindi dumating sa anyong hiniling ni Paul. Dumating ito sa ibang anyo. Sumagot si Cristo, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan” (2 Corinto 12:9, ASND). Makikita natin dito ang biyayang ibinigay sa anyo ng sustaining power ni Cristo sa di-inaasahang paghihirap — masasabi nating ito'y isang biyayang ibinigay sa loob ng isang biyayang itinanggi. At tumugon si Paul nang may pananampalataya sa kasapatan ng future grace na ito: “Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo” (2 Corinto 12:9, ASND). Madalas tayong pagpalain ng Diyos ng “biyayang ibinigay” sa loob ng “biyayang itinanggi.” Halimbawa, isang napakainit na araw ng Hulyo, tumigil ang water pump ng aming kotse. Dalawampung milya mula sa anumang bayan ang layo namin nang kami'y ma-stranded sa interstate sa Tennessee. Ipinagdasal ko nang umagang iyon na tumakbo nang maayos ang kotse namin at ligtas kaming makarating sa aming destinasyon. Ngayon ay namatay ito. Itinanggi ang biyaya ng walang problemang paglalakbay. Walang tumitigil habang nakapaligid kami sa kotse namin. Pagkatapos ay sinabi ng anak kong si Abraham (mga labing-isang taong gulang siya noon), “Tay, dapat manalangin tayo.” Kaya yumuko kami sa likuran ng kotse at humingi sa Diyos ng future grace — isang tulong sa oras ng pangangailangan. Nang matapos kaming manalangin, may isang pickup trak na huminto. Ang drayber ay isang mekanikong nagtatrabaho nang mga dalawampu't dalawang milya ang layo mula sa aming puwesto. Sinabi niyang handa siyang kumuha ng mga piyesa at bumalik upang ayusin ang aming kotse. Sumakay ako sa trak kasama niya papunta sa bayan at naibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo. Mga limang oras kaming bumiyahe. Ang kamangha-mangha tungkol sa sagot sa aming panalanging iyon ay nasa loob siya ng isang panalanging tinanggihan. Humingi kami ng walang problemang biyahe. Binigyan kami ng Diyos ng problema. Ngunit sa gitna ng itinangging biyayang ito, nabigyan kami ng ibang biyaya. At natututo akong magtiwala sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang pagbibigay ng biyaya na pinakamabuti para sa akin at sa mga di-mananampalatayang mekaniko at sa sumusubaybay na pananampalataya ng labing-isang taong gulang na mga binatilyo. Hindi tayo dapat magulat na binibigyan tayo ng Diyos ng kahanga-hangang biyaya, sa gitna ng pagdurusang hiniling nating huwag Niyang pahintulutang mangyari. Alam Niya kung paano parti-partihin ang Kanyang biyaya para sa ating ikabubuti at sa Kanyang ikaluluwalhati.

Ahmad Javier
Biyaya sa Mundo

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Nov 3, 2021 6:13


-kaalaman kung paano mo sasambahin si Allah-biyayang kaunti pero dalisay-gawaing katanggap tanggap The post Ahmad Javier – Biyaya sa Mundo appeared first on Ahmad Javier.

Tinig ng Pag-asa
Pagliligtas sa Pamamagitan ng Biyaya

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Oct 6, 2021 29:00


Ang pagliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Dios

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Pagliligtas sa Pamamagitan ng Biyaya

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Oct 6, 2021 29:00


Ang pagliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Dios

Tinig ng Pag-asa
Pagpapala sa paglilingkod

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Sep 28, 2021 29:00


Ang paglilingkod ay nagbibigay ng pagpapala hindi lamang sa iba ganon sa sarili.

ang biyaya
AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Ang paglilingkod ay nagbibigay ng pagpapala hindi lamang sa iba ganon sa sarili.

ang biyaya
Tinig ng Pag-asa
Pakikipaglaro sa Kasalanan

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Aug 17, 2021 29:00


Paano nga ba maiiwasan ang pakikipag laro sa kasalana?

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Paano nga ba maiiwasan ang pakikipag laro sa kasalana?

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Sapat ang Biyaya Niya

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Jul 26, 2021 3:07


Hindi dead end ang kahinaan mo. Isa itong open space para mas maipakita ng Diyos sa iyo na makakaya mo dahil sinasamahan ka Niya.Support the show (https://www.cbnasia.net/give)

CBNAsia.org - Audio Podcast

Biyaya by CBN Asia Inc.

biyaya
Higher Life With Junie Josue
June 4th 2021:Ang mga Mabuting Bagay na Magagawa ng Biyaya ng Diyos, 3

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later Jun 5, 2021 4:48


Higher Life With Junie Josue
June 5th 2021: Ang mga Mabuting Bagay na Magagawa ng Biyaya ng Diyos, 4

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later Jun 5, 2021 3:03


Higher Life With Junie Josue
June 1st 2021: Ang mga Magagawa ng Biyaya ng Diyos, 2

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later Jun 2, 2021 3:54


diyos biyaya
Higher Life With Junie Josue
May 27th 2021: Ang mga Magagawa ng Biyaya ng Diyos

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later May 27, 2021 4:29


diyos biyaya
Tinig ng Pag-asa
Naligtas sa Pamamagitan ng Biyaya

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later May 20, 2021 29:00


Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.

Higher Life With Junie Josue
May 12th 2021: Paano Maranasan ang Biyaya ng Diyos

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later May 12, 2021 4:28


Higher Life With Junie Josue
May 10th 2021: Sa Biyaya ng Diyos may Kalayaan at Tagumpay sa Kasalanan

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later May 10, 2021 3:55


Anong Kuwento Natin?
Episode 27: Tungkol sa Biyaya

Anong Kuwento Natin?

Play Episode Listen Later May 3, 2021 102:00


Tinalakay ang kuwentong “The Mass of St. Sylvestre” (1951) ni Nick Joaquin at ang nobelang Banana Heart Summer (2005) ni Merlinda Bobis.

Higher Life With Junie Josue
May 1st 2021: Bagong Kasunduan sa Biyaya ng Diyos

Higher Life With Junie Josue

Play Episode Listen Later May 1, 2021 5:01


Real Talk Darbs Podcast
HOW CAN YOUR "PAUBAYA" CAN TURN INTO "BIYAYA"?

Real Talk Darbs Podcast

Play Episode Listen Later Mar 18, 2021 49:50


Listen is as Real Talk Darbs give us some tips on how your "Paubaya" can one day turn into "Biyaya" THIS FB LIVE POWERED BY LYF COLLAGEN. GET YOUR LYF COLLAGEN HERE: https://lyfcollagen.com/shop/cart.aspx For 10% discount, use my code: RTDLYF FREE SHIPPING ALL OVER PHILIPPINES!

biyaya real talk darbs
Devotions with Pastor Israel
Nag-uumapaw na Biyaya

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Mar 14, 2021 2:13


March 15, 2021

biyaya
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 13, 2021 – Miyerkules sa Unang Linggo ng Taon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 12, 2021 4:20


Mabuting Balita | Enero 13, 2021 – Miyerkules sa Unang Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 1:29-39 Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Jesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo'y nakahiga ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Jesus. Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Jesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan. Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Jesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpapalayas ng mga demonyo. PAGNINILAY: Naalala n'yo ba ang pagninilay natin noong nakaraang Huwebes tungkol kay Jesus bilang Karunungan, Pag-asa, Kalunasan at Pagpapagaling, Kaligtasan, Kagalakan? Na Siya ang magdudulot ng Taon ng Biyaya para sa atin? Sa narinig natin ngayon, buong araw na walang patid na agos ng biyaya ang iginawad ni Jesus sa mga may pisikal at ispiritwal na karamdaman. Sa umaga, bago pa sumikat ang araw, taimtim na Niyang kausap ang Diyos Ama. Oo, 100% na tao si Jesus pero 100% din Siya na Diyos na kaisa ng Diyos Ama. Taglay Nila ang kabanal-banalang presensya na nakakahilom, nakapagpapalaya, nagbibigay-kaligtasan. Ngayong pagdiriwang ng Taon ng Salita ng Diyos ng Pauline Family, na magalak rin naming ibinabahagi sa inyo, kinikilala namin ang handog ng kabanalan ng Diyos dulot ng Kanyang Salita. Ayon din kay Pope Francis sa GAUDETE ET EXSULTATE na ang kabanalan daw, nabubuo sa habitwal na pakikipag-isa sa Diyos, ang palagiang pakikinig sa Kanya. At kung naka-ugalian na natin na makinig sa Kanyang Salita at maisabuhay ito, sino man ang makasalamuha natin, may biyaya ng paghilom, ng kagalakan, ng paglaya, ng kapayapaan silang matatanggap. Kaya purihin natin si Jesus, ang Nagkatawang Taong Salita. Ang pinagmumulan ng lahat ng biyaya! - Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 7, 2021 – Huwebes pagkaraan ng Epifania

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 6, 2021 4:44


Mabuting Balita | Enero 7, 2021 – Huwebes pagkaraan ng Epifania EBANGHELYO: LUCAS 4:14-22 Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat. Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan na ang Kasulatan ito ngayon habang nakikinig kayo.” At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba't ito ang anak ni Jose?” PAGNINILAY: Narinig nating sinabi ni Jesus na taglay Niya ang Pangangaral ng Mabuting Balita; ang Pagpapahayag ng Kalayaan; ang Pagpapanauli ng Paningin; ang Pagliligtas sa mga sinisiil; at ang Pagproklama ng isang taon ng biyaya ng Panginoon. Siya ang Karunungan, Pag-asa, ang Kalunasan at Pagpapagaling, ang Kaligtasan at ang Kagalakan! Para kanino? Sa mga dukha, sa mga nabibilanggo, sa mga bulag, sa mga sinisiil. Para sa atin. Kailan nga ba tayo hindi naging dukha? Nanlilimos tayo ng pagmamahal at habag mula sa Panginoon. Kailan tayo hindi nabibilanggo? Kapag gumagawa tayo ng ayon sa kalooban natin kahit hindi tama, na akala natin malaya tayo pero nakukulong tayo sa maling desisyon. Kailan tayo hindi nabubulag? Kapag pinipili natin ang kadiliman na bigla na lang tayong iniiwan na nakalugmok kapag nasilo na tayo sa kanilang patibong. Kailan tayo hindi sinisiil? Kapag nililimitahan ang ating pagpapahayag ng pananampalataya, na iilan lang din ang nakatatanggap ng Katawan ni Kristo sa Banal na Misa? Ito ang realidad natin ngayon. At ngayon, tanggapin natin si Jesus. Iniaalay Niya sa atin ang Taon ng Biyaya ng Panginoon! Dala Niya ang yaman ng biyaya na hindi ang mundo ang makapagbibigay. Ang biyaya ng buhay, biyaya ng habag ng Panginoon, at ang biyaya na tayo ay mga Anak ng Diyos. Ito lang buhos-buhos na itong biyaya! - Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | Disyembre 19, 2020 - Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 18, 2020 4:42


MABUTING BALITA | Disyembre 19, 2020 - Sabado - Mga Huling Araw ng Adbiyento EBANGHELYO: Lc. 1:5-25 Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapuwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapuwa matanda na sila. Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat… sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang buong bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magiging maligaya at tuwa mo s'ya. At marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga s'ya sa harap ng Panginoon… Sinabi naman ni Zacarias sa Anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sa ‘yo para kausapin ka at ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.” …Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: “Ganito ang ginawa ng Panginoon na nagpasiyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.” PAGNINILAY: Tinawag tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng ating pangalan. Ang pagtawag na ito ay isang biyaya. Biyaya ito na may kasamang tungkulin na dapat gampanan. May pagkakataon na babaguhin ng ating Panginoon ang pagkilala sa atin at sa ating pagkatao. Ito'y upang isakatuparan ang kanyang misyon sa sangkatauhan. Halimbawa: ang pangalan ni Simon ay naging Pedro, si Saul ay naging Pablo, at ang pangalang Karol Wotyla ay naging John Paul II. Binabago tayo ng Panginoon upang magampanan ang isang mahalagang misyon. Sinabi ng Anghel kay Zechariah, “Huwag kang mangamba, sapagkat ang iyong panalangin ay narinig na.” Magtiwala at manalig tayo sa ating mapagpalang Dios. Maging si Juan ay naging tanda ng pagpapala ng Panginoon. Mga kapanalig, nalalapit na ang Pasko, maging tugon nawa tayo sa panalangin ng ating kapwa-tao. –Fr. Ronaldo Quijano, rector ng Sacred Heart Seminary ng Diocese ng Bacolod. PANALANGIN: Panginoong Jesus, bigyan mo po kami ng karunungan sa aming paghihintay sa iyo at tiwala na ang Diyos Ama ay tutugon sa aming mga kahilingan. Amen.

Talkline
S2. EP#27 - PAUBAYA: Hugot stories #francofrankyshow

Talkline

Play Episode Listen Later Dec 7, 2020 76:41


When Moira's newest single, Paubaya was released, so many people really felt the song within their hearts, some remembered the pain, the past, their exes, and all the promises that were buried by time. This episode Me and Franky talked a lot about the song and read some paubaya stories from random people. But this episode is more than just stories because it will make you appreciate pain in a deeper sense. Pain makes us feel alive, letting go can be difficult, but it can also be an opportunity to face a new chapter of your life. So as you listen to this episode allow us to unfold a new beginning in your life. "Your Paubaya can be a Biyaya in diguise" Catch our LIVE PODCAST SESSIONS on Facebook at /talkline.ph --- Send in a voice message: https://anchor.fm/talkline/message Support this podcast: https://anchor.fm/talkline/support

stories pain hugot biyaya
AWR - APOCALIPSIS NGAYON
Ang Makalangit na Santuario

AWR - APOCALIPSIS NGAYON

Play Episode Listen Later Nov 29, 2020 14:35


Ang Santuario sa lupa ay isa lamang anino ng tunay na Santuario sa langit.

Tinig ng Pag-asa
Sa ilalim ng Biyaya

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Sep 1, 2020 29:00


Ang pagbibigay na nasa ilalim ng biyaya ay nagkakaloob hindi upang tanggapin ng Diyos.

ang diyos biyaya handog
Tinig ng Pag-asa
Kautusan at Biyaya

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Aug 22, 2020 29:00


Ang Biyaya ay ang Panginoong Jesukristo, Siya ang pabor na hindi karapat-dapat ipagkaloob sa tao.

AWR - APOCALIPSIS NGAYON
Ang Katuparan ng Pangako

AWR - APOCALIPSIS NGAYON

Play Episode Listen Later Jul 29, 2020 14:43


Si Jesus ang tunay katuparan ng binhing ipinangako ng Diyos kay Abraham, sa pamamagitan Niya ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.

niya diyos si jesus pangako biyaya ebanghelyo
Tinig ng Pag-asa
Biyaya sa Pagbibigay

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Jul 6, 2020 28:30


Ang bukas palad na pagbibigay ay nagdadala ng biyaya ng Diyos.

Tinig ng Pag-asa
Ano ang Mayroon Ka Part 2

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Jun 9, 2020 29:00


Maging sa kahirapan ay makapagkakaloob kung ang biyaya ng Diyos ay nasa puso.

diyos mahirap mayroon biyaya kabutihan
Tinig ng Pag-asa
Pananagumpay sa Tukso

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later May 27, 2020 29:00


Hindi ipinahihintulot ng Diyos ang tukso na hindi natin kayang mapanagumpayan.

hindi akne diyos sebum biyaya
Tinig ng Pag-asa
Pag-ibig na Tinanggihan

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Apr 27, 2020 29:00


Ang pagtugon sa pag-ibig ng Diyos ay hindi madali.

Tinig ng Pag-asa
Ang Araw-araw na Pangangailangan ng Biyaya ng Diyos

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Apr 15, 2020 28:30


Ang panalangin na nagtuturo sa atin na araw-araw tayong lumapit sa biyaya ng Diyos.

Ahmad Javier
Unawain ang Biyaya at Pagsubok

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Mar 9, 2020 3:49


Unawain ang biyaya at pagsubok May mga pagkakataong baligtad unawain ang dalawang bagay na ito, kaya naman tiingnan natin ang pinakaminam na sukatan, at ito ay kung ano ang relasyon natin sa atin Panginonn. The post Ahmad Javier – Unawain ang Biyaya at Pagsubok appeared first on Ahmad Javier.

pagsubok biyaya
CBNAsia.org - Audio Podcast
Biyaya Mo'y sapat

CBNAsia.org - Audio Podcast

Play Episode Listen Later Feb 28, 2020 29:50


Biyaya Mo'y sapat by CBN Asia Inc.

sapat biyaya
Mt. Zion Baptist Missions Philippines
Ang Mga Biyaya ng Pagiging Christiano

Mt. Zion Baptist Missions Philippines

Play Episode Listen Later Feb 9, 2020 28:00


Radio evangélica del Reino
Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

Radio evangélica del Reino

Play Episode Listen Later Nov 17, 2019 29:07


Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, Ibinubunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, dapat batid ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at tanda ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi isasagawa sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay kayang punuin ang buong kosmos. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawaing isinasagawa sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maitutulad sa ilang libong taon na gawain sa Israel, ni hindi rin maitutulad sa dekadang gawain sa Judea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Faithful Jesus Church
Biyaya Sa Bawat Panahon

Faithful Jesus Church

Play Episode Listen Later Nov 17, 2019 23:50


panahon biyaya
Faithful Jesus Church
Biyaya Sa Bawat Panahon

Faithful Jesus Church

Play Episode Listen Later Nov 16, 2019 23:50


panahon biyaya
Ahmad Javier
Biyaya sa Pagsunod sa Katotohanan

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Oct 6, 2019 1:01


Biyayaan niya tayo ng pagsunod sa katotohanan Palagi natin hilingin na makita ang katotohanan at ilayo tayo sa kamalian. The post Ahmad Javier – Biyaya sa Pagsunod sa Katotohanan appeared first on Ahmad Javier.

katotohanan biyaya
Ahmad Javier
Kung Ikaw kaya ang namamahala sa biyaya?!

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jul 31, 2019 3:43


Kung Ikaw kaya ang tagapamahala sa mga biyaya, magbibigay ka kaya sa iba? mabuti nalang si Allah mismo ang nangasiwa sa pamamahagi ng kanyang biyaya. The post Ahmad Javier – Kung Ikaw kaya ang namamahala sa biyaya?! appeared first on Ahmad Javier.

Ahmad Javier
26-Kwento hango sa Qur'an - Ang Pagdating ng Impiyerno

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later May 30, 2019 26:03


Biyaya sa Paraiso -Ang huling papasok sa Paraiso -Ang makita ang kanyang tagapaglikha ang siyang pinakamalaking gantimpala.  -Mga Kwento hango sa Qur’an Episode 26@ Masjid Ibnu Abbas – Ramadan 1440 – 2019 The post Ahmad Javier – 26 Biyaya sa Paraiso appeared first on Ahmad Javier.

qur paraiso kwento pagdating biyaya
Ahmad Javier
Pagkakaiba ng Pagsubok & Biyaya

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Mar 31, 2018 3:46


Ano nga ba ang pinagkaiba ng pagsubok at biyaya? The post Ahmad Javier – Pagkakaiba ng Pagsubok & Biyaya appeared first on Ahmad Javier.

ano pagsubok biyaya
Ahmad Javier
Ang Gawa Bago ang Biyaya

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Nov 13, 2017 3:59


Ang Gawa Bago ang Biyaya Khutbah @ Masjid Ibnu Abbas The post Ahmad Javier – Ang Gawa Bago ang Biyaya appeared first on Ahmad Javier.

bago gawa biyaya
Ahmad Javier
Ang Biyaya ni Allah at Ang Inggit

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Nov 12, 2017 10:26


Ang Biyaya ni Allah at Ang Hassad – Khutbah @ Masjid Ibnu Abbas The post Ahmad Javier – Ang Biyaya ni Allah at Ang Inggit appeared first on Ahmad Javier.

allah biyaya ni allah
Ahmad Javier
Pagsubok at Biyaya sa Mag-asawa.

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jun 11, 2017 18:51


Mga Paalala sa Pagitan ng Taraweh 17 – Pagsubok at Biyaya sa Mag-asawa. IIF Ramadhan 2014/1435 The post Ahmad Javier -17.Mga Paalala sa Pagitan ng Taraweh – Pagsubok at Biyaya sa Mag-asawa. appeared first on Ahmad Javier.

asawa pagsubok biyaya taraweh