Podcasts about naisip

  • 17PODCASTS
  • 30EPISODES
  • 23mAVG DURATION
  • ?INFREQUENT EPISODES
  • Mar 13, 2025LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about naisip

Latest podcast episodes about naisip

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Boundaries Are Not Barriers

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Mar 13, 2025 2:27


If asked to picture what putting boundaries look like, anong maiisip mo? Naisip mo ba ang magtayo ng mataas na bakod? O di kaya naman ang mag-drawing ng linya para markahan ang teritoryo mo? Sometimes we think of boundaries as defenses that keep us from people and situations. But boundaries are not barriers.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Gawing Magaan ang Buhay

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Aug 17, 2024 3:24


Naisip mo na ba kung paanong nakakalipad ang mga ibon? Obviously, they use their wings to fly. Pero may iba pang features ang katawan ng mga ibon that turn them into flying machines. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the Show.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 18, 2024 4:13


Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 Linggo ng Pentekostes Ebanghelyo: Juan 20,19-23 Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Gaya ng pag kakasugo sa akin ng Ama, Gayon ko rn kayo ipadadala.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”       Pagninilay: Isang araw may batang lumapit sa akin at nagtanong. “Sir, ano po ang kulay ng Holy Spirit?” Nagulat ako sa kanyang tanong. Naisip ko na sabihing pula, pero nahamon ako na pagnilayan: May kulay nga ba ang Espiritu Santo? Kung mayroon, ano kaya ito? Isang mapagpalang araw ng linggo mga kapanalig. Sa araw na ito ginugunita natin ang Dakilang kapistahan ng Pentekostes, ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga apostol, at araw rin ng kapanganakan ng ating simbahan. Bagama't sa simula pa lamang ng binyag tinanggap na natin ang Espiritu Santo, mas pinagtitibay sa kumpil o Confirmation ang tinanggap na nating Banal na Espiritu. Tinatawag din siyang Parakletos, ang tagapagbigay-lakas, ang Tagapagpabanal, ang hininga ng Diyos (ruah) at ang Pag-ibig sa pagitan ang Ama at Anak. Marami pang mababanggit tungkol sa Espiritu Santo pero walang sinasabing kulay. Kung titingnan sa malikhaing mga mata, ang katapangan at katatagan na mga bunga ng Espiritu Santo ay kulay pula; makikita naman ang Chrisma at Biyaya ng Buhay na kulay luntian o berde; pwede ring kulay puti ng kalinisan o kabanalan, tulad ng kalapati na madalas na larawang ginagamit para sa Espiritu Santo. Mga kapatid/kapanalig, marahil tulad ng liwanag na dumaraan sa isang prism at nagbubunga ng isang buháy na hanay ng iba't ibang kulay, masasabi nating walang iisang kulay ang Espiritu Santo. Higit sa pula o sa puti, higit pa sa bahag-hari. Ang bawat kulay at bawat biyaya na aakma sa taong tumatanggap sa apoy ng espiritu ang magbibigay kulay sa buhay ng mundong ating ginagalawan. Higit sa anupamang kulay, sa ating pagtanggap sa Espiritu Santo, pinag-aalab niya ang marubdob nating adhika na makagawa at makapagbigay-patotoo bilang isang Simbahan na buháy ang ating Panginoong Hesukristo sa ating isip, sa bawat salita, lalo na sa ating mga gawa. Amen.  

Para Normal Podcast
EP 174 - Ang Manggagamot

Para Normal Podcast

Play Episode Listen Later Apr 16, 2024 148:23


Naisip mo na ba kung ano ang buhay ng isang manggagamot?  Ngayong gabi pakinggan natin ang lakas ng dasal, lihim na karunungan, at iba iba pang na experience ni Tata J sa kanyang panggagamot.Maraming salamat ulit kay Tata J sa kanyang mga na  i-share.Kung ito ang unang episode na napakinggan mo at nagustuhan mo ang ganitong style ng kwentuhan tungkol sa mga paranormal na topic, baka gusto mo simulan sa episode 1 :DEpisode 1 - https://open.spotify.com/episode/0Rqvr9n8ji5XaTpyG7YnQ0?si=6d489e06bb4545d4Eto naman yung  na mention ko sa Latak Listeners, yung show ni Joe Mcmoneagle sa Shawn Ryan Show - Episode 95https://open.spotify.com/episode/1KtETCIeXfJStKEvqKVLdo?si=7474c9c9e8ad4239Kung gusto mo naman tuloy ang usapan via chat, pwede ka mag join sa Discord Server ng podcast kung saan may iba't ibang topic na napapagusapan dun. Click mo lang yung invite link sa baba:https://discord.gg/YWF4BpS4gQ = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  Do you want to support the podcast? You can help keep us going by giving us a cup of joe! ko-fi.com/paranormalpodcast You can also support us on Patreon https://www.patreon.com/paranormalpodcast We have different tiers for supporters, from the general support to early access, to joining us on the calls way in advance. No pressure, just additional help for us :) The Para Normal Podcast. Engineered and Produced by f90 Productions Rate and Review our show on Spotify, Pocket Casts, and Apple PodcastsEnjoy.

CCF Sermon Audio
Make Your Life Count: Live To Make A Difference | Paul De Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 22, 2023 86:14


Naisip mo ba kung ang buhay mo ba ay makabuluhan, at kung ikaw ba ay namumuhay para sa bagay na mas higit pa sa sarili mo? Ngunit sa dami ng bayarin at iba pang responsibilidad mahirap mag hangad ng anumang higit pa sa pang-araw-araw na gawain. Kaya pano nga ba magagamit ng ordinaryong tao ang mga talentong mula sa Diyos para makapagdulot ng pagbabago sa mundo? Alamin ang kasagutan sa pagpapatuloy natin sa ating aral ng 1 Korinto. Mangyaring huwag i-record o kopyahin ang video na ito. Sa halip, maaari ninyo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-share ng link. Speaker: Paul De Vera Series: Make Your Life Count Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/10222023Tag

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
March 25 - Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 4:17


Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (Colosas 3:17) Naisip mo na ba kung ano'ng ginagawa ng Diyos habang naghahanap ka sa maling lugar ng isang bagay na nawala mo't kailangang-kailangan na? Alam Niya eksakto kung nasaan ito, pero hinahayaan ka Niyang maghanap sa maling lugar. Minsan ay kinailangan ko ang isang quote para sa bagong edisyon ng libro kong Desiring God. Alam kong nabasa ko na ito kay Richard Wurmbrand. Akala ko'y nasa devotional book niya itong Reaching Toward the Heights. Halos nakikita ko na ito sa mga pahina ng aklat. Pero hindi ko ito mahanap-hanap.  Pero habang naghahanap ako, napako ang atensyon ko sa devotional niya para sa November 30. Habang binabasa ko ito, sinabi ko, “Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ako ng Panginoon na patuloy maghanap ng aking quote sa ‘maling lugar.'” Narito ang isang kuwento na perpektong inilalarawan na walang nasasayang sa mga ginagawa natin para sa ngalan ni Jesus — wala, kahit pa ang paghahanap ng sipi mula sa maling lugar. Ito ang nabasa ko: Sa isang tahanan para sa mga batang may kapansanan, dalawampung taong inalagaan si Catherine. [May kapansanan sa pag-iisip] ang bata mula pa sa simula, at hindi kailanman nakapagsalita, kundi parang lantang gulay lang. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga pader o kumikilos nang pabaluktot. Ang pagkain, pag-inom, pagtulog, ito ang buong buhay niya. Parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kailangang putulin ang isa niyang binti. Nais ng mga bantay na mapabuti si Cathy at umasa silang kunin na siya ng Panginoon para makapiling Niya.Isang araw, tinawagan ng doktor ang director para pumunta agad sa tahanan. Malapit nang mamatay si Catherine. Pagpasok nilang dalawa sa kwarto, hindi sila makapaniwala sa nakita. Umaawit si Catherine ng mga Cristianong himno na kanyang narinig at napulot, ang mga angkop lang para sa mga mamamatay na. Paulit-ulit niyang inawit ang German na kantang, “Saan matatagpuan ng kaluluwa ang kanyang amang-bayan, ang kanyang pahinga?” Umawit siya nang kalahating oras na may bagong anyo ang mukha, at pagkatapos ay tahimik siyang pumanaw. (Mula sa The Best Is Still to Come, Wuppertal: Sonne und Shild) May bagay bang nasasayang na ginawa para sa ngalan ni Cristo? Hindi nasayang ang bigo at walang-saysay na paghahanap ko sa akala kong aking kailangan. Ang pag-awit sa batang ito na may kapansanan ay hindi nasayang. At ang iyong paghihirap, ang wala sa planong detour ay hindi walang-saysay – kung hahanapin mo ang Panginoon para sa Kanyang di-inaasahang gawain, at gagawin ang lahat sa Kanyang pangalan (Colosas 3:17). Devotional excerpted from “Is It a Detour If You Find Gold?” This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/gods-design-in-detours Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 9, 2023 - Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 8, 2023 4:16


Mabuting Balita l Agosto 9, 2023 - Miyerkules Miyerkules ng Ika-18 sa Karaniwang Panahon Santa Teresa Benedicta de la Cruz, dalaga at martir Ebanghelyo: Mt 15:21-28  Pumunta si Hesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Hesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito. “Paalisin mo na siya't sigaw s'ya nang sigaw sa likod natin.” “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Hesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!”   “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” “Babae, napakalaki ng iyon pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak. Pagninilay: Meron akong isang karanasan na nagpatibay sa aking pananampalataya sa walang pili at walang hanggang pagmamahal ng Diyos. Minsan, dumalo ako sa isang popular at malaking pista sa isang probinsya. Marami ang mga dumadayo doon, makiisa lamang sa debosyon na ito, lalo na sa prusisyon. Bilang madre, may nakalaan na lugar para sa amin kasama ang mga seminarista. Isa itong biyayang maituturing, dahil makakapag prusisyon ako malapit mismo sa mapaghimalang imahen. Masaya na sana ako, dahil sa unang pagkakataon, nabigyan ako ng magandang lugar upang makapagdasal ng taimtim sa Sto. Niño. Pero nalungkot ako, dahil hindi ko maisasama sa aming grupo ang dalawang lay mission partners na kasama ko, dahil may patakaran ang organizers na hindi pwede sumama doon ang hindi naka-abito.  Naisip ko, hindi kami pwedeng magkahiwalay, at hindi kaya ng konsensya ko na mawawalan sila ng kasama, habang ako magpuprusisyon.  Kaya lumabas na lang ako sa grupo at sinamahan sila. Medyo sumama ang loob ko noon, dahil sa mga patakarang umiiral tulad nito, na nag-i echapwera sa mga taong hindi mo kauri.  Hindi bat ito rin ang karanasan ng babaeng taga-Canaan sa ating Mabuting Balita ngayon? Pero, itinuwid ito ng ating Panginoong Hesus, sinira niya ang barriers at pagbabawal dahil sa pagkakaiba iba ng kultura at lahi. Mga kapanalig, nagbibigay sa atin ng assurance ang Mabuting Balita sa araw na ito, na ano man ang estado, kulay o bokasyon natin sa buhay, may lugar tayo sa puso ng Diyos. Nais nya na maging kaisa tayo sa kanyang buhay at misyon. Sa mga pagkakataon na ramdam natin ang indifference, favoritism, o marginalization, kumapit tayo sa katotohanang hatid ng ating Mabuting Balita ngayon: bawat isa sa atin ay may puwang sa puso ng Diyos! -Sr Nina Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul

Dodong Cacanando - Break Through in Life & Business
Forgive So You May Be Forgiven

Dodong Cacanando - Break Through in Life & Business

Play Episode Listen Later Jul 30, 2023 35:18


There is so much chaos around the world. If a nation is not at war against another country, they have internal war inside. Naisip ko, if only people would be more forgiving, this world would be peaceful. But people have a hard time forgiving others because they feel they must demand justice! But the justice we desire is not based on the justice of the Lord but on our personal justice. Because of this, the conflicts in this world. We need to learn to forgive and allow God to implement His form of justice, not ours. We need to forgive because we too need to be forgiven. In this message, I hope you understand the blessing that forgiveness brings. _______________________ Join our Facebook Community: ⁠https://www.facebook.com/groups/keepersofhisgarden/⁠

Silly Gang Sa Gabi
130: Ganito ba ang wedding hashtags nyo?!?

Silly Gang Sa Gabi

Play Episode Listen Later Jun 21, 2023 50:00


Always the bridesmaid, never the bride? Naisip mo na bang tumutol sa isang wedding? Sinusunod n'yo ba ang wedding traditions dito sa Philippines? Pag-usapan natin yan kasama ang tatlong single at ageing millennials na sina Jed, Isha, and Mike ng Silly Gang Sa Gabi Year 3!Our dream weddings plus ang BIG revelation ni Mike, EKSLUSIBO sa Patreon! Log on to patreon.com/sillygangsagabi! Subscribe for only Php150 now na!CERTIFIED KA-OKRA TO DO LIST:Rate the podcast with 5 STARS! ⭐⭐⭐⭐⭐Click here to get our 100th Ep Merch Bundle

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Feb 23 - Ang Oras ng Di-Pangkaraniwang Panganib

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Feb 23, 2023 4:15


Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios. (1 Pedro 4:14, ASND) Maraming Cristiano sa mundo ngayon ang hindi alam ang life-threatening na panganib na dulot ng paniniwala kay Cristo. Nasanay na tayong maging malaya sa ganitong pag-uusig. Parang ganito na talaga dapat ang takbo ng buhay natin. Kaya madalas na galit ang una nating reaksyon sa panganib na baka mag-iba ang kasalukuyan nating sitwasyon. Pero puwedeng tanda ang galit na iyon na nawala na ang ating kamalayan ng pagiging dayuhan at exile (“Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito . . .” 1 Pedro 2:11, MBBTAG). Siguro'y masyado na tayong nasanay mamalagi sa mundong ito. Hindi natin nararamdaman ang pagka-homesick kay Cristo tulad ni Paul: “Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20). Marami sa atin ang kailangan ng paalala, “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan” (1Pedro 4:12). Hindi ito kakaiba. Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa oras ng huling pagsubok? Nakatutok ang baril ng kaaway at tinatanong ka niya, “Cristiano ka ba?” Narito ang isang makapangyarihang salita para bigyan ka ng pag-asang puwedeng mas mahusay ang gagawin mo kaysa iyong iniisip. Sinasabi ni Peter, “Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” (1 Pedro 4:14). Sinasabi ng encouragement na ito mula kay Peter na sa oras ng di-pangkaraniwang panganib (insulto man o kamatayan), meron tayong “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” sa atin. Hindi ba't ibig sabihin nito na nagbibigay ang Diyos ng espesyal na tulong sa oras ng krisis para sa mga nagdurusa dahil sila'y Cristiano? Hindi ko ibig sabihin na absent Siya sa iba pa nating pagdurusa. Ang ibig ko lang sabihin, sinadyang sabihin ni Peter na makakaranas ang mga nagdurusang “tagasunod ni Cristo” ng espesyal na “kapalaran” dahil sa “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios.” Ipanalangin mo na ito ang iyong maranasan pagdating ng pagsubok. Magkakaroon tayo ng resources para mapagtiisan ang sandaling iyon na hindi natin makukuha sa ibang pagkakataon. Lakasan mo ang loob mo.

Gardener Of Suma
Episode 38: Pumupurol na ang Japanese Ko / RIP Brother Ramon

Gardener Of Suma

Play Episode Listen Later Sep 6, 2022 7:33


Iyon, spontaneous recording pa rin. Naisip ko lang na pag-usapan ang about sa Japanese language learning ko na pumupurol. At saka ilan pang life updates! Accountability Partner ang word na hinahanap ko dito! Ahaha! Nung September 1, namatay si Br. Ramon, ang great pillar ng Marist Mission dito sa Japan na responsable sa pagpapatayo muli ng MBIS after the Great Hanshin-Awaji Earthquake nung 1995. Please pray for the repose of the soul of Br. Ramon.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l AGOSTO 26, 2022 – BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 25, 2022 5:16


MABUTING BALITA AGOSTO 26, 2022 – Biyernes sa Ika – 21 na Linggo sa Karaniwang Panahon Santa Maria de Jesus Crucificado Ebanghelyo: Mt 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.” Pagninilay: Naranasan mo na bang maiwan? Magkakahalong hirap, lungkot at sakit ‘di ba? Minsan, naranasan ko ring maiwanan. Nag hihintay ako sa isang motorsiklo na sasakyan ko sana mula sa paaralan pauwi sa aming barangay. Medyo natagalan bago dumating ang kausap kong motorsiklo kaya pumunta muna ako saglit sa isang kakilala. Naisip ko na baka medyo matagal pa siguro yun bago dumating. Pagbalik ko, sinabihan ako ng mga nakatambay sa daan na naka-alis na ang motor na kausap ko. Kaya wala akong ibang nagawa kundi maglakad na lang pauwi. Sa ebanghelyo, ang mga naghihintay sa Paghahari ng Diyos ay ihinalintulad sa sampung dalaga. Tulad nila, hindi natin hawak ang panahon sa ating mga kamay. Kaya ng dapat lagi tayong handa. Ngunit madalas ay mainipin tayo sa paghihintay. Iniisip natin na "Matagal pa naman yun", o kaya'y “Pwede pa naman siguro akong magliwaliw muna at gumawa ng kalokohan. May panahon pa naman ako para magsisi at hindi pa naman ako siguro kukunin ni Lord.” Mga kapatid, hindi natin alam kung kalian magaganap ang mga huling araw. Hindi natin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari bukas at sa mga susunod pang mga araw.Sa ating pagwawalang bahala at maling akala, baka maiwan tayo. Kaya nga kung maaari naman na gumawa ng kabutihan ngayon, huwag na nating ipagpabukas. Lagi tayong inaanyayahan ng Diyos na gumawa ng kabutihan araw araw. Kahit kailan dumating ang takdang panahon, daratnan tayong sisik ng kabutihan ang ating puso at handang tanggapin ang Paghahari ng Diyos sa ating buhay. Sem. Kerence Fritz Faderanga, SSP

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
May 13 - Ang May Kagagawan ng Lahat

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later May 13, 2022 4:20


Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. (Efeso 1:4-5) Ang karanasan ni Charles Spurgeon ay hindi higit sa kakayahan ng sinumang ordinaryong Kristiyano. Si Spurgeon, na nabuhay mula 1834 hanggang 1892, ay isang contemporary at kaibigan nina George Mueller at Hudson Taylor. Naglingkod siya sa Metropolitan Tabernacle sa London nang higit tatlumpung taon bilang pinakakilalang pastor ng kanyang panahon. Napakabisa ng kanyang preaching kaya naco-convert ang mga tao kay Cristo linggo-linggo. Nililimbag pa rin ang kanyang mga sermon ngayon at itinuturing siyang modelong soul winner ng nakararami. Binabalikan niya ang isang karanasan noong 16 years old siya, na humugis sa kanyang buhay at ministeryo hanggang sa dulo ng buhay niya. Nang lumapit ako kay Cristo, akala ko'y ginagawa ko ito nang sarili ko lang, at kahit masigasig kong hinanap ang Panginoon, wala akong ideya na hinahanap ako ng Panginoon. Palagay ko, sa una'y hindi ito alam ng bagong convert. Naaalala ko mismo ang araw at oras nang una kong tinanggap ang mga katotohanang iyon [ang mga doktrina ng pinakadakila at mapagtagumpay na grace] sa sarili kong kaluluwa — nang sila'y tumatak sa puso ko tulad ng mainit na bakal, tulad ng sabi ni John Bunyan, at naaalala ko ang pakiramdam na ako'y lumago, biglaan, mula sa isang sanggol sa pagiging isang lalaki — na ako ay lumago sa kaalaman sa Banal na Kasulatan, sa pagkakahanap ko, sa wakas, ng clue sa katotohanan ng Diyos. Isang gabi, habang nakaupo ako sa bahay ng Diyos, hindi ko gaanong pinag-iisipan ang sermon ng mangangaral, dahil hindi ako naniniwala rito. Naisip ko, Paano ka naging Kristiyano? Hinanap ko ang Panginoon. Pero paano ka nakarating sa paghahanap sa Panginoon? Sumagi sa isip ko ang katotohanan — hindi ko Siya hahanapin maliban kung may naunang impluwensya sa aking isipan na hanapin Siya. Nagdasal ako, nag-isip ko, pero tinanong ko ang sarili ko, Paano ako nakarating sa pagdarasal? Nahikayat akong manalangin sa pagbabasa ng Scriptures. Paano ako nakarating sa pagbabasa ng Scriptures? Binasa ko ito, pero ano ang nagtulak sa akin para gawin ito? Sa sandaling iyon, nakita ko na ang Diyos ang may kagagawan ng lahat ng ito, at Siya ang May-akda ng aking pananampalataya, at sa gayon ang buong doktrina ng grace ay nagbukas sa akin, at hindi ako iniwan ang doktrinang ito hanggang sa araw na ito, at gusto kong maging patuloy na confession ito, “Tanging ang Diyos ang dahilan ng pagbabago ko.” Ikaw? Tanging ang Diyos ba ang dahilan ng iyong conversion? Siya ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Dahil ba rito'y pinupuri mo ang glory ng Kanyang pinakadakila at mapagtagumpay na grace?

Almusalita by Fr Luciano Felloni
Daily Reflection: #LikeTheSerpent | John 3:7-15

Almusalita by Fr Luciano Felloni

Play Episode Listen Later Apr 25, 2022 2:56


#LikeTheSerpent | John 3:7-15: May mga nangyayari ba sa buhay na iniisip mong malas o pahirap? Naisip mo ba na kasama ang mga ito para matupad ang plano ng Diyos sa buhay mo? Tara't pagnilayan natin 'yan ka-Almusalita. Let's make the Word of God viral. --- Support this podcast: https://anchor.fm/almusalita-by-fr-luciano/support

Almusalita by Fr Luciano Felloni
Daily Reflection: #LapitPaNgKonti | John 21:1-14

Almusalita by Fr Luciano Felloni

Play Episode Listen Later Apr 21, 2022 3:11


#LapitPaNgKonti | John 21:1-14: Naisip mo na ba na baka ang dahilan ng pagkalugmok at pananatili sa dilim e dahil ayaw mong lumapit sa Diyos? O di kaya baka masyado kang naiinip sa mga dasal mo na parang hindi sinasagot ng Panginoon? Tara't pagnilayan natin 'yan, ka-Almusalita. Let's make the Word of god viral. God bless! --- Support this podcast: https://anchor.fm/almusalita-by-fr-luciano/support

CCF Run Through
Maging Misyonario ng Diyos sa inyong Trabaho with Pastor Aumar Aguilar

CCF Run Through

Play Episode Listen Later Apr 12, 2022 33:49


Naisip mo na ba na ang iyong trabaho ay isang misyon para kay Kristo, o ang pagbabahagi ba kay Jesus at paglilingkod sa Kanya ay isang bagay na nagsisimula at nagtatapos tuwing Linggo lamang? Panoorin ang video na ito para malaman ang layunin ng Diyos para sa ating trabaho! Makinig sa katotohanan sa loob ng kalahating oras! Speaker: Ptr. Aumar Aguilar Series: Work Matters Watch the Full Message: https://go.ccf.org.ph/04102022Tag

CCF Sermon Audio
Para Kanino Ka Ba Talaga Nagta-trabaho? | Paul De Vera

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Apr 3, 2022 56:24


Kung maayos lang ang pakikitungo sa akin ng boss ko, mas magsusumikap pa ako." "Mas ma-eenganyo pa ako magtrabaho kung ang sweldo ko ay naayon sa ginawa ko." Naisip mo din ba ang mga bagay na ito? Kung para sa pera man yan, recognition, or maka-akyat sa magandang posisyon, lahat tayo ay may rason sa pagtatrabaho. Anong ang iyo? O sa madaling salita, para kanino ka nag-tatrabaho? Speaker: Bro. Paul De Vera Message Series: Work Matters

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 22, 2021 | Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 21, 2021 4:13


MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 22, 2021 Lunes sa Ika-34 Linggo ng Taon EBANGHELYO: LUCAS 21:1-4 Tumingin si Hesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. Naghulog nga silang lahat sa kabang-yaman mula sa sobra nila subalit inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.” PAGNINILAY: Nakasanayan natin na maghulog ng abuloy sa buslo ng koleksyon kapag parte na ng pag-aalay sa Banal na Misa. Marami sa atin ang inihuhulog ay barya lamang, surplus ng laman ng ating wallet na hindi na natin ginagastos. Pero ano ba ang diwa ng pag-aalay o paghahandog? Lahat tayo ay magsasabing pasasalamat at pagbabalik sa Panginoon ng bahagi ng Kanyang mga ipinagkaloob sa atin, dahil wala naman tayong pag-aari o biyaya, na hindi nagmula sa Kanya. Iyong tipong “everything I own, I owe from God.” Para sa isang taong may magandang trabaho, may buhay na nakaluluwag, nakapagbigay sila ng abuloy o donasyon, na hindi maaapektuhan ang kanilang budget. Mabibili pa rin nila at makakain, ang anumang gusto nila. At sa mga fund raising, ang mga taong ito ay madaling hingan ng tulong. May kakilala ba kayo na katulad ng biyuda sa Mabuting Balita ngayon? Wala siyang pera kundi dalawang kusing na inihulog pa rin niya sa collection box. Bakit niya nakayang ibigay, nang maluwag sa kanyang kalooban ang pera, na maaring maging batayan ng kanyang seguridad? Naisip ko, lubos ang pagkakilala niya, at wagas ang pagmamahal niya, sa pinagkalooban niya ng abuloy. At buo ang kanyang tiwala at pag-asa, na ang anumang ibinigay niya nang taos-puso, doble ang babalik sa kanya. Mga kapanalig, ang sarap isiping kapag buo ang tiwala natin sa Panginoon, hindi tayo mangangamba, na tayo'y magkukulang, at kung magkulang man, hindi tayo nagsisisi sa ating ginawa, kasi ang gantimpala natin ay nasa langit na. Naalala ko ang mag nanay na nakatabi ko sa Simbahan. Sabi ng bata sa nanay niya, “Nay di ba tayo maghuhulog sa koleksyon?” Ang sagot ng nanay, anak tama lang sa ating pamasahe ang laman ng wallet ko. Kung maghuhulog tayo sa koleksyon, maglalakad tayong pauwi.” Ang sabi ng bata, “sige po nanay, para naman iyon kay HESUS.” Isang musmos, kayang magsakripisyo para kay Hesus. Mga kapanalig, tayong marami nang alam tungkol kay Hesus, at nagkaroon na rin ng ugnayan sa Kanya, hanggang saan natin kanyang maghandog ng sakripisyo para sa Kanya? - Sr. Narci Peñaredonda, SJBP | Sisters of HESUS the Good Shepherd/ Pastorelle

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | OKTUBRE 30, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 29, 2021 3:55


MABUTING BALITA | OKTUBRE 30, 2021 Sabado sa Ika–30 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: LUCAS 14:1, 7-11 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minanmanan naman nila siya. May talinghaga siyang sinabi nang mapuna niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: “Kung anyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may kinumbidang mas importante kaysa sa iyo, at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.' Kaya mapapahiya ka't pupunta sa huling puwesto. Sa halip, kung anyayahan ka, sa huling puwesto ka pumunta sapagkat pagdating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lumapit ka pa.' Kaya mapararangalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” Sinabi ni Jesus sa puno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak mo o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga bale-wala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo at magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masusuklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuklian. PAGNINILAY: Sa ibabang linya ng imbitasyon nakasulat RSVP - Please Respond or reply for confirmation to an invitation. Naisip mo ba kung saan ang iyong upuan sa pagtitipon na iyon? Paano nga ba tayo dadalo sa piging ng Panginoon? Sa Mabuting Balita ngayon ipinaalala ng Panginoong Hesus, na kapag inanyayahan ka, doon ka maupo sa pinaka-abang upuan, dahil paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, kaibigan dini ka sa kabisera. Sabi pa ni Mother Teresa ng Calcuta, Humility is the mother of all virtues; purity, charity and obedience. It is in being humble that our love becomes real, devoted and ardent. BEC Coordinator ako noon sa aming Parokya, at marami akong natutunan sa mga aral ng buhay mula sa grupo. Naranasan ko rin harapin ang mga challenges ng pagiging servant leader. Hindi madali, pero nais kong makilala ang Panginoon at sundin ang mga tungkuling ibinigay Nya sa akin. Sa paglipas ng mga panahon, ako ngayon ay Professed Member ng IOLA, patuloy na dumudulog sa piging ng Panginoon. Nawa sa tulong panalangin ng Mahal na Birheng Maria, maisabuhay ko ang kanyang mga halimbawa. Amen. Ms. Emy Tuazon, IOLA | Institute of Our Lady of Annunciation

Gardener Of Suma
Episode 11: 日本語〜フィリピン語

Gardener Of Suma

Play Episode Listen Later Sep 4, 2021 9:17


Ano ba ang mga salitang alam ko na bago ako nag-aral nang Nihongo? Sa episode na ito, pag-uusapin natin ang mga salitang Nihongo at Tagalog. Sige nga, subukan natin. Kapag maganda ang nagawa nating episode ngayon, baka ituloy ko ito. Kaya ibig sabihin, may script tayo sa episode na ito. Yehey! Hahaha! May naisulat akong limang halimbawa kaya pwede niyong sabayan na basahin yung script ko na ilalagay ko sa description box. O sige! Simulan na natin. Taralets! Una sa lahat, yung salitang “ano” (あのう)? Ano? Ano yun? Kapag hindi mo alam ang sasabihin mo, sabihin mo lang “ano”, mapa-Tagalog man yan o Nihongo, maiintindihan nila yan. Hehehe! Pangalawa, yung salitang “siomai” (しゅうまい). Sa Nihongo, tawag nila “shumai” pero sa Tagalog naman “siomai”. Mahilig tayo sa spicy siomai at siomai rice kaya sariling sikap lang para makakain ka ng ganito. Bili ka lang sa supermarket at ayos na ang buto-buto. Hehe! Pangatlo… ano ba? Di ko na babangitin yung salita pero yung Tagalog ng salitang “cow” sa Ingles, madaling matandaan sa Nihongo. Hahaha! Sa Nihongo, ang ibig sabihin nito ay tanga. Ang salitang ito sa Tagalog bukod sa “cow” or “ushi” (牛)naman ay nangangahulugang “tabun” (多分)。 Pang-apat, yung salitang “mura” (村). Sa Nihongo, ibig sabihin nito ay village or barrio. Sa Tagalog naman, ang “mura” ay nangangahulugang “yasui” o kaya naman “waruguchi”. Kaya yung pangalan na Nakamura-san, sa Tagalog, ang ibig sabihin niya ay isang taong nag-mura, “waruguchi wo iuteshimau kuse ga aru toka” (悪口を言ってしまう癖があること)tapos pwede rin mangahulugang isang taong nakabili sa mas mababang presyo o sa Nihongo, “otoku ga aru mono wo kau dekiru koto desu”. Panglima, ano ba? Medyo iba ito sa apat na nabanggit ko pero sige ito yung naisip ko e. Hehe! Naisip ko kasi yung pangalan na pwede sa Pinoy at Hapon. Yun ay ang pangalang Mayumi (真由美)。 Sa Tagalog, ang ibig sabihin kasi ng mayumi ay malinis, dalisay, at mahinhin. Sa Japanese, ano ba ang ibig sabihin ng “真由美”? Mayumitte, Nihongo de dou iu imi desu ka? (真由美って、日本語でどういう意味)Ano ba yung ibig sabihin ng 真由美 sa Japanese? Bale iyon ang limang halimbawa ko ng Japanese words na madaling matandaan para sa isang Pinoy. Hehe! Kumusta naman ang episode natin ngayong gabi? 如何でしたでしょうか? Comment naman kayo. Hanggang dito na lang po at kita-kits sa susunod na episode. Muli, ako nga pala si Allen at pansalamantalang nagpapaalam. Ingat po kayo palagi at kita-kits! Bye bye! --- Send in a voice message: https://anchor.fm/allen-timola3/message

Kudazzers
S7 KUDA 4: B D E

Kudazzers

Play Episode Listen Later Jul 21, 2021 47:19


Naisip namin gawin ang episode na ito dahil feeling namin on brand chour! Mahilig kasi kami sa malaki

pero kuda naisip
Negosyo Realtalk by Arvin Orubia
EP 84: Paano Mo Masisimulan Ang Negosyong Naisip Mo, Itutok Mo Yung Buong Atensyon Mo Sa Negosyong Gumagana, Net Profit After Taxes At Iba Pa Sa Negosyo

Negosyo Realtalk by Arvin Orubia

Play Episode Listen Later Jun 10, 2021 58:32


Negosyong usapang Paano Mo Masisimulan Ang Negosyong Naisip Mo, Itutok Mo Yung Buong Atensyon Mo Sa Negosyong Gumagana, Net Profit After Taxes At Iba Pa Sa Negosyo --- Send in a voice message: https://anchor.fm/arvinorubia/message Support this podcast: https://anchor.fm/arvinorubia/support

SBS Filipino - SBS Filipino
From trash to canvas: Sydney-based Filipino artist turns paper bags into art - Pagka-malikhain habang nasa quarantine: Filipino artist gumamit ng mga patapon na bag na papel bilang kanyang canvass

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 9, 2021 11:52


Have you ever wondered how much trash are collected from hotel quarantine food deliveries? Sydney-based artist Cheryl Quejada-Canning thought she could use her creativity to turn used paper bags into art canvases. - Naisip mo ba kung gaano kadaming basura ang naiipon mula sa hotel quarantine kung tatlong beses sa isang araw ang paghahatid pagkain sa mga naka-quarantine? Dito lumabas ang pagkamalikhain ni Cheryl Quejada-Canning. Gamit ang mga naipong paper bag na ginawa niyang canvas, nakabuo siya ng mga paper bag paintings.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | MAYO 24, 2021 - Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 23, 2021 3:43


MABUTING BALITA | MAYO 24, 2021 - Lunes sa Ikawalong Linggo ng Taon Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Iglesya Humihingi ka ba ng tulong panalangin kay Maria sa mga isinusumamo mong kahilingan sa Diyos? EBANGHELYO: JUAN 19:25-35 Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Jesus na natupad na ang lahat ngunit kailangang maganap ang isa pang kasulatan at sinabi n'ya: “Nauuhaw ako.” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak kaya ikinabit nila sa isang isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniiti nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi n'ya: “Natupad na.” At pagkayuko ng ulo, ibinigay n'ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo. PAGNINILAY: Isa sa pinakamalungkot na experience ng pamilya namin ay nung mamatayan ako ng kapatid. Nasabi ng nanay ko na hindi raw dapat naglilibing ang magulang ng anak, dahil ito na ang pinakamasakit na pwedeng danasin lalo na ng isang ina. Nakita ko na sobra siyang nasaktan, pero kakaiba rin ang tapang at lakas na ipinakita niya, habang pilit niya itong hinarap at tanggapin. Naisip ko noon na espesyal talaga ang puso ng ina – siya lang ang makakaramdam ng ganitong sakit na mawalan ng anak na iniluwal at pinalaki niya, pero nagiging malakas ito sa mga ganitong pagkakataon. Sa pagbasa natin ngayong araw, gusto kong tawagin itong pagpupugay at pag-alala sa mga ina na may ganitong karanasan. Huwaran ang dakilang puso ni Maria na nagpakita ng kakaibang lakas ng loob para matiis ang lahat ng sakit habang nakikita niyang naghirap hanggang sa kahulihang paghihintay ng kamatayan ng kanyang anak. Sa katuparan ng plano ng pagliligtas ng Diyos, buong pusong sumunod siya sa kalooban ng Diyos at buong pusong sinamahan ang anak man ng Diyos---- pero sa kanya bilang ina ay kaisa-isang anak na galing sa kanyang sinapupunan. Ang pagpapaubaya niyang ito ay nagbunga ng paghahabilin ni Hesus sa kanya na maging ina nating lahat --- inang kasama natin sa lahat ng pagsubok at paghihirap sa buhay. Sa araw na ito, papurihan at pasalamatan natin ang Diyos sa ating mga ina at kay Maria na Ina ng Simbahan at Sambayanang Kristiyano. - Sr. Reajoy San Luis, fsp (Daughters of St. Paul)

Jefjef Horray
Naisip ko lang: Introduction lang ito badii

Jefjef Horray

Play Episode Listen Later Feb 26, 2021 3:54


First episode ito badii na naglalaman palang ng puro pagpapakilala kaya naman pag natapos mo ang epsiode na ito, pwedeng pwede ka nang magproceed sa next. Luvyaah

lang naisip
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | Pebrero 23, 2021 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 22, 2021 3:49


MABUTING BALITA | Pebrero 23, 2021 – Martes sa Unang Linggo ng Kuwaresma EBANGHELYO: MATEO 6:7-15 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Pag mananalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; naniniwala nga sila na mas pakikinggan sila kung marami silang sinasabi. Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi. Kaya ganito kayo manalangin: Ama naming nasa Langit, sambahin ang Ngalan mo, dumating ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa Langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin mo ang aming mga pagkakautang gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, at iligtas mo kami sa masama. Kung patatawarin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa Langit. At kung hindi ninyo patatawarin ang mga nagkasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.” PAGNINILAY: Naranasan mo na rin bang makatanggap ng isang bagay na kailangang-kailangan mo, bago mo pa ito hingin sa Panginoon? Ako, maraming beses na. Kaya tuloy namimihasa na akong huwag na munang humiling kasi alam naman ng Diyos kung ano talaga ang hangarin ng aking puso. Sabi nga sa talata walo, “sapagkat nababatid ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa ninyo ito hingin sa Kanya”. At naniniwala ako, na kung naaayon sa kalooban ng Diyos ang hinihiling mo, tiyak na ipagkakaloob Niya ito. Minsan nga may naka-schedule akong talk o animation sa Paulines Media Center kung saan ako naka-assign. Naisip kong magbigay ng souvenir item sa mga mag-aaral na dadalo. Ilang araw bago yong nakatakdang araw ng animation, may isang babaeng pumunta sa Media Center. Lumapit siya sa akin at ang sabi, “Sister, gusto ko pong tumulong sa misyon ninyo. Paano po ba?” Alam nyo po habang ipinapaliwanag ko sa babae ang plano kong gawin sa animation, nangingilid ang luha ko sa sobrang tuwa. Imagine, iniisip ko pa lang, nagpadala na agad ang Diyos ng taong nais tumulong. Isa nga siyang tunay na Ama, na nakakabatid ng taimtim na hangarin ng ating puso. May karanasan ka rin bang katulad nito? - Sr. Lou Ranara, fsp (Daughters of St. Paul)

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 29, 2021 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 28, 2021 4:29


Mabuting Balita | Enero 29, 2021 – Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 4:26-34 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una'y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang. PAGNINILAY: Narinig natin sa Mabuting Balita ang paghalintulad ng kaharian ng Diyos sa isang magsasaka na naghasik ng maliit na butil ng mustasa. Lumago ang butil na kanyang inihasik nang di nya napapansin. Yumabong ito at nagkaroon ng dahon, kung saan ang mga ibon ay masayang dumadapo. As a Missionary, we must not get tired of proclaiming the Word of God. We must be patient enough to wait for the signs of the kingdom, even if they seem very slow in coming. We must trust in God's power to realize the divine plan for the world. Taong 2017 nang kaming tatlo IOLA's na nakatira sa Formation Center sa Pasay ay nag umpisang magturo ng catechism, sa mga batang kapitbahay namin. Mga batang may edad na apat pataas; may mga batang di pa marunong mag sign of the cross at magdasal; ang iba ay magulo, maingay at di nakikinig, at makukulit. Naisip tuloy namin, na kaya lang sila pumupunta ay dahil sa nagbibigay kami ng meryenda. Makaraan ang isang taon, sa matiyaga naming pagtuturo, napansin namin ang kanilang pagbabago. Dumarating na sila on time, malinis ang katawan, nakikinig na sila sa mga tinuturo at gumagawa na rin ng homework. Naisama na rin namin sila sa children's Mass sa parokya. Behave sila sa loob ng simbahan habang nagmimisa, at hanggang sa paglalakad namin pauwi. Dahil sa pandemya, nahinto ang aming catechism class. Sa ngayon kapag nakikita namin sila sa labas, nagtatanong sila kung kailan muli ang catechism class. Nakikita namin sa kanilang mga mukha ang pananabik na makinig sa Salita ng Diyos. - Dolores Montales, IOLA Manalangin tayo: Panginoon gabayan nawa kami ng Iyong banal na Espiritu upang maipahayag at maisabuhay namin ang Mabuting Balita. Amen.

Narinig ko sa Polyrep
RYLYN: Byahe ng Tadhana't Pangangarap

Narinig ko sa Polyrep

Play Episode Listen Later Dec 27, 2020 25:58


Naniniwala ka ba sa tadhana at sa pangarap na itinadhana sa'yo? Naisip mo ba na may pwersang nakapagbabago't sumusuyo sa 'yo sa bawat daan na tinatahak mo, sa bawa't pagpili mo? Ang hiwaga ng buhay at ang byaheng dapat mong harapin ay naghihintay lang. Halina't makinig sa kwentuhang paniniwala. 

Fully Remote Family
1000 Followers in 11 Days + First Online Job

Fully Remote Family

Play Episode Listen Later Nov 16, 2020 31:26


"I feel great and happy to be able reach the 1000 followers challenge in 11 days! Before kasi, i really doubt kung kaya bang maabot yung number kasi miski yung own IG account ko, konti lng naman followers ko. Naisip ko rin na baka mahirapan talaga ako. Tapos nung nag start ng mag grow, i was amazed kasi hindi naman ganun kahirap talaga. Pero syempre, i put effort and spent time din naman to make it happen. Nkaka amaze lng din kasi npaka busy ng IG account ko kasi sunod sunod na yung nagpa follow. Ang sayang tingnan na madaling nag grow yung numbers. Na change yung perception ko na mahirap i grow yung followers when i did the challenge. I learned na hindi naman mahirap kung may effort ka na gagawin and also yung nag e engage ka rin duon sa mga nag follow sa iyo. Na anything is possible talaga. Also, i learned na tama ka talaga sir Jomar na hindi lahat ng secrets nire reveal sa youtube. I will indeed try to go for the 2000 challenge! 10k? Will try it kasi nakaya naman ng iba. Find out more in the audio interview! Jomar Hilario Join the FREEDOM CHALLENGES to learn how to grow an instagram account from ZERO to 1,000 FOLLOWERS. Join us here: http://virtualcareersacademy.com

Chikatitos: Pinoy Geeky Podcast
Chikatitos #11 - What's your super power?

Chikatitos: Pinoy Geeky Podcast

Play Episode Listen Later Jul 19, 2020 36:42


Naisip mo na ba noon na mag karoon ng super powers? Super powers and pag-uusapan ng mga titos at tita natin ngayon! Meron bang gusto mag levitate? Mag teleport? Maging Psychic? Super strength? See the future? Marami na ngayong super powers dahil sa mga comics and movies, pero if posibleng magka powers, ano nga ba ang gusto ng mga titos at tita natin? Kayo? Anong super powers ang gusto niyo? If you want to join us in our live sessions, visit our Twitch channel Gags N Geeks. That said, we hope you are doing well, stay safe, and enjoy this episode of Chikatitos! --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app