Coffee Na Lang Dear

Follow Coffee Na Lang Dear
Share on
Copy link to clipboard

The best pa din talaga ang magkaroon ng deep and meaningful conversations sa mga taong mahalaga sa'yo, especially when you do it with a cup of coffee. Sa podcast na ito ay sama-sama nating talakayin ang mga bagay patungkol sa travel, music, karagatan, kabundukan, kaperahan (power!), trabaho, sports,…

Jeff


    • Sep 16, 2024 LATEST EPISODE
    • monthly NEW EPISODES
    • 42m AVG DURATION
    • 127 EPISODES


    Search for episodes from Coffee Na Lang Dear with a specific topic:

    Latest episodes from Coffee Na Lang Dear

    120 - Panaginip

    Play Episode Listen Later Sep 16, 2024 57:02


    Let's talk about DREAM in this episode! Hindi pangarap, kundi panaginip.

    119 - Rest, Reset, Rise

    Play Episode Listen Later Aug 28, 2024 30:03


    Ahoyyy! Grabe, sobrang tagal naming nawala sa ere. Last episode namin nung December 2023 pa. Eh anong petsa na ngayon? LOL Sobrang daming ganap. Hindi namin alam kung kaya pa namin maikwento lahat nang nangyari for the past 8 months. Pero susubukan nating utay-utayin 'yan. Anyways.. at dahil ang tagal nga naming nawala, medyo related yung topic sa aming pagbabalik. Ito ay ang tatlong (3) R: Rest, Reset, and Rise. Baka kailangan mo na nito. Kinig na! ☕

    118 - Magplano Kahit Walang Planner

    Play Episode Listen Later Dec 30, 2023 43:41


    Papasok na ang taong 2024 at marami na naman sa atin ang nagsipagbili na ng kani-kanilang mga planner. Ang sarap sa pakiramdam na may bago ka na namang planner na susulatan. Pero aminin natin, hindi porke't may planner ka eh may maganda ka na ding plano for the whole year. Kase karamihan sa may mga planner, usually 2-3 months lang nasusulatan. Tapos wala na uli. Tinamad na or na-lost track na. So at the end of the day, it all depends upon you kung paano maisasakatuparan ang bawat planong isusulat mo sa planner mo. Kaya'y may planner ka man o wala, pagtulungan nating i-maximize ang ating taon. P.S. Maraming salamat kay Marts Valenzuela sa pagpapahiram sa amin ng topic na ito. Paki follow nyo siya sa kanyang blog: https://martsvalenzuela.com/ https://martsvalenzuela.wordpress.com/ http://heartsandhalo.blogspot.com/ ☕

    117 - Team Field vs Team Office

    Play Episode Listen Later Dec 20, 2023 62:59


    Are you from Team Field or from Team Office? Ano nga ba ang advantages at disadvantages of one over the other? Saan mag stressful mentally and emotionally? Saan naman mas exhausting physically? Lahat nang yan ay tinalakay namin dito sa newest episode at siguradong mapa-team field or team office man kayo, makakarelate kayo dito! Tara, makinig na! ☕

    116 - Twice: Ready To Be

    Play Episode Listen Later Nov 2, 2023 72:11


    At ayun na nga po. Sobrang tagal na naman bago nasundan yung last episode namin. Sorry na po..

    115 - Epidemic of Multitasking

    Play Episode Listen Later Jul 16, 2023 51:43


    There's no such thing as multitasking, ika nga ni Jeff. We're just fond daw of shifting from one task to another at a very fast pace. Ganito ka din ba? Do you think you're becoming productive whenever you do so? Pag-usapan natin yan!  ☕

    114 - Procrastination

    Play Episode Listen Later May 29, 2023 56:04


    If you will notice, it has been ten weeks since the last episode. You know why? Kasi we've prepared so much for this one. We had to experience it first hand so we can share meaningful insights about the topic. Chz.

    113 - Passion vs Purpose

    Play Episode Listen Later Mar 16, 2023 35:13


    Isang co-mug ang nagpadala ng sulat sa amin dito sa CNLD at humihingi siya ng payo regarding not being motivated and passionate like before. Sumasabay na lang sa agos. Parang may kulang. Hindi alam kung saan patutungo. Sounds familiar, 'diba? Tara, pag-usapan natin yan habang umiinom ng mainit na kape. ☕

    112 - Dating Red Flags

    Play Episode Listen Later Feb 16, 2023 45:05


    Human connection is an important part of our lives, but not all relationships make our lives better, diba? Usapang puso at pag-ibig tayo this episode, focusing on the importance of identifying red flags in the early stage of dating. Tandaan that if a red flag appears more than once, it's important to take note before the relationship goes too far, okay? ☕

    111 - Let's talk about Discipline

    Play Episode Listen Later Jan 14, 2023 33:46


    Bagong taon, dami nanaman nating plano for sure. Ilang taon na ba nating sinasabi na magpapapayat tayo?

    110 - Ten Controversial Questions about Christmas

    Play Episode Listen Later Dec 19, 2022 60:24


    Season of giving and season of forgiving, ika nga. Season din ng sobrang traffic at dami ng mga naglalast minute purchase sa malls. Dahil ilang araw na lang, magpa-Pasko na! Kung stuck ka sa traffic ngayon o waiting sa pila ng taxi or sa grab na binook mo, it's the best time to listen on our answers to these 10 controversial questions about Christmas. Maligayang Pasko! ☕

    109 - Body Clock

    Play Episode Listen Later Nov 22, 2022 55:06


    We are ruled by time, ika nga, whether by an alarm clock or our own internal clock. Ang katawan nga natin ay filled with clock, which is embedded in our DNA. Lahat ng orasan na ito ay regulated by what we call master clock or simply means a group of neurons in the brain called Suprachiasmatic Nucleus (SCN). Whattt?!? Pinagsasasabi nito ni Jeff? :D Join us in our discussion as we talked about BODY CLOCK and how Jeff deals with a major change in his schedule from night shift to day shift. ☕

    108 - What is your kind of Motivation?

    Play Episode Listen Later Oct 26, 2022 65:09


    Alam naman natin that the term motivation is the force that drives us to perform a task or behavior. Ito ang sagot sa tanong kung bakit tayo bumabangon araw-araw. Maybe you feel like demotivated today or parang uninterested ka sa maraming bagay. Isipin mo na lang, something motivated you to look up this podcast episode today. Meaning, you obviously want to get back in the groove and that counts for something. You actually took the first step already, kaya congrats sayo! ☕

    107 - Inspiration is for Amateurs

    Play Episode Listen Later Sep 28, 2022 38:36


    Inspiration is for the weak! Tayo yung tipong bumabangon at kumikilos regardless of our mood. Feels like Monday everyday? Di ka nag-iisa. Pero di tayo titigil, diba? In this episode, we've discussed that lack of inspiration won't stop us from doing great and excel in everything that we do. May bonus tips pa kung paano huhugot ng drive to move kahit sobrang nakakatamad na. ☕

    106 - Pagod Na Ba U?

    Play Episode Listen Later Aug 28, 2022 40:38


    Last episode napag-usapan namin ang iba't-ibang ka-toxikan sa loob ng opisina. At kapag nakakaranas ka ng puro toxic sa kapaligiran, 'di maiiwasan na ma-stress ka din at mapagod. Kaya on this episode, ang pag-uusapan naman namin ay ang iba't-ibang klase ng "rest" or pahinga na pwede nating gawin kapag tayo ay pagod at stress na. Meron daw kaseng 7 types of rest. Kung anu-ano ang mga ito, listen to this episode to find out. :) ☕

    105 - Toxic ang officemate mo kung...

    Play Episode Listen Later Jul 27, 2022 63:10


    At dahil nga about toxic officemates ang mga napag-usapan namin sa episode na ito, may mga instances na parang nai-imbyerna na din kami dahil kami mismo parang triggered na din. Haha.. Kaya, TRIGGER WARNING: Baka maalala ninyo ang mga toxic officemates niyo sa mga sitwasyon at halimbawa na binanggit namin dito. Kaya magbaon ng konteng pasensya at huwag kalimutang mag inhale-exhale. LOL Pero promise, masaya po itong kwentuhan namin. Plus, meron din kaming guest na may ikinuwentong medyo creepy na ka-boardmate nya. Curious kayo kung ano? Join us on this episode to find out. :) ☕

    104 - Usapang Jebs, Utot, at Adrenaline Rush

    Play Episode Listen Later Jul 12, 2022 47:56


    Sa ating 104th episode, tamang chill muna tayo at kwentuhan. Dito napag-usapan namin ang patungkol sa "adrenaline rush". Ano nga ba ang benefits nito sa ating katawan at ano ang aming personal experiences patungkol dito. Malalaman niyo din kung bakit medyo matagal kami bago makapag-upload lately at kung bakit napag-usapan din namin ang patungkol sa jebs at utot. Pastintabi sa mga kumakain, pero pramis may sense 'to. Haha.. ☕

    103 - Sagadin sa Sagada

    Play Episode Listen Later Jun 23, 2022 63:03


    Many are asking about our recent trip to Sagada. We have received queries regarding the requirements, how to go there, itinerary, etc. Kaya minabuti naming ikwento sa inyo ng isang bagsakan dito sa episode, including tips and important details to consider. If you're planning to visit Sagada soon, nasa tamang podcast ka! ☕

    102 - Art of Waiting

    Play Episode Listen Later May 30, 2022 38:37


    Meron ba ditong nag-eenjoy sa paghihintay? Be it falling in line in your favorite fastfood, waiting for your number to be called when doing an over-the-counter transaction in a bank, o kahit yung makarating lang kayo sa destination niyo sa haba ng byahe? Kaurat, 'diba? Ano nga ba ang Art of Waiting? Paano nga ba yung finding meaning in the meantime? Tara, pag-usapan natin yan! P.S. 3 years na po ang CNLD Podcast! Woohooo!!! ☕

    101 - Life Hacks

    Play Episode Listen Later Apr 10, 2022 46:11


    The term "101" usually means basic principles or concept. So dahil nasa episode 101 na tayo, we will share some 101 na pwedeng i-apply sa ating pang araw-araw na buhay or sort of "life hacks". Ano ba ang dapat gawin para hindi maluha habang nagbabalat ng sibuyas? Or paano ba maiiwasan yung air pressure sa tenga kapag magte-takeoff ang plane? Ilan lang 'yan sa mga napag-usapan namin. So sit back and enjoy! :) ☕

    100 - Going Back to Momentum

    Play Episode Listen Later Mar 7, 2022 53:42


    100th!!! Wohooo! Ayun na nga po, finally, umabot na din ng 3 digits ang ating published episodes! Achievement unlock, mga Co-mugs! Hindi rin biro ang umabot sa 100th episode. Minsan may mga araw din na hindi namin feel mag-record or parang ang hirap bumalik uli sa groove. Kaya naman minarapat namin na ang maging topic sa episode na 'to ay all about momentum -- dahil ang pagbalik muli ng momentum ang dahilan kaya na-sustain naming makagawa ng content hanggang sa ika-isang daang episode. Ikaw, feeling stuck ka na din ba? Hindi ka na ba makabalik sa dati mong routine? Or di kaya nahihirapan ka nang buhaying muli ang mga bagay kung saan ka passionate? If yes ang sagot mo, then para sa'yo ang episode na ito. ☕

    99 - Usapang Lipat-Bahay

    Play Episode Listen Later Feb 13, 2022 53:23


    Kung nasusubaybayan niyo yung mga past episodes namin, na-mention namin dun na maglilipat na ng bahay sila Jeff. And finally, last month natuloy din. Pero bakit nga ba tumawid pa ng taon bago sila nakalipat? Totoo bang na-stress si Jeff? At ano nga ba ang dapat tandaan tuwing maglilipat? Listen and join us on our 99th episode! P.S. At ano nga bang nangyari sa sandwich ni Rhea? Hahah.. ~Jeff ☕

    98 - After Getting Boosted, We Got Tested

    Play Episode Listen Later Jan 22, 2022 44:03


    So ayun na nga, co-mugs. A week after Jeff and I got boosted, we got tested and quarantined. Sinong positive? Sinong negative? At bakit kami tawang-tawa sa results ng RT-PCR namin? Find out our journey from getting sick to recovery. Take care, everyone! Get well sa mga may sakit. ☕

    97 - Boost Your Life

    Play Episode Listen Later Jan 9, 2022 27:46


    Since katatapos lang namin magpa-booster ni Rhea at ito din ang una naming episode sa panimula ng taon, pinag-usapan namin dito kung paaano nga ba ma-boost ang ating buhay. Gusto mo bang simulan ang 2022 na productive and efficient? Join us on this episode at sama-sama tayong magpa-booster ng ating buhay. ☕

    96 - Ikaw Ay Nasa Tipikal Na Pinoy Family Reunion Kapag...

    Play Episode Listen Later Dec 31, 2021 38:00


    December na naman at uso na naman ang mga family reunion. At tuwing reunion hindi nawawala ang mga linyahang "Tumaba ka ah?" Or di kaya "Kelan ka mag-aasawa?" Hay naku, lagi na lang. Hahaha. Kayo ba mga Co-Mugs, hindi ba kayo naaasar kapag tinatanong kayo ng ganyan? At ano pa ba ang mga signs na ikaw ay nasa isang Pinoy Family Reunion? Kinig na sa aming latest episode bago matapos ang taon. **Uploading this episode 3hrs before the year ends. Advance happy new year everyone! :) ☕

    95 - Kwentong May Catch: Ipis, Japan and Red Light District

    Play Episode Listen Later Dec 22, 2021 43:00


    2 days to go na lang bago mag-Christmas! Pero hindi muna about Pasko ang pag-uusapan namin ngayon. Medyo gawin lang muna nating light, kaya ramdom kwentuhan lang muna about cockroach sa kotse, pahapyaw ng red light district at kwentong Japan na may catch. Ikaw, may kwento ka din bang interesting or di kaya may catch? Kinig ka sa episode na ito hanggang dulo para ma-gets mo ang ibig naming sabihin. ☕

    94 - 'Pag Birthday Mo Ba...

    Play Episode Listen Later Nov 26, 2021 53:09


    Birth month na ni Jeff kaya ang topic namin ngayon ay all about birthdays! At sa episode na ito we've come up with these questions: Big deal ba sa inyo kapag hindi kayo binati sa birthday niyo? Or keri lang? Ikaw ba yung tipong gustong bongga lagi ang birthday celebration? Or mas prefer mo simple lang? May kilala ka bang nag-a unfriend sa FB dahil hindi mo naalala ang birthday niya? Lahat ng 'yan and all other random stuff about birthdays ang pag-uusapan namin sa episode na ito. ☕

    93 - 90's FM/AM Radio Stations, Disc Jockeys, Ernie Baron, atbp.

    Play Episode Listen Later Nov 1, 2021 48:06


    Ang topic talaga namin sa episode na ito ay about sa mga dream jobs namin (na hindi naman kailangan ganun kabongga) na pinangarap namin minsan sa buhay namin. At isa sa mga pangarap ni Jeff dati ay maging isang Radio DJ. Sa episode na 'to kinuwento niya ang mga nakakatuwa at nakakatawang experience niya patungkol sa radyo. Fast forward, hindi man siya naging DJ pero napapakinggan naman niya ang boses niya sa Spotify dahil sa podcast na ito. So, pwede na din. Hahah.. ☕

    92 - Rat Experiment: The Power of Hope

    Play Episode Listen Later Oct 23, 2021 33:14


    Noon 1950's may isinagawang eksperimento sa mga daga kung saan ilalagay ang mga ito sa isang bucket ng tubig at pag-aaralan kung gaano katagal bago sila mag give-up hanggang sa tuluyan nang malunod. Medyo cruel ba ang dating? At ano nga ba ang naging resulta ng experiment? Kinig na sa aming latest episode to find out! ☕

    91 - Attention Span and Boredom

    Play Episode Listen Later Sep 21, 2021 45:24


    Alam niyo ba na ang average attention span ng isang goldfish ay siyam (9) na segundo lamang? Noong year 2000 mas mataas pa ang attention span ng tao kumpara sa isda na ito. Pero sa panibagong pag-aaral, mas maikli na daw ngayon ang attention span natin kumpara sa gold fish. Kung umabot ka sa second paragraph na 'to, it means mas mahaba pa ng konte ang attention span mo compare sa average ng mga tao ngayon. So congrats sa'yo!

    90 - Mars, kumusta?

    Play Episode Listen Later Aug 30, 2021 43:41


    Nakatanggap ka na ba ng ganyang mensahe either via SMS or through PM? Ano ang nasa isip mong kasunod niyan? Kinabahan ka ba?

    89 - Hustle Culture

    Play Episode Listen Later Aug 17, 2021 46:42


    May mga tao daw na para sa kanila ang importanteng aspeto ng buhay upang makamit ang tagumpay ay sa pamamagitan ng walang humpay na pagtatrabaho. Ika nga nila, work, work, work! Pero hanggang saan ba ang limitasyon nang pagiging workaholic natin? Sigurado ba tayo na nakakatulong talaga ito sa atin, o baka naman mas nakakasama pa? Baka akala natin "hustle" ang ginagawa natin, pero ang totoo "hassle" naman pala talaga. Join us on this episode para iwas burnout. ☕

    88 - Gaming Console to Mobile Games, to Axie Infinity and Beyond

    Play Episode Listen Later Aug 7, 2021 53:36


    Isa sa mga sikat na gaming console noon ay ang Family Computer. Lahat ng batang 90's siguradong nakapaglaro nito. At isa sa mga sikat na games noon ay ang Super Mario, Battle City, Contra, Pacman, atbp.. Fast forward, from gaming console nalipat na sa mga mobile phones natin ang mga iba't ibang klase ng mga games. At kung noon pampaubos lang ng oras ang paglalaro, ngayon pwede na itong pagkakitaan. Isa sa mga sikat na play-to-earn games ngayon ay ang Axie Infinity. Ang minimum na pwedeng kitain ng maglalaro nito sa isang araw ay 150 Smooth Love Potion (SLP), na ang halaga as of this writing ay more or less 1,500 pesos. Bumaba na 'yan actually dahil last month ang 150 SLP ay nasa 3,000 pesos. Sinong mag-aakala na yung paglalaro at pag-aadik sa mga online games ay magiging makatuturan at pwedeng pagkakitaan? At baliktad na din ngayon, mga Parents na yung nagagalit kapag hindi naglalaro yung mga anak nila. LOL So kung interested ka kung anong meron sa latest craze na ito sa online gaming world, kinig ka na sa episode na ito. ☕

    87 - Differences between Men and Women

    Play Episode Listen Later Jul 28, 2021 49:37


    Ika nga ng isang libro, "Men are from Mars, Women are from Venus." Same species, pero magkaibang planeta. Biologically and physiologically, marami daw talagang pagkakaiba ang babae sa lalaki. Ang iba dito ay nakaka-amaze, habang ang iba naman ay nakakatawa. Halimbawa, young girls develop their right side of the brain faster kaya sila yung mas masalita at mas better ang memory. Sa boys naman, mas mabilis ang development ng left side of the brain kaya sila ang mas better sa problem solving and figuring out puzzles. Sa adults naman, kapag ang babae daw ay may problema, ang tipikal na response ng lalaki ay magbigay ng "solusyon". Pero "empathy" daw pala talaga ang hanap ng mga babae. Mahirap ba spellingin? Haha. But despite these differences, hindi maikakaila na ang pagkakaibang ito ay nakakatulong sa survival ng bawat isa. Join us on this episode to find out more about the differences of both gender. ☕

    86 - Four Financial Languages

    Play Episode Listen Later Jul 19, 2021 43:10


    Isa daw sa pinag-aawayan ng mga mag-partner ay ang usaping pinansyal. Hindi dahil kapos sila dito, bagkus ay hirap silang mag-communicate sa isa't-isa dahil magkaiba sila ng financial languages. So hindi lang pala love ang may languages, pati din pala sa financial. Samahan niyo kami sa episode na ito at alamin kung anu-ano ang apat na lenggwahe ng pinansyal. ☕

    85 - Gambling

    Play Episode Listen Later Jun 30, 2021 55:56


    Talpakan na! Nung kasisimula pa lang ng pandemic, maraming mga sugarol ang napirmi muna sa kani-kanilang mga tahanan. Wala silang magawa kase nga sabi ni Kim Chiu, bawal lumabas oh bawal lumabas. Pero dahil din sa pandemic, mas dumami din ang mga sugal na nagsulputan online. Bakit nga ba may mga naa-adik sa pagsusugal? At paano ba 'to maiiwasan or at least mabawasan man lang? Join us and listen to this episode habang tumataya kayo sa inyong favorite online betting! ☕

    84 - Kamote Riders

    Play Episode Listen Later Jun 23, 2021 74:36


    Sa araw-araw na byahe ko mula bahay papuntang opisina (and vice-versa), hindi maiiwasan na maka-encounter ako ng mga kamote sa daan, o kung tawagin natin ay mga "kamote riders." Pero bakit nga ba "kamote" ang tawag sa kanila? At mga naka-motor nga lang ba talaga ang kamote sa daan? Medyo madami-dami kaming napag-usapan dito kase medyo nadala ako ng emosyon ko, lalo na sa mga discrimination sa mga naka 2-wheels at pati na din sa iba pang mga kwentong aksidente sa episode na ito. Join us as we discuss kung ano nga ba ang mga hakbang na dapat gawin para 'di na dumami pa ang kamote sa daan. ☕

    83 - Slapsoil (Hampaslupa) Stories

    Play Episode Listen Later Jun 16, 2021 49:19


    Kahit saang lupalop man tayo ngayon ng mundo or kung ano man ang estado at katayuan natin sa buhay, one day isang araw eh hindi makakaila na nakaranas din tayo ng mga hampaslupa at ignorante moments. Minsan nakakahiya, pero madalas nakakatawa din naman. At sa mga karanasan na ito tayo natututo mga mamsh. Kaya 'wag ikahiya ang mga slapsoil moments, bagkus ay ipagmalaki natin 'yan at ipagsigawan! Kaya mga ka-slapsoil, kinig ka na sa episode na ito dahil ang hindi makikinig siguradong maki-keyk! Ikaw, anong hampaslupa moments mo? ☕

    Coffee Na Lang Dear (Trailer)

    Play Episode Listen Later Jun 14, 2021 0:58


    82 - Expresso: There's No Such Thing As Meaningless Hardship

    Play Episode Listen Later Jun 10, 2021 13:41


    Hardship contributes to character development of a person. Ika nga nila, "What doesn't kill you makes you stronger." Sometimes, hardship is painful. But if you can learn from it, and turn it into an opportunity for growth, you gain something back that stays with you forever. ☕

    81 - Wala Akong Time

    Play Episode Listen Later Jun 3, 2021 45:32


    "Wala akong time." "Busy ako." Mga katagang normal na nating naririnig ngayon. Bakit nga ba kung kelan naging advance na ang mga technologies natin at kung kelan ika nga eh we live in a fast-paced world, saka tayo nakukulangan sa oras? Kung feeling mo bitin ang 24 hours sa'yo, kinig ka na sa unang episode sa YEAR 3 ng CNLD at siguradong hindi kayo kukulangin sa time. :) ☕

    80 - Happy 2nd Podversary! + Celebrating Small Wins, Greetings and Giveaways

    Play Episode Listen Later May 28, 2021 32:12


    Woohoo!!! It's CNLD's 2nd year Podversary, mga co-mugs! In this episode, we tackled a bit about the importance of celebrating small victories. Syempre itinuloy na natin ang usapan sa pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon ng CNLD. Ang dami pala talagang nangyari! We will also hear the greetings from our PIPE family! Lastly, nandito na din ang announcement ng winners natin for our giveaway! Ang saya diba? Tara, coffee party na!!! ☕

    79 - Stanford Prison Experiment

    Play Episode Listen Later May 19, 2021 34:55


    Nag-conduct ng experiment ang isang Prof sa Standford kung saan may magpapanggap na prisoner and jail guards to simulate kung ano ang nangyayari sa toong kulungan. Pero naging kontrobersyal ang eksperimentong ito at naging pelikula pa nga gawa ng ingay na naidulot nito.  Bakit siya naging kontrobersyal? Alamin sa bagong episode ng CNLD!  ☕

    78 - Perception of Change

    Play Episode Listen Later May 14, 2021 52:33


    Change is the only constant thing in the world, ika nga. Nitong nakaraang taon, naranasan ng buong mundo ang biggest change in the way we normally do things dahil sa pandemic. Sa episode na ito ay pinag-usapan namin ang apat na perceptions of change. Saang grupo ka kaya nabibilang? How can we really navigate through change? Listen now! ☕

    77 - Marshmallow Test

    Play Episode Listen Later May 4, 2021 34:04


    Sa panahon ngayon lahat instant na -- instant noodles, instant coffee, instant soup, instant oatmeal, atbp.. Kaya naman ang mga tao ngayon gusto na din palagi ng "instant gratification". So anong kinalaman ng malambot na marshmallow dito? Ang Marshmallow Test ay isang experiment para daw sa "delayed" gratification. Totoo kaya ito? At papasa pa kaya ang mga kabataan sa ganitong test? ☕

    76 - Pet Peeves

    Play Episode Listen Later Apr 28, 2021 47:14


    Ano nga ba ang Pet Peeve sa Tagalog? Ahhmm.. Hirap i-translate eh. Haha. Basta ito yung bagay na ginagawa ng ibang tao na normal sa kanila pero nakakainis para sa'yo. Isa sa mga halimbawa ay yung maingay ngumuya. Sa iba nakakainis siya, pero sa ibang tao naman okay lang. Nandyan din yung mga nagku-kwentuhan habang nasa sinehan. O di kaya baka may officemate kang bida-bida. Ilan lang 'yan sa mga madalas na Pet Peeves natin. Join us on this episode as we discuss on how to deal with these Pet Peeves. ☕

    75 - Mirroring Effect

    Play Episode Listen Later Apr 22, 2021 53:10


    May mga times ba na you tend to copy kung ano yung inorder na food ng friend mo sa isang restaurant? Or nakukuha mo na ba yung punto or tono kung paano sila magsalita? Yung mannerism din ba ng best friend mo or partner mo eh nagagawa mo na din unconsciously? Ito ang mga halimbawa ng Mirroring Effect. Join us on this episode and find out kung saan pa nga ba ito pwedeng magamit. ☕

    74 - Placebo Effect

    Play Episode Listen Later Apr 14, 2021 38:55


    Nang minsang mauntog ang inaanak ko dahil sa kalalaro nito, umiyak ito dahil sa sakit. Nilapitan siya ng Nanay niya, hinipan at hinalikan ang ulo nito at sabay sabing "gagaling na 'yan, anak." After a few minutes, tinanong ko yung inaanak ko kung masakit pa ba. Ang sagot niya sa akin ay hindi na. Para sa bata, nakatulong yung ginawa sa kanya para maibsan yung sakit. Pero tayong mga adults, alam nating wala namang ginawang magic yung Nanay niya. Pero totoong napawi naman yung sakit na nararamdaman ng bata. So ano nga ba ang dahilan? Diyan na papasok ang Placebo Effect. Sabi kase nila expectations can change the outcome of our experiences. Ano nga ba ang maitutulong nito lalu na ngayong nasa kalagitnaan tayo ng pandemya? Join us on this episode as we tackle more examples of Placebo Effect and how we can use this to our advantage. ☕

    73 - Battle Against The Unseen Enemy (Covid-19 Survivor)

    Play Episode Listen Later Apr 8, 2021 87:01


    It was the first time that CNLD hosts interviewed a guest via online platform. Dahil bukod sa Lockdown 2.0, eh naka-isolate din ang aming guest due to exposure - for the second time! So pardon us for a bit low audio quality, but we're making sure to give you, of course, a quality discussion! Ano nga ba ang realidad sa buhay ng isang Covid patient? Kung ikaw ang alay at ikaw din ang nagbitbit ng virus sa bahay, pa'no na? What's the real situation in the quarantine facilities and hospitals? 'Yan at marami pang iba ang mapapakinggan ninyo dito sa pinakabangong episode ng #CoffeeNaLangDear. ☕

    72 - Biyahe Na Lang Dear Goes Glamping

    Play Episode Listen Later Mar 30, 2021 55:17


    Balancing both physical health and mental welfare is very important especially these days. Bilang mga likas na travelers, suffocating on our part ang makulong sa bahay at malimitahan ang paglabas. But what to do? May virus! Kaya naman we're making sure that whenever we go out, we strictly follow safety protocols. And just a week ago, before pa i-announce ang lockdown dito sa NCR+, we had the opportunity to experience glamorous camping a.k.a. "glamping." Pareho kaming first-timer kaya exciting! So pano, tara na at pakinggan ang masayang kwentuhan on this newest segment, #ByaheNaLangDear! ☕

    71 - Random Thoughts: Quarantine Variants, Memento, PIPE, Covid Fatigue

    Play Episode Listen Later Mar 25, 2021 54:02


    We were supposed to interview a Covid-19 survivor to wrap up our series for the month of March, “One Year After Lockdown,” but since cases are surging in the past weeks, we opted to record again indoor with just the two of us. Nakakamiss din talagang mag-usap with random topics, whatever comes to our mind at that very moment. We talked about the different variants of quarantine, the recent live streaming of PIPE Network, the movie we just watched, and Covid fatigue, to name a few. Tara, samahan niyo kami in this unplanned, yet refreshing and meaningful conversation. ☕

    Claim Coffee Na Lang Dear

    In order to claim this podcast we'll send an email to with a verification link. Simply click the link and you will be able to edit tags, request a refresh, and other features to take control of your podcast page!

    Claim Cancel