POPULARITY
Sermon: Ang Pinakamahalagang Tanong Ni Christ Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 8:27-30 Ang pagkakakilala ba natin kay Hesus ay batay lamang sa sabi-sabi ng iba, o nakaugat sa isang personal na ugnayan sa Kanya? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag magpadala sa ingay ng mundo, kundi makinig sa tinig ng ating Tagapagligtas na nag-aanyaya sa atin na lubos Siyang kilalanin. Is our understanding of Jesus based on hearsay, or is it rooted in a personal relationship with Him? This Sunday, Rev. Mike Cariño encourages us to rise above the confusing noise of the world and listen to the voice of our Savior who invites us to know Him intimately. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1cnb2yK4rAkqp_evqiOJKl31wlmWqji-4/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/09/21/ang-pinakamahalagang-tanong-ni-christ/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: Ang Pananampalataya That Christ Favors Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 7:24-30 Sa kabila ng mga hadlang na dulot ng pagkakaiba ng lahi, pananampalataya ang nag-udyok sa isang ina na hanapin si Hesus, at siya ring naantig sa puso ng Tagapagligtas upang tumugon sa kanyang pakiusap. Ngayong Linggo, ipinaaalala ni Rev. Mike Cariño na pinapaboran ni Kristo ang pananampalatayang lubos ang pag-asa sa Kanyang tulong at awa, kinikilala ng Kanyang pagsang-ayon, at determinadong makamtan ang Kanyang tugon. Despite the ethnic differences that separated them, faith motivated a mother to seek Jesus and persuade the Savior to respond to her plea. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that Christ favors a faith that is desperate for God's help, dependent on His mercy, distinguished by His approval, and determined to get His response. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1Ax5I-qPfW0es3Q_akssx9t-qwuIRDFhC/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/08/03/ang-pananampalataya-that-christ-favors/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: Ang Pagtuturo Ni Christ Despite Our Hardened Hearts Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 6:45-56 Bilang mga tagasunod ni Hesus, tayo ay dumadalo sa “paaralan ni Cristo” kung saan ang ating mga aralin ay binubuo ng mga pagsubok na tumutulong sa atin na mas maunawaan ang Kanyang katangian, kapangyarihan, biyaya, at layunin. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ginagamit ni Hesus ang mahihirap na sitwasyon upang hubugin tayo, turuan tayong umasa sa Kanya bilang ating Tagapagligtas, at i-ayon ang ating buhay sa Kanyang kalooban. As followers of Jesus, we are part of the "school of Christ," where our lessons include tests designed to help us understand His character, power, grace, and purpose. This Sunday, Rev. Mike Cariño shares how Jesus uses difficult situations to shape and teach us to rely on Him as our Savior so we learn to align ourselves with His will.
The Mari Kaimo StoryKabi-kabilang pagsubok ang kinaharap ni Mari sa kaniyang buhay. Matagal din siyang ilegal na nanirahan sa Amerika, kung saan namuhay siya nang may takot at walang kapayapaan. Ilang beses din niyang tinakbuhan ang pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at sariling Tagapagligtas. Subalit sa kabila ng lahat, kinatagpo pa rin siya ng Diyos at inayos ang kaniyang buhay. Paano nga ba ito nangyari? Support CBN Asia today!https://www.cbnasia.com/giveSupport the show
Sermon: Ang Pagpapagaling Ni Christ at Ang Kanyang Compassion Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:40-45 Nakakarelate tayo sa kwento ng pagpapagaling ni Hesus sa isang ketongin, dahil tayo rin ay desperadong mapagaling at mapalaya mula sa ketong ng ating kasalanan. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang pag-ibig at habag ni Jesus para sa lahat ng kumikilala sa kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas at lumalapit nang may pananampalataya upang humingi ng kagalingan at kalayaan. We relate deeply to the story of Jesus healing a leper because we, too, are desperate for healing and freedom from the sickness of our sins. This week, Rev. Mike Cariño explores Jesus' love and compassion for all who acknowledge their need for a Savior and come in faith seeking healing and deliverance. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1nDSI6zdCPAFwLx20SxynfQ_0thhmwo7q/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/02/16/ang-pagpapagaling-ni-christ-at-ang-kanyang-compassion/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: Ang Pagliligtas Ni Christ at Ang Kanyang Authority Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:21-28 May kapangyarihan ang Gospel na mapagtagumpayan ang anumang hadlang sa pamamagitan ng banal na awtoridad ni Kristo, ang ating Tagapagligtas at Hari. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ang kakayahan ni Jesus na magpalaya ay higit sa anumang makamundong sistema, impluwensya ng demonyo, o pisikal na limitasyon. The Gospel has the power to overcome any obstacle through the divine authority of Christ, our Savior and King. This week, Rev. Mike Cariño shares how Jesus' ability to set people free surpasses any worldly system, demonic influence, or physical limitation. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1vWXBA2rhsood9FlEBY-L7vpAhQo44QMe/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/02/02/ang-pagliligtas-ni-christ-at-ang-kanyang-authority/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: Paghandaan Ang Pagdating Ng Panginoon Series: God's Perfect Servant Speaker: Ptr. Allan Rillera Scripture: Mark 1:2-8 Si John the Baptist ay naglingkod bilang tagapagbalita sa unang pagdating ng Tagapagligtas at Hari ng sanlibutan. Sa linggong ito, hinihikayat tayo ni Pastor Allan Rillera na suriin ang ating mga puso, pagsisihan ang ating mga kasalanan, at paghandaan ang nalalapit na pagdating ng kaharian ng Diyos at muling pagbabalik ng ating Hari. John the Baptist served as a herald for the first coming of the Savior and King. This week, Pastor Allan Rillera urges us to examine our hearts, repent of our sins, and prepare for the coming kingdom of God and the return of our King. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1Ev9CtiWqvZYPzYQMqxjAMWPfxg9OkmVa/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/01/12/paghandaan-ang-pagdating-ng-panginoon/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: Ano Ba Ang Good News? Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:1 Ang Gospel ay tungkol sa kaligtasan at Tagapagligtas na kaloob ng Diyos para sa lahat. Sa unang linggo ng taon, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano natin maisasabuhay ang Ebanghelyo at magpatuloy sa pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus. The Gospel is about the gift of salvation and the Savior that God has given to everyone. On the first week of the year, Rev. Mike Cariño shares how we can live the Gospel and continue to trust our Lord Jesus. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/15Iortzoe155zX8d3l2u8_hkKMOxu__99/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/01/05/ano-ba-ang-good-news/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Sermon: The Heart of Christmas Series: The Heart of Christmas Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Luke 2:1-20 Ang tunay na diwa ng Pasko ay higit pa sa mga selebrasyon na karaniwang iniuugnay natin dito. Sa linggong ito, binibigyang-diin ni Rev. Mike Cariño na ang puso ng Pasko ay nasa isang Tagapagligtas na ating tatanggapin, isang Tanda na ating maaasahan, at isang Kuwento na muli't muling isasalaysay. The true spirit of Christmas lies beyond the festive celebrations we often associate with it. This week, Rev. Mike Cariño emphasizes that the Heart of Christmas lies in the Savior we receive, a Sign we can rely on, and a Story to be told and retold. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1Kq5ruePokhJ-G15u4f5j3NndpEBTtiax/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2024/12/22/the-heart-of-christmas/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria Isaias 61, 9-11 1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas. Lucas 2, 41-51
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy naming walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. Pagninilay: Sa pagmamadali kong umuwi, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking pamangkin. Pagdating sa bahay ng aking kapatid, patakbong yumakap ang pamangkin ko at tuwang-tuwang nagtanong – “Uncle, where is my donut?” Naku, halos matunaw ako sa hiya dahil wala akong dalang donut. Sabi ko na lang sorry at bukas ko na lang bibilhin kasi nalimutan ni uncle. Laking gulat ko nang ngumiti ang aking pamangkin at niyakap akong muli, sabay sabing, “It's OK uncle. But tomorrow it's already 2 boxes”. Mga kapanalig, sa Mabuting balita ngayon, nagmamadali si Maria upang dalawin si Elisabet na kanyang pinsan. Nagmamadali sapagkat dala-dala niya ang Mabuting Balita sa kanyang sinapupunan. Hindi niya ito makakalimutan sapagkat napakalaki at kagila-gilalas ito, na tiyak na ikamamangha ni Elisabet, na nakaranas din ng himala sa kanyang pagdadalang-tao. Pareho ang dumalaw at dinadalaw na may pasalubong sa bawat isa. Pareho nilang tangan sa kanilang puso at sinapupunan ang Mabuting Balita, at ang tinig na maghahanda ng daan para sa Mabuting Balita. Parehong nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at naging bahagi sa plano ng kaligtasan ng sanlibutan, ang magpinsan. Sa kanilang pakiki-isa at pagtugon sa Diyos nasimulan ang daan sa pangakong kaligtasan. Kapanalig, Paanyaya ito sa atin na makiisa at magmadali rin sa pagbabahagi ng Mabuting balita sa ating kapwa, na naghihintay marinig ang tinig at plano ng Diyos sa buhay nila. Nawa'y huwag nating malimutan ang tunay at nakasasabik na pasalubong para sa kanyang bayan – ang wagas na pagmamahal at walang hanggang awa at biyaya ng Diyos. Amen.
Kung ngayon ay popular tayo, darating ang araw na malilimutan din tayo ng mga kasamahan natin. Ngunit dahil sa pagtanggap natin kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, God will never forget us.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the Show.
Mabuting Balita l Marso 21, 2024 – Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Jn 8:51-59 Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Hesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.” Kaya dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Hesus at umalis sa Templo. Pagninilay: Ang mamuhay ayon sa Salita ng ating Hesus Maestro, may forever. Ligtas siya mula sa kamatayan. Si Hesus na ating Guro at ang Kanyang Salita, iisa. Di ba, sa simula pa lang ng Mabuting Balita ni Juan nasusulat na “Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos”? Nakasulat din ang pagpapatunay nito sa Aklat ng Pahayag. Nasasaad: “Suot Niya ang balabal na winisikan ng dugo at ang pangalan Niya ay Salita ng Diyos”. Siya na Tagapagligtas, nagdudulot ng walang hanggang buhay. Sa cyberspace, kapansin-pansin ang information overload, nakaka-overwhelm. Hahanga ka sa creativity ng mga communication scientists and technologists. Innovative at progressive ang kanilang inventions tulad sa Artificial Intelligence. Ask anything, anywhere. Ask Chatbot assistant, free ka nang magresearch. Save ang time mo, save na rin sa effort. Pero hanggang doon na lang ba ang kailangan natin? Kung may information overload sa communication technology, sa ating Hesus Maestro, hindi information overload kundi Word of God overflowing. Siya ang Perfect Communicator at abundant life ang dulot Niya. Tatlong araw na lang, Holy Week na. Dadalhin tayo ng Salita ng Diyos, na nag-cocommunicate ng great offering of life ng ating Hesus Maestro. Kaya't pagnilayan nating mabuti at maging buhay na saksi tayo ng Kanyang Banal na Salita. Totoong may forever ang Salita ng Diyos. Hindi lang itonagdudulot ng pagbabagong-loob, kalinisan ng budhi, at katiwasayan ng kaluluwa. Kundi nagbibigay sa atin ng pag-asa na makakapiling natin ang ating Panginoon sa buhay na ganap at kasiya-siya.
Mabuting Balita l Pebrero 21, 2024 – Miyerkules sa Unang Linggo ng Kuwaresma San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Lk 11:29-32 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Hesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan subalit walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ang mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon; at dito'y may mas dakila pa kay Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga- Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas dakila pa kay Jonas.” Pagninilay: Ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesus ay matagal nang hinihintay. Marami ang nagsasabi na ang mga nangyayari ngayon ay bahagi na ng End Time. Pero kelan nga ba ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesus? Nasusulat na ito ay mangyayari, pero, maging ang Anak mismo ng Diyos, hindi nababatid kung kelan ito magaganap. Mga kapanalig, marahil, likas na sa atin ang maniguro. May mga tao talagang nais humingi ng tanda. Sa pagbasa, narinig nating sinabi ni Hesus na ang lahing ito ay masama, dahil humihingi ng tanda. Noon, itinuring si Solomon bilang magaling na hari, pero alam natin, na si Hesus ang tunay na Hari, hindi sa sukatan ng lakas at kapangyarihan, kundi sa sukatan ng pag-ibig at pagpapakumbaba. Ang Kanyang kaharian ay nananahan sa puso ng bawat isa sa atin, kung hahayaan natin Siyang dito'y paghahariin. Manalangin tayo: Diyos naming Ama, tinatanggap naming malaking biyaya na ituring na mga anak mo. Salamat, dahil sa pamamagitan ng mga salita Mo, nakilala namin ang Iyong Anak na aming Tagapagligtas. Patuloy Mo pong gawing bukas ang aming mga puso, upang ang paghahari mo sa amin ay manatili, Amen.
Mabuting Balita l Enero 3, 2024 – Miyerkulis Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus Ebanghelyo: Juan 1:29-34 Nakita ni Juan Bautista si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Nagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat bago ako'y siya na.' Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.” At nagpatotoo si Juan: “Nakita ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya nakilala ngunit ang nagsugo sa akin na magbinyang sa tubig ang nagwika sa akin, ‘Kung kanino mo makita ang Espiritung bumababa at nananatili sa kanya, siya ang magbibigay sa Espiritu Santo!' Nakita ko at pinatotohanan ko na siya nga ang hinirang ng Diyos.” Pagninilay: Sa pagbibinyag ni Juan Bautista, noon din nabiyayaan siya na masaksihan ang hiwaga ng pagkatao ng kanyang binibinyagan. Siya si Hesus na ang kahulugan ay “Ang Diyos ay Tagapagligtas”. Sa mismong pag-submit ng ating Panginoong Hesus sa tubig, habang bumababa ang Banal na Espiritu, tulad ng kalapati, ipinahiwatig ang pagliligtas Niya sa atin. It is a manifestation of his “self-emptying”. Who humbled himself and became obedient to death—sa pamamagitan ng Krus. Ito ang nagaganap sa Sakramento ng Binyag. Ayon kay San Pablo Apostol, ang sinumang binibinyagan, nakikiisa, sa kamatayan ni Kristo, nalilibing at nabubuhay kasama Niya. Ito ang panibagong buhay na inihahandog sa atin. Nangangahulugan na nililinis, pinapawalang-sala at pinagiging banal tayo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng ating Poong si Hesus. Kaya mapalad tayo sa pagiging binyagan. (Ipinapakita ang baptismal certificate) Itinatago nyo rin ba ang inyong baptismal certificate? Ito ang dokumento na itinatak sa ating kaluluwa at diwa, si Hesus bilang ating Kaligtasan. Nakatala ang ating pangalan, kung sino ang ating mga magulang, kung kailan tayo isinilang, kailan tayo bininyagan, kung sino ang nagbinyag sa atin at ang ating mga ninong at ninang. Ikatlong araw na ngayon ng Year 2024, maging bahagi sana ng ating New Year's resolution, na ipalinis sa ating Panginoong Hesus ang nadungisan nating balabal ng kawalang-sala noong bininyagan tayo. Humingi tayo ng tawad, sa malimit nating pag-violate sa ating sacred baptismal promises. At sana, gawin nating best time of the day ang pagtanaw sa talukap ng mata ng bagong araw. Habang sinusundan natin nang tanaw ang pagtaas ng araw, pinupuri natin si Hesus na nagbuwal sa dilim ng gabi ng pagkakaalipin natin sa pagkakasala. Moment din ito, hindi lang ng pagbabago kundi ng pagiging instrumento ng pagbabago. Taas noo nating ipamalas ang tunay na pagiging ligtas. Ngayon, bukas, at sa buong taon.
Mabuting Balita l Disyembre 29, 2023 – Biyernes l Ika-5 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko Ebanghelyo: Lucas 2:22-35 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol sa Jerusalem para iharap sa Panginoon--tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at maka-Diyos ang taong iyon. Hinihintay n'ya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi s'ya mamamatay hangga't hindi n'ya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Pagninilay: Maligayang Pasko sa inyong lahat! Ngayong ika-limang araw ng Octave of Christmas, narinig natin sa Mabuting Balita ang pagtungo nina Jose at Maria sa templo ng Jerusalem, kasama ang sanggol na si Hesus, upang tuparin ang seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises. Sa templo, nakatagpo nila si Simeon isang lalaking matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nang makita ang sanggol, napabulalas si Simeon at nagpuri sa Diyos: “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa”. Mga kapanalig, tinuturuan tayo ni Simeon ng isang mahalagang aral. Ito ay ang halaga ng pananampalataya at pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Ganap na nagtiwala si Simeon na ang Tagapagligtas ay darating, at nangyari nga ito. Anong biyaya ang natanggap mo ngayong Pasko? Anong kahilingan mo ang ipinagkaloob ng Diyos? Anong pangako ang kanyang tinupad sa iyong buhay? Katulad ni Simeon, magpasalamat tayo at magpuri sa Diyos dahil sa kanyang katapatan at pagmamahal sa atin. -FR. ROLLY GARCIA JR.
Mabuting Balita l Disyembre 25, 2023 – Lunes l Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon Ebanghelyo: Juan 1:1-18 Sa simula'y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n'ya nagawa ang mundo. Hindi s'ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s'ya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako'y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Jesucristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma'y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama. Pagninilay: Sa wakas dumating na ang pinakahihintay nating araw ng Pagsilang ng ating Panginoon. Kaya kahit puyat tayo sa midnight Mass, mahalagang magsimba pa rin tayo sa araw na ito bilang pasasalamat sa Panginoong Hesus na unang nagbigay ng Kanyang Sarili noong Unang Pasko. Nagkatawang tao ang Diyos upang mamuhay kasama natin, para tubusin tayo sa kasalanan. Hindi ba isa itong dakila at napakalaking regalo mula sa Diyos? Pinawi ng Diyos ang dilim at pagkatakot na bumabalot sa ating mundo sa pamamagitan ng pagsilang ng Ilaw ng Sanlibutan, si Hesus-Emmanuel, Panginoon at Diyos na laging sumasaatin. Dahil sa pasko, nagkaroon ng ibayong pag-asa ang sangkatauhan. Hindi nananaig ang kadiliman dahil dumating ang Salita ng Diyos at nagkatawang tao na siyang Liwanag ng sanlibutan. Dahil sa pasko, alam nating tunay tayong minamahal ng Diyos. Manalangin tayo. O Diyos Amang Mapagmahal, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa araw na ito ng Pasko, kung saan sinasariwa namin ang kapanganakan ng Iyong kaisa-isa at pinakamamahal na Anak na si Hesus sa aming piling. Tanda ng Iyong wagas at dakilang pagmamahal sa bawat isa sa amin. Salamat po sa pagpadala Mo sa amin ng Iyong Anak na si Hesus, ang katuparan ng Iyong pangakong Tagapagligtas. Sa pagdiriwang po namin ngayon ng Pasko ng Pagsilang ng Iyong Anak, magdulot nawa ito sa amin ng panibagong pag-asa na kailanman, hinding-hindi mo kami iiwan at pababayaan, lalo na sa matitinding pagsubok sa buhay. Salamat po, O Diyos Ama. Salamat po. Amen.
Mabuting Balita l Disyembre 22, 2023 – Biyernes l Huling Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:46-56 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng May kapangyarihan, banal ang kanyang Ngalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't salinlahi. para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, Ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak Pinatalsik niya sa luklukan ang mga may kapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at itinaboy naming walang-wala ang mga mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingcod, Inalala ang kanyang awa. Ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, Kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailan man.” Mga tatlong buwan nanatili si Maria kasama ni Eelizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. Pagninilay: Dalawang tulog na lang! Pasko na! Ganito kami ka-excited na magkakapatid noon, kapag malapit nang matapos ang Simbang Gabi. Tulog ang binibilang, hindi araw. Dala-dala ni Maria sa kanyang sinapupunan ang Anak ng Diyos, at buong pagkatao niya ay punumpuno ng kaligayahan. At katulad natin kapag nagsasaya, hindi natin maiwasan ang kumanta – si Maria rin ay umawit ng kanyang Magnificat! Nadama niya ang paglingap ng Diyos sa kanyang kababaan at nagpuri siya sa Panginoon. Habang pinakikinggan natin ang kanyang awit sa araw na ito, magandang tingnan din natin kung gaano tayo kaliit sa harap ng kadakilaan ng ating Diyos na may gawa ng langit at lupa. Sabi nga sa salmo: “Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?” Kapanalig, anong mga biyaya ang natanggap mo o ginawa ng Diyos para sa iyo? Alalahanin mo ang ilan sa mga ito, at kasama ni Maria ay magpuri tayo: “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!” Amen. -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
At sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas! Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon, dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Dios. Banal siya! Kinaaawaan niya ang [...] Read More... The post Joy Is An Act Of Resistance appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.
Mabuting Balita l Disyembre 9, 2023 – Sabado l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 9:35-10:1, 5a, 6-8 Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinanoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Hesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.' Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay ninyo nang walang bayad ang tinanggap ninyo nang walang bayad.” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang Panginoong Hesus na naglalakbay, nagtuturo, at nagpapagaling ng mga may sakit. Ito'y isang malinaw na larawan ng Kanyang pagmamahal at paglilingkod sa mga nangangailangan. Si Hesus ay hindi lamang isang guro o manggagamot; Siya ay ang Tagapagligtas at modelo ng kabutihang-loob. Ipinakita Niya sa atin ang halaga ng pagmamahal sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Sinabi niya sa mga alagad: “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin Ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.” Mga kapanalig, baka tayo na ang tugon sa panalanging ito! Tayo ang mga mag-aani na nais ipadala ng Diyos. Ang Adbiyento ay panahon upang tingnan ang ating mga buhay at suriin kung paano tayo makakatulong sa mga nangangailangan. Ang munting hakbang na ito ay maaaring magdala ng malalim na kahulugan sa ating paghahanda para sa pagdating ng Panginoon. - FR. ROLLY GARCIA JR.
Mabuting Balita l Setyembre 28, 2023 - Huwebes | Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon San Lorenzo Ruiz at mga kasama, mga martir #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Lucas 9:7-9 Nabalitaan ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayari at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at nang iba pa na isa sa Mga Propeta noon ang bumangon. At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita si s'ya. Pagninilay: Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon, na nabagabag si Herodes dahil sa mga nababalitaan niya tungkol kay Hesus. May mga taong nagsasabi na si Hesus ay si Juan na Bautista na muling nabuhay, o si Elias na bumalik, o isa sa mga propeta noon na muling nabuhay. Naguluhan si Herodes at nais niyang makita si Hesus. Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz at mga kasamang martir. Siya ang unang santo ng Pilipinas. Ang pagninilay na maaari nating makuha mula sa ating Kapistahan, at sa ating Mabuting Balita ay ang tungkol sa pagkilala natin kay Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Si Herodes ay hindi nakakilala kay Hesus, kahit na marami na ang nagpapatotoo sa kanya. Siya ay naguluhan at natakot sa posibilidad na may iba pang makapangyarihan na lumilitaw sa kanyang nasasakupan. Siya ay hindi naghanap ng katotohanan, kundi ng kapakanan lamang niya. Si San Lorenzo Ruiz naman ay nakakilala kay Hesus, at handa siyang magtiis at mamatay para sa kanya. Hindi siya nag-atubili o nag-alinlangan sa kanyang pananampalataya, kahit na harapin niya ang pinakamatinding paghihirap. Hindi siya naghangad ng karangalan o yaman, kundi ng kaluwalhatian ng Diyos. Mga kapanalig, sa ating buhay, katulad ba tayo ni Herodes o ni San Lorenzo Ruiz? Kilala ba natin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas? Handa ba tayong sundin ang kanyang kalooban at magtiwala sa kanyang pagmamahal? O tayo ba ay naguguluhan at natatakot sa mga hamon at pagsubok na dumarating sa atin? Hinahanap ba natin ang katotohanan o ang sarili nating kapakanan? Sa araw ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, ipanalangin natin, na matularan ang kanyang halimbawa ng katapatan, katatagan, at kabayanihan. Ipagdasal din natin ang mga Pilipino na nasa ibang bansa, lalo na ang mga nahihirapan o inaapi dahil sa kanilang pananampalataya. Hilingin natin kay San Lorenzo Ruiz na ipamagitan tayo kay Hesus, upang makilala natin siya nang lubos at mahalin siya nang wagas. Amen. - Fr. Rolly Garcia Jr. | Director, Commission on Biblical Apostolate – Archdiocese of Manila
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 3:13-17 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit-ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.” Pagninilay: Ngayong kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal, narinig natin kung papaanong sinabi ni Hesus kay Nicodemo, na siya ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit, upang iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Sinabi rin niya, na tulad ng pagtaas ni Moises sa ahas sa ilang, na naging daan upang ang mga nakagat ay gumaling, kailangan din niyang mataas sa krus, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mga kapanalig, ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Handa niyang ibigay ang kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Hindi niya gustong maparusahan tayo sa ating mga kasalanan, kundi ibigay sa atin ang Kanyang biyaya at awa. Isa itong biyaya na hindi tayo karapat-dapat, pero ibinigay niya sa atin nang walang bayad. Kailangan nating manampalataya kay Hesus upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Kailangan nating tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, at sumunod sa kanyang mga utos. Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng bibig, kundi isang pagpapakita ng buhay. Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ay isang paanyaya sa atin, na magtiwala kay Hesus at magpasalamat sa kanyang dakilang pag-ibig. Isa din itong hamon sa atin, na mabuhay nang alinsunod sa kanyang kalooban, at magpatotoo sa iba tungkol sa kanyang biyaya. Nawa'y maging matapat tayo sa ating pananampalataya kay Hesus, ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit para sa ating kaligtasan. Amen. – Fr. Rolly Garcia Jr., Director – Commission on Biblical Apostolate | Archdiocese of Manila
Mabuting Balita l Agosto 15, 2023 Martes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal ng Birheng Maria (ABK) Ebanghelyo: Lc 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyangPangalan. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Si Maria ang great Masterpiece ng Banal na Diyos! Ang Banal na Diyos Ama, na sa Kanyang Banal na Espiritu, pinuspos si Maria nang hindi mabahiran ng kasalanan, at nang maging karapatdapat na maging Ina ng Diyos Anak. Siya rin ang Kabanal-banalang Diyos, na nag-akyat kay Maria sa Langit. Bilang Simbahan na naglalakbay, patungo sa banal na Tahanan ng Banal na Diyos, si Maria ang watawat ng ating pag-asa. Sa narinig nating Mabuting Balita ngayon, lumabas si Maria at nagmadali patungo sa kanyang pinsan na si Elisabet. Ito ang naging tema ng World Youth Day 2023 sa pamumuno ni Pope Francis noong August 1-6 sa Lisbon, Portugal. “Mary arose in haste” o “Lumabas at nagmadali si Maria.” Bawat kabataan, lumalarawan kay Maria. Inaasahang makibahagi sa misyon, ang bawat youngster, na dalawin ang mga nag-iisa; magbahagi ng masasayang balita via internet; magvolunteer sa mga local charities sa kinabibilangang Parokya. Ilan ito sa tinatawag na paglalakbay tungo sa kabanalan: Ang lumabas at dalhin si Kristo sa diwa ni Maria. -Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Agosto 6, 2023 – Linggo Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon Ebanghelyo: MATEO 17:1-9 Isinama ni Hesus sina Pedro, Jaime at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat na sila lamang ang kasama sa isang mataas na bundok. Nagbago ang anyo ni Hesus sa harap nila: nagningning gaya ng araw ang kanyang mukha at kuminang na puting-puti ang kanyang damit gaya ng liwanag. At nagpakita sa kanila sina Moises, Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya nagsalita si Pedro at sinabi niya: “Panginoon, mabuti at narito tayo. Kung gusto mo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias. Nagsasalita pa si Pedro nang takpan sila ng isang makinang na ulap. At mula sa ulap ay narinig ang salitang ito: “Ito ang Aking Anak, ang Minamahal, ang aking Hinirang; pakinggan ninyo siya.” Nang marinig iyon ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa, na takot na takot. Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo, at sinabi: “Tumayo kayo, huwag matakot.” At pagtingala nila, wala silang nakita liban kay Hesus. At sa pagbaba nila mula sa bundok, inutusan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang pangitain hanggang maibangon ang Anak ng Tao mula sa mga patay. Pagninilay: Ang pagkilala ng Diyos sa Kanyang Anak na lubos Niyang kinalulugdan ay isang patunay na si Hesus ay higit sa lahat ng mga propeta at higit sa lahat ng mga nilalang. Ipinapahayag ng Diyos Ama sa mga salitang ito na Si Hesus ang pinakadakilang pagpapahayag ng Kanyang sarili at ng Kanyang kaharian sa mundo. Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagbabagong Anyo ng Panginoon, inaanyayahan tayong kilalanin at tanggapin si Hesus bilang ating Tagapagligtas. Inaanyayahan tayo na sundin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang mga utos. Magpahayag tayo ng pagsamba at pasasalamat sa Diyos para sa Kanyang pag-ibig na walang katulad. Mga kapanalig, sa pamamagitan ng Kanyang pagbabagong anyo, ipinakita ni Hesus ang Kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan sa ating mga buhay. Ito ay isang pagkakataon upang purihin, sambahin, at magpatuloy sa pagsunod sa Kanya. Amen. - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
Mabuting Balita l Hulyo 27, 2023 Huwebes ng Ika – 16 Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 13: 10-17 Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nag tanong “Bakit sa pamamagitan ng mga talinhaga ka nag sasalita sa kanila? Sumagot si Hesus: “Sa inyo ipinag kaloob ang malaman ang lihim ng kaharian ng langit, ngunit hindi sa kanila. Sapagkat bibigyan pa ang mayroon na, at sasagana siya. Ngunit kung wala siya, aagawin kahit na ano na sa kanya. Kaya nag sasalita ako sa kanila ng patalinghaga, sapagkat tumitingin sila pero walang nakikita, nakakarinig sila pero hindi nakikinig o nakauunawa. Sa kanila natutupad ang mga salita ni propeta Isayas. Makinig man kayo ng makinig, hindi kayo nakauunawa. Tumingin man kayo ng tumingin, hindi kayo nakakakita. Pinatigas nga ang puso ng mga taong ito. Halos walang naririnig ang kanilang mga tainga. At walang nakikita ang kanilang mata at kung makakakita ang kanilang mata at makarinig ang kanilang tainga at makaunawa ang kanilang puso. Upang bumalik sila at pagalingin ko sila. Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na Makakarinig. Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong makakita ang nakikita ninyo ngayon peru hindi nila nakita at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig. Pagninilay: Bakit nga ba gumagamit si Hesus ng mga talinghaga? Mga kapanalig, walang intensyon si Hesus na iligaw tayo sa katotohanan, o di kaya'y maniwala tayo sa mga pekeng balita. Ang nais ni Hesus, maging open-minded tayo sa Salita ng Diyos. Pinuna niya ang mga may mata, pero bulag sa katotohanan, at ang mga nakikinig, pero hindi naririnig ang tunay na mensahe ng Mabuting Balita. Patunay nito, ang hindi nila pagkakilala kay Hesus bilang Mesiyas. Naging bingi at bulag sila sa kanyang salita. Isa ito sa mga dahilan, bakit siya nagsasalita ng patalinghaga sa mga tao, pero hindi sa kanyang mga disipulo. “Dahil ang kaalaman sa mga hiwaga ng Kaharian ng Langit ay ipinagkaloob sa mga disipulo, pero hindi sa lahat ng tao.” Kapanalig, gaano ka kabukas sa pagtanggap ng katotohanang ipinapahayag ng ating Panginoong Hesus bilang ating Mesiyas at Tagapagligtas? Binabago ka ba ng kanyang salita na iyong pinakikinggan at pinagninilayan araw-araw? Manalangin tayo: Panginoong Hesus, buksan Mo po ang aking puso at isipan upang manalig sa ipinahayag Mong katotohanan. Hilumin Mo po ang aking pagkabulag at pagkabingi, na makita at marinig ang Iyong mahiwagang pagkilos sa kasalukuyang mundo. Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya, lalo na sa mga pagkakataong ako din po ay nagdududa, na tunay kayong Buhay at nananatili sa aming piling, Amen.) - Clark Vincent – Gaas – Student of Southville International School and Colleges
Mabuting Balita l Hulyo 15, 2023 Sabado ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:24-33 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi hihigit sa kanyang guro ang alagad, o higit sa kanyang amo ang utusan. Hangad lamang ng alagad na tularan ang kanyang guro, at ng utusan ang kanyang amo. Kung tinawag na Beelzebul ang may-ari ng bahay, ano pa kaya ang kanyang mga kasambahay! Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang tinatakpan na hindi nabubunyag at walang natatago na hindi nahahayag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong. Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. Nabibili ang dalawang maya kahit na sa ilang sentimo, wala isa mang bumabagsak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. Kaya huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya. Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.” Pagninilay: “Huwag kayong matakot!” tatlong ulit na sinabi ng Panginoong Hesus sa Mabuting Balita ngayon. Habang naghahanda para sa bagong taon 2023, isang mensaheng naglalaman ng video ang pumasok sa aking messenger. Maya-maya pa, sunod-sunod nang pumasok ang parehong video galing sa ibat-ibang contacts, babalang may darating na malakas na bagyong higit na makakapinsala kesa sa Yolanda. Dumating ang isang kakilala, na nagpaalalang bumili na, nang mga kinakailangang pagkain, gamot, rechargeable lamp at iba pa, upang maging handa sa parating na kalamidad. Mga kapanalig, napakabilis magsiwalat ng takot sa social media. Isang press lang, matatanggap na ng mga contacts natin ang mensaheng ipinadala, pinag-isipan man o hindi. Naihasik ang takot sa isang iglap! Marahil, paraan ito ng kaaway upang tuluyan tayong mawalan ng tiwala at pananampalataya sa Panginoong Hesus. “Huwag kayong matakot,” Tatlong daan animnapu't limang (365) beses itong sinabi ng Panginoon sa Banal na Biblia upang maisapuso natin araw-araw, at magtiwalang hindi Niya tayo pababayaan. Yung videong nag-viral? CNN News pala noong December 4, 2014, pa. Kaya i-verify po muna bago magsiwalat, para maiwasan nating maging spreader ng fake news. Manalangin tayo: Panginoong Hesus, tulungan Mo po kaming kumapit ng mahigpit sa Iyong pangakong, “huwag matakot.” Nawa'y Sa'yo lamang kami magtiwala; at patuloy na manalig at makinig. Ang mapayapang yakap N'yo po ang makapagpapalaya sa aming mga takot sa buhay. Taos pusong itinataas po namin ito Sa'yo, aming Poong Mapagmahal at Tagapagligtas. Amen. - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Hulyo 6, 2023 Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 9: 1-8 Sumakay sa bangka si Hesus, tumawid sa lawa at bumalik sa sariling bayan. Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” Noo'y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito angDiyos.” Alam ni Hesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan' o ‘Tumayo ka at lumakad'? Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon ang tao at umuwi. Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao. Pagninilay: Noong panahon ni Hesus, mahigpit na sinusunod ng mga Eskriba ang batas ni Moises. Kaya naman nang makita nilang nagpatawad ng kasalanan ng isang paralitiko si Hesus, pinaratangan nila siyang nagpapaka-Diyos. Pero sa milagrong pag-galing ng paralitiko mula sa kanyang kapansanan, pinatunayan ni Hesus, na tunay ang kanyang pagpapatawad, at siya nga'y Anak ng Diyos. Madalas dahil sa hangarin nating protektahan ang ating nalalaman tungkol sa ating pananampalataya at batas ng simbahan, nakalilimutan na nating unahin ang maging mapagmahal at mapagpatawad sa mga taong nagkakasala. Hindi naman kailangan ng Diyos ng ating proteksyon. Dahil Siya ang ating Tagapagligtas. Ang marapat nating gawin ay ang maging tulad niya sa lahat ng aspeto ng ating buhay—mapagmahal sa kapwa, lalo na sa mga dukha, at mapagpatawad sa mga nagkakasala. Mga kapanalig, tao rin tayo gaya ng ating kapwa, kaya't wala tayong karapatang maging diyus-diyosan at maliitin ang ating kapwa. Kung paanong hindi nanghusga si Hesus sa kahinaan ng iba, ganun din dapat tayo. Kung paanong nagpatawad at nagmahal si Hesus, ganun din dapat tayo. Manalangin tayo: Ama, tulungan mo akong unahin lagi ang maging mapagmahal at mapagpatawad sa aking kapwa, sa anumang oras, sa anumang sitwasyon. Amen. - Fr. Oliver Par, SSP l Society of St. Paul
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang pagkanta ay bahagi ng ating pagsamba? Every Sunday, tuwing nagsasama-sama tayo sa pagsamba, hindi kailanman nawalan tayo ng kantahan. Hindi ito for cultural reasons lang, dahil mahilig kumanta ang mga Pilipino. Inutos ng Diyos na tayo ay kumanta nang sama-sama. “Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos” (Col. 3:16). Katunayan, isang buong libro sa Bible ang naglalaman ng 150 songs, the book of Psalms, na hindi lang “salita” ng Diyos, kundi “awit” ng mga anak ng Diyos para sa Diyos. Kakaiba ang Christianity sa ibang mga relihiyon sa buong mundo. Ours is a singing religion.
Mabuting Balita l Hunyo 4, 2023 Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos Ebanghelyo: Jn 3:16-18 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya; magkakaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindinaniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ngDiyos. Pagninilay: Mga kapanalig, ngayong Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, ipinagdiriwang natin ang pangunahing misteryo ng ating pananampalataya - ang Iisang Diyos, na nagpapakilala sa atin bilang Ama, Anak, at Espiritu Santo. Sa Mabuting Balita ngayong araw, narinig natin ang isa sa pinakatanyag at pinakakilalang talata ng Bibliya: "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16). Ang talatang ito ay nagpapakita ng buod ng pagmamahal ng Diyos sa atin, isangpagmamahal na hindi natin kayang unawain, isang pagmamahal na walang kundisyon, at isang pagmamahal na handang mag-alay ng sarili. Lubos tayong minamahal ng Diyos kaya naman ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo, upang mabuhay sa gitna natin, magturo sa atin, at mamatay para sa atin sa krus. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, nag-aalok si Hesus sa atin ng handog na buhay na walang hanggan. Pero, ang handog na ito na buhay na walang hanggan ay hindi automatic, kailangan nating tumugon. Sinasabi sa atin ni Hesus sa Mabuting Balita, "Ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi hahatulan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na, dahil hindi siyasumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos" (Juan 3:18). Ang ating pananampalataya kay HesuKristo bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ang susi sa ating kaligtasan. Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ngayon, ipinapaalala sa atin, na ang Diyos ay siyang mapagmahal at maluwalhating Ama, na nagnanais na magkaroon ng ugnayan sa atin. Sa pamamagitan ni HesuKristo, inaanyayahan tayo na pumasok sa relasyong iyon, upang maranasan ang pagmamahal at awa ng Diyos, atupang ibahagi ang pagmamahal at awa na iyon sa iba. At ang Espiritu Santo ang siyang tutulong sa atin upang manampalataya sa Mabuting Balita at manatiling tapat sa ating pananampalataya. Amen. -Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 Miyerkules sa Ika-walong Linggo saKaraniwang Panahon Ebanghelyo: LUCAS 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. “Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. Pagninilay: Mga kapanalig, tatlong letra ng P ang nais kong bigyang diin at pagnilayan sa ating pagbasangayon. Unang P- Pagbati. Binati ng Mahal na Ina si Elisabet. Pagbati nang may pagmamahal at hangaring tumulong sa kanyang pinsang si Elisabet, na sa kanyangkatandaan ay naglilihi ng sanggol. Ikalawang P- Pagtatagpo. Ang kwentong ito ng mag pinsang Sta. Maria at Sta. Elisabet ay hindi lamang kanilang pagtatagpo, kundi pagtatagpo din ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Narinig natin na sinabi ni Sta. Elisabet, na sa oras na marinig niya ang pagbati ng Mahal na Ina, lumukso sa tuwa ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ikatlong P- Pagpupuri. Sa tagpong ito, winika ng Mahal na Ina ang Pagpupuri o “magnificat”. Pagdakila niya ito at pagkilala ng kanyang kaluluwa sa Panginoon, dahil lubos siyang kinalugdan ng Diyos, na maging Ina ng tagapagligtas. Sa ating buhay-pananampalataya, meron bang pagkakataon na nagpuri din tayo sa Diyos dahil naging kalulugod- lugod din tayo sa kanya? Kapanalig, anumang mabuting ating gawin sa kapwa ay kalugod-lugod sa Diyos. Manalangin tayo: Panginoon, ipagkaloob Mo po, na maging kalugod- lugod kami sa Iyo, sa pamamagitan ng aming pagsisikap na maisabuhay ang Iyong mga salita. Patatagin Mo po kami, sa panahon ng kalungkutan, at kasakitan ng buhay, dulot ng karamdaman. Maitaas nawa namin Sa'yo ang pagsasakripisyong dulot nito, upang makamit ang kaligtasan, at buhay na walang hanggan. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Marso 1, 2023 – Miyerkules Unang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Luke 11: 29-32 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Hesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan subalit walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating s'ya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas dakila pa kay Jonas.” Pagninilay: Mga kapatid, hindi madali sa tao ang maniwala. Para sa marami, maniniwala lamang sila kung makakakita sila nang kung anong kababalaghan, na magpapatunay sa dapat nilang paniwalaan. Mas madali para sa atin ang magduda kaysa maniwala, kaya madalas din nating sinasabi, “To see is to believe.” Pero, parang mas tama ang kabaligtaran nitong “To believe is to see.” Maniwala ka muna, at tiyak na makakakita ka nang mas higit pa. Ganoon din ang mga tao sa panahon ni Jesus. Katulad natin ngayon, hinahanapan nila si Jesus ng himala o kababalaghang magpapatunay na siya nga ang hinihintay nilang Tagapagligtas. Hindi pa ba sapat na patunay ang pag-aalay Niya ng buhay sa Krus, alang-alang sa'ting kaligtasan? Hindi pa ba sapat na tanda na magising tayo sa bawat araw, na puspos ng pagkalinga at pagmamahal ng Diyos? Bakit kung sinu-sino pang manghuhula ang kinukonsulta natin? Bakit nagpapaniwala tayo sa sinasabi ng horoscope, ng punsoy, ng ocultismo at iba pang katulad nito? Bakit pinagdududahan pa natin ang pananatili ng Diyos sa'ting buhay? Mga kapatid, si Jesus mismo ang tanda. Siya mismo ang patunay ng walang kundisyong pahayag ng pagmamahal at malasakit ng Diyos sa tao. Kay Jesus naging tao ang Diyos ng pag-ibig. At ang mga naniniwala lamang ang may mata para makita ang himalang ito. Manalangin tayo. Panginoon, turuan Mo po akong makita ka lagi sa mga karaniwan at di pangkaraniwang kaganapan sa'king buhay. Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya nang huwag na akong maghanap pa ng anupamang tanda ng Iyong pagmamahal sa'kin. Amen. Sr. Lines Salazar, fsp / Daughters of St. Paul
Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios. (1 Pedro 4:14, ASND) Maraming Cristiano sa mundo ngayon ang hindi alam ang life-threatening na panganib na dulot ng paniniwala kay Cristo. Nasanay na tayong maging malaya sa ganitong pag-uusig. Parang ganito na talaga dapat ang takbo ng buhay natin. Kaya madalas na galit ang una nating reaksyon sa panganib na baka mag-iba ang kasalukuyan nating sitwasyon. Pero puwedeng tanda ang galit na iyon na nawala na ang ating kamalayan ng pagiging dayuhan at exile (“Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito . . .” 1 Pedro 2:11, MBBTAG). Siguro'y masyado na tayong nasanay mamalagi sa mundong ito. Hindi natin nararamdaman ang pagka-homesick kay Cristo tulad ni Paul: “Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20). Marami sa atin ang kailangan ng paalala, “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan” (1Pedro 4:12). Hindi ito kakaiba. Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa oras ng huling pagsubok? Nakatutok ang baril ng kaaway at tinatanong ka niya, “Cristiano ka ba?” Narito ang isang makapangyarihang salita para bigyan ka ng pag-asang puwedeng mas mahusay ang gagawin mo kaysa iyong iniisip. Sinasabi ni Peter, “Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” (1 Pedro 4:14). Sinasabi ng encouragement na ito mula kay Peter na sa oras ng di-pangkaraniwang panganib (insulto man o kamatayan), meron tayong “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” sa atin. Hindi ba't ibig sabihin nito na nagbibigay ang Diyos ng espesyal na tulong sa oras ng krisis para sa mga nagdurusa dahil sila'y Cristiano? Hindi ko ibig sabihin na absent Siya sa iba pa nating pagdurusa. Ang ibig ko lang sabihin, sinadyang sabihin ni Peter na makakaranas ang mga nagdurusang “tagasunod ni Cristo” ng espesyal na “kapalaran” dahil sa “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios.” Ipanalangin mo na ito ang iyong maranasan pagdating ng pagsubok. Magkakaroon tayo ng resources para mapagtiisan ang sandaling iyon na hindi natin makukuha sa ibang pagkakataon. Lakasan mo ang loob mo.
Preached by Derick Parfan on Feb. 5, 2023 at Baliwag Bible Christian Church
Ang nakapagbabagong Salita
Mabuting Balita | Enero 4, 2023 – Miyerkules bago ang Pagpapakita ng Panginoon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Juan 1:35-42 Naroon [sa Betaraba, sa kabilang ibayo ng Jordan] si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Jesus na naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Jesus. Lumingon si Jesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang hinahanap ninyo?” “Rabbi, saan ka nakatira?” “Halikayo at makikita ninyo.” At pumaroon sila at nakita nila kung saan siya tumutuloy, at maghapon silang nanuluyan sa kanya. Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas.” Inihatid niya siya kay Jesus. Pagkakita sa kanya ni Jesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo.” Pagninilay: Natagpuan nila ang Mesiyas! Sino sa atin ang mapalad na nakatagpo kay Jesus? Mapalad ka kung tumatango ka ngayon. Napanood nyo ba ang movie na Forrest Gump? Nagtanong noon si Lieutenant Dan, habang nasa wheelchair siya. Sarcastic siya sa tanong niya kay Forrest Gump. May halong sakit ng loob. Ang tanong niya: “Natagpuan mo na ba si Jesus? Sumagot naman si Forrest na “Hindi ko alam na dapat ko siyang hanapin.” Isa na nagdududa dahil sa miserableng sitwasyon. Ang isa naman ay mangmang. Sila ang simbolo ng nakararami sa atin. Mayroon na kahit papaano, nakakarinig na kailangang matagpuan ang Diyos, pero ayaw maniwala. Ang isa naman, hindi pa umaabot sa kaalaman niya na kailangang matagpuan ang Diyos, ang ating Tagapagligtas. Minsan nang nag-Christmas visit kami, may nabisita kami na halos hindi na makakita. Nakabukas ang mata pero mukhang nababalutan ng katarata. Nang kumakanta na kami ng Christmas songs, bakas sa mukha niya ang saya. Sumasabay pa nga siya sa amin sa pagkanta. Kapag nag-co-coaching naman ako sa mga kabataan, may transformation mula sa pagiging malumbay o naguguluhan at matatapos kami na lumiliwanag ang bukas ng mukha. Sa ganitong moments, hindi ito dahil sa amin, o sa akin, kundi dahil bago pa man kami dumating o bago ko pa makausap ang isang kabataan, sinisimulan na tayong tagpuin ng ating Panginoon. Sa mga nagtatanong na “Nasaan ang Diyos?” Kailan Siya magpapakita? O kailangan nga ba Siyang matagpuan? Maraming tanong na wala kang masabi kundi yakapin sila o hawakan nang may pagmamahal at walang paghuhusga. Hindi ito madadala sa pakiusap o sa paliwanag. Kailangan itong maranasan. Ngayong araw ng Miyerkules, bilang preparasyon natin sa Pagdiriwang ng Pagpapakita ng Diyos na Sanggol sa mundo, kung sino man sa atin ang mga nadidiliman ng isip, ang mga matagal nang pumapasan ng matinding problema, ang mga naguguluhan na wala nang matakbuhan, ang mga nawawalan ng pag-asa na tinatanggihan na ang sikat ng umaga, sinasamahan namin kayo. Hindi kayo nag-iisa. Si Jesus ang liwanag. Siya ang pag-asa. Siya ang laging sumasaatin. Kung sakaling hindi mo pa rin siya matatagpuan sa susunod na sandali, si Jesus ang hahanap sa iyo. Alam Niya kung paano tayo magkakatagpo. Hintayin mo lang. Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
Ang mayamang Tao at si Lazarus
Ang pasanin ni Kristo
Mga Tukso Kay Cristo
Isang Nakalilitong Pilosopiya
Ang Inaatake ng Antikristo
Alin ang Araw ng Panginoon?
Isang Positibong pagkakilanlan
Ang maliit na sungay
Ano nga ba ang naging buhay ni Hesus dito sa lupa?
Ano nga ba ang panukala ng Diyos sa ating buhay?
Si Kristo ay nasungpungan sa anyong tao
Ang humility ni Jesus ay ultimately napatunayan sa Kanyang kamatayan sa krus upang iligtas tayo sa kasalanan.Support the show