POPULARITY
Mabuhay ang bagong ikakasal! Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage! Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa't isa. BOOM! Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo!
Mabuting Balita l Mayo 25, 2024 – Sabado Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,13-16 May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila. Pagninilay: ‘Di ba attracted tayo at natutuwa sa mga bata, lalo na kung ang mga ito ay cute at maraming antics na talagang nakakataba ng puso. Natural na simple, mapagkumbaba at prangka magsalita ang mga bata. They are naturally truthful, they say what they see and hear. Sabi nga, kung gusto mong mag ask ng opinion about something or someone, ask a child. Sasabihin nila sa iyo ang katotohanan, no holds barred. Tayong mga adults, maraming inhibitions. Very conscious sa ating mga sinasabi o ginagawa dahil ayaw nating sumama ang loob o magalit sa atin ang ibang tao. Gusto nating magpa-impress, ang ipakita sa iba ang ating best side. Kalimitan, ito ay nagdadala ng disappointments, discouragement and negative reactions. Pero ‘di ganito ang mga bata. Children are our best teachers. Marami tayong matututuhan sa kanila lalong lalo na in regards with our relationship with God. Inaanyayahan tayo ni Hesus na tularan ang mga bata at isabuhay ang kanilang mga katangian, at lumapit sa kanya ng may pagpapakumbaba. Like a little child, we are totally dependent on God. Only God can fill the emptiness in our hearts, and without him we are nothing. - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Mayo 17, 2024 – Biyernes Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 21:15-19 Nag pahayag si Hesus sa Kanyang mga Alagad: Nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo'y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!” Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, tinanong ni Hesus si Pedro ng makaikatlong beses kung iniibig Siya ni Pedro. Narinig natin na ang pagtatanong ng Panginoong Hesus ay may progreso. Sa una, winika Niya na pakanin ni Pedro ang Kanyang maliliit na tupa, na sa aking personal na pagkaunawa ay yaong mga bata at balo. Ang ikalawa at ikatlo ay winika ng Panginoong Hesus na pakanin ang malalaking tupa na maaaring yaong mga naunang taga sunod ni Hesus. Subalit sa pangkalahatan, ang maliliit na tinutukoy ay yaong mga sumasampalataya at nanalig sa ating Panginoong Hesus. Mga kapanalig, ipinapakita lamang sa pagbasa na kay Pedro ipapaubaya ni Hesus ang pangangalaga ng Simbahang itinatag Niya. Bilang kauna-unahang Santo Papa, ipinagkatiwala kay Pedro ang mga susi ng kaharian ng langit. Napakalaki ng responsabilidad ng mga sumunod sa kanya, na ngayon ay sa katauhan ni Santo Papa Francisco. Ipanalangin natin siya at ang mga obispo, pari, diyakono na mga lingkod ng ating Simbahan. Amen. - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Mayo 9, 2024 – Huwebes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16,16-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n'yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n'yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa't isa: “Ano ba itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n'yo na ako makikita, at sandali pa at makikita n'yo rin ako' at ‘Papunta ako sa Ama'?” Kaya sinabi nila: “Ano ba itong ‘sandali'? Hindi natin alam kung ano ang sinasabi n'ya.” Alam ni Hesus na niloloob nilang tanungin s'ya at sinabi n'ya sa kanila: “Itinatanong n'yo sa isa't-isa ang ibig kong sabihin, ‘Sa sandali pa at hindi n'yo na ako makikita, at sandali lamang at makikita n'yo ako.' Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy, ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Pagninilay: Sandali lang po! Madalas ito ang sagot kapag may inuutos si Mamang o si Papang sa aming magkakapatid. Kahit na may mga toka na kami sa mga gawaing bahay at alam naman na walang ibang gagawa ng naka-atas sa amin, laging “Sandali lang” ang sagot kapag ipinaalala yon. Minsan, tatlong beses nang sinabi na maghugas na ng pinagkanan, at naka-tatlong sandali lang na sagot. Nagalit na ang Papang: “Ano, tatakpan ko na lang ba ng banig ang lamesa? At dito na rin tayo kakain bukas?” Saka pa lang nagkumaripas at nagtulung-tulong kami sa pagliligpit. Sa Mabuting Balita ngayon, walong beses inulit ang sandali na lang. Sa Griego po, ito ay micron, pero dalawang sandali ang tinutukoy ni Jesus: “Sandali pa at hindi nyo na ako makikita, at sandali pa at makikita nyo rin ako.” Una, sandali na lang at magdurusa na at mamamatay si Kristo sa Krus – kaya't hindi na siya makikita ng mga alagad. Ang ikalawang sandali na lang ay ang kanyang pagkabuhay na mag-uli, ang pagtatagumpay niya laban sa kasalanan at kamatayan. Sinabi niya ito sa kanila para maging handa sila sa mga paghihirap ni Jesus na masasaksihan nila, at nang hindi sila mawalan ng pag-asa. Magbubunyi at magagalak ang mga nagpapatay sa Kanya at mapupuno ng pighati ang kanyang mga alagad. Pero pagkatapos ng tatlong araw, sila ang magdiriwang kay Kristong muling nabuhay. Kapatid/ kapanalig, sandali lang ang mga paghihirap na pinagdaraanan natin dito sa lupa. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Roma: “Ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.” Kaya't tibayan natin ang ating loob, at huwag tayong padaig sa kawalan ng pag-asa.
Mabuting Balita l Mayo 10, 2024 – Biyernes Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 16,20-23 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan. Namimighati ang babaeng malapit nang manganak sapagkat sumapit na ang oras niya. Ngunit pagkasilang sa sanggol, hindi na niya naaalaala ang dalamhati dahil sa galak: pumasok sa mundo ang isang tao! “Gayundin kayo namimighati ngayon. Ngunit muli ko kayong makikita at magagalak ang inyong kalooban, at walang makaaagaw sa galak ninyo. At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n'yo sa Ama sa Ngalan ko ay ipagkakaloob niya sa inyo.” Pagninilay: "Tatangis kayo at tataghoy ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan." Ang dalamhati ng mga alagad sa paglisan ni Hesusay mapapalitan ng kagalakang walang makaaagaw sa kanila. Hindi ito mapapawi ninuman dahil nakaugat ito sa espiritwal na pananatili na hindi kailanman mawawala, gaya ng katawan niya habang nabubuhay sa mundo. Mas malalim at ganap ang presensiya ni Kristo dahil hindi ito natatapos. Kaya naman ang kaligayahang walang 'makakaagaw sa inyo' ang kapupunan ng 'kapayapaang hindi maibibigay ng mundo.' Napakaganda ng larawan ng inang malapit nang magluwal ng kanyang sanggol. Halu-halo ang emosyon niya: takot, pangamba, pighati, galit, agam-agam, pisikal na paghihirap at pagkabalisa. Kahit na marami nang pag-unlad sa medisina tulad ng caesarean operation, hindi nabubura nito ang katotohanang agaw-buhay lagi ang ina sa pagluwal ng kanyang sanggol. Pero lahat ng ito'y napapawing parang ulap kapag narinig na ng ina ang 'uha' ng kanyang anak at mayakap ito sa kanyang dibdib. Oo, mahirap ang buhay sa mundo. At hindi biro ang maging alagad ni Kristo dahil kasama lagi dito ang pagpapasan ng krus. Pero napapalitan ng kagalakan ang pamimighati, dahil may bagong Buhay na iluluwal sa bawat pasakit at sakripisyo, kung iuugnay natin ito sa krus ng Panginoong Jesus. Tanging sa krus lamang magkakaroon ng bagong buhay ang mundo – at hindi natin mararanasan ang lubos na kaganapan kung magtitiis lang tayo na malayo kay Kristo. Sapagkat sa krus lamang ni Kristo masusumpungan ang kaligtasan, ang kaligayahan at ang buhay.
Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 14:6-14 Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata't matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama'? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n'yo sa Ngalan ko'y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki'y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Kamakailan, nakasalubong ko ang isang babae na humingi ng blessing. Pagka-bless niya, nangilid ang luha. “O bakit? Anong nangyari?” tanong ko. “Pwede po ba kayong makausap sandali?” sabi niya… Tumango ako at pinakinggan ang kanyang kwento. Galing pala siya sa isang simbahan para humingi ng payo sa pari, pero wala daw itong panahon dahil abalang-abala. Sinubukan din ng babae na kausapin ang isang madre, pero hindi rin siya pinakingan. Kaya sabi niya, “Salamat, sister, dahil ikaw ang naging mukha ng Diyos para sa akin ngayon.” Sa Mabuting Balitang narinig natin, hiniling ni Felipe kay Hesus na ipakita sa kanya ang mukha ng Diyos Ama, at masisiyahan na siya. Kahit matagal na nilang kasama si Hesusay hindi pa rin nila siya nakikilala – na kaisa niya ang Diyos Ama. kapanalig, nilikha tayong lahat sa wangis ng Diyos. Pinalalalim mo ba ang pagkilala mo sa Panginoon sa panalangin at pag-aaral ng kanyang Salita? Nagtataglay ang bawat isa sa atin ng natatanging katangian ng Diyos. Ano ang katangiang ipinagkaloob niya sa iyo? Paano mo maipapakita ang mukha ng Diyos sa iba sa araw na ito? Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 14:7-14 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala n'yo rin ang aking Ama. Ngunit kilala n'yo siya at nakita n'yo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot naman sa kanya si Hesus: “Diyata't matagal na panahon n'yo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama'? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n'yo sa Ngalan ko'y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki'y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. In Jesus name, “hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus.” Madalas ganito tayo manalangin, at maging sa Misa ay maririnig natin ang mga salitang ito. Marahil hango ito sa ating Ebanghelyo ngayon araw, kung saan sinasabi ni Hesus, na kung anuman ang hihilingin natin sa Ama sa pamamagitan nya ay tiyak na ipagkakaloob. Pero may iba sa atin na ginagamit ang pangalan ni Hesus na parang magic. Na kapag babanggitin nila ang mga salitang ito na kahit walang pananampalataya, ay matutupad ang kanilang ninanais. Parang Hocus Pocus. Pero eto nga ba ang ibig sabihin ni Hesus? Mga kapanalig, mahalaga ang pangalan, makapangyarihan ang pangalan, maging sa konteksto ng mga Hudyo. Nagkakaroon tayo ng kapangyarihan sa mga taong nakikilala natin. Pero, ang kapangyarihang ito ay nagmumula sa pakikipag- ugnayan natin kay Hesus, sa ating personal na relasyon sa kanya at sa Ama. Dito, ipinapakita din ni Hesus ang kanyang malalim na ugnayan sa Ama, dahil ang Ama at siya ay iisa. Sa pagkakakilala natin kay Hesus, nakikilala din natin ang Ama. Kaya sa pagsasabi natin ng in Jesus' name, o sa pangalan ni Hesus, nagpapahayag tayo na tayo ay kaisa niya, at nabibilang sa kanya, sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Tayo ay pinaghaharian niya, at doon nagmumula ang ating tiwala na humiling sa Ama.
Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:52-59 Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Binigyang diin sa Mabuting Balita ngayon, ang kahalagahan ng pagtanggap natin sa katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, sa Banal na komunyon. Sinabi Niya, na ang sinumang hindi kakain ng laman ng Anak ng Tao, at hindi iinom ng kanyang dugo, hindi magkakaroon ng buhay. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya may mga bagay na hindi kayang maunawaan ng ating isipan, pero kayang damhin ng ating puso. Sa pagtanggap natin sa banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, matapos ang isang maayos na pagbabalik loob sa Diyos sa kumpisal, mapapansin natin na lumalakas tayo sa lahat ng bagay, lalo na sa pisikal at espiritwal na aspeto ng ating buhay. Ugaliin nawa natin ang regular na pagkukumpisal, upang may malinis na puso tayong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Kung malapit tayo sa ating Panginoong Hesus, at may maayos na pakikipag-ugnayan sa Kanya, madarama ito ng ating mga kasama sa tahanan, pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Malay mo, sila din ay mahikayat na magkaroon ng mabuting ugnayan sa ating Panginoong Hesus, dahil sa'yong pagsaksi sa buhay na pananatili ng Diyos sa'yong salita at gawa. Maging daluyan nawa tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa, at maging kamanlalakbay tungo sa walang hanggang buhay. Manalangin tayo: Panginoon Hesus, salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng Iyong katawan at dugo sa Banal na Eukaristiya. Manatili nawa kaming matatag sa aming pananampalataya. Maging larawan nawa kami at gabay ng pagsunod sa Iyo ng aming kapwa sa tulong ng iyong mga biyaya. Amen
Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:44-51 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: ‘tuturuan nga silang lahat ng Diyos.' Kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. “Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang-hanggan ang naniniwala sa akin. “Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa ilang ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Isa sa mga paratang sa mga unang taga-sunod ni Kristo, ay ang krimen ng kanibalismo. Ito ay ang pagkain ng laman ng kapwa tao. Kaya ikinukulong o ipinapapatay ang sinumang matagpuan na miyembro ng samahang ito. Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan o tsismis sa emperyo noon, ang mga unang Kristiyano ay nagtitipon upang kainin ang laman ng kanilang Diyos at inumin ang kanyang dugo. Ganito din marahil ang iskandalong naranasan ng mga Hudyo na nakikinig kay Hesus, noong sabihin niyang ang pagkain na ibibigay niya, ang pagkaing magbibigay buhay ay ang kanyang laman. Batid ng mga Hudyo ang tinutukoy ni Hesus na manna, o yung tinapay na nagsustena sa kanilang mga ninuno noong naglalakbay sila sa Disyerto sa loob ng apatnapung taon. At kung paano ito nagbigay buhay at nagsustena sa kanila, ganito din sinasabi ni Hesus sa mga nakikinig sa kanya, kung paano ang kanyang katawan ay magbibigay buhay. Pero, hindi ba't ito ang nangyayari sa bawat pagtanggap natin ng komunyon? Literal na tinatanggap natin ang buhay na katawan at dugo ng ating Panginoon. At ito ang paraan ng ating pakikipagkaisa kay Hesus. Ganoon kalapit, ganoon ka-personal. Kaya nga komunyon ang tawag natin dito, communion, pakikipagkaisa. Tayo ay nagiging kaisa ni Kristo at sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng ugnayan sa Ama. Nawa sa bawat komunyon na ating tinatanggap, magpatibay nawa ito sa ating pakikipagkaisa kay Kristo at tunay na magbigay buhay sa atin.
Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:30-35 Sinabi ng mga tao kay Hesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa iyo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.'” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.. “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.” Pagninilay: Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Madalas ka bang tumawag sa mga santo at santa, gaya na lang nina Padre Pio, o di kaya ni Santa Teresa, o ni Santa Ana? O maari ring ang iyong regular na nobena ay sa Mahal na Ina ng Awa. Mabuti ang pagtawag sa mga banal na ito, dahil tunay na makapangyarihan ang kanilang panalangin para sa atin. Pero, pinapaalalahanan tayo ng ebanghelyo natin ngayong araw, na ang tunay na tumutugon sa ating mga panalangin, ang tunay na nagbibigay sa atin ng mga grasyang kailangan natin, ay ang Diyos. Sa ating ebanghelyo, itinama ni Hesus ang maling pag-aakala ng mga apostol, na ang manna o tinapay na galing sa langit, ay gawa at bigay ni Moises. Ayon kay Hesus, hindi ang kapangyarihan ni Moises, kundi ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagpaulan ng tinapay mula sa langit. Mga kapanalig, napakagandang paalala ito para sa atin. Tunay na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal, ng mga santo at santa ay nakakamit natin ang mga grasyang hinihiling natin. Pero, mahalagang pakatandaan na ang mga santo at santa ay hindi Diyos, at hindi Niya kapantay. Tanging ang Diyos lamang ang tunay na nagkakaloob sa atin ng grasya at kaligtasan. Amen. (Manalangin tayo: Ama, nawa'y lagi naming maalala na ikaw ang tunay na bukal ng lahat ng grasya. Sa pamamagitan ng mga hinirang mong mga santo at santa ng simbahan, mas mapalapit nawa kami sa iyo, at tumugon sa iyong mahal na kalooban. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, na naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:22-29 Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ng kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus ni ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n'yo ako hindi dahil sa nakita n'yo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n'yo at kayo ay nabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria Dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Noong araw, uso sa amin ang nagdedeliver ng tinapay. Potpot lang ang tunog, lalabas na kami ng bahay para bumili ng tinapay na pang-almusal. Mainit-init pa. Isinasawsaw pa namin sa piniritong malasadong itlog. Busog-sarap ka nga, pero nauubos din, lumilipas. Hindi na rin aabot pa ng bukas. Sa Mabuting Balita, dumating ang ating Hesus Maestro hindi lang para pumotpot at magdeliver ng tinapay at paramihin ito kundi para maging Tinapay. Ano'ng sabi Niya? Gumawa kayo, upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira, at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Take note. Gumawa ang sinabi Niya. Ibig sabihin, may partisipasyon tayo. Sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon, Siya na ang Tinapay na hindi nasisira. At dahil nasa atin na Siya, binibigyan Niya tayo ng misyon, na maging saksi ng Kanyang Muling Pagkabuhay. To be bread for others. Tulad sa pakikiramay sadinaranas na hirap ng ating kapwa, sa pagpapatawad kahit isandaang sugat na ang natamo, hindi naghihiganti, sa pagbibigay ng pagkain at ikabubuhay ng mga maralita na hindi naghihintay ng kapalit, sa mga gumagabay sa mga kabataan at umaakay sa mga nakakatanda. Ang mga ito ang hindi lumilipas, dahil ang nakatatanggap nito, may ngiti at napapanatag ang kalooban. O, tayo na, at maging buhay na tinapay!
Mabuting Balita l Abril 9, 2024 – Martes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 3:7b-15 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka dahil sinabi ko na kailangan n'yong isilang mula sa itaas. Umiihip ang hangin saan man nito ibig, at naririnig mo ang ihip nito, subalit hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan papunta. Gayon nga ang bawat isinilang sa Espiritu.” “Paano pupuwede ang mga ito?”Nicodemo: “Guro ng Israel ka pa naman, at hindi mo alam? “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: alam namin ang aming sinasabi at pinatototohanan namin ang aming nakita, at hindi pa n'yo tinatanggap ang aming patotoo. Hindi kayo naniniwala kung mga bagay sa lupa ang sinasabi ko sa inyo, kaya paano kayo maniniwala kung mga bagay sa Langit ang sasabihin ko sa inyo. Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit—ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Sinasabi ng isang manunulat, na sa makabagong panahon ngayon, ang magiging sukatan ng galing at talino ng isang tao, ay kung paano nya matututunan muli, ang mga bagay na alam na nya dati pa. Kung kaya niyang i-unlearn o isantabi ang lahat ng kanyang natutunan noon, at pag-aaralang muli nang may bukas na kaisipan, ang mga bagay sa kasalukuyan. Dahil kung hindi, magiging outdated tayo, maiiwan, at maluluma tayo ng panahon. Ganito marahil ang naging dilemma ni Nicodemo sa ating Ebanghelyo ngayon. Kung paano niya maiintindihan ang mga turo ni Hesus, hindi dahil sa wala syang alam, kundi dahil sa kanyang taglay na kaalaman. Isang Pariseo si Nicodemo. Alam nya ang kasulatan at batas, higit pa marahil sa ordinaryong hudyo. Pero ang kanyang kaalaman ang humahadlang upang magkaroon siya ng ugnayan kay Hesus. Kaya iniimbitahan siya ni Hesus na makaranas ng muling pagsilang, to be born again. Hindi ito yung sekta, kundi ito ang kinakailangan, upang makatawid mula sa lumang kaisipan, patungo sa bagong relasyon sa Diyos. Isang bagong pananaw, isang bago at bukas na kaisipan, isang bagong pagkatao. Katulad ng halimbawa ni Hesus, na kung paanong itinaas ang tansong ahas sa lumang tipan, ganun din naman sa bagong pagtataas na magaganap kay Hesus. Mga kapanalig, isa sa mga biyaya ng muling pagkabuhay ni Hesus, ay ang bagong simula para sa atin. Kung paano natin pinapanibago ang ating mga pangako sa binyag, at nalinis mula sa tubig ng sakramentong ito. Isang pagsilang muli, bilang mga anak ng pagkabuhay. Pero upang makamit ito, kailangan muna nating mamatay sa makalumang kaisipan, gawain at pamumuhay. At maging bagong nilikhang kasama at kawangis ni Hesus. Amen
Mabuting Balita l Marso 26, 2024 – Martes Santo Ebanghelyo: Jn 13:21-33, 36-38 Nabagabag sa kalooban si Hesus, at nagpatotoo: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Nagtinginan ang mga alagad at hindi nila malaman kung sino ang tinutukoy niya. Nakahilig sa dibdib ni Hesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Hesus. Kaya tinangunan ito ni Simon Pedro para usisain si Hesus kung sino ang kanyang tinutukoy. Kaya paghilig niya sa dibdib ni Hesus, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, sino ba iyon?” Sumagot si Hesus: “Iyon siyang ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pagkasawsaw ng kapirasong tinapay, ibingay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. Kasama ng kapirasong ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Hesus: “Gawin mo agad ang gagawin mo. Kaya pagkakuha niya ng kapirasong tinapay, agad siyang lumabas. Gabi noon. Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Hesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. Mga munting anak, sandali na lamang ninyo akong kasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga Judio: ‘Hindi kayo makaparoroon kung saan ako pupunta,' sinasabi ko rin sa inyo ngayon. Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Hindi ka makasusunod ngayon sa akin sa pupuntahan ko; susunod ka pagkatapos.” Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi kita masusundan ngayon? Maiaalay ko ang aking Buhay alang-alang sa iyo.” Sumagot si Hesus: “Maiaalay mo ang iyong buhay alang-alang sa akin? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang manok hanggang maitatuwa mo akong makaitlo.” Pagninilay: Ang paraan ng ating pagkakanulo sa Diyos ay hindi sa pera lamang. Kundi anumang bagay, maging tao, na mas binibigyan natin ng priyoridad o importansya kaysa sa Diyos. Maaring ito ay ang ating trabaho o careers, ang ating ambisyon, ang ating mga tagumpay, materyal na pag-aari at iba pa. Pero sa kabila ng maraming pagkakataong ipinagkanulo natin ang Panginoon sa ating buhay – hindi tayo tinatalikuran ng Diyos. Patuloy Niya tayong binibigyan ng pagkakataong matunton ang landas pabalik sa kanya. Sa Mabuting Balita, alam ni Hesus na ipagkakanulo siya ni Judas. Pero hindi niya lubusan ibinunyag sa harap ng kanyang mga alagad kung sino sa kanila ang magkakanulo sa kanya. Marahil ayaw niyang mapahiya si Judas sa harapan nila. Ganun na lamang ang pagkahabag ni Hesus sa mga makasalanan, maging kay Judas na magbubulid sa kanya sa kapahamakan. Kung inimbitahan ni Hesus si Judas na maging bahagi ng kanyang piging, maaring iniimbitahan ka rin niya ngayon na maging bahagi ng kanyang iniaalok na kaligtasan. Ano ang tugon mo sa kanyang paanyaya? Ngayong Martes Santo, samahan natin ang Panginoon sa kanyang pagkabagabag at kalungkutan dahil ipagkakanulo siya ng tinuturing niyang isang alagad at kaibigan. Ipagkaisa natin sa kanya, ang mga karanasan natin ng kalungkutan, poot at galit, dahil sa mga pagkanulo at pagtataksil na naranasan natin, mula sa ating mahal sa buhay at kaibigan. Hilingin natin sa Panginoon na hilumin tayo, sa sobrang sakit na naranasan natin, at turuan tayong magpatawad, Amen. - Fr. Edward Dantis, SSP l Society of St. Paul
Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:52-59 Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Binigyang diin sa Mabuting Balita ngayon, ang kahalagahan ng pagtanggap natin sa katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, sa Banal na komunyon. Sinabi Niya, na ang sinumang hindi kakain ng laman ng Anak ng Tao, at hindi iinom ng kanyang dugo, hindi magkakaroon ng buhay. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya may mga bagay na hindi kayang maunawaan ng ating isipan, pero kayang damhin ng ating puso. Sa pagtanggap natin sa banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, matapos ang isang maayos na pagbabalik loob sa Diyos sa kumpisal, mapapansin natin na lumalakas tayo sa lahat ng bagay, lalo na sa pisikal at espiritwal na aspeto ng ating buhay. Ugaliin nawa natin ang regular na pagkukumpisal, upang may malinis na puso tayong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Kung malapit tayo sa ating Panginoong Hesus, at may maayos na pakikipag-ugnayan sa Kanya, madarama ito ng ating mga kasama sa tahanan, pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Malay mo, sila din ay mahikayat na magkaroon ng mabuting ugnayan sa ating Panginoong Hesus, dahil sa'yong pagsaksi sa buhay na pananatili ng Diyos sa'yong salita at gawa. Maging daluyan nawa tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa, at maging kamanlalakbay tungo sa walang hanggang buhay. Manalangin tayo: Panginoon Hesus, salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng Iyong katawan at dugo sa Banal na Eukaristiya. Manatili nawa kaming matatag sa aming pananampalataya. Maging larawan nawa kami at gabay ng pagsunod sa Iyo ng aming kapwa sa tulong ng iyong mga biyaya. Amen
Mabuting Balita l Marso 17, 2024 - Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (B) Ebanghelyo: Jn 12, 20-33 May ilan sa mga Griiyegong umahon upang sumamba sa Piyesta . Kaya Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida sa Galilea, at ntinanong “Ginoo, gusto naming makita si Hesus.” Umalis si Felipe at Kinausap si Andres, Lumapit sina Andres at Felipe at kinausap si Hesus. Sinabi naman ni Hesus sa kanila “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Talagang talagang sinasabi ko sa inyo, nanatiling nag-iisang butil ng trigo kung hindi ito mahuhulog sa lupa. Ngunit kung mamatay man ito, Maraming bunga ang idinudulot nito . Ngayon nababagabag ang kaluluwa ko, sasabihin ko bang Ama, Iligtas mo ko mula sa hatid ng Oras na ito, Ngunit dahil dito kaya ako dumating sa oras na ito. Ama Luwalhatiin mo ang iyong ngalan” Kaya may tinig na nag mula sa Langit. “ Niluwalhati ko ang muli kong luwalhatiin. Kaya pagkarinig ng mga Tao sinabi nila ‘ Kumulong, Sinabi naman ng iba ‘ Nangusap sa kanya ang isang Angel. Sumagot si Hesus “Hindi dahil sa akin kaya ito ipinarinig, kundi dahil sa inyo. Ngayon Hinukuman ang mundong ito. Ngayon Itataboy sa labas ang Pinuno ng mundong ito at kapag itinaas ako mula sa lupa, hihilain ko sa akin ang lahat. “Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig ang uri ng kamatayang susunugin niya. Pagninilay: Ang ating Mabuting Balita ngayon ay bahagi ng mga pangyayari sa buhay ni Hesus bago siya hulihin, hatulan at mamatay. Kanyang ipinahayag” “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Pero kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana.” Ginamit ni Hesus ang imahe ng isang butil ng trigo na nananatiling nag-iisa kung hindi ito mahulog sa lupa at mamatay. Nasa panganib ang buhay ni Hesus dahil ipinaglaban niya ang katotohanan, at tinanggihan ang mga kasinungalingan ng kanyang mga kaaway. Pero, tulad ng Mabuting Pastol, handa siyang isuko ang kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Ang “oras ng Anak ng Tao” na kanyang tinutukoy ay oras ng kanyang kamatayan. Masakit, pero kinakailangan at dapat pagdaanan ng binhi ang pagkabulok, bago ito muling mabuhay at magbunga. Mga kapanalig, ang ating paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma ay magiging masagana lamang kung mananatili tayong tapat sa ating pananampalataya kahit na maging panganib ito sa ating buhay. Kadalasan, kasama dito ang pagkamatay sa ating mga personal na kagustuhan, kasarinlan, pagtindig para sa katotohanan, at ang paghahandog ng sarili para sa iba. Samahan natin ang ating Panginoon sa Kalbaryo, mamatay tayo sa ating mga sarili, upang tulad ni Hesus, tayo rin ay maging mabunga.
Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 5:17-30 Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya't kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya't maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Pagninilay: Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap. Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe; kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.
Mabuting Balita l Marso 4, 2024 - Lunes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Lucas 4:24-30 Pagdating ni Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa lahat ng mga taong nasa sinagoga: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming biyuda noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa biyuda ng Serepta sa may Sidon. Marami ring mayketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong sa Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinakatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis Pagninilay: “Datapwat nagdaan siya sa gitna nila at umalis” (v30). Nasa Ika-3rd week of Lent na tayo kapanalig, kaya nararamdaman na natin sa mga pagbasa ang umiigting na galit ng mga taga-usig ni Hesus. Sa eksenang ito pa lamang sa v. 30, maaari na sana nilang pinatay si Hesus, pero hindi pa dumating ang kanyang takdang panahon, kaya ligtas syang nakaalis sa gitna nila. It only shows that God is in control of everything. Hindi mamamatay ang Anak ng Diyos, kung hindi ito loloobin ng Diyos Ama. Ang kamatayan ni Hesus sa krus ay isang kusang loob na pag-aalay ng buhay, para sa kanyang minamahal na kawan. Hindi ito pagkatalo, kundi isang tagumpay ng Diyos na mapagmahal at mapanligtas. Kaya lang, kailangan nating sumampalataya sa kanya, upang higit nating maramdaman ang biyayang hatid ni Hesus sa ating buhay. Tulad noong kapanahunan ni Elias at Eliseo, mararamdaman lamang natin ang himala ni Hesus, kung may pananampalataya tayo sa Kanya. Ang kawalan ng tiwala at pananampalataya sa Diyos, ay nagiging hadlang upang gumawa ng himala ang Diyos sa buhay natin. Kung minsan nga, halos hindi natin napapansin ang mga mumunting himala ng Diyos sa ating buhay, dahil napaka ordinary lamang nito. Ganito rin ako minsan. Pero kapag nagdasal ako at nanahimik, doon ko napagtatanto kung paano gumagalaw ang Diyos sa buhay ko. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan nyo po kaming mas mapalalim pa ang aming pananampalataya sa Iyo, upang ang iyong paggalaw sa aming buhay ay higit naming matanto. Amen.
Mabuting Balita l Pebrero 23, 2024 – Biyernes sa Unang Linggo ng Kuwaresma San Policarpio, obispo at martir Ebanghelyo: Mt 5:20-26 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. “Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialayang iyong hain sa Diyos. “Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaranang kahuli-hulihang sentimo.” Pagninilay: Paano ba natin mapapanatiling maayos ang ating pakikipag ugnayan sa ibang tao? Mapa relasyon man ito sa ating pamilya, kaibigan o sa ibang mga mahal natin sa buhay. Sa ating paglalakbay ngayong panahon ng kuwaresma, inaanyayahan tayo ng Mabuting Balita na pagnilayan at suriing mabuti ang ating relasyon sa kapwa tao. Ang pagiging banal ay di lamang nasusukat sa ating pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Ang kaalaman sa mga utos ng Diyos, mga ibat ibang paraan ng pagdarasal at iba pang gawaing banal ay mabuting pamamaraan upang mapabanal ang ating buhay bilang kristiyano at mamamayan, pero hindi sapat upang masabi natin na tayo ay kalugod lugod sa mata ng Diyos. Ang Diyos ay siyang ating tanging Hukom, na nag mamasid sa lahat ng ating mga gawain at balakin. Kung kaya't ang ating mabuting pakikipag- ugnayan sa kapwa, ang pagpapatawad lalong-lalong na sa mga taong nakasakit at nakagawa nang masama sa atin, ay siyang kalugod-lugod na alay sa Dambana ng Diyos. Malinaw na sinabi ni Hesus, “Kaya't kung mag aalay ka ng handog sa dambana, at doo'y maalala mong may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya, at saka ka magbalik upang ialay ang iyong handog.” Bilang mga Kristiyano at mamamayan nawa'y maghari sa atin ang pag-ibig, awa at katarungan sa ating pagpapatupad at pagsunod sa mga batas at utos ng Diyos.
Mabuting Balita l Pebrero 19, 2024 – Lunes sa Unang Linggo ng Kuwaresma San Conrado ng Piacenza Ebanghelyo: Mt 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagutom ako at inyong pinakain, nauuhaw ako at inyong pinainom. … nang may sakit ako, binisita n'yo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw n'yo ako.' “At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom... maysakit o nasa bilangguan at nilapitan? Sasagutin sila ng Hari: ''Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko... Sapagkat nagutom ako... maysakit at nasa bilangguan at di n'yo binisita.' “Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom... at di namin pinaglingkuran? Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang di n'yo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi n'yo ginawa sa akin.' “At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.” Pagninilay: Isa sa mga pinakapaborito kong musical sa Broadway ay ang “Les Miserables”, na batay sa nobela na isinulat ni Victor Hugo. Isa sa mga “miserable” dito ay si Fantine na maagang namatay dahil sa pagkasadlak sa kahirapan. May iisa siyang anak na inampon ng pangunahing “miserableng” tauhan na si Jean Valjean. Naaalala ko nga na sa eksena kung saan mamamatay na si Jean Valjean, si Fantine ay nagpakita sa kanya at naging kanyang tagasundo patungong langit. Nakakapangilabot ang kanilang huling duet kung saan kanilang inawit ang katagang “To love another person is to see the face of God.” Ito mismo ang aral na nais ituro sa atin ng ating Panginoon sa Mabuting Balita ngayon. Sa ating pagsisimula ng banal na panahon ng Kwaresma, inaanyayahan tayong maging mas konkreto sa ating pagmamahal sa Diyos, sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa. Sa katunayan, ito ang magiging batayan ng Panginoon sa kanyang paghuhukom sa atin sa wakas ng panahon – ang saligan ng pagmamahal. Sa tuwing taos at lubos ang ating pagmamahal sa kapwa, lalo na sa ating mga kapatid na walang-wala at kapos sa buhay, naisasabuhay sa ating paggawa ang pananampalatayang ating ipinahahayag. Mga kapanalig, hindi lamang sa panalangin makikita ang Diyos; mababanaag at mayayakap din natin Siya, sa tuwing pinipili nating mahalin ang kapwa – lalo't higit ang itinuturing na ‘di kamahal-mahal. Pag-ibig ang pumapagindapat sa ating hindi karapat-dapat, dahil ang may mukha at pangalan ang pag-ibig: si Kristo Hesus na nakabayubay sa krus.
Mabuting Balita l Marso 17, 2024 - Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (B) Ebanghelyo: Jn 12, 20-33 May ilan sa mga Griiyegong umahon upang sumamba sa Piyesta . Kaya Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida sa Galilea, at ntinanong “Ginoo, gusto nnaming makita si Hesus.” Umalis si Felipe at Kinausap si Andres, Lumapit sina Andres at Felipe at kinausap si Hesus. Sinabi naman ni Hesus sa kanila “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Talagang talagang sinasabi ko sa inyo, nanatiling nag-iisang butil ng trigo kung hindi ito mahuhulog sa lupa. Ngunit kung mamatay man ito, Maraming bunga ang idinudulot nito . Ngayon nababagabag ang kaluluwa ko, sasabihin ko bang Ama, Iligtas mo ko mula sa hatid ng Oras na ito, Ngunit dahil dito kaya ako dumating sa oras na ito. Ama Luwalhatiin mo ang iyong ngalan” Kaya may tinig na nag mula sa Langit. “ Niluwalhati ko ang muli kong luwalhatiin. Kaya pagkarinig ng mga Tao sinabi nila ‘ Kumulong, Sinabi naman ng iba ‘ Nangusap sa kanya ang isang Angel. Sumagot si Hesus “Hindi dahil sa akin kaya ito ipinarinig, kundi dahil sa inyo. Ngayon Hinukuman ang mundong ito. Ngayon Itataboy sa labas ang Pinuno ng mundong ito at kapag itinaas ako mula sa lupa, hihilain ko sa akin ang lahat. “Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig ang uri ng kamatayang susunugin niya. Pagninilay: Ang ating Mabuting Balita ngayon ay bahagi ng mga pangyayari sa buhay ni Hesus bago siya hulihin, hatulan at mamatay. Kanyang ipinahayag” “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Pero kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana.” Ginamit ni Hesus ang imahe ng isang butil ng trigo na nananatiling nag-iisa kung hindi ito mahulog sa lupa at mamatay. Nasa panganib ang buhay ni Hesus dahil ipinaglaban niya ang katotohanan, at tinanggihan ang mga kasinungalingan ng kanyang mga kaaway. Pero, tulad ng Mabuting Pastol, handa siyang isuko ang kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Ang “oras ng Anak ng Tao” na kanyang tinutukoy ay oras ng kanyang kamatayan. Masakit, pero kinakailangan at dapat pagdaanan ng binhi ang pagkabulok, bago ito muling mabuhay at magbunga. Mga kapanalig, ang ating paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma ay magiging masagana lamang kung mananatili tayong tapat sa ating pananampalataya kahit na maging panganib ito sa ating buhay. Kadalasan, kasama dito ang pagkamatay sa ating mga personal na kagustuhan, kasarinlan, pagtindig para sa katotohanan, at ang paghahandog ng sarili para sa iba. Samahan natin ang ating Panginoon sa Kalbaryo, mamatay tayo sa ating mga sarili, upang tulad ni Hesus, tayo rin ay maging mabunga.
Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo (Pag-aayuno at Abstinensya) San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Ebanghelyo: Mt 6:1-6, 16-18 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n'yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.” Pagninilay: Mapagpalang Ash Wednesday, kapatid. Hudyat ito nang apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma. Gayunpaman, huwag nating kalilimutan ang higit na hihihingi ng panahon ng kuwaresma: ang makiisa sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Tamang tama lamang din, dahil kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang pagdiriwang ng Valentine's Day. Naku, marami ang makakatipid!!! Hahahhahahaha!!! Pero sana huwag nating tipirin ang magdasal, ang magsakripisyo at maging bukas palad na tumulong sa ating kapwa. Ang abo na nasa ating noo, maliban na ito ay paalala na hiram ang buhay, ay maging tanda nawa ng ating tipanan sa Panginoon. Huwag sana itong maging dekorasyon para masabing katoliko ako; sa halip maging tanda nang pagbabalik loob, pagsunod at pagmamahal nang lubos. Amen.
Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 5:17-30 Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya't kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya't maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Pagninilay: Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap. Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe; kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.
Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 5:17-30 Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya't kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya't maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Pagninilay: Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap. Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe; kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.
Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 5:17-30 Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya't kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya't maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Pagninilay: Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap. Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe; kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.
Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 5:17-30 Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya't kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya't maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Pagninilay: Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap. Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe; kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.
Mabuting Balita l Pebrero 12, 2024 – Lunes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon San Melecio ng Antioquia Ebanghelyo: Mk 8:11-13 Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Hesus. Gusto nilang subukan si Hesus at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntung-hininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Hesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo. Pagninilay: Napabuntung-hininga nang malalim ang ating Hesus Maestro. Sa English version, mas makahulugan ang sipi. Ang sabi: Jesus “sighed from the depth of His spirit.” Hindi ito ordinaryong buntung-hininga. Mas malalim pa ito sa emosyon. Mula ito sa kaibuturan ng Kanyang Espiritu. May feeling of hurt and suffering dahil hindi makaunawa ang mga Pariseo. Naramdaman Niya ito sa Kanyang kaloob-looban dahil nagmamahal Siya. Mahal Niya ang mga Pariseo, pero patuloy ang pagtakwil at pagtanggi sa nila Kanya. Hindi napopoot ang ating Hesus Maestro sa kanila, kundi puno Siya ng awa. Sa sipi ng Mabuting Balita ngayon, tahimik Siyang umalis. Sa ibang mga Gospels, layunin Niyang i-convert sila dahil mahal Niya sila. Madalas na sinusubukan ng ating Panginoon na gimbalin sila sa kanilang indifference at pagtanggi sa dulot Niyang biyaya. Pero hindi rin sila magbago. Sa makalawa, February 14, Ash Wednesday, simula ng Kuwaresma at Valentines day pa. Noong bata ako, basta Araw ng puso, kinikilig ako at pulang damit ang suot ko. Pero habang nag-aadvance na ako sa age, iba na ang level ng pagmamahal ko. Kaya ko nang magparaya, masaktan, magsakripisyo para sa minamahal ko. Ito ang kahulugan ng Kuwaresma. Ito ang panahon ng Celebration of the greatest love of all. Bilang kapalit, tularan din natin ang pagmamahal ng ating Hesus Maestro na handang i-alay ang sarili para sa kapwa. Kung sakaling natutulad tayo sa mga Pariseo, na madalas hindi ma-gets ang message of love ng ating Hesus Maestro, humingi tayo ng tawad. In case, nahihiya tayong magbalik-loob, titigan natin ang Krusipiho. Paalala ito ng tapang ng loob na harapin ang hamon ng kababaan at pagbabagong-loob. Reminder din na humugot tayo ng hininga ng buhay na nagbubukal sa ating Hesus Maestro na may katangi-tangi, pinakadakila at pinakadalisay na pagmamahal para sa iyo at sa akin.
Mabuting Balita l Enero 28, 2024 – Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 1: 21-28 At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Hesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka't lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea. Pagninilay: Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang National Bible Sunday, isang okasyon na nagbibigay-pugay sa kahalagahan ng Banal na Kasulatan sa ating mga buhay. Sa Mabuting Balita, narinig natin ang kwento ng pagtuturo ni Hesus sa sinagoga sa Capernaum. Ang mga tao ay namangha sa Kanyang turo, dahil nagtuturo Siya nang may awtoridad at hindi katulad ng mga eskriba. Pero hindi lamang ang awtoridad ni Hesus ang kinikilala ng mga tao, kundi pati na rin ang katotohanan ng Kanyang mga aral. Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay-buhay at nagpapalakas sa mga puso ng mga nakikinig. Mga kapanalig, ang Salita ng Diyos ay nagdadala ng liwanag sa kadiliman, ng pag-asa sa kawalan, at ng buhay sa mga patay na kaluluwa. Sa pagdiriwang natin ng National Bible Sunday, inaanyayahan tayo na magbalik-tanaw sa kahalagahan ng Banal na Kasulatan sa ating mga buhay. Ang Biblia ay hindi lamang isang libro; ito ay isang biyaya mula sa Diyos, isang gabay sa ating paglalakbay sa buhay. Sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, natutunan natin ang mga aral ng Diyos, ang Kanyang pagmamahal, at ang Kanyang plano para sa atin. Ipinapahayag nito sa atin kung paano maging tapat na mga alagad ng Diyos. Kaya naman basahin natin ang Biblia, aralin natin ito, dalhin natin sa panalangin ang ating mga natutunan, isabuhay ang mga aral nito at ibahagi ito sa ating kapwa.
Mabuting Balita l Enero 21, 2024 – Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:13-16 May nagdala kay Hesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. At pagkakita ni Hesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag n'yo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa Kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” At pagkakalong sa kanila ni Hesus, ipinatong niya sa kanila ang kanyang mga kamay para basbasan sila. Pagninilay: Viva Sto. Nino!!! Naglalakad ako noon sa loob ng simbahan nang aking nadaanan ang isang mag-ina, na kung saan ang anak ay nag-iingay at naglalaro. Sabi ng nanay sa anak, “Anak punta ka dito. Behave ka. Magagalit si Father!” Naku! ginawa pa akong panakot upang tumahimik ang bata. Aminin, marami sa atin ang ginagawa ito!!! Sa ating Mabuting Balita, pinapakita sa atin na hindi dapat katakutan si Hesus. Sa katunayan, dinala pa nga ng mga nakatatanda ang mga bata para basbasan ng Panginoon. Pero ano ang nangyari? Hinarang ng mga alagad ang mga taong may tangan-tangang mga bata. Ayaw ng mga alagad na maistorbo si Hesus sa pagtuturo,dahil na rin marahil likas sa mga ito ang pagiging maiingay at magugulo. Pero ano ang nangyari? Sa halip na hindi pansinin ang mga ito, nagsalita si Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.” And wait—papunta na tayo sa most exciting part—dagdag pa ni Hesus, “may Karapatan din ang mga bata sa kaharian ng Diyos … at sana tularan ang mga ito sa pagtanggap sa kaharian.” Ang ganda naman noon!!! Hindi lang kinilala ni Hesus ang karapatan ng mga bata, itinaas pa niya ang dignidad ng mga ito. Paano nga ba ang maging bata noon? Tinuturing silang the last, the least; and the lost – walang karapatan, walang silbi at tinig sa lipunan. Binago ni Hesus ang ganitong pananaw. Para kay Hesus, maging sino ka man; matanda ka man o bata, lahat tayo ay anak ng Diyos—may dignidad, may silbi at may tinig sa kaharian ng Diyos. Mga kapanalig, sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino, muli tayong pinapa-alalahanan na si Hesus ay tunay na naging tao. Siya din ay naging bata, hanggang siya ay lumaki. Pangalawa, ang kaharian ng Diyos ay walang pinipili na lahi, edad, kulay, kasarian at estado sa Lipunan. Lahat ay may karapatan, kahit bata. Tayo ay mga anak niya at iyan ang mahalaga at hindi magbabago. Amen.
Mabuting Balita l Enero 13, 2024 – Sabado Unang Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 2:13-17 Pumunta si Hesus sa tabing-dagat at lumapit din sa kanya ang lahat. Kaya nagturo siya sa kanila. Nakita naman niya sa paglalakad si Levi na anak ni Alfeo, na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo ito at sinundan siya. Habang nanunuluyan naman si Hesus sa bahay niya, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang nakisalo kay Hesus at sa kanyang mga alagad. Talagang ngang marami sila. Ngunit may mga guro ng Batas namang sumusunod sa kanya. Nang makita nila na nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang alagad: “Ano! Kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis?” Nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit! Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.” Pagninilay: Nangangailangan ng Manggagamot ang may karamdaman. Mga kapanalig, sino sa atin ang may pagkakamali, pagkukulang, kahinaan, kapintasan, kakapusan? Alam kong bawat isa sa atin may dinaramdaman na sugat ng kahinaan. Maaari rin nating tanggapin na nasasalamin sa ating kalooban ang karamdaman ng ating lipunan. Napakinggan natin ang iniaalay ng Panginoon na paghilom. Narito Siya para hilumin, punan, patawarin ang ating kahinaan. Alam kong lahat tayo napag-aralan ang Noli Me Tangere. Ito ang kathambuhay o nobela na isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal. Inihalintulad niya ang lipunan ng Pilipinas sa isang kanser noong kapanahunan niya. Ang bayang nagdurusa sa sakit, na ayaw magpasaling. Kaya pinamagatan itong “Huwag mo akong salingin” o “Touch me not.” Pagsasalarawan na may katotohanan. Mainam na gawing buhay ang mga tauhan sa kuwento na nakikipag-usap sa mambabasa. Katulad sa isinateleseryeng Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong nakaraang taon nina “Maria Clara at Ibarra.” Inilahad sa nobela ang malalang sakit ng ating bayan. Sakit ito ng korupsyon, kawalan ng katarungan, ng karalitaan, at ng pang-aabuso ng mga may kapangyarihan, ma-politikal man o ma-pasimbahan. Totoo na bahagi sa isinulat, ang ibang lingkod ng Simbahan na naging mapang-abuso. Ngayon naman, sa kasalukuyang karamdaman at challenges ng ating Inang Sambayanang Katoliko, may panibago siyang panlunas na sinisikapang gawin. Sa pangunguna ni Pope Francis kasama ang mga obispo, ang mga pari, mga consecrated religious men and women, lay people, ginanap ang Unang session ng Synodal Assembly noong nakaraang October 2023. Ayon sa Final Document, nag-establish ang Simbahan ng panibagong baptismal ministry of listening and accompaniment. Nagpromote din ng magkakatuwang na mabuting pagpapasya sa kontobersyal, mga doktrina, at isyung moral sa liwanag ng Salita ng Diyos, mga Turo ng Simbahan, mga maliwanag na pagninilay tungkol sa Panginoon. Naroon din ang layunin na maging buhay na saksi sa yaman ng naging karanasan sa Synod tulad ng pakikinig, pananahimik, pagbabahaginan, at pananalangin. Abutin natin ang paghilom na nakalaan sa ating sari-sariling paghilom. Hawak-kamay din tayo bilang binyagang Kristiyano na humakbang tungo sa tunay na paghilom natin bilang bayan ng Diyos. -Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Enero 12, 2024 – Biyernes Unang Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 2:1-12 Pumasok si Hesus sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat. At nang hindi sila makalapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Hesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba't ang Diyos lamang?” At agad na nalaman ni Hesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan' o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad'? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” “Iniuutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang paralitiko, agad na kinuha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma'y hindi pa kami nakakakita ng ganito.” Pagninilay: Mga kapanalig, marahil pamilyar kayo sa awiting: “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, at lahat tayo'y may pananagutan sa isa't isa.” Naaalala ko ang awiting ito, dahil sa kuwento ng pagpapagaling sa paralitiko, na narinig natin sa Mabuting Balita. Sadyang napakahirap ng buhay ng isang taong maysakit, lumpo o paralitiko na katulad ng lalaki sa Mabuting Balita. Kinakailangan niyang umasa sa tulong ng iba. Pero sa kabilang dako, napakapalad din ng taong ito dahil meron siyang mga kaibigan, na buong pusong nagmamahal at tumutulong sa kanya. At nakita rin natin, na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya, upang malampasan ang anumang balakid na makasasagabal, sa kanilang pagtulong sa kaibigang may sakit. Mga kapanalig, bukas ba ang ating puso sa pagtulong sa taong nangangailangan, kaibigan man o hindi? Sa panahon ng kagipitan, meron ba tayong matatag na pananampalataya, na malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok, dahil kasama natin ang Diyos? Hilingin natin sa Panginoon, na pagkalooban tayo ng matatag na pananampalataya at malalim na pag-ibig sa bawat isa. - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Enero 9, 2024 – Martes l Unang linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 1: 21-28 At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Hesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka't lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea. Pagninilay: Sa Mabuting Balita ngayon ang mga tao sa sinagoga'y namangha kay Hesus, dahil iba ang kanilang narinig at bago sa kanila ang katuruan ni Hesus. May awtoridad sa pagtuturo ni Hesus, dahil ginagawa niya ang kanyang sinabi. Jesus walks his talk. Madalas, kapag magsasalita o magbibigay ng komento ang isang institusyon o indibidwal, ang una nating tinitingnan, ay ang kanyang integridad at kredibilidad. Kapag hindi naaayon ang sinasabi sa kanyang buhay - kumikilos ng may double standards, nabubuhay sa pagkukunwari, at doble kara - binabatikos natin. Bilang tao, nais nating mabuhay sa tama at katotohanan. Ito ang hamon sa atin, mabuhay nang naaayon sa turo ni Kristo. Jesus' authority is even acknowledged by the man with an “unclean spirit” saying, “What have you to do with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are-the Holy One of God.' Mga kapanalig, tulad ng lalaking inaalihan ng masamang espiritu, tayo rin ay may mga unclean spirits mga addictions at vices. If we fail to offer these to Jesus, who can liberate us from these forces. They will forever enslave us, and will forever torment us. Mayroong dalawang kahihinatnan sa paggamit ng awtoridad: Ang mangibabaw (dominate) o ang magpalaya (liberate). Ginagamit ni Hesus ang kanyang awtoridad sa wasto. Pinalalaya niya ang mga tao mula sa kamangmangan, habang itinuturo niya sa kanila ang katotohanan. Pinalaya niya ang mga tao mula sa pagkaalipin ng masasamang espiritu, habang malumanay niyang pinagagaling ang mga ito. Ito ang hamon sa atin: Paano gamitin nang responsable ang awtoridad na mayroon tayo – to dominate or liberate? Amen. - Fr. Byan Tayag, SSP l Society of St. Paul
Mabuting Balita l Enero 5, 2024 – Biyernes Ebanghelyo: Juan 1:43-51 Natagpuan ni Felipe si Natanael at sinabi nito sa kanya: “Ang tinutukoy ni Moises na nakasulat sa Batas at Mga Propeta, siya ang natagpuan namin – si Hesus na anak ni Jose, na taga Nazaret.” “May mabuti bang galing sa Nazaret?” “Halika't tingnan mo.” Nakita ni Hesus na palapit sa kanya si Natanael at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitang walang pagkukunwari.” “Paano mo ako nakilala?” “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.” Pagninilay: Nazaret? May magaling bang bagay na manggagaling doon? Aminin man natin o hindi, ang ilan sa atin ay may mga biases o pagkiling sa ating pakikitungo sa kapwa. May mga pinapaboran tayo, meron din namang ayaw talaga natin sa isang tao. Kahit sinisikap nating maging pantay-pantay sa pakikitungo sa bawat isa, lalabas at lalabas pa rin ang pag uugali nating may pagkiling o pagtatangi sa iilan. Kapanalig, kung meron man tayong mga pagkiling o biases, sa ating pakikitungo sa ating kapwa, sikapin nating huwag itong pairalin, upang huwag humantong sa pagkakawatak-watak at diskriminasyon laban sa iba. Sinasabi nga sa sulat ni Santiago, “Mga kapatid ko, kung may pananampalataya kayo sa maluwalhati nating Panginoong Hesukristo, huwag sana kayong magtatangi sa mga tao. Ang pagkiling o pagtatangi ay isang malubhang kasalanan. Hindi ito inaayunan ng Diyos. Tinuturuan din tayo ni Apostol Santiago, na ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag ibig natin sa ating sarili. Sinasabi din nya sa kanyang sulat: “kung nagtatangi-tangi kayo, nagkakasala kayo at nahatulan na, sa inyong paglabag sa batas”. Mga kapanalig, matuto nawa tayong tumingin sa iba, kung papaano sila tinitingnan ng Diyos. At tingnan ang mga pangyayari sa ating buhay, sa lente o paraan ng pagtingin ng Diyos. Umpisahan natin ito sa ating mga puso. Let us confess our sins of prejudice and biases. Hilingin natin ang tulong ng Diyos, na pagkalooban tayo ng Kanyang mata upang makita ang ating kapwa, gaya nang pagtingin Niya sa kanila. At gamitin nawa tayo ng Diyos upang tulungan ang ating kapwa na makipagkasundo sa isa't isa, lalo't higit, makipagkasundo sa Diyos. Amen.
Mabuting Balita l Disyembre 14, 2023 – Huwebes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 11:11-15 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang Kaharian ng Langit ay marahas na sumusulong at mga maylakas ang silang umaagaw nito. “Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tainga.” Pagninilay: Marahil marami sa atin ang may mga kanya-kanyang iniidolo. Pero ang tanong, kung kikilalanin natin ang kanilang tunay na buhay – talaga kayang karapatdapat silang hangaan at gawing huwaran ng ating buhay? Sa Mabuting Balitang ating narinig, iminungkahi ni Hesus na gawin nating huwaran si Juan Bautista. Namumukod tangi sa lahat si San Juan Bautista. Ano nga bang pagpapahayag ang kanyang ginawa? Siya ang propetang nagdugtong sa Luma at Bagong Tipan, ang huling propeta bago ang pagdating ni Hesus. Isa sa mga hudyat na babalik ang Diyos ay ang kanyang pagpapahayag, pagbibinyag at pagsisisi sa kasalanan. Sinisimbolo ng tubig ang paglilinis sa ating mga kasalanan. At sa tuwing pumapasok tayo sa simbahan, binabasbasan natin ang ating sarili ng agua bendita o holy water, tanda ng ating sinumpaan sa binyag. Sa pagdating ni Hesus sa pasko, suriin natin kung malinis ba ang puso natin para kay Hesus. Pagsisisi, Pagpapatawad at Pagbabalik loob – ito ang pinakabuod at mensahe ni San Juan Bautista. Mga kapanalig, kinakailangan na bantayan natin ang ating mga sariling pananampalataya upang hindi tayo maligaw sa landas ng katotohanan. Tayo ang unang lumayo sa Diyos at nagkasala, iyan ang katotohanan. Magkagayon pa man, patuloy pa rin tayong inaanyayahan ng Diyos na lumapit sa Kanya upang maghilom ang mga sugat ng ating kaluluwa na dulot ng kasalanan. Patuloy tayong minamahal ng Diyos, kahit paulit-ulit natin Siyang nasasaktan. Hinihintay lamang Niya ang ating pagbabalik-loob sa Kanya. Manalangin tayo: Panginoong mahabagin, sa aming paghahanda sa Iyong pagdating, dalangin namin na ilapit Mo po kami sa iyong kabanal-banalang puso sa sakramento ng kumpisal. Maikumpisal nawa naming ang lahat naming pagkakasala. Patuloy Mo nawa kaming tulungan na magbago hanggang sa huli, sa pamamagitan ng Iyong mga salita. Amen. MS. RONALYN DE GUZMAN – Lector Commentator, Minor Basilica of Saint Dominic – San Carlos City, Pangasinan
Mabuting Balita l Disyembre 1, 2023 – Biyernes l Ika – 34 o Huling Linggo sa Karaniwang panahon Ebanghelyo: Lucas 21:29-33 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Tingnan ninyo ang punong-igos at ang ibang mga puno. Pagkakita ninyong nagdadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-init. Gayundin naman, pag napansin ninyo ang mga ito, alamin ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang salinlahing ito at mangyayari ang lahat ng ito. Lilipas ang Langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking salita.” Pagninilay: “Lilipas ang Langit at lupa ngunit hindi lilipas ang Kanyang salita.” Ang sinabing ito ng Panginoong Hesus ay nagpapatotoo, na ang Kanyang salita ay mananatiling buhay at mabisa sa lahat ng panahon at pagkakataon. Isa itong kasiguruhang ibinibigay ng Panginoon sa mga taong naniniwala sa Kanyang mga ipinangaral. Ipinapakita nito sa atin na ang tao, sa kabila ng limitasyon ng buhay sa mundong ito ay may patutunguhan. Hindi siya paikut-ikot sa walang kabuluhang proseso. Kung kaya ang Ebanghelyo ngayon, ay paanyaya sa atin, na maging mapagtimpi upang maituon sa mabuti... ang mga mithiing makabuluhan at makatwiran, na nagbibigay ng tumpak na direksiyon. Wika ng Panginoon, “Hindi lilipas ang aking mga salita.” Nagpapatotoo ito sa atin, na sa Panginoong Hesus lamang natin, tunay na matatagpuan ang tamang daan. Sa Panginoong Hesus lamang, magkakaroon ng kaganapan ang ating buhay. Sa pagsusumikap nating isabuhay ang Kanyang mga mabubuting halimbawa, tunay nating matatagpuan ang kabuluhan ng lahat ng bagay. Ayon pa kay San Agustin, “Ang nagbibigay sa Diyos nang buong pagmamahal, ay may pagtitimpi sa sarili.” Mga kapatid, suriin natin ang ating sarili. Ang salita ng Diyos ba, na araw-araw nating pinakikinggan at pinagninilayan, ay nakakatulong sa atin upang maging mapagtimpi sa paggawa ng kasalanan? Kung tunay tayong nagagabayan at binabago, ng buhay na Salita ng Diyos, makikita ang epekto nito sa ating buhay-pananampalataya at pakikipagkapwa tao. Masasalamin din ito sa paraan ng ating pamumuhay, lalo na sa panahon ng pagsubok. Dahil ang taong tunay na nagsasabuhay ng Salita ng Diyos – hindi madaling mawalan ng pag-asa. Sa halip, patuloy na nakatayo at nakakapit sa Diyos, sa kabila ng mga unos at bagyong dumarating sa buhay. - Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Nobyembre 27, 2023 – Lunes l Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 21:1-4 Tumingin si Hesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. Naghulog nga silang lahat sa kabang-yaman mula sa sobra nila subalit inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.” Pagninilay: “Sapagkat ang inabuloy nilang lahat ay iyong lumabis sa kanila, ngunit ang inihulog ng balong ito ay ang buo niyang kabuhayan sa kabila ng kanyang paghihikahos”. Ang pagkakawang gawa ay laging kalugod-lugod sa mga mata ng ating Panginoong Hesus. Sinasabi lagi ng aming Nanay, sana pagkalooban ako ng Diyos ng maraming pera para laging makatulong. Nakikita ko ang Nanay na gusto laging magtipid para may hawak syang pera. Bakit? Dahil kapag may biglang nangailangan ng pera at humingi ng tulong, may maibibigay sya. Mga kapanalig, hindi natin kailangan na dumami ang pera para makatulong. Nagpapakita ang Mabuting Balita ngayon, na anumang munting maibabahagi ay malaking halaga nang maituturing. Magbigay tayo at tumulong hindi galing sa sobra, kundi bahagi ng ating ikinabubuhay sa pang-araw araw. Yong dama natin sa puso na may kirot, pero may kapalit na galak sa puso sa pagbibigay. Mga kapanalig, maraming pagkakataon sa karanasan ng Nanay, na kapag itinulong niya sa kapwa ang kahit konting pera na matagal na niyang itinago, madalas babalik ng doble o mas higit pa sa halagang ibinahagi nya. Sinasabi ko din sa Nanay, wag lang magkakasakit ng malubha, isa man sa aming pamilya, malaking biyaya na ito mula sa Diyos. O kung sakali mang may pagsubok na dumating at kami naman ang mangailangan ng tulong, naroon ang makalangit na paghingi ng awa at tulong sa Panginoon Hesus. Walang natatago sa mga mata ng Diyos. Anumang paghihirap ang ating dinaranas sa buhay, manalig at magtiwala na mga kamay ng Diyos laging gagabay. Sabi ng isang madre namin, sa kanyang message sa akin, “Sometimes sunod sunod ang pagsubok, pero hindi nauubos ang grasya ng Diyos". Mga kapanalig, may kalayaan sa takot, may kalayaan sa pangamba, luha may dumaloy sa ating mga mata, dahil sa bigat ng pinapasang pagsubok, lakasan natin ang panalangin sa Diyos. Mula sa langit, lalagi Siyang nakatunghay at tayo ay yayakapin. Amen. -Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Nobyembre 26, 2023 – Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako'y hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?' Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di Ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, may sakit o nakabilanggo at di namin pinaglingkuran?' Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo, anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.” Pagninilay: Isang mensahe ng pagdiriwang ng Paghahari ni Kristo sa sanlibutan, ang pagsusuri ng ating mga sarili kung si Kristo nga ba talaga ang tunay na naghahari sa ating buhay, sa sa ating puso, sa isip at sa buong pagkatao. Kung hindi pa, inaanyayahan tayo ng pagdiriwang na ito na isuko natin sa Panginoon ang ating mga sarili, at ang ating kahandaang pagharian Niya at gamitin ayon sa Kanyang layunin, habang tayo'y nabubuhay. Amen. Bishop Rex Alarcon, D.D. – Diocese of Daet
Mabuting Balita l Nobyembre 12, 2023– Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Anthony Capirayan ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Mga kapatid, sa oras na lilisanin na natin ang mundong ito at haharap na tayo sa Panginoon, masasabi kaya natin na puno-punong ang lampara ng ating buhay ng langis? —langis ng pagmamahal, Langis ng pagiging bukas-palad, langis ng pagtitiwala sa Diyos, langis ng pagpapatawad, langis ng pagiging magpagpasalamat, at langis ng mga mabubuting gawa. Sana maghanda at magsumikap tayong lagyan ng langis ang ating buhay araw-araw upang patuloy itong nagliliwanag. Nang sa ganoon, pagdating ng panahon na tayo ay kakatok doon sa pintuan sa langit, hindi itatanong sa atin ng Panginoon, “Sino kayo?”, kundi bubuksan niya nang malawak ang pintuan at sasabihing, “Pasok kayo.”
Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2023 – Huwebes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako'y hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?' Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di Ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, may sakit o nakabilanggo at di namin pinaglingkuran?' Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo, anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.” Pagninilay: Sa aming pastoral exposure sa Catarman, Samar, inaatasan kami ng kura paroko na basbasan ang mga puntod ng mga yumao sa mga baryong kinasasakupan ng parokya sa araw ng Undas. At dahil magkakalayo ang mga puntod, inabot din po kami ng halos buong araw sa paglalakad. Habang kami ay tumatawid ng ilog pauwi, meron kaming nakasalubong na bata, siguro mga walo or siyam na taong gulang. At tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan. “Usting,” sagot ng bata. ‘Yon po ang kanyang palayaw ang kanyang totoong pangalan ay Justin. Bigla ko pong naalala ang yumaong seminarista na kasama ko sa seminary noon na ang pangalan din ay Justin. Iniisip ko na baka papatawid na din si Justin sa ilog ng purgatoryo patungo sa pampang ng buhay na walang hanggan. Sa ebanghelyong ating narinig, sinasabi na sa Araw ng Paghuhukom, pagbubukud-bukurin ang mga tao, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ang mga tupa ay “makakatawid ng ilog” patungo sa kaharian ng Diyos at ang kambing ay mananatili sa “madilim na tubig” ng kapahamakan. At papaanong makakatawid ang mga tupa patungo sa buhay na walang hanggan? Dahil nakita nila ang mukha ng Diyos sa mga taong nagugutom, nauuhaw, walang maisuot, nasa bilangguan, may karamdaman, at tinugunan ang kanilang pangangailangan. Sila ang mga taong iniwan ang pampang ng pagkamakasarili at tumawid patungo sa pampang ng pagbibigay ng sarili. Habang tayo'y nananalangin sa pagtawid ng ating mga mahal sa yumao patungo sa buhay na walang hanggan, hingin din natin ang kanilang tulong at paggabay sa mga pagtatawid natin sa mundong ito—na lisanin ang pampang ng kasakiman patungong pagiging bukas-palad, na lisanin ang ilog ng kapalaluan patungong pampang ng kapakumbabaan, na lisanin ang pampang ng kadiliman ng kasalanan at tumawid patungong liwanag.
Mabuting Balita l Oktubre 25, 2023 – Miyerkules l Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12:39-48 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isipin ninyo ito: kung nalaman lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana n'ya pababayaang looban ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat dumarating ang Anak ng Tao sa oras na hindi Ninyo inaakala.” Sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino mo ba sinasabi ang talinhagang ito, sa amin ba o sa lahat?” Sumagot ang Panginoon: “Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katiwala na pangangasiwaan ng panginoon sa kanyang tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kanyang panginoon ay matagpuan s'ya nitong tumutupad nang gayon, mapalad ang lingkod na iyon. Talagang sinasabi ko sa inyo, pangangasiwain s'ya nito sa lahat nitong ari-arian. Ngunit maaari namang maisip ng lingkod na iyon: ‘Matatagalan pang dumating ang aking panginoon.' At simulang pagmalupitan ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. Ngunit darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na di inaasahan at sa oras na di n'ya nalalaman. Palalayasin n'ya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya ng mga di-dapat. Maraming hampas ang tatanggapin ng katulong na nakaaalam sa kalooban ng kanyang panginoon pero hindi naghanda ni sumunod sa kalooban n'ya. Kaunti lang naman ang tatanggapin ng walang nalalaman sa kalooban n'ya ngunit gumawa ng mga bagay na dapat parusahan. Hihingan nga ng marami ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinagkatiwalaan nang higit.” Pagninilay: Ang Mabuting Balita sa araw na ito ay napakahalagang paalala at pagsusuri ng ating sarili, sa kung papano natin ginagawa ang mga bagay na ipinagkakatiwala sa atin. Maganda rin namang masabihan kang napaka-responsable mong tao. Pero hindi lang ang pagiging responsable at magaling ang mahalaga kay Hesus, kundi higit sa lahat, ang pagiging tapat o (faithful). Katapatan na bunga ng buong tiwala, at pagpapahalaga sa malalim na relasyon, ng isang taong nagbibigay ng tiwala sa Kanya. Ang taong tapat ay responsable, hindi lang sa trabaho, kundi may pagpapahalaga din ito sa kapakanan ng mga kasama nito sa anumang gawain – dahil sila rin ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Nawawala ang pagiging makasarili sa ganitong disposisyon. Mas katiwa-tiwala at laging handa sa pagdalaw ng Diyos sa ating buhay. Manalangin tayo: Panginoong Hesus, gabayan nawa kami ng aming pananampalataya sa iyo para maging tapat at may pagpapahalaga sa lahat ng bagay at mga taong ipinagkakatiwala Ninyo sa amin. Amen. - Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Oktubre 1, 2023 – Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 21:28-32 Nagpatuloy si Hesus: “Ano sa palagay n'yo? May dalawang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at sinabi: ‘Anak, pumunta ka ngayon at magtrabaho sa aking ubasan.' Sumagot ang anak: ‘Ayoko.' Ngunit pagkatapos ay nagbagong-isip siya at pumunta. Pinuntahan din ng ama ang pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot naman ang anak: ‘Opo.' Pero hindi siya pumunta. At tinanong sila ni Hesus: “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa gusto ng ama?” “Ang una.” “Talagang sinasabi ko sa inyo: mas nauuna sa inyo patungo sa Kaharian ng Langit ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Dumating nga si Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan subalit hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala naman ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Nakita n'yo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.” Pagninilay: “Sino sa dalawang anak ang tumupad sa kalooban ng Ama?” At kanino ka mas nakaka relate? sa nagsabi ng “Oo”, pero hindi sumunod? O sa nagsabi ng “Hindi” pero sumunod. Malamang na experience na natin ang malagay sa ganitong sitwasyon noong mga bata pa tayo, nung inutusan tayo ng ating mga magulang. At marahil naalala pa natin ang ginawa nating pagtugon. Ang talinhaga ng dalawang anak ay nagpapahiwatig sa atin ng malalim na kahulugan ng “free will” o ng kalayaan na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Paano nga ba natin ginagamit ang handog na kalayaan ng Panginoon? Ginagamit ba natin ito para lumago sa kabutihan, kabanalan at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos? O ginagamit natin ito para gawin anuman ang maibigan natin, kahit alam nating taliwas ito sa kalooban ng Diyos, at lubhang makakaapekto sa ating kapwa? Pansinin natin mga kapanalig, kapag gumagawa tayo ng tama at mabuti, at namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos, tunay tayong malaya – panatag ang ating kalooban, masaya ang ating buhay, at wala tayong kinatatakutan saan man tayo magpunta, dahil wala tayong atraso kaninuman. Samantalang kung namumuhay tayo sa kasalanan – sangkot sa mga illegal na gawain, katulad ng droga, pangungupit sa kaban ng bayan, pandaraya sa negosyo at tuwing Halalan, pang-aabuso sa kapangyarihan, pamumuhay sa kasinungalingan, at hindi pagiging tapat sa asawa o maging sa bokasyon ng pagpapari o pagmamadre na ating sinumpaan – hindi tayo tunay na malaya. Dahil laging may takot sa ating dibdib, nangangamba, na baka may makakita sa atin; na baka bukas o makalawa, mabubunyag ang kasalanan o katiwalian na ginagawa natin ng lihim. Kaya masasabi natin, na sinumang namumuhay sa kasalanan, hindi tunay malaya, lumiliit ang mundo dahil laging nagtatago, at maraming iniiwasan at kinatatakutan. Mga kapanalig, maitago man natin sa mata ng tao ang mga kasalanang ginagawa natin ng lihim, hinding-hindi natin ito maitatago sa mata ng Diyos na nakakakita ng lahat. Isa pa, hindi rin matahimik ang ating budhi sa tuwing namumuhay tayo sa kasalanan, binabagabag tayo ng ating konsensya at hindi makatulog. At ayaw ng Panginoon na masadlak tayo sa ganitong sitwasyon. Kaya nga ang paalala sa atin ng Mabuting Balita, panindigan natin ang bawat pagsagot natin ng “Oo” sa Diyos. Isa itong desisyon na dapat nating panibaguhin at isabuhay araw-araw. Kapag pinili nating magmahal at magpakabanal, isa itong desisyon na dapat nating i-renew araw-araw. At kung nagkataon mang humindi tayo sa Diyos, at namuhay ng taliwas sa Kanyang kalooban, may pagkakataon pang baguhin ang ating desisyon at magbalik-loob. God is God of unending chances. Ang bawat araw na pinapahiram sa atin ng Diyos, panibagong pagkakataon upang ayusin ang ating sarili, punan ang mga pagkukulang sa nakalipas na araw, magbalik-loob at pagsisihan, ang mga nagawang kasalanan. - Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Setyembre 29, 2023 – Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon Kapistahan nina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, mga arkanghel #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Juan 1:47-51 Nakita ni Hesus na palapit sa kanya si Natanael at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitang walang pagkukunwari.” “Paano mo ako nakilala?” “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.” Pagninilay: Sinabi pa ni Hesus kay Natanael, “Higit pa riyan ang masasaksihan mo. Pakatandaan mo: makikita ninyong bukás ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!” Maligayang Kapistahan ng mga Arkanghel! Lubos ang pagmamahal ng Panginoon sa kanyang mga anak, kaya itinalaga Niya ang Kanyang mga anghel upang tayo'y gabayan at ingatan sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Simula nung natuto akong magbasa ng Bibliya, naging espesyal na sa akin ang Salmo 91. Isang bahagi nito nagsasaad, “Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.” Dahil dito ramdam ko ang pananatili ng Panginoon sa aking buhay, na ako'y Kanyang iingatan, ilalayo sa kapahamakan, at anumang karahasan. Kaya dalangin ko sa tuwi-tuwina, na may lakas-loob akong harapin ang anumang hamon ng buhay, dahil ang pag-iingat ng Panginoo'y nasa sa akin. Tunay na makapangyarihan ang salita ni Hesus, “Higit pa riyan ang masasaksihan mo.” Sa pananalig at tiwala sa Kanya, higit pa riyan ang nasasaksihan natin. Kapanalig, bilangin mo kung kaya mo, ang napakaraming pagkakataong iningatan ka ng Panginoon. Naabot mo ang kinaroroonan mo ngayon, at tinatamasa ang Kanyang mga pagpapala, hindi dahil sa ika'y mabuti at tapat, kundi dahil sa katapatan, awa, dakilang pagmamahal at pag-iingat saiyo ng Panginoon. Higit pa riyan ang iyong masasaksihan. Tuloy ang paglalakbay, magtiwala, tapat ang Panginoon, tayo'y iniingatan Niya! - Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul
Mga ka-Unboxing! Call your friendsheeps and let's unbox 1 Kings 12-22 and 2 Kings with the creator of Holy Sheep Podcast Brother JPaul Hernandez of The Feast. We're so excited to bring you this episode where we learn about the Southern Kingdom! Excited na rin ba kayo? Ilabas na ang inyong mga Bibles at ang inyong mga notebooks! Let's continue unboxing the Scriptures from Genesis to Revelation! Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Join Bernz O. Caasi (former anti-Catholic Protestant, Founder of Unboxing Catholicism, and Content Lead of Hallow), Fr. Franz Dizon (Creator of Sa Madaling Sabi, priest at Diocese of Malolos), Jay Aruga of the Jay Aruga Podcast, and their Catholic panelists, as they geek out together and defend the faith clearly without being preachy. You may also join us Live via YouTube and Facebook every Sunday at 8:00 pm. We are also streaming on Channels 1 & 24 of Kalibo Cable Network. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Please check Daxx F. Bondoc's I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Social Media Pages: Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Tiktok: @UnboxingCatholicism “But anyway, I wanted to comment on what Jay said and affirmed what JPaul is saying, because as a Protestant myself, not now, hindi po ako Protestant ngayon. As a former anti-Catholic Protestant, I really agree that these are the things that I didn't see. And grabe, ‘nong sinabi ni Jay ‘yong Al Habayith, ‘nong na realize ko ‘yong Gebirah when I converted. Talagang ‘yong reaction ko parang—‘Oh my gosh. It's making sense now.' Na parang, ‘Kaya pala may Santo Papa.' Mamaya, makikita natin when you read the book of Isaiah 22, makikita mo na ‘yong ‘Al Habayith', siya ‘yong ‘prime minister,' siya ‘yong administrador ng lahat ng mga pag-aari at ng buong kaharian habang wala ‘yong hari at ang tawag sa kanya is para siyang magiging ama ng kaharian, kaya ‘Papa.' So doon pala nanggaling ‘yong ‘Santo Papa'. And, grabe guys, when I realized these things, I said: ‘It's important for all Catholics to know the old testament.” --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message
Mabuting Balita l Setyembre 10, 2023 – Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Mateo 18:15-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin s'ya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano. Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian n'yo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan n'yo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Pangalan ko, kapiling nila ako.” Pagninilay: Ngayong araw, binibigyang-diin ni Hesus ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagkakaisa. Sa Mabuting Balita, itinuturo sa atin ni Hesus ang tamang proseso ng pagtutuwid ng mali o pagkakasala, sa pagitan ng mga magkapatid sa pananampalataya. Una, ipinapaalala sa atin ni Hesus na kailangang lapitan natin ng tahimik at may pagmamahal ang ating kapatid kung nagkasala ito. Hindi dapat agad natin itong i-marites sa iba o ipagkalat sa social media. Kundi, ibahagi natin ang mga pangyayari nang may pagmamahal at layuning ayusin ang pagkakamali. Pangalawa, kung sakaling hindi pa rin magka-ayos, dalhin natin ito sa harap ng iba pang mga kapatid. Magsama tayo ng mga taong may mabuting layunin at malasakit sa pagtutuwid. Huwag natin itong ikahiya, dahil ito'y para rin sa ikabubuti ng lahat. Pangatlo, sa oras na hindi pa rin matapos ang pag-uusap, isama na natin sa simbahan. Hayaan nating maging bahagi ng proseso ang ating komunidad upang maging patas at wasto ang paglutas sa anumang pagkakamali. Magkagayon, binibigyang-pansin natin ang napakagandang pangako ni Hesus: "Kung dalawa sa inyong magkakasundo dito sa lupa hinggil sa alinmang bagay na hihingin, ito'y ibibigay sa kanila ng aking Amang nasa langit." Muli, ipinapaalala sa atin ni Hesus na ang pagkakaisa at pagtutulungan ay nagdadala ng kapangyarihan at pagpapala mula sa Diyos. Mga kapanalig, alalahanin natin ang mensahe ng Mabuting Balita ngayon: magpatawad, maging tapat, at magkaisa. Sa ganitong paraan, mapananatili natin ang pagiging maligaya at mapayapa sa ating mga puso at isipan, dahil binubuklod tayo ng pag-ibig at biyayang mula sa ating Panginoon. – Fr. Brian Paul Tayag, ssp l Society of St. Paul
Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Mateo 25:1-13 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!' Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming lampara.' Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.' Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasalan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!' Ngunit sumagot siya: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.' Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.” Pagninilay: Paano mo gustong maalala pagkatapos ng maikling buhay mo sa mundo? Gusto mo bang maalala sa dami ng ari-arian, yaman, kasikatan at tagumpay na iyong tinamo? O gusto mong maalala sa dami ng kabutihang iyong nagawa habang nabubuhay ka sa mundo? Para sa maraming kabataan, marahil wala pang masyadong dating ang babala ng Mabuting Balita ngayon. Dahil feeling nila, napakabata pa nila para paghandaan ang buhay sa kabila. Kaya marami sa kanila ang namumuhay na parang walang Diyos, na parang walang katapusan ang buhay. Pero ang babala na maging laging handa sa pagdating ng Panginoon ay nauukol sa ating lahat – bata man o matanda, mahirap o mayaman, nakapag-aral o hindi, banal o makasalanan. Lahat, inaanyayahan ng Panginoon na maging laging handa sa Kanyang pagdating, dahil tunay na hindi natin nalalaman ang araw, ni oras, kung kelan tayo makikipagharap sa Diyos sa sandali ng kamatayan. Ngayon, suriin mo ang iyong buhay. Saan mo ginugugol ang iyong lakas, time, talent at treasure? Ano ang mga gawaing pinaglalaanan mo ng maraming panahon? May pakinabang kaya ang mga ito sa magiging buhay mo sa kabila? Magsisilbi kaya itong passport para makapasok ka sa Kaharian ng Langit? Alam natin na lahat ng pinaghirapan natin dito sa mundo, lahat ng nakamit na yaman, ari-arian, tagumpay, maging ang ating kasikatan – hindi natin madadala sa sandali ng kamatayan, ni hindi na nga maaalala sa paglipas ng panahon. Pero kung gagamitin natin ang mga blessings na tinanggap natin sa Diyos, sa mga gawaing paglilingkod; kung hahayaan natin ang Diyos na gamitin tayo ayon sa Kanyang layunin; kung magiging daluyan tayo ng pagpapala ng Diyos sa mga maralita, dukha, at walang-wala – pumanaw man tayo dito sa mundo, mananatiling buhay ang ating alaala, sa puso ng mga taong ating natulungan… dahil naiparanas natin sa kanila na tunay na buhay ang Diyos at kumikilos Siya sa pamamagitan natin. Mga kapanalig, samantalahin natin ang bawat araw na pinapahiram ng Diyos upang mag-ipon na makalangit na yaman na maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan. At katulad ng limang matatalinong abay, punuin nawa natin ng langis ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ang lampara ng ating buhay – nang maging laging handa tayong salubungin ang Panginoon anumang oras Siya dumating sa ating buhay. Amen. - Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Lucas 4:16-30 Pagdating ni Hesus sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang Mabuting Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Hesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan ang Kasulatang ito ngayon habang nakikinig kayo.” At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nanggaling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba't ito ang anak ni Jose?” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum'. Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding tag-gutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babeng balo ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis. Pagninilay: Nakakapanlumo ang pa-welcome kay Hesus ng kanyang mga kababayan sa Nazaret. Opo, pinuri nila siya, humanga sila sa napakahusay niyang pananalita. Pero hindi naman talaga nila naisapuso ang mensahe, at pagpapalang dala ng presensiya ni Hesus. Nakatuon lamang sila kay Hesus bilang anak ni Jose, ang karpintero. Sa dulo ng Mabuting Balita, nagalit pa sila! Itinaboy si Hesus palabas, papunta sa gilid ng bundok upang ihulog sa bangin. Mga kapanalig, hindi ba may mga pagkakataon din, na inilalagay natin sa kahon ng kanyang nakaraan ang ating kapwa, na para bagang walang kapangyarihan ang Panginoong baguhin ang kanyang buhay? Alalahanin natin, na inakay tayo ng Panginoon sa ating pinagpalang kinalalagyan ngayon, dahil hindi nakabase sa ating nakaraan ang Kanyang plano sa bawat isa sa atin. Manalig tayo sa kapangyarihan ng Panginoong baguhin at puspusin ng Kanyang pagpapala ang ating buhay, ano pa man ang ating nakaraan. Nais ng Panginoong pagpalain ang Kanyang mga anak, nawa'y matuto tayong ituon ang ating mga mata sa mga dakilang bagay na ginawa Niya sa ating buhay, at sa buhay ng ating kapwa. Amen. - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
Kampo ni Dawn Zulueta ang nagpakalat ng isyu? Kilala ba ng Gen z ang Sharon-Gabbu loveteam? Erik Santos, nakadalawa na!
You can be busy but remain healthy spiritually. Ang susi ay huwag lang maging "hurried" palagi. Kapag hurried kasi, napakahirap maging spiritually healthy. Talagang bibigay tayo. Manghihina tayo spiritually at madali tayo matutukso at malilinlang ng kaaway. Maliligaw tayo ng landas at hindi natin matutupad ang kalooban ng Diyos. Pero paano ba ito? Paano natin mababalanse ang buhay natin para hindi tayo maging hurried palagi? Meron tatlong simpleng hakbang para magawa ito ayon sa Mark 6:30-44.
You can be busy but remain healthy spiritually. Ang susi ay huwag lang maging "hurried" palagi. Kapag hurried kasi, napakahirap maging spiritually healthy. Talagang bibigay tayo. Manghihina tayo spiritually at madali tayo matutukso at malilinlang ng kaaway. Maliligaw tayo ng landas at hindi natin matutupad ang kalooban ng Diyos. Pero paano ba ito? Paano natin mababalanse ang buhay natin para hindi tayo maging hurried palagi? Meron tatlong simpleng hakbang para magawa ito ayon sa Mark 6:30-44.
Be part of our community by joining our Facebook group: https://www.facebook.com/groups/thoughtbehindthings In tonight's conversation with our special guest, Muhammad Sarmad Farooq. What has Sarmad's journey been like? What was it like growing up & then moving out of Talagang? What is manufacturing engineering and how did he end up doing it? What was his time at GIK like? What did he do post-graduation? What was it like working in Careem and how did his career progress? Careem's food delivery in Saudi and why wasn't the same model brought to Pakistan? Why did he quit? How did he end up thinking about starting Truck It In? What was Sarmad's family transport business and What was the marketplace like back then? Is there any value in this? How did they go about it? What has changed for the factory owner? Is it beneficial in terms of pricing? How do they earn money & Is it profitable? Were there any conversions? Is there any competition? Is the market heading towards it? The goal of their fundraising? What to expect & will they work on it? How does he envision the Pakistan of 2050? Catch this and so much more in tonight's episode. Do not forget to subscribe and press the bell icon to catch on to some amazing conversations coming your way! Connect with us: • https://www.instagram.com/thoughtbehindthings • https://www.instagram.com/muzamilhasan Sarmad's LinkedIn: https://www.linkedin.com/in/muhammadsarmadfarooq/?originalSubdomain=ae One8nine Media: https://www.youtube.com/channel/UC6akyz6EpkwyzBmKh0L2rSQ Support our podcast: https://anchor.fm/syed-muzamil-hasan-zaidi3/support You can also audio stream our podcast on the following platforms: • Spotify: https://spoti.fi/3z1cE7F • Google Podcast: https://bit.ly/2S84VEd • Apple Podcast: https://apple.co/3cgIkfI --- Support this podcast: https://anchor.fm/syed-muzamil-hasan-zaidi3/support
Sa wakas, nakausap ko na nang solo sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakahinahangaan kong manunulat sa balat ng lupa, ang aking mentor, kainuman, at kaibigan: si Mikael de Lara Co – BOOM! Talagang nagpaka-BeReal lang kami sa episode na ‘to: tungkol sa mga karanasan sa pagtira sa iba't ibang lugar, sa kapangyarihan at hatak ng magagandang akda, sa complexity ng pagiging manunulat, sa sanhi at posibleng lunas sa laganap na disinformation sa lipunan. Listen up, yo!