POPULARITY
“Kumain ng kalabasa pampalinaw ng mata.” Squash or kalabasa is a popular vegetable. Chef JR Royol shares the fun and value of eating squash blossoms or bulaklak ng kalabasa. He also talks about the fascinating sex life, or way of reproducing, of this hardy plant. Catch the full episode here: https://open.spotify.com/episode/5i9JGl5yhEZ4KkQpyy9TTV?si=_FLdhLR-Qz-wJowQyFgBKw&nd=1&dlsi=d0a782e56c844377 Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
“Kumain ng kalabasa pampalinaw ng mata.” Squash or kalabasa is a popular vegetable. Chef JR Royol shares the fun and value of eating squash blossoms or bulaklak ng kalabasa. He also talks about the fascinating sex life, or way of reproducing, of this hardy plant. Catch the full episode here: https://open.spotify.com/episode/5i9JGl5yhEZ4KkQpyy9TTV?si=_FLdhLR-Qz-wJowQyFgBKw&nd=1&dlsi=d0a782e56c844377 Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hello Mga Ka Takipsilim !!!We have an audience survey, and if you have a few minutes to spare it would be incredibly helpful if you could fill it out. The survey will help us find out what you think is working on the show, and it also helps us to attract sponsors to the podcast. It gives us information which we can use for that and, well, having sponsors is actually what helps us keep the show free, for you.https://podcastsurvey.typeform.com/to/gMGjyMLqAng Kwentong Takipsilim ay dadalhin kayo sa mundo ng katatakutan at kababalaghan. True stories tagalog horror at tagalog fiction. #tagaloghorrorstoriesNais mo rin bang magpadala ng iyong karanasang nakakatakot? Email mo lang sa stories@kwentongtakipsilim.com o kaya naman ay imessage mo sa aming FBSupport KT, Check our Merch now !https://takipsilimclothing.com/Sitio Bangungot Podcasthttps://open.spotify.com/show/5PLrpsyco5qfFeJ5jygHsJ?si=28ef14f811664bcaFor Business Inquiries and story submissionstories@kwentongtakipsilim.com Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:44-51 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: ‘tuturuan nga silang lahat ng Diyos.' Kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. “Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang-hanggan ang naniniwala sa akin. “Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa ilang ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Isa sa mga paratang sa mga unang taga-sunod ni Kristo, ay ang krimen ng kanibalismo. Ito ay ang pagkain ng laman ng kapwa tao. Kaya ikinukulong o ipinapapatay ang sinumang matagpuan na miyembro ng samahang ito. Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan o tsismis sa emperyo noon, ang mga unang Kristiyano ay nagtitipon upang kainin ang laman ng kanilang Diyos at inumin ang kanyang dugo. Ganito din marahil ang iskandalong naranasan ng mga Hudyo na nakikinig kay Hesus, noong sabihin niyang ang pagkain na ibibigay niya, ang pagkaing magbibigay buhay ay ang kanyang laman. Batid ng mga Hudyo ang tinutukoy ni Hesus na manna, o yung tinapay na nagsustena sa kanilang mga ninuno noong naglalakbay sila sa Disyerto sa loob ng apatnapung taon. At kung paano ito nagbigay buhay at nagsustena sa kanila, ganito din sinasabi ni Hesus sa mga nakikinig sa kanya, kung paano ang kanyang katawan ay magbibigay buhay. Pero, hindi ba't ito ang nangyayari sa bawat pagtanggap natin ng komunyon? Literal na tinatanggap natin ang buhay na katawan at dugo ng ating Panginoon. At ito ang paraan ng ating pakikipagkaisa kay Hesus. Ganoon kalapit, ganoon ka-personal. Kaya nga komunyon ang tawag natin dito, communion, pakikipagkaisa. Tayo ay nagiging kaisa ni Kristo at sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng ugnayan sa Ama. Nawa sa bawat komunyon na ating tinatanggap, magpatibay nawa ito sa ating pakikipagkaisa kay Kristo at tunay na magbigay buhay sa atin.
Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:30-35 Sinabi ng mga tao kay Hesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa iyo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.'” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.. “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.” Pagninilay: Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Madalas ka bang tumawag sa mga santo at santa, gaya na lang nina Padre Pio, o di kaya ni Santa Teresa, o ni Santa Ana? O maari ring ang iyong regular na nobena ay sa Mahal na Ina ng Awa. Mabuti ang pagtawag sa mga banal na ito, dahil tunay na makapangyarihan ang kanilang panalangin para sa atin. Pero, pinapaalalahanan tayo ng ebanghelyo natin ngayong araw, na ang tunay na tumutugon sa ating mga panalangin, ang tunay na nagbibigay sa atin ng mga grasyang kailangan natin, ay ang Diyos. Sa ating ebanghelyo, itinama ni Hesus ang maling pag-aakala ng mga apostol, na ang manna o tinapay na galing sa langit, ay gawa at bigay ni Moises. Ayon kay Hesus, hindi ang kapangyarihan ni Moises, kundi ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagpaulan ng tinapay mula sa langit. Mga kapanalig, napakagandang paalala ito para sa atin. Tunay na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal, ng mga santo at santa ay nakakamit natin ang mga grasyang hinihiling natin. Pero, mahalagang pakatandaan na ang mga santo at santa ay hindi Diyos, at hindi Niya kapantay. Tanging ang Diyos lamang ang tunay na nagkakaloob sa atin ng grasya at kaligtasan. Amen. (Manalangin tayo: Ama, nawa'y lagi naming maalala na ikaw ang tunay na bukal ng lahat ng grasya. Sa pamamagitan ng mga hinirang mong mga santo at santa ng simbahan, mas mapalapit nawa kami sa iyo, at tumugon sa iyong mahal na kalooban. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, na naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
Kumain ka na ba? (Você já comeu?). Você sempre ouvirá isso ao visitar uma casa nas Filipinas. Essa é a nossa maneira de expressar cuidado e bondade para nossos convidados. E seja como for, seu anfitrião preparará algo para você comer. Os filipinos acreditam que a verdadeira bondade não significa apenas os cumprimentos, mas também ir além das palavras para mostrar verdadeira hospitalidade. Rebeca também sabia tudo sobre ser gentil. Suas tarefas diárias incluíam tirar água do poço fora da cidade e levar o pote pesado de água para casa. Quando o servo de Abraão, que estava sedento lhe pediu um pouco de água de seu cântaro, ela não hesitou em lhe aliviar a sede (Gênesis 24:17-18). Mas então Rebeca fez ainda mais. Quando percebeu que os camelos dos visitantes estavam sedentos, rapidamente se ofereceu para voltar e trazer mais água para eles (vv.19-20). Ela não hesitou em ajudar, mesmo que isso significasse fazer uma viagem extra (ou mais) para o poço e voltar com um pesado pote. A vida é difícil para muitos. Tantas vezes, a prática de um pequeno gesto de bondade pode encorajar e levantar o espírito de alguém. Ser instrumento do amor de Deus nem sempre significa pregar um sermão poderoso ou iniciar uma igreja. Às vezes, pode ser simplesmente dar água a alguém. Por: Karen Huang
Mabuting Balita l Pebrero 10, 2024 – Sabado sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Escolastica, dalaga (Paggunita) Ebanghelyo: Mark 8:1-10 Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay at para sa pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila nabusog at tinipon ang mga natirang pira-piraso-pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad upang pumunta sa lupain ng Dalmanuta. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. “Ako'y nahahabag sa mga taong ito sapagkat tatlong araw na silang sumasama sa akin at wala silang makain.” Nalalaman ni Hesus ang sitwasyon ng mga tao na sumusunod sa Kanya, kaya naman tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ilang tinapay mayroon kayo? At sumagot sila, “Pito” at mayroon din silang maliliit na mga isda. Batid natin na binasbasan ito ni Hesus, at lahat ng tao ay nabusog, at may lumabis pa na pitong bakol na puno. Sa Bibliya ang bilang na Pito o Seven ay perfect number. Sa aking pagninilay, sa lahat ng milagro na galing sa salita ni Hesus ay perfect. Lalo itong naging perfect dahil ang tinapay at isda na nagpa busog sa mga tao, ay galing sa mga alagad. Mga kapatid, ginagamit ng Panginoong Hesus ang ating mga kamay upang makatulong sa kapwa sa kasalukuyang panahon. Hayaan nating patuloy tayong gamitin ng Panginoon na maging daluyan ng Kanyang biyaya at pagpapala, lalo't higit sa mga nangangailangan. Nawa ang biyayang ating natatanggap kay Hesus ay maging daan din upang maging biyaya din tayo para sa ating kapwa. Amen.
Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo15:29-37 Pumunta si Hesus sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagkaakyat sa burol ay naupo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba't ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Hesus, at pinagaling niya sila. Kaya namangha ang lahat nang makita nila na nagsasalita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga may kapansanan, at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” “Ilan bang tinapay meron kayo?” “Pito at kaunting maliliit na isda.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at inibigay sa kayang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso - pitong punong bayong. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Narinig natin na nagtungo si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Galing siya noon sa lupain ng Tiro at Sidon. Bakit mahalaga ang lugar ng Galilea? Dahil sa lugar ng Galilea, panatag ang kalooban ng Panginoong Hesus. Feeling at home siya sa lugar na ito. Dito Siya lumaki, at dito rin nagsimula ang Kanyang ministeryo. Sa Galilea, gumawa ng maraming kababalaghan O milagro ang Panginoong Hesus. Mga kapatid, napakinggan natin sa ating Mabuting Balita, ang milagro ng pagpaparami ng tinapay at maliliit na isda. Totoo, na sa mga salita at kamay ng Panginoong Hesus walang hindi makapangyayari. Ang mga salita Niya ay makapangyarihan, at ang Kanyang mga kamay ay makapapawi ng gutom. Hindi galing kay Hesus ang pitong tinapay at maliliit na isda. Galing ito sa kanyang mga alagad. Pero dahil sa kanilang pagsuko, ng kung ano meron sila, dito naganap ang tinatawag na himala. Mga kapatid, maging daluyan nawa tayo ng himala para sa ating kapwa. Amen. -Sr. Edit Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Abril 27, 2023 Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:44-51 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos', kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na Buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Joe-Nelo Penino ng St. Francis Xavier Parish, Archdiocese ng Caceres ang pagninilay sa ebanghelyo. Ang pinakadakila at wala nang hihigit pang pamana ni Hesus sa atin ay ang kanyang mismong sarili bilang ating TINAPAY NANG BUHAY. Hindi ito simbolismo o tanda ng kanyang presensya, kundi mismong ang kanyang tunay at totoong presensya dito sa ating mundo. Nagpapahiwatig ito na hindi Niya tayo kailanman iiwan. Narito siya at buhay sa ating piling. Sa tuwing tinatanggap natin siya sa Eukaristiya, nariyan ang kanyang tunay, totoo at matibay na presensya; ang Panginoong Hesukristo mismo ang ating tinatanggap. Huwag nating lilituhin ang ating mga sarili sa pag-unawa, ng salitang TINAPAY NA BUHAY. Ibang-iba ito sa tinapay na kinakain natin sa almusal o meryenda. Ang tinapay na ibinabahagi ni Hesus, ay ang kanyang sariling buhay, para makamit natin ang buhay na walang hanggan. Mas lalo nating nasasaksihan ito, sa tuwing tayo'y nagsisimba at nakikibahagi sa misa. Ang tinapay na tinutukoy, ay buhay na Salita nang Diyos at Eukaristiya. Lagi nating pakakatandaan, na sa bawat pag-aalay natin nang misa, tinatanggap natin ang tinapay nang Salita nang Diyos at tinapay nang Eukaristiya. Hayaan natin si Hesus na manahan sa atin. Kaisa natin siya sa ating buhay, sa lahat nang yugto at karanasan natin sa buhay. Siya ang nagbibigay lakas at enerhiya sa atin, upang sa bawat hamon at pagsubok nang buhay, manatili tayong matatag at matapat sa kanya. Ang kanyang katiyakan sa atin, walang iba kundi ang pagpupunyagi hanggang sa huli. Sa bawat pagtanggap natin sa kanya, inaanyayahan Niya tayong maging Kanyang buhay na presensya sa ating kapwa, lalong- lalo na, sa mga nasa laylayan nang ating lipunan at simbahan.
Calling all gamers! We share a bunch of news that may tickle your fancy. Angela announces her new phone, while Pam rage quits a food app. Edwin is a virtual cowboy that knows how to fix cars. We share our thoughts on the Filipino restaurant Kumain and Arby's D&D dice set. Level up & let's eat!
Mabuting Balita l Marso 11, 2023 – Sabado Ikalawang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Luke 15:1-3,11-32 Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas, “Tinatanggap n'ya ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “May isang taong may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama: 'Itay, ibigay n'yo na sa akin ang parte ko sa mana.' At hinati sa kanila ng ama ang mga ari-arian. Pagkaraan ng ilang araw, tinipon ng bunsong anak ang lahat ng kanya at naglakbay sa malayong lupain. Doon n'ya winaldas ang sa kanya sa maluwag na pamumuhay. Nang maubos na ang lahat sa kanya nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing 'yon at nagsimula siyang maghikahos. Kaya't pumunta s'ya at namasukan sa isang taga-roon at inutusan s'yang mag-alaga ng mga baboy sa bukid nito. At gusto sana n'yang punuin kahit na ng kaning baboy ang kanyang tiyan pero wala namang magbigay sa kanya. Noon s'ya natauhan at nag-isip: 'Gaano karaming arawan sa bahay ng aking ama na labis-labis ang pagkain at namamatay naman ako dito sa gutom. Titindig ako, pupunta sa aking ama at sasabihin ko sa kanya: 'Itay nagkasala ako laban sa Langit at sa harap mo. Hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo, ituring mo na akong isa sa iyong mga arawan.' Kaya tumindig siya papunta sa kanyang ama. Malayo pa s'ya ng matanaw ng kanyang ama at naawa ito. Patakbo nitong sinalubong ang anak, niyakap at hinalikan. Sinabi sa kanya ng anak, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa harap mo, hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo.' Pero sinabi ng ama sa kanyang mga utusan: 'Madali, dalhin n'yo ang dati niyang damit at ibihis sa kanya. Suotan nyo ng singsing ang kanyang daliri at ng sapatos ang kanyang mga paa. Dalhin at katayin ang pinatabang guya. Kumain tayo at magsaya sapagkat namatay na ang anak kong ito at nabuhay, nawala at natagpuan.' At nagsimula silang magdiwang. Nasa bukid noon ang panganay na anak. Nang pauwi na s'ya at malapit na sa bahay, narinig n'ya ang tugtugan at sayawan. Tinawag n'ya ang isa sa mga utusan at tinanong sa kanya. ‘Nagbalik ang kapatid mo kaya ipinapatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil nabawi n'ya s'yang buhay at di naano.' Nagalit ang panganay at ayaw pumasok kaya lumabas ang ama at nakiusap sa kanya. Datapuwat sumagot sa kanyang ama, ‘Ilang taon na akong naglilingkod sa ‘yo na di lumalabang sa iyong mga utos at kailan man ay hindi mo ako binigyan ng kahit na isang maliit na kambing na ipagkakatuwa namin ng aking mga kaibigan. Datapuwa't ng dumating ang anak mong ito na naglustay ng iyong kayamanan sa masasamang babae, pinatay mo ang pinatabang baka.' Ngunit sinabi sa kanya ng ama, 'Anak, lagi kitang kasama at sa iyo rin ang lahat ng akin. Pero dapat lamang na magdiwang at magsaya tayo dahil namatay na ang kapatid mo at nabuhay, nawala at natagpuan.'” Pagninilay: Very substantial ang Mabuting Balita natin ngayong araw. Ang daming pwedeng pagnilayan. Pero, itutuon ko ang aking pagninilay sa ugnayan ng ama at ng panganay na anak. Nabulag siya sariling pangangatwiran at paniniwala, at feeling niya, hindi siya nabigyan ng sapat na attention ng kanyang ama. Itinuwid ng kanyang ama ang maling paniniwalang ito; at ipinaliwanag kung bakit kailangan nilang magpiging at magsaya. Mga kapanalig, tunay na mabuti, mapagmahal, mahabagin at mapagpatawad ang Diyos. Lubos ang Kanyang pagnanais na lahat tayong Kanyang mga anak, nagmamahalan at nagpapatawaran. Kaya nga, nais Niyang tanggapin natin ang ating kapwa, anuman ang kanilang mga pagkukulang at pagkakamali. Hindi Siya nawawalan ng pag-asa o sumusuko kapag nalalayo tayo sa Kanya. Kung saan tayo mahina, doon tayo yayakapin ng Diyos. Sr. Clemence Mallete, fsp / Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Pebrero 11, 2023 – Sabado Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 8:1-10 Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paaalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay para pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso --- pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalmanuta. Pagninilay: Ang ebanghelyong narinig natin ay katulad din sa unang himalang ginawa ni Jesus na pagpaparami ng tinapay. Doon, ibinigay ni Jesus ang mga tinapay sa Kanyang mga alagad, upang ibigay din nila ito sa ibang tao. Sa ginawang ito ni Jesus, Ipinakikita ang magiging papel ng Kanyang mga alagad sa pagtupad ng Kanyang misyon. Sila ang magpapatuloy ng Kanyang gawain, kapag bumalik na Siya sa Ama sa Langit. Pero, bago matupad ito, kailangan munang matutunan nila kay Jesus ang tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ano ang mga kinakailangang gawin upang maging karapat-dapat pumasok doon? Sila ang magiging saksi ni Jesus, magpapatotoo sa Kanyang mga gagawing himala, pagpapagaling, at pangangaral sa mga taong sumusunod sa Kanya na parang mga tupang walang pastol. Mga kapatid, bilang mga Kristiyano tayo'y nakikibahagi din sa misyong ito ng mga alagad. May tungkulin tayong isulong ang paghahari ng Diyos dito sa lupa sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Sa sakramento ng binyag at kumpil, lahat tayo'y tumanggap ng Banal na Espiritu na Siyang magpapalakas sa atin upang makagawa ng mabuti, at mamuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo: Panginoon, puspusin Mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu nang maging marapat akong daluyan ng Iyong biyaya at pagpapala para sa aking kapwa. Amen.
Mga Pamantayan ng Pagkain at Kalusugan
Mga Pamantayan ng Pagkain at Kalusugan
Mabuting Balita | Oktubre 10, 2022 – Lunes Ika – 28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11: 29-32 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Hesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan subalit walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating s'ya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas dakila pa kay Jonas.” Pagninilay: Nang mamatay si Queen Elizabeth, marami ang nakakita ng double rainbow mula sa ibabaw ng Buckingham Palace. Sign daw iyon ng pag-asa. May nagsasabi rin na ito ay ang mata ng Diyos na nakatingin sa symbolic home ng British Monarchy. May wisdom sa nakita nilang sign. Kung may karunungan sa ganitong tanda, mayroon ding sign of wisdom na paalala ang ating Jesus Maestro tungkol kay Solomon at ni Jonas. Simbolo sila ng maunawaing puso at pagsisisi. Kung sila ay naging huwaran ng karunungan, how much more kay Jesus na Siya mismo ang nagkatawang-taong Karunungan. Ang Karunungan na may malawak na pagmamahal at pang-unawa, nalalaman ang lahat, salamin ng walang hanggang buhay, ang larawan ng kabutihan ng Diyos. Siya si Jesus. Bago pa nilikha ang lahat, Siya na. In fact, nasusulat sa Aklat ng mga Kawikaan: “Mula pa sa walang pasimula, naroon na Ako.” Sa larawan ng Kanyang kagandahang-loob, nabiyayaan tayo ng Karunungan. Tulad sa iba't ibang makukulay na karanasan natin. Naguguhit sa bawat pangyayari ang Kanyang karunungan. Kailangan lang nating maunawaan. Halimbawa, kapag namatayan tayo, hindi lang basta nauulila tayo. May karunungan sa kanilang paglisan. Pagkakataon ito na mapagtanto natin ang kahalagahan ng buhay o ng pagsisisi, ng pagpapatawad. O kaya nabigo ka sa iyong dream project. Sa una ang galing-galing ng performance mo, kaso may nangyari na hindi mo inaasahan na bumagsak ito sa iyong mga kamay. Nawala nang parang bula. Ano'ng karunungan ang naroon? Ang kahalagahan ng natutuhan mong lesson sa iyong experience, ang karunungan sa pagpupursigi at katibayan ng loob. Alam n'yo ba na sa oras na nakakaranas tayo ng pighati, ng kalungkutan, ng krisis, naroon tayo sa Piging ng Karunungan? Buong pagmamahal Niyang sinasabi: “Kumain sa aking Handaan at alak kong tinimpla ay tikman. Talikdan ang kamusmusan at mabuhay. Lumakad nang matuwid sa Landas ng Kaunawaan.” While we are in the Banquest of Wisdom, nothing is in vain. May kabuluhan ang lahat. Bukod sa lumalawak ang pananaw natin sa buhay, pinapatibay ni Jesus ang ating kalooban. Dito nabubuo ang runong sa ating puso. At sa oras ng pagdedesisiyon matatag tayong nakakapili ng akmang pagkilos at pagsasalita dahil sa mga lessons learned natin. Hanggang tayo mismo ang magiging salamin ng karunungan ng Diyos para sa iba. – Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
Mabuting Balita | Hunyo 19, 2022 Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon Ebanghelyo: Lk 9:11b-17 Nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol sa kaharian ng Diyos at pinagaling din niya ang mga nangangailangan ng lunas. Nang humahapon na lumapit sa kanya ang Labindalawa at sinabi sa kanya, “Paalisin muna ang mga tao para makalakad sila, papunta sa mga nayon at bukod sa paligid. Nang makapaghinga at humanap ng makakain.” Sapagkat nasa ilang na lugar na tayo rito. At sinabi sa kanila ni Hesus, “Kayo ang magbigay ng makakain.” Ngunit sinabi nila, “Wala kaming anuman kundi limang tinapay at dalawang isda. O baka naman kami pa ang pupunta at bibili ng pagkain para sa lahat ng taong ito?” May mga limanlibo kalalakihan doon. Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Paupuin Ninyo sila sa mga grupong tig-lilimampu.” Ganito nga ang kanilang ginawa at pinaupo ang lahat. At kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit at binasbasan ang mga ito. Pinag pirapiraso at binigay sa kanyang mga alagad, para ipamahagi sa mga tao. Kumain at nabusog ang lahat. At tinipon nila ang mga natirang pira pirasong labindalawang basket. Pagninilay: Ipuprusisyon sa lanas ng simbahan ang Santisimo Sakramento o Blessed Sacrament. Babasbasan ng pari ang lahat na madadaanan ng prussyon at lahat ng makikibahagi sa pagdiriwang. Hindi ito ginagawa Linggo-Linggo. Ngayon lamang sa natatanging Kapistahan ng Corpus Christi inilalakad ang Katawan at Dugo ni Cristo sa mga lansangan, palapit sa pamayanan, pilit tayong inaabot, sapagkat mahalaga tayo sa kanya. Sa ebanghelyo pinakain ni Jesus ng tinapay at isda ang limanlibong katao. Sa pagtatapos ng salo-salo, labindalawang sisidlan ang ang napuno ng mga lumabis na pagkain. Huwag natin kalimutan nab ago nagsimula ang pagsasalo sa pagkain, pinaupo muna ni Jesus ang madla at tinuruan ng maraming bagay. Kung isinunod ni Jesus ang pagpapakain sa mga tao, ito'y bahagi pa rin ng kanyang pagtuturo sa madla. Ipinakita niya na may matinding pagkagutom ang tao, hindi lamang sa material kundi sa mga katotohanang espirituwal. Ang mga matiyagang nakinig kay Jesus nang buong araw ay hindi nag-abang ng ayuda. Naroon sila dahil nakasilip sila ng bagong pag-asa sa katauhan ni Jesus. Kakaiba ang estilo ng pagtuturo niya. Tinatanggap niya ang lahat maging mga kasalanan, at inaakay niya sila sa bagong buhay. Patunay ito na sabik ang tao na mabuhay kay Jesucristo. Sa malaking salo-salo, kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit. Pinagpira-piraso niya iyon, ibinigay sa mga alagad at ipinamahagi sa mga tao. Sa pagbabalik-tanaw nhg mga Kristiyano, naunawaan natin ang pakay ni Jesus. Hindi lamang tinapay at isda ang ibinahagi niya kundi ang kanyang mismong sarili. Nakita ito ng mga apostol sa Huling Hapunan. Nakikita pa rin natin ito sa Eukaristiya, kung saan tinatanggap natin ang katawan at dugo ni Kristo. Tinatanggap natin ang buong buhay ni Jesukristo. Sa ating paglalakbay sa lupa, tandaan natin na may banal tayong hantungan at si Jesus ang kasama nating naglalakbay patungo doon. Tularan natin siya na tumanggap at niyakap ang buhay niya ditto sa lupa, nagpasalamat sa Ama sa lahat ng oras at ibinahagi ang sarili sa kanyang kapwa tao.
MABUTING BALITA MAYO 5, 2022 - Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:44-51 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos', kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Pagninilay: Sa huling hapunan, inialay ni Hesus ang kanyang sarili bilang tinapay at alak sa kanyang mga apostol. Ang tinapay at alak, sa tuwing gagawin natin ang pag-aalala sa kanya, ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Hesus. Inihabilin niya ang gawaing ito upang sa tuwing inaalala natin siya sa paghahati-hati at pagbabahaginan ng tinapay at alak, naroroon at kasama natin siya! Sa tuwing kakain at iinom tayo ng katawan at dugo ni Kristo, ipinapahayag natin kung sino si Hesus (tgn.1 Cor 11:26). Ngunit bakit nga ba tinapay at alak? Hindi ba pwede ang cookies at coke? Biskwit at fruit juice? Bakit sa anyo ng pagsasalo-salo niya inihabilin ang kanyang sarili? Kung titingnan ang kultura ng mga Hudyo, pangkaraniwang pagkain at inumin ang tinapay at alak. Gayundin, para sa kanila, ang pagsasalu-salo ay tanda ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Sa ganitong ideya ng pagkain, inumin, at pagsasalu-salo inaalala natin kung sino si Hesus. Si Hesus na karaniwan. Si Hesus na hindi nagpakilala bilang mayaman o makapangyarihan. Si Hesus na mukha ng mga aba at karaniwang tao-ang tinapay at alak na papawi ng ating uhaw at gutom sa maghapon. Si Hesus na kasalo sa hapag ng mga taong nawawalan ng direksyon sa buhay at mga makasalanan. Si Hesus na buhay, at patuloy nating kasalo at pagsasaluhan hanggang tayo'y makarating sa Ama.
“Kumain ka na ba?” (Have you eaten?) This is what you’ll always hear as a visitor in many homes in the Philippines, where I’m from. It’s the Filipino way of expressing care and kindness for our guests. And regardless of your reply, your host will always prepare something for you to eat. Filipinos believe that true kindness isn’t just saying the standard greeting, but also going beyond words to show real hospitality. Rebekah, too, knew all about being kind. Her daily chores included drawing water from the well outside town and carrying the heavy jar of water home. When Abraham’s servant, who was very thirsty from his journey, asked for a little water from her jar, she didn’t hesitate to give him a drink (Genesis 24:17–18). But then Rebekah did even more. When she saw that the visitor’s camels were thirsty, she quickly offered to go back to draw more water for them (vv. 19–20). She didn’t hesitate to help, even if it meant making an extra trip (or more) to the well and back with a heavy jar. Life is tough for many people, and often, a small gesture of practical kindness can encourage them and lift their spirits. Being a channel of God’s love doesn’t always mean delivering a powerful sermon or planting a church. Sometimes, it can simply be giving someone a drink of water.
Mabuting Balita | Marso 27, 2022 Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma EBANGHELYO: LUCAS 15:1-3,11-32 Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas, “Tinatanggap n'ya ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “May isang taong may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama: 'Itay, ibigay n'yo na sa akin ang parte ko sa mana.' At hinati sa kanila ng ama ang mga ari-arian. Pagkaraan ng ilang araw, tinipon ng bunsong anak ang lahat ng kanya at naglakbay sa malayong lupain. Doon n'ya winaldas ang sa kanya sa maluwag na pamumuhay. Nang maubos na ang lahat sa kanya nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing 'yon at nagsimula siyang maghikahos. Kaya't pumunta s'ya at namasukan sa isang taga-roon at inutusan s'yang mag-alaga ng mga baboy sa bukid nito. At gusto sana n'yang punuin kahit na ng kaning baboy ang kanyang tiyan pero wala namang magbigay sa kanya. Noon s'ya natauhan at nag-isip: 'Gaano karaming arawan sa bahay ng aking ama na labis-labis ang pagkain at namamatay naman ako dito sa gutom. Titindig ako, pupunta sa aking ama at sasabihin ko sa kanya: 'Itay nagkasala ako laban sa Langit at sa harap mo. Hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo, ituring mo na akong isa sa iyong mga arawan.' Kaya tumindig siya papunta sa kanyang ama. Malayo pa s'ya ng matanaw ng kanyang ama at naawa ito. Patakbo nitong sinalubong ang anak, niyakap at hinalikan. Sinabi sa kanya ng anak, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa harap mo, hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo.' Pero sinabi ng ama sa kanyang mga utusan: 'Madali, dalhin n'yo ang dati niyang damit at ibihis sa kanya. Suotan nyo ng singsing ang kanyang daliri at ng sapatos ang kanyang mga paa. Dalhin at katayin ang pinatabang guya. Kumain tayo at magsaya sapagkat namatay na ang anak kong ito at nabuhay, nawala at natagpuan.' At nagsimula silang magdiwang. Nasa bukid noon ang panganay na anak. Nang pauwi na s'ya at malapit na sa bahay, narinig n'ya ang tugtugan at sayawan. Tinawag n'ya ang isa sa mga utusan at tinanong sa kanya. ‘Nagbalik ang kapatid mo kaya ipinapatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil nabawi n'ya s'yang buhay at di naano.' Nagalit ang panganay at ayaw pumasok kaya lumabas ang ama at nakiusap sa kanya. Datapuwat sumagot sa kanyang ama, ‘Ilang taon na akong naglilingkod sa ‘yo na di lumalabang sa iyong mga utos at kailan man ay hindi mo ako binigyan ng kahit na isang maliit na kambing na ipagkakatuwa namin ng aking mga kaibigan. Datapuwa't ng dumating ang anak mong ito na naglustay ng iyong kayamanan sa masasamang babae, pinatay mo ang pinatabang baka.' Ngunit sinabi sa kanya ng ama, 'Anak, lagi kitang kasama at sa iyo rin ang lahat ng akin. Pero dapat lamang na magdiwang at magsaya tayo dahil namatay na ang kapatid mo at nabuhay, nawala at natagpuan.'” PAGNINILAY: Kahanga-hanga ang ginawang paghingi ng tawad ng bunsong anak. Oo, malaki ang naging kasalanan niya. Maaga niyang kinuha ang mana at nilustay hanggang sa wala nang natira sa bulsa niya. Pero, hindi niya inistima ang pagmamataas. May tatlong kumikinang na susi ang nakapagtulak sa bunso para humingi ng tawad. Ano yon? Una, nang mapag-isip-isip niya ang malaking kawalan ang mapawalay sa ama. Ikalawa, ang desisyon na bumalik sa ama. Ikatlo, ang humingi ng tawad mula sa ama. Ito ang paanyaya sa atin ngayong Kuwaresma na umuulan ng grasya para makapagsisi tayo sa nagawa nating mali. Sa biyayang ito, tangkilikin natin ang oras na tinanggap natin na nagkamali tayo… na nagkasala tayo. Sa mabiyayang sandali nang pagsisisi, doon tayo magdesisyon na iwanan natin ang salá nating ginagawa. At humingi ng tawad sa Diyos. Tumanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo.
You know that cliche, that the way to a man's heart is through his stomach. It's especially true here, in the Philippines, where food is central to gatherings and “kumain ka na ba” or “have you eaten” is a common greeting. When the pandemic struck, the simple act of breaking bread in the presence of friends and family was taken away from us. In this B-Side episode, John Paolo C. Dalupang, a research associate at the Institute of Philippine Culture and lecturer at the Ateneo de Manila University, tells BusinessWorld reporter Jaspearl Emerald G. Tan about the social role of food. Mr. Dalupang, who has done research on feeding programs, public health, and disaster resilience, shares what he's learned about what we lost when we were deprived of social gatherings and how our relationship to food has changed because of the pandemic. Recorded remotely on Feb. 16, 2022. Produced by Jino D. Nicolas and Sam L. Marcelo.
Mabuting Balita | Pebrero 12, 2022 – Sabado Sabado ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MARCOS 8:1-10 Maraming tao ang sumama kay Hesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay at para sa pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Hesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Hesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila nabusog at tinipon ang mga natirang pira-piraso-pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Hesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad upang pumunta sa lupain ng Dalmanuta. PAGNINILAY: Naranasan mo na ba sa buhay ang kapusin? Kapusin ng pagkain, oras, pera? Kapusin ng suporta, kalinga't pagmamahal? Ano ang iyong naging tugon? Dumalangin ka bang taimtim sa Diyos upang ika'y mapunan? Ipinamalas ng Diyos ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami niya ng tinapay. Sumamba ang marami at naniwala sa kanya, kaya nama'y napunan sila. Ang daan sa ating kaligtasan ay walang iba kundi ang ating taus-pusong pananampalataya sa kanya. Gayunpaman, hindi tayo natatapos sa pananampalataya. Bilang mga tagasunod ni Hesus, habang tayo'y napunan niya, ang misyon natin ay punan din ang iba. Mga kapanalig, ito ang nais sa atin ipabatid ng Ebanghelyo: Hindi tayo matitiis ng Diyos. Alam niya ang ating mga pangangailangan. Hindi niya tayo pababayaan. Kaya naman ito rin ang hamon sa atin: Kaya mo din bang matiis ang kapwa? Kaya mo bang balewalain ang kanilang pangangailangan? Kaya mo bang pabayaan sila? Habang palapit tayo sa araw ng mga puso. Maging busy sana tayo na punan ang bawat isa ng pagmamahal—katulad ng ginawa ni Hesus: Binusog niya tayo ng pagmamahal ng Diyos. Amen. - Cl. Cesar Caalem, SSP | Society of St. Paul
Kumain ka na ba? Likas na sa ating mga Pinoy ang magtanong kung nakakain na ba ang mga kaibigan natin bilang pangangamusta sa kanila. Ganito rin ang ginagawa sa Korea kung saan normal na magtanong sa isa't isa ng 밥 먹었어요 (bap meogeosseoyo/have you eaten rice already)? Pero tayong mga Katoliko, dapat nating tanungin ang isa't isa: "Kinain mo na ba si Kristo?" Totoo ba na ang Eukaristiya ay talagang nagiging si Kristo? Biblikal ba ang paniniwalang ito? Basahin ang mga biblical references dito: https://unboxingcatholicism.com/si-kristo-sa-eukaristiya/ I-download ang free e-book na Ten Tips on Defending the Faith Clearly Without Being Preachy: https://unboxingcatholicism.com/starterguide. Please support our mission of defending the faith clearly without being preachy by praying for us or donating to our ministry via GCash (0915 715 8615). For more information on how you can help, please reach out to bernz@unboxingcatholicism.com. You may also send an audio message through the Anchor podcast app. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/unboxingcatholicism/message
For Filipinos, celebrating Christmas always calls for a feast. But health expert reminds all partygoers to eat moderately this festive season to avoid lifestyle-related diseases. - Tuwing Pasko, kaliwa't kanan ang kainan kung kaya't hindi maiiwasang madagdagan ang timbang o di kaya tumaba. Babala ng health expert na si Dr. Lorie de Leon, bago pa man mag-Pasko ay ugaliin na ang malusog na pamumuhay at kumain ng tama upang iwas sa mga malubhang sakit.
MABUTING BALITA | DISYEMBRE 1, 2021 Miyerkules sa Unang Linggo ng Adbiyento | San Eligio EBANGHELYO: Mt 15:29-37 Pumunta si Hesus sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagkaakyat sa burol ay naupo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba't ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Hesus, at pinagaling niya sila. Kaya namangha ang lahat nang makita nila na nagsasalita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga may kapansanan, at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sa daan.” Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” “Ilan bang tinapay meron kayo?” “Pito at kaunting maliliit na isda.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at inibigay sa kayang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso - pitong punong bayong. PAGNINILAY: Mga kapanalig, nagdudulot ng pag-asa sa marami sa atin ang Mabuting Balita ngayon. Inaaliw tayo nito na meron tayong Diyos na mahabagin na nakababatid ng ating pangangailangan – pisikal man o espiritwal, bago pa natin ito hingin sa Kanya sa panalangin. Kaya sa mga nawalan ng mahal sa buhay at patuloy na nagdadalamhati; sa mga nawalan ng trabaho at nahihirapang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya; sa mga health workers at iba pang frontliners na patuloy na nagtataya ng buhay upang magbigay buhay; at sa ating lahat na nakararanas ng depresyon, takot, pangamba at kawalan ng pag-asa – humugot tayo ng lakas sa katiyakang meron tayong Diyos na nakakaalam ng ating pinagdadaanan at hinding-hindi Niya tayo pinababayaan. Ang Panginoong Hesus ang mukha ng habag at awa ng Diyos Ama sa atin. Ang himala ng pagpaparami ng tinapay at isda sa Mabuting Balitang narinig natin ay hindi udyok ng reklamo ng mga tao dahil sa gutom, o ng pamimilit ng mga disipulo na pauwiin sila para makabili ng sariling makakain. Sa halip, bunga ito ng kusang pagtugon ng Panginoong Hesukristo, na nakadarama ng hirap na kanilang pinagdadaanan. Aniya, “nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayon na kasama ko sila at wala nang makain. Ayaw ko silang paalising gutom; baka mahilo sila sa daan.” Mga kapanalig, ganyan makisangkot sa buhay natin ang Panginoon. Ramdam niya at nakikita ang mga pinagdadaanan nating paghihirap sa ngayon. Hindi siya bulag o natutulog, o nanonood lamang sa ating paghihirap... Siya'y konkretong kumikilos sa pamamagitan ng mga taong may mabubuting kalooban na patuloy na tumutulong, nagmamalasakit, at kumakalinga sa mga taong labis na nahihirapan, sa abot ng kanilang makakaya. Sila ang mga frontliners na patuloy na nagtataya ng buhay upang makapagbigay ng buhay sa iba; sila ang mga OFWs na patuloy na nakikipag-sapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya. Sila ang mga pari at madre, mga educators, mga pinuno ng bayan na tunay na servant leaders... Sila ay ikaw at ako na araw-araw inaanyayahan ng Panginoong Hesus na maging kanyang kamay at paa, maging kanyang mata at tainga, maging kanyang puso na makadarama ng paghihirap ng ating kapwa. Ngayong panahon ng Adbiyento, handa ka bang tumugon sa paanyaya ng Panginoon na maging daluyan ng kanyang biyaya at pagpapala lalot higit sa mga nangangailangan? – Sr Lines Salazar, fsp | Daughters of St Paul
And because I've never Introduced myself properly to everyone, I'll be releasing a special series starting this week until my Birthday! I'll be answering the questions you guys asked me. Here are the questions I answered : What keeps you going? If you had a chance to live somewhere else, where would it be and why? if you were to write a poem or book about yourself, what would it be and why? How's school? How are you? If you have a chance to go to Japan, what city are you in? How are you lately?, Do you want other people to join your podcast so that it can be interactable?, Kumain ka naba? (Did you eat already?) who is your closest friend in your school? Ang sipag mo super so what motivates you to be that masipag? What/Who gives you the courage to still continue in your life journey? Do you like cats? How do you like to be comforted when you're mad or upset? Do you already know what major are you going to take in college? What are the things you do on your free time?' What's your plans in the future? If you're new here, What to say is the other side of the virtual world where I talk about life experiences, lessons and random topics. Liking the podcast? Don't forget to Subscribe/Follow this podcast on: YouTube: https://www.youtube.com/channel/UCU-UB0bBmqHGdrUCyqTK-Gg Apple Podcasts: https://podcasts.apple.com/us/podcast/what-to-say/id1623170777 Amazon Music: https://music.amazon.com/podcasts/4cdd4b51-3976-4bb5-8dd1-7e30eb387ec8/what-to-say Spotify: https://open.spotify.com/show/7DkPbXhV1dbePcU7EkhsIR Google Podcast: https://www.google.com/podcasts?feed=aHR0cHM6Ly9hbmNob3IuZm0vcy80YTljZmM1OC9wb2RjYXN0L3Jzcw== Anchor: https://anchor.fm/whattosaybyshesc Pocket Casts: https://pca.st/52mrttn8 Radio Public: https://radiopublic.com/what-to-say-GMMrxl Follow me at: Instagram: https://www.instagram.com/chesxtra/ For business & collaborations: Email: cie.info0@gmail.com
Happy Thursday, mga inday! Kumain na ba u? Kain na ü hihi. Tapos habang kumakain u pakinggan u na latest episode namin hihi. Kasi alam namin na panay kayo reklamo na palagi namin kayong pinapatay sa inggit. Today naman kuwento namin yung mga times na kami ang halos kami naman ang muntikang mamatay sa inggit with JOLENE. Kilala pa ba ng mga bagets si Jolene? Hahahah. Ilang araw naming pinagawayan title ng episode na to. Kaya kinig na mga kapitbahay! lablab
Join us, Friday Barkada as we discussed Love and Relationship Dynamics. Kinikilabutan na rin ba kapag may nagsasabi sayo ng "Kumain ka na ba?" --- Send in a voice message: https://anchor.fm/abnkkrmdmpplk/message
MABUTING BALITA | AGOSTO 8, 2021 Ika -19 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: JUAN 6:44-51 Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos', kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” PAGNINILAY: Sinasabing “we are what we eat.” Anumang kinukunsumo natin, nagiging kabahagi ito ng ating katawan, sistema at karakter. Maaaring tumutukoy ang pagkain sa anumang pagkain, impormasyon, idea at mga imahe na ating kinukunsumo araw-araw. Mula sa ating nakikita sa social media, sa ating mga binabasa at pinapakinggan, maging ang ating pinapanood sa telebisyon. Ito ang mga uri ng pagkain na humuhubog sa ating kamalayan – pag-iisip, pananaw at pag-uugali. At bilang pagkain, ito ang mga bagay na nagsusustena at nagbibigay kalakasan sa atin. At dito, dito natin nakukuha ang ating imahe bilang ako, bilang tayo. Sa ating Mabuting Balita, sinasabi ni Hesus na sya ang pagkain na nagmula sa langit. At ang pagkain na ito ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Bilang pagkain, inaanyayahan tayo ni Hesus na hubugin ang ating sarili ayon sa wangis nya, kawangis niya bilang anak ng Diyos. At katulad nya na pagkaing nagbibigay buhay, tayo rin ay hinihikayat na magbigay buhay sa ating kapwa. Hindi tulad ng pagkain na nakakalason at nakakasama sa katawan at kaluluwa. Kundi pagkain, kalakasan at inspirasyon para sa ating mga kapatid sa pananampalataya, bilang mga anak ng Diyos. Kapanalig, nawa'y maging kawangis tayo ni Hesus. - Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul PANALANGIN: Panginoon, bigyan mo kami ng kakanin sa araw-araw. Matagpuan nawa namin si Kristo sa pang araw-araw naming pamumuhay. At siya nawa ang pagmulan ng aming inspirasyon at kalakasan sa aming pag-gawa. At sa aming pagsasalu-salo sa hapag ng pag-aalay ng iyong Anak, bilang aming pagkain, kami nawa'y maging kaisa at kawangis niya sa pagbibigay buhay sa aming kapwa. Amen.
MABUTING BALITA | AGOSTO 1, 2021 Ika -18 na Linggo sa Karaniwang Panahon Napupuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ang kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya ng mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus at ang mga alagad n'ya sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil sa nakita ninyo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain ninyo at kayo ay nangabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo, siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: ‘Maniwala kayo sa sinugo niya'.” “At anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita nami'y maniwala kami sa ‘yo?” “Ano ba'ng gawa mo?” “Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” “Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.” “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.” PAGNINILAY: Ang tagpo ng Mabuting Balitang narinig natin, ay naganap matapos ang himala ng pagpaparami ng tinapay at isda. Maraming tao ang namangha sa taglay na kapangyarihan ni Hesus kaya gusto nila siyang gawing hari. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila: “Hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog.” Kapanalig, bakit ka ba sumusunod sa Panginoon? Dahil lang ba sa tinutugunan niya ang iyong pisikal at materyal na pangangailangan? Paano kung hindi o maghintay pa ang sagot ng Diyos sa'yong kahilingan? Titigil ka na bang manampalataya sa Diyos? Ang Mabuting Balita sa araw na ito, ay nagpapaalala sa atin na magtrabaho tayo hindi lang para sa pagkaing nasisira kundi para sa mga bagay na makalangit. Napapanahon ang panawagan ito, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Na sa gitna ng kadilimang nararanasan natin sa ngayon, sa gitna ng takot at pangambang mahawaan ng nakamamatay na sakit, sa gitna ng araw-araw na pagtahak sa tila walang kasiguraduhang kinabukasan – inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesus na gumawa ng bagay na makalangit. Gumawa ng mabuti! Maging daluyan ng habag at awa ng Diyos, sa kabila ng sariling pangangailangan. Maging karamay at mukha ni Kristo sa mga taong lupaypay at nawawalan na ng pag-asang mabuhay. Totoo na marami sa atin ngayon ang namumrublema kung paano maitatawid ang pang-araw-araw na pagkain ng pamilya. Pero maliwanag ang sabi ng Panginoong Hesus: “Ako ang tinapay ng buhay. “Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hinding-hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.” .” Panghawakan natin ang mga salitang ito ng Panginoon kapanalig, at natitiyak kong mananatiling matatag ang ating pananalig sa Kanya sa kabila ng mga pagsubok; mananatiling payapa ang ating puso't isip sa kabila takot at pangambang ating nararanasan. Dahil pinalalakas tayo ng Panginoong Hesus, ang totoong tinapay ng Diyos na pumanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.
"Kumain ka na ba?”—Have you eaten yet? (Tagalog) This beautiful phrase of welcome and care and intimacy evokes and offers more than just the pleasure and nourishment of a meal. It calls out to the hunger, the thirst, and the need for love that we can greet in one another. David de Leon joins Matt Croasmun for a discussion of hospitality and solidarity and justice, applying the parable of the Great Banquet to cultures of inhospitality, and especially to the context of the increased targeting, discrimination, marginalization, and violence against the Asian American community over the past year. About David de LeonDavid de Leon is a graduating Master of divinity candidate at Yale Divinity School, and is an incoming PhD student studying Systematic Theology at Fordham University. He's a child of Pilipino immigrants and was born and raised in the San Francisco Bay Area, and for the last 12 years has worked in college campus ministry, leading Pilipino American focused ministries, and working to mobilize Asian Americans to pursue racial justice.Production NotesThis podcast featured David de Leon and Matt CroasmunEdited and Produced by Evan RosaHosted by Evan Rosa & Matt CroasmunProduction Assistance by Martin Chan & Nathan JowersA Production of the Yale Center for Faith & Culture at Yale Divinity School https://faith.yale.edu/aboutSupport For the Life of the World podcast by giving to the Yale Center for Faith & Culture: https://faith.yale.edu/give
MABUTING BALITA | Abril 22, 2021 – Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay EBANGHELYO: JUAN 6:44-51 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos', kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” PAGNINILAY: May napanood ako sa youtube tungkol sa near death experiences nang iba't ibang tao. Iisa ang sinasabi: sa panahong “clinically dead” sila, nakarating sila sa isang lugar na maliwanag at payapa. Ang iba ay sinalubong pa nang mga yumaong mga mahal sa buhay. Pero lahat sila ay sinabihang: “Hindi mo pa oras. Bumalik ka.” Pilit na ipinaliliwanag ng programang ito ang posibilidad na may buhay pagkatapos ng kamatayan ng lupang katawan ng tao. Patuloy silang nag-aaral at nagsasaliksik upang patunayang totoo ito sa siyentipikong pamamaraan. Kapanalig, tunay na isang grasya at biyaya ang makilala natin ang Panginoong Hesus. Napakapalad natin, dahil tinawag tayo ng Ama upang kilalanin ang kanyang Anak, na siyang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Habang ang iba ay nagpupumilit na itatwa siya at ang kanyang mga turo, malinaw na ang siyensiya at ang turo ng Diyos ay hindi magkasalungat. Ang Diyos ay totoo! Ang Panginoong Hesus ang daan sa buhay na walang hanggan. - Lulu Pechuela (Association of Pauline Cooperators) PANALANGIN: Panginoon, sana'y makarating sa lahat ang magandang balita na ikaw ang tinapay ng buhay at daan sa buhay na walang hanggan. Buksan mo po ang isip ng mga nagdudunong-dunungan. Makilala ka nawa sa lahat nang sulok nang mundo, upang ang buhay na walang hanggan ay makamtam nang lahat. Amen.
MABUTING BALITA | Abril 20, 2021 – Martes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay EBANGHELYO: JUAN 6:30-35 Sinabi ng mga tao kay Jesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa iyo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.'” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” “Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.” “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.” PAGNINILAY: Mga kapanalig, Pagkain ang pangunahing pangangailangan ng lahat ng tao. Araw-araw naghahanap tayo ng makakain upang pagsaluhan, malamnan ang ating tiyan, makapag-isip ng maayos at lumakas ang pangangatawan. Sa panahon natin ngayon na nakararanas tayo ng krisis dahil sa pandemya, maraming tao ang nagugutom, naghihirap, nagkakasakit at namamatay. Uhaw at gutom sa maraming bagay, higit sa lahat sa pagmamahal. Pero sinabi ni Hesus, “Ako ang Pagkaing nagbibigay buhay, ang lumalapit sa Akin ay hindi magugutom at ang maniniwala sa akin ay hindi mauuhaw kailanman”. Iyan ang pangakong pinatotohanan Niya sa atin. Tunay ngang ang Diyos Ama ang nagbibigay ng pagkaing galing sa langit, at si Hesus mismo ang Tinapay ng Buhay na ipinagkaloob sa atin. Tunay Niyang katawan at dugo ang tinatanggap natin sa Banal na Eukaristiya. Ito rin ang itinuro sa ating katesismo noong tayo'y mga bata pa at mag-aaral na tumanggap ng unang pakikinabang. Ako rin bilang “bread winner” ng aming pamilya ay nakakaranas ng Kanyang walang hanggang pagmamahal at kaligtasan sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. Kasama namin Sya at hindi Niya kami pinababayaan. - Carmencita Gabutero, iola (Institute of Our Lady of Annunciation) PANALANGIN: Tunay nga, Ikaw Hesus ang Pagkaing nagbibigay buhay sa amin araw-araw. Ikaw ang tugon sa aming pangangailangang pisikal, emosyonal, higit sa lahat sa aming buhay espiritwal. Panginoong Hesus, maraming salamat po sa biyaya ng buhay, sa pagbibigay mo sa amin ng Iyong sarili sa Banal na Eukaristiya. Gamitin mo po kaming instrumento ng iyong pagmamahal sa pagbabahagi ng aming sarili sa aming kapwa. Amen.
MABUTING BALITA | Pebrero 13, 2021 – Sabado sa Ikalimang Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 8:1-10 Maraming tao ang sumama kay Jesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Jesus ang kanyang alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala nang makain at kung paaalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Galing pa sa malayo ang ilan sa kanila.” Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay para pakainin sila sa ilang na ito?” Tinanong sila ni Jesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.” Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Jesus at iniutos na ihain din ang mga ito. Kumain sila at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso --- pitong bayong. Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Jesus. Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalmanuta. PAGNINILAY: Makikita natin sa Mabuting Balita ngayon, na hindi lamang basta-basta nangangaral si Jesus. Naiisip rin Niya ang kalagayan at nararamdaman ng mga tao. Nahabag Siya sa mga taong nagugutom at maaaring manghina at mahilo sa daan. Dahil sa Kanyang habag at pagmamahal, gumawa Siya ng himala. Mula sa pitong tinapay at ilang isda, na Kanyang ipinagpasalamat sa Diyos at binasbasan, nakapagpakain Siya ng Apat na libong katao. Kahit sa ibang kuwento ng Mabuting Balita, makikita natin ang habag at pagmamahal ng ating Panginoong Jesucristo sa sangkatauhan. Binuhay niya ang patay, pinagaling niya ang mga may sakit, ipinagtanggol ang mga naaapi. At higit sa lahat naging tao Siya, namatay at nabuhay muli para sa ating mga makasalanan. Mga kapanalig, bilang mga Kristiyano, nahahabag rin ba tayo at nagmamahal tulad ni Hesus? Nakikita at nararamdaman rin ba natin, ang gutom at pangangailangan ng ating kapwa? Paano tayo nakatutugon sa panawagang ito araw-araw? Alalahanin natin, na hindi lamang gutom sa pagkain, kundi gutom rin sa attention at pagmamahal ang kailangan ng ating kapwa. Hindi lamang damit at matutuluyan ang kanilang kailangan, kundi pati na rin katarungan at proteksiyon, mula sa sinapupunan hanggang sa pagtanda, at kusang pagpanaw sa oras ng kamatayan. Pagnilayan natin. - Luzviminda Agustin, Association of Pauline Cooperators
"Kumain ka na ba?" Ang usual na tanong namin sa mga kaibigan namin. Hindi dahil sa pa-fall kami, pero gusto namin malaman kung anong kinain niyo, para share tayo! Pag-usapan natin ang mga luto ng ating mga magulang. Anong memorable na luto kaya ang mapag-uusapan? What about you? What's your favorite cooking of your parents? Care to share it with us? If you want to join us in our live sessions, visit our Twitch channel Gags N Geeks. That said, we hope you are doing well, stay safe, and enjoy this episode of Chikatitos! --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app
Salamat sa pag-balik at sana bumalik pa kayo ulit sa susunod na linggo para sa bagong episode. Like our page: facebook.com/layby IGN: laybypodcast. Follow us on our social: @amazingtien, @raynaldosevilla, @greedisg00d
A podcast by Ed Lapiz - Fast Or --- Too Fast Kumain Support this podcast with a small monthly donation to help sustain future episodes. Click the Support link https://anchor.fm/edlapiz/support Thank you so much for your prayers and support in this ministry. Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner every month. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/edlapiz/message Support this podcast: https://anchor.fm/edlapiz/support
Sa panahong ito, mayroon tayong isang napakahalagang tanong: "Kumain ka na ba?"Mga KapaLinya, sadyang may mga bagay sa buhay na anumang pilit isipin, pag-aralan, at pagnilayan, ay hindi natin lubos na maintindihan. Halimbawa: pag-ibig. Bakit, sa tuwing...
"Kumain ka na ba?" Ito ang tanong ng nanay mo sa'yo pagkagaling mo sa school o sa opisina, ang tanong mo sa jowa mo (kung may jowa ka) para malaman kung magte-take out ka ba sa paboritong fastfood chain o sapat na 'yung binili mong milk tea, ang tanong mo sa dumating na bisita bilang pambungad kasi ayaw mo pang itanong kung bakit bigla siyang napadaan. Ito ang tanong ni Sir Yol, propesor ng Popular Culture, kasama si Ali para gutumin ang listeners, hindi lang sa pagkain, kundi maging sa kaalaman sa pagkaing Pinoy bilang kulturang popular. Kaya mag-drive thru na, magpadeliver, o pumunta sa karinderya o cafeteria, habang nakikinig sa inihain naming bagong episode ng #TheLinyaLinyaShow! Mainit-init pa! Share your food for thoughts @linyalinya on Instagram, & like and comment on our FB page!
Apr. 5, 2019 The Morning Rush with Chico, Hazel, & Markki