Let's talk about love, life, and career with psychologist Dr. Anna Tuazon.
"What if ginawa ko 'to?"Ayon kay Maxine Giron, isang psychologist na espesyalista sa ACT or Acceptance and Commitment Therapy, kailangang alamin kung may magagawa ka nga ba talaga para mabago ang isang sitwasyong hindi mo matanggap. Dahil kung wala ka namang magagawa, kailangan mo nang mag-move on. Hindi talaga madaling mag-LET GO. And you know what? Okay lang 'yan.'Yan at mga paraan para mas maintindihan ang proseso ng pag-move on ang pag-uusapan sa episode na ito ng #ShareKoLang, kasama ang ating safe space na si Doc Anna. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Paano kaya maibabalik ang motivation sa trabaho ng Gen Z at millennials? Base sa Deloitte's 2023 Gen Z and millennial survey, 81% ng Filipino Gen Z's at 66% ng millennials are experiencing burnout! ‘Yan ang pag-uusapan ng ating safe space na si Doc Anna, kasama ang clinical psychologist na si Dr. Chantal Tabo-Corpus sa episode na ito ng #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
“Bullying can happen even if my own child is safe with me in my house.”Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na rate ng bullying sa mga eskwelahan. Pero maski ang bully, pwede palang maging biktima rin?! Sa pinakabagong episode ng Share Ko Lang, pag-uusapan ni Doc Anna kasama si Michelle Abigail Bonafe ng No BullyProgram, kung paano dapat tugunan ang problemang ito. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
“Mayroon akong long-term goal. Isa ‘yung makita ko nanay ko.”6 years old lang ang police officer na si Julius Manalo noong huli niyang makita at makausap ang kanyang Korean mother. Makalipas ang 31 taon, natupad niya ang matagal na pinapangarap — ang muling makita at mayakap ang ina.Paano nga ba nakaapekto sa kanyang buhay at pagiging magulang ang 31 taong pagkakawalay sa ina?'Yan ang ishe-share ni Julius sa ating host at safe space na si Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ano nga ba ang sikreto ng mga atleta sa pagbuo ng winning mindset? Totoo bang ang bawat tagumpay, nagmula sa disiplina?Alamin natin 'yan kasama si NCAA Season 99 Most Valuable Player at Rookie of the Year, Clint Escamis ng Mapua Cardinals, at ang ating host at safe space, si Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Delulu is the solulu! "Being delusional is not a big leap of faith all the time. It starts with the smallest of steps." Nakatanggap noon ng non-admission letter sa Masters program ang content creator at psychometrician na si Justine Danielle Reyes — mula mismo sa ating host at "safe space" na si Doc Anna.Sa pinakabagong episode ng Share Ko Lang, panoorin kung paano nga ba naging solusyon sa kanyang mga problema ang pagiging delulu ni Justine. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Overused na ba ang salitang toxic? Paano malalaman kung ganito nga ang pamilya o relationships mo? Alamin ang mga payo at masasabi ng mga eksperto tungkol sa mga toxic family kasama si Dr. Violeta Bautista at ang ating host na si Doc Anna. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
"Ang patok sa Pinoy? Usually, love teams. Parang we treat our celebrities as extension of ourselves." Obsessed nga ba and mga Pinoy sa love life? Yan ang pag-uusapan ni Doc Anna ngayon kasama ang blockbuster director ng Five Break-ups and a Romance na si Direk Irene Villamor. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sumikat ang kanyang peach mango lumpia recipe noong pandemic, pero alam niyo ba na 4 years old pa lang ang food vlogger na si Abi Marquez nang magluto siya ng fried chicken!Fresh from her recent win sa prestihiyosong Webby Awards sa Amerika--ang "Oscars ng Internet"--alamin ang magic na naidulot ng pagluluto sa buhay ni Lumpia Queen ngayon sa #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
"Sleep felt like a luxury."Ito ang naramdaman ng 23-anyos na si Liam Atienza dahil lagi siyang night shift sa trabaho noon. Tuloy, madalas daw siyang kulang sa tulog!Ang lutang moments ni Liam dahil laging puyat, pakinggan ngayon sa Share Ko Lang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
When Pedrosino Catubig lost his wife and his job at the same time, he was left with two teenage daughters to raise alone. Thankfully, he said, he already knew how to do the laundry. Today, his eldest is in law school after finishing magna cum laude at UP Diliman and his youngest is in private school. How did this single dad do it? He shares his story with Dr. Anna Tuason. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sumikat ang kanyang peach mango lumpia recipe noong pandemic, pero alam n'yo bang 4 years old pa lang ang food vlogger na si Abi Marquez nang magluto siya ng fried chicken!Fresh from her recent win sa prestihiyosong Webby Awards sa Amerika — ang "Oscars ng Internet" — alamin ang magic na naidulot ng pagluluto sa buhay ni Lumpia Queen ngayon sa #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
'Yung ready ka na umamin kay crush pero napaisip ka ‘nung nalaman mong Gemini pala siya.Alamin kung may koneksyon ba talaga ang zodiac signs sa love at compatibility sa bagong talakayan nina Doc Anna kasama ang astrologer na si Resti Santiago sa episode na ito ng #ShareKoLang. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
"Tell me something about yourself" — napakamot ka ba ng ulo nang tanungin ka nito sa job interview mo?Sa mas pinahabang usapan ngayon sa #ShareKoLang, hihimayin ni Doc Anna kasama ang founder ng Philippine HR Group na si Coach Darwin Rivers ang mga pinakamadalas itanong sa isang job interview para maging ready at confident ang isang aplikante! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
'Yung ready ka na umamin kay crush pero napaisip ka ‘nung nalaman mong Gemini pala siya. Alamin kung may koneksyon ba talaga ang zodiac signs sa love at compatibility sa bagong talakayan nina Doc Anna kasama ang astrologer na si Resti Santiago sa episode na ito ng #ShareKoLang.
Tuwang-tuwa tayo sa mga video ng mga mukbang challenge. Pati nga Pinoy celebrities, nakiuso rin. Pero alam n'yo bang nagsimula pala ang mukbang bilang solusyon sa lungkot nang pagkain mag-isa? Kung bakit, 'yan ang pag uusapan ni Doc Anna kasama ang nutritionist at content creator na si Jo Sebastian ngayon sa #ShareKoLang!
"Tell me something about yourself" — napakamot ka ba ng ulo nang tanungin ka nito sa job interview mo? Ngayon sa #ShareKoLang, hihimayin ni Doc Anna kasama ang founder ng Philippine HR Group na si Coach Darwin Rivers ang mga pinakamadalas itanong sa isang job interview para maging ready at confident ang isang aplikante!
May mga mommy na nakakaramdam ng lungkot at kaba na hindi maintindihan matapos nila manganak. Ngayon sa #ShareKoLang, pag-uusapan ni Doc Anna ang postpartum anxiety kasama ang first-time mom at aktres na si Kris Bernal.
Madalas nakakainit ng ulo ang pagdisiplina ng mga bata. Ngayon sa #ShareKoLang, pag-uusapan ni Doc Anna kasama si Dr. Joanna Herrera, ang president ng We Thrive Consultancy and Wellbeing Services, Inc kung ano ba ang mga pwedeng gawin ng mga magulang at guro para hindi sila maubusan ng pasensya sa pagdisiplina.
Madalas nakakainit ng ulo ang pagdisiplina ng mga bata. Ngayon sa #ShareKoLang, pag-uusapan ni Doc Anna kasama si Dr. Joanna Herrera, ang president ng We Thrive Consultancy and Wellbeing Services, Inc kung ano ba ang mga pwedeng gawin ng mga magulang at guro para hindi sila maubusan ng pasensya sa pagdisiplina.
Basurero ang 26-anyos na si Dondy Regondola buong kabataan niya. Sa pamamasura niya natustusan ang sariling pag-aaral at pagtulong sa pamilya. Ngayon, malapit na siyang magtapos ng pag-aaral sa kursong Criminology. Ang kuwento ng kanyang mga sakripisyo at pagpupursige bilang working student sa kanyang pakikipag-usap kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
Babae ka, of course, malakas ka! 'Yan ang pinatunayan ng Pinay OFW na si Jonalyn Johns na talaga namang astig at pangmalakasan ang trabaho sa America. Ang kanya kasing trabaho, magmaneho ng mga dambuhalang 18-wheeler delivery truck na sa paniniwala ng ilan, mga lalaki lang daw ang makakagawa. Bilang celebration ng Women's Month, tara at samahan natin si Jonalyn sa kanyang biyahe bilang Pinay Trucker sa ibang bansa sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
Naniniwala ka ba na sa libu-libong tao sa mundo, may isang nakalaan para sa'yo? Ang mag-asawang sina Noel at Angie Gonzales, naniniwalang soulmate nila ang isa't isa. Ang kanilang pagmamahalan, nagsimula raw sa isang natagpuang lumang picture. Alamin ang kwento sa likod ng larawang ito at kiligin sa kanilang 30 taong pagsasama, kasama si Doc Anna sa bagong episode ng #ShareKoLang.
“‘Yung feeling na hindi mo alam anong mali sa'yo.” ‘Yan daw ang naramdaman ng film and TV director na si Direk Jason Paul Laxamana sa loob ng mahigit tatlong dekada. Pero nagbago raw ito nang ma-diagnose siya ng Asperger's Syndrome. Ano ang disorder na ito? Paano kaya ito nakaapekto sa buhay ng award-winning director? Alamin sa kanyang panayam kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang!
“‘Yung feeling na hindi mo alam anong mali sa'yo." ‘Yan daw ang naramdaman ng film and TV director na si Direk Jason Paul Laxamana sa loob ng mahigit tatlong dekada. Pero nagbago raw ito nang ma-diagnose siya ng Asperger's Syndrome. Ano ang disorder na ito? Paano kaya ito nakaapekto sa buhay ng award-winning director? Alamin sa kanyang panayam kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang!
"Regardless of how people talk about whether they're a fan of Taylor Swift or not, at one point in your life or in certain points of your life, you like a certain person. And that certain person gave an art, a kind of art that nourishes you and that kind of sustains you." Ang impluwensya ni Taylor Swift sa kultura ng fandom sa Pilipinas, pag-uusapan nina Doc Anna at Dr. Cherish Brillon, ang propesor na magtuturo ng Taylor Swift elective sa University of the Philippines-Diliman, sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Huwag kayong tatanggi sa oportunidad just because feeling niyo matanda na kayo. Sa mga pares kong may edad na, kung may maisip kayo na ikaliligaya ninyo sa mga huling sandali ng ating buhay, gawin po ninyo." Sa edad na 62, isa si Rosula Calacala sa pinakamatandang kumuha ng Bar exams noong 2023. Ipinakita niya na marami pang kayang gawin ang ating mga senior citizen para sa bayan.Kilalanin natin ang very wise at inspiring na si Atty. Rose sa pakikipag-usap niya kay Doc Anna ngayon sa Share Ko Lang.
"Huwag kayong tatanggi sa oportunidad just because feeling niyo matanda na kayo. Sa mga pares kong may edad na, kung may maisip kayo na ikaliligaya ninyo sa mga huling sandali ng ating buhay, gawin po ninyo." Sa edad na 62, isa si Rosula Calacala sa pinakamatandang kumuha ng Bar exams noong 2023. Ipinakita niya na marami pang kayang gawin ang ating mga senior citizen para sa bayan. Kilalanin natin ang very wise at inspiring na si Atty. Rose sa pakikipag-usap niya kay Doc Anna ngayon sa #ShareKoLang.
"'Yung gusto kong ma-feel din ng mga Kapuso natin especially at the start of the year, when people are thinking about shifting their gears and doing something else, that it's possible. But you need to invest a lot of hard work and planning. Dapat buong-buo talaga ‘yung sarili mo when you do the shift." 2018 nang magpasya si Steve Dailisan na iwan ang kanyang mahigit isang dekadang karera bilang TV reporter at tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging piloto. Limang taon mula nang gawin niya ang career shift na ito, isa na ngayong licensed commercial pilot si Steve. Ang maipapayo niya sa mga nagbabalak din mag-career shift ngayong bagong taon, alamin sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"'Yung gusto kong ma-feel din ng mga Kapuso natin especially at the start of the year, when people are thinking about shifting their gears and doing something else, that it's possible. But you need to invest a lot of hard work and planning. Dapat buong-buo talaga ‘yung sarili mo when you do the shift." 2018 nang magpasya si Steve Dailisan na iwan ang kanyang mahigit isang dekadang karera bilang TV reporter at tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging piloto. LImang taon mula nang gawin niya ang career shift na ito, isa na ngayong licensed commercial pilot si Steve. Ang maipapayo niya sa mga nagbabalak din mag-career shift ngayong bagong taon, alamin sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Kung titingnan natin maigi 'yung engaging or committing yourself into a relationship, may mga kaakibat din 'yung costs, especially financial costs." Hoping to find "The One" ka ba sa 2024? Hindi lang daw mature mind ang kailangan sa pagpasok sa romantic relationship, pero pati rin healthy na bulsa. Kailangan ba yumaman muna bago umibig? 'Yan ang pag-uusapan ni Doc Anna kasama ang financial literacy advocate na si Aivan Karl Parducho ngayon sa #ShareKoLang.
"It wasn't easy for me to say it or to come out. Growing up, I would think na ay hindi ko kailangan mag-out kasi I know na. ‘Yun pala, I still needed pala this validation din from my family na akala ko hindi ko naman kailangan kasi ‘di ba confident." Halos isang dekada raw ang hinintay ni Rikki Mae Davao, panganay na anak na babae ng mga batikang artista na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco bago siya tuluyang mag-out bilang lesbian. Ang coming out story ni Rikki, ibinahagi niya kay Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Parang na-discourage ako kasi nu'ng nasa Philippines ako parang I felt like I wasn't conventionally attractive for the actor scene." Hindi inakala ng Japino o Japanese-Filipino na si Stefanie Arianne na sa Japan niya matutupad ang matagal na niyang pangarap na maging isang mahusay na aktres. Nito lang nakaraang taon, isa siya sa mga bida sa isang Japanese film na kinilala sa Cannes Film Festival. Kung paano siya nagsimula ng acting career sa ibang bansa, iyan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Parang na-discourage ako kasi nu'ng nasa Philippines ako parang I felt like I wasn't conventionally attractive for the actor scene." Hindi inakala ng Japino o Japanese-Filipino na si Stefanie Arianne na sa Japan niya matutupad ang matagal na niyang pangarap na maging isang mahusay na aktres. Nito lang nakaraang taon, isa siya sa mga bida sa isang Japanese film na kinilala sa Cannes Film Festival. Kung paano siya nagsimula ng acting career sa ibang bansa, iyan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Humor is coping. Hindi rin naman maganda na lahat na lang ng suliranin natin, lahat ng challenges natin iisang style of coping lang na tinatawanan lahat." Tayong mga Pinoy, kilala bilang resilient na mga tao. Kahit anong pagsubok sa buhay, minsan, dinadaan lang natin sa tawa at pagbibiro. Pero sa lahat nga ba ng pagkakataon, pwede natin tawanan ang ating mga problema? Ang kahalagahan ng timing sa pagpapatawa, pag-uusapan ni Doc Anna kasama ang stand-up comedian na si Victor Anastacio sa episode na ito ng #ShareKoLang.
“What's important now is that she knows that we love her or that she can feel that, 'di ba? And I think that feeling never goes away for patients with dementia.” Paano nga ba natin ipadadama sa ating mga kaanak na unti-unting nawawala ang alaala ang ating pagmamahal at suporta sa kanila? Iyan ang pinag-usapan ni Doc Anna kasama ang grief, loss and transition coach na si Cathy Sanchez-Babao sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Gusto ko po mangyari sa mukha ko na ma-experience ko po ‘yung gumanda kaya umabot po ako sa punto na nagpa-inject po ko. Kaya po noong hindi po maganda ‘yung kinalabasan, in-embrace ko na lang po siya. Iniisip ko na lang po na kasalanan ko." Mahigit isang dekada nang namumuhay si Vinia Bermoy Bernadez na dala ang resulta ng palpak na beauty enhancement na isinagawa sa kanya. Pero ganun pa man, tuloy pa rin siya sa pagsali sa mga beauty contest. Kung paano siya bumangon, 'yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa #ShareKoLang.
"Sa hindi natin ineexpect na pagkakataon, kinuha naman ni Lord ang aking asawa...My husband was the lead sponsor in our immigration. And when the immigration of Canada found out that he passed on, they took away the visa." Sa isang pambihirang pagkakataon, nagawa pa rin ng Pilipinang si Ann Fontanilla na matuloy siya at ang kanyang anak makalipat sa Canada. Ngunit sabi nga ni Doc Anna, walang immigration story na walang hirap. Ang buong kwento ni Ann na ngayo'y isang executive director na sa isang unibersidad sa Canada, ibabahagi sa #ShareKoLang.
"I'm just waiting for that inevitable moment that Taylor Swift meets Taylor Sheesh. Manifesting" Gumagawa ngayon ng ingay at naging tampok pa sa iba't ibang foreign media ang Pinoy drag performer na si Mac Coronel o mas kilala bilang si Taylor Sheesh dahil sa kanyang kahanga-hangang impersonation kay Taylor Swift. Ang kanyang mala-Eras Tour na performance, bet na bet ng Pinoy Swifties. Sa kanyang patuloy na pagsikat, may isang bagay raw na nagsisimula na niyang na-mi-miss. 'Yan ang pag uusapan nila ngayon ni Doc Anna sa #ShareKoLang.
"Sa hindi natin ineexpect na pagkakataon, kinuha naman ni Lord ang aking asawa...My husband was the lead sponsor in our immigration. And when the immigration of Canada found out that he passed on, they took away the visa." Sa isang pambihirang pagkakataon, nagawa pa rin ng Pilipinang si Ann Fontanilla na matuloy siya at ang kanyang anak makalipat sa Canada. Ngunit sabi nga ni Doc Anna, walang immigration story na walang hirap. Ang buong kwento ni Ann na ngayo'y isang executive director na sa isang unibersidad sa Canada, ibabahagi sa #ShareKoLang.
"I'm just waiting for that inevitable moment that Taylor Swift meets Taylor Sheesh. Manifesting" Gumagawa ngayon ng ingay at naging tampok pa sa iba't ibang foreign media ang Pinoy drag performer na si Mac Coronel o mas kilala bilang si Taylor Sheesh dahil sa kanyang kahanga-hangang impersonation kay Taylor Swift. Ang kanyang mala-Eras Tour na performance, bet na bet ng Pinoy Swifties. Sa kanyang patuloy na pagsikat, may isang bagay raw na nagsisimula na niyang na-mi-miss. Yan ang pag uusapan nila ngayon ni Doc Anna sa #ShareKoLang.
"I have been in situationships as well. It's really...you're doing relationship things minus the actual relationship label, which I think makes it more confusing." Ito ang pag-amin ng GMA News reporter at I-Witness host na si Mav Gonzales tungkol sa kanyang naging lovelife. Pero bakit kahit malabong usapan, pinasok pa rin Mav ang situationship? 'Yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"I have been in situationships as well. It's really...you're doing relationship things minus the actual relationship label, which I think makes it more confusing." Ito ang pag-amin ng GMA News reporter at I-Witness host na si Mav Gonzales tungkol sa kanyang naging lovelife. Pero bakit kahit malabong usapan, pinasok pa rin Mav ang situationship? 'Yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Nakarami na po ako na mga projects na iniisip ko baka ito na ‘yung big break pero hindi naman po nangyari. Ang inisip ko trabaho ulit ‘yan. Hindi ko talaga ine-expect." Sa tagal niya sa industriya, hindi raw akalain ng batikang artista na si Dolly de Leon na mabibigyan pa siya ng big break sa kanyang pag-arte. Ito ay matapos maging kauna-unahang Pilipino na maging nominado sa pretiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Triangle of Sadness. Sa kanyang tinatamasang kasikatan sa ibang bansa, iiwan niya nga ba ang kanyang nasimulang karera sa Pilipinas? 'Yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Papatulan ko ba 'to?" Ang daan patungong 2024 Olympics ng world's no. 2 pole vaulter na si EJ Obiena ay minsang naging baku-bako dahil sa mga akusasyon laban sa kanya mula sa national sports association na kinabibilangan niya. Matapos malinis ang kanyang pangalan, pinili niya pa rin manatili sa Philippine team. Kung bakit, iku-kuwento niya kay Doc Anna ngayon sa #ShareKoLang!
"Nakarami na po ako na mga projects na iniisip ko baka ito na ‘yung big break pero hindi naman po nangyari. Ang inisip ko trabaho ulit ‘yan. Hindi ko talaga ine-expect." Sa tagal niya sa industriya, hindi raw akalain ng batikang artista na si Dolly de Leon na mabibigyan pa siya ng big break sa kanyang pag-arte. Ito ay matapos maging kauna-unahang Pilipino na maging nominado sa pretiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Triangle of Sadness. Sa kanyang tinatamasang kasikatan sa ibang bansa, iiwan niya nga ba ang kanyang nasimulang karera sa Pilipinas? 'Yan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.
"Papatulan ko ba 'to?" Ang daan patungong 2024 Olympics ng world's no. 2 pole vaulter na si EJ Obiena ay minsang naging baku-bako dahil sa mga akusasyon laban sa kanya mula sa national sports association na kinabibilangan niya. Matapos malinis ang kanyang pangalan, pinili niya pa rin manatili sa Philippine team. Kung bakit, iku-kuwento niya kay Doc Anna ngayon sa #ShareKoLang!
"Sabi nga kapag binigay ‘yan ni Lord sayo, so kaya mo ‘yan. So ‘yun talaga motto ko sa life. Iiyak lang ako, pahinga lang ako saglit, bukas laban na naman." Pampito sa sampung magkakapatid ang gurong si Danieca Goc-ong o mas kilala sa social media na si Teacher DanVibes. Dahil siya lang ang nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid, inako niya ang responsibilidad ng pagiging breadwinner sa kanilang pamilya. May oras pa kaya magka-love life ang breadwinner na katulad niya? Alamin sa kwentuhan nila ni Doc Anna sa #ShareKoLang!
"Minsan kailangan natin silang bigyan ng pagkakataon to be able to have a dream again." Paano nga ba natin bibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga taong dating nakulong? Sa episode na ito ng #ShareKoLang, pag-uusapan iyan nina Doc Anna at Capt. Edo Lobenia, founder ng Second Chance Philippines na isang non-government organization o NGO na ang misyon ay tulungang bigyan ng bagong buhay ang mga dating Persons Deprived of Liberty o PDL.
"Siguro ‘yung pinakamaraming na-share na drawing ko ‘yung mga nagmumura. So siguro maraming nakaka-relate doon. Parang sa loob-loob nila, inis na rin sila, tapos ‘yung drawing na ‘yun na-capture iyong ganoong feeling nila." Marami ang nakaka-relate sa kanyang comic strips dahil sa mga witty nitong hugot at kuwento na sumasalamin daw sa mga istorya ng mga nakababatang henerasyon. Sa episode na ito ng #ShareKoLang, pag-uusapan nina Doc Anna at ng malikhaing kamay sa likod ng komiks na ito, na si Julienne "Hulyen" Dadivas, ang mga problema at misconception na madalas kinakaharap ng mga kabataan.
"Minsan kailangan natin silang bigyan ng pagkakataon to be able to have a dream again." Paano nga ba natin bibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga taong dating nakulong? Sa episode na ito ng #ShareKoLang, pag-uusapan iyan nina Doc Anna at Capt. Edo Lobenia, founder ng Second Chance Philippines na isang non-government organization o NGO na ang misyon ay tulungang bigyan ng bagong buhay ang mga dating Persons Deprived of Liberty o PDL.