Podcasts about pagdating

  • 22PODCASTS
  • 141EPISODES
  • 12mAVG DURATION
  • 1MONTHLY NEW EPISODE
  • Jan 8, 2025LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about pagdating

Latest podcast episodes about pagdating

SBS Filipino - SBS Filipino
‘Laidback, egalitarian': How does Australian workplace culture differ from the Philippines and other countries? - ‘Laidback, egalitarian': Ano'ng kaibahan ng Australian workplace culture sa Pilipinas at ibang bansa?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 8, 2025 14:51


When moving to Australia, there are certain things that can cause culture shock, especially in the workplace, as the culture here differs significantly from the Philippines and other parts of the world. - Pagdating sa Australia, may ilang mga bagay na nakaka-culture shock pero lalo na kapag nagtrabaho ka dahil iba din ang workplace culture lalo na kumpara sa Pilipinas at buong mundo.

Barangay Love Stories
Episode 419: "Souvenir"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Dec 27, 2024 53:47


Pagdating sa pag-ibig, hindi lang puro puso ang pinapairal dahil dapat pinapagana rin ang utak. At iyon ang ginamit ni Jojo sa relasyon nila ni Marie kaya nga nauwi sa proposal ang kanilang pagmamahalan. Habang pinaplano ang kanilang kasal, ang isa sa wedding supplier na nahanap nila ay ang pinakamamahal na ex pala ni Jojo. Damdamin pa rin kaya ang mangingibabaw o baka paganahin naman ni groom ang utak niya. Pakinggan ang kwento ni Jojo sa Barangay Love Stories. 

CCF Sermon Audio
God Restores, Come Back To Jesus | Julius Rayala

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 27, 2024 68:51


Pagdating sa mga kabiguan sa buhay, pare-pareho lang tayo—lahat tayo ay nabibigo sa iba't ibang paraan. Ano ang gagawin natin kapag tayo ay nalugmok sa ating kabiguan? Paano tayo makakabangon at makakapagpatuloy sa buhay? Speaker: Ptr. Julius Rayala Series: Truth Over TrendsS cripture Reading: John 21:1-22 Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/10272024Tag

CCF Sermon Audio
Live Out God's Best For Your Life (Part 2) | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Jun 30, 2024 88:31


Pagdating sa pagpili ng tama sa buhay, paano kung tinatawag tayong sumuko at piliin na gawin ang mga bagay sa paraan ng Diyos at sa Kanyang panahon, sa halip na ipilit ang ating mga pansariling kagustuhan sa Kanya? Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: Jesus The Expression Of God's Love Watch The Full Message: https://go.ccf.org.ph/06302024Tag

bong diyos pagdating
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 30, 2024 5:08


Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1,39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy naming walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.     Pagninilay: Sa pagmamadali kong umuwi, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking pamangkin. Pagdating sa bahay ng aking kapatid, patakbong yumakap ang pamangkin ko at tuwang-tuwang nagtanong – “Uncle, where is my donut?” Naku, halos matunaw ako sa hiya dahil wala akong dalang donut. Sabi ko na lang sorry at bukas ko na lang bibilhin kasi nalimutan ni uncle. Laking gulat ko nang ngumiti ang aking pamangkin at niyakap akong muli, sabay sabing, “It's OK uncle. But tomorrow it's already 2 boxes”.  Mga kapanalig, sa Mabuting balita ngayon, nagmamadali si Maria upang dalawin si Elisabet na kanyang pinsan. Nagmamadali sapagkat dala-dala niya ang Mabuting Balita sa kanyang sinapupunan. Hindi niya ito makakalimutan sapagkat napakalaki at kagila-gilalas ito, na tiyak na ikamamangha ni Elisabet, na nakaranas din ng himala sa kanyang pagdadalang-tao. Pareho ang dumalaw at dinadalaw na may pasalubong sa bawat isa. Pareho nilang tangan sa kanilang puso at sinapupunan ang Mabuting Balita, at ang tinig na maghahanda ng daan para sa Mabuting Balita. Parehong nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at naging bahagi sa plano ng kaligtasan ng sanlibutan, ang magpinsan. Sa kanilang pakiki-isa at pagtugon sa Diyos nasimulan ang daan sa pangakong kaligtasan. Kapanalig, Paanyaya ito sa atin na makiisa at magmadali rin sa pagbabahagi ng Mabuting balita sa ating kapwa, na naghihintay marinig ang tinig at plano ng Diyos sa buhay nila. Nawa'y huwag nating malimutan ang tunay at nakasasabik na pasalubong para sa kanyang bayan – ang wagas na pagmamahal at walang hanggang awa at biyaya ng Diyos. Amen.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 20, 2024 3:48


Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 9:30-37 Umalis sa bundok si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya. Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan n'yo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Tinatanggap ako ng sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan. At kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin.”   Pagninilay: Bahagi na ng buhay pamilya ang pag-aaway ng mga magkakapatid o sibling rivalry. Ang nakakagulat ay madalas, nagmumula ito sa pinakamaliliit na dahilan. Isa sa mga laging pinag-aawayan ng magkapatid ay kung sino ang nakatokang maghugas ng pinggan. Minsan, humahantong ito sa tampuhan dahil tila naaalila ang isa sa kanila at ‘di nila nakikita ito bilang pagkakataong makatulong at makapaglingkod sa pamilya. Tulad ng mga bata, nagtalo ang mga alagad kung sino ang pinakadakila sa kanila. Hindi nila lubos na naunawaan na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa kahandaang maglingkod, katulad ng kahandaan ni Hesus na yakapin ang kamatayan at muling pagkabuhay para sa ating kaligtasan. Ganyan ang kadakilaan sa mata ng Diyos: ang paglalaan ng sarili sa kapwa alang-alang sa pag-ibig. Mga kapanalig, hindi tayo dapat maging isip-bata sa ating pagpiling magmahal. Sa katunayan, inaanyayahan tayo ni Hesus na buksan ang ating mga bisig sa paglilingkod, katulad ng kanyang ginawa sa krus – mga kamay at bisig na bukas at handing yakapin ang lahat, lalo na ang hindi kaibig-ibig sa atin. Sa mga pagkakataong hindi natin mapiling magmahal at maglingkod, lagi tayong bumalik sa mukha ng pag-ibig: si Kristo Hesus na nakabayubay sa krus.    

SBS Filipino - SBS Filipino
‘Maligayang Pagdating' booklet launched in the Northern Territory for new Filipino migrants in Australia - ‘Maligayang Pagdating' booklet, inilunsad sa Northern Territory para sa mga bagong salta sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 18, 2024 10:39


Filipino community organisation in NT spearheaded this initiative. Here's what the booklet is all about. - Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ng Filipino community sa Northern Territory. Narito ang nilalaman at tungkol saan ang booklet.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Sa isang online class through Zoom meeting, ang usual na sinasabi ng isang teacher at host para magkaintindihan sila ng participants ay “It's cute to mute!” Pagdating naman sa pang-araw-araw na buhay, bakit kailangang mag-mute o unmute? When is it cute to mute?All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

zoom cute mute pagdating
SBS Filipino - SBS Filipino
From Bulacan to Bourke Street: How an international student chases her musical dream - Paano tinatahak ng isang estudyante ang kanyang pangarap sa musika pagdating sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Mar 21, 2024 38:42


A native of San Miguel, Bulacan, Abi Canasa's journey from the Philippines to Australia is as remarkable as her talent. - Tubong San Miguel, Bulacan ang international student na si Abi Canasa na naglakbay patungong Australia upang maabot ang mga pangarap sa buhay at isa na dito ang pag-awit.

SBS Filipino - SBS Filipino
What are the things to do after arriving in Australia as an international student? - Ano ang mga bagay na dapat unahin pagdating sa Australia bilang isang international student?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 20, 2024 13:23


These tips will help you settle in Australia as you navigate your life as an international student in a new country away from home. - Ang ilang tips na ito ay maaaring makatulong sa mga international student na kakarating lang sa Australia na may mga katanungan sa pagsisimula ng buhay sa bagong bansa.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 19, 2024 – Lunes l Unang Linggo ng Kuwaresma   

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 18, 2024 4:30


Mabuting Balita l Pebrero 19, 2024 – Lunes sa Unang Linggo ng Kuwaresma                            San Conrado ng Piacenza Ebanghelyo: Mt 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono.  Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao.  Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya:  'halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagutom ako at inyong pinakain, nauuhaw ako at inyong pinainom.  …  nang may sakit ako, binisita n'yo ako.  Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw n'yo ako.' “At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom...  maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?  Sasagutin sila ng Hari:  ''Talagang sinasabi ko sa inyo:  anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya:  'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko...  Sapagkat nagutom ako...  maysakit at nasa bilangguan at di n'yo binisita.' “Kaya itatanong din nila:  'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom...  at di namin pinaglingkuran?  Sasagutin sila ng Hari:  'Talagang sinasabi ko sa inyo:  anuman ang di n'yo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi n'yo ginawa sa akin.' “At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.”   Pagninilay: Isa sa mga pinakapaborito kong musical sa Broadway ay ang “Les Miserables”, na batay sa nobela na isinulat ni Victor Hugo. Isa sa mga “miserable” dito ay si Fantine na maagang namatay dahil sa pagkasadlak sa kahirapan. May iisa siyang anak na inampon ng pangunahing “miserableng” tauhan na si Jean Valjean. Naaalala ko nga na sa eksena kung saan mamamatay na si Jean Valjean, si Fantine ay nagpakita sa kanya at naging kanyang tagasundo patungong langit. Nakakapangilabot ang kanilang huling duet kung saan kanilang inawit ang katagang “To love another person is to see the face of God.”  Ito mismo ang aral na nais ituro sa atin ng ating Panginoon sa Mabuting Balita ngayon. Sa ating pagsisimula ng banal na panahon ng Kwaresma, inaanyayahan tayong maging mas konkreto sa ating pagmamahal sa Diyos, sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa. Sa katunayan, ito ang magiging batayan ng Panginoon sa kanyang paghuhukom sa atin sa wakas ng panahon – ang saligan ng pagmamahal. Sa tuwing taos at lubos ang ating pagmamahal sa kapwa, lalo na sa ating mga kapatid na walang-wala at kapos sa buhay, naisasabuhay sa ating paggawa ang pananampalatayang ating ipinahahayag.  Mga kapanalig, hindi lamang sa panalangin makikita ang Diyos; mababanaag at mayayakap din natin Siya, sa tuwing pinipili nating mahalin ang kapwa – lalo't higit ang itinuturing na ‘di kamahal-mahal. Pag-ibig ang pumapagindapat sa ating hindi karapat-dapat, dahil ang may mukha at pangalan ang pag-ibig: si Kristo Hesus na nakabayubay sa krus.    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – Biyernes l Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 8, 2024 4:23


Mabuting Balita l Pebrero 9, 2024 – – Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon        Santa Apolonia Ebanghelyo: Mk 7:31-37 Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos hindi makapagsalita. At hiniling nila kay Hesus na ipatong dito ang kamay. Matapos siyang ihiwalay sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntong hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi'y “Buksan.” Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid. Tinagubilinan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: ”Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.”     Pagninilay: Isang touch lang at click, nakakapag-communicate na tayo. Sa bilis ng internet, napakadali nating kumunek sa iba.  Easy lang ang pag-access sa maraming bagay.  Relate na relate tayo sa salitang “connection”. Marami rin sa atin ang may FOMO o fear of missing out kapag hindi nakasama sa kasunduan o sa pagsasamahan.  Kaya madalas sinasabi natin sa loved ones natin, “Keep in touch, ha?” O kaya, “Stay connected”. Sa ganito tayo nilikha ng Diyos. Bukod pa rito, ang pinakamahalaga, makahulugan at pinagmumulan ng lahat ng koneksyon natin ay ang ugnayan sa ating Panginoon.  Nakaka-amaze isipin ang encounter ng lalaking utal at bingi at ng ating Hesus Maestro.  Bukod sa buong galang na inihiwalay siya sa maraming tao, isinuot Niya ang Kanyang daliri sa tainga ng lalaki, lumura, habang hinipo naman ang dila. Ginamit Niya ang Kanyang daliri at laway. Malalim ang ginawa Niyang kuneksyon sa utal at bingi. Alam nyo, kapanalig, ito ang isa sa mga struggles ko bilang isang lingkod ng komunikasyon. Hindi ako makaconnect sa mga utal at bingi. Hindi ko kayang magsign language man lang. Oo, alam ko ang finger spelling alphabet. (a, b, c, d, e) pero mabagal ko itong nagagawa. Madalas kapag labasan na sa school for the deaf na katabi ng convent naming, nakakatuwang tingnan kung paano sila nagcocommunicate sa isa't isa. Pero aaminin ko, hindi ko mabasa ang konteksto ng kanilang pinag-uusapan. Maraming beses iniisip ko.  Paano ko maipapasok ang aking puso sa kanilang kalooban? Mapalad ang mga teachers nila, classmates, at ang kanilang parents. Tayo naman na hindi alam ang lenggwahe ng utal at bingi. Ano ang maaari nating magawa?  Una, iisipin natin sila kapag nakikipag-usap tayo sa iba. Gawin ang active listening para maunawaan natin nang maigi ang ating kausap. Ikalawa, isipin muna ang ating sasabihin kung makakatulong ba o makakapapahina ng kanilang kalooban. Ikatlo, laging subukan na magkaroon ng life giving conversation. Sa ganitong paraan, every encounter nagiging instruments na rin tayo ng Daliri ng Diyos na nakapaglilikha ng buhay, tuwa at sigla. Nagiging daluyan din tayo ng Kanyang sacred healing power ng mga nawawalan ng lakas-loob na magpahayag ng katotohanan.      

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado l Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 2, 2024 4:04


Mabuting Balita l Pebrero 3, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon       San Blas, Obispo at martir, at San Oscar, obispo Ebanghelyo: Mk 6:30-34 Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman ni niya sa kanila:”Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.   Pagninilay: Nakita ng ating Hesus Maestro ang kapal ng mga tao na parang mga tupa na walang nag-aalaga. Pinangunahan Siya ng habag sa mga tao at feel Niya ang urgency to solve the issue. Ang pagtuturo ang naging focus Niya para sa kanila bilang Mabuting Pastol.  Naging Guro Siya sa Kanyang kawan. Alam Niya na nagugutom sila sa Katotohanan. Ang Hesus Maestro nga ang Modelo ng ating Simbahan. Kaya naman may tinatawag tayong Church Magisterium. Ito ang official teaching authority, lalo na ng ating Banal na Papa at mga Obispo. Gawain nila ang ipaliwanag at pangalagaan ang katotohanan ng ating pananampalataya na base sa Banal na Kasulatan at ng Banal na Tradisyon. Alam natin na ang Banal na Kasulatan ay kalipunan ng mga Salita ng Diyos na ang Diyos mismo ang humirang sa mga Manunulat at nagbigay sa kanila ng inspirasyon. Ang Tradisyon naman ay ang pananampalataya na isinalin sa atin ng mga Apostol na mismong natutuhan nila mula sa ating Hesus Maestro. Ang mga ito ang nagsusustena sa ating pananampalatayang Kristiyano at sa kung paano natin ito maisasabuhay. Totoo na Katotohanan ang bumubuhay at nagpapasigla ng ating diwa, kaisipan, kalooban at kaluluwa. Oo, mahalaga din ang pisikal na pagkain, pero ang katotohanan, hindi lumilipas. Kaya't inaasahan tayong maging buhay na saksi ng turo ng ating Simbahan. Hindi lang tayo kawan na tumatanggap, kundi kawan na mga responsable at handang ipagtanggol ang katotohanan ng ating pananampalataya. Nasa atin ang Espiritu ng Katotohanan para gabayan tayo bilang evangelizing Christians. Hilingin din natin sa Espiritu ng Katotohanan na pag-alabin ang ating puso nang makatugon tayo sa mga nagugutom at nauuhaw sa turo ng ating Simbahan.    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes l Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 29, 2024 5:22


Mabuting Balita l Enero 30, 2024 - Martes Ikaapat na Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 5:21-43 Pagkatawid ni Hesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Hesus kasama n'ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Hesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniistorbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s'yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n'ya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Hesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Hesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.' At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Hesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.     Pagninilay: Muling pinatunayan ng Mabuting Balita ngayon ang kahalagahan ng pananampalataya sa ating Panginoon Hesus. Hinihikayat tayo nito na manatili ang ating pagtitiwala sa Diyos. Ang ating malalim na relasyon sa Diyos ay lalaging nagbibigay sa atin ng pag- asa. Mga kapanalig, ang babae na labindalawang taon nang inaagasan ay gumaling dahil sa kanyang pananalig. Hindi ba't sinabi ng Panginoong Hesus sa kanya “Anak, iniligtas ka dahil sa iyong pananampalataya.” Ang anak ng Puno ng Sinagoga na si Jairo ay nagpatirapa sa paanan ng ating Panginoong Hesus upang pagalingin ang kanyang Anak, pero ito palang anak niya ay patay na. Ang ating Panginoong Hesus mismo ay nagsabi sa kanya “Huwag kang matakot, sumampalataya ka lamang.”  Mga kapanalig, ang pintuan ng tulong ng ating Panginoong Hesus ay nakasalalay sa lalim ng ating pananampalataya, pagtitiwala at pag-asa sa Kanya. Ito ang pinanghahawakan ko sa tuwing may pinagdadaan ako sa buhay, katulad ng karanasan ko at ng aking pamilya, kamakailan.  Ang kapatid naming bunso ay mga apat na taon nang may sakit sa puso. Dumadalas na ang paninikip ng kanyang paghinga. Nakiusap siya sa amin na kung maaari, maipagamot na sya. Dahil kailangan na siya'y sumailalim sa ‘angiogram procedure,' upang malaman kung ano ang status ng kanyang puso, buong pagmamahal namang nagpadala ng tulong ang aming ate. Matapos ang ‘angioram procedure,' sinabi ng doktor, na mangangailangan ang kapatid namin ng bypass heart surgery. Parang lumaki ang aking ulo at napaiyak ako habang kausap ang doktor. Sinabi ng doktor na gagawan ng paraan, at hahanapan ng tulong ang kapatid naming, para maisagawa ang bypass heart surgery.  Sa ngayon, buo ang aming tiwala na magbubukas ang pintuan ng awa at habag ng Panginoong Hesus. Darating ang tulong ng Panginoong Hesus sa tamang panahon. Amen  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 3, 2023 – Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 2, 2023 3:56


Mabuting Balita l Disyembre 3, 2023 – Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Ebanghelyo: Marcos 13:33-37 Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at magpuyat hindi nga ninyo alam kung kailan ang oras. Ipagpalagay natin na nangingibangbayan ang isang tao. Iniiwan niya ang kanyang bahay at ipinagkakatiwala ang lahat sa kanyang mga utusan. May kanya-kanya silang tungkulin at inutusan niyang magbantay ang bantay pinto. Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang oras ng pagdating ng may-ari, kung hapon o hatinggabi o madaling araw. At baka bigla siyang dumating, at madatnan kayong natutulog. Kaya't sinasabi ko rin sa lahat ang sinasabi kong ito sa inyo: Magbantay.”   Pagninilay: Bagong taon ngayon! Simula na ng panahon ng Adbiyento.  Panahon ito ng paghahanda at pananabik; pag-aantabay para sa pagbabalik ni Hesus, hindi lamang bilang sanggol sa Belen noong Unang Pasko, kundi bilang Hari at Manunubos sa Kanyang pangalawang pagdating.  Sa ating paghahanda, may mga hakbang na maaari nating gawin. Una, inaanyayahan tayo na magdasal. Maglaan tayo ng panahon sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos sa ating mga panalangin. Pangalawa, inaanyayahan tayo na magbalik-loob. Pagkakataon ito na suriin ang ating mga buhay, kilalanin ang mga pagkukulang, at magbagong-buhay. Pangatlo at huli, inaanyayahan tayo na maglingkod sa ating kapwa. Mga kapanalig, sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isa't isa, nagiging mga tanglaw tayo sa mundo, na nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa lahat. Nawa'y maging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng Adbiyento at patuloy tayong maglaan ng oras para sa Diyos, sa pagbabalik-loob sa Kanya, at sa paglilingkod sa ating kapwa.  FR. ROLLY GARCIA JR.    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 26, 2023 – Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 25, 2023 4:09


Mabuting Balita l Nobyembre 26, 2023 – Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako'y hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?' Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di Ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, may sakit o nakabilanggo at di namin pinaglingkuran?' Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo, anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.”  Pagninilay:    Isang mensahe ng pagdiriwang ng Paghahari ni Kristo sa sanlibutan, ang pagsusuri ng ating mga sarili kung si Kristo nga ba talaga ang tunay na naghahari sa ating buhay, sa sa ating puso, sa isip at sa buong pagkatao.  Kung hindi pa, inaanyayahan tayo ng pagdiriwang na ito na isuko natin sa Panginoon ang ating mga sarili, at ang ating kahandaang pagharian Niya at gamitin ayon sa Kanyang layunin, habang tayo'y nabubuhay. Amen.   Bishop Rex Alarcon, D.D. – Diocese of Daet  

SBS Filipino - SBS Filipino
Culture Shock in Australia: Different amusing experiences of Filipinos upon arrival in the Land Down Under - Culture Shock sa Australia: Iba't ibang nakakaaliw na karanasan ng mga Pinoy pagdating sa Land Down Under

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 11, 2023 16:09


Some Filipinos shared their experiences of cultural adjustment upon arriving in Australia. - Nagbahagi ang ilang Pinoy ng kanilang mga naranasang paninibago sa nakagiwan sa pagdating sa Australia.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2023 – Huwebes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 1, 2023 4:41


Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2023 – Huwebes l Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako'y hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?' Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di Ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' Kaya itatanong din nila: 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, may sakit o nakabilanggo at di namin pinaglingkuran?' Sasagutin sila ng Hari: 'Talagang sinasabi ko sa inyo, anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.”  Pagninilay: Sa aming pastoral exposure sa Catarman, Samar, inaatasan kami ng kura paroko na basbasan ang mga puntod ng mga yumao sa mga baryong kinasasakupan ng parokya sa araw ng Undas. At dahil magkakalayo ang mga puntod, inabot din po kami ng halos buong araw sa paglalakad. Habang kami ay tumatawid ng ilog pauwi, meron kaming nakasalubong na bata, siguro mga walo or siyam na taong gulang. At tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan. “Usting,” sagot ng bata. ‘Yon po ang kanyang palayaw ang kanyang totoong pangalan ay Justin. Bigla ko pong naalala ang yumaong seminarista na kasama ko sa seminary noon na ang pangalan din ay Justin. Iniisip ko na baka papatawid na din si Justin sa ilog ng purgatoryo patungo sa pampang ng buhay na walang hanggan. Sa ebanghelyong ating narinig, sinasabi na sa Araw ng Paghuhukom, pagbubukud-bukurin ang mga tao, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ang mga tupa ay “makakatawid ng ilog” patungo sa kaharian ng Diyos at ang kambing ay mananatili sa “madilim na tubig” ng kapahamakan. At papaanong makakatawid ang mga tupa patungo sa buhay na walang hanggan? Dahil nakita nila ang mukha ng Diyos sa mga taong nagugutom, nauuhaw, walang maisuot, nasa bilangguan, may karamdaman, at tinugunan ang kanilang pangangailangan. Sila ang mga taong iniwan ang pampang ng pagkamakasarili at tumawid patungo sa pampang ng pagbibigay ng sarili.  Habang tayo'y nananalangin sa pagtawid ng ating mga mahal sa yumao patungo sa buhay na walang hanggan, hingin din natin ang kanilang tulong at paggabay sa mga pagtatawid natin sa mundong ito—na lisanin ang pampang ng kasakiman patungong pagiging bukas-palad, na lisanin ang ilog ng kapalaluan patungong pampang ng kapakumbabaan, na lisanin ang pampang ng kadiliman ng kasalanan at tumawid patungong liwanag.    

CCF Sermon Audio
Legit Worship | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 15, 2023 75:17


Paano natin malalaman kung tunay o peke ang ang isang bagay? Pagdating sa ating pagsamba sa Diyos, masasabi ba natin na legit ito? Maaaring hindi natin alam na may mga pagkakataon na hindi nalulugod ang Diyos sa pagsamba natin sa Kaniya. Mangyaring huwag i-record o kopyahin ang video na ito. Sa halip, maaari ninyo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-share ng link.Speaker: Ptr. Bong Saquing Series: What's Wrong With Us? Watch The Full Message here: https://go.ccf.org.ph/10152023Tag

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Oktubre 13, 2023 – Biyernes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 12, 2023 4:40


Mabuting Balita l Oktubre 13, 2023 – Biyernes l Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Lucas 11:15-26 Nang nakapagpalayas si Hesus ng demonyo, sinabi ng ilan sa mga tao: “Pinalalayas n'ya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Gusto naman ng iba na subukin si Hesus at humingi sila sa kanya ng isang tanda galing sa Langit. Alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi n'ya sa kanila: “Mabubuwag ang bawat Kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan. Ngayon, kung nagkakahati-hati si Satanas, paano magtatagal ang kanyang kaharian? Hindi nga ba't sinasabi n'yo na nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nagpapalayas ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng inyong mga kaanib ang mga ito? Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos. Kung may sandatang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Ngunit kung salakayin siya ng mas makapangyarihan sa kanya at talunin s'ya, maaagaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. Laban sa akin ang hindi panig sa akin, at nagpapangalat ang hindi nagtitipong kasama ko.” Kapag lumabas sa tao ang maruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Ngunit wala s'yang natatagpuan at sinasabi niya: ‘Babalik ako sa inalisan kong tirahan.' Pagdating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. Kaya naghahanap s'ya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa sa kanya; pumapasok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling kalagayan ng taong iyon kaysa dati.”     Pagninilay: Kapanalig, naranasan mo na bang gumawa ng kabutihan sa kapwa, pero ikaw pa ang minasama? Ganito ang naranasan ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Marami Syang pinagaling na inaalihan ng demonyo, pero pinagbintangan pa Syang kaanib ng mga demonyo. Marahil isang strategy ng demonyo ang sirain ang credibility ni Hesus upang hindi na Niya ipagpatuloy sa Kanyang misyon. Sa panahon natin ngayon, high tech na rin ang demonyo. Ginagamit nya ang social media, upang sirain ang mga taong gumagawa ng kabutihan sa pamamagitan ng mga mapanirang fake news. Isa itong paraan upang yurakan ang dignidad, at alisan ng credibilidad ang mga taong gumagawa ng kabutihan at lumalaban sa kasamaan. Kaya, lumalabas na masama ang mabuti at pilit pinagaganda ang public image ng gumagawa ng masama.  Kapanalig, huwag sana tayong maging mapanghusga sa kapwa, dahil lamang sa mga nababasa natin sa social media. Sa halip, manaliksik at maging mapanuri bago maniwala. Hindi lang yan Kapanalig, huwag rin sana tayong magpadala sa bugso ng ating galit sa taong gumawa sa atin ng masama, dahil maaari itong maging entry point ng demonyo sa ating buhay. Sa halip, patuloy po tayong gumawa ng mabuti, kahit sa taong gumawa sa atin ng masama. Ipagdasal din natin ang kanilang pagbabalik-loob sa Diyos, upang mabawasan ang mga naghahasik ng fake news at mapanirang puri sa social media at sa ating Lipunan.   -        Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Setyembre 18, 2023 – Lunes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 21, 2023 4:16


Mabuting Balita l Setyembre 18, 2023 – Lunes | Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH  Ebanghelyo: Lucas 7: 1-10 Matapos ang pagtuturo ni Hesus sa mga tao, pumasok s'ya sa Capernaum. May isang kapitan na may katulong na naghihingalo at pinahahalagahan n'ya ito. Pagkarinig n'ya tungkol kay Hesus, nagpapunta s'ya sa kanya ng mga matatanda ng mga Judio para pakiusapang pumunta at pagalingin ang kanyang katulong. Pagdating ng mga ito kay Hesus, taimtim nila s'yang pinakiusapan, “Marapat lamang na pagbigyan mo s'ya. Mahal nga n'ya ang ating bayan at s'ya ang nagpatayo ng aming sinagoga.” Kaya kasama nilang pumunta si Hesus. Nang hindi na s'ya kalayuan sa bahay, nagpapunta naman sa kanya ng mga kaibigan ang kapitan para sabihin, “Ginoo, huwag ka nang mag-abala pa, hindi nga siguro ako karapat-dapat para tumuloy ka sa aking bahay kaya hindi ko man lamang inakala na nararapat akong lumapit sa iyo. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero may mga sundalo sa ilalim ko, at kung iuuto s ko sa isa, ‘umalis ka', umaalis s'ya. At sa iba naman, ‘halika', at pumaparito s'ya. At pag sinabi kong, ‘gawin mo ito' sa aking katulong, ginawa nga n'ya ito.” Humanga si Hesus pagkarinig n'ya nito. Lumingon s'ya sa mga sumusunod sa kanya at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo, sa Israel ma'y hindi ko natagpuan ang ganitong pananalig.” At nang magbalik sa bahay ang mga sinugo, natagpuan nilang magaling na ang katulong.    Pagninilay: Kapanalig, tiyak ng Kapitang Romano na gagaling ang aliping mahal sa kanya. Kahit hindi siya direktang nakiusap sa ating Hesus Maestro, naganap ang hiling niya. Sabi nga, "Faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen." Nakatitiyak ka na magaganap ang iyong inaasahan, at naniniwala sa mga bagay na hindi mo nakikita. Naalala ko nang pinabaunan ako ng meryenda ni Mother Frances, siya ang Abbess ng St. Clare Monastery. Tumira ako sa kanila nang inimbitahan ako ni Bishop Jose Elmer at ni Fr. Angel Mata para mag-animate sa mga kabataan ng Diyosesis ng Bayombong. Isa sa mga paborito kong snacks ang ipinabaon ni Mother Frances. Nang huminto ang bus na sinakyan ko, may napatingin sa akin na bata na tila gutom. Habang ako naman, nasulyapan ko siya mula sa bintana.  Nagsisimula nang kumalam ang tiyan ko noon, pero bumaba ako at ibinigay ko pa rin sa kanya ang baon ko. Sabi ko, “God will provide.” “May ibibigay sa akin ang Diyos.” Hindi ko alam kung ano pero alam ko na may darating na iba. After 30 minutes, may nagmessage sa akin na isang kabataan. Alam nyo kung ano ang message niya? “Thank you po Sr. Gem, ang dami ko pong natutuhan sa inyo. Na-inspire nyo po ako, grabe”. Yun lang, nabusog na ako. Hanggang ngayon, nakakatanggap ako ng iba pang messages na nagiging ilaw at kasiyahan ng aking puso. Ito ang gantimpala ng isang nananampalataya. Sa pananampalataya sa Panginoon, nakakasulyap tayo ng “beatific vision”. Ito ang moment na bumubukas ang mata ng ating puso habang personal na nangungusap ang Diyos mula sa ating mga challenging experiences. Nakaka-receive tayo ng direct self-communication mula sa Kanya sa moment na nagsurrender tayo. Sa nananampalatayang Kapitang Romano, pinagaling ng ating Hesus Maestro ang kanyang alipin.  Sa gitna ng gutom na naranasan ko, binusog ng Panginoon ang aking puso. Sa ganitong experiences, pinapag-alab ng presensya ng ating Panginoon ang ating espiritu. Kaya't manalangin tayo na patatagin ng ating Diyos Ama ang ating pananampalataya, bawat sandali, may matatanggap tayong mumunting buhay, na Siya lamang ang makapagbibigay. - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Setyembre 16, 2023 – Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 15, 2023 4:21


Mabuting Balita l Setyembre 16, 2023 – Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6:43-49 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama'y hindi makapamumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama'y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At umaapaw nga mula sa puso ang sinasabi ng bibig. Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,' pero hindi Ninyo naman tinutupad ang aking sinasabi? Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay ng malalim at sa batuhan inilagay ang mga pundasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon subalit wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. At kung may nakikinig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang pundasyon. Hinampas ito ng agos at kaagad bumagsak. Anong laki ng pagkawasak ng bahay na iyon!”   Pagninilay: Mga kapanalig, tinanggap ni San Pablo, apostol na siya'y makasalanan. Pero sinasabi niya, na sa kanyang pagtanggap dito, naipapakilala niya sa iba ang liwanag ng walang kundisyong pagmamahal at pagpapatawad ni Kristo, na siyang nagkapagpanibago sa kanya. Ang kanyang naging pagbabago ay bunga ng kanyang naging pananampalataya kay Kristo. Nagbunga ito ng mas marami pang tagasunod ni Kristo, dahil sa mga naitatag niyang komunidad at nagabayang sambayanang Kristiyano. Kapanalig, papaano nagiging mabunga ang iyong buhay? What kind of fruits do you bear in life? Kung pawang kabutihan at pagpapatawad ni Kristo ang nakikita sa'yong pagkatao, masasabing tunay ka ngang taga sunod ni Kristo at ikaw ay pagpapalain.  Binabago ng pagpapala ang lahat ng nadaraanan nito. Ang kasalanang nahawakan ng pagpapala at nagbunga ng pagbabago, ay maaaring maging isang pagpapaalala sa kapangyarihan ng Diyos, at ng muling pagkabuhay ni Kristo. Kaya bawat isa sa atin ay tinatawag na maging bukas kay Hesus, at sa Kanyang nakapag-papanibagong pag-ibig, His transformative love that bears fruit.    Mga kapanalig, hindi ipinapangako ni Kristo sa kanyang mga tagasunod ang isang buhay na madali lamang. Pero ang kanilang mga pagpapakasakit na binata kasama si Kristo, magbubunga ng hitik para sa simbahan, at para sa mga mananampalataya.  - Fr. Edward Dantis, ssp | Society of St. Paul            

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 7, 2023 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 6, 2023 4:03


Mabuting Balita l Agosto 7, 2023 – Lune Lunes ng Ika-18 sa Karaniwang Panahon San Sixto II, papa, at mga kasama, mga martir Ebanghelyo: Mt 14:13-21 Nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang mga bayan. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang mga maysakit. Nang hapon na ‘yon, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.” Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.”  “Akin na.” At iniutos niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso—labindalawang punong basket. Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata. Pagninilay: “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain”. Ito ang tugon ni Hesus sa mungkahi ng kanyang mga alagad na papuntahin ang mga tao sa nayon upang bumili ng kanilang makakain. Malasakit ang naramdaman ko sa desisyong ito ni Hesus. Pagod at gutom na nga, ang mga taong sumunod at nakinig sa kanyang pangangaral. Baka himatayin pa sa daan ang iba sa kanila. Sa paningin ng mga alagad ni Hesus, hindi nila kayang pakainin ang napakaraming tao, dahil limang tinapay at dalawang isda lamang ang meron sila. Mga kapanalig, sa ilang taong paglilingkod ko sa Diyos bilang madre, napagtanto ko, na kapag kalooban ng Diyos ang isang gawain, walang imposible. Malimit din akong magreklamo, kapag overwhelming ang demand Niya sa akin. Pero gaya ng mga alagad, kahit konti lang ang meron ako, kapag pumayag ako sa kalooban ng Diyos, gagamitin Niya ang anumang kaya kong ibigay, upang mapangyari ang kanyang kalooban.  Mga kapanalig, hindi hihingi ang Diyos sa atin, ng labis sa ating kakayahan. Huwag sana tayong matakot tumugon, sa mga hinihiling sa atin ng Diyos. Magtiwala tayo, na kapag kalooban ng Diyos ang ating ginagawa, laging sapat ang kanyang grasya, sa anumang gawain. Hayaan nating gamitin tayo ng Diyos, upang maipadama Niya sa mga tao, ang kanyang malasakit at pagmamahal. -Sr. Lou Ranara, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 12, 2023 4:02


Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 Huwebes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Mt 10:7-15 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit'. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay n'yo nang walang bayad ang tinanggap n'yo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod sapagkat nararapat ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating n'yo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at sa kanya makituloy hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok n'yo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal n'yo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.”   Pagninilay: Sa pamamagitan ni Hesus, naghahari na ang Diyos sa mundo. Pero dahil patuloy tayong nakikipagtunggali sa kasalanan, patuloy rin itong nagiging ganap. Gayunpaman, nakasisigurado tayo na sa huli, ang kabutihan at pag-ibig pa rin ang mananaig, dahil napuksa na ni Hesus ang kapangyarihan ng kasalanan at tayong lahat ay tutungo sa buhay na walang hanggan.  Mga kapanalig, bagama't hindi tayo kailangan ng Diyos, minarapat Niyang maging kabahagi tayo sa Kanyang misyon, na ipalaganap ang Kanyang paghahari dito sa mundo. Tatanggihan ba natin angpribilehiyong ito?  Nawa'y makipagtulungan tayo sa mga gawain ng Diyos. Dahil sa huli, tayo rin ang maiiwan kung hindi tayo makikipagtulungan sa Kanya. Gamitin natin ang pag-ibig, bilang sandata natin sa paghihiganti sa ating mga kaaway. Pagmamahal ang isukli natin sa bawat pangungutya at pang-aalipusta sa atin ng iba. At ibigay natin ang ating buong sarili, kahit na madamot ang iba. Maging tulad nawa tayo ni Hesus. Maging misyon nawa natin ang misyon niya. Amen.   - Fr. Oliver Par, SSP l Daughter's of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 10, 2023 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 9, 2023 4:41


Mabuting Balita l Hulyo 10, 2023 Lunes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon      Ebanghelyo: Mt 9:18-26 Lumapit kay Hesus ang isang pangulo ng sinagoga at paluhod na sinabi: “Kamamatay nga lamang ng aking anak na babae, pero halika't ipatong ang iyong mga kamay at siya'y mabubuhay.” Kaya tumayo si Hesus at sumama sa kanya, pati na ang kanyang mga alagad. Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labindalawang taon nang dinudugo, at hinipo nito ang laylayan ng damit ni Hesus. Sapagkat naisip niyang “Kung mahihipo ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, gagaling na ako.” Lumingon naman si Hesus, nakita niya siya at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig.” At gumaling ang babae sa sandaling iyon. Pagdating ni Hesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. At sinabi niya: “Umalis kayo! Hindi patay ang dalagita kundi tulog.” Pinagtawanan nila siya. Ngunit pagkaalis ng mga tao, pumasok siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. Lumaganap ang balitang ito sa buong lupaing iyon.   Pagninilay: Sino ang gusto nang mag-give up?  Yun bang ayaw mo na muling magmahal, magtiwala, umasa.  Nanlulumo ka na. Sawa ka nang mangarap dahil hindi naman natutupad. Ayaw mo nang humakbang, kahit isa lang muna.  Nakakalimutan mo na ring ngumiti o kumain ng sapat. Kapanalig, bukod kay Jairo na humangos sa ating Hesus Maestro para ibalik ang buhay ng kanyang anak, dumadalaw sa atin ngayon ang babaeng inaagasan ng dugo. Kinukumusta tayo. Siya rin naman, nagging tulad natin. Naka-ambà na sa kanya noon ang kamatayan.  Isang hibla na lang ng pag-asa ang naiwan sa kanya. Itinuturing din siyang marumi kaya naman itinago niya ang kanyang sarili sa kapal ng tao. Umiiwas siya sa mga face-to-face encounter. Isa lang ang kanyang wish. Kailangan niyang mahawakan kahit man lang laylayan ng damit ng ating Hesus Maestro. Iyon lang, at gagaling na siya. Noong moment na sinalat niya ang dulo ng suot ng ating Panginoon, umagos sa kanya ang hinihintay niyang lunas. Ang dugo niya, tumigil na sa pag-agas. Kaya kung wala ka nang makapitan, salatin lang ang inilalawit na balabal ng lunas, pag-ibig at kapayapaan ng ating Hesus Maestro. Kapag nakakaramdam tayo ng lubhang lungkot o depression, tanda ito ng imbitasyon na damhin natin Siya at umugnay tayo sa Kanya. Hindi rin naman Siya na-exempt sa pagpapakasakit, sa challenge na magmahal nang lubos, sa kahihiyan sa pagkakapako hanggang mamatay sa Krus. Kaya, kapanalig, don't give up but give in.  Sa pag-uugnay natin sa Kanya, bukod sa natututo tayong maunawaan ang kahulugan ng suffering, nagiging kaisa Niya tayo sa kanyang mapanligtas na self-offering.  Dito, mas mararanasan natin ang long-lasting healing and life-changing.   - Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughter's of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 4, 2023 4:03


Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 8:28-34 Pagdating ni Hesus sa lupain ng Gadara sa kabilang ibayo, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa libingan. Napakabangis nila kayat walang makadaan doon. Bigla silang sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos! Pumarito ka ba para pahirapan kami bago sumapit ang panahon?” Sa may di kalayua'y maraming baboy na nanginginain. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Kung palalayasin mo kami, ipadala mo kami sa mga baboy.” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Umalis kayo.” Kaya pagkalayas ng mga demonyo'y pumasok ang mga ito sa mga baboy—at hayun! nahulog sa bangin ang lahat ng baboy papuntang dagat, at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. Pagdating nila sa bayan, ipinamalita nila ang lahat at kung ano ang nangyari sa mga inaalihan ng mga demonyo. Kaya lumabas ang buong bayan para salubungin si Hesus; at pagkakita nila sa kanya, hiniling nilang umalis siya sa kanilang lugar.   Pagninilay: “Naparito ka ba upang pahirapan kami bago dumating ang panahon?”  Ito ang katanungan kay Hesus ng mga taong inaalihan ng demonyo. Anupa't, nakilala nila kung sino si Hesus. Na siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao. At alam din nila na sila ay mapaparusahan pagdating ng panahon. Mga kapanalig, ano mang kasalanan ng tao, naglalayo ito sa kanya, hindi lamang saDiyos kundi pati sa kanyang kapwa. Sabi nga, “Every sin in a way, is a social sin.” Dahil may epekto ito sa pakikitungo natin sa iba. It separates us from the society. Marahil kaya ang mga taong inalihan ng demonyo ay nakatira sa libingan. Walang makalapit sa mga ito at sabi nga sa Mabuting Balita, “walang makadaan sa dako nila.” Pero nang papalapit si Hesus, sinalubong nila siya. Inutusan sila ni Hesus na pumaroon sa kawan ng mga baboy upang mapalaya ang dalawang napossess ng demonyo. Pero imbes na matuwa ang buong lungsod ay nalungkot pa. Walang nais ang Diyos sa atin kundi ang mapalaya tayo sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Sana'y lagi nating buksan ang ating puso sa Diyos at laging piliin Siya higit pa sa mga yaman o anumang material na bagay. Amen. - Sr. Tina Madrigallos, fsp l Daughters of St. Paul  

Barangay Love Stories
Episode 332: "Huling Tibok"

Barangay Love Stories

Play Episode Listen Later Jun 30, 2023 64:02


Pagdating sa pag-ibig, mas gusto ng iba 'yung tipong sa simula pa lang ay may spark na. Katulad ni Laine, kahit matagal nang gusto manligaw ni Manuel - isang mabait, matipuno, mapagkakatiwalaan na lalaki, at financially stable pa, ay never itong binigyan ng chance ni Laine. Pakinggan ang kwento ni Laine sa Barangay Love Stories.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Paboritong prutas': Filipinos in Australia are eagerly awaiting the arrival of mangoes from the Philippines - Pinoy sa Australya sabik na sa pagdating ng manga mula sa Pilipinas

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 27, 2023 6:43


The Philippine Trade Investment Centre (PTIC) acknowledges the possibility of the first shipment of mangoes from the Philippines to Australia being priced higher. Despite this, individuals like Architect Ernette Tabalina, are willing to pay for the fruit they have longed to taste. - Aminado ang Philippine Trade Investment Centre o PTIC na may kamahalan ang presyo ng unang shipment ng manga mula Pilipinas na darating sa Australia. Pero handang gumastos ng ilang kababayan tulad ni Architect Ernette Tabalina para matikman lang ang manga mula sa Pilipinas, lalo't paborito itong panghimagas ng kanilang pamilya.

SBS Filipino - SBS Filipino
Bawat miyembro ng ASEAN makakaasa sa pagbabago at pag-unlad pagdating sa usapin ng pulitika at ekonomiya

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 12, 2023 8:26


Balik Pilipinas na kahapon si Pangulong Bongbong Marcos mula sa 42nd ASEAN summit sa Indonesia

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 27, 2023 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 26, 2023 4:32


Mabuting Balita l Pebrero 27, 2023 – Lunes Unang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Mt 25:31-46 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwalayin ang mga tao. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: 'Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. Sapagkat nagugutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako'y hubad, dinamitan ninyo ako. Nang may sakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako'y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.' At itatanong sa kanya ng mabubuti; 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?' Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.' Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: 'Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko papunta sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito. Sapagkat nagutom ako at di ninyo ako binigyan ng makakain, nauhaw at di ninyo ako pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.' At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.” Pagninilay: Mahal ng Panginoon ang mga aba: ang mga ulila, balo, dayuhan, ang mga nasa laylayan ng lipunan. Sila ang inihabilin niya sa atin na mahalin, tulad nang pagmamahal sa ating sarili. Kaya nga sa oras nang paghuhukom, ang ating ginawa o di ginawa sa mga aba ang gagamiting panukat ng Panginoon upang malaman kung sino ang pinagpalang makapasok sa kalangitan at sino ang itatapon sa nag-aalimpuyong apoy. Suriin natin ang ating mga sarili, at magbago habang may panahon pa. Walang puwang sa kaharian ng Diyos ang mga makasarili at mga walang pakialam sa kapwa. Manalangin tayo: Panginoong mahal, gugulin po sana namin ang aming natitirang panahon sa mundong ito sa paggawa nang makakabuti sa aming kapwa, nang walang hinihintay na kapalit. Napakarami pong nangangailangan nang tulong, nang pang-unawa, nang pagkakataong makapagsimulang muli. Magamit nawa namin ang aming mga kaalaman at kakayahan upang tulungan silang makabangon sa kanilang pagkakalugmok. Di namin ito kayang mag-isa, Panginoon. Kailangan ka namin at ang lakas at tatag ng kalooban na ikaw lamang ang makapagbibigay. Gabayan mo po kami, Amen. LULU PECHUELA, APC

amen ama hari tao anak kaya sila apc nang walang diyos kailangan hesus panginoon pagkatapos pagdating sasagutin sapagkat sasabihin pebrero mabuting balita
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 21, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 20, 2023 4:00


Mabuting Balita l Pebrero 21, 2023 – Martes Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mk 9:30-37 Umalis sa bundok si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya. Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan n'yo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Tinatanggap ako ng sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan. At kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin.” Pagninilay: Bukas na ang Miyerkules ng Abo—ang simula ng panahon ng Kuwaresma. Kaya naman akmang-akma ang ipinahihiwatig ni Hesus sa Mabuting Balita. Nalalapit na ang kanyang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay. Nais ni Hesus na maunawaan ng kanyang mga alagad ang misteryong ito, pero sila'y walang pakialam at naging manhid sa hirap at pasakit na naghihintay kay Hesus. Ito ang pagkakasalungat sa landas ng Panginoon at sa landas ng mundo. Nagpakababa si Hesus, nagkatawang-tao at namatay sa Krus dahil sa kanyang dakilang pag-ibig. Pero, ang pinag-uusapan ng mga alagad sa Mabuting Balita ay ang kataasan o kadakilaan sa mata ng mundo. Mga kapanalig, ang tunay na mahalaga ay hindi yaong itinuturing na mahal sa mata ng mundo, kundi yaong pagmamahal na nagbibigay ng sarili para sa ikabubuti ng iba—iyan ang pagmamahal ni Kristo. Ika nga ni Hesus, “Ano ang mapapakinabangan ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan at mawala ang kanyang kaluluwa?” Araw-araw tayong nagpupursigi at kumakayod upang makamit ang minimithi nating kayamanan, kasikatan o kapurihan. Nawa'y hindi tayo maging bulag at manhid sa hinagpis at paghihirap ng iba dahil sa ating hangaring makamtan ang kadakilaan ayon sa pamantayan ng mundo. CL. JOHN ALFRED RABENA

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 17, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 16, 2023 4:20


Mabuting Balita l Pebrero 17, 2023 – Biyernes Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mk 8:34-9,1 Tinawag ni Hesus ang makapal na tao pati ang kanyang mga alagad at winika sa kanila: ”Ang sinumang ibig sumunod sa akin, ay itakwil ang sarili pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Sapagkat ang sinumang ibig magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay alang – alang sa akin at sa Ebanghelyo ay magkakamit nito. Sapagkat ano ang mapapala ng tao makamtan man niya ang buong daigdig kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa. At ano naman ang maipapalit ng ato sa kanyang kaluluwa. Sapagkat ang sinumang magtatwa sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na nakikiapid at makasalanan ay itatatwa din ng anak ng tao. Pagdating niya sa kaluwalhatian ng kanyang ama, na kasama ang mga Banal na Anghel.” At winika niya sa kanila: ”Tunay na sinasabi ko sa inyo na may ilan sa mga nakatayo rito na di magdaranas ng kamatayan hanggang di nakikita ang pagdating ng kaharian ng Diyos na puspos ng Kapangyarihan.” Pagninilay: Napapanahon ang mensahe sa atin ng Ebanghelyo ngayon. Lalo na sa kulturang pinangingibabawan ng materyalismo, komersyalismo at hedonismo, na kadalasan nagsasantabi sa Diyos at sa ating pananampalataya. Maraming tao ang abala sa pagpapayaman at pagkamit ng mga ari-arian; marami din ang walang humpay sa pag-aaral para magpakadalubhasa sa iba't ibang larangan; at marami ang naghahangad ng tagumpay, kapangyarihan at popularidad. Kaya nga pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon na tanungin ang ating sarili: Ano nga ba ang pakinabang ng tao makamtan man niya ang yaman, kapangyarihan, katanyagan na pinapahalagahan ng buong daigdig – kung sarili naman niya ang mawawala. Maraming tao ang ipinagpapalit ang kanilang kaluluwa, mabubuting prinsipyo at pinapahalagahan, maging ang kanilang moralidad – makasabay lamang sa kalakaran ng lipunan. Marami ang nagpayaman sa di-makatarungan at makataong pamamaraan. Marami din ang sumasang-ayon sa sistema ng korupsyon na talamak pa rin sa kasalukuyan. Mga kapatid, aanhin natin ang yamang makakamit sa masasamang gawaing ito, kung mapapahamak naman ang ating kaluluwa sa impiyerno? Manalangin tayo: Panginoon, pagkaloobang Mo po ako ng karunungang makita kung ano ang tunay na mahalaga sa mundong ito. Pagsumikapan ko nawa itong makamit sa bawat araw na pinapahiram Mo sa akin. Amen. - CL. JOHN CESAR CAALEM, SSP

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 10, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 9, 2023 4:09


Mabuting Balita l Pebrero 10, 2023 – Biyernes Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 7:31-37 Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya ng isang bingi na halos hindi makapagsalita. At hiniling nila kay Hesus na ipatong dito ang kamay. Matapos siyang ihiwalay sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tainga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntong hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi'y “Buksan.” Nabuksan ang mga tainga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsalita siya nang tuwid. Tinagubilinan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kaninuman ngunit habang pinagbabawalan sila, lalo naman silang nagpapahayag. Labis na namangha ang mga tao at sinabi nila: “Pinaiigi niya ang lahat: nakaririnig ang bingi at nakapagsasalita ang pipi.” Pagninilay: Mga kapanalig, ang lalaking bingi sa ebanghelyong narinig natin, ay sagisag ng mga taong nakaririnig sa Salita ng Diyos, pero hindi nabubuksan ang mga puso sa mensahe nito. Bingi sila sa daing ng mga nagugutom, nauuhaw, at inaapi. Sa talinhaga ng manghahasik, sila ang mga butong nahulog sa tabi ng daan, pero inagaw ng mga ibon at kinain ang mga iyon. Dumadaan lang sa kanilang tainga ang Salita ng Diyos, pero hindi nila ito inuunawa kaya walang epekto sa kanilang buhay. Hindi rin nila maipahayag sa kanilang kapwa ang pagmamahal ng Diyos, dahil wala sila nito. Ika nga ng kasabihan, “we cannot give what we do not have.” Mga kapanalig, higit sa salita, mas mahalaga sa Diyos kung ano ang ating ginagawa para sa kapakanan ng ating kapwa. Tumutulong ba tayo sa mga nangangailangan at inaapi; nagdadalang habag ba tayo sa mga makasalanan at may karamdaman? Kadalasan, nakatuon tayo sa marami nating pinagkakaabalahan, kaya naisasawalang bahala natin ang mga pangangailangan ng ating kapwa. Pansariling kapakanan lagi ang ating inuuna, kaya bulag at bingi tayo sa maraming taong nangangailangan ng ating tulong. Manalangin tayo. Panginoon, patawarin Mo po ako sa maraming pagkakataong isinawalang-bahala kita sa aking kapwa. Maging sensitibo nawa ako sa pagtugon sa pangangailangan ng iba. Amen. - CL. JOHN CESAR CAALEM, SSP

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 3, 2023 5:32


Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 Sabado sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 6:30-34 Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming tao na nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal. Pagninilay: Kapanalig, na-imagine nyo ba ang dami ng tao na humahabol kay Jesus Maestro? Time to rest and pray na sana para sa kanya. Me-time ng ating Panginoon, o “our time” na kasama ng mga disciples. Kaso, hindi Niya kayang ipikit ang Kanyang mga mata sa nauuhaw at nagugutom na mga tao. Pag-usapan natin ang self-sacrifice at ang self-care. Ang buhay ng ating Jesus Maestro, total self-sacrifice. Buong buhay ibinuhos para sa ating lahat. His life was dedicated to exhausting Himself through offering his time, strength, and his entire life. Wala tayong maririnig sa Kanya tungkol sa Kanyang sariling ambisyon, posisyon sa lipunan, kayamanan, at iba pang pansariling tagumpay. Ang ginawa niyang pagpapakasakit, hindi para sa Kanya. Nakaugat ito sa Ama na nagsugo sa Kanya. Tulad ni Jesus, kay gandang isipin na bawat isa sa atin, may misyon. Halimbawa, kung ikaw ay isang teacher, buong lakas iniaalay mo sa pagtuturo. Kung farmer ka, bawat paggising mo sa umaga, iniisip mo ang kondisyon ng iyong mga pananim. Kung isa kang doctor, kahit Sunday, nagrorounds ka sa iyong mga pasyente. Kung nag-laLazada ka, kahit gabi hawak mo ang device mo para tumanggap ng orders. Ang mga millennials nga, maliliksi sa kanilang paggawa ng design, o busy sa kung ano ang kanilang “Myday” o pagproduce para sa kanilang vodcast. Ang gandang isipin na okupado ang buong araw mo sa pag-aasikaso, sa pagpaplano, sa pagtatrabaho. Pero hanggang kailan natin ito gagawin? Saan tayo humuhugot ng lakas? Gaano kawagas ang layunin natin? Bigyan natin ng puwang ang “self-care”. Ito ang pagbibigay puwang sa pangangailangan ng ating kaluluwa, ng ating kalusugan, ng ating isip. Walang makagagawa nito kundi tayo mismo. Maiwasan sana natin ang ma-burn-out. Yun bang feeling mo, nagka-crash na ang willingness mo na gumawa. Madalas na nagiging irritable na. Parang frozen na ang pang-unawa mo. Ayaw mo na ring makakita ng nakakatoxic na tao, kaya nagwiwithdraw ka. Kaya “self-care” ang kailangan. Una, spend moments to be alone with God. Pakiramdaman natin ang init na nirerenew ni Lord sa ating sarili. Magdasal. Magsimba. Ikalawa, learn how to laugh out loud, kasama ng iyong mga good friends. Coffee lang o tea ang katapat na may biscuit, ok na. Basta nagkukumustahan, nagkukwentuhan, nagkakatuwaan. Ikatlo, talk to yourself. Magbutterfly embrace ka sa self mo. Say, “I care for you”. Befriend your stress. Ito ang mga paraan para sa “self-care”. Self-sacrifice at self-care. Dalawang mahalagang bagay na kailangan nating isabuhay. - Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 31, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 30, 2023 4:55


Mabuting Balita | Enero 31, 2023 Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 5:21-43 Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkulumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.” Kaya umalis si Jesus kasama n'ya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya. Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” At wala s'yang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita n'ya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Jesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y ‘Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.' At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata. Pagninilay: Noong simulan ng ating Panginoong Hesus ang kanyang ministeryo dito sa mundo maibabalangkas natin ang kanyang mga ginawang pagmimilagro sa limang uri: Healing, miracles, nature Miracles, raising death to life, exorcisms, at resurrection. Sa Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang dalawang uri ng milagro: Ang Pagpapagaling sa babaeng nagdurugo at ang pagbuhay muli sa babaeng anak ni Jairo. Dalawang bagay lamang: Una, pananampalataya - ito ang laman ng puso ng bawat taong dumudulog kay Hesus sa tuwing lumalapit sila at humihiling ng biyaya. Ikalawa, pag-asa - sana kasabay ng ating pananamapalataya ay ang masidhing pag-asa na ipagkakaloob ng Diyos ang ating kahilingan sapagkat siya ang maylikha at may kapangyarihan sa ating buhay. Dumulog tayo sa kanya ng may pananampatalaya at pag-asa, upang magkamit tayo ng lubusang paggaling mula sa anumang karamdamang ating pinagdadaanan. - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 14, 2022 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 13, 2022 4:29


Mabuting Balita l Disyembre 14, 2022 – Miyerkules Ikatlong Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 7:19-23 Ibinalita ng mga alagad ni Juan ang lahat ng ito sa kanya kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad at sinugo sila sa Panginoon para sabihin sa kanya: “Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Pagdating ng mga taong iyon kay Hesus, sinabi nila: “Ipinasasabi sa iyo ni Juan Bautista: Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Nang mga sandali namang iyo'y marami siyang pinagaling sa mga sakit, mga karamdaman at masasamang espiritu, at binigyan niya ng paningin ang mga bulag. Kaya sumagot siya sa kanila: “Bumalik kayo at ibalita kay Juan ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga ketongin at nakaririnig ang mga bingi, at nagigising ang mga patay, may mabuting balitang ipinahahayag sa mga dukha. At napakapalad niyang hindi natitisod dahil sa akin.” Pagninilay: “Mapapalad ang mga tao na hindi nag-aalinlangan sa akin!” Ang salita ng Diyos ang ating gabay para tuklasin ang mga kalooban ng Panginoon. Nitong nakaraang araw, ating ipinagdiwang ang kapistahan ng Our Lady of Guadalupe. Nagbibigay-lakas at isang inspirasyon para sa ating lahat ang mensahe ng ating Mahal na Birheng Maria, “Hindi ba't ako'y naririto, ako na iyong ina? “. Kaya, sa gitna ng maraming hamon sa ating personal na buhay, sa ating pamilya at sa ating bansa, kumapit lang tayo sa Salita ng Diyos at sa tagubilin ng ating Mahal na Ina. Mabuting Balita ito sa ating mga pusong minsan ay nais nang sumuko. Sabi pa nga ni St John of the Cross, “The endurance of darkness is the prepartion of great light.” Nawa, sa ating panalangin ay bigyan natin ng quality time, ang pakikinig sa mensahe na nais ipahayag sa atin, ng Diyos. Hayaan natin siyang manahan sa ating puso, upang sa tulong ng Kanyang grasya, ay maibahagi natin ang liwanag sa aing mga kapatid na nag-aalinlangan at maraming pinagkakaabalahan sa buhay. Ang salita ng Diyos ay naghahatid ng tunay na kapayapaan, ng kagalingan at pagmamahal. Nawa, patuluyin natin si Jesus sa ating puso, iwasan natin ang pag-aalinlangan, dahil Siya, ang ating lakas. AMEN. - Sr. Divina De Claro, Fsp l Daughters of St. Paul

Daily Tagalog Mass Readings
Linggo, Disyembre 11, 2022

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Dec 10, 2022 8:06


Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 35, 1-6a. 10 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Halina, Panginoong D'yos upang kami ay matubos. o kaya Aleluya! Papurihan ang ating Poong Maykapal Santiago 5, 7-10 Mateo 11, 2-11

panahon linggo pagdating
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 2, 2022 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 5, 2022 5:10


Mabuting Balita l Disyembre 2, 2022 – Biyernes Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo 9:27-31 Sumunod kay Hesus ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Hesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” “Oo, Ginoo!” Hinipo ni Hesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniniwala.” At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Hesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan. Pagninilay: We live by faith and not by our sight. Kaya lang ang totoo niyan, nagiging bulag tayo sa maraming bagay na nangyayari araw-araw. Maraming problema tayong kinakaharap sa buhay. Marami tayong pinagdadaanan. Pero hindi tayo kailanman kinalimutan ng Diyos. Iba-iba ang mga hamon na kinakaharap natin sa bawat yugto ng ating buhay. Pero, makakaasa tayo sa lakas ng loob na nanggagaling kay Kristo. Si Teresa Cejudo, isa sa mga bagong na beatify na Spanish martrys. Meron siyang sampung taong gulang na anak nung siya ay pinatay dahil sa kanyang pananampalataya. Tumutulong siya sa isang Salesian school na nagtuturo sa mga batang hindi marunong magbasa at magsulat. Bago siya pinaslang sa isang sementeryo, ikinulong muna siya ng ilang buwan. Dinadalaw siya duon ng kanyang anak na lingid sa kanyang kaalaman mapapawalay sa kanya ang kanyang ina. Nung araw na sila'y hahatulan na, hiniling niya na huwag siyang lagyan ng piring sa mata para nakikita niya at harap-harapang tanggapin ang kamatayan. Hiniling din niya na huli siyang paslangin para makapagbigay patotoo pa siya sa iba, maging inspirasyong panatilihing buo ang kalooban sa pananampalataya hanggang kamatayan. Sinabi niyang hindi siya natatakot mamatay alang-alang sa Diyos. Lumaki ang kanyang anak na hindi nagkimkim ng sama ng loob sa sinapit ng kanyang ina. Tanda ito na bunga ng isang inang may matatag na loob. Nagpatibay din ito ng kalooban ng kanyang anak kahit sa malupit na sinapit ng ina. Inaanyayahan tayong tingnan na sa kabila ng madilim at imposibleng mangyari na ating nakikita sa ngayon, hindi ito ang may ‘last say'; sa halip, isapuso natin ang pag-asa sa muling pagkabuhay. Mapapanghawakan natin ito sa pamamagitan ng mga sacramento at ating mga kapwa o kalakbay sa pananampalataya kasama rin ang mga santo. Naging saksi si Teresa Cejudo sa kapwa niyang naging martir, nawa'y maging lakas din natin ang isa't isa sa ating pagtahak patungo sa kaharian ng ating Diyos Ama. Amen. - Sr. Amelyne Paglinawan, FSP | Daughters of St. Paul

Daily Tagalog Mass Readings
Linggo, Disyembre 4, 2022

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Dec 3, 2022 7:58


Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 11, 1-10 Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17 Mabubuhay S'yang marangal at sasagana kailanman. Roma 15, 4-9 Mateo 3, 1-12

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Paano maghanda para sa ikalawang pagdating ni Kristo?

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Nov 30, 2022 29:00


Paano maghanda para sa ikalawang pagdating ni Kristo?

Tinig ng Pag-asa
Paano maghanda para sa ikalawang pagdating ni Kristo?

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Nov 30, 2022 29:00


Paano maghanda para sa ikalawang pagdating ni Kristo?

Daily Tagalog Mass Readings
Linggo, Nobyembre 27, 2022

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Nov 26, 2022 5:18


Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) Isaias 2, 1-5 Salmo 121, 1-2. 4-5. 6-7. 8-9 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos. Roma 13, 11-14a Mateo 24, 37-44

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 15, 2022 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 14, 2022 5:17


Mabuting Balita l Nobyembre 15, 2022 – Martes Ika – 33 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 19:1-10 Pumasok si Hesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangalang Zakeo. Pinuno siya ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. Sinikap niyang makita kung sino si Hesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punong-malaigos para makita si Hesus pagdaan doon. Pagdating ni Hesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Inireklamo naman sa isa't isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinasabi sa kanya ni Hesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawawala.” Pagninilay: Ang pagtatagpo nila Hesus at Zakeo ay malayo sa kumbensyonal na sitwasyon. Maaaring umabot sa kaalaman ni Zakeo ang mga pangangaral ni Hesus, mga gawang kababalaghan, mga pagpapagaling sa maysakit, maging ang pagtanggap sa mga tulad niyang maniningil ng buwis na kung hindi kinamumuhia'y kinatatakutan ng mga tao. Ito ang nagbunsod sa kanya upang hangarin na makita si Hesus kahit man lamang sa malayuan, kahit sa maikling saglit lang, kahit alam niyang imposible ito sa dalawang kadahilanan: Una, na maari siyang ipagtabuyan ng mga taong sumusunod kay Hesus dahil kilala nga siyang hepe ng mga maniningil ng buwis, ka-lebel ng mga magnanakaw at traydor sa bayan. Pangalawa, dahil siya ay bansot, malamang na matabunan sya, matapak-tapakan o maitulak paatras. Ngunit hindi dito nagpatinag si Zakeo; sa katunayan, mas hinahangaan natin ang kanyang pagkatao na nagpamalas ng tatlong disposisyon: (1) Conviction. Buo ang kanyang loob at tiyak sa kanyang sarili na nais niyang makita si Hesus, sa kabila ng maaring sabihin o gawin sa kanya ng mga tao. (2) Action. Hindi ang kanyang kakapusan ang magpaparalisa sa kanya, kaya't agad siyang kumilos upang isakatuparan ang kanyang hangarin, umakyat sa puno na naging daan ng kanilang ‘di karaniwang pagtatagpo. (3) Conversion.Dahil alam niyang natagpuan niya ang totoong kayamanan ng kanyang buhay, nagawa niyang talikuran ang mali at gawin ang tama. Si Zakeo ay larawan ng pagsisisi at pagpapanibago ng buhay alang-alang sa biyaya at pag-ibig ng Diyos na kanyang natagpuan. - Br. Ariel Vidanes, AA | Augustinians of the Assumption

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Oktubre 30, 2022 –Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 29, 2022 5:09


Mabuting Balita | Oktubre 30, 2022 –Linggo Ika – 31 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 19:1-10 Pumasok si Hesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangalang Zakeo. Pinuno siya ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. Sinikap niyang makita kung sino si Hesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punong-malaigos para makita si Hesus pagdaan doon. Pagdating ni Hesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Inireklamo naman sa isa't isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” At sinasbi sa kanya ni Hesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawawala.” Pagninilay: “Hindi ako si Darna!” 'Yan ang isang awitin ng OPM Singerna si Janine Desiderio, o kung mas trip n'yo ‘yong musikang banyaga, meron din namang kanta si superman, gawa ng bandang Five for Fighting, kung saan sinabi ng superhero na: “It's not easy to be me.” Napakahirap talaga maging superhero o magpaka superhero. Pero sa panahon ngayon, na tumataas na bilihin at humihirap na buhay, minsan feelingnatin na wala naman tayong choice, kung hindi ang magpaka supermano darna, makaraos lang sa araw-araw. Kita ito ni Lord. Dama niya ang iyong pinagdaraanan. Kaya ang tugon ng Diyos ay hanapin at tawagin tayo pabalik sa kanya. Dahil bagamat sa mundo, kailangan nating maging palaging matatag at matapang. Sa piling ng Diyos pwedeng-pwede tayong maging tapat sa ating mga kahinaan, problema at buong pagkatao. Dahil kita naman Niya ang lahat sa atin ano man ang pinagdaraanan at kahinaan na mayroon tayo. Ang pagtingin sa atin ng Diyos ay hindi nagmamaliw. Sa ating Ama tayo ay palaging mga minamahal na anak, karapat-dapat hagkan, hanapin at iligtas. Patunay si Zakeo dito. Si Hesus ang humanap sa kanya, tumawag sa kanya, naging mabuti sa kanya. Kaya ugaliin nating mag dasal at doon tagpuin ang Diyos, na sa bawat sandali ng ating buhay ay tumatawag at nagmamahal sa atin. Dahil kung mayroon man tayong isang superpower na kailangan at magagamit sa buhay, ‘yan ay ang panalangin. - Fr. Albert Garong, SSP | Society of St. Paul

SBS Filipino - SBS Filipino
What Australia can learn from the Philippines in winning international pageants - 'More training': anong pwedeng matutunan ng Australia sa Pilipinas pagdating sa mga international pageant

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Oct 21, 2022 12:03


With 21 international titles that the Philippines was able to bring home, the country has proven to produce some of the world's most beautiful, talent and intelligent women, in particular for the four big pageants. - Hindi maitatanggi ang taglay na ganda, talento at talino ng mga Pinay na kumakatawan para sa Pilipinas sa mga international pageants. Patunay dito ang kabuuang 21 major crowns ng Pilipinas.

Adult Content: For Adults, By Adults
S2E10: Alam na! Age does not really matter pagdating sa Love, Relationships, and Sex!

Adult Content: For Adults, By Adults

Play Episode Listen Later Jun 3, 2022 59:39


-***DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

SBS Filipino - SBS Filipino
Completed ballots continue to arrive in the Philippine Embassy in Canberra - Balota mula overseas na botante tuloy tuloy ang pagdating sa Canberra

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 5, 2022 9:45


Completed ballots continue to arrive in the Philippine Embassy in Canberra as the Philippines prepare for the coming national elections. - Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga balota sa embahada nang PIlipinas sa Canberra para sa nalalapit na halalan 

THE POOR TRAVELER
The Pursuit of ROOTEDNESS: For Visa Application • Quickie Q&A • S02 E30

THE POOR TRAVELER

Play Episode Listen Later Feb 10, 2022 15:56


Season 2, Episode 30! Pagdating sa visa application, isa sa pinakamahalagang tinitingnan ng mga visa officers ay ang so-called ROOTEDNESS. Pero ano ba itong rootedness na 'to? Paano ito nakakaapekto sa visa application? Ano ang mga documents na pwede mong isubmit? Bakit may paugat na involved? At bakit ang dami kong tanong?! Sasagutin natin lahat ng 'yan sa quickie episode na 'to! Share your thoughts! Tweet and tag us at @thepoortraveler! Don't forget to follow this podcast! Join the Poor Traveler Support Group on FB! Subscribe to our YouTube channel!

Ask Theory
022: [Climate Change] Lulubog Ba Talaga Ang Pilipinas Pagdating Ng 2050? (with Dr. Gerry Bagtasa)

Ask Theory

Play Episode Listen Later May 13, 2021 43:21


This episode of Ask Theory features Dr. Gerry Bagtasa, an atmospheric physicist and a Professor at the University of the Philippines Diliman's Institute of Environmental Science & Meteorology. We talked about why certain parts of the Philippines could go underwater by the year 2050, how well we're preparing for natural hazards and the effects of climate change, a mysterious (and major) climate problem that's right under our noses, concrete steps we can take to mitigate the impact of climate change in the Philippines, the problematic messaging of certain parties regarding climate change, and more. Note: This interview took place in November 2020.

Monster Radio RX93.1's Official Podcast Channel
MAHINA PAGDATING SA PAGIBIG

Monster Radio RX93.1's Official Podcast Channel

Play Episode Listen Later Oct 24, 2019 89:12


Oct. 24, 2019 The Morning Rush with Chico, Hazel, & Rica

pagdating