POPULARITY
Sermon: Ano Ba Ang Good News? Series: God's Perfect Servant Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: Mark 1:1 Ang Gospel ay tungkol sa kaligtasan at Tagapagligtas na kaloob ng Diyos para sa lahat. Sa unang linggo ng taon, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano natin maisasabuhay ang Ebanghelyo at magpatuloy sa pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus. The Gospel is about the gift of salvation and the Savior that God has given to everyone. On the first week of the year, Rev. Mike Cariño shares how we can live the Gospel and continue to trust our Lord Jesus. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/15Iortzoe155zX8d3l2u8_hkKMOxu__99/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2025/01/05/ano-ba-ang-good-news/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10:32-45 Sa paglakad ng mga alagad paahon sa Jerusalem, nanguna si Hesus at nagtaka sila. Natakot naman ang mga kasunod nila. Muli niyang isinama ang Labindalawa at habang nasa daan ay sinimulan niyang sabihin sa kanila ang mga sasapitin niya: “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano. Pagtatawanan nila siya, luluraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit babangon siya pagkatapos ng tatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.” “Ano ang gusto n'yong gawin ko?” “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.” “Talagang hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime at Juan. Kaya tinawag sila ni Hesus, at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo, ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.” Pagninilay: Sa ating Ebanghelyo ngayon, hiniling nina apostol Santiago at Juan na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kung sakaling maghahari na siya sa mundo. Tanda ito na hindi pa nila lubusang naiintindihan kung anong klaseng paghahari ang gagawin ni Hesus sa mundo. Maghahari si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod nang may pagpapakumbaba. Mag-aalay siya ng kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang pinaglilingkuran. Ang tunay na paglilingkod ay may pagsasakripisyo ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Minsan kailangan nating pag-isapan ang mga praktikal na katanungan gaya ng: Hindi kaya magaling, may kakayanan, at mas naka-aangat ako sa buhay ay dahil mas malaki ang responsibilidad kong tumulong at maglingkod sa iba? Hindi kaya mas maraming biyaya ang aking natatanggap dahil mas malaki ang aking oportunidad at responsibilidad na tumulong sa mga nangangailangan? — Ito marahil ang ibig sabihin ni Hesus sa ating Gospel: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat matutong maglingkod sa inyo.” Sa huling yugto ng ating buhay, walang paunahan sa Muling Pagkabuhay. Diyos ang huhusga sa atin, kung nararapat tayong magkamit ng biyaya ng Muling Pagkabuhay. Ang sukatan ng Diyos ay kung gaano tayo nagmahal—ibig sabihin kung gaano natin pinahalagahan ang isa't isa, at hindi kung gaano kadami ang nalalaman natin at nakamit nating tagumpay sa buhay. Ganyan tayo nakikiisa sa plano ng Diyos kooperasyon, hindi kompetisyon. Manalangin tayo: O Hesus, inalay mo ang iyong sarili upang ako'y maligtas mula sa kasalanan. Turuan mo akong makapaglingkod din sa iba nang may pagpapakumbaba. Amen.
Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: MARCOS 10,28-31 Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n'ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.” Pagninilay: Narinig natin ang sinabi ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.” Mukhang may hugot ang binitawang salita ni Pedro. Totoong may kalakip na pag-uusig, sa bawat panawagan na sumunod sa yapak ng ating Panginoon. Ito ang great challenge. Noong nagsisimula akong tumugon sa calling ng pagmamadre, exciting para sa akin. Dahil nananabik ako noon na manahan sa kumbento. At sa formation na natanggap ko, doon ko lang napagtanto na ang kamangha-manghang panawagan ay ang ugnayan ko sa Diyos. Sa initial formation, dahan-dahan kong nauunawaan kung sino ako. Unti-unti, natutuhan ko ring mahalin ang sarili ko. Kasabay nito, little by little, ang nakilala kong Hesus, hindi ko lang nakikilala sa pangalan kundi, ang tunay na kahulugan ng Kanyang pangalan sa aking buhay. Kay tamis pagnilayan: Aking Tagapagligtas. Hindi lang din Siya bilang aking Hesus Maestro na nagtuturo sa akin, kundi isang Maestro na mas nakakaalam pa ng aking pagkatao kaysa sa akin. Nang tumatagal na ako sa pagtugon sa paghuhubog sa akin, natagpuan ko ang aking strengths and weaknesses, talents and incompetencies. Mayroon na ring requirement na i-let go ang maraming bagay na natutuhan kong i-treasure. Higit pa roon, mas natatanggap ko na, ang panawagan ng pag-uusig. Yun bang kahit na malinis ang iyong intensyon, at iba ang kanilang interpretasyon, kaya ko nang tiisin. May tukso rin na pilit sinusungkit ang pagmamahal ko sa aking Hesus Maestro at ipagpalit sa yamang material, at sa inaalok na pag-ibig ng isa ring nilalang, pero nakakayanan ko Siyang ipaglaban. Sa mga pag-uusig na ito, hindi ito dapat ikabahala dahil kailangan ko ito sa paglago ng aking pagmamahal at pananampalataya sa Kanya.
Mabuting Balita l Mayo 12, 2024 Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon Araw ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan Ebanghelyo: Marcos 16,15-20 Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila. Pagninilay Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin kung papaano kinatagpo ni Hesus ang kanyang mga alagad sa Galilea at inatasan sila: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.” Sa Galilea sila unang tinawag, sa Galilea din sila isinusugo. Ang tawag ng Simbahan ngayon ay ang “New Evangelization”. Sabi ni Papa San Juan Pablo II, sa kanyang liham ensiklikal na Redemptoris Missio, may tatlong katangian daw ang Bagong Ebanghelisasyon: bagong paraan, bagong pagpapahayag, at bagong sigla. Sabi naman ni Papa Francisco, ang Bagong Ebanghelisasyon ay nangangailangan ng personal na pakikilahok ng bawat isa sa mga binyagan. Tayong lahat ay mga disipulong isinusugo, mga missionary disciples. Ang bawat Kristiyano na nakaranas ng pag-ibig ng Diyos kay Hesukristo ay misyonero. Mga kapanalig, tandaan natin, katulad ng mga alagad na kinatagpo ni Hesus sa Galilea bago siya umakyat sa langit, tayo rin ay kanyang isinusugo upang ipangaral ang Magandang Balita”. - Fr. Rolly Garcia
Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 - Miyerkules San Jose Manggagawa Ebanghelyo: MATEO 13, 54-58 Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba't siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba't narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano't nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya. Pagninilay: Nagtatakang nagtanong ang mga taga-Nasaret: “Saan kumuha ng karunungan at mga makapangyarihang gawa ang taong ito? Hindi ba ito ang anak ng karpintero?” At ayaw nilang kilalanin siya. Sa iba pong salin, ang mga makapangyarihang gawa ay tinawag na kababalaghan, milagro at himala. Ano ba ang inihahayag ng mga makapangyarihang gawa ng Diyos? Gaya ng narinig natin sa Ebanghelyo, ang presensiya ng Diyos kay Jesukristo ay nagpapagaling at nagpapalaya sa anumang sitwasyon ng karamdaman, kahirapan o kasamaan. Kaya nga hindi makapaniwala ang mga taga-Nasaret. Kasi, anak “lang” naman si Hesus ng karpintero, at kilala nila siya. kapanalig, alam mo ba na ang mga makapangyarihan gawa ng Diyos ay nangyayari pa rin hanggang ngayon? Oo, maraming milagrong nagaganap, at iyong iba pa nga ay sa pamamagitan ng ating mga kamay! Sapagkat anumang trabaho o hanapbuhay kapag ginawa nang may dangal, katotohanan, at mapagmahal na layunin ay nagpapabanal. Tuwing tayo'y nagpapatawad, nagmamahal, nagpaparaya, at ginaganap nang may responsibilidad ang ating tungkulin, hinahayaan nating maging daluyan tayo ng makapangyarihang gawa ng Diyos. Oo, kapanalig. Katulad ni San Joseng karpintero, tayo rin ay binigyan ng misyon ng Panginoon na itaguyod at akayin ang kapwa tungo kay Kristo. Huwag tayong manghinawa kung hindi tayo paniniwalaan ng iba, o pinahihirapan tayo sa ating trabaho; bagkus ay magpatuloy tayong makiisa sa mga makapangyarihan gawa ng Diyos. Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B) Ebanghelyo: Jn 15:1-8 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya't nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. “Malinis na kayo dahil sa wikang bingkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo. “Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab. “Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin Ninyo at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, tinukoy ni Hesus ang Kanyang sarili bilang tunay na puno ng ubas. Sinabi Niya, “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka.” Ayon kay Hesus, matamis at sagana ang Kanyang bunga at tayo ang Kanyang mga sanga. Mga kapatid, habang patuloy tayong nagninilay sa Muling Pagkabuhay ni Hesu-Kristo, inaanyayahan tayo ni Hesus na manatili sa Kanyang piling. Sa ganitong paraan, tataglayin natin ang matamis at saganang buhay sa piling ng Espiritu Santo. Kailangan lamang tayong manatili kay Hesus dahil kung hiwalay tayo sa Kanya, mamumuhay tayong walang-sigla, malungkot, madaling mawalan ng pag-asa, at puro negatibong pananaw at pananalita ang mananaig sa atin. At kapag nasa ganito tayong sitwasyon, magiging mabigat ang buhay at nawawalan ng saysay ang ating pag-iral sa mundo. Ito marahil ang isa sa mga dahilan ng mga taong nauuwi sa depression at nawawalan na ng ganang mabuhay. Kaya pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon, na kung nagnanais tayong mabuhay nang ganap, kasiya-siya at tunay na may kapayapaan ang puso't isip, manatili tayo sa Panginoong Hesus. Maglaan tayo ng panahong makipag-usap sa Kanya sa isang taimtim na panalangin. Siya ang bukal ng ating buhay, ang ating pinagmulan at ang ating uuwian pagkatapos ng maikling buhay na pinahiram Niya sa atin sa mundo. Hilingin nating manatili sa Kanyang piling hanggang sa katapusan ng ating buhay. Amen.
Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Mk 16:15-20 Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila. Pagninilay: Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebangheyo. Ngayon ay Kapistahan ni San Markos, isang ebanghelista. Ang kanyang tanda ay isang leon na may pakpak. Bakit nga ba leon na may pakpak ang kanyang tanda? Unang-una, ayon sa aklat ng Ezekiel at Pahayag, ito ay tanda ni Hesus na makapangyarihan at muling nabuhay. Pangalawa, kung babasahin at pag-aaralan ang ebanghelyo, nagsisimula ito sa pamamagitan ni Juan Bautista, na may dumadagundong na panawagan (like the roaring of a lion) na may pakpak (na tanda ng kapangyarihan at tagadala ng mabuting balita), “Ihanda ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas… Ipangangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (cf. Mark 1:314). (Ang ebanghelyo ayon kay San Markos ay hindi tulad ng tatlong ebanghelyo na “tahimik” at may mahabang panimula pa. Ang kay San Marcos, wala nang pasikot-sikot, direct to the point. Kapansin-pansin din na hindi niya tinatawag si Hesus na Anak ng Tao, kundi Anak ng Diyos. Ito rin ang pinakamaikli sa lahat ng ebanghelyo.) Sino nga ba si San Markos? Hindi siya kasama sa labindalawang alagad ni Hesus. Gayunpaman, pinapaniwalaan na isa siya sa mga unang kristiyano; at ang tawag sa kanya ni San Pedro ay anak, dahil marahil, si San Pedro ang nagbinyag sa kanya. Kung kayat sabi sa unang sulat ni San Pedro, “Kinukumusta rin kayo ni Marcos, na aking anak sa pananampalataya” (1 Pedro 5:13-14). Dagdag pa dito, siya ang namuno upang maitayo ang simbahan sa Egipto. Mga kapatid, malaki ang ambag ni San Markos sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ito ang umalingawngaw na mensahe ni San Pablo noong nakulong siya sa Roma. Sabi nga niya, “Hanapin mo si Marcos at isama mo rito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gawain” (2 Timothy 4,11). // Sa ating pagdiriwang ng kapistahan ni San Markos, sana tularan natin siya na ipahayag si Hesus sa salita at gawa. Ito din ang hamon ng ating Ebanghelyo ngayon, “Humayo kayo at ipahayag ang Mabuting Balita. Amen.
Mabuting Balita l Abril 21, 2024 – Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B) Ebanghelyo: Jn 10:11-18 Sinabi ni Hesus: “Ako ang mabuting pastol. Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa mga tupa. Ang upahan at hindi pastol, na hindi naman kanyang sarili ang mga tupa, pagkakita niya sa asong-gubat na dumarating, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakas. Kaya inaagaw ng asong-gubat ang mga ito at ipinangangalat. “Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang mga akin at kilala ako ng mga akin, gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at nakikilala ko ang Ama. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.” “Mayroon akong ibang mga tupa na di naman mula sa kulungang ito. Sila may kailangan kong gabayan, at makikinig sila sa tinig ko at magkakaroon ng iisang kawan at ng iisang pastol. “Mahal nga ako ng Ama sapagkat hinuhubad ko ang aking buhay at muli ko itong kukunin. Walang nag-aalis nito sa akin, kundi ako ang naghuhubad nito nang kusa. May kapangyarihan ako upang hubarin ito, at may kapangyarihan din ako upang kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Rolly Garcia Jr. ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa ebanghelyo. Ang talinghaga ng Mabuting Pastol ay makikita lamang sa Ebanghelyo ni Juan at ito ang tanging talinghaga sa kanyang Ebanghelyo. Ayon sa talinghaga, kilala ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa. Si Hesus ang mabuting pastol. Kilala ni Hesus ang lahat ng kanyang mga tupa at handa siyang ialay ang kanyang buhay upang sila'y iligtas. Tayong lahat ay tinatawag na maging mga pastol sa iba't ibang paraan at may iba't ibang antas ng pananagutan: mga pari, madre, magulang, guro, mga amo, at marami pang iba. Upang maging mabuting mga pastol, kailangan nating laging tumingin sa halimbawa ni Hesus. Ang pagiging isang lider na ayon sa larawan ni Hesus ay nangangailangan ng patuloy na pagbabago at paglilinis ng ating mga hangarin. Hindi dapat inuuna ng lider ang kanyang sarili, laging kapakanan ng kanyang mga nasasakupan ang pangunahing binibigyan ng pansin. Ngayon ay “Linggo ng Mabuting Pastol”. Manalangin tayo na marami sa ating mga kabataan ang piliing maging mabuting pastol at tumugon sa tawag ng buhay paglilingkod: bilang mga pari, mga relihiyoso, o maging mabuting mga magulang.
Mabuting Balita l Abril 9, 2024 – Martes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 3:7b-15 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka dahil sinabi ko na kailangan n'yong isilang mula sa itaas. Umiihip ang hangin saan man nito ibig, at naririnig mo ang ihip nito, subalit hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan papunta. Gayon nga ang bawat isinilang sa Espiritu.” “Paano pupuwede ang mga ito?”Nicodemo: “Guro ng Israel ka pa naman, at hindi mo alam? “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: alam namin ang aming sinasabi at pinatototohanan namin ang aming nakita, at hindi pa n'yo tinatanggap ang aming patotoo. Hindi kayo naniniwala kung mga bagay sa lupa ang sinasabi ko sa inyo, kaya paano kayo maniniwala kung mga bagay sa Langit ang sasabihin ko sa inyo. Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit—ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Sinasabi ng isang manunulat, na sa makabagong panahon ngayon, ang magiging sukatan ng galing at talino ng isang tao, ay kung paano nya matututunan muli, ang mga bagay na alam na nya dati pa. Kung kaya niyang i-unlearn o isantabi ang lahat ng kanyang natutunan noon, at pag-aaralang muli nang may bukas na kaisipan, ang mga bagay sa kasalukuyan. Dahil kung hindi, magiging outdated tayo, maiiwan, at maluluma tayo ng panahon. Ganito marahil ang naging dilemma ni Nicodemo sa ating Ebanghelyo ngayon. Kung paano niya maiintindihan ang mga turo ni Hesus, hindi dahil sa wala syang alam, kundi dahil sa kanyang taglay na kaalaman. Isang Pariseo si Nicodemo. Alam nya ang kasulatan at batas, higit pa marahil sa ordinaryong hudyo. Pero ang kanyang kaalaman ang humahadlang upang magkaroon siya ng ugnayan kay Hesus. Kaya iniimbitahan siya ni Hesus na makaranas ng muling pagsilang, to be born again. Hindi ito yung sekta, kundi ito ang kinakailangan, upang makatawid mula sa lumang kaisipan, patungo sa bagong relasyon sa Diyos. Isang bagong pananaw, isang bago at bukas na kaisipan, isang bagong pagkatao. Katulad ng halimbawa ni Hesus, na kung paanong itinaas ang tansong ahas sa lumang tipan, ganun din naman sa bagong pagtataas na magaganap kay Hesus. Mga kapanalig, isa sa mga biyaya ng muling pagkabuhay ni Hesus, ay ang bagong simula para sa atin. Kung paano natin pinapanibago ang ating mga pangako sa binyag, at nalinis mula sa tubig ng sakramentong ito. Isang pagsilang muli, bilang mga anak ng pagkabuhay. Pero upang makamit ito, kailangan muna nating mamatay sa makalumang kaisipan, gawain at pamumuhay. At maging bagong nilikhang kasama at kawangis ni Hesus. Amen
Mabuting Balita l Abril 6, 2024 – Sabado Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Mk 16:9-15 Una siyang napakita kay Maria Magdalena na mula rito'y pitong demonyo ang pinalayas niya. Umalis siya at ibinalita ito sa mga kasama ni Hesus na noo'y umiiyak at nagluluksa. Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Hesus at napakita sa kanya. Pagkatapos nito, napakita naman si Hesus sa ibang anyo sa dalawa sa kanila habang papunta sila sa labas ng bayan. At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pero hindi rin sila naniwala sa kanila. Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, napakita sa kanila si Hesus at pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin. At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal.” Paninilay: Mula sa panulat ni Cl. Eugene Leaño ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Anong pakiramdam ng hindi paniwalaan? Masakit, di ba? sobrang sakit, lalong lalo na kung galing sa mga taong mahal mo, at tinuturing mong kaibigan. Syempre nga naman, hindi ka ba nila pinagkakatiwalaan, kaya hindi ka pinaniniwalaan? At anong klaseng kaibigan naman ang meron ka, kung hindi ka pinagkakatiwalaan? Marahil ganito ang naranasan ni Maria Magdalena at ng dalawang alagad sa ebanghelyo natin ngayong araw. Tunay na nagpakita sa kanila si Hesus, pero kahit anong sigla nila sa pagbabalita, hindi sila pinaniwalaan ng ibang mga alagad. Mawawari na lang natin, kung gaano nakakadismaya, na ang Magandang balitang dala natin ay hindi pinapaniwalaan ng iba. Pero ito ang mensahe ng ebanghelyo natin ngayong araw. Sigurado akong, gagawa ang Panginoon ng kababalaghan sa ating buhay – maaaring ito'y sa maliliit na bagay, maaari rin namang sa malalaking bagay. At tayo'y puno ng galak na ipamamalita sa ating mga kaibigan at kakilala ang ginawang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Pero meron at merong hindi maniniwala sa atin. Sasabihin nila, “coincidence lang yan!” O di kaya nama'y sasabihin nilang, hindi ‘yan gawa ng Diyos kundi ng tao. Sa ganitong sitwasyon, huwag tayong padadaig. Gaya nina Maria Magdalena at ng dalawang alagad na hindi pinaniwalaan, huwag tayong susuko sa pagpapalaganap ng mabuting balita, kahit pa konti ang maniwala sa atin. Ipalaganap natin ang presensya ng Diyos sa lahat, kahit na tayo'y pagdudahan. Sumulong tayo sa pananampalataya!
Mabuting Balita l Abril 3, 2024 – Miyerkules Sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Lk 24:13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Sumagot ang isa sa kanila: “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya'y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba't kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinabi ng Kasulatan tungkol sa kanya. Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo'y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba't nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di'y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa lahat ng kwento ng Resurrection, ang kwento ng dalawang alagad sa daan patungong Emaus ang paborito ko. Para kasing nakikipaglaro si Hesus ng hide and seek sa kanila. Malungkot silang naglalakad nang lumapit si Hesus, pero hindi nila siya nakilala. Ipinaliwanag niya sa kanila ang Banal na Kasulatan tungkol sa kanya, pero wala pa rin. Di pa rin nila gets. Noong makarating sila sa pupuntahan, inanyayahan nila si Hesus na “Tumuloy ka muna rito sa amin.” Kaya't nagpaunlak si Hesus. Nabuksan lang ang kanilang mga mata noong kumakain na sila – pero bigla namang naglaho si Hesus! Kapatid, nagpapakita sa atin si Hesus kung kailan hindi inaasahan. Kahit hindi natin siya nakikilala, kasama natin siya; ginagabayan niya tayo at itinuturo niya ang tamang daan. Katulad nitong lumang Icon of Christ and his Friend, yakap ng kanyang kanang kamay ang kanyang kaibigan. Gaano man kagulo o kalungkot ng buhay, laging may pag-asa. Kahit hindi natin naiintindihan kung ano ang nangyayari, pwede tayong magtiwala na may plano ang Diyos para sa atin. Mahal tayo ni Hesus at kasama natin siya sa bawat hakbang ng ating buhay. Manalangin tayo: Panginoon, tulungan mo kaming makilala kang lagi upang mamuhay kami nang may saya at pag-asa. Amen.
Sermon: Christian Leaders Na Dapat Gayahin Series: Jesus is the Answer Speaker: Rev. Michael Cariño Scripture: 1 Corinthians 4:1-7 Hilig sundan ng mundo ang mga lider na kahanga-hanga, magaling dumiskarte, at sikat. Ngunit sa mata ng Diyos, ang tatak ng isang lider ay ang pusong tapat at mapagkumbaba. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na tularan ang mga pinunong masunurin sa Diyos, mapagkumbaba, tapat sa Ebanghelyo, at nakatuon sa pagsang-ayon o 'approval' ng Diyos lamang. The world follows impressive, self-reliant, and popular leaders, but humility and faithfulness are God's hallmarks for leadership. This week, Rev. Mike Cariño urges us to imitate leaders who are obedient, humble, and faithful to the Gospel, seeking only God's approval. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1FnpXnpIzStz_x93zNVvhAsSAUKv7uV0k/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2024/03/10/christian-leaders-na-dapat-gayahin/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline
Mabuting Balita l Disyembre 6, 2023 – Miyerkules l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mateo15:29-37 Pumunta si Hesus sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagkaakyat sa burol ay naupo. Maraming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba't ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa paanan ni Hesus, at pinagaling niya sila. Kaya namangha ang lahat nang makita nila na nagsasalita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga may kapansanan, at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” “Ilan bang tinapay meron kayo?” “Pito at kaunting maliliit na isda.” Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at inibigay sa kayang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso - pitong punong bayong. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Narinig natin na nagtungo si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Galing siya noon sa lupain ng Tiro at Sidon. Bakit mahalaga ang lugar ng Galilea? Dahil sa lugar ng Galilea, panatag ang kalooban ng Panginoong Hesus. Feeling at home siya sa lugar na ito. Dito Siya lumaki, at dito rin nagsimula ang Kanyang ministeryo. Sa Galilea, gumawa ng maraming kababalaghan O milagro ang Panginoong Hesus. Mga kapatid, napakinggan natin sa ating Mabuting Balita, ang milagro ng pagpaparami ng tinapay at maliliit na isda. Totoo, na sa mga salita at kamay ng Panginoong Hesus walang hindi makapangyayari. Ang mga salita Niya ay makapangyarihan, at ang Kanyang mga kamay ay makapapawi ng gutom. Hindi galing kay Hesus ang pitong tinapay at maliliit na isda. Galing ito sa kanyang mga alagad. Pero dahil sa kanilang pagsuko, ng kung ano meron sila, dito naganap ang tinatawag na himala. Mga kapatid, maging daluyan nawa tayo ng himala para sa ating kapwa. Amen. -Sr. Edit Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
Paano nga ba tayo magiging mabuting Katoliko-Kristiyano sa panahon ng makabagong kultura ngayon? Let's unbox and answer this question with Ivan Beley, a humanities graduate from UA&P and a volunteer writer of Unboxing Catholicism. Start here to learn how to properly read the Bible as a Catholic. Download your free starter guide on apologetics and evangelization now: https://www.unboxingcatholicism.com/starterguide Follow also The Jay Aruga Podcast, the first and only Catholic podcast in the Philippines that unboxes conservative values. Please check Daxx F. Bondoc's I Thirst Mercy ministry and consider supporting his advocacy in helping the poorest of the poor in Antipolo. Do you struggle in praying and sleeping? Don't count the sheep. Talk to the Shepherd. Download Hallow today – it's free. Hallow is the world's #1 Catholic Prayer and Meditation app where you can unbox 5,000+ prayers, reflections, and bible content read by Jonathan Roumie, Bishop Barron, Fr. Mike Schmitz. Social Media Pages: Facebook: https://facebook.com/unboxingcatholicism Instagram: https://www.instagram.com/unboxingcatholicism Tiktok: @UnboxingCatholicism “Si Martin Luther, dahil iniisip niya na siya po ay may awtoridad na mag decide kung anong libro ang idadagdag at ibabawas sa Bibliya, gusto rin po niyang tanggalin noon ang aklat ng Hebreo, Santiago, Jude at Revelation, dahil para sa kanya sila'y hindi parte ng main books of the Bible. Pero bilang mga Katoliko-Kristiyano, tayo po ay umaalala sa sinabi ni San Agustin. Ang sabi po niya, ‘Wala po tayong ibang kasiguradohan na ang mga aklat ni Moses at ang apat na libro ng Ebanghelyo at ang ibang mga libro ay mga tunay na salita ng Diyos kung hindi natin pagtitiwalaan ang batayan ng simbahang Katolika. At alam niyo po, noong ako'y Protestante pa, pinakakinagugulat ko, si Martin Luther mismo ang nagsabi sa atin, ‘Tayo ay obligado na sabihin na talaga namang nakuha natin ang salita ng Diyos o ng Bibliya mula sa mga Katoliko, na kung wala ang simbahan, wala tayong alam sa Bibliya.” --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/unboxingcatholicism/message
Mabuting Balita l Oktubre 21, 2023 – Sabado l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 12,8-12 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao'y hindi rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Patatawarin ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ngunit hindi patatawarin ang lumait sa Espiritu Santo. Dalhin man nila kayo sa harap ng mga may makapangyarihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.” Pagninilay: Mga kapatid, tumutukoy sa isang uri ng kasalanan na walang kapatawaran ang “paglait sa Espiritu Santo.” Sa ating buhay Kristiyano, madalas nating naririnig sa mga turo ni Hesus at sa homiliya ng mga pari ang kahalagahan ng salitang pagpapatawad. Dahil ang pagpapatawad ang syang nagiging susi ng pagkakaroon ng kapayapaan sa puso. Totoo! Ang Diyos ay maawain at mapagpatawad sa anumang kasalanang nagawa natin, at ang kanyang awa at habag ay di masukat ninuman, at walang hangganan. Pero ipinahihiwatig sa atin ng Ebanghelyo ngayon, na matatamasa lamang natin ang awa at kapatawaran ng Diyos, kung marunong tayong magpakumbaba sa kanyang harapan, at taos-pusong nagsisisi sa mga kasalanang nagawa. Laging handang magpatawad ang Diyos, at muli tayong yayakapin at ihihilig sa kanyang puso. Pero ang sinumang nilalang, na binabalewala ang walang hanggang-awa at habag ng Dyos, ang syang pinagmumulan ng kasalanan laban sa Espiritu Santo. Ito ang naging kasalanan ng mga mapagmataas na anghel, kaya naman itinapon sila sa naglalagablab at di napapawing apoy ng impiyerno. Mga kapatid, ang mga kampon ng kasamaan ay walang-sawang tinutukso tayo, upang ipagpatuloy ang mga nakagawiang kasalanan. Sinisikap nilang mawalan tayo ng pag-asa, na tayo'y mapapatawad pa ng Diyos. Ginagawa nila ito, upang makapiling nila tayo sa impiyerno at saktan ang damdamin ng Diyos. Nawa mga kapatid, huwag tayong mawawalan ng pag asa sa Diyos, na patuloy na nagmamahal at walang sawang nagbubuhos ng kanyang awa at habag sa atin. Lagi nawa nating tatandaan, na kahit si Hesus ay tinukso din ni satanas sa ilang, pero hindi siya nawalan ng pag-asa at tiwala sa awa at habag ng Dyos. Suriin natin ang ating mga sarili lalo na sa mga panahong isinasantabi natin ang Diyos sa ating buhay dahil sa kawalan ng pag asa na tayo'y mapapatawad pa. Muli tayong lumapit sa kanya nang may kababaang loob at humingi ng tawad. Amen.
Mabuting Balita l Oktubre 17, 2023 – Martes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11:37-41 Matapos magsalita si Hesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali n'yong linisin ang labas ng mga baso't pinggan subalit nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob. Mga hangal! Hindi ba't ang may gawa ng labas ang siya ring may gawa ng loob? Ngunit naglilimos lamang kayo at sa akala n'yo'y malinis na ang lahat.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, pinuna ng mga Pariseo si Hesus dahil hindi Siya naghugas ng kamay ayon sa kaugalian bago kumain. Pero para sa Panginoon, mas mahalaga ang kalinisan ng kalooban kaysa sa ritwal na paghuhugas na panlabas. Higit na kinalulugdan ng Diyos ang isang pusong malinis, kaysa sa katawang malinis lang sa panlabas pero bulok at punong-puno naman ng kasamaan sa loob. Sa panahon natin ngayon na mas pinapahalagahan ang panlabas na anyo kaysa sa panloob – pinapaalalahan tayo ng Ebanghelyo na balansehin ang panahong gigugugol natin sa mga ito. Dahil ang totoo, tunay na kaakit-akit sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ang isang taong maganda at malinis ang panlabas na anyo, at maganda rin ang pag-uugali. Pero ang isang taong maganda lang sa panlabas, pero sobrang taray at sama naman ng pag-uugali – kinaiinisan, iniiwasan at walang gustong makipagkaibigan. At ang pinakamasaklap pa niyan, ang mga taong hindi na nga kagandahan ang panlabas na anyo, pero sobrang sama pa ng pag-uugali. Saang kategorya ba ng mga taong nabanggit tayo napapabilang? Alinman tayo sa mga ito, hindi pa huli ang lahat. May panahong pang magbago. Sana naman mas pagtuunan natin ng pansin ang pagkamit ng panloob na kagandahan, dahil tunay na ito lamang ang mananatili hanggang wakas. Pumanaw man tayo sa mundo, nananatiling buhay ang ating alaala sa mga taong ating tinulungan at nagawan ng kabutihan. May pitak sa kanilang puso ang ating kagandahang-loob at pinapupurihan nila ang Diyos sa paglikha sa atin. Mga kapatid, ang isang taong may mabuting kalooban ay tunay na biyaya sa kanyang pamilya, kaibigan at kapwang natulungan. Isa sana tayo sa mga taong ito. Panginoon, basbasan Mo po ang aking hangaring pakalinisin ang aking kalooban. Kung paano ko pong inaalagaan ang aking panlabas na anyo at katawan, ganun din sana ang pag-aalagang gawin ko sa aking kaluluwa. Amen.
Mabuting Balita l Agosto 28, 2023 – Lunes Lunes sa Ika-21 Linggo ng Taon San Agustin, Obispo at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Mt 23:13-22 Sinabi ni Hesus: “Kaya kawawa kayo mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Isinara ninyo ang Kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumasok at hindi rin niyo pinapasok ang mga makapapasok. Kawawa kayo mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Nililibot ninyo ang dagat at lupa para maghanap ng isang bagong tagapaniwala at pagka-paniwala n'ya ginagawa n'yo s'yang anak ng impyerno na mas masahol pa sa inyo. Kawawa kayong mga bulag na taga-akay. Sinasabi ninyong walang bisa kung sa Templo nanunumpa subalit may bisa kung sa ginto ng Templo. Mga bulag at baliw, alin ba ang mas mahalaga, ang ginto sa Templo o ang Templong nagpapabanal sa gintong ito? Ang sabi ninyo'y walang bisa kung sa Altar manunumpa subalit may bisa kung sa handog na nasa Altar. Mga bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang Altar na nagpabanal sa handog? Ang manumpa sa ngalan ng Altar ay dito at sa lahat ng narito nanunumpa. Ang sinumang sumumpa sa Templo ay sumusumpa dito at sa Diyos na naninirahan sa Templo. Ang sinumang manumpa sa Ngalan ng Langit ay saTrono ng Diyos at sa nakaupo rito nanunumpa. Pagninilay: Ramdam natin ang galit ng Panginoon sa Ebanghelyo. Kanyang tinuligsa ang mga guro ng Batas at Pariseo dahil sa kanilang pagkukunwari, at pagiging mga bulag na taga-akay. Lahat ng kanilang mga pagkilos at gawaing paglilingkod – puro palabas lamang, para mapapurihan. At marami silang mga tagasunod na nahuhulog din sa ganitong kalakaran. Mga kapatid, suriin natin ang ating sarili – nararapat ba tayong tawaging taga-akay? Ang mga magulang sa kanilang mga anak; ang mga guro sa kanilang mga estudyante; ang mga preachers sa kanilang mga tagapakinig – taos puso ba ang ating ginagawang paglilingkod? Mahalagang malaman ang ating tunay na hangarin sa paggawa ng mabuti – upang maiwasan ang pagkukunwari, at pagiging bulag na mga taga-akay ng ating kapwa. Dahil kung wagas ang ating hangarin sa mga gawaing paglilingkod – tayo dapat ang unang nagsasabuhay ng ating mga itinuturo sa iba; mapaninindigan natin ang ating mabubuting sinasabi; at magsisilbi tayong huwaran para sa mga taong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Manalangin tayo: Panginoon, patawarin Mo po ako sa mga pagkakataong naging bulag akong taga-akay ng iba – dahil hindi ko napanindigan ang aking mabubuting sinasabi. Amen
Pumunta sa Piging Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh. (Mga Awit 34:8, MBBTAG) Sa mga nagsasabing hindi pa ninyo natitikman ang kaluwalhatian ng Diyos, sinasabi ko, natikman na ninyo ang marami sa appetizers nito. Tumingala ka na ba ng langit? Nayakap ka na ba? Naranasan mo na bang umupo sa harap ng mainit-init na apoy? Nakapaglakad ka na ba sa kakahuyan, naupo sa tabi ng lawa, humiga sa duyan sa tag-araw? Naranasan mo na bang uminom ng iyong paborito inumin isang mainit na araw o kumain ng kahit anong masarap na pagkain? Ang bawat pagnanais ay puwedeng isang tapat o baluktot na pang-aakit sa kaluwalhatian ng langit. Sabi mo, hindi mo pa natitikman ang kaluwalhatian ng Diyos. Sabi ko, natikman mo na ang appetizers nito. Magpatuloy ka sa pagkain. Mapupunta ka mismo sa Diyos. Nakita mo ang mga anino; tingnan ang diwa nito. Nakalakad ka sa mainit-init na sinag ng araw; tumingala at tingnan mismo ang araw — oo, sa pamamagitan ng nanananggalang at matalim na lente ng ebanghelyo. Narinig mo ang mga alingawngaw ng kaluwalhatian ng Diyos sa lahat ng dako; itono ang iyong puso sa orihinal na musika. Ang pinakamagandang lugar para matono ang iyong puso ay sa krus ni Jesu-Cristo. “Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama” (Juan 1:14). Kung nais mo ang pinakapurong display ng kaluwalhatian ng Diyos, tingnan si Jesus sa mga Ebanghelyo, at lalo na sa krus. Ipo-focus nito ang iyong mga mata at itotono ang iyong puso at gigisingin ang iyong panlasa para makita mo at marinig at matikman ang kaluwalhatian ng tunay na Diyos kahit saan. Ito ang dahilan ng pagkakalikha sa 'yo. Nakikiusap ako: Huwag mong itapon ang iyong buhay sa mga anino. Nilikha ka ng Diyos para makita at matikman ang Kanyang kaluwalhatian. Gawin mo ito nang buong puso at higit sa anuman. Natikman mo na ang appetizers. Ngayon ay pumunta ka na sa mismong piging. Devotional excerpted from “God's Ultimate Purpose: Vessels of Mercy Knowing the Riches of His Glory” This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/go-on-to-the-meal Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Mabuting Balita l Hulyo 17, 2023 Lunes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:34—11:1 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. Dumating akong taglay ang paghihiwalay: ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. At magiging kaaway ng bawat isa ang kanyang mga kasambahay. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin. At hindi karapat-dapat sa akin ang sinumang hindi nagpapasan sa kanyang krus at sumusunod sa akin. Nawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagpapahalaga nito, at matatagpuan naman ito ng nawawalan ng kanyang sarili. Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumatanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sasabihin kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.” Nang matapos si Hesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan. Pagninilay: Sa unang pandinig tila hindi Mabuting Balita ang Ebanghelyo ngayon. Akalain mo, hindi kapayapaan ang dala ng Panginoon kundi paghihiwalay. Parang taliwas ito sa mga natutunan nating aral na ang Panginoon tagapaghatid ng kapayapaan at pagkakaisa. Bakit sa Ebanghelyo ngayon sinasabi Niya na hindi kapayapaan kundi tabak ang Kanyang dala. Mga kapatid, nais ipaunawa sa atin ng Panginoon na kapag sinikap nating panindigan ang Kanyang mga turo – magdudulot ito ng pagkakahati-hati ng opinyon maging sa'ting mga kamag-anakan. Dahil ang Salita ng Diyos, higit na matalas kaysa alinmang tabak na may magkabilang talim. Nakasusugat ito ng budhing namumuhay nang taliwas sa kalooban ng Diyos; pero nakapagpapagaling din ng kaluluwang napapalayo sa Diyos. Susubukin nito ang ating pananampalataya at mga pinahahalagahan; ang ating mga pinagkakaabalahan at gawaing binibigyan ng maraming panahon. Kung susuriin natin kung paano natin ginagamit ang bawat araw na pinapahiram ng Diyos – kasama ba ang Diyos sa hanay ng ating pinaglalaanan ng panahon? Kung hindi pa, panahon na para unahin Siya sa hanay ng ating prioridad. Dahil kung uunahin natin ang Diyos at lagi nating sisimulan ang bawat araw sa pagdarasal at paghabilin sa Kanya nang lahat ng mangyayari sa buong araw, mamumuhay tayong mapayapa ang puso, laging umaasa na di tayo pababayaan ng Diyos.
Mabuting Balita l Hulyo 14, 2023 – Biyernes Biyernes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:16-23 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay ng parang mga kalapati. Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo'y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan n'yo. Ipapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang ninyong matatag hanggang wakas doon kayo maliligtas. Kung uusigin kayo sa isang bayan, tumakas kayo at pumunta sa kabilang bayan. Sinasabi ko sa inyo, bago ninyo matapos daanan ang lahat ng bayan sa Israel, darating na ang Anak ng Tao.” Pagninilay: Ang Ebanghelyong narinig natin ay karugtong ng Ebanghelyo kahapon at noong makalawa. Ang pagsusugo ng Panginoong Hesus sa mga alagad na ipangalat ang Mabuting Balita. At binigyan pa sila ng kapangyarihang magpagaling ng mga may sakit, ng mga inaalihan ng masasamang espiritu o demonyo, at kahit ang bumuhay ng mga patay. Sa madaling salita, isinugo ni Hesus ang Kanyang mga alagad para sa isang misyon. Pero sa ating Mabuting Balita ngayon, nagbibigay ang Panginoon ng mga babala o warning sa kanilang isasagawang misyon. Tunay na hindi madali noon, at kahit sa panahon natin ngayon ang magsalita, tungkol sa katotohanan. Ilan ba sa atin ang naisasantabi o binabalewala, dahil sa pagsasalita ng isang bagay na tama o totoo, dahil hindi ‘yon matanggap ng iba, lalo na ng mga taong gumagawa ng mga bagay na taliwas sa turo ng Diyos? Mga kapanalig, sana'y hindi tayo panghinaan ng loob sa pagsasabi ng nararapat, at paggawa ng mabuti sa ating kapwa, kahit na may mga taong hindi sumasang ayon sa atin. Sabi nga ni Hesus, “Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang n'yong matatag hanggang wakas, kayo maliligtas.” Manalig tayo sa Panginoon. Amen. - SR. TINA MADRIGALLOS, fsp l Daughter's of St. Paul
Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023 Biyernes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 11:25-30 Nagsalita si Hesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak. Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at maypinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” Pagninilay: Mga kapatid, nababatid ba natin na ang ating pananampalataya ay bunga ng kagandahang loob ng Diyos? Isa itong dakilang biyaya mula sa Diyos. Ito ang tinutukoy ng Panginoong Hesus sa Kanyang pagbibigay-puri sa Diyos Ama. Narinig natin Siyang nagpupugay sa Ama dahil inilihim ng Ama ang mga natatago sa mga pantas at matatalino upang isiwalat lamang sa mga mangmang at mga maliliit. Sa bahaging ito ng Ebanghelyo, nasusumpungan natin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pananampalataya. Maraming nagsasabing ang pananampalataya ay pagpaubaya ng sarili sa kamay ng Diyos. Ito'y lubos na pagtitiwala sa kagandahang loob ng Diyos. Na kahit anong mangyari hindi tayo pababayaan ng Diyos dahil Siya ang may ganap na kontrol sa ating buhay. Ito din ang nagpapalakas sa atin para huwag sumuko sa gitna ng mga pagsubok na dinaranas sa buhay. Pero higit sa anupaman, ang pananampalataya ay paglalahad ng paanyaya ng Diyos sa taong lumalayo sa Kanya. Ang pananampalataya ay pag-anyaya ng Diyos na muling makasama ang taong naliligaw ng landas. Ang pananampalataya ay kagandahang-loob ng Diyos, pagkukusa Niyang akayin tayo upang makasama hanggang wakas. Mga kapatid, kung ang mga paghihirap natin sa kasalukuyan ay binabata natin nang may pananampalataya at pagmamahal, magiging makabuluhan ang ating mga paghihirap. Kung ang lahat ng paghihirap natin sa buhay, papasanin nating kasama ang Diyos, magiging magaan ito. Kaya nga, sa mga kapatid nating nawawalan na ng pag-asa, at pagpapatiwakal na ang naiisip na solusyon, lumapit tayo sa Kamahal-mahalang puso ni Hesus. Nalalaman Niya ang mga hirap na pinagdadaanan natin! Isuko natin sa Kanya ang ating sarili at lahat ng mga alalahanin natin sa buhay na di na natin kayang pasanin. Amen.
Mabuting Balita l Mayo 30, 2023 Martes sa Ika-walong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 10:28-31 Nagsalitasi Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n'ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.” Pagninilay: Sabi daw, ang mga terminal ng bus o jeep o kaya ang mga paliparan o “airports” ay mga lugar ng “paalam” at “pagwelcome”. “Paalam” sa mga taong aalis, at “welcome” sa mga taong darating. Ang pagsunod kay Hesus ay parang pagpunta sa isang terminal o kaya paliparan: may mga bagay na kailangan nating iwan, pero may mga bagay din na kailangan nating “iwelcome”. May isang kwento tungkol sa isang bata na lumapit sa isang matandang nagdadasal. Tinanong ng bata ang matanda, “Ano po ba ang iyong nakuha sa pagdadasal?” Sagot ng matanda, “Wala”. “Pero,” pagpapatuloy ng matanda, “pwede kong sabihin sa'yo kung ano ang nawala sa akin, sa aking pagdadasal: ang galit at poot sa aking kapwa, pagmamataas, pagiging makasarili, takot, at kasalanan. Sa pagdarasal, minsan hindi naman talaga mahalaga kung ano ang iyong nakukuha, kundi kung ano ang nawawala sa iyo.” “Sometimes, the answer to our prayers is not gaining, but losing; which ultimately is the gain." Mga kapatid, sa ating pagsunod kay Kristo, may mga bagay na dapat nating iwan: ang ating mga kasalanan, takot, pagdududa, galit, at iba pang makakahadlang sa atin sa pagsunod sa Kanya. Pero, tandaan natin, hindi hahayaan ng Diyos na bumalik tayo sa “wala”. Kung sinuman ang sumunod sa Kanya, ay tiyak na magkakaroon ng “lahat”, dahil na sa Diyos na ang lahat, ang lahat na inaasam-asam ng puso ng tao. Sabi nga ni Santa Teresa de Avila, “Let nothing disturb you, let nothing frighten you, All things pass away: God never changes. Patience obtains all things. He who has God Finds he lacks nothing; God alone is enough.” Pag may buhay, may pag-asa, pag may pag-asa, may buhay. Fr. Brian Victor de Castro – Diocese of Sorsogon
Mabuting Balita l Abril 29, 2023 Sabado sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6:60-69 Sinabi ng mga alagad ni Hesus: “Sino ang makakarinig sa kanya?” Alam naman ni Hesus sa loob niya na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kaya kung masaksihan ninyo ang Anak ng Taong umaakyat sa dati niyang kinaroroonan…? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko ay Espiritu kaya buhay. Datapwat ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Sapagkat alam ni Hesus mula sa simula kung sino ang mga di maniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya. At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyo na walang puwedeng lumapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.” Kaya marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sa pagsama sa kanya. Sinabi naman ni Hesus sa Labindalawa: “Gusto rin ba ninyong umalis, Pedro?” “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay na walang hanggan ang iyong salita. Naniwala nga kami at nakilala namin na ikaw ang Banal ng Diyos.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Kayla Ventura ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Naranasan mo na bang maiwanan? Masakit ang maiwanan di ba? Yun bang binigay mo na ang lahat, pero iniwan ka pa din. Kaya minsan pag may gustong lumapit sa atin, tinatantiya na natin kung ano ang kailangan ng taong ito, o ano ang sasabihin natin. Kaya piling-pili ang mga binibitawang salita, at kontrolado pati ang ating pagkilos dahil iniiwasan nating masaktan. Kagaya sa narinig nating ebanghelyo. Dahil iba ang reaksyon ng ilang alagad sa hamon ni Hesus, marami ang iniwan Siya. Kahit ang Panginoon, di ligtas sa mahilig mang-iwan. Kaya natanong din Niya ang labindalawa, kung tatalikuran din ba nila siya. Pero matatag ang tugon ni Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta, nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan? Mga kapanalig, nawa'y maging buo ang ating loob sa pagsunod sa Panginoong Hesus, katulad ni Pedro. Dahil sa Kanya lamang natin makakamtan ang kaganapan ng buhay na walang hanggan. Ako bilang madre, ay hindi rin exempted sa mga hamon ng buhay. Minsan mas mabigat pa, pero tuloy ang laban at tiwala, na ang Diyos ay palaging nariyan at hindi nang-iiwan. Ang mga pagsubok na ating pinagdadaanan ay paraan lamang ng Diyos upang mas lalo tayong kumapit at magtiwala sa Kanya.
Mabuting Balita l Abril25, 2023 Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Mk 16:15-20 Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila. Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Mga kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayonang kapistahan ni San Markos Ebanghelista. Ang Ebanghelyo ni San Markos ang sinasabing unang Ebanghelyong naisulat. Si San Markos ang unang nagkuwento sa atin ng naging buhay ng ating Panginoong Hesus at nagbahagi ng kanyang mga aral. Sinasabing isinulat ni San Markos ang kanyang Ebanghelyo para sa mga Kristiyanong dumadaan sa matinding pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Kaya naman binigyan niya ng diin sa kanyang Ebanghelyo, ang kahalagahan ng pagkamatay ni Hesus sa Krus. Nais niyang ipahayag sa mga Kristiyanong nagdurusa na may kabuluhan ang kanilang pinagdaraanan, may pagpapala sa pagpapakasakit, at may biyaya ang sinumang nakikiisa sa pagdurusa at kamatayan ni Hesus sa Krus. Nais niyang palakasin ang kanilang loob, kung papaanong pinalakas ni Hesus ang loob ng kanyang mga alagad. Sa panahon natin ngayon, sa iba't-ibang panig ng daigdig, marami tayong mga kapatid na Kristiyano na patuloy na inuusig at nagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya. Ipanalangin natin sila at huwag natin silang kalimutan. Magakaroon nawa sila ng lakas at pag-asa, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Manalangin tayo: Panginoon, kalingain Mo po at palakasin ang pananampalataya ng mga Kristyanong nakararanas ng pag-uusig at paghihirap. Ingatan Mo po sila at ipagtanggol. Humugot nawa sila ng lakas ng loob, Sa'yong Banal na Salita. Matularan nawa nila ang pananalig ni San Markos, Ebanghelista na hindi nagpatinag sa gitna ng pag-uusig. San Markos, ebanghelista, ipanalangin mo kami. Amen
Mabuting Balita l Abril 24, 2023 Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 6: 22-29 Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ang kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus.Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil sa nakita ninyo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain ninyo at kayo ay nangabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Kayla Ventura ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Mga kapanalig, pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon na balansehin ang pagtugon natin sa ating pisikal at materyal na pangangailangan, at sa ating espiritwal na pagkagutom. Habang busy tayong magtrabaho para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, sa pisikal at materyal na aspeto; huwag din nating kaliligtaang punan ang ating espiritwal na pangangailangan, ang ating pangangailangan sa presensiya ng Diyos. (Kung inaalagaan nga natin ang ating katawan para manatiling malusog, ganun ding pag-aalaga ang gawin natin sa ating kaluluwa.) Sa aking karanasan bilang isang estudyante, may mga pagkakataong bising-busy ako sa magdamagang pag-aaral para maka-submit ng mga requirements. Kailangang pag-isipang maigi ang bawat gagawing papel, lalo na sa Philosophy subject. Iba pa dyan ang mga nakatokang gawain bilang estudyanteng madre. Kaya inaamin kong naapektuhan talaga ang aking spiritual life. Minsan nga, hindi na ako makadasal o di kaya tulog sa dasal. Kaya dumarating sa punto na pakiramdam ko parang kulang ng sigla ang buhay at hindi ako makafocus. Inaral naman ang lahat pero hindi pumapasok. Nakakalimutan ko, na ang source ng knowledge ay ang Panginoon mismo. Na ang pag-aaral pag sinabayan ng pagdarasal at tiwala sa grasya ng Diyos, siguradong successful ang lahat. Madali at magaan dalhin ang bawat pagsubok. Kapanalig, hindi porket busy sa pag-aaral o sa ano mang gawain, kakalimutan na natin ang Diyos. Kelangan din nating hanapin Siya at maidulog ang ating mga sarili sa Kanyang awa at grasya. Ika nga; our seeking must ultimately be directed towards God; it cannot stop at or be satisfied with anything less.
Mabuting Balita l Abril 23, 2023 Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Lk 24: 13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labinlimang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?” “Ano?” “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya'y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba't kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo'y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba't nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo, doon sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di'y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Hindi ba't nakakapagtaka kung bakit hindi nakilala ng dalawang alagad si Hesus. Si Hesus na nakasama nila, nagpakain sa kanila, nangaral kasama nila at nagkapakita ng maraming himala sa kanila. Bakit hindi nila siya nakilala? At tanging sa paghahati-hati ni Hesus ng tinapay, saka lamang nabuksan ang kanilang mga mata. Madalas ganito din tayo mga kapanalig. Hindi natin nakikita si Hesus na kasama nating naglalakbay. Lalo na kung puno ng takot, pangamba ang ating mga puso. Kung maaalala natin, tumatakas ang dalawang alagad palayo ng Jerusalem dahil sa pag-uusig sa kanila. Pero, napawi ang lahat ng ito dahil sa kanyang pangaral at sa paghahati-hati ng tinapay, tulad ng ginagawa natin sa Eukaristiya. Nawa mga kapanalig makatagpo natin si Hesus na kasama nating naglalakbay sa bawat yugto ng buhay. At madama ang kanyang presensya sa Banal na Eukaristiya.
Mabuting Balita l Abril 20, 2023 Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 3: 31-36 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Sa pag-uusap nina Hesus at Nicodemo sa ating Ebanghelyo, nakita natin kung papaanong unti-unting nabubuksan ang isipan at puso ni Nicodemo sa katotohanang hatid ni Hesus. Bagama't hindi sinabi sa atin ni San Juan kung tuluyan ngang naging alagad ni Hesus ang Pariseo, may mga palatandaan na siya'y naging tahimik na tagasunod ni Hesus. Una, si Nicodemo ang nangtanggol kay Hesus sa Sanhendrin, hinimok niya ang kanyang kasamahan na bigyan si Hesus ng tamang paglilitis o “due process”. Ikalawa, muling nagpakita si Nicodemo sa pagkamatay ni Hesus sa Krus, at tumulong upang bigyan ang kaibigan ng disenteng libingan. Ang mga ito'y patunay, na siya nga'y naging malapit kay Hesus. Mga Kapanalig, inaayayahan rin tayong tanggapin ang katotohanang hatid ni Hesus nang buong puso at isipan. Ang sinumang manalig sa ating Panginoong Hesus ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang hindi manalig ay mauuwi sa kapahamakan. Si Nicodemo ay isang mabuting halimbawa para sa atin. Pero higit sa kanyang ginawa, huwag sana tayong mahiyang ipahayag ang ating pananampalataya kay Hesus sa lahat ng pagkakataon. Manalangin tayo: Panginoon, dagdagan Mo po at patibayin ang aking pananampalataya nang huwag akong sumuko sa panahon ng pagsubok. Matularan ko nawa ang pagpupursigi ni Nicodemo na matuto sa Iyong mga aral upang lumago ako sa pananampalataya Sa'yo, Amen.
Mabuting Balita l Abril 19, 2023 Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 3:16-21 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniniwala sa kanya; magkakaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos. Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag subalit higit pang minamahal ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.” Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Kapanalig, tungkol sa liwanag at dilim ang isa sa mga tema ng Ebanghelyo ngayon. Ang konsepto ng liwanag at kadiliman ay isang karaniwang paghahalintulad na ginagamit sa maraming relihiyon at pilosopikal na tradisyon upang kumatawan sa mabuti at masama, kaalaman at kamangmangan, o kalinawan at kalituhan. Sa Kristiyanismo, madalas na nauugnay sa Diyos ang liwanag, na inilarawan bilang pinagmulan ng lahat ng liwanag at ang nagbigay ng buhay. Ang kadiliman naman, ay nauugnay sa kasalanan, kasamaan, at kamangmangan. Araw-araw, nahaharap tayo sa hamon ng pagpili sa pagitan ng liwanag at kadiliman. Ano ba ang madalas nating pinipili? Kapanalig, ang Liwanag ay si Hesus mismo, ang liwanag ng sanlibutan. Ang kadiliman ay ang diyablo, ang nag-uudyok sa ating magkasala. Kaya pinapa-alalahanan tayo, na ang pagpili sa liwanag ni Hesukristo ay nangangahulugan ng pagtanggap sa mga turo Niya; at pamumuhay na nagpapakita ng Kanyang mga pinahahalagahan, tulad ng pagmamahal, pagpapatawad, at pagkahabag. Nangangahulugan din ito ng pagtanggi sa kasalanan at kasamaan, na maaaring ipakita sa maraming paraan. Sa pamamagitan ng pagpili sa liwanag ni Kristo, mararanasan natin ang espirituwal na paglago, at pagkakaroon ng kahulugan at layunin ng ating Buhay, at sa huli'y makakamit natin ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos
Mabuting Balita l Abril 18, 2023 – Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 3: 7-15 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka dahil sinabi ko na kailangan ninyong isilang mula sa itaas. Umiihip ang hangin saan man nito ibig, at naririnig mo ang ihip nito, subalit hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan papunta. Gayon nga ang bawat isinilang sa Espiritu.” “Paano pupuwede ang mga ito?” “Nicodemo, guro ng Israel ka pa naman, at hindi mo alam? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: alam namin ang aming sinasabi at pinatototohanan namin ang aming nakita, at hindi pa ninyotinatanggap ang aming patotoo. Hindi kayo naniniwala kung mga bagay sa lupa ang sinasabi ko sa inyo, kaya paano kayo maniniwala kung mga bagay sa Langit ang sasabihin ko sa inyo. Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit—ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. Fides quaerens intellectum o pananampalatayang naghahanap ng pang-unawa. Ito ang motto si San Anselmo na kilala din bilang Pilosopo. Sinasabi ni San Anselmo na mas magkakaroon ng kabuluhan ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng malalim at may pagmamahal na paghahanap natin sa Diyos. At sabi pa ng isang Pilosopo, hindi natin kayang mahalin ang hindi natin nauunawaan. Sa ating Ebanghelyo, narinig natin si Nicodemo na nagtungo kay Hesus upang magtanong tungkol sa kanyang ipinangangaral. Naghahangad si Nicodemo na maunawaan niya ang itinuturo ni Hesus upang tulungan niya ang kanyang sarili na sumampalataya. At dito ipinahayag ni Hesus ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili; ang kamatayan na nagbibigay buhay at bagong buhay para sa sumasampalataya. Mga Kapanalig, paano natin pinapalalim ang ating pananampalataya? Naglalaan ba tayo ng panahon at pagpapahalaga sa pagpapalawak ng ating pagkakaunawa sa ating sinasampalatayanan? Nawa magkaroon tayo ng pagpapahalaga sa pag-aaral ng salita ng Diyos sa ating pananampalataya.
Mabuting Balita l Abril 17, 2023 Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 3:1-8 May isang lalaking kabilang sa mga Pariseo, Nicodemo ang pangalan niya; pinuno siya ng mga Judio. Isang gabi, pinuntahan niya si Hesus at sinabi sa kanya: “Rabbi, alam namin na Guro ka galing sa Diyos. Sapagkat walang makagagawa ng mga tandang ginagawa mo, kung hindi sumasakanya ang Diyos.” Sumagot sa kanya si Hesus: Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakakita sa paghahari ng Diyos kung hindi siya isisilang na muli mula sa itaas.” Sinabi sa kanya ni Nicodemo: “Paano maisisilang ang isang taong matanda? Di ba't hindi s'ya makapapasok sa sinapupunan ng kanyang ina para isilang muli? Sumagot si Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, walang makakapasok sa Kaharian ng Diyos kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu. Laman ang isinilang mula sa laman, at Espiritu ang isinilang mula sa Espiritu. Huwag kang magtaka dahil sa sinabi ko sa ‘yong kailangan kayong isilang mula sa itaas. “Umiihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito, pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay pinalalalim ng Inang Simbahan ang kahulugan ng Sakramento ng Binyag na sinariwa natin sa selebrasyon ng Easter vigil at Easter Day. Kaya nga, nakatutok ang pagbasa ngayon sa temang ito. Tanong ni Nicodemo kay Hesus: ‘paanong ipanganganak pang muli ang isang taong matanda na?' Sagot naman ni Hesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos." Tinutukoy ni Hesus dito ang misteryo ng binyag. Ang binyag ay bagong buhay bilang ‘anak ng Diyos.' Alam mo ba ang araw ng iyong binyag, Kapanalig? Iyon ang iyong kapanganakan bilang anak ng Diyos. Natatandaan ko pa nung una akong maging ninang sa binyag ng panganay na anak ng aking best friend: Kay gandang pagnilayan na ang batang hawak ko ay hindi na lamang anak ng aking matalik na kaibigan kundi ‘anak ng Diyos!' Ang lahat ng binyagan nga ay para bang ‘ipinanganak na mag-uli;' sila'y binalot sa liwanag ng Espiritu Santo at napasailalim na sa kapangyarihan, grasya at pagmamahal ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng pananampalataya ng kanilang magulang at ng mga ninang at ninong, umaasa tayong sila'y lalago bilang anak ng Diyos at miyembro ng sambayanan ni Kristo.
Mabuting Balita l Abril 15, 2023 Sabado sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Marcos 16:9-15 Una siyang nagpakita kay Maria Magdalena na mula rito'y pitong demonyo ang pinalayas niya. Umalis siya at ibinalita ito sa mga kasama ni Hesus na noo'y umiiyak at nagluluksa. Ngunit hindi sila naniwala sa kanya nang marinig nilang buhay si Hesus at napakita sa kanya. Pagkatapos nito, nagpakita naman si Hesus sa ibang anyo sa dalawa habang papunta sila sa labas ng bayan. At pagbalik nila, ibinalita rin nila ito sa iba pero hindi rin sila naniwala sa kanila. Sa dakong huli, nang nasa hapag ang Labing-isa, nagpakita sa kanila si Hesus at pinagsabihan sila dahil sa kawalang-paniwala nila at katigasan ng puso: hindi nga nila pinaniniwalaan ang mga nakakita sa kanya matapos siyang buhayin. At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal.” Pagninilay: Sa Ebanghelyong ating narinig, tatlong tagpo ng pagpapakita ng Panginoon ang inilahad sa atin ni San Markos. Una, kay Maria Magdalena na agad pumunta sa mga alagad para ibalita na nakita niya ang Panginoon. Ikalawa, sa dalawang alagad papuntang Emaus na agad ding bumalik para ibalita sa iba kung ano ang nangyari sa daan. At ang ikatlo, napakita Siya sa Labing-isa at tinanggap nila ang tungkuling humayo sa buong mundo at ipahayag ang Mabuting Balita. Mga Kapanalig, hindi man natin nakita at nakasama ang Panginoong Hesus habang Siya'y nabubuhay pa, katulad ng naranasan ng mga alagad, pero bilang mga binyagang Kristyano, nananalig tayong tunay Siyang buhay at nananahan sa ating piling. Nananatili Siya sa Banal na Sakramento. At sa tuwing nakikinabang tayo sa Kanyang katawan at dugo sa Banal na Komunyon, mismong si Kristo ang tinatanggap natin. Kaya nga pagkatapos ng pagdiriwang ng Banal na Misa, inaatasan tayo ng paring humayo at maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita. Paano ba tayo tutugon sa panawagang maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita? Ang araw-araw nating pagsisikap na mamuhay sa pag-ibig sa Diyos nang higit sa lahat, at pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili; ang pagharap natin sa mga suliranin nang may pagtitiwala at pag-asa sa kabutihang-loob ng Diyos; ang pananatiling masigla at payapa ng kalooban sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok sa buhay – ilan lamang itong paraan ng pagpapahayag ng pagsaksi natin sa Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Manalangin tayo. Panginoon, tulungan Mo akong maging Buhay na saksi ng Iyong pananatili sa kasalukuyang Panahon. Amen.
Mabuting Balita l Abril 13, 2023 Huwebes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Lucas 24: 35-48 Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila at nagsabi: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”. Nagulat nga sila at natakot, at akala'y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at pumapasok ang pag-aalinlangan sa inyong isipan? “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na walang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita Ninyo na meron ako.” Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa. Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda at pulot-pukyutan. Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya'y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging saksi sa mga ito.” Pagninilay : Isinulat ni Fr. Edward Dantis ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sumainyo ang kapayapaan! Ito ang pagbati ni Hesus sa nagkakatipong mga alagad. Habang isinasalaysay noong dalawa ang nangyari sa daan, at ang pagpira-piraso ng tinapay, biglang tumayo si Hesus sa gitna nila. Nagulat sila at natakot dahil akala nila'y multo ang nasa kanilang harapan. Pero matapos nilang makita ang kanyang sugat, nagdiwang sila, dahil nakita nga nila ang Panginoon. Gaya ng pagpadala ng Ama kay Hesus, isinusugo Niya ang mga alagad na mangaral ng pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan sa Kanyang pangalan, at maging Kanyang mga saksi sa mga bagay na kanilang nakita at naranasan. Mga Kapanalig, sa halip na pagalitan ni Hesus ang mga alagad, dahil sa kanilang pagtalikod sa kanya at sa kanilang pagtataksil, ibinigay Niya sa kanila ang Kanyang kapayapaan at ang Banal na Espiritu bilang regalo. Ang parehong Espiritu na bumuhay sa Kanya mula sa mga patay. Nagkasundo silang lahat, binati Niya sila ng kapayapaan, at ngayon, ang kapayapaan sa pagitan Niya at ng mga apostol ay natupad sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Pinapaalalahanan tayo ng kapayapaang ito, sa tuwing nagbabatian tayo ng kapayapaan sa isa't isa, kapag dumadalo tayo ng Banal na Misa.
Mabuting Balita l Abril 12, 2023 Miyerkules sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Lucas 24: 13-35 Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Sumagot ang isa sa kanila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya'y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba't kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo'y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba't nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo doon sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di'y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Vicky Victorino ng Disciples of the Divine Master ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa daan ng Emaus nasumpungan ng dalawang alagad ang kahulugan ng pagkamatay ng kanilang mahal na Guro. At sa paghahati ng tinapay, nabuksan naman ang kanilang mga mata: si Kristo nga'y BUHAY, kasama nila sa paglalakbay! Ano ang daan ng Emaus na tinatahak mo ngayon, Kapanalig? Sugatan pa ba ang iyong puso, puno ng lumbay? Tawagin mo si Hesus, ang Panginoong muling nabuhay. Hayaan mong ipaliwanag niya sa iyo ang kahulugan ng iyong pinagdaraanan. Sa pakikinig sa kanyang mga Salita, malalaman mo na may liwanag sa dulo ng kadiliman, hindi kamatayan ang huling salita. At sa pakikiisa mo sa hapag ng Eukaristiya, namnamin mo ang kanyang presensya. Buhay sya, Kapanalig, at nais nyang maranasan mo rin ang bagong buhay na kaloob niya!
Mabuting Balita l Abril 11, 2023 Martes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 20:11-18 Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus.Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mona akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: 'Paakyat ako sa Ama ko at Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Joe-Nelo Penino ng St. Francis Xavier Parish, Archdiocese ng Caceres ang pagninilay sa Ebanghelyo. Napakasayang tunghayan ang mga serye nang pagpapakita ni Hesus sa kanyang mga alagad pagkatapos nang kanyang muling pagkabuhay. May dala itong saya, sigla at pag-asa sa ating buhay. Isa na riyan si Maria Magdalena, pinuno siya ng biyayamula sa Diyos; mapalad na nabigyan ng pagkakataong unang makasaksi at makakita na Buhay ang Panginoon. Matatandaan natin, na si Maria Magdalena ang babaeng pinatawad at tinanggap ni Hesus, sa kabila nang galit at poot ng kanyang kapwa sa kanya. Tunay nga namang sa muling pagkabuhay ni Hesus, kaligtasan ay natamo, lalong- lalo na sa ating mga makasalanan. Ano kaya ang naramdaman ni Maria Magdalena sa muli nilang pagtatagpo ni Hesus? Mula sa matinding kalungkutan, panghihinayang, takot at kawalan, heto ngayon ang Mabuting Balita na Buhay ang Panginoon. Labis-labis na kasiyahan,ramdam na ramdam ni Maria Magdalena ang maliw sa kanyang puso at buhay. (Sa tanong ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak?” tila bagang lalong tumindi ang kanyang kalungkutan, at bigat nang pakiramdam ang bumalot sa kanyang puso. Pero, nang tawagin na siya sa kanyang pangalan, “Maria”, naiba na ang ihip nang hangin. Walang pagdadalawang isip na kinilala niya, na siya nga ang, “GURO”. Buhay ang Panginoon!) Ito ang kagalakan na dala nang Pasko ng muling Pagkabuhay, na sa kabila nang ating pinagdaraanan na hirap, lungkot, pighati, at bigat na mga pasan-pasan, may pag-asa tayong tinatanaw sa hinaharap. Ika nga, “at the end of the tunnel there is light, after the empty tomb there is life.” (Kailangan lang nating tanggapin, nang buong-buo, at manampalataya nabuhay si Hesus sa ating puso, diwa, isipan at buhay. Nawa'y ang yugtong ito ng ebanghelyo ang magdala nang pagpapanibago sa ating pananampalataya, pagtitiwala at pagsunod sa kalooban nang Dios.)
Mabuting Balita l Abril 10, 2023 Lunes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Mateo 28:8-15 Agad na iniwan ng mga babae ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad. Nakasalubong nila sa daan si Hesus at sinabi niya: “Kapayapaan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niyakap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.” Samantalang pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at ibinalita sa mga Punong-pari ang lahat ng nangyari. Nakipag-usap naman ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at ibinigay sa mga sundalo, at tinagubilinan silang “Sabihin ninyong dumating nang gabi ang kanyang mga alagad at ninakaw ang katawan habang natutulog kayo. Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa kanya at hindi kayo magkakaproblema.” Tinanggap ng mga sundalo ang pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang kuwentong ito sa mga Judio. Pagninilay: Mga kapanalig, hanggang sa mga sandaling ito ng pagtatagumpay ni Hesus laban sa kapangyarihan ng kadiliman, hindi pa rin natapos ang pagkilos ni satanas. Ginamit na naman niya ang pera, para maghasik ng mga maling aral sa tao. Hindi na sila nag-isip, at nagpasilaw sila sa suhol ng mga kaaway ng Panginoon. Ito ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon, may mga Judio pa ring naghihintay sa pagdating ng Mesiyas. Mas pinaniwalaan nila ang kasinungalingan, kaysa sa isang katotohanang hindi maitatanggi at maikukubli. Gayunpaman, marunong ang Diyos; at sa gabay ng Espiritu Santo, patuloy na lumalago ang Kaharian ni Kristo sa lupa. Sa panahon natin ngayon di ba't marami pa rin ang tumatanggap ng suhol, mapagtakpan lang ang katotohanan? Ilan na bang kaso ng pangungurakot sa pamahalaan, karumal-dumal na krimen ang hindi nabibigyan ng hustisya – dahil sa panunuhol at pananahimik ng mga taong inaasahang maglalantad ng katotohanan? Katulad ng mga sundalo sa Ebanghelyo, ipinagpalit din kaya nila ang katotohanan sa pera? Ang konsensiya, sa pansariling interes? Mga Kapanalig, natakasan man nila ang batas ng tao, hinding-hindi nila matatakasan ang Batas ng Diyos, na Siyang nakakaalam ng katotohanan, ng lahat ng lihim na ating pinagtakpan. Sa Kanya tayo mananagot sa oras ng paghuhukom.
Mabuting Balita l Abril 9, 2023 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 20:1-9 Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan niyang magbangon mula sa mga patay. Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo. Maligayang Pasko ng muling pagka-buhay, mga kapatid! Nagtagumpay ang ating Panginoong Hesus sa kamatayan! Inakay niya tayo sa buhay na walang hanggan! “Aleluya” ang ating awit! Habang pinagninilayan natin ang ating Ebanghelyo sa araw na ito, dalawang bagay ang paanyaya sa atin. Una, inaanyayahan tayong manalig. Tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Pawiin natin ang anumang pagdududa sa ating mga puso. Alisin natin ang anumang takot. Hayaan nating galak ang manaig sa ating mga damdamin. Ikalawa, inaanyayahan tayong maging mga saksi. Ibahagi natin ang galak na ating nadarama. Ipahayag natin ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa. Sikapin nating magbigay ng pag-asa sa ating kapwa. Patibayin natin ang kanilang pananampalataya. Ipadama natin sa kanila ang hindi matatawarang pag-ibig ng Diyos. Manalig at maging saksi, iyan ang paanyaya sa atin. Bagong buhay at bagong pag-asa ang hatid sa atin ng muling pagka-buhay ng ating Panginoon. Mga kapatid, marami tayong mga kapatid na nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa. Dalhin natin ang mabuting balita ng muling pagkabuhay sa kanila. We are an Easter People! Makita nawa ito sa atin ng ating kapwa sa ating mga gawa.
Mabuting Balita l Abril 7, 2023 Biyernes Santo Ebanghelyo: Juan 18:1-19:42 Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa Ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo'y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat. Ngunit kailangang maganap ang isa pang Kasulatan, at sinabi niya: “Nauuhaw ako!” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak. Kaya ikinabit nila sa isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniit nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi niya: “Natupad na!” At pagkayuko ng ulo ibinigay n'ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo. Pagninilay: Mula sa panulat ni Sr. Ana Casayas ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Sa araw na ito buong puso ituon ang ating mga mata sa Krus, kung saan ang Kamatayan at Buhay, matatagpuan; at kung saan ang Buhay, nagtagumpay sa Kamatayan. Sa Krus, ang ating Panginoon Hesus ay nag-alay ng “mga panalangin at pagsusumamo para sa atin, nang may malakas na pag-iyak at luha sa harap ng Kanyang Ama. Minahal niya tayo hanggang sa wakas, hanggang sa binigkas niya ang kanyang huling salita, "Tapos na." Mga kapatid, ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapabanal sa araw na ito, isang araw ng makabagbag-damdaming pag gunita, na nagbibigay din ng matinding kagalakan. Sa Krus, ipinapakita ng Diyos ang kahanga-hangang kagandahan ng Banal na Awa. Dahil sa pamamagitan ng Krus ng Panginoong Hesukristo, ang Diyos " ay nag-aalok sa atin ng katiyakan ng pag-ibig at bagong buhay.
Mabuting Balita l Abril 6, 2023 Huwebes Santo Ebanghelyo: Juan 13:1-15 Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras upang tumawid mula sa mundong ito patungo sa Ama, at siya na nagmahal sa mga sariling kanya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa katapusan. Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik. Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit s'ya kay Simon Pedro sinabi nito sa kanya, “Panginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang aking ginagawa, ngunit mauunawaan mo makaraan ang mga ito.” Sinabi sa kanya ni Pedro, “Hinding-hindi mo huhugasan ang aking mga paa, magpakailanman.” Sumagot si Hesus sa kanya, “Kung hindi kita huhugasan wala kang kaugnayan sa akin.” Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, “Panginoon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na ang mga kamay at ulo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mga paa lamang ang kailangang hugasan nang naligo na dahil malinis na ang buo n'yang sarili. Malinis na nga kayo, subalit hindi lahat.” Kilala na ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: ‘hindi lahat kayo'y malinis'. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'Guro' at 'Panginoon.' Tama ang pagsasabi ninyo, dahil ako nga. Kaya kung hinugasan ko ang inyong paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng mga paa ng isa't isa. Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. Ang hapag Kainan ang isa sa pinaka importanteng bahagi ng isang tahanan. Dito nagsasalo-salo ang pamilya at maging ang malalapit na kaibigan natin. At hindi lang pagkain ang pinagsasaluhan dito, maging ang mga kwento, saya at mga problema. Sa ganitong paraan din nararamdaman natin na kabahagi tayo ng isang pamilya. Sa ganitong paraan din itinaguyod ni Hesus ang Banal na Eukaristiya. Sa isang hapunan, itinuro niya sa kanyang mga alagad ang tunay na pag-aalay ng sarili. Tinuturuan tayo ni Hesus na mahalin at paglingkuran ang kapwa, katulad ng kanyang ipinakita sa kanyang paghuhugas ng kanilang paa. At sa paghahain ni Hesus ng kanyang sarili, Ito ang aking katawan…at dugo na inihahain para sa inyo.” Tinatawag din tayo para magiging pagkain para sa ating kapwa. Pagkain na nagbibigay kasiyahan at pag-asa, katulad ng pagbibigay ni Hesus ng kanyang sarili.
Mabuting Balita l Abril 3, 2023 Lunes Santo Ebanghelyo: Juan 12:1-11 Anim naaraw bago mag-Paskuwa, pumunta si Hesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Hesus mula sa mga patay. Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya. Naglilingkod si Marta at si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Hesus. Kinuha ni Maria ang isang libra ng mamahaling pabangong mula sa tunay na nardo at pinahiran niya ang mga paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa nito. Napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay. Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano ito? Maipagbibili sana ang pabangong ito sa halagang tatlundaang denaryo para maibigay sa mga dukha.” Sinabi niya ito, hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; hawak niya ang pananalapi at nangungupit doon. Kaya sinabi ni Hesus: “Bayaan mo na siya; inilaan na niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin. Kasama ninyong lagi ang mga dukha, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.” Marami sa mga Judio ang nakaalala na naroon siya. At dumating sila hindi dahil lamang kay Hesus kundi upang makita nila si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay. Pinag-usapan naman ng mga Punong-pari ang pagpatay pati na kay lazaro, sapagkat marami sa mga Judio ang lumilisan dahil sa kanya at naniniwala kay Hesus. Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. (Sabi ng iba, kapag nagmamahal ka, huwag mong ibubuhos ang lahat. Magtira ng konti for yourself para may reserba ka. May huhugutin ka pa kapag ang ibinuhos mong pagmamahal hindi nasuklian. May punto, di ba? Pansinin natin, na naiiba ang Mabuting Balita sa atin ngayon. Kapag tunay mong mahal ang isang tao, magiging maluho ka sa pag-aalay. Ibubuhos mong lahat para masiyahan ang iyong minamahal. Maluho nga ang magmahal. Pumasok tayo sa tagpo.) Si Maria na kapatid ni Marta at ni Lazaro, nagbuhos ng mahalimuyak at mamahaling nardo sa paa ni Jesus Maestro. Precious oil for the precious and sacred feet. Ito ang paa na tatahak paakyat sa bundok ng kalbaryo. (Malamang dahil best friends sila, na-iconfide sa kanilang magkakapatid ang tatahakin ni Jesus Maestro na pagpapakasakit at pagkamatay. Nakakatawag-pansin din na sariling buhok ang ginamit ni Maria para manuot ang mabangong langis sa mga balat ni Jesus Maestro. Crowning glory niya ipinampunas para bigyang dangal ang Panginoon. Isang decisive moment ito kay Maria.) Minahal siya nang lubos. Ngayon naman, magarbong buhos ang ipinalit niya. Mga kapatid, ngayong Mahal na Araw, ano'ng mahalimuyak at mahalagang alay ang idudulog natin sa paa ng ating Panginoon? Mahalimuyak kaya ng langis ng pagpapakumbaba? O ang dating mahalagang pag-rerelax na ngayon kakayanin nating i-let go dahil mas mahalaga sa atin ang pagtahak sa mga Istasyon ng Krus? O ang mahalagang pagpapatulo ng pawis para tulungan ang naghihirap? Maging maluho tayo ngayong Mahal na Araw. Tapatan natin ang mahal at maluhong pagtagas ng dugo na ipinanghugas sa ating kasalanan. Maluho Siyang magmahal. Iginayak Niya ang Kanyang buong buhay para magmistulang pambayad para sa ating kaligtasan.
Mabuting Balita l Abril 2, 2023 LINGGO NG PALASPAS Ebanghelyo: MATEO 21:1-11 Malapit na sila sa Jerusalem, [ang maraming taong sumusunod kayJesus] at pagdating nila sa Betfage at Betania, sa Bundok ng mga Olibo, inutusan ni Jesus ang dalawang sa kanyang nga alagad: "Pumunta kayo sakabilang ibayo at may makikita kayo roong isang asnong nakatali na di pa nasasakyan ninuman. Kalagan n'yo ito at dalhin sa akin. Kung may magtanong sainyo, “Ano ang gingawa ninyo?” sabihin ninyo: Kailangan ito ng Panginoon pero ibabalik din kaagad. Umalis sila at nakita ang asnong nakatali sa labas ng pintuan at kinalagan nila ito. At sinabi sa kanila ng ilang naroroon: “Bakit niyo kinakalagan ang asno?” Isinagot nila ang sinabi ni Jesus at pinabayaan sila ng mga tao. Kaya dinala nila ang asno kay Jesus at isinapin dito ang kanilang mga balabal, at naupo rito si Jesus. Marami naman ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at may iba pang naglatag ng mga sangang pinutol nila sa bukid. Sumisigaw ang mga taong nangunguna at sumunod sa kanya. “Hosanna, Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” Mapalad ang dumarating na kaharian ng ating ninunong si David “Hosanna, luwalhati saKaitaasan!” Pagninilay: Mula sa panulat ni Fr. Rolly Garcia Jr., Director ng Biblical Apostolate ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa Ebanghelyo. Mga kapatid, sinisimulan natin ngayon ang Semana Santa sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Inaala-ala natin ngayon ang maringal na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan sinalubong siya ng mga tao, nagbibigay pugay, iwinawagayway ang mga palaspas habang sumisigaw ng “Hosanna”. Sinalubong nila si Hesus bilang hari. Siya nga ang kanilang tagapagligtas at ang pagtungo niya sa Jerusalem ang tanda ng simula ng kanyang gagawing pagliligtas. Pero, ginawa niya ito sa paraang hindi nila inaasahan. Ang Hari ng Israel ay nagpakasakit, nagpasan ng Krus at namatay. Ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan hindi sa pamamagitan ng lakas, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig. Pag-ibig na handang mag-alay ng Buhay alang-alang sa kanyang mga minamahal. Ang kanyang korona ay ang mga tinik; ang kanyang trono ay ang krus kung saan inialay niya ang kanyang buhay. Ito ang ating hari. Sabi ni San Pablo, “Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at nagging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.” (Fil. 2:4-8). Mga kapatid, ngayong Semana Santa, huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating Hari. Inialay niya ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Mamutawi nawa lagi sa ating mga labi “Hosanna sa Anak ni David, Hari ng Israel”!
Ang Panganib ng Pagpapaliban
Ang Panganib ng Pagpapaliban
Mabuting Balita l Pebrero 18, 2023 – Sabado Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mk 9:2-13 Isinama ni Hesus si Pedro, si Santiago at si Juan, at sila ay dinalang bukod sa isang mataas na bundok. At siya ay nagbagong anyo sa harap nila at nagningning ang kanyang mga damit at pumuting tulad ng busilak na di mapapantayan sa puti ng sinumang manlalaba sa lupa. Napakita sa kanila si Elias at si Moises at ang dalawang ito ay nakipag-usap kay Hesus. Noon ay nagsalita si Pedro kay Hesus na ang wika: “Guro, mabuti dito na tayo. Gagawa kami ng tatlong tirahan: isa sa iyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.” Sapagkat hindi n'ya nalalaman ang kanyang mga sinasabi dahil sa malaking pagkatakot. At dumating ang isang ulap na lumilim sa kanila. At sa ulap ay may nagsalita: “Ito ang Minamahal kong Anak, pakinggan ninyo siya.” Kapagdaka'y lumingon sila sa paligid at wala silang nakitang sinuman kundi si Hesus lamang. Habang bumababa sila sa bundok, ay winika ni Hesus sa kanila na huwag sasabihin kaninuman ang mga bagay na kanilang nakita hanggang hindi nabubuhay na mag-uli ang Anak ng Tao. Iningatan nila ang mga bagay na yaon sa kanilang sarili at sila-sila'y nagtatanungan kung anong ibig sabihin ng mabuhay na mag-uli. Kaya nagtanong sila sa kanya: “Bakit sinasabi ng mga Eskriba na kailangang dumating muna si Elias? “Oo. Si Elias ay kailangang dumating muna upang muling isaayos ang lahat ng bagay. Samantala, bakit nakasulat na ang Anak ng Tao ay dapat magtiis ng maraming hirap at lalapastanganin? Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias at ginawa na sa kanya ang kanilang maibigan ayon sa nakasulat tungkol sa kanya.” Pagninilay: Narinig natin sa ebanghelyo, na nakita nina Pedro sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus. At kahit na si Jesus lamang ang talagang nagniningning, tig-iisang tolda ang balak gawin ni Pedro para sa kanilang tatlo: isa para kay Jesus, isa para kay Elias at isa para kay Moises. At noon nagsalita ang tinig na nagsabing si Jesus ang Anak na minamahal ng Ama, at Siya ang pakinggan nila. Mga kapatid, popular sa ating mga Filipinong katoliko ang pagdedebosyon. Kaya may mga panata tayong sumasayaw sa prusisyon ng Sto. Nino, o sumama sa traslacion ng Poong Nazareno o lumakad ng paluhod sa simbahan, o magnobena hindi lang siyam na araw kundi habambuhay. Bukod dito, kung saan-saan pa rin tayo nagpupunta para makita o marinig ang kung sinu-sinong popular na tagapagsalita. Pero, isa lamang ang sinasabi sa atin ng tinig ng Ama: pakinggan natin si Jesus, at hindi si Moises o si Elias, hindi ang ating nobena at pagdedebosyon o anumang kaugalian kundi tanging si Jesus lamang. Mga kapatid, sikapin nating marinig lagi ang salita ni Jesus sa Ebanghelyo.
Ano ang Dahilan ng Pagsaksi?
Ang paghahanda ng digmaan ng mga nanamampalataya
Ang Patoto ng araw ng sabbath
Ano nga ba ang ibig sabihin ng tulay na kasiya-siyang buhay?
Ang Pag-ibig ni Hesus ang tunay na tulay ng ating buhay
SERYE 1 - PAKSA APAT ANG BIBLIA --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/mitse-eugenio/message
The unity of believers worldwide will draw many people to faith in Christ. Kapag nagkakaisa ang lahat ng believers sa mensahe ng Ebanghelyo, makikinig sa atin ang mundo.Support the show (https://www.cbnasia.net/give)