Barkada style kwentuhan about finances, career, business, at marami pang iba. Makakasama si Mon, Rodney, at Genel. Tatlong college dorm mates na ngayon ay mga Certified Public Accountant. Halina’t makisaya, makitawa, at matuto. Kung meron kang mga katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com.
Isa sa mga isyu na kinakaharap hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ay ang INFLATION. Ano nga ba ito at ano ang dapat nating gawin? Sasagutin natin yan sa episode na ito.
Sa episode na ito ay pag-uusapan natin ang iba't ibang klase ng mga bagay na nagdudulot ng stress sa isang tao at kung ano ang gagawin natin kung sakaling dumating ito sa atin. Nagbahagi ang ating mga kamatsing ng kanilang mga personal na karanasan kung paano nila minamanage ang mga stress sa kanilang mga trabaho bilang mga accountant. Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com
Ngayong tapos na ang ingay ng eleksyon, ating pag-uusapan ang mga bagay na natutunan natin. Sa dulo ng episode na ito, ating babalikan ang mga plataporma ng ating bagong president-elect na si Ferdinand Marcos Jr. o mas kilala sa tawag na Bongbong Marcos o BBM.Isang maunlad na Pilipinas ang aming ipinagdarasal dito sa Usapang Matsing Podcast.
Sa episode na ito ay ating bubusisiin ang sampung kandidato sa pagkapresidente ngayong darating na eleksyon. Titingnan natin ang kanilang mga plataporma, adbokasiya, karanasan, edukasyon, at iba pang mga bagay na importanteng malaman ng ating mga kamatsing para maging tama ang ating desisyon sa pagboto.
Sa episode na ito ay pag-uusapan natin ang tungkol sa law of demand and supply, isang basic concept sa economics. Pag uusapan din natin ang nangyayaring giyera ngayon sa pagitan ng Ukraine at Russia. Paano ito makakaapekto sa atin? Ano ang dapat nating gawin para makapaghanda sa krisis na dala nito? Lahat ng yan sa episode na ito. Kung meron kang katanungan o suhestiyon, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com.
Isang napakagandang konsepto ang pag-uusapan natin ngayong episode . Ito ay ang “PAY IT FORWARD”.Marahil ay narinig na ninyo ito dahil nagkaroon ito ng movie noong taong 2000 na may kaparehas na titulo sa episode natin ngayon.Magbabahagi ang ating mga Kamatsing ng mga totoong karanasan na kung saan ay naging bahagi sila ng pay it forward na konsepto.
Hello mga kamatsing!Meron pa tayong eleven months para malaman kung mangyayari ba talaga itong mga fearless forecast ng ating mga kamatsing. Katulad ng nabanggit nila sa episode, let's hope for the best but prepare for the worst. Laban lang tayo mga kamatsing ngayong 2022.Kung bago ka pa lang dito, huwag kalimutang pindutin ang follow button para manotify ka sa mga susunod na episodes natin.
Sinalanta ng Bagyong Odette ang ating mga Kamatsing. Maraming buhay at ari-arian ang nawala at nasira. Sa episode na ito ay magbabahagi ang ating mga kamatsing ng kanilang mga personal na karanasan habang nananalasa ang Bagyong Odette at ating pag-uusapan din ang ilan sa mga bagay na dapat nating gawin bilang paghahanda sa mga susunod na delubyo. Maligayang pasko at manigong bagong taon mula sa Usapang Matsing Podcast. Sama-sama tayong babangon sa 2022.
2nd to the last episode natin ito ngayong 2021 mga Kamatsing. Chill na kwentuhan lang muna tayo tungkol sa mga bagay na pwede nating gawin tuwing pasko bago mangyari ang pandemya. Advance merry christmas mula sa Usapang Matsing Podcast.Sa ating last episode ngayong December 19, mamimigay ang Usapang Matsing ng tatlong best-selling books. I-check ang aming facebook page para sa iba pang mga detalye. Good luck, Matsings!
Ngayong episode ay pag-uusapan natin ang KAIZEN, isang Japanese philosophy na ang ibig sabihin ay “continuous improvement”. Kung interesado ka sa pagpapalago ng iyong kahusayan, at pagtaas ng kakayahang kumita, ang KAIZEN ay isang bagay na sulit na matutunan. Sundan kami sa facebook para sa iba pang mga content na katulad nito: Usapang Matsing Podcast
Hindi mo na kailangang dumating sa retirement age para maisip mo ang mga money mistakes na pag-uusapan natin sa episode na ito. Ngayon palang ay kailangan mo na itong iwasan para maabot mo ang financial freedom. Ang episode na ito ay hango sa article ni Lianne Martha M. Laroya na may titulong "5 money mistakes 20-somethings should avoid". Makikita ang buong article sa link na ito (http://shorturl.at/cxBGP)
Ang ating pag-uusapan ngayong episode ay hango sa libro ni Bronnie Ware . Si Bronnie Ware ay isang nurse sa Australia na nangangalaga sa mga pasyente na nasa huling 12 weeks ng kanilang buhay. Facebook: Usapang Matsing Youtube: Usapang Matsing Podcast
Hello Kamatsing! Salamat sa pagbisita dito sa aming podcast. Kung bago ka pa lang dito, wag mo kalimutang i-click ang follow button para wala kang mamiss na mga episodes natin. Sa podcast na ito ay makakasama natin si Kamatsing Mon, Rodney, at Genel. Sila ay tatlong college dorm mates at ngayon ay mga Certified Public Accountants sa private at government sector. Paguusapan natin ang tungkol sa finances, career, business, at marami pang iba. Halina't makisaya, makitawa, at matuto. Kung meron kang katanungan o di kaya ay gusto mong sumali sa talakayan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comTara na, Kamatsing!
Sa episode na ito ay magbabahagi ng mga nakakapanindig balahibong kwento ang ating mga kamatsing. Kung gusto mong magbahagi ng mga kwentong katulad nito, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comHappy Halloween mga Kamatsing!
Isa na namang economic concept ang ating pag-uusapan ngayong episode. Kung hindi ka pa pamilyar sa terminong "opportunity cost", para sa iyo ang episode na ito. Ano ba ito at paano ko ito iaapply sa real life decisions? Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa aming email: usapangmatsing@gmail.comi-follow kami sa facebook: Usapang Matsing Podcast
Sa episode na ito, ating aalamin ang isang napakahalagang konsepto sa economics na tinatawag na “loss aversion”. Kung hindi ka aware sa konseptong ito , maaring makaapekto ito ng hindi maganda sa iyong business at personal decisions. Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa aming email: usapangmatsing@gmail.comi-follow kami sa facebook: Usapang Matsing Podcast
Hello Kamatsing!Isa ka ba sa mga gustong mag invest sa real estate pero wala ka gaanong kalaking capital? Isa sa mga option mo ay ang mag invest sa Real Estate Investment Trusts o (REITs). Alamin natin ang lahat ng basic na kaalaman tungkol sa REITs sa episode na ito. I-follow ang usapang matsing sa facebook: Usapang Matsing PodcastPara sa collabs and questions: usapangmatsing@gmail.com
WE ARE BACK MGA KAMATSING!Ngayong episode, pag-uusapan natin ang isa sa millennial question, gagawin ko ba ang gusto ko o gagawin ko ang isang bagay kahit di ko gusto pero mas malaki ang bayad? Tandaan natin na hindi sa lahat ng oras ay magiging propesyon mo ang bagay na gusto mong gawin, ano ang dapat mong gawing pag nangyari iyon? Pamilyar ka ba sa isang napakagandang japanese concept na IKIGAI? Lahat ng yan sa episode na ito.
HAPPY 1ST ANNIVERSARY!!Ngayong episode, ating ipinagdiriwang ang isang taong anniversary ng Usapang Matsing Podcast. Babalikan natin ang ating paboritong mga episodes na may kasamang side stories na ngayon nyo lang malalaman. Bilang bonus sa episode na ito, malalaman nyo na ang sekreto kung bakit “Usapang Matsing” ang pangalan ng ating podcast. Salamat sa inyong patuloy na suporta. Sama-sama ulit tayo sa susunod na taon.
Natatakot ka bang tignan ang iyong mga napakalaking credit card bills? Nagtatago ka ba mula sa mga kaibigan at kamag-anak mo dahil may utang ka pa sa kanila? Hindi ba sapat ang kinikita mo para mabayaran ang iyong mga expenses at mga inutangan? Kung pangarap mong mabayaran lahat ng utang mo, mayroon kaming praktikal tips para sa'yo.
Ngayong episode, paguusapan natin ang mga dapat mong malaman tungkol sa Variable Unit-Linked Insurance o VUL. Kailangan ko ba talaga ito o dagdag gastos lang? Samahan ang ating mga Kamatsing with our guest Mr. Richie Moreno.
Ang episode na ito ay para sa ating mga Tatay na laging nagpapaalala sa atin na kaya nating abutin ang ating mga pangarap basta magsumikap at magtiwala sa itaas. Happy Father's Day mula sa Usapang Matsing Podcast.
This is our new normal, facemask, social distancing, everything is online. Whether we like or not, this pandemic has caused an unexpected shift in the way we do business. Our most common question ------so what will the future hold? What types of changes are we seeing? Join us this episode to help you plan your business in the new normal.
Last week, merong viral tweet tungkol sa Ateneo fresh grad na hindi tinanggap ang 37,000 pesos na starting salary offer. Bilang mga Certified Public Accountant, ito ang reaction ng ating mga matsing sa viral tweet na ito. FOLLOW & SUBSCRIBE:Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Sa episode na ito ay pag-uusapan natin ang mga basic steps sa pag-rehistro ng isang negosyo sa Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission (SEC), Barangay, LGU, at Bureau of Internal Revenue (BIR). Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com.FOLLOW & SUBSCRIBE:Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Sa episode na ito ay ating pag-uusapan ang mga dapat mong malaman tungkol sa individual income taxation. Ipadala ang iyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.com. FOLLOW & SUBSCRIBE:Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Kung gusto mong maabot ang financial freedom, kailangan mong mag-save! Ito ang unang step sa pag-abot ng financial freedom. Ganunpaman, ang simpleng pag-save ay hindi basta makakapagpalago ng ating pera. Sa katunayan, ang tunay na halaga ng ating pera ay bumababa sa paglipas ng panahon dahil sa inflation. Ang mabuting balita----------mayroon tayong kakampi na maaaring tumalo sa inflation! Ito ang COMPOUNDING! Minsang sinabi ni Albert Einstein na ang compounding ang most powerful force in the universe. Ano nga ba talaga ito at paano mo ito magagamit para sa iyong advantage? Paguusapan natin yan sa episode na ito. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.For more episodes na katulad nito, wag kalimutang magsubscribe o magfollow.Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing PodcastCorrection: Mabubuo ang isang cup ng grains sa square #15, ang nabanggit namin sa episode ay square #8.
Sa episode na ito ay ating titingnan ang mga finance lessons mula sa librong “Rich Dad Poor Dad” ni Robert Kiyosaki. Unang napublish ang librong ito noong 1997 at naging #1 personal finance book of all time. Ipadala ang iyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Gusto mo bang magsimula ng negosyo sa inyong probinsya? Kung OO, para sayo ang episode na ito.Eto ang ilan sa mga katanungan na ating sasagutin: 1. Ano ang ibig sabhin ng pagiging entrepreneur?2. Ano ano ang mga business opportunities sa probinsya?3. Ano ano ang maidudulot ng mga programa ng gobyerno tulad ng Balik Probinsya sa pagnenegosyo sa probinsya?4. Ano ano ang maidudulot ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa Mandanas case sa trabaho at pagnenegosyo sa Probinsya?5. Ano ano ang mga challenges sa pagnenegosyo sa probinsya?Sa huli ay magbabahagi ang ating mga matsing ng mga business tips at personal testimony sa pagnenegosyo. Halina't makisaya, makitawa, at matuto. Ipadala ang inyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.comFollow & Subscribe:Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Ang guest natin ngayong episode ay isang Certified Public Accountant, Law Student, at Aspiring Song Writer. Nagsimula syang magsulat ng kanta noong high school at ngayon ay may naisulat syang more than twenty (20) songs. Paano sya nagsimula sa pagsusulat ng kanta? Paano nya pinagsasabay ang law school at song writing? ano ang goal nya bilang isang song writer? Ano ang mga inspirasyon nya sa pagsusulat ng kanta? Ano ang mensahe nya sa mga katulad nyang aspiring song writer at law student? Lahat ng yan at ilan sa mga sample songs na sinulat nya sa episode na ito. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.Nasa dulo ng episode na ito ang studio recorded sample ng kantang kanyang sinulat at inawit ng isang Tawag ng Tanghalan contestant.Ipadala ang iyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Ang guest natin ngayong episode ay isang Customs Officer sa Bureau of Customs (BOC). Alamin natin ang kwento ng kanyang buhay at mga karanasan bilang isang Customs Officer sa ating gobyerno. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.Para sa iba pang mga detalye tungkol sa Bureau of Customs, bisitahin ang kanilang website https://customs.gov.ph/Kung meron kang katanungan para sa ating guest ngayong episode, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Ang guest natin ngayong episode ay isang OFW sa Papua New Guinea. Nagsimulang magtrade sa stock market noon lamang October 2020. Ang kanyang 30,000 pesos na initial investment ay naging mahigit kumulang 500,000 pesos pagkatapos lamang ng apat na buwan. Ilan sa mga ibinahagi nya ay ang kanyang motivation sa pagttrade, ang kanyang mga trading strategies, paano nya inaral ang stock market, at iba pang mga tips na makakatulong lalo na sa mga gustong pasukin ang stock market trading. Ang kanyang buong success story sa episode na ito. Kung meron kang natutunan, i-share mo ang episode na ito sa iyong mga kaibigan at kakilala. Ipadala ang iyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.comSundan ang aming facebook at youtube account para sa iba pang mga detalye.Facebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing Podcast
Sa episode na ito aalamin natin ang kwento ng ating tatlong matsing ---- Mon, Rodney, at Genel. Tatlong probinsyano na nagkaroon ng opportunity na makapagaral sa kolehiyo dahil sa scholarship. Ngayon ay mga Certified Public Accountant (CPA) sa Pilipinas at sa ibang bansa.Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYouTube: Usapang Matsing God bless, Matsings!
Ano ang pinakadesperado mong nagawa nung mga panahong wala kang pera? Pagkwentuhan natin yan sa episode na ito. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.Kung meron kang katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFor collabs/sponsorships: usapangmatsing@gmail.comFacebook: https://www.facebook.com/usapangmatsingYouTube: https://www.youtube.com/channel/UCaj4-lyTlEMxjxWIzewfyeg/featured
Kung interesado ka sa bitcoin, para sayo ang episode na ito. Paano ba ito nagsimula? Paano ba ito tumatakbo? Pwede ba akong kumita dito? Safe ba ito? Paano ako iiwas sa mga bitcoin scams? Lahat ng yan sa episode na ito.Kung meron kang mga katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFor collabs/sponsorships: usapangmatsing@gmail.comFacebook: https://www.facebook.com/usapangmatsingYouTube: https://www.youtube.com/channel/UCaj4-lyTlEMxjxWIzewfyeg/featured
Sabi ng isang quote “There is nothing to be afraid of, except fear itself”. Ang layunin ng takot sa ating buhay ay para ilayo tayo sa mga panganib, pero papaano kung ang takot na ito ang hahadlang sa atin para abutin ang mga bagay na gusto natin? Paano nakakaapekto ang takot sa mga desisyon natin sa buhay? Paano natin haharapin ang mga takot na ito? Paguusapan natin lahat ng yan sa episode na ito.Kung meron kang mga katanungan, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFor collabs/sponsorships: usapangmatsing@gmail.comFacebook: https://www.facebook.com/usapangmatsingYouTube: https://www.youtube.com/channel/UCaj4-lyTlEMxjxWIzewfyeg/featured
Ating salubungin ang 2021 na may dalang bagong pag-asa at bagong lakas. Kahit mahirap ang pinagdadaanan natin, basta tulong-tulong, tiyak na makakayanan natin. Happy New Year, Kamatsing!For collabs/sponsorship: usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing
Kahit na mabigat ang ating pinagdaanan ngayong taon dahil sa covid-19 ay patuloy pa rin nating ipinagdiriwang ang diwa ng kapaskuhan. Samahan ang mga matsing sa episode na ito. Kanilang pag-uusapan at babalikan ang mga karanasan nila tuwing pasko noong sila ay bata pa at ang mga bagay na dapat pasalamatan sa Diyos ngayong taon. Ito ang ating huling episode ngayong 2020. See you next year, kamatsing!For collabs/sponsorships, magpadala ng e-mail sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYouTube: Usapang Matsing
Ang guest natin ay isang Certified Public Accountant sa Pilipinas at California, Certified Fraud Examiner, at dating Senior Associate sa Sycip, Gorres, & Velayo (SGV). Ngayon ay nakabase sa Los Angeles, California USA.
Ang ating guest ay isang State Auditor sa Commission on Audit (COA). Isa din siyang Certified Public Accountant. Alamin natin ang kanyang mga karanasan bilang isang auditor ng ating gobyerno. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.For collabs/sponsorships, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.comFacebook: Usapang Matsing PodcastYoutube: Usapang Matsing
Si Kuya Toto (Mayer Panolino) ay dating DJ ng MOR 99.9 Palawan. Nagtapos ng accounting related na kurso pero naging isang radio dj. Paano sya nakapasok sa radyo? Ano-ano ang mga karanasan nya bilang isang full-time radio DJ? Paano nya hinarap ang hamon nung magsara ang ABS-CBN? Alamin natin lahat ng yan sa episode na ito. Halina't makisaya, makitawa, at matuto.For collabs/sponsorships, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com.Facebook: Usapang MatsingYouTube: Usapang Matsing
Gusto mo bang makatipid? Narito ang twenty (20) practical tipid tips para sayo.For collabs and sponsorships, magpadala ng e-mail sa usapangmatsing@gmail.comMeron kaming surprise sa lahat ng mga matsing ngayong December. Follow our official facebook page para sa updates.Facebook: Usapang Matsing (https://www.facebook.com/usapangmatsing)Youtube: Usapang Matsing (https://www.youtube.com/channel/UCaj4-lyTlEMxjxWIzewfyeg)
Medyo may pagka senti ang episode na ito. Balik tanaw sa mga bagay na gusto naming sabihin sa aming mga sarili noong kami ay 15 years old pa lang. Sana ay makatulong ito sa sarili mong journey sa buhay. Ikaw? Ano ang gusto mong sabihin sa iyong 15 year old self? Ipadala ang iyong kasagutan sa aming official e-mail account, usapangmatsing@gmail.com, para matuto din kami sa iyo. God bless you, Ka-Matsing!Follow us on Facebook: Usapang Matsing PodcastSubscribe to our Youtube Channel: Usapang Matsing
Ang episode na ito ay nirecord noong October 10, 2020, isang linggo pagkatapos lumabas ang result ng March/September 2020 Physician Licensure Examination. Ang guest natin ang isa sa mga mapapalad na napabilang sa list of passers. Alamin ang kanyang kwento mula sa isang pangarap hanggang maging isang ganap na doktor.For collab/sponsorship, magsend ng e-mail sa usapangmatsing@gmail.comFollow us.Facebook: Usapang Matsing PodcastYouTube: Usapang Matsing
Nakakalungkot isipin na dito sa Pilipinas at sa ibang bansa ay maraming mga kababayan natin ang nabibiktima ng mga financial scams. Ano-ano ang mga scams na ito? paano ito maiiwasan? Sama-sama nating alamin sa episode na ito.For collab/sponsorhip, magpadala ng mensahe sa usapangmatsing@gmail.com
Simula noong 1950s, ang D'Carbonel Memorial Homes ay naging karamay ng mga Pilipino sa Northern Luzon. Ngayon, ay may mahigit 24 branches na ito na pinapatakbo ng Pamilyang Carbonel. Ang ating guest ay isang Certified Public Accountant (CPA) at isa sa mga bumubuhay at nagpapatakbo ng funeral business na ito. Ano-ano ang mga nakakatakot at nakakatawa nyang karanasan sa pag manage ng funeral business? ano ang mga challenges na kinakaharap ng kanyang negosyo? ano ang mga advise nya sa mga gustong magpatayo ng funeral business? lahat ng yan at marami pang iba dito sa ating halloween special episode. Kung meron kang mga katanungan, magpadala ng mensahe sa aming e-mail account, usapangmatsing@gmail.com. Follow and Subscribe.Facebook: Usapang Matsing PodcastYouTube: Usapang Matsing
Ang guest natin ngayong episode ay isang professor sa Manila Adventist College. Alamin ang kanyang nakakainspire na mga karanasan mula sa pagiging isang corporate professional hanggang sa maging college professor.
Ang guest natin ngayong episode ay isang Certified Public Accountant (CPA) at Certified Management Accountant (CMA) . Dating Audit Associate sa KPMG at ngayon ay Accountant sa Doha, Qatar. Ipadala ang iyong mga katanungan at suhestiyon sa aming e-mail, usapang matsing@gmail.com.
Alamin ang iba't ibang mga personal finance tips na pwede mong gamitin. Sabi nga ng isang famous quote, "Control your money, Don't let it control you". Halina't makisaya, makitawa, at matuto.Ipadala ang iyong mga katanungan sa usapangmatsing@gmail.com.
Ang guest natin ngayong episode ay isang working student mula noong college hanggang sa matapos ang kanyang doctorate degree. Graduate ng Bachelor of Science in Mathematics, Master in Educational Management, at Doctor in Educational Management. Isang Licensed Professional Teacher, Researcher, Author, at ngayon ay Faculty of Teacher Education sa Cavite State University.
Gagawin ang lahat para sa pangarap, ito ang mantra ng mga taong patuloy na nagsisikap para abutin ang minimithi nilang tagumpay. Ganyan din ang kwento ng ating guest ngayong episode. Nangarap na makapagaral ng law pero kailangang magtrabaho para may pambayad ng tuition. Ang ating guest, si Jones Harold Bird Busog ay isang Certified Public Account (CPA) at graduate ng Juris Doctor degree kamakailan. Siya ngayon ay naghahanda para sa bar examinations.