Podcasts about nawa'y

  • 16PODCASTS
  • 97EPISODES
  • 8mAVG DURATION
  • 1EPISODE EVERY OTHER WEEK
  • Jan 23, 2024LATEST

POPULARITY

20172018201920202021202220232024


Best podcasts about nawa'y

Latest podcast episodes about nawa'y

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules l Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 23, 2024 6:00


Mabuting Balita l Enero 24, 2024 – Miyerkules Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 4:1-20 Nagsimulang magturo si Hesus sa tabing-dagat at marami ang nagkatipon sa kanya. Kaya sumakay siya sa bangka at naupo. Nasa dagat siya at nasa tabing dagat naman ang lahat. At marami siyang itunuro sa kanila sa tulong ng mga talinhaga. Sinabi niya sa kanila sa kanyang pagtuturo: “Makinig kayo! Lumabas ang manghahasik para maghasik. Sa kanyang paghahasik, may butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init, at sapagkat walang ugat, natuyo ito. Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman at hindi namunga. Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga sa paglaki at paglago. May nagbunga ng tatlumpu, animnapu ang iba at sandaan ang iba pa. Makinig ang may tainga! Ang Salita ang inihahasik ng manghahasik. Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nahasikan ng Salita, na pagkarinig nila sa Salita ay agad na dumating ang masama at inagaw ang nahasik sa kanila. Gayundin ang nahasik sa batuhan. Pagkarinig nila sa Salita, kaagad nila itong tinanggap nang buong kasiyahan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang kalooban at panandalian lamang. Kapag nagkaroon ng pagsubok at pag-uusig dahil sa Salita agad-agad silang natitisod. May iba pang nahasik sa mga tinikan. Ang mga ito ang nakarinig sa Salita. Ngunit pinapasok ang mga ito ng mga makamundong kabalisahan, ng pandaraya ng kayamanan at ng iba pang mga pagnanasa. Sinikil ng mga ito ang Salita at hindi na nakapagbunga. Ang mga buto namang nahasik sa matabang lupa ay ang mga nakarinig sa Salita at isinasagawa ito. At nagbubunga sila ng sandaan, animnapu o tatlumpu.”   Pagninilay: Sa narinig nating Mabuting Balita, ang mga binhing inihasik ay tumutukoy sa Banal na turo ng Panginoong Hesus.  Ang paghahasik naman ay ang Kanyang pangangaral.  Nagpapahiwatig ang talinghaga, na kay Hesus, muling narinig ng mga tao ang tinig ng Panginoon, na minsa'y tumahimik habang naghihintay ng tamang panahon ng Kanyang pagdating.  Pero sa kabila ng kapangyarihan ng Kanyang Salita, iba-iba ang naging tugon ng mga nakikinig.  May madaling makalimot sa pahayag, mayroong hanggang kaalaman lang at hindi isinasabuhay, mayroon ding tinatanggap ang pahayag, pero kulang sa paninindigan,  at mayroon ding mapalad na tinatanggap ang Salita, iniingatan ito sa kanilang puso, at pinagsisikapang magbunga sa kanilang buhay.  Mga kapanalig, alin ba tayo sa mga taong ito?  Kamustahin natin ang araw-araw nating pagtugon sa pakikinig sa Banal na Salita ng ating Panginoon.  Nagbubunga ba ito sa ating buhay?  Nawa'y mithiin nating pagyamanin ang bunga ng Banal na Salita sa ating buhay.  Sa ganitong paraan, maipapalaganap natin ang Kaharian ng Diyos sa ating kapwa. Manalangin tayo:  Panginoon, tulungan Mo po akong makatugon sa hamon ng Mabuting Balita na araw-araw kong napakikinggan at napagninilayan. Sa tulong ng Iyong Banal na Espiritu magbunga nawa ito ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya sa aking buhay pananampalataya at pakikipag kapwa tao, Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Enero 4, 2024 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 3, 2024 6:16


Mabuting Balita l Enero 4, 2024 - Huwebes Santa Elisabet ana Seton Ebanghelyo: Juan 1:35-42 Naroon [sa Betaraba, sa kabilang ibayo ng Jordan] si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Hesus na naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Hesus. Lumingon si Hesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang hinahanap ninyo?” “Rabbi, saan ka nakatira?” “Halikayo at makikita ninyo.” At pumaroon sila at nakita nila kung saan siya tumutuloy, at maghapon silang nanuluyan sa kanya. Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas.” Inihatid niya siya kay Hesus. Pagkakita sa kanya ni Hesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo.”    Pagninilay: Sa ating liturhiya, tuwing pumapasok tayo sa bagong taon, ang ating mga pagbasa ay tungkol sa pagpapala ng Diyos. Noong January 1, ang ganda pong alalahanin ang salmong tugunan na nagsasabing: “Nawa'y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman…” Pero ano ba ang ibig sabihin ng pagpalain o pagpapala? Simple lamang po, ang ating pagiging laging bukas at tugon sa paggabay ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga't sa lahat ng mabuting nangyayari, salamat sa Diyos! Kung mayroon mang mabibigat, salamat pa din sa Diyos, dahil alam nating nariyan siya't (Emmanuel) gumagabay palagi. Sa ating Mabuting Balita ayon kay San Juan, napakagandang pakinggan ang mga unang salita ni Hesus —“ano ba ang inyong hinahanap?” tumugon ang mga alagad, “Saan ho ba kayo nananahan?” sumagot si Hesus—”Halikayo't inyong makikita.” Alam niyo po, nagtungo sila at sinamahan si Hesus, nang isang buong araw!   Mga kapanalig, pagpapala, pagsunod, pagkilala. Ngayong bagong taon, sana patuloy tayong mamuhay bilang taong pinagpala ng Diyos.  Ibig sabihin, mga taong ang hangad lagi ay manahan kasama ang Diyos.  Pagsunod, ngayong taon sikapin nating sundan ang Panginoon. Pagkilala, sana wala na tayong iba pang sambahin at kilalanin kundi si Hesus.  Hindi naman perpekto si Pedro, bilang alagad at apostol ni Hesus, pero binigyan siya ng pangalan ni Hesus, Cephas, bato. Hindi batong maliit, batong sandigan at pundasyon. Ang ibig sabihin pa sa wikang ingles…reliable, stable, and resolute. Isang patunay na kung patuloy tayong mananahan sa piling ng Diyos, higit na pagpapalain ka niya; kikilalanin ka niya bilang alagad at anak niyang natatangi sa Kanyang puso. Amen.  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 27, 2023 4:22


Mabuting Balita l Disyembre 28, 2023 – Huwebes l Kapistahan ng Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan Ebanghelyo: Mateo 2: 13-18 Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin mo ang sanggol at ang kanyang  ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya inutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”   Pagninilay: Kumusta po ang Pasko ninyo? Nawa'y naging masaya ito at payapa kasama ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Umawit ang mga anghel noong unang Pasko ng “Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban!” Pero hindi kapayapaan ang naging tugon ni Herodes, kundi galit at kalupitan. Ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito, mula sa gulang na dalawang taon pababa. Hindi ba ganyan din ang nangyayari ngayon? Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Prinsipe ng Kapayapaan, libu-libong mga bata ang namamatay sa Israel at sa Gaza, dahil sa digmaan. “Tinig ng pananangis at ng malakas na panaghoy” ang maririnig doon. Maraming tao ang nagdurusa dahil sa maling paggamit ng kapangyarihan.  Ano ang nararamdaman mo sa pagkakataong ito? Nakikita mo ba ang kawalang-katarungan sa mundo sa paligid mo? Ano ang sinasabi at ipinagagawa ni Hesus sa iyo?   Manalangin tayo: Panginoon, buksan Mo ang aking puso, sa mga pamilyang nahaharap sa kalungkutan. Gabayan Mo ako, upang magbigay ng saya sa gitna ng kanilang luha, at nang masumpungan ka, ang Emmanuel, ang Diyos na lagi naming kasama. Amen.  -Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 26, 2023 4:27


Mabuting Balita l Disyembre 27, 2023 – Miyerkules l Kapistahan ni San Juan, apostol at ebanghelista Ebanghelyo: Juan 20:1a, 2-8 Patakbong pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus si Maria Magdalena. Sinabi n'ya sa kanila, “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo ang isa pang alagad kaysa kay Pedro, at unang nakarating sa libingan. Pagkayukod niya'y nakita niyang naroroon ang mga telang lino. Ngunit hindi siya pumasok. Dumating si Simon Pedro, na kasunod niya, at pumasok siya sa libingan. Nakita niya na nakalatag ang mga telang lino, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulunan niya ay di nakalatag gaya ng mga telang lino kundi nakalulon sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at naniwala siya.   Pagninilay: Mga kapanalig sa pagkakataong ito, inaanyayahan tayo na suriin ang ating sarili. Hanggang saan ang ating paniniwala sa Diyos? Naniniwala ba tayo na buhay ang Diyos? Naniniwala ba tayo na kaya Niyang gawin, kahit pa ang pinaka imposibleng bagay?  Naniniwala tayong may Diyos, na sinugo ng Diyos si Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, at pagkalooban tayo ng buhay na walang hanggan, sa kabila ng kamatayan. Kung hindi tayo natatakot na mamatay, ito ang ating panghawakan. Ito rin ang pinanghahawakan ng mga taong hindi natatakot mamatay. Nagtitiwala sila na madaratnan nila ang mas maganda, mas mapayapa at mas maligayang buhay kasama ang Diyos. Nawa'y ito rin ang ating panghawakan.   Tulad ni San Juan, dapat nating palalimin ang ating pananampalataya. Magnilay tayo sa ating mga buhay, kung paano kumikilos ang Diyos.  At hari nawa'y, maging Malapit tayo sa Kanyang mga salita na ating naririnig at pinagninilayan.  Manalangin tayo:  Panginoon, tulad ni San Juan turuan mo po kami na lumalim pa ang aming pananampalataya sa Iyo upang makapamuhay kami ayon sa iyong kalooban. Amen.   -MS. RONALYN DE GUZMAN – Lector Commentator, Minor Basilica of Saint Dominic – San Carlos City, Pangasinan    

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Sermon: Babalik si Jesus Series: Pilgrim's Life 2 Speaker: Ptr. Joseph Ouano Scripture: 2 Peter 3:1-13 Sa gitna ng tumitinding kaguluhan at kasamaan sa ating paligid, marahil nag-aalinlangan tayo kung babalik pa ba si Hesus. Ngayong linggo, samahan natin si Ptr. Joseph Ouano sa kanyang pagsusuri sa kasiguraduhang pagbabalik ng ating Panginoon. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon para sa atin na manitiling tapat at mapagmatyag. As we observe the increasing chaos and evil around us, we may begin to doubt if Jesus will ever return again. This week, Ptr. Joseph Ouano shows us why our Lord's return is imminent. May we remain faithful and vigilant until He comes. Sermon Notes: https://drive.google.com/file/d/1j7DBoZiOwAsFCA6StDgGmJD6NCuVoVWM/view?usp=drive_link On our website: https://cbcp.org/blog/2023/12/17/babalik-si-jesus/ Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 14, 2023 4:08


Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Mt 11:16-19a Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo ngunit ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!' Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.' At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiiom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!' Gayon pa man, magaling ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”   Pagninilay: Simula pa noong una, gumagawa na ang Diyos ng paraan upang lubusan natin Siyang makilala, at maintindihan ang Kanyang kalooban. Nagpadala Siya ng mga propeta, gaya ni Juan Bautista, upang direkta nating marinig ang kanyang mga salita. Nais Niya ring pagsisihan natin ang ating mga kasalanan, nang sa gayo'y mapanumbalik natin ang ating magandang relasyon sa Kanya. Pero, marami pa rin sa atin ang hindi nakinig! Sa kabila ng ating kawalang paki at tila pagwawalang bahala sa Kanyang efforts, hindi tayo sinukuan ng Diyos. Sa sukdulan ngang pagmamahal Niya sa atin, pati ang Kanyang nag-iisa at pinakamamahal na Anak na si Hesus ay Kanya nang ipinadala sa atin. Sa pamamagitan ni Hesus, nagging malinaw na sa atin ang paraan at ang daan, patungo sa ating kaligtasan, patungo sa Diyos. Kaya't, mga kapanalig, nasa sa ating mga kamay na ngayon ang desisyon: Magpapatuloy ba tayong magbibingi-bingihan? O buong katapatan na nating tatanggapin at isasabuhay ang mga aral at utos ni Hesus?   Manalangin tayo. Panginoon, palambutin Mo ang matigas kong puso. Nawa'y talikdan ko na ang kasalanan at manatili na akong tapat sa Iyo hanggang sa oras ng aking kamatayan. Amen.    FR. OLIVER VERGEL PAR, SSP l Society of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 7, 2023 4:09


Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento Ebanghelyo: Lucas 1:26-38 Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lunsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria, pag pasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya. “Aba, puspos ka ng biyaya, Ang Panginoon ay sumasaiyo.”  Sa mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla. At pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa't sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; At walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi rin ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.   Pagninilay: Maraming pagkakataon sa ating buhay na makakaranas tayo ng iba't ibang uri ng pagsubok. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi madaling sabihin na “yes, Lord, I trust in you.” Masasabi lamang ito ng isang taong napakalalim ang pananampalataya sa Panginoong Diyos. Sa Mabuting Balita natin ngayon, narinig natin na nagulumihanan si Maria sa pagbati ng anghel sa kanya. “Napupuspos ka ng biyaya”, “pinagpala ka sa mga kababaihan!”    Mga kapanalig, tayo rin - ikaw at ako - tayong lahat ay pinagpala ng Diyos. Totoo, “not in the same sense as Mary's blessedness.” Pero pinagpala tayo ng Diyos, dahil pinagkalooban Niya ang bawat isa sa atin ng napakaraming biyaya, at patuloy niyang ginagawa ito upang magampanan natin ng buong tapat ang tungkulin natin sa daigdig. Ang bawat tao ay may natatanging tungkulin na dapat isabuhay upang maganap ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Isa itong malaking responsibilidad na ipinagkatiwala ng Diyos na tanging ang indibidwal na tao lamang ang makagaganap.  Mga kapanalig, suriin natin ang ating puso at tanungin ang sarili. Pinalalago ko ba ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin? Ginagampanan ko ba nang buong tapat at may pagmamahal, ang tungkulin na dapat kong gampanan bilang isang anak, kapatid, ina o ama ng tahanan? …at bilang isang kristiyano na tagasunod ni Kristo?  Habang ipinagdiriwang natin ngayong araw ang “Solemnity of the Immaculate Conception,” hilingin natin sa Diyos sa pamamagitan ni Maria ating Ina, na maisabuhay natin nang buong tapat, at nang may malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos, ang natatanging papel na dapat nating gampanan.   Lahat tayo ay pinagpala! Nawa'y maging biyaya rin tayo sa bawat isa!   -      Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 9, 2023 – Huwebes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 8, 2023 4:09


Mabuting Balita l Nobyembre 9, 2023 – Huwebes l Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 2:13-22 Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon pa Jerusalem si Hesus. Natagpuan niya sa patyo ng templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. Kaya gumawa si Hesus ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit sa pagtataob ng mga mesa. At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin ninyo ang mga ito! Huwag na ninyong gawing bahay-kalakalan ang Bahay ng aking Ama.” Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Naglalagablab sa akin ang malasakit sa iyong Bahay.” Sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipakikita mo sa amin? Ano ang magagawa mo?” Sinagot sila ni Hesus: “Gibain ninyo ang Templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” Sinabi naman ng mga Judio: “Apatnapu't anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templo ng kanyang katawan ang tinutukoy ni Hesus. Nang bumangon siya mula sa patay, naalala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Hesus.   Pagninilay: Mga kapanalig, paano kung pumunta si Hesus ngayon sa Quiapo? Hahambalusin niya rin kaya ang mga nagtitinda ng damit ng Sto. Niño? Titigpasin niya din ba ang mga sampaguitang ibinebenta ng batang maliliit para sa kanilang pagkain sa maghapon? Paano kung sa Baclaran? Itatapon ba ang mga pantalong nasa kariton? Mga batya, tabo at hanger na paninda ng aleng nagsisikap upang may pantustos sa pang araw-araw na kailangan ng kanyang pamilya? Lupit naman nun! Normal po noong panahong iyon na magtinda ng ilang hayop sa labas ng templo. Ito'y iniaalay ng mga tao sa bilang hain sa Diyos. Pero maling kalakaran ang nagaganap. Pinapatungan ng mas malalaking halaga ang hayop na hain. Ang templong dapat nagpapaalala sa atin ng pagkakaisa sa pagmamahal ng Diyos ay naging kuta ng mga MANDARAMBONG at GANID. Kaya ito ang ikinagagalit ng Panginoon, ang kawalan ng paggalang sa Templo ng Diyos bilang bahay-dalanginan.  Nawa'y sa tuwing pumapasok tayo sa Simbahan para magdasal, ibigay natin ang nararapat na paggalang sa templo kung saan katatagpuin natin ang Diyos para manalangin.     -       CL. VIN AURELLANO, SSP l Society of St. Paul    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Setyembre 17, 2023 – Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 21, 2023 5:48


Mabuting Balita l Setyembre 17, 2023 – Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH   Ebanghelyo: Mateo 18:21-35 Nagtanong si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong beses ba?” Sumagot si Hesus: “Tungkol sa Kaharian ng Langit ang istoryang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang utusan. Nang simulan niyang suriin ang kuwenta, niharap sa kanya ang isang may utang na sampung libong baretang ginto. Dahil walang maibayad sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili siya at maging alipin kasama ng kanyang asawa, mga anak at mga ari-arian bilang bayad-utang. At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: 'Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.' Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang. Pagkaalis ng opisyal na ito, nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw: 'Bayaran mo ang utang mo!' Nagpatirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nagsabi: 'Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ng utang ko sa iyo.' Ngunit tumanggi siya at ipinakulong ito hanggang makabayad ng utang. Labis na nalungkot ang iba nilang kapuwa-lingkod ng makita ang nangyari. Kaya pinuntahan nila ang kanilang panginoon at ibinalita ang buong pangyayari. Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: 'Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang makiusap ka sa akin. Hindi ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?' Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nitong lahat ang utang.” At idinagdag pa ni Hesus: “Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ang bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”   Pagninilay: Sa ating Mabuting Balita ngayon, napakinggan natin ang isang talinghaga tungkol sa pagpapatawad ng Diyos at sa pagpapatawad natin sa ating kapwa. Ang aral na maaari nating matutunan mula sa talinghaga ay ito: Ang Diyos ay napakabuti at napaka maawaing Ama. Pinatatawad niya ang ating mga kasalanan dahil sa kanyang pag-ibig at biyaya. Hindi niya tayo binabayaran ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kanyang habag. Kaya dapat din nating gawin ang gayon sa ating mga kapwa. Hindi tayo dapat magtanim ng galit, poot, o hinanakit sa ating mga puso. Sa halip, dapat nating ibigay ang pagpapatawad na walang kondisyon, walang limitasyon, at walang paghihiganti. Ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa kapakanan ng taong nagkasala sa atin, kundi para rin sa ating sariling kapayapaan.  Ang pagpapatawad ay hindi madali, lalo na kung malaki ang pinsala o sakit na idinulot ng kasalanan. Pero, hindi tayo nag-iisa sa pagpapatawad. Maaari nating hingin ang tulong ng Diyos upang magbigay sa atin ng lakas, karunungan, at pag-ibig na makapagpatawad. Si Hesus mismo ay nagpakita ng halimbawa ng pagpapatawad nang siya ay ipako sa krus. Sinabi niya: “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34) Kung si Hesus ay nakapagpatawad sa mga taong pumatay sa kanya, bakit hindi natin magagawa iyon sa mga taong nagkasala sa atin?   Mga kapanalig, ang pagpapatawad ay isang biyaya na ibinibigay ng Diyos sa atin upang makaranas tayo ng kalayaan mula sa galit, sama ng loob, o alipin ng nakaraan. Ang pagpapatawad ay isang paraan upang ipakita ang ating pasasalamat sa Diyos dahil pinatatawad niya ang ating mga kasalanan. Nawa'y maging matapat tayo sa pagtupad ng hamong ito at maging mapagpatawad tulad ni Hesus. Amen. – Fr. Rolly Garcia Jr., Director – Commission on Biblical Apostolate | Archdiocese of Manila  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 13, 2023 4:07


Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Juan 3:13-17 Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit-ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.”   Pagninilay: Ngayong kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal, narinig natin kung papaanong sinabi ni Hesus kay Nicodemo, na siya ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit, upang iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Sinabi rin niya, na tulad ng pagtaas ni Moises sa ahas sa ilang, na naging daan upang ang mga nakagat ay gumaling, kailangan din niyang mataas sa krus, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.  Mga kapanalig, ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Handa niyang ibigay ang kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Hindi niya gustong maparusahan tayo sa ating mga kasalanan, kundi ibigay sa atin ang Kanyang biyaya at awa. Isa itong biyaya na hindi tayo karapat-dapat, pero ibinigay niya sa atin nang walang bayad. Kailangan nating manampalataya kay Hesus upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Kailangan nating tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, at sumunod sa kanyang mga utos. Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng bibig, kundi isang pagpapakita ng buhay.  Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ay isang paanyaya sa atin, na magtiwala kay Hesus at magpasalamat sa kanyang dakilang pag-ibig. Isa din itong hamon sa atin, na mabuhay nang alinsunod sa kanyang kalooban, at magpatotoo sa iba tungkol sa kanyang biyaya. Nawa'y maging matapat tayo sa ating pananampalataya kay Hesus, ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit para sa ating kaligtasan. Amen. – Fr. Rolly Garcia Jr., Director – Commission on Biblical Apostolate | Archdiocese of Manila  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 29, 2023 3:58


Mabuting Balita l Agosto 30, 2023 Miyerkules sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Juana ((Jeanne) Jugan Ebanghelyo: Mt 23:27-32 At sinabi ni Hesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas subalit puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal subalit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban. Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa Mga Propeta at pinapalamutian ang mga bantayog ng mga banal na tao. Sinasabi ninyo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninuno, hindi sana sumang-ayon na patayin ang mga Propeta.' Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa Mga Propeta. At ngayon, tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno.   Pagninilay: “Sawimpalad kayo, mga Eskriba at mga Pariseo, mga mapagbalatkayo! Sapagkat katulad ninyo ang mga libingang pinaputi, na sa labas ay magaganda ang anyo ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng bulok”. Ito ang winika ng ating Panginoong Hesus sa unang bahagi ng ating pagbasa. Patunay lamang ito na maging ang Panginoong Hesus ay galit sa mga taong mapagbalatkayo. Ang mga taong katulad nito ay hindi mo lubusang makikilala, dahil itinatago nila ang tunay na pagkatao. Maaari tayong mainis o magalit sa mga ganitong tao, kapag natuklasan nating fake pala ang pagkakakila natin sa kanya.  Mga kapanalig,walang tunay na kapayapaan ang taong mapagbalatkayo. Hindi siya tunay na malaya, dahil ikinukubli niya kung sino at kung ano talaga siya.  Pero sa harap ng Panginoon, wala tayong maitatago.  Kilalang-kilala Niya tayo, nang higit pa sa pagkakakilala natin sa ating sarili.  Nawa'y hilingin natin sa Panginoon, na baguhin ang ugali nating mapagbalatkayo.  At tulungan tayong magpakatotoo sa lahat ng oras at pagkakataon.   Nang sa gayon, mamumuhay tayong may kapayapaan ng puso at isip, at may mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa.  Hilingin natin sa Panginoon ang biyayang ito.  Amen.  -Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul      

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 29, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 28, 2023 4:23


Mabuting Balita l Agosto 29, 2023 Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon Ang Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, martir Ebanghelyo: Mark 6:17-29 Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo pwedeng kasamahin ang asawa ng iyong kapatid.” Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito matapos makinig kay Juan, gayunma'y gusto pa rin niya itong marinig. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahahalagang tao sa Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingiin mo, kahit na ang kalahati ng aking kaharian.” Lumabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista.” Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo sa akin agad ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.” Nalungkot ang hari dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita ngunit ayaw niyang tumanggi. Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin si Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay sa dalagita at ibinigay naman ito ng dalagita sa kanyang ina.   Pagninilay: Sa narinig nating Mabuting Balita, hindi kagustuhan ni Herodes na ipapatay si Juan Bautista, pero dahil sa isang pangako kailangan niyang gawin iyon. Magka ganun pa man, nakita natin na ang kamatayan ni San Juan Bautista ay nagbunga ng mas marami at malalim na pananampalataya. Nawa'y matularan natin ang kanyang katapangan. Katapangan sa pagsasabi ng katotohanan.  Isa ito sa mga kailangan natin ngayon. Marami ang hindi gumagawa ng tama sa ating paligid. Kapag ganito ang nakita natin hindi tayo dapat pangunahan ng takot upang sabihin kung ano ang katotohanan. Kahit pa ang maging kapalit nito ay ang ating buhay. Palagi tayong manindigan sa katotohanan, at huwag ipagpalit ang prinsipyo sa kahit ano pa man. Magalit man ang lahat ng tao sa atin sa mundong ito, ang mahalaga ginawa natin ang tama, at ang tungkulin natin, dahil sa Diyos tayo mananagot sa takdang panahon.  Manalangin tayo:  Panginoon turuan mo po kami na maging matapang, sa pagsabi ng katotohanan, dahil ito ang tama at nararapat. Matularan nawa namin si San Juan Bautista na naging matapang at handang isiwalat kung ano ang katotohanan. Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 26, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 25, 2023 4:46


Mabuting Balita l Agosto 26, 2023 – Sabado Sabado ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon Santa Maria de Jesus Crucificado Ebanghelyo: Mt 23:1-12 Sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi subalit huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. “Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging  'ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang magpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” Pagninilay: Mga kapanalig, nais kong bigyan ng pansin ang isa sa mga mahahalagang bagay na narinig natin sa ating Mabuting Balita ngayon. Sinabi ng Panginoong Hesus, “Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos, pero huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa dahil hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinapangaral.”  May kasabihan tayong “Walk the talk” na ang ibig sabihin, gawin mo ang sinasabi mo o isabuhay ito upang paniwalaan ka ng iba.  Ang mga magulang, ang ating pamilya ang unang mga guro kung saan natutuhan natin ang mga mabuting asal. Salamat sa ating mga magulang at mga kapatid na nagturo sa atin ng maraming bagay.  Ang kanilang “good example” ang ating naaalala upang tularan at gawin din ito. Nawa'y maging saksi o instrumento tayo ng pagmamahal ng Diyos sa ating kapwa, sa isip, sa salita at sa gawa.       MANALANGIN TAYO: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya!  Salamat po sa mga taong nagpakita ng mabuting halimbawa upang matularan at makita ang iyong kabutihan. Sa aming pagkukusa, na sumunod sa iyong kautusan upang ipalaganap ang Mabuting Balita, nawa'y makita po ito sa aming buhay bago pa man namin maipangaral, amen. - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 18, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 17, 2023 4:24


Mabuting Balita l Agosto 18, 2023 – Biyernes Biyernes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon Santa Elena Ebanghelyo: Mt 19:3-12  Lumapit kay Hesus ang ilang Pariseo na hangad siyang subukan, at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” “Hindi ba Ninyo nabasa na sa simula'y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at sinabi rin nitong iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at pipisan sa kanyang asawa, at magiging iisang katawan ang dalawa? Kung gayo'y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan na lamang; kaya huwag papaghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ang babae ng kasulatan ng diborsiyo bago siya paalisin?” “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya pinayagan kayong diborsiyuhin ang inyong mga asawa, ngunit hindi ganito sa simula. At sinasabi ko naman sa inyo: kung may magpaalis sa kanyang asawa, malibang dahil sa pagtataksil, at saka magpakasal sa iba, nakiapid na siya.” Sinabi naman ng mga alagad: “Kung iyan ang itinatadhana para sa lalaking may-asawa, walang pakinabang sa pag-aasawa.” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi matatanggap ng lahat ang salitang ito, kundi ng mga pinagkalooban lamang nito. May ilang ipinanganak na hindi nakapag-asawa. May iba namang ipinakapon ng tao. At may iba ring tumalikod sa pag-aasawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Tanggapin ito ng puwedeng tumanggap.” Pagninilay: Nung minsan sumakay ako ng taxi, na itanong sa akin ng driver kung totoo daw ba yung naririnig nya na hindi pwede mag asawa ang madre. Sinang ayunan ko sya, sabay sabi na ikinasal na kami kay Lord, kaya hindi na pwede mag-asawa. At muli siyang tumugon, "pero pwede pa po kayo mag-asawa." Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi na pwede mag asawa ang ikinasal na sa Diyos. Kagaya ng mag-asawa, hindi sila pwedeng magkaroon ng isa pang asawa, dahil nanumpa sila sa kanilang "kabiyak". Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ngayon ay nagtuturo sa atin, na alin man sa dalawa, pag-aasawa o pagpapari o pagmamadre man, ay nasa orihinal na plano na ng Diyos para sa atin. Kung tinawag ka ng Diyos sa pag-aasawa, hangad ng Diyos na maging tapat ka sa pagsasabuhay nito. Ganun din naman sa pagpapari o pagmamadre. Hangad ng Diyos na maging tapat din tayo sa ating commitment sa Kanya. Kaya ano man ang estado o bokasyon natin sa buhay, nawa'y manatili tayong tapat at totoo sa mga tao, pagkakataon at biyaya na nilagay ng Diyos sa ating buhay. Nawa'y maging tapat tayo sa orihinal na plano ng Diyos, dahil ito ang magdadala sa atin papalapit sa Kanya.  - Sr. Nina Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 16, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 15, 2023 4:41


Mabuting Balita l Agosto 16, 2023 Miyerkules ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay San Roque, nagpapagaling Ebanghelyo: Mt 18:15-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin s'ya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano. Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian n'yo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan n'yo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Pangalan ko, kapiling nila ako.” Pagninilay: Mga kapanalig, ang pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa ay isang kautusan na ibinigay sa atin. Kailangan maisaalang-alang ito sa lahat ng oras ng ating buhay. At sa ating pagsunod sa mahalagang kautusan na ito, maraming beses din tayong nagkakamali o nagkakasala. Ipinapaalala sa atin Mabuting Balita ngayon, kung ano ang ating gagawin sa mga pagkakataong nagkasala ang ating kapwa. Pero kailangan din nating bigyan ng pansin ang ating mga sarili, kung tayo din mismo ang nagkasala sa ating kapwa. Narinig natin sa Mabuting Balita na tayo ang pupunta sa kapatid nating nagkasala upang kausapin siya at ituwid ang kanyang pagkakamali. Pero kung “pride” ang iiral sa atin, kung sumunod tayo sa naging pamantayan ng iba, sa halip na pamantayan ng Diyos, sasabihin nating siya ang nagkasala, siya ang lumapit. Ang ginawang pagkakasala ang “focus” para itama at magkasundo. Ang pagpapakumbaba at pagtanggap ng ating pagkakamali ay mahalaga. Nawa'y pagmamahal sa Diyos, sa kapwa at pagpapatawad ang manaig sa ating puso para sa kabutihan ng lahat.   MANALANGIN TAYO: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Salamat po sa iyong gabay lalo na sa pakikipagkasundo sa aming mga kapatid.  Hindi po ito madali para sa amin kaya tulungan mo po kami na gawin ito. Hinihiling po namin ang mga biyaya ng pagpapakumbaba, pakikinig, pagtanggap ng pagkakamali, pagpapatawad, pagkakasundo at pagmamahal sa kapwa. Kami po ay umaasa at nananalig sa iyo, amen.     - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

pero sr daughters ang hindi kami kung nawa ika salamat san roque diyos kailangan hesus linggo sapagkat nawa'y miyerkules mabuting balita talagang
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
July 27 - Kung Hindi Mo Lalabanan ang Pagnanasa

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 4:45


Kung Hindi Mo Lalabanan ang Pagnanasa Talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. (1 Pedro 2:11, MBBTAG) Nang hinarap ko ang isang lalaki tungkol sa kanyang pangangalunya, sinikap kong unawain ang kanyang sitwasyon, at nakiusap ako sa kanya na bumalik sa kanyang asawa. Pagkatapos ay sinabi ko, “Alam mo, sinasabi ni Jesus na kung hindi mo lalabanan ang kasalanang ito nang may kaseryosohan na handang dukutin ang iyong sariling mata, mapupunta ka sa impiyerno at magdurusa doon magpakailanman.” Bilang isang nagpapahayag na siya'y Cristiano, tumitig siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala, na para bang hindi pa niya narinig ito sa kanyang buong buhay. Sinabi niya, “Ang ibig mo bang sabihin, sa tingin mo'y puwedeng mawala ang kaligtasan ng isang tao?"  Kaya naman, paulit-ulit kong natutunan mula sa sariling karanasan na marami sa nagsasabing sila'y Cristiano ay may pananaw sa kaligtasan bilang hiwalay sa tunay na buhay. Pinapawalang-bisa nito ang mga banta ng Biblia, at inilalagay ang taong nagkakasala na nagsasabing siya'y Cristiano sa lugar na di-maabot ng mga babala ng Biblia. Naniniwala ako na ang pananaw na ito tungkol sa buhay Cristiano ay nagbibigay-ginhawa sa libu-libong nasa malapad na daang papunta sa kapahamakan (Mateo 7:13).  Sabi ni Jesus, kung hindi mo lalabanan ang pagnanasa, hindi ka pupunta sa langit. “Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno” (Mateo 5:29). Ang punto'y hindi na ang mga tunay na Cristiano'y laging nagtatagumpay sa bawat laban. Ang isyu ay nagpapasya tayong lumaban, hindi na nagtatagumpay tayo nang walang kamali-mali. Hindi tayo naghahanap ng kapayapaan sa kasalanan. Nakikipagdigma tayo rito. Mas malaki ang nakataya kaysa kung ang mundo'y pinasabog ng isang libong long-range missiles, o binobomba ng mga terorista ang inyong lungsod, o tinutunaw ng global warming ang mga ice cap, o kumakalat ang AIDS sa mga bansa. Ang lahat ng mga kalamidad na ito'y kayang patayin ang katawan lamang. Pero kung hindi natin lalabanan ang pagnanasa, mawawala ang ating kaluluwa. Magpakailanman. Sinasabi ni Pedro na ang mga pagnanasa ng laman ay nakikidigma sa ating mga kaluluwa (1 Pedro 2:11). Ang mga nakataya sa digmaang ito'y mas walang-hanggan ang laki kumpara sa anumang banta ng digmaang pandaigdig o terorismo. Inilista ni apostol Pablo ang “pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman” pagkatapos ay sinabi na “dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang poot ng Diyos” (Colosas 3:5–6, ABTAG2001). At ang poot ng Diyos ay di-masusukat na mas nakakatakot kaysa sa poot ng lahat ng pinagsama-samang bansa sa mundo. Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng biyaya na seryosohin ang ating kaluluwa at ang mga kaluluwa ng iba at patuloy na makipaglaban. Devotional excerpted from Future Grace, page 331 This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/if-you-dont-fight-lust Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 4, 2023 4:46


Mabuting Balita l Agosto 5, 2023 - Sabado Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagtatalaga ng Basilika ni Maria sa Roma Ebanghelyo: Mt 14:1-12 Umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Hesus. At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: “Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan.” Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid. Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwedeng maging asawa.” Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta. Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang anumang hingin niya. At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista.” Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulungan; inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita nila ito kay Hesus. Pagninilay: Mga kapanalig, mahalaga po ang kasabihan na “Truth will set you free.”  Mabuti man o masakit na tanggapin ang katotohanan, isang malaking biyaya ito sa atin.  Sa kaso ni Herodes sa ating Mabuting Balita, hindi niya matanggap ang kanyang kasalanan na isiniwalat ni Juan. Sa katunayan, nais pa niyang ipapatay si Juan, pero natakot siya.  Dahil sa kanyang “denial” nadagdagan pa ang kanyang pagkakamali ng mas malaking kasalanan, sa kanyang pagsumpa alang-alang sa anak ni Herodias. Nakita natin dito ang “chain reaction” ng isang kasalanan na kung hindi maituwid, tuloy-tuloy itong pagkakamali. Hindi naging malaya si Herodes dahil dito, bagkus naging sakim at nabulag sa katotohanan. Naisasakripisyo ang buhay ng iba dahil sa pagtalikod sa katotohanan. Nawa'y maging saksi tayo ng katotohanan at kabutihan.   MANALANGIN TAYO: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Ikaw po ang pag-asa ng aming buhay.  Hinihiling po naming maging matatag sa pananalig saiyo lalo na sa mga panahon ng mga pagsubok.  Tulungan mo po kaming makita at maituwid ang aming pagkakamali.  Buksan mo po ang aming isip at puso na sumunod sa gabay ng Espiritu Santo sa aming buhay. Amen. -Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 20, 2023 4:27


Mabuting Balita l Hulyo 21, 2023 Biyernes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 12:1-8 Naglakad si Hesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kainin ‘yon. Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Hesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, gumagawa sila ng ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga!” Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi n'yo ba nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. At hindi n'yo ba nabasa sa Batas na sa Araw ng Pahinga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito? Sinasabi ko naman sa inyo: Dito'y may mas dakila pa sa Templo. Kung nauunawaan n'yong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,' hindi n'yo sana hinatulan ang walang-sala. At isa pa, ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pahinga.”   Pagninilay: Mga kapanalig, narinig nating sinabi ng Panginoong Hesus sa Mabuting Balita: “Habag ang nais ko at hindi handog.” Nagutom at kumain ang mga alagad, sa Araw ng Pamamahinga. Pero sinabi ng mga Pariseo, na mahigpit na ipinagbabawal ng Kautusan ang kumain sa Araw ng Pamamahinga. Ang Kautusan ay patnubay o gabay sa ating buhay, pero kung mas pinapahalagahan ito, kesa sa buhay ng tao, hindi ito tama. Kung papansinin natin, ang mga “house rules and duties” ng bawat pamilya, naipapaliwanag ba ito bilang responsibilidad ng bawat isa? Kung may isang miyembro na hindi nakapaglinis ng bahay dahil sa schoolwork, hindi naman yata tama, na hindi pakainin ng buong araw. O kung sa opisina naman, na late ang empleyado dahil may sakit ang anak, hindi naman yata tama, na sigawan o tanggalin agad sa puwesto ang “casual worker”. Nawa'y sa araw-araw nating pakikitungo sa kapwa, manaig sa puso natin ang habag ng Diyos. Manalangin tayo:  Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya!  Lubos po kaming nagpapasalamat sa'yong wagas na pagmamahal, kahit hindi kami karapat-dapat.  Itulot Mo po na maging maunawain kami at mahabagin, sa pagkukulang ng aming kapwa. At makita din sana namin ang sariling pagkakamali at maiwaksi ito. Patawad po sa mga pagkakataong naging mapanghusga kami sa kahinaan ng iba.  Tulungan Mo po kaming maging Mapagpatawad at Mapagmahal, Amen.   - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 18, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 17, 2023 4:25


Mabuting Balita l Hulyo 18, 2023 Martes ng Ika – 15 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 11:20–24 Sinimulang tuligsain ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: “Sawimpalad kayong mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, nagsisi sana silang may abo at sako. Kaya sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. At ikaw naman, Capernaum, itataas ka ba sa langit? Hindi, itatapon ka sa kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodom nangyari ang mga himalang naganap sa iyo, narito pa sana ngayon ang Sodom. Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magiging magaan pa ang sasapitin ng lupain ng Sodom sa araw ng paghuhukom kaysa inyo.”   Pagninilay: Karaniwan, sinisita tayo parati ng mga magulang dahil sa katigasan ng ulo natin. Bakit? Dahil hindi tayo sumusunod sa mga inuutos at mga sinasabi nila. Ganun din, sinisita ng mga guro o mga professor ang mga estudyante na walang nai-ambag sa mga group project. Binibigyan ng gradong mababa, kesa sa mga mag-aaral na itinotodo ang effort sa mga gawain. Mga kapanalig, naligaw man tayo ng landas, pero hindi kailangan ang mabibigat na mga parusa. Ang kailangan natin ay may malasakit na pagtutuwid sa ating mga pagkakamali, upang lumaki tayong isang mabuting tao. Ganun ang ginawa ng Panginoong Hesus sa narinig nating Mabuting Balita ngayon. Binigyan niya ng pagkakataong magbago ang bayan ng Corazin at Betsaida, pero nanatili sila sa paggawa ng kasalanan ang hindi kinakitaan ng pagsisisi.  Kapanalig, maka-ilang beses ka na bang binigyan ng Panginoon ng chances o panibagong pagkakataon upang baguhin ang ugali mo na taliwas sa kanyang kalooban?  Ilang beses ka na bang pinagaling sa sakit, iniligtas sa aksidente, naka-recover sa matinding problema – upang pagkatapos nito, you'll come out as a better person, always grateful to God for everything that He has blessed you with.  Sa araw na ito, inaanyayahan ka ng Panginoon na magbalik-loob, pagsisihan ang mga nagawang kasalanan, at buong pagpapakumbabang lumapit sa Sakramento ng kumpisal, upang ihingi ng kapatawaran ang mga nagawang kasalanan, Amen. Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, tulungan Mo po akong pagsisihan ang aking mga kasalanan.  Nawa'y lagi kong tanggapin ang Iyong mga Salita nang may pag-ibig, at maisabuhay ito sa tulong ng Iyong Banal na Espiritu. Baguhin Mo po ako upang maging kalugod-lugod Sa'yo, at gamitin Mo po ako, ayon Sa'yong layunin, Amen.    - Clark Vincent – Gaas – Student of Southville International School and Colleges  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 – Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 12, 2023 4:02


Mabuting Balita l Hulyo 13, 2023 Huwebes ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo:  Mt 10:7-15 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit'. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay n'yo nang walang bayad ang tinanggap n'yo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod sapagkat nararapat ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating n'yo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at sa kanya makituloy hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok n'yo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal n'yo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.”   Pagninilay: Sa pamamagitan ni Hesus, naghahari na ang Diyos sa mundo. Pero dahil patuloy tayong nakikipagtunggali sa kasalanan, patuloy rin itong nagiging ganap. Gayunpaman, nakasisigurado tayo na sa huli, ang kabutihan at pag-ibig pa rin ang mananaig, dahil napuksa na ni Hesus ang kapangyarihan ng kasalanan at tayong lahat ay tutungo sa buhay na walang hanggan.  Mga kapanalig, bagama't hindi tayo kailangan ng Diyos, minarapat Niyang maging kabahagi tayo sa Kanyang misyon, na ipalaganap ang Kanyang paghahari dito sa mundo. Tatanggihan ba natin angpribilehiyong ito?  Nawa'y makipagtulungan tayo sa mga gawain ng Diyos. Dahil sa huli, tayo rin ang maiiwan kung hindi tayo makikipagtulungan sa Kanya. Gamitin natin ang pag-ibig, bilang sandata natin sa paghihiganti sa ating mga kaaway. Pagmamahal ang isukli natin sa bawat pangungutya at pang-aalipusta sa atin ng iba. At ibigay natin ang ating buong sarili, kahit na madamot ang iba. Maging tulad nawa tayo ni Hesus. Maging misyon nawa natin ang misyon niya. Amen.   - Fr. Oliver Par, SSP l Daughter's of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hulyo 12, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 11, 2023 4:41


Mabuting Balita l Hulyo 12, 2023 Miyerkules ng Ika – 14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 10:1-7 Tinawag ni Hesus ang Labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasinang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Hesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit   Pagninilay: Mga kapanalig, sa araw na ito muli tayong pinapaalalahanan ng Panginoong Hesus ng ating misyon, tulad ng misyon na ibinigay niya sa kanyang mga alagad.  Sa Mabuting Balita, narinig natin ang mga pangalan ng labing dalawang alagad o “Apostles” na sinugo ng Panginoon sa misyon – “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.” At kasunod nito ang pagbilin sa kanila na hanapin ang mga nawawalang tupa ng Israel o ang mga taong nawawala sa kanilang landas at pananampalataya sa Diyos.  Ang misyon na ipalaganap o ipangaral ang mabuting balita ng Panginoon ay para sa ating lahat na mga binyagan. Hindi lamang ito para sa mga pari, madre, relihiyoso at “missionaries”.  Nang tayo'y bininyagan at naging mga anak ng Diyos, may kaakibat itong misyon, isang responsibilidad natin bilang mga Kristyanong katoliko. Sa ating pagsimba, naririnig natin sa pagtatapos ng Misa ang “humayo kayo at ipalaganap ang mabuting balita”. Napakahalagang tandan at gawin natin ang atas na ito.  Ano ba ang ating ipapalaganap, ipapangaral o ibabahagi sa ating kapwa? Ang pagmamahal ng Diyos, ang mga aral na natutunan natin sa mga pagbasa, lalo na sa mismong Mabuting Balita na nagbibigay sa atin ng liwanag o pag-asa ng buhay. Makinig din tayo sa homiliya ng pari upang mapalalim ang ating pagkaintindi ng Salita ng Diyos at maisabuhay ito.  Nawa'y tanggapin natin ang Mabuting Balita na biyaya ng Diyos, at sikaping maisabuhay at maibahagi ito sa ating kapwa sa tulong ng Banal na Espiritu. Manalangin tayo:  Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya!  Nais po naming sumunod sa iyong kalooban na gawin ang misyon na ibinigay ninyo sa amin. Tulungan mo po kaming maibahagi ang iyong Mabuting Balita lalo na sa mga hindi pa nakakarinig nito at nawawala sa landas.  Hinihiling din po namin na gawin mo kaming instrumento at saksi ng iyong pagmamahal sa aming pamilya at kapwa, amen. - Sr. Mennen Alarcon, FSP l Daughter's of St. Paul      

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 27, 2023 4:45


Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 7:15–20 Sinabini Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga lobo naman sa loob. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan? Namumunga ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang puno. Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.” Pagninilay: Mga kapanalig, ang mga propeta ay mga taong hinirang ng Diyos para maipaabot ang Kanyang mensahe sa atin. Sa kwento ng mga Israelita, ang bayang pinili ng Diyos sa biblia, may mga propetang ipinadala sa kanilang paglalakbay. Kabilang dito sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Samuel, Jonas at iba pa.  Hindi madaling maging propeta!  Tulad ni Jonas, hindi siya tumugon agad sa tawag ng Diyos na pumunta sa Nineve para mangaral. Kilala siyang propeta na nilamon ng isang dambuhalang isda, nanatili siya sa tiyan nito ng tatlong araw at gabi, at niluwa rin sa dalampasigan sa utos ni Yahweh. Pagkatapos noon, sumunod na siya sa Diyos. Pero, hindi rin pinapakinggan o pinapaniwalaan ang mga propeta sa lahat ng oras; may mga pagdududa pa rin sa mga nakakarinig sa kanila. Sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita – “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta … sa kanilang bunga, makikilala ninyo sila.” Sila ang mga “false prophets” o mga bulaang propeta na nagkukunwaring sugo ng Diyos, pero sa huli ang sarili nila ang ipinagbubunyi at “self-serving”. Sa ngayon, marami na rin tayong “modern day prophets” na naging instrumento ng kabutihan ng Diyos.  Pero may mga pagkakataon din na mabilis tayong maniwala sa magagandang salita, kaya napapasubo tayo at nalilinglang sa huli.  Mga kapanalig, hindi lamang pag-iingat ang kailangan natin. Mahalagang pagtuunang pansin ang pagpapalalim ng ating pananampalataya at pagpapatibay ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Maging maalam tayo sa Banal na Kasulatan, sa katuruan ng Inang Simbahan, at sa Katesismo upang hindi tayo madaling malinlang ng mga huwad na propeta. Nawa'y maging matatag tayo sa ating paninindigan at pananampalataya sa Diyos.      - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 23, 2023 4:39


Mabuting Balita l Hunyo 24, 2023 Sabado sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 1:57–66, 80 Nang sumapit ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya.Narinig ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anakan, nagdalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto nitong itawag dito. Humingi siya ng masusulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di'y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” Dahil sumasakanya talaga ang kamay ng Panginoon. Habang lumalaki ang bata, pinatatag siya ng espiritu. Nanirahan siya sa disyerto hanggang sa araw ng kanyang pagkakahayag sa Israel.   Pagninilay: Happy fiesta sa mgantaga-Maynila at San Juan! Walang pasok sa eskwela tuwing June 24 at noong bata ako, ang laro namin ay magsaboy ng tubig sa mga dumaraan sa harap ng bahay. Paramihan kami ng mababasa – minsan malinis yung tubig. Pero kapag umulan bago ang araw na 'yon, tubig baha ang isinasaboy namin! Sorry po! Hindi ko naintindihan noon ang koneksiyon ng tubig sa kapistahan ni San Juan – akala ko kasi apelyido niya yung Bautista. 'Yon pala ang kanyang misyon: ang binyagan ang mga Israelita sa binyag ng pagsisisi at ituro sa kanila ang Panginoong Hesukristo, ang kordero ng Diyos na nag-aalis sa kasalanan ng buong mundo. Mula nang siya'y ipaglilihi, isilang, nangaral, hanggang sa kamatayan, totoo ang nakasulat sa Mabuting Balita ngayon: ang kamay ng Panginoon ay sumasakanya.  Mga kapanalig, tulad ni San Juan, bawat isa sa atin ay mayroon ding misyon. At ang kamay ng Panginoon ay sumasaating lahat. Inaanyayahan tayo sa araw na ito, na siyasatin ang plano ng Diyos para sa ating buhay. Balikan natin ang ating mga karanasan at suriin o alalahanin ang mga biyaya, mga pagsubok at mga leksyong natutunan natin. Alam ba natin ang ating personal na misyon sa buhay? Naisasakatuparan ba natin ito? Mayroon bang mga hadlang sa pagsunod dito? Manalangin tayo: Nawa'y magbigay ng lakas ng loob ang pananalig na nasa atin ang pagpapala ng Diyos upang maganap, maisabuhay, matugunan at matupad natin ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang pangarap at hangarin para sa atin. Amen. - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St.Paul    

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 23, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 22, 2023 4:19


Mabuting Balita l Hunyo 23, 2023 Biyernes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 6:19–23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag dito sa lupa kayo mag-ipon ng inyong mga iniipon sapagkat dito'y masisira ang mga iyon ng mga kulisap at kalawang, at mananakaw ng magnanakaw. Sa piling ng Diyos kayo mag-ipon ng inyong iniipon; wala nga roong kulisap o kalawang na sisira, at walang magnanakaw. Malaman mo sana na kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. Ang iyong mata ang lampara ng iyong katawan; kung malinaw ang iyong mata, nasa liwanag ang buo mong katawan. Kung malabo naman ang iyong mata, nasa kadiliman ang buo mong katawan. At kung dumilim ang liwanag na nasa iyo, gaano pa kaya ang madilim!”   Pagninilay: Walang masama sa pag iimpok, dahil mahalaga ito sa oras ng pangangailangan. Ang tinutukoy ni Hesus sa Mabuting Balita ay ang sobrang pagka makasarili; ang pag iipon at pagpaparami ng pera at mga material na bagay dito sa mundo para sa pansariling kapakanan, at hindi man lang tumutulong at nagbabahagi sa mga nangangailangan.  Mga kapanalig, hindi nagwawakas ang buhay sa mundong ito. Ano ang kahihinatnan natin sa kabilang buhay, kung ang lahat ng ating lakas, inubos natin sa pagiging ganid sa pagpaparami ng kayamanan? Saan hahantong ang kaluluwa ng taong punong-puno ng kasakiman ang puso? Malinaw ang paalala sa atin ni Hesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.  Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”  Sa ating pagpupursigi at pagsusumikap sa buhay, nawa'y patuloy nating bantayan ang ating mga motibo. Suriin natin, kung ang lahat ba na meron tayo, nakakatulong sa atin at sa ating mga mahal sa buhay, na maging mabuting tao? Nawa'y tulungan tayo ni Hesus na maging makabuluhan ang ating buhay; gabayan tayong maging abala, higit sa lahat, sa pag-iimpok ng kayamanan sa langit, sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng Kanyang mga turo't aral ng pagmamalasakit, pagpapatawad, pagbibigay nang hindi naghihintay ng kapalit, at pagmamahal sa mga taong mahirap mahalin.   - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 17, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 16, 2023 4:17


Mabuting Balita l Hunyo 17, 2023 Sabado sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 2: 41-51 Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila't mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.   Pagninilay: Mga kapanalig, isa sa mga Utos ng Diyos ay ang “Paggalang sa mga magulang”. Salamat sa Panginoon, dahil ang Utos na ito, isa rin sa mga pinapahalagahan sa ating kulturang Pilipino. Mapagmahal ang ating mga magulang, kaya tayo rin, sa tulong ng kanilang paggabay at sa biyaya ng Diyos ay naging mga masunurin. Sa kwento ng ating Mabuting Balita, nag-alala ng lubos ang mga magulang ng Panginoong Hesus sa kanyang pagkawala. “Bakit ninyo ako hinahanap?” ang sagot ni Hesus. Mahalagang makita natin ang malaki niyang responsibilidad kesa sa kanyang sagot. Hindi nawala ang kanyang paggalang, pero, dahil sa limitasyon ng “translation” sa orihinal na texto, iba ang dating nito sa atin. Sa katunayan, sa huling bahagi ng Mabuting Balita, narinig natin na “siya'y naging masunurin sa kanila”. Nawa'y manatili tayong magalang sa ating mga magulang sa lahat ng panahon. Manalangin tayo:  Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya, lalo na sa aming mapagmahal na mga magulang! Sila po ang malaking instrumento ng Iyong wagas na pag-ibig sa bawat isa sa amin. Sa tulong po ng Iyong biyaya, maging karapat-dapat nawa kami na tanggapin ang Iyong pagmamahal sa pamamagitan ng aming mga magulang. Basbasan N'yo po sila ng mabuting kalusugan at gabay sa buhay. Amen.   -  Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 13, 2023 4:13


Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023 Miyerkules sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mateo 5:17-19 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nagbabago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsasagawa at magtuturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”   Pagninilay: Hindi naparito si Hesus upang guluhin at lituhin ang ating buhay pananampalataya. Naparito siya upang ituwid, palakasin, panibaguhin at pag-alabin ang ating pananampalatayang nakaugat, higit sa lahat, kay Hesus, ang buhay na pag-ibig ng Diyos. Ang pagkatao ni Hesus, ang Kanyang mga salita at gawa ang nagpapatotoo na Siya nga ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta, ang Diyos ng pag-ibig. Sa araw na ito hinihikayat tayong magtiwala at sumunod sa kalooban ng Diyos. Nais ng Panginoong Hesus na tayo'y pagpalain ayon sa Kanyang kagandahang loob. Nais niyang puspusin tayo ng kanyang pagmamahal. Ano naman ang tugon natin sa Kanya? Handa ba tayong isabuhay nang taos-puso, ang Kanyang bagong utos na tayo'y magmahalan? Ano ang tugon natin sa mga taong hindi tumatanggap sa atin, o laging kumokontra sa atin? May mga tao bang hindi pa natin napapatawad, o kailangan ba nating humingi ng tawad? Ibinaon na ba natin ang mga sama ng loob sa nakaraan, upang sulitin ang anumang meron sa araw na ito?  Mga kapanalig, hayaan nating tulungan at gabayan tayo ni Hesus.  Nawa'y hilumin Niya ang anumang sugat na humahadlang sa atin, upang malaya tayong makasunod sa Kanya. Alam niya ang ating mga kahinaan at walang imposible sa Kanya. Buksan nawa natin ang ating kalooban, upang minsan pa'y buhayin Niya ang Kanyang dakilang pagmamahal sa ating puso. Nawa'y masilayan sa ating buhay, ang mapagmahal at mapagmalasakit na presensya ni Hesus.   -  Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 8, 2023 4:40


Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 Biyernes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 12:35-37 Sa pagtuturo ni Hesus sa Templo, sinabi niya: “Ano't sinasabi ng mga guro ng Batas na Anak ni David ang Mesiyas? Sinabi nga ni David nang magsalita siya sa Espiritu Santo: ‘Ang sabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Umupo sa aking kanan hanggang ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa.' Kung tinatawag siya ni David mismo na Panginoon, puwede bang anak siya ni David?” Nasisiyahan ang bayan sa pakikinig sa kanya.   Pagninilay: Sa Mabuting Balita,narinig nating tinatanong ni Hesus kung bakit sinasabi ng mga Eskriba na ang Mesiyas ay Anak ni David. Kasi, si David mismo ang tumawag sa Mesiyas na Panginoon. Hindi nakikipag-away si Hesus sa mga Escriba kundi nagtatanong tungkol sa kanilang pangangatwiran. Ang tinatalakay na teksto mula sa Lumang Tipan ay ang unang bersikulo ng Salmo 110: “Winika ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan hanggang sa ipailalim ko sa iyong mga paa ang mga kaaway mo.”  Yung unang Panginoon ay tumutukoy sa Diyos, at ang ikalawa ay sa Mesiyas. Kung tinawag ni David na Panginoon ang Mesiyas, ibig sabihin, mas nakahihigit siya kay David at hindi lang siya anak ni David. Hinihintay ng mga Hudyo ang pagdating ng Mesiyas na siyang magpapalaya sa kanila mula sa imperyong Romano at magpapa-numbalik ng kaluwalhatian ng paghahari ni David. Pero ang kaharian ni Kristo ay taliwas sa kanilang inaasam. Si Hesukristong Mesiyas ay Anak ng Diyos!  Ipinapaalala ni San Marcos na si Hesus na Mesiyas ay ipinagkanulo, pinabayaan ng kanyang mga kaibigan, at ipinako sa krus hanggang kamatayan. Mula sa Krus mamamalas ang kaharian ng pag-ibig, pagpapatawad at pagtanggap sa lahat ng tao. Si Hesus na Mesiyas ang Panginoon ng Pag-ibig. Sinasabi din sa pagbasa ngayon na “malugod siyang pinakikinggan ng makapal na tao.” Kapanalig, nalulugod ka rin ba habang pinakikinggan mo si Hesus sa Banal na Kasu-latan? Katulad ng dalawang disipulo na sinabayan ni Hesus nang sila'y papunta sa Emaus, “mag-alab nawa ang ating puso habang pinakikinggan natin ang kanyang salita” sa Banal na Biblia. Sige na, kunin mo na ang Biblia mong matagal nang naka-tago, o naka-display sa iskaparate. Baka nababalot pa iyan ng plastic para hindi maali-kabukan. Buksan mo at basahin, pagnilayan at dasalin ito. Gusto kang makausap ng Panginoon: magliliwanag, gagabay, at magbibigay-lugod ito sa iyong buhay araw-araw. Manalangin tayo: Panginoon, salamat sa iyong tanglaw at sa pagpapadala Mo sa amin kay Hesus na aming Mesiyas. Nawa'y maging bukas kami sa pag-akay niya sa amin tungo sa iyong kaharian ng pagmamahal at kapayapaan. Amen. - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 3, 2023 - Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 2, 2023 4:22


Mabuting Balita l Hunyo 3, 2023 Sabado sa Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mk 11:27-33 Muling dumating sa Jerusalem si Hesus at ang kanyang mga alagad, at paglakad nya sa Templo, nilapitan siya ng mga Punong-pari kasama ang mga guro ng Batas at ang Matatanda ng bayan, at nagtanong: “Ano ang karapatang mong gawin ang mga ito?” Sino ang nagtalaga sa iyo para gawin ito?” “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. Sasagutin ninyo ako at sasagutin ko rin kayo kung sino ang nagtalaga sa akin para sa mga ito. Galing ba sa Diyos ang pagbibinyag ni Juan, o sa tao? Sabihin ninyo sa akin.” At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: 'Bakit kayo hindi naniniwala sa kanya?' at paano naman nating masasabing galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan?” Takot nga sila sa bayan dahil tunay na propeta ang palagay ng lahat kay Juan. Kaya isinagot nila kay Hesus: “Hindi namin alam.” “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na gumawa ng mga ito.”   Pagninilay: Mga kapanalig, likas sa ating mga tao ang may mabuting kalooban. Nakikita ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay, dahil nilikha tayong kawangis ng Diyos. Bilang mga anak ng Diyos, naniniwala tayo sa Kanyang mga salita, at sumusunod sa Kanyang yapak sa paggawa ng kabutihan sa ating kapwa, sa tulong ng Kanyang mga biyaya. Pero may mga pagkakataong hindi madali ang gumawa ng kabutihan na ayon sa kalooban ng ating Panginoon. Maraming beses, may nakakaharap tayong mga balakid o nakakatagpo ng mga taong humahadlang sa atin. At minsan, kung sino pa ang mga taong inaasahan nating makapagbibigay ng suporta o tulong; sila naman ang hindi nakakaintindi, ang maraming tanong, at s'yang bumabatikos sa atin. Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang pagdududa ng mga punong pari at iba pa, sa karapatan ng ating Panginoon na gumawa ng kabutihan. Pero, wala din naman silang naisagot nang sila naman ang tinanong ng Panginoon. Kapanalig, sa ating mga pag-aalinlangan, nawa'y magingmatatag tayo sa ating pananampalataya at pagsunod sa Panginoong Diyos. Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya! Patuloy N'yo po kaming gabayan sa aming buhay. Tanglawan N'yo po ang aming isipan na mumulat sa Iyong katotohanan at kabutihan sa aming kapwa. Nawa'y sa panahon ng pagdududa, inggit, panghihina ng loob at pananampalataya, Kayo po ang aming maging sandalan at lakas. At harinawang, manatili sa aming puso ang iyong pag-ibig. Amen.   -Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
March 30 - Kapag Tinawag Niya, Iingatan Niya

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later May 12, 2023 3:56


Kapag Tinawag Niya, Iingatan Niya Kayo'y gagawin [ng Panginoon na] matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon. (1 Corinto 1:8-9, MBBTAG) Saan ka nagde-depend para matiyak na ang iyong pananampalataya ay tatagal hanggang sa pagdating ni Jesus?  Ang tanong ay hindi, Naniniwala ka ba sa walang-hanggang seguridad ng kaligtasan? Ang tanong ay, Paano tayo nananatiling ligtas?  Nakasalalay ba ang sigasig ng ating pananampalataya sa katapatan ng ating sariling determinasyon? O nakasalalay ba ito sa gawain ng Diyos para “patuloy tayong magtiwala”? Ito ay isang dakila at kamangha-manghang katotohanan ng Kasulatan, na ang Diyos ay tapat at pananatilihin magpakailanman ang Kanyang mga tinawag. Ang ating pagtitiwala na tayo'y ligtas magpakailanman ay pagtitiwala na gagawin ng Diyos ang anumang kailangan para “patuloy tayong magtiwala!” Ang katiyakan ng kawalang-hanggan ay hindi mas dakila kaysa sa katiyakan na patuloy tayong pagtitiwalain ng Diyos ngayon. Pero ang katiyakang iyan ay napakalaki para sa lahat ng tinawag ng Diyos.  Hindi bababa sa tatlong talata ang nag-uugnay sa tawag ng Diyos at sa pagpapanatili ng Diyos sa ganitong paraan. “Kayo'y gagawin [matatag ng Panginoon] hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon” (1 Corinto 1:8–9). “Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito” (1 Tesalonica 5:23–24). “Mula kay Judas, lingkod ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago—Para sa mga tinawag ng Diyos, mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at iniingatan ni Jesu-Cristo. Sumagana nawa sa inyo ang habag, kapayapaan at pag-ibig. (Judas 1–2). (Tingnan ang kaparehong katotohanan sa Roma 8:30, Filipos 1:6, 1 Pedro 1:5, at Judas 24.) Sinisiguro ng “katapatan” ng Diyos na pananatilihin Niyang ligtas magpakailanman ang lahat ng Kanyang tinawag.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Mayo 13, 2023 - Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 12, 2023 5:17


Mabuting Balita l Mayo 13, 2023 - Sabado Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo:  Jn 15:18-21 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n'yo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo'y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.' Hindi ba't inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin   Pagninilay: Pagtahak sa daan ng krus, ang tunay na pagsunod sa Panginoong Hesus. Pebrero ngayong taon, nabalitaan nating hinatulan ng pagkakakulong ng dalawamput-anim na taon, at pagtanggal sa kanyang karapatan bilang mamamayan ng Nicaragua, ang isang katolikong obispo, na si Rolando Álvarez, dahil sa kanyang paninindigan sa katotohanan laban sa mga katiwalian ng pamahalaan. Isa itong konkretong patunay sa Mabuting Balitang ating narinig.  Binalaan ng Panginoong Hesus ang kanyang mga alagad: “Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo.”    Mga kapanalig, ang pagpanig sa katotohanan, ang pagsabuhay ng Salita ng Diyos, at ang maging kinatawan ni Hesus sa mundong ito, wala mang pangakong buhay na katanggap-tangap sa lahat --- ang hamon ng Mabuting Balita sa araw na ito.  Marahil naranasan na natin ang tanggihan o itatwa, hindi lang ng ating mga kaibigan, kundi ng ating mismong pamilya, dahil nanindigan tayo sa katotohanan at tama. Sa karanasan din ng ating Mahal na Birheng Maria, nabago ang lahat, nang kanyang tanggapin na maging ina ni Hesus. Anong hirap at sakit ang kanyang dinanas nang sundan niya ang kanyang pinakamamahal na anak na inuusig, hanggang sa ito'y mamatay sa krus. Ano ang nagdala kay Hesus sa krus? Ang kasinungalingn o fake news! Ang mga kasinungalingang walang ka-abog-abog na tinatanggap ng karamihan, na sa kalauna'y nagmumukhang “katotohanan” na. Pero, ano pa man ang hugis ng isang kasinungalingan, paikot-ikutin man ito, mananatili itong isang kasinungalingan.  Mga kapanalig, patuloy ang paghikayat ni Hesus sa ating lahat, na manindigan sa katotohanan, sa lahat ng panahon at pagkakataon; maging kaaya-aya man ito o hindi, sa mga taong nakapaligid sa atin. Nawa'y patuloy tayong mamuhay, bilang buhay na patotoo ng Panginoong Hesus, ang Katotohanan, sa ating pagsasabuhay ng Kanyang mga turo at salita.  Taos-puso nawa tayong magpasalamat sa biyaya ng pagiging Kanyang kinatawan; at panghawakan ang kanyang pangakong, “Magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, dahil kasama na ninyo ako buhat pa sa simula.”   -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Abril 11, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 10, 2023 5:32


Mabuting Balita l Abril 11, 2023 Martes sa Oktaba ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: Juan 20:11-18 Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus.Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ale, bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni” (na ang ibig sabihin ay Guro). Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mona akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: 'Paakyat ako sa Ama ko at Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.” Pagninilay: Isinulat ni Fr. Joe-Nelo Penino ng St. Francis Xavier Parish, Archdiocese ng Caceres ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Napakasayang tunghayan ang mga serye nang pagpapakita ni Hesus sa kanyang mga alagad pagkatapos nang kanyang muling pagkabuhay. May dala itong saya, sigla at pag-asa sa ating buhay. Isa na riyan si Maria Magdalena, pinuno siya ng biyayamula sa Diyos; mapalad na nabigyan ng pagkakataong unang makasaksi at makakita na Buhay ang Panginoon. Matatandaan natin, na si Maria Magdalena ang babaeng pinatawad at tinanggap ni Hesus, sa kabila nang galit at poot ng kanyang kapwa sa kanya. Tunay nga namang sa muling pagkabuhay ni Hesus, kaligtasan ay natamo, lalong- lalo na sa ating mga makasalanan.  Ano kaya ang naramdaman ni Maria Magdalena sa muli nilang pagtatagpo ni Hesus? Mula sa matinding kalungkutan, panghihinayang, takot at kawalan, heto ngayon ang Mabuting Balita na Buhay ang Panginoon. Labis-labis na kasiyahan,ramdam na ramdam ni Maria Magdalena ang maliw sa kanyang puso at buhay. (Sa tanong ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak?” tila bagang lalong tumindi ang kanyang kalungkutan, at bigat nang pakiramdam ang bumalot sa kanyang puso. Pero, nang tawagin na siya sa kanyang pangalan, “Maria”, naiba na ang ihip nang hangin. Walang pagdadalawang isip na kinilala niya, na siya nga ang, “GURO”. Buhay ang Panginoon!) Ito ang kagalakan na dala nang Pasko ng muling Pagkabuhay, na sa kabila nang ating pinagdaraanan na hirap, lungkot, pighati, at bigat na mga pasan-pasan, may pag-asa tayong tinatanaw sa hinaharap. Ika nga, “at the end of the tunnel there is light, after the empty tomb there is life.” (Kailangan lang nating tanggapin, nang buong-buo, at manampalataya nabuhay si Hesus sa ating puso, diwa, isipan at buhay. Nawa'y ang yugtong ito ng ebanghelyo ang magdala nang pagpapanibago sa ating pananampalataya, pagtitiwala at pagsunod sa kalooban nang Dios.)  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Marso 10, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Mar 9, 2023 4:38


Mabuting Balita l Marso 10, 2023 – Biyernes Ikalawang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Mt 21:33-43, 45-46 Sinabi ni Hesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio: “Makinig kayo sa isa pang halimbawa; May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan, binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong subalit ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.' Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.' Kaya sinunggaban nila siya, at inilabas sa ubasan at pinatay. Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” ‘Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon. Pupuksain n'ya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.'” At sumagot si Hesus: “Hindi n'yo ba nabasa sa kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.' Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang Kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.” Nang marinig ng mga Punong-pari at mga Pariseo ang mga talinhagang ito, nauunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Hesus. Huhulihin na sana nila s'ya, ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa kanya bilang Propeta. Pagninilay: Natatanto ba natin ang magagandang oportunidad na dumarating sa ating buhay? Malamang, kulang ang mga daliri sa ating mga kamay at paa, kung bibilangin natin ang mga ito. Pero higit pa sa pagbibilang, pagyamanin sana natin ang mga pagkakataong ito hindi lang para sa ating ikabubuti, kundi para sa ikabubuti din ng ating kapwa. Nang sa ganun, maging karapat-dapat tayo sa mga kaloob na pagpapala ng Diyos. Ang problema sa atin minsan, katulad tayo ng mga katiwala sa Mabuting Balita ngayon. Nagiging ganid ang ilan sa atin sa mga biyayang ipinagkatiwala lamang sa atin ng Diyos. Mga kapanalig, pinapaalalahanan tayo ng Mabuting Balita na wala tayong pag-aari sa buhay na ito na hindi nagmumula Diyos. Tayo'y pawang mga katiwala lamang nang lahat ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Kaya marapat lamang na maging mabubuti tayong katiwala – mapagpakumbaba, matulungin at laging kinikilala ang Diyos bilang pinagmulan ng lahat ng tinatamasa natin ngayon. Nawa'y maging daluyan tayo ng pagpapala ng Diyos, lalo na sa mga kapatid nating nangangailangan. At laging mapagpasalamat sa Diyos sa lahat ng panahon at pagkakataon sa ating buhay. Ms. Imelda Benitez - Dometita

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 21, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 20, 2023 4:00


Mabuting Balita l Pebrero 21, 2023 – Martes Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mk 9:30-37 Umalis sa bundok si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya. Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan n'yo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila: “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Tinatanggap ako ng sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan. At kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin.” Pagninilay: Bukas na ang Miyerkules ng Abo—ang simula ng panahon ng Kuwaresma. Kaya naman akmang-akma ang ipinahihiwatig ni Hesus sa Mabuting Balita. Nalalapit na ang kanyang pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay. Nais ni Hesus na maunawaan ng kanyang mga alagad ang misteryong ito, pero sila'y walang pakialam at naging manhid sa hirap at pasakit na naghihintay kay Hesus. Ito ang pagkakasalungat sa landas ng Panginoon at sa landas ng mundo. Nagpakababa si Hesus, nagkatawang-tao at namatay sa Krus dahil sa kanyang dakilang pag-ibig. Pero, ang pinag-uusapan ng mga alagad sa Mabuting Balita ay ang kataasan o kadakilaan sa mata ng mundo. Mga kapanalig, ang tunay na mahalaga ay hindi yaong itinuturing na mahal sa mata ng mundo, kundi yaong pagmamahal na nagbibigay ng sarili para sa ikabubuti ng iba—iyan ang pagmamahal ni Kristo. Ika nga ni Hesus, “Ano ang mapapakinabangan ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan at mawala ang kanyang kaluluwa?” Araw-araw tayong nagpupursigi at kumakayod upang makamit ang minimithi nating kayamanan, kasikatan o kapurihan. Nawa'y hindi tayo maging bulag at manhid sa hinagpis at paghihirap ng iba dahil sa ating hangaring makamtan ang kadakilaan ayon sa pamantayan ng mundo. CL. JOHN ALFRED RABENA

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Pebrero 8, 2023 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 7, 2023 4:13


Mabuting Balita l Pebrero 8, 2023 Miyerkules sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mark 7:14-23 Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Makinig ang mga may tainga.” Pagkalayo ni Hesus sa mga tao, nang nasa bahay na siya, tinanong siya ng mga alagad tungkol sa talinhagang ito. At sinabi niya: “Wala rin ba kayong pang-unawa? Hindi n'yo ba nauunawaan na sa bituka pumupunta ang anumang pumapasok mula sa labas? Sapagkat hindi sa puso ito pumapasok kundi sa tiyan at pagkatapos ay itinatapon sa labas. Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masamang hangarin: kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.” Pagninilay: Isang radikal na pananalita at pag-iisip mula kay Hesus ang ating napakinggan sa Mabuting Balita ngayon. Hindi ang pumapasok mula sa labas ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa kanya. Dahil mula nga sa loob, sa puso ng tao dumadaloy ang masamang kaisipan at hangarin, na nag-uudyok sa kanya upang gumawa ng mga bagay na makasisira sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa. Oo, mga kapanalig. Mula sa loob; mula sa puso ng tao, ang mga bagay-bagay na makakasira sa tiwala, sa pagkaka-ibigan, sa relasyon o pakikitungo. Kapanalig, ano ba ang nilalaman ng iyong puso? Ano ang nasa iyong kalooban? Nananaig pa rin ba ang hindi pagpapatawad? Meron pa rin bang namumuong galit sa'yong puso? Isang paanyaya, isang pagpapa-alala ang ibinibigay ng Diyos ngayon: Tingnan, padalisayin at baguhin ang ating kalooban, ang ating puso. Nawa'y manaig ang kagandahang loob, pagpapatawad, pagpapakumbaba at pagmamahal. Tulad ng Panginoong Hesus, nawa'y maging radikal tayong suriin ang mga bagay-bagay na nagpapadumi at nagpapalinis ng ating kalooban. At hilingin natin ang tulong ng Banal na Espiritu na padalisayin ang ating kalooban, upang pawang mabubuting bagay ang dumaloy mula sa atin. Amen. - REV. FR. LORDAN LAGDA – Thomas Aquinas Major Seminary, Lyceum of Aparri, Archdiocese of Tuguegarao

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Feb 2 - Ang Cycle ng Pagpapatawad

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Feb 3, 2023 4:59


“At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.” (Lucas 11:4, ASND) Sino ba ang unang nagpapatawad kanino? Sa isang banda, sinasabi ni Jesus, “Patawarin n'yo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin.” (Lucas 11:4) Sa kabilang banda, sinasabi ni Paul, “Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.” (Colosas 3:13, MBBTAG) Kapag tinuturuan tayo ni Jesus na manalangin na patawarin tayo ng Diyos, “dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin,” hindi Niya sinasabing tayo ang gumawa ng unang hakbang sa pagpapatawad. Ganito talaga ang nangyayari: Pinatawad tayo ng Diyos nang sumampalataya tayo kay Cristo (Gawa 10:43). Pagkatapos, mula sa wasak, masaya, nagpapasalamat, at may pag-asang karanasan ng pinatawad na, inaalok natin ang kapatawaran sa iba. Pinapakita nitong espiritung nagpapatawad na tayo'y ligtas at pinatawad na. Kumbaga, pinapakita ng ating pagpapatawad na tayo'y nananampalataya; na tayo'y kaisa ni Cristo; na tayo'y pinamamahayan ng maawain at mapagpakumbabang Banal na Espiritu. Pero nagkakasala pa rin tayo (1 Juan 1:8, 10). Kaya lumalapit pa rin tayo sa Diyos para sa bagong aplikasyon ng pagkilos ni Cristo para sa atin — bagong aplikasyon ng pagpapatawad. Hindi natin ito magagawa nang may kompiyansa kung meron tayong espiritung hindi nagpapatawad. (Tandaan ang talinghaga tungkol sa aliping ayaw magpatawad sa Mateo 18:23–35. Tumanggi siyang patawarin ang kapwa niya alipin na may utang sa kanya ng sampung dolyar, kahit na siya'y pinatawad ng sampung milyon. Ipinakita ng kanyang espiritung ayaw magpatawad na hindi siya nabago ng habag ng hari.) Pinoprotektahan tayo ni Jesus mula sa kamaliang ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating manalangin, “Patawarin n'yo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkasala sa amin” (Lucas 11:4). Kaya sinasabi ni Jesus na humihingi tayo ng tawad dahil tayo ay nagpapatawad. Parang sinasabi natin, “Ama, patuloy mong ipagkaloob sa akin ang habag na binayaran ni Cristo, sapagkat pinatawad ako dahil sa habag na ito, at tinalikuran ko ang paghihiganti at ipinagkakaloob sa iba ang ipinagkaloob mo sa akin." Nawa'y maranasan mo muli ang kapatawaran ng Diyos ngayon, at nawa'y umapaw ang biyayang iyon sa puso mo sa pagpapatawad sa iba. At nawa'y bigyan ka ng dagdag na katiyakan ng matamis na karanasan ng biyaya sa iyong buhay na, kapag lumapit ka sa Diyos para maranasan ang bagong kapatawarang tinubos ng dugo ni Cristo, malalaman mong tinuturing ka Niya bilang Kanyang pinatawad at nagpapatawad na anak.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 21, 2023 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 20, 2023 4:03


Mabuting Balita | Enero 21, 2023 Sabado sa Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Marcos 3:20-21 Pagkauwi ni Jesus kasama ang kanyang mga alagad, nagsidating ang mga tao kayat hindi na sila nakakain. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kamag-anak, lumabas sila para hulihin siya. Sinasabi nga nilang “Nababaliw siya.” Pagninilay: Nasisiraan siya ng bait. Mapapansin na kahit ang ilan sa mga kamag-anak ni Hesus ay hindi nakakaunawa sa kanyang misyon. Itinuturo sa atin ni Hesus ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod-pagbibigay ng sarili ng buong -buo. Ang katapatan ni Hesus at ang kanyang pagbibigay ng sarili na walang kondisyon. Binibigyan tayo ng halimbawa ng tunay na paglilingkod o pagbibigay ng presensiya. Makikita natin ang impact o dating ni Hesus dahil hindi lang siya nangaral, gumawa ng milagro kundi higit sa lahat damang-damang ang kanyang concern o tunay na malasakit. Mga kapanalig, ang tunay na maghahatd ng tunay na kagalingan at pagbabago ay ang maramdaman ang ating tunay a pagbibigay na walang kondisyon. Bago pa sa ating ala-ala ang mga kuwento ng pagsasakripisyo ng marami sa ating mga front-liners nuong kasagsagan ng pandemya. Mga doctors, nurses mga nasa medical fields na nag-alay ng sarili at iba ay nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang commitment sa pagsiserbisyo ng uong katapatan. Ito nga ay konkretong pagbibigay ng saksi sa kanilang pagpapahalaga sa misyon na iniatas sa kanila ng Diyos. Ang ating ginugunitang Santa ngayong araw, si St Agnes ay nagpatotoo rin sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi niya alintana na ang kanyang pagpapatoo sa kanyang pananamalataya ay katumbas buhay niya. Nawa'y ang salita ng Diyos ang patuloy na magiging lakas natin at sandigan sa ating pagtugon sa ating pang araw-araw na pagkilos at pagbibigay ng ating presensiya sa ating kapwa, Amen. Lord, may my presence bring ang consolation everywhere. AMEN Sr. Justin Vargas, fsp l Daughters of St. Paul

SBS Filipino - SBS Filipino
Thankful for the lessons of 2022; may good health and stability continue in 2023 - Salamat sa mga aral ng 2022; nawa'y patuloy ang maayos na kalusugan at katatagan sa 2023

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 1, 2023 17:45


Despite the challenges of 2022, these Filipinos are thankful for their lives, family and their stability in Australia. - Sa kabilang ng mga hamon sa taong 2022, maraming ipinagpapasalamat ang mga Pilipinong ito sa kanilang buhay, pamilya at katatagan sa Australia.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Dec 30 - Binihisan at Binigyan ng Kapangyarihan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Dec 30, 2022 4:11


Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen. (Hebreo 13:20-21) Pinagtibay ni Cristo ang walang hanggang tipan sa pamamagitan ng dugo Niyang dumanak. Sa matagumpay na pagtubos na ito, natamo Niya ang pagpapala ng Kanyang pagkabuhay muli mula sa mga patay. Mas malinaw ito sa Griyego kaysa sa Ingles, at sapat na ang linaw nito rito: “Ang Diyos . . . ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus . . . dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.” Ang Jesus na ito — na binuhay ng dugo ng tipan — ay ating buhay na Panginoon at Pastol ngayon. At dahil sa lahat ng 'yan, may dalawang bagay na ginagawa ang Diyos: Ginagawa Niya tayong ganap sa bawat mabuting bagay para magawa natin ang Kanyang kalooban, at Ginagawa Niya sa atin ang kalugod-lugod sa paningin Niya. Ang “walang hanggang tipan,” na tinitiyak ng dugo ni Cristo, ay ang new covenant. At ito ang pangako ng new covenant: “Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso” (Jeremiah 31:33). Kung gayon, hindi lang sinisigurado ng tipan na ito na gagawin tayong ganap ng Diyos para magawa ang Kanyang kalooban. Tinitiyak din nito na kumikilos sa atin ang Diyos para gawing matagumpay ang ating pagiging ganap. Ang kalooban ng Diyos ay hindi lang nakasulat sa bato o papel bilang paraan ng biyaya. Kumikilos Siya para ilagay ito sa atin. At ito ang epekto nito: Nakakaramdam, nag-iisip, at kumikilos tayo sa paraang mas nakalulugod sa Diyos. Inuutusan pa rin tayong gamitin ang kagamitang ibinibigay Niya: “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos.” Ngunit ang mas mahalaga'y sinabihan tayo kung bakit: “Sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Filipos 2:12–13). Kung kaya nating pasayahin ang Diyos — kung gagawin natin ang Kanyang kalooban — ito'y dahil ang biyaya ng Diyos, na binayaran ng Kanyang dugo, ay dumaloy mula sa pagiging ganap patungo sa makapangyarihang pagbabago. Devotional excerpted from “God Gives the Equipment and Makes It Successful” This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/outfitted-and-empowered Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children's books. You can find her on IG: @joshenebersales John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita Disyembre 30, 2022 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 29, 2022 5:05


Mabuting Balita Disyembre 30, 2022 – Biyernes Ikaanim na araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang Ebanghelyo: Mateo 2: 13-15, 19-23 Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon naman si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Pagkamatay ni Herodes, nagpakita sa panaginip ang anghel ng Panginoon kay Jose at sinabi. “Bumangon ka at dalhin ang bata at ang kanyang ina at umuwi sa lupain ng Israel. Sapagkat patay na ang mga nagtangkang pumatay sa bata. Kaya bumangon si Jose. Kinuha ang bata at ang ina nito at pumunta sa Luapin ng Israel. Ngunit nang malaman ni Jose na si Arquelao ang hari ng Judea na kahalili ng kanyang amang na si Herodes, natakot siyang pumaroon. Kaya ayon sa ibinilin sa kanya sa panaginip, sa Galilea siya nag punta, nanirahan sila sa bayang tinatawag na Nazaret. Kaya natupad ang salita ng mga propeta. “Tatawaging siyang Nazoreo.” Pagninilay: Anong mga katangian ng banal na Mag-anak ang nais mo ring umiral sa inyong Pamilya? Nakakapagbigay ng ginhawang pagnilayan na si Maria at Jose ay nagturo sa kanilang anak na manalangin! Isa itong paglalakbay bilang isang pamilya. Nakakagaan din sa puso na sa buong maghapon sama-sama rin silang nagdadasal. Buong pamilya din silang magkakasamang pumunta sa Templo para makinig sa mga pagbasa mula sa mga Batas at mga Propeta at magkakasamang nagpasalamat sa Diyos sa kanilang pagsamba. Napakahalaga sa isang pamilya ang sama-samang paglalakbay tungo sa iisang adhikain o common goal! Sa ating sama-samang paglalakbay bilang isang pamilya, nararanasan natin ang mga hirap pero sama -sama rin nating natatamasa ang tuwa at kaginhawaan. At alam natin meron tayong daan na kinakailanagan tahakin nang sama-sama. Hindi ba't wala ng hihigit sa tuwa nating maranasan na sa ating pagdadasal sa umaga at sa gabi ang mga magulang ay magbibigay ng tanda o blessing sa mga bata. Isang simpleng paraan nang pagbibigay ng blessing. Ipinagkakatiwala natin sila sa pag-iigat at pag gabay ng Diyos. Sa ating pagdadasal sa harap ng hapag . Nagpapasalamat sa biyayang natanggap para sa pamilya at pag-alala sa mga kapwang nangangailangan din ng biyaya. Sa bawat paglalakbay, hindi lang ito natatapos kapag narating na natin ang ating destinasyon kundi sa ating pagbabalik tanaw. Iniisip natin ang mga aral na ating natutunan sa karanasang ito. Marahil sa pagpapatawad sa isa't-isa, na nagbibigay sa atin ng pagkakataong lumago sa ating pagkatao at isang pamilya. Nagkakaroon tayo ng mas malalim at makahulugan na paglalakbay dahil sa pagbibigayan ng pangunawa, pagpapatawad at suporta kung anuman ang pagkukulang at pagkakamali. Makabuluhan ang paalala ng ating Santo Papa, Pope Francis sa kanyang mensahe sa mga Pamilya nung “Year of Mercy” na “Huwag sana tayong mawalan ng tiwala sa ating pamilya. Napakaganda kung lagi tayong maging bukas sa isa't-isa. Kung merong pagmamahal, merong pag-unawa merong pagpapatawad." Nawa'y maging lakas natin ang halimbawa ng Holy Family, nina Jesus, Maria at Jose. Happy Feast of the Holy Family. God Bless You, A Blessed Christmas and A Blissful year 2023! AMEN SR. CLEMENCE MALLETE, Fsp l Daughters of Saint Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2022 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 3, 2022 5:07


Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2022 – Biyernes | Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH Ebanghelyo: Lucas 16:1-8 Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.' At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.' Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?' Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.' Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.' Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?' Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.' Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.' Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.” Pagninilay: Marami tayong puwedeng makuhang interpretasyon sa talinhagang binahagi ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon. Mayroon ding mga bahagi na hindi din malinaw para sa atin, tulad ng nagsisinungaling na alipin, sa siyang pinuri pa ng kanyang amo. Ang ibig sabihin ba nito ay hinihikayat ni Hesus ang ganitong pag-uugali? Pinapayagan niya ba tayong gumawa ng mali kahit na mabuti ang ating pakay? Paano natin ito maiintindihan, at maisasabuhay sa pang araw-araw? Kailangang maging malinaw sa atin na hindi dapat tayo humahanap ng kahit anong dahilan upang matanggap ang kahit anong hindi magandang gawain. Para sa pagpapalago ng Kaharian ng Diyos, patuloy tayong binibigyan ng pagkakataon upang magbago at gumawa ng mas nakabubuti pa sa kapwa. Hindi man aktwal na nangyari ang talinhaga, makikita natin na hinihikayat tayo ng Ebanghelyo ngayon upang sulitin ang lahat ng pagkakataong ibinigay sa atin ng Diyos upang makatulong tayo sa pagpapalago ng kanyang Kaharian. Maaring dahil tayo'y tao lamang, naghahangad tayo ng kasiguraduhan o kayamanan, ngunit ito ba ay dadalhin natin sa langit? Nawa'y manaig sa atin ang kagustuhang makamit ang espirituwal na kayamanan, ang kayamanan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, para sa ikabubuti natin at ng ating kapwa. Amen. - Br. Joseph Panaguiton, AA | Augustinians of the Assumptions

amen assumptions ang hindi ano kaya nawa paano diyos hesus narito mayroon linggo sinabi nawa'y mabuting balita ebanghelyo sumagot
EngotSilog
EngotSilog EP50 - Engotokat Pt.2

EngotSilog

Play Episode Listen Later Nov 1, 2022 59:29


O diba nabintin ka sa part 1? Edi tapusin natin ang takot mo at mas matakot pa sa part 2 ng Halloween special namin. Nawa'y tumayo ang balahibo mo at napatalukbong ka ng kumot at hindi nagpatay ng ilaw bago matulog. Wag ka mag-alala di ka nag iisa...

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Oktubre 28, 2022 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 27, 2022 6:08


Mabuting Balita | Oktubre 28, 2022 – Biyernes Ika –30 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6: 12-16 Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag umaga na, tinawag n'ya ang kanyang mga alagad at pumili s'ya ng labindalawa sa kanila na tinawag n'yang Apostol: si Simon na pinangalanan n'yang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging taga-pagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Hesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad n'ya at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem, at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu, kaya sinikap ng lahat ng tao na mahipo s'ya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya na nagpapagaling sa lahat. Pagninilay: Ang kahit sino sa atin ay maaaring piliin ng Panginoon para sa isang natatanging misyon. Hindi kailangang sikat ka, may posisyon, maraming talent, maabilidad o may mataas na pinag-aralan upang maging instrumento ng kabutihan at ng paglago ng pananampalatayang Kristiyano. Ginugunita natin ngayon ang kapistahan ng dalawa sa mga napiling apostol ni Hesus—sina San Simon at San Judas Tadeo. Sila ay kabilang sa labing dalawa ngunit hindi sila masyadong kilala. Sa Biblia, kaunti lamang ang nasasaad tungkol sa kanila, maliban na lamang sa isang sulat sa Bagong Tipan na iniuugnay kay San Judas Tadeo. Sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo at San Marco, kilala si San Simon sa tawag na “Cananaean”. “Simon the Zealot” naman ang bansag sa kanya ni San Lucas. Ito ay mga pangalan na parehong nangangahulugang “zealous” or “ardent”— patunay sa kanyang pagiging masugid na Hudeo na pinahahalagahan ang pagmamahal sa Diyos at sa sarili niyang bayang Israel. Si San Judas naman ay kilala sa tawag na “Tadeo” at “Anak ni Santiago” sa synoptic Gospels. Sa Ebanghelyo ayon kay San Juan, siya ang alagad na nagtanong kay Hesus: “Panginoon, bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?” Nang dahil sa katunungang ito at naipahayag ni Hesus ang hamon na kalakip at bunga ng pagmamahal natin sa kanya: “Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.” Ang pagpili ng Panginoon kina San Simon, San Judas Tadeo at sa iba pang apostol ay di nakasalalay sa sarili nilang kusa, kakayahan at gawa. Bagkus ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos na syang sumusuri at nakakakilala sa kanila. Ginamit at pinalago ng Panginoon ang kanilang mga likas na katangian. Ang kanilang sigasig at pagiging bukas na makipaglahok sa gawain ng Panginoon ay naging instrumento ng kabutihan at pagmamahal. Ang bawat isa sa atin ay tinatawag din ng Panginoon para sa natatanging misyon. Inaanyayahan tayong maging bukas sa tawag ng Diyos na magsilbi sa kapwa o maging katuwang Niya sa pagpapalago ng Kanyang Kaharian dito sa mundo. Nawa'y walang pagod din nating isabuhay ang mga halimbawa at turo ni Hesus. Nang sa gayon, tayo din ay maging mga totoong saksi ng Mabuting Balita. - Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Disciples of the Divine Master

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Oktubre 5, 2022 – Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Oct 4, 2022 4:38


Mabuting Balita | Oktubre 5, 2022 – Miyerkules Ika – 27 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 11:1-4 Isang araw, nananalangin si Hesus sa isang lugar at pagkatapos niya'y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung papaanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Hesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin kami sa aming mga sala; tingnan mo't pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.” Pagninilay: Pinalaki si Jesus ng kanyang mga magulang, nina Maria at Jose, na maging isang tapat na Hudyo. Kaya nagdarasal si Jesus tuwing umaga araw, tanghali, at gabi. Pero kung ating babasahin ang ebanghelyo, sa maraming pagkakataon, hindi nakukontento si Jesus sa magdasal lamang doon sa mga oras na kailangan nilang magdasal bilang Hudyo. Madalas siya nagdarasal nang mag-isa. Minsan gigising siya ng maaga para manalangin. O di kaya sa gabi kapag tulog na ang mga alagad ay aakyat ng burol o bundok upang magdasal. Pinagninilayan ni Jesus ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Kanyang sinusuri sa panalangin kung ang kanyang mga ginagawa ay naayon pa ba sa kalooban ng Ama…dahil ‘yon naman talaga ang kanyang misyon sa mundo—ang gawin at tupdin ang kalooban ng Ama. Ang kalooban ay nanggaling sa salitang-ugat na “loob.” At hindi lamang ito kabaligtaran ng salitang “labas.” Para sa ating mga Pilipino ang “loob” ang isang sagradong lugar kung saan nakakatagpo natin ang Diyos. Ang pagpunta ni Jesus sa ilang ay isa pagpasok sa kanyang kalooban upang makatagpo ang kanyang Ama. Kaya nga kapag ibinabahagi natin ang ating sarili sa isang tao—sa isang kaibigan o sa isang spiritual director—sinasabi natin na “palagay ang ating loob” dahil alam nating hindi tayo huhusgahan. At pagkatapos nating ibunuhos ang ating mga “sama ng loob” ay gumagaan ang ating pakiramdam. At hindi lamang ‘yon, nagkakaroon din tayo ng “lakas ng loob” na harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Nawa'y hindi tayo magsawang manalangin, na pumasok sa ating kalooban upang makatagpo ang Diyos at nang ating malaman ang kanyang kalooban para sa ating buhay. Amen. – Fr. Anthony Capirayan, SSP | Society of St. Paul

jesus christ pero amen ama ang kaya kung nawa pilipino diyos minsan hesus panginoon madalas linggo nawa'y oktubre miyerkules mabuting balita
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 15, 2022 5:03


MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lc 8:1-3 Naglibot si Hesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya. Pagninilay: Namimili ka ba ng mga tao sa paligid mo? Ikaw ba ay isang “choosy”? kung gayon para sa iyo ang mensahe ng pagkakapantay-pantay na ibinibahagi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon. Madalas nating naririning sa ebanghelyo ang pangalan ng mga kalalakihan na tinawag at pinili ni Hesus, at bibihira ang pagbibigay diin sa mga pangalan ng mga kababaihan na naging mahalagang bahagi sa ministeryo ni Hesus. Ngayong araw inilalahad sa ebanghelyo na pantay-pantay ang lahat sa paningin ng Diyos, lahat ay may kakayahang mag-alay ng sarili at panahon sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Lahat ay dapat kabahagi sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Hindi mapali ang Diyos sa mga taong nasa paligid niya, ngunit pinili sila upang maging kabahagi at kasama- dahil lahat ay kabilang sa paghahari ng Diyos. Sa konteksto ng kasalukuyang panahon tayo ay hinahamon ng ebanghelyo na makibahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting balita na walang pinipiling kasarian ang bawat isa ay may bahaging dapat gampanan sa loob ng Simbahan at sa pamayanan dahil walang isinasantabi ang paghahari ng Diyos. Sa sulat ni san Pablo sa mga taga Corinto, hinihikayat niya na maging mga buhay na saksi ng muling pagkabuhay ni Kristo ang mga ito, binibigyang diin ni San Pablo ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Kristo –dahil ang pagkabuhay na Muli ni Hesus ay nangangahulugan ng katuparan ng pangako ng pagliligtas ni Hesus. Kung hindi tayo maniniwala Malaki ang mawawala sa buhay natin, ang atas ng pag-ibig ay dapat ibahagi sa iba- dapat ay kabahagi tayo sa kaligtasan ng lahat. Kagaya ni Hesus sa ating paglalakbay sa buhay may mga tao din tayong makakasama upang tumulong at maglaan ng yaman, talino at lakas para sa pagtupad natin ng ating misyon. Ang paglilingkod sa Diyos at kapwa ay bokasyon na bukas para sa lahat ng kasarian. Nawa'y maging tapat tayong mga tagapagbahagi ng mapagpanibagong pagmamahal ng Diyos at maging daluyan tayo ng kanyang mga biyaya. - NOV. MIKO DELA CRUZ, SSP

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 5, 2022 – LUNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 4, 2022 4:45


MABUTING BALITA l SETYEMBRE 5, 2022 – LUNES Ika – 23 na LINGGO sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lc 6:6-11 Sa iba namang Araw ng Pahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang kamay. Pinagmamasdan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagalingin ito ni Hesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya. Ngunit alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka't tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Matanong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa niya ito at gumaling ang kanyang kamay. Galit na galit naman sila at magkakasamang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Hesus. Pagninilay: May isang post na naka-agaw sa aking pansin sa Facebook. Sa naturang post ay isang chatbox na nagpapakita ng sandamakmak na pagsabi ng “mahal kita” na may isang “ang pangit mo”. Natural, ang taong sinendan ng mensahe, ay nagtanong kung bakit may naiibang message doon. Ang sagot lamang ng tao ay “ganyan tayo eh, sa dami ng mabuti kong sinabi, doon ka nakatingin at nakapokus sa masama.” Mga kapatid, ganito rin ang situwasyon ni Kristo sa ating Mabuting Balita ngayon; sa dami ng mabuti niyang ginawa, ay mas nakatingin at nakatutok pa rin ang mga eskriba at mga Pariseo sa kung anong mali ang pwede niyang gawin. Ang kanilang mga puso ay puno ng galit, poot, at inggit na nagpigil sa kanila upang makitaang kabutihang dulot ni Hesus. Kaya kaniyang pinaalala sa kanila ang isang importanteng bagay: ang pagpili ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa kailanman at saanman kahit na anuman ang isipin ng iba tungkol dito. Madalas, hindi natin nagagawa ang mga gawaing mabuti sa iba, dahil takot tayo kung ano man ang sabihin ng iba. Ang mga salita at paratang na tinatapon sa atin ay hindi repleksyon kung ano tayo, kundi ito ay nagpapakita kung anong klaseng tao ang mga humuhusga sa atin. Nawa'y huwag nating hayaang diktahan tayo ng ibang tao sa mga mabubuting gagawin natin para sa ating kapwa. Ating alalahanin ang sinabi ni San Juan Maria Vianney, “Huwag subukang pasayahin ang lahat. Sikaping pasayahin ang Diyos, ang mga anghel, at ang mga banal - sila ay iyong publiko.” -Nov. Anjon Fredrick C. Mamunta ng Society of Saint Paul

ATBP7
RADYO PILIPINAS INTERVIEW FOR IDEAL SIOMAI FOOD CART FRANCHISING BUSINESS!

ATBP7

Play Episode Listen Later Aug 28, 2022 41:55


Love this ❤️ Please take time to listen thoroughly po sa aking Live Interview kahapon sa Radyo Pilipinas para po mas maging malawak ang kaalaman natin sa Franchising Business. Pwede niyo rin pong share sa Facebook or to your friends and colleagues. ATBP7 BUSINESS SEGMENT: Franchising Business Sa mga interested po na magtayo ng Food Cart Franchising Business ay pwede niyo po akong kontakin sa 09774548445 & 0275274062. You can also follow me on Facebook and Subscribe to My YouTube Channel ATBP7 para po mas marami kayong matutunan. You Can Watch The Actual YouTube Video Through The Link Below: https://youtu.be/XkC92AKSStI PLEASE LIKE AND SUBSCRIBE TO MY OFFICIAL YOUTUBE CHANNEL ATBP7: https://www.youtube.com/channel/UCXuH33Fq0jp3Q9C1d9i0DWA Follow Carla Lalie Flamenco Francisco: Facebook: https://www.facebook.com/ricarlaf Twitter: https://twitter.com/DUCHESSCarla22 Pinterest: https://www.pinterest.ph/Pretty_Ricarla/ Instagram: https://www.instagram.com/pretty_ricarla/ Spotify: https://open.spotify.com/show/5LgQKypoXxW68uQNEMn8Eq?si=FkkLKTA_Sf6GP7DEp0hUOA You can also check my other videos about travel and leisure, as well as businesses, etc. If you want to earn extra money using applications, you can also click the links below for your free subscription and more. *MAKE MONEY Do you enjoy completing tasks at your own pace? Try one of the easiest money-making applications for free and earn 30 Credits right away by registering using code R6WMJ7. EARN QUICK MONEY TIPS: 1) 20 Credits OPENING THE APP DAILY 2) 50 Credits COMPLETING YOUR PROFILE *WordPress https://wordpress.com/refer-a-friend/... *PH TODAY https://l.facebook.com/l.php?u=https%... *ENTIREWEB https://l.facebook.com/l.php?u=https%... *FEATURE POINTS https://featu.re/XAMG5Z *PAID TO READ EMAIL https://www.paid-to-read-email.com/?r=1852090 *FRANCHISING BUSINESSES: "Ideal Siomai AND Pure Obsession" HURRY UP!! Book An appointment with us for Business Orientation, Food Tasting, Process Training, and Cart Viewing. Siguradong kikita ang Franchise mo!! FRANCHISE NOW! FOR INQUIRIES: PLS PM, TEXT, OR CALL Globe 09774548445 Landline 0275274062 You may also visit and message our Business Page: https://www.facebook.com/veryaffordablesiomaifoodcart Maraming Salamat po ulit sa napakagandang pagkakataon na ibinigay sakin ng Radyo Pilipinas at ni Ms. Tes Ramirez upang makapagbigay ng mga importanteng impormasyong ukol sa pagtatayo ng negosyong Food Cart Franchising Business. Nawa'y marami tayong matulungang tao upang mas lalo pang madagdagan ang ating kaalaman at ang ating kita para sa ating pamilya. God Bless :-)

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l AGOSTO 15, 2022 – LUNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 14, 2022 5:37


MABUTING BALITA l AGOSTO 15, 2022 – LUNES Ika – 20 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lc 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. Pagninilay Nagdadalang-Tao at nagdadalang-Diyos (Pagninilay sa Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa langit) - Ang kapistahan ng pag-aakyat sa Mahal na Birheng Maria ay tunay na makabuluhan sa atin dahil sa pamamagitan nito'y ipinagdiriwang din natin ang ‘di matatawarang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, sapagkat nilayon Niyang ang isang taong tulad ni Maria ay mai-akyat sa langit. Ito'y nagpapatunay na si Maria ay isang ehemplo sa atin dahil sa kanyang tanang buhay, naka-sentro siya kay Hesus. Sa ebanghelyo, nailalahad kung paanong nagmamadaling tumungo si Maria sa Judea para batiin at tulungan ang kanyang pinsang si Elisabeth. Sa yugtong ito'y dala na ni Maria si Hesus sa kanyang sinapupunan. Si Maria ay nagdadalang tao at nagdadalang-Diyos! Isa itong panawagan sa ating lahat, na tulad ni Maria, maging bukas tayong tanggapin si Hesus, at magmadali din tayong ibahagi Siya sa mga taong nangangailangan ng Kanyang presensya. Sinundan ito ng pagbati ni Elisabeth na isang pagpapahayag ng katotohanang si Maria ay ang Ina ng Panginoon, at ang papuri ni Maria, ang kanyang Magnificat. Makikita natin na hindi nagsimula at nagtapos kay Maria ang kwento. Dala si Hesus, humayo siya at tumungo. Matapos ang pagbati ni Elisabeth, itinaas niya ang papuri at pasasalamat sa Diyos. Samakatwid, tunay ngang ehemplo si Maria para sa atin, sa aspeto ng pagiging bukas at tapat sa plano ng Diyos sa ating buhay. Sa ating pagninilay, bukas ba tayo sa pagtanggap, pagsunod at pagpapahayag ng presensya at pag-ibig ng Diyos sa ating buhay? Nawa'y sa ating paghayo, sa ating pagbati, at sa ating papuri, maging tulad tayo ni Maria na nagdadalang-Diyos! Bro. Romel A. Bautista,

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l AGOSTO 1, 2022 – LUNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 31, 2022 6:19


MABUTING BALITA l AGOSTO 1, 2022 – Lunes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon San Alfonso Maria Liguori, obispo at pantas ng Simbahan Ebanghelyo: Mt 14:13-21 Nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang mga bayan. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang mga maysakit. Nang hapon na ‘yon, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.” Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” “Akin na.” At niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso—labindalawang punong basket. Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata. Pagninilay: Maging buhay na tanda ng pagmamahal ni Kristo! Tubig ang ginagamit sa binyag, Universal ito, ibig sabihin saan mang dako sa mundo tubig ang ginagait sa pagbibinyag. Samantalang wheat bread, grape wine at olive oil –ang ginagamit sa Eukaristiya at sa kumpil. Nabanggit sa Ebanghelyo na gumamit din si Hesus ng mga pagkaing ito. Nanghingi Siya ng inumin sa Babaeng Samaritana. Nagpakain siya sa maraming tao. Sa kasalan sa Cana, (he changes water into wine) ginawa niyang alak ang tubig. Hindi binanggit sa Ebanghelyo na ginamit ni Hesus ang olive oil. Pero, nanganaghulugan ang pangalang “Kristo” the anointed one; sa Lumang Tipan, ang mga pari, mga propeta at mga hari ay pinapahiran ng lana. Maari rin nating idagdag sa mga sacramental signs na ito ang isa pang pagkain, ang isda. Nang muling nabuhay si Hesus, pinatunayan Niyang siya ay tunay na buhay sa pamamagitan nang pagkain niya ng isda. Ipinagluto niya rin ang kanyang mga disipulo ng breakfast na inihaw dun sa dalampasigan ng dagat ng Galilea. Sa huling pangyayaring ito, ang isda ay naging tanda ng isang (invinsible grace) hindi masusupil na biyaya. Nagkaroon ng malalim na kahulugan ang isang pirasong isda sa karanasan ng mga alagad. Hindi lamang ito ordinaryong pagkain na bumusog ng kanilang pisikal na pagkagutom. Nakakatanggap din tayo ng “unli” o unlimitaed grace sa tuwing pagtanggap natin kay Hesus sa komunyon. Minsan, sa isang grocery store, merong mama at isang esdyante na magkasunod ang nasa unahan ko sa pila. Nung kinuwenta ng cashier ang babayaran nung mama ay medyo kinulang yata ang pera nito. Akma na nitong ipagpaliban ang isang lata ng sardinas pero mabilis namang ibinalik ito ng nakasunod na estudyante sabay ngiti na sinabing. “Kuya, ako napo ang bahala.” Medyo, nag-alangan pa ito pero tinanggap na rin ang alok sa kanya. Bakas sa mukha ni kuya ang ngiti at pasasalamat bago umalis. Mga kapatid, isang simpleng kuwento ng pagiging bukas- palad. Tunay nga na naghahatid ng kakaibang kagalakan ang pagbibigay. Nawa'y maging alisto tayo sa pagtugon sa mga kapatid nating nagugutom material man ito o pangangailangang espiritwal. Handa ka bang maging tanda ng pagmamahal ng Diyos sa araw na ito? Sr. Amelyne, FSP

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HULYO 22, 2022 – BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 21, 2022 5:57


HULYO 22, 2022 – Biyernes sa Ika – 16 na Linggo sa Karaniwang Panahon Kapistahan ni Sanata Maria Magdalena Ebanghelyo: Jn 20:1-2,11-18 Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta sa libingan si Maria Magdalena, habang madilim pa. Nang makita niyang tinanggal ang bato mula sa libingan, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Hesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” Nanatili sa labas ng libingan si Maria na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa nama'y nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Hesus. Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya ng mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Hesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Bakit ka tumatangis? Sinong hinahanap mo?” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya, “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n'yo sa akin kung saan n'yo siya inilagay, at kukunin ko siya.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Pagkaharap niya ay winika niya sa kanya sa Aramaiko: “Rabbouni”, na ang ibig sabihin ay Guro. Sinabi sa kanya ni Hesus: “Huwag mo akong pigilin sapagkat hindi pa ako nakaka-akyat sa aking Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: ‘Paakyat ako sa Ama ko at sa Ama n'yo, sa Diyos ko at Diyos n'yo.'” Pumunta si Maria Magdalena, na nagbalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon. At ito ang sinabi niya sa akin.” Pagninilay: Si Santa Maria Magdalena ang unang disipulong nakasaksi sa muling nabuhay na Kristo. Narinig natin sa Ebanghelyo na labis ang kaniyang pagdadalamhati, nang matuklasan niyang wala ng laman ang libingan nito. Hindi niya kaagad nakilala na si Hesus na pala ang nakikipag-usap sa kanya. Hanggang sa siya ay tawagin nito sa kanyang pangalang, “Maria”. Sa yugtong iyon, nakilala na ni Maria Magdalena ang panginoon, si Kristong muling nabuhay! Mga kapanalig, nagpaalala sa atin ang Kapiestahan ni Maria Magdalena sa espesyal na misyon ng mga kababaihan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Malaking challenge ito sa ating panahon ngayon. Madalas kasi, kinikilala lang ang mga kababaihan bilang Marites, Maricor at Marisol. Pero, alam natin na hindi ito ang tunay na papel ng mga kababaihan. Nawa'y sa tulong ng mga panalangin ni Santa Maria Magdalena maging instrument tayo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ipalaganap ang Katotohanan na magdadala ng tunay na kapayapaan, pagkakaisa at hustisya sa pamamagitan ng ating presensiya sa ating mga komunidad o kahit sa social media. Ito ay nag-aanyaya sa atin na sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, huwag nating kalilimutang makinig at maging laging bukas para sa Diyos na hindi kailanman mang-iiwan. Nawa'y katulad ni Santa Maria Magdalena, mamuhay tayo na puno ng pag-asa upang magsilbing mga saksi sa muling nabuhay na Kristong Hesus! -SR. ANALYN PANTOJAN, FSP

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HUNYO 25, 2022 - SABADO

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 24, 2022 5:03


Mabuting Balita | Hunyo 25, 2022 Sabado Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria Ebanghelyo: Lucas 2: 41-51 Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila't mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso. Pagninilay: Saan nga ba natin madalas makita ang Panginoon? Sa Simbahan lamang ba? Sa tahanan? Sa lugar kung saan tayo nagtatrabaho? Sa lansangan? Saan nga ba natin nakaka daupang palad ang Panginoon? Naniniwala ako na ang isa sa pinaka paboritong tambayan ng Panginoon ay walang iba kundi sa ating mga Puso. Kamusta na ba ang ating mga puso? Malinis pa ba ang ating mga puso para sa ating Panginoon? O tambak na ba ng mga kalat na at dumi ito ng mga bagay na nakakasama sa ating Puso? Puro galit, pighati, hindi pagkakaunawaan, walang pagpapatawad, kasakiman. Puso na puro na lang ikukumpara ang sarili sa iba? Puso na may selos, puso na puro na lang reklamo? Ngayong kapistahan ng kalinis-linisang puso ng mahal na ina nating si Maria. Tayo ay pinapaalalahanan na ating alagaan, linisan, ayusin, at baguhin ang ating mga puso para sa ating Panginoon katulad ng Puso ng ating mahal na ina na handang magmahal sa Panginoon. - Rev. Fr. Januarius Ma. Paglinawan, MMHC | Marian Missionaries of the Holy Cross PANALANGIN: Panginoon, tulungan Ninyo po kaming magkaroon ng pusong tapat at nagmamahal. Ama, manahan ka nawa sa aming mga Puso upang aming manibago ito at maging pusong katuwang mo. Nawa'y matularan naming ang Puso ni Maria na simula't sa huli ay walang sawang nagmamahal sa iyo. Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HUNYO 24, 2022 - BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 23, 2022 4:46


Mabuting Balita | Hunyo 24, 2022 Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus Ebanghelyo: Lk 15, 3-7 Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo at mga guro ng batas, ang talinghagang ito sa kanila “Kung may isandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuang ito'y masaya niya itong pipasan sa balikat. At pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa!' Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang pagsisi.” Pagninilay: Mapagpalang Kapistahan ng Kabanal Banalang Puso ni Hesus! Nawa'y patuloy na umaalab ng pagmamahal at pagkalinga ang ating mga puso tulad ng puso ni Hesus. Katiyakan, kapanatagan at radikal na pagmamahal ang hatid sa atin ng mga pagbasa sa araw na ito. Nakakataba sa puso na malaman mula sa Ebanghelyo kung gaano tayo kahalaga sa Diyos. Akalain nyo, handa nyang iwan ang syamnaput-syam alang alang sa isang nawawala, at sya'y nagdiwang hindi lamang mag-isa, kundi nangimbita pa ng ibang mag-sasaya dahil ito'y kanyang natagpuan. Marahil sa iba ay isa itong katangahan, o isang kabalintunaan ng buhay. Bakit ka nga ba naman susugal o iiwanan mo ang mas nakararami para sa isang nawawala o para sa isang pasaway? Mahirap unawain ngunit POSIBLE para sa isang tunay na Pastol. Ang isang tunay na Pastol ay di napapagod ang puso. Ito'y patuloy na nagmamahal, umaasa, naghihintay, nagpapaubaya. Sa kasalukuyang panahon, mayron pa bang tunay na mga Pastol? O baka masyado na tayong babad sa fake news sa social media kaya di na natin makita ang tunay na mukha ng isang mabuting Pastol! Di na natin alam paano magsiyasat ng tunay at huwad na Pastol. Para sa akin, ang mukha ng isang tunay na Pastol ay ating narinig sa mga pagbasa ngayong araw. Ito'y nararanasan ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw-raw. Ito'y nakita ko sa isang Pastol ng ating bansa na naging liwanag sa gitna ng dilim dala ng pandemya, karukhaan at kawalan ng hustisya. Mas nakita ko ito sa kanyang mga salita, halimbawa at gawa. Lahat tayo ay mga Pastol saan man tayong estado ng ating buhay. Nawa'y patuloy tayong tumugon sa panawagan ni Hesus na maging radikal sa ngalan ng pagmamahal sa ating kapwa at bayan. Amen. SR. CARMEL, FSP

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HUNYO 22, 2022 - MIYERKULES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 21, 2022 3:23


Mabuting Balita | Hunyo 22, 2022 Miyerkules sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Mt 7:15-20 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga lobo naman sa loob. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan? Namumunga ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang puno. Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.” Pagninilay: Ang ebanghelyong narinig natin ngayon sinasabi sa atin ng ating Panginoon “na nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy.” Suriin natin ang ating mga sarili, ano ba ang binubunga o pinoproduce natin kabutihan ba o kasamaan? Makikita natin ito sa pamamagitan ng ating mga ugali at kung paano natin tratuhin ang ating kapwa. Tinutulungan ba natin silang palalimin and kanilang pananampalataya o di kaya tayo ang dahilan ng paglayo nila sa Panginoon? Tayo'y mga anak ng Diyos at mahal niya tayo at ninanais niya na magbunga tayo ng kabutihan. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging instrumento ng habag at awa sa ating kapwa at sa ating mga sarili.Nawa'y ang salita ng Diyos ay maging gabay natin patungo sa pagbabago ng ating mga sarili at magbunga tayo ng pag-ibig sa ating kapwa at sa Panginoon ng sa ganon ay makamit natin ang buhay na walang hanggan. Amen. SR. ANALYN, FSP

sr amen hindi kaya tayo nawa fsp ika diyos hesus panginoon linggo nawa'y miyerkules mabuting balita
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HUNYO 8, 2022 - MIYERKULES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 7, 2022 5:25


Mabuting Balita | Hunyo 8, 2022 Miyerkules sa Ika-10 Linggo ng Taon Ebanghelyo: Mateo 5:17-19 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-kaganapan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.” Pagninilay: Sa mabuting balita natin ngayon sinasabi ng Diyos sa atin na “Kung sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit- liitang bahagi nito at magpaturo nang gayon sa mga tao ay ibibilang na pinakamababa ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.” Ang bawat Salita ng Diyos ay importante, at nakapagbibigay liwanag sa dilim nating karanasan sa buhay o di kaya nakapagbibigay lakas sa atin kapag tayo ay lugmok na hirap at pighati. Yan ang mahahalagang aral na ating mapupulot kapag tayo ay nakikinig sa kanyang salita. Nais nang Diyos ay mapabuti tayo kaya araw -araw binibigyan tayo ng pagkakataon na itatama ang ating pagkakamali. Ganun tayo kamahal na Diyos. Nererespito niya ang ating desisyon kung susunod bah tayo sa kanya or mag bingibingihan tayo sa kanyang imbetasyon na ibahagi sa iba ang ating natutunan or di kaya'y mga inspiring words na nakakapag enlighten sa atin sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Base sa aking experience, tunay nga nakakapagbigay comfort siya sa akin sa mga sandaling ako ay nabibigatan na sa mga pagsubok at hamon sa buhay. Ito ay naging daan sa akin na maging matatag sa mga challenges in life. Nakapagbibigay bah tayo ng comfort sa iba na may pinagdaraanan sa buhay sa pinopost natin online? O di kaya tayo pa ang nag seshare ng fake news online? Kaya inaanyayahan tayo ng Diyos na magbabahagi ng katotohan na nakaka uplift ng damdamin hindi yung fake news. Marami sa atin na agad naniniwala sa kung ano ang nakikita o pinopost online. Maging vigilant po tayo at suriin ng mabuti kung totoo po ang balitang ito. Uso ngayon ang maraming fake news kaya sa ating ebanghelyo ngayon nais ng Panginoon na maging instrumento ang bawat isa sa pag bibigay liwanag at itama ang mga maling impormasyon. Alam natin na mahirap po itong gawin dahil sa mga trolls online ngunit sa tulong po ng Panginoon through His Holy Spirit makakaya nating gawin ang mga bagay na sa tingin natin ay imposible. Basta manalig po tayo sa kanya na sa huli mananaig pa rin ang katotohan. Manalangin po tayo, Panginoon tulungan niyo po kaming isabuhay ang iyong mga salita at maging daan kami sa pagdaloy ng iyong awa at habag through our suffering brothers and sisters. Nawa'y buong puso naming tuparin ang iyong ninanais na huwag kalimutan ang iyong mga turo at bilin sa amin. Amen!

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA l HUNYO 4, 2022 - SABADO

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 3, 2022 4:53


Mabuting Balita | Hunyo 4, 2022 Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Ebanghelyo: Jn 21:20-25 Paglingon ni Pedro, nakita n'ya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib n'ya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi n'ya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko s'yang manatili hanggang ako'y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito'y may lumaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: ‘Hindi mamamatay' kundi ‘kung loobin ko s'yang manatili hanggang sa aking pagdating.' Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko'y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat. Pagninilay: Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito? Si Pedro masyadong curious sa mangyayari kay Juan. May pagka-Marites din ba siya? Mga kapanalig, hindi ba't sa mararaming pagkakataon naging kagaya tayo ni Pedro, curios sa kung ano ang mangyayari sa iba. Na minsan nakakalimutan natin na ang bawat buhay natin ay nakaukit na sa palad ng Diyos. Alam na Niya na mapapabuti tayo kung isasabuhay natin ang kanyang mga salita at sumunod sa mga tagubilin Niya. Sabi nga ni Hesus: Ano sa iyo ang maging buhay niya, basta ikaw, sumunod ka sa akin. Kumalat pa ang balita na hindi mamatay agad si Juan. Alam natin na si Juan ay hindi namatay bilang martyr, siya ay namatay sa katandaan dahil yun ang tadhana na inilaan ng Diyos sa kanya. Samantala si Pedro at ibang apostol ay naging mga martir. Ang balita parang apoy na kumakalat agad, marami ang nasisira ang dangal dahil sa mga haka-haka at usyuso. Pag pinag-uusapan ang buhay ng ibang tao para itong musika sa ating mga tainga. Pero pagtayo ang napag-usapan para tayong apoy rin na handa kumalat ng lagim. Ito ang dapat nating bigyan ng pansin, ang kahalagahan ng respeto sa kapwa at pag-iwas sa pagkakalat ng hindi maganda tungkol sa iba. Makinig sa salita ng Panginoon na walang ibang hiling sa atin kundi ang maging tapat at may pagmamahal sa bawat isa. At pagyamanin ang mga biyayang itinalaga Niya sa atin. Panalangin: Panginoon, tulungan niyo po kaming maging mabuting mamamayan at ipalaganap lamang kung ano ang tama at nakakabuti sa lahat. Nawa'y maging halimbawa kami ng kadakilaan ng Iyong pagmamahal. Pahalagahan ang dignidad ng aming kapwa para sa kapayaan ng bawat isa. Amen. Sr. Kayla Ventura, FSP | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Abril 16, 2022 - Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 15, 2022 4:58


Mabuting Balita | Abril 16, 2022 Sabado Santo Ebanghelyo | Lucas 24:1-12 Sa unang araw ng lingo maagang-maaga nagpunta sa libingan ang mga babae dala ang mga pabangong inihanda nila ng Makita nilang naigulong na nag bato sa libingan pumasok sila pero hindi nila nakita roon ang katawan ng Panginoong Hesus. At Habang nalilito sila dahil dito. Dalawang lalaking may nakasisilaw na damit ang nagpakita sa kanila. Sumubsob sa lupa ang mga babae sa takot ngunit kinausap sila ng mga ito, bakit sa piling ng ga patay ninyo hinahanap yung nabubuhay, wala siya rito, bunuhay siya alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo. Nang nasa galilea pa siya “kailangang ibigay ang anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan ipaku sa krus at mabuhay sa ikatlong araw at naalala nila ng sinabi ni Hesus. Pagbalik nila mula sa libingan ibinalita nila ito sa labing - isa at sa lahat sila sina Maria Magdalena, Juana, at Mariang ina ni Jaime at gayundin ang sinabi sa mga apostol ng iba pang mga babaeng kasama nila Pero hindi sila guniguni lamang ang lahat ng ito gayun pa man. Tumindig si pedro at tumakbo sa libingan. Yumuko siya at ang mga telang linen lamang ang nakita at umuwing nagtataka sa nangyari Pagninilay: Tuwing ipinagdiriwang natin ang Magdamagang Vigil ng Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, nakatatawag ng pansin ang liwanag na nagmumula sa Kandilang Paskwal. Ang liwanag na ito ang liwanag ni Kristo na gumagapi sa kadiliman ng kasamaan at kasalanan. Sa pamamagitan ng liwanag na ito, hindi na tayo nagkukubli sa dilim, kundi binibigyan tayo ng Diyos ng biyaya na makita ang kaligtasang nagmumula sa Kanyang Anak. Ito rin ang biyayang tinanggap ng mga alagad noong umaga ng unang araw ng Linggo. Natagpuan nilang naigulong na ang bato na nagtatakip sa libingan ni Hesus. Iginulong na ng Diyos upang kaagad nilang malaman ang Mabuting Balita ng Pagkabuhay. Mga kapanalig, maganda ring bigyang-pansin na mga babae ang naunang nakasaksi sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, matapos itong mahimlay ng tatlong araw sa libingan. Nangangahulugan ito na pinili ng ating Panginoong Hesus ang mga kababaihan, upang magdala ng Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay sa mga alagad Niya. Muli Niyang tinaas at binigyang dangal ang papel ng mga babae sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Kaya sa mga kapwa ko babae, isang malaking karangalan po ang makibahagi sa misyon ng Panginoon na maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita... ano man ang estado natin sa buhay – madre ka man, ina ng tahanan, o single blessed habang buhay… Paano ka nagiging saksi ng Panginoong Hesukristong muling nabuhay? Nawa'y bilang babae makatugon tayo sa panawagan ng Panginoon na maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa paraan ng ating pamumuhay - isang babae na nagtataguyod ng buhay kesa kamatayan; nagsusulong ng katotohanan kesa kasinungalingan, nagsisiwalat ng kabutihan at pagpapala kesa tsismis at panghuhusga na nakakasira sa ating kapwa…at higit sa lahat taglay natin ang puso ng isang inang katulad ni Maria, mapagmahal, mapagkumbaba, mapagkalinga, at handang magpasakop sa kalooban ng Panginoon sa lahat ng panahon at pagkakataon, at tumugon: ng Yes, Lord, mangyari nawa sa akin, ang ayon sa kalooban mo. Amen. - Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Abril 7, 2022 - Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Apr 6, 2022 4:24


Mabuting Balita | Abril 7, 2022 Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Juan 8: 51- 59 Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Jesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.” Kaya dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Jesus at umalis sa Templo. Pagninilay: Para sa mga Hudyo, mahirap maintindihan ang mga sinabi ni Hesus ukol sa kanyang salita at sa buhay na dulot nito. Pero para sa ating mga Kristiyano, may mas malalim nakahulugan ito. Sa kanyang sulat sa mga taga Filipos (2:16), si San Pablo ay nagsabi, “panghawakang mahigpit ang salita ng buhay”; at si San Pedro naman ay nagpahayag kay Kristo, “Panginoon, ikaw lamang ang may salita ng buhay na walang hanggan”.Sa bisa ng ating binyag, natanggap natin ang bagong buhay kay Kristo . Dulot nito ay ang kakayahang isabuhay ang Kanyang salita. Mga kapanalig, sa gitna ng paglaganap ng fake news at kulturang taliwas sa ating pagiging Kristiyano, paano nagiging buhay ang Salita ng Diyos sa ating buhay? Huwag tayong palinlang sapagkat dulot ng mga ito ay kamatayang moral at espirituwal. Nawa'y mamuhay tayo nang ganap sa pamamagitan ng pananatili kay Kristo.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Marso 25, 2022 - Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Mar 24, 2022 5:09


Mabuting Balita | Marso 25, 2022 Ang Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon EBANGHELYO: LUCAS 1:26-38 Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria, pag pasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya. “Aba, puspos ka ng biyaya, Ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sa mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla. At pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa't sinabi sa kanyan ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; At walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel. PAGNINILAY: Kasama sa ating pagiging tao ang paghahanap ng kapanatagan at kasiguraduhan sa buhay. Hindi natin maikakaila na minsan, labis natin itong pinagtutuunan ng pansin. Health supplement dito, life insurance doon, at kung ano-ano pa dahil gusto natin, sure tayo lagi sa ating kinabukasan. Dapat, sure na matutupad ang pangarap natin para sa ating buhay. Marahil si Maria, sure na din sa kanyang personal na pangarap at malamang, inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa buhay pag-aasawa. Ngunit iba pala ang pangarap ng Diyos para sa kanya. Siya pala ay hindi lamang basta-basta magiging maybahay at ina; bagkus siya pala ang pinangarap ng Diyos na maging kanyang ina. Sa halip na panghinayangan ni Maria ang kanyang mga pangarap, buong tiwala niyang niyakap ang pangarap ng Diyos dahil Siya na mismo ang kanyang magiging kasiguraduhan at kapanatagan. Ang kanyang mga pangarap ay naging ganap dahil buong puso siyang nakibahagi sa pangarap ng Diyos para sa kanya. Ngayong panahon ng pandemya, napakadaling mawalan ng kapanatagan dahil sa mga pangarap na hindi natupad o hindi man lamang nayapos. Kailangan natin ang gabay ni Inang Maria upang tayo'y laging maging bukas sa mga surpresa ng Diyos sa atin. Nawa'y sa ating pangangarap at pagsusumikap, mabanaag din nating nagaganap ang mga pangarap ng Diyos para sa atin. Kasama si Maria, atin nawang ipanalangin: “Maganap nawa sa akin ayon sa iyong pangarap, Panginoon.” Amen. - Cl. Russel Matthew Patolot, SSP | Society of St. Paul

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Limang Paraan na Nakatutulong ang Pagdurusa

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Feb 4, 2022 4:29


Ang sariling dati-rati'y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod. (Mga Awit 119:67) Ipinapakita sa talatang ito na nagpapadala ng paghihirap ang Diyos para tulungan tayong matutuhan ang Kanyang salita. Paano ito nangyayari? Paano tayo natutulungan ng pagdurusa na matutuhan at sumunod sa Salita ng Diyos? May di-mabilang na mga sagot, tulad ng di-mabilang na mga karanasan ng dakilang kahabagang ito. Ngunit heto ang lima: 1. Inaalis ng pagdurusa ang kababawan ng buhay at ginagawa tayo nitong mas seryoso, kaya mas nakakasabay ang ating isipan sa kahalagahan ng Salita ng Diyos. At ating tandaan: Walang ni isang mababaw na pahina sa aklat ng Diyos. 2. Tinutumba ng paghihirap ang mga makamundong tuntungan ng ating mga paa at pinupwersa tayong umasa sa Diyos. Tinutulungan tayo nitong mas makasabay sa sa layunin ng Salita. Dahil ang layunin ng Salita ay umasa tayo sa Diyos at magtiwala sa Kanya. “Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa” (Roma 15:4). “Ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos” (Juan 20:31). 3. Dahil sa pagdurusa, mas desperado tayong naghahanap ng tulong mula sa Banal na Kasulatan, imbis na ituring itong hindi mahalaga sa buhay. “Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin” (Jeremias 29:13). 4. Ang paghihirap ay ginagawa tayong partner ni Cristo sa Kanyang paghihirap, kaya mas nakaka-fellowship natin Siya at nakikita natin ang daigdig sa Kanyang mga mata. Ang matinding pagnanais sa puso ni Pablo ay “lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan” (Filipos 3:10). 5. Pinapatay ng pagdurusa ay mapanlinlang at nakagagambalang pagnanasa ng laman, at dinadala tayo sa mas espirituwal na kaanyuan at ginagawa tayong receptive sa espirituwal na Salita ng Diyos. “Yamang si Cristo'y nagtiis ng hirap noong siya'y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan” (1 Pedro 4:1). May malaking epekto sa pagpatay ng kasalanan ang paghihirap. At kapag mas malinis ang ating puso, mas makikita natin ang Diyos (Mateo 5:8). Nawa'y bigyan tayo ng Banal na Espiritu ng grace na huwag ipagdamot ang katuruan ng Diyos sa pamamagitan ng sakit.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 25, 2022 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 24, 2022 4:43


Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa Mabuting Balita | Enero 25, 2022 – Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MARCOS 16:15-18 Sinabi ni Hesus sa labing-isa: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon. PAGNINILAY: Ipinagdiriwang po natin ngayon ang Pagbabalik-loob ni San Pablo, Apostol or the Conversion of St. Paul. Bakit nga ba ipinadiriwang ito ng ating Simbahan? Nais ko pong magbigay ng tatlong pagninilay ukol dito. Una, ang pagbabalik-loob ni San Pablo ay hindi pagbabagong-buhay mula sa kasamaan patungo sa kabutihan. Ang Conversion of St. Paul ay pagpapanibago ng kaisipan mula sa inaakala niyang katotohanan, patungo sa katotohanang ipinahayag sa kanya ni Kristong Muling Nabuhay. Isang matapat na Hudyo si San Pablo, isinasabuhay at tinutupad niya ang mga batas ng mga Hudyo kaya nais niyang hulihin ang mga naniniwala kay Hesus sa pag-aakalang naliligaw sila ng landas. Pero nang magpakita sa kanya si Hesus sa daan papuntang Damascus, namulat siya sa katotohanan at niyakap ang pananampalataya kay Hesus na muling nabuhay. Ganito rin tayo minsan mga kapanalig, di ba? Marami ang nagpapahayag na kani-kanyang katotohanan, gaya ng mga kanditato sa eleksyon. Nakakalito na nga minsan, kaya sana buksan natin ang ating isip sa tunay na katotohanang nakabase sa facts hindi sa opinion sa social media o tiktok. Pangalawa, nang masumpungan ni San Pablo si Hesus, hindi na bumalik sa dati ang kanyang pamumuhay. Buong tatag nyang pinanindigan at ipinahayag sa lahat ng sulok ng daigdig ang mabuting Balita ni Hesus na muling nabuhay. Mga kapanalig, hingin natin sa Banal na Espiritu ang biyaya ng katapatan at katatagan ng loob na maisakatuparan ang mga resolution na ating ginagawa tuwing magkakaroon tayo ng meaningful encounters with the Lord. Nawa'y hind maging ningas-kogon ang ating mga pagpapasya na sumunod at mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Pangatlo, Huwag nating ikahiyang ipahayag sa salita at gawa ang ating pananampalataya. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami pa ang nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga upang gumaling at makabangon mula sa krisis na dulot ng pandemya. Let us spread love and prayers dahil ito ang hihilom sa mga sugat na dulot ng pandemya at kawalan ng pag-asa. - Sr. Lou Ranara, FSP | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 14, 2022 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 13, 2022 4:20


Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa Mabuting Balita | Enero 14, 2022 – Biyernes sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MARCOS 2:1-12 Pumasok si Hesus sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pituan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat. At nang hindi sila makalapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Hesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba't ang Diyos lamang?” At agad na nalaman ni Hesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan' o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad'? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” “Iniuutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang paralitiko, agad na kinuha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma'y hindi pa kami nakakakita ng ganito.” PAGNINILAY: Kahanga-hanga ang ginawa ng mga kaibigan ng paralitiko sa narinig nating Mabuting Balita. Hindi nila mailapit kay Hesus ang kaibigan nilang may sakit dahil sa dami ng tao, kaya nag isip sila ng malikhaing paraan para mailapit ang kaibigan kay Hesus. Malalim ang kanilang pananampalataya at dakila ang kanilang pagmamahal sa kaibigang paralitiko. Kaya namangha si Hesus sa laki ng kanilang pananampalataya. Mga kapanalig, kung tayo ang kaibigan ng paralitikong ito, magagawa kaya natin ng kusang loob itong ginawa nila? Magiging determinado kaya tayong malampasan ang mga balakid na nakaharang sa ating harapan upang makalapit kay Hesus? May tapang kaya tayong harapin at tanggapin ang sasabihin ng mga tao? Ang ginawa ng mga kaibigang ito ng paralitiko ay isang hamon sa bawat isa sa atin “to go an extra mile” sa ating pagtulong sa kapwa. Huwag sana tayong mag dalawang-isip mag reach-outsa sinumang nangangailangan ng ating tulong. Nawa'y makita natin ang mukha ni Kristo sa bawat kapwa na dumudulog sa atin. Hilingin natin sa Diyos na maging bukas ang ating puso at isipan na makilala siya sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Amen. - Sr. Pinky Barrientos, FSP | Daughters of St. Paul

Treasuring Christ PH
"The Lord is My Portion" (Psa. 119:57-64)

Treasuring Christ PH

Play Episode Listen Later Jan 12, 2022 47:29


We read the Bible, we pray, we obey, we worship, we preach because of God. Meron pa bang mas mahalagang dahilan kesa sa Diyos? Wala na, sapagkat siya ang lahat-lahat para sa atin, kaya ang salita ng Diyos ang kailangan ding pagbulayan araw at gabi ng lahat sa atin, para ang salita ng Diyos ay makarating sa lahat ng dako ng mundo. Nawa'y ito ang maging hangarin ng puso ng bawat isa sa atin—ang Diyos higit sa lahat.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 9, 2022 – Unang Linggo sa Karaniwang Panahon | Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 8, 2022 4:20


PAGNINILAY: “Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.” Ano ba ang ibig sabihin ng makapangyarihang salita na ito sa Sakramento ng Binyag? Simple lang: Tinatanggap ka bilang kasalo sa isang komunidad kung saan ang Diyos ay iyong Ama, si Hesus ang iyong kapatid, at ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Sa binyag, bumubukas ang langit upang tanggapin tayo bilang mga anak. Sa madaling salita, tayong lahat ay nagiging magkakapatid. Pero ang pagiging anak ng Diyos ay may kaakibat na responsibilidad. Ito ang mahalagang bagay na sinabi at ipinakita sa atin ni Hesus, ang ating Kuya. Dahil pag-ibig na may lubos-lubusang pagbibigay ng sarili sa kapwa ang ipinakita sa atin ni Hesus sa Krus, ganun din ang resposibilidad na iniaatang sa atin sa binyag at siya namang ating kinukumpirma sa Sakramento ng Kumpil. Kapanalig, ang pagtulong mo sa mga nangangailangan kahit na ika'y kapos sa buhay ay isang maituturing na pagsasabuhay ng binyag. Gayun din ang pagtindig mo sa katotohanan sa kabila ng pag-uusig ng mga taong nasa kasinungalingan. Hindi naisin ng Diyos na dalhin ka sa pagdurusa, pero ang mga paghihirap na kaakibat ng iyong lubusang pagmamahal ay nagpapaigting ng iyong relasyon sa Diyos. Habang mas lalong lumalalim ang iyong relasyon sa Diyos, lumalalim din ang iyong pang-unawa sa tunay na kahulugan ng iyong pagiging binyagan. - Fr. Oliver Par, SSP | Society of St. Paul PANALANGIN: Ama, tulungan mo kaming matutunan at maisabuhay ang mga halimbawa ni Hesus. Nawa'y ibuhos mo sa amin ang biyaya ng iyong Espiritu nang sa gayu'y mas lalo naming matutunan ang magbigay ng lubos sa kapwa.

Ahmad Javier
Ahmad Javier – Magandang dulot ng pagsunod sa sunnah ng Propeta Muhammad ﷺ

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Jan 4, 2022 3:25


Nawa'y mabuhay natin ang kasiglahan ng ating mga puso na maisabuhay ang sunnah ang kaparaanan ng propeta muhamamd saws. The post Ahmad Javier – Magandang dulot ng pagsunod sa sunnah ng Propeta Muhammad ﷺ appeared first on Ahmad Javier.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 2, 2022 – Linggo | Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon (Epifania)

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 1, 2022 4:45


EBANGHELYO: MATEO 2:1-12 Pagkapanganak kay Hesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang ilang pantas mula sa Silangan. Nagtanong sila: “Nasaan ang bagong silang na hari ng mga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.” Nang marinig ito ni Herodes, naligalig siya at ang buong Jerusalem. Ipinatawag niya kaagad ang buong kaparian at ang mga dalubhasa sa Batas, at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas. At sinabi nila: “Sa Betlehem ng Juda sapagkat ito ang isinulat ng Propeta: ‘At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.' Siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel. Kaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hiningi sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa sumikat na tala. At saka niya sila pinapunta sa Betlehem at sinabi: “Pumunta kayo at alamin ang tungkol sa bata. Pagkakita ninyo sa kanya, bumalik kayo sa akin para makapunta rin ako sa kanya at makasamba.” Umalis sila pagkarinig nila sa hari. Nagpauna sa kanila ang tala na nakita nila sa Silangan, at tumigil ito sa itaas ng lugar na kinaroroonan ng sanggol. Labis na natuwa ang mga pantas nang makita nilang muli ang tala! Pumasok sila sa bahay at nakita nila ang sanggol kasama ni Mariang kanyang ina. Lumuhod sila at sumamba, at binuksan ang kanilang mga mamahaling dala at hinandugan siya ng mga regalong ginto, kamanyang at mira. At nag-iba sila ng daan pag-uwi nila sa kanilang lupain dahil binilinan sila sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes. PAGNINILAY: Sa Mabuting Balita ngayon, gayon na lamang ang galak ng mga pantas nang makita ang bata! Batid nila na ang sanggol na ito ay hari ng buong sanlibutan at lahat ng mga bansa. Ang kaligayahang iyon ang nagbunsod sa kanila para maging mapagpasalamat at masunurin. Nang masilayan nila ang sanggol at pagkatapos magbigay-pugay, sinunod nila ang bilin ng Diyos na huwag dumaan kay Herodes kaya't nag-iba sila ng daan pauwi. Mga kapanalig, maihahambing din natin ang ating buhay sa ginawang paglalakbay ng mga pantas. Gaya nila, may tala din tayong sinusundan. Sino ba ang mga taong iniidolo o hinahangaan natin? Hinahatid din ba nila tayo kay Hesus, na Hari ng sanlibutan? Ngayong nalalapit na eleksyon, maraming kandidato ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na maglingkod. Nagpapakitang gilas sila, nagbibitaw ng mga pangako, at sinusuyo tayong suportahan sila sa darating na halalan. Ang samo't dalangin ko lamang, maging matalino na tayo at kilatising mabuti ang kanilang track record at kakayahang mamuno, pati na ang kanilang pag-uugali at pinahahalagahan. Karapatdapat ba talaga silang pagkatiwalaan at hangaan? Mga kapanalig, nakasalalay sa ating mga kamay ang ating kinabukasan. Kaya wag natin itong ipagsawalang bahala o ipagbibili. Nawa'y maihalal natin yaong mga pinunong may kababaang loob, tunay na malasakit, at tapat na mga lingkod. Ito nawa ang mga katangiang hanapin natin sa mga taong ating iniidolo o hinahangaan na marapat nating pagkatiwalaan ngayong darating na halalan. Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | DISYEMBRE 28, 2021 | MARTES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 27, 2021 4:05


MABUTING BALITA | DISYEMBRE 28, 2021 Martes sa ikaapat sa Araw sa Pagdiriwang ng Pasko EBANGHELYO: Mt. 2: 13-18 Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin mo ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya inutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: “Narinig sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.” PAGNINILAY: Naranasan mo na bang tumakas at mamalagi sa isang lugar na malayo sa sarili mong tahanan at mahal sa buhay? Yong kailangan mong umalis para makaiwas sa gulo at anumang kapahamakan, maisalba ang dangal, at manatiling buo ang pagkatao? Sa panahon natin ngayon, meron tayong mga kapatid na nakakaranas ng mga ito. May mga tumatakas, sanhi ng digmaan at kalamidad. Meron din namang nanganganib ang buhay dahil sa paninindigan sa katotohanan. Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang kapistahan ng Holy Innocents— ang mga musmos na nag-alay ng kanilang buhay bilang patotoo sa pagdating ng Mesiyas. Pinapatay sila ni Herodes sa takot na mawalan ng kapangyarihan, dahil pinanganak na ang totoong Hari ng sanlibutan. At ito ang dahilan kung bakit kinailangan ng ating Panginoon na pumunta sa Ehipto. Mga kapanalig, nawa'y makahugot tayo ng lakas ng loob at pag-asa sa katotohanang ang Panginoon natin mismo, kasama sina Jose at Maria ay naging refugees din. Kaya alam na alam ni Hesus kung paano usigin, di tanggapin at pagtangkaang patayin. Nawa'y lagi nating isapuso ang diwa ng pagdating ni Hesus—ang pag-ibig ng Diyos Ama na niyakap ang ating pagkatao at nagdulot ng kaligtasan sa lahat. - Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Pious Disciples of the Divine Master

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | DISYEMBRE 26, 2021 | LINGGO

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 25, 2021 4:45


MABUTING BALITA | DISYEMBRE 26, 2021 Kapistahan ng Banal na Mag-anak ni Hesus, Maria at Jose EBANGHELYO: Lc 2:41–52 Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila't mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso. At umunlad si Hesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at ng mga tao. PAGNINILAY: Maligayang Pasko po sa ating lahat. Kamusta po ang pagdiriwang nyo ng Pasko kahapon? Alam kong napagod ang ilan sa atin sa buong selebrasyon, kahit nasa pandemya pa tayo. Marahil naging abala ang ilan sa magarbong handaan at pamimigay ng regalo. Pero ang mahalagang tanong ko para sa ating lahat, kamusta ang pagsalubong natin sa pagsilang ng sanggol, na Niño Hesus, and bida at ang star ng Pasko?! Ngayong araw din na ito ay espesyal dahil ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Banal na Pamilya ni Hesus, Maria, at Jose. Pinapaalalahanan tayo ng araw na ito, na si Hesus ay hindi iba sa atin, siya ay nabibilang din sa isang pamilya, isang bata na kailangan ang pag-gabay at pag-aaruga ng isang ama at ina. Siya ay tulad ng isang bata na pwedeng magliwaliw at mawala pero sabi nga sa Mabuting Balita, hinanap siya ni Jose at Maria, ito din marahil ang kahalagahan bakit tayo may Pasko – ang hanapin sa buhay natin si Hesus. Mga kapanalig, sa araw ding ito, pinaaalalahanan tayo na bigyan natin ng halaga ang bawat miyembro ng ating pamilya. Nawa'y saan man tayo mapunta, saan man tayo maglakbay, huwag nating kalilimutan ang ating pinagmulan – ang ating pamilya. Sabi nga sa makatang OPM na kantang MaPa: “At kahit na kailan pa man ay di mawawala, pagkat dala ko ang mapa (Mama Papa), saan man mapunta alam kung saan nagmula.” - Br. Samy Torrefranca, SSP | Society of St. Paul

Damuhan - Podcast ng Pinoy. Tambayan ng Pinoy.

Nawa'y maghari sa puso ng bawat isa ang pagbibigayan, pagmamahalan at pagpapatawad. Maligayang Pasko mga Kadamo mula sa Damuhan Podcast! --- Send in a voice message: https://anchor.fm/damuhan/message Support this podcast: https://anchor.fm/damuhan/support

nawa pasko nawa'y mensahe
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | DISYEMBRE 24, 2021 | BIYERNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 23, 2021 4:43


MABUTING BALITA | DISYEMBRE 24, 2021 Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento EBANGHELYO: Lc. 1:67-79 Napuspos ng Espiritu Santo ang ama niyang si Zacarias at nagpropesiya ng ganito: “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang bayan. Mula sa sambayanan ni David na kanyang lingkod, Ibinangon niya ang magliligtas sa atin, Ayon sa ipinangako niya noong una Sa pamamagitan ng mga banal niyang propeta: Kaligtasan mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin. Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno At inaalala ang banal niyang tipan, Ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham Na ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway, Upang walang takot natin siyang mapaglingkuran, Nang may kabanalan at katarungan sa harap niya sa buong buhay natin. At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng kataas-taasan. Mangunguna ka nga sa Panginoon para ihanda ang kanyang daan. Ituturo mo ang kaligtasan sa kanyang bayan sa pagpapatawad niya sa kanilang mga sala. Ito ang gagawin ng maawain nating Diyos sa pagpapasikat niya sa atin ng araw na galing sa kaitaasan. Upang liwanagan ang mga nanatili sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at aakayin ang ating mga yapak sa daan ng kapayapaan.” PAGNINILAY: Narinig natin sa Mabuting Balita kung paano pinapurihan at pinasalamatan ni Zacarias ang Panginoon dahil tinupad Niya ang kanyang mga ipinangako sa pamamagitan ng mga propeta. Napakaganda ng kanyang sinabi, na ililigtas tayo ng Panginoon mula sa kamay ng mga napopoot sa atin. Ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, at kahahabagan ang ating mga ninuno, upang makapaglingkod tayo sa kanya nang walang takot, at maging banal at matuwid sa paningin niya, habang tayo'y nabubuhay. Kung nakaranas tayo ng ganitong pangako, gaano pa kaya ang gagawin niyang pagliligtas sa ating bayan? Itong mga pangakong ito ang magbibigay sa atin ng lakas, lalo na sa mga panahong ito na pinanghihinaan tayo ng loob, dahil sa mga sunod-sunod na pagsubok, na dinaraas ng ating bayan, lalung-lalo na dahil sa Pandemya. Mga kapanalig, meron pa bang higit na makakatulong sa atin, kung hindi ang pangakong nandiyan ang Panginoon upang tayo'y iligtas sa ating mga kaaway, gaya ng mga sakit at kahirapan? Katulad ni Juan na ibinigay ng Diyos kay Zacarias, si Juan ay ipinanganak upang ihanda ang mga tao sa pagdating ni Hesus. Nawa'y maging Juan tayo ng kasalakuyang panahon. Sa tulong ng Espiritu Santo, sama- sama nating ipagpatuloy ang nasimulan ni Zacarias at ni Juan, na ipahayag ang kabutihan at pagmamahal ng Panginoon sa lahat nga tao. Maligayang Pasko po sa ating lahat! - Ms. Lorrie Avelino, APC | Association of Pauline Cooperators - Society of St Paul, Makati

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | DISYEMBRE 13, 2021 | LUNES

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 16, 2021 4:13


MABUTING BALITA | DISYEMBRE 13, 2021 Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento EBANGHELYO: Mt 21: 23-27 Pagpasok ni Hesus sa Templo, lumapit sa kanya ang mga Punong-pari, mga guro ng Batas at mga Matatanda ng mga Judio, at nagtanong: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagtalaga sa iyo?” Sinagot sila ni Hesus: “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. At kung may sagot kayo, sasagutin ko kayo kung sino ang nagtalaga sa akin para sa mga ito. Saan galing ang pagbibinyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?” At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala ka kanya?' At kung sasabihin naman nating galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan, dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila'y tunay na propeta si Juan.” Kaya sinabi nila kay Hesus: “Hindi namin alam.” At sinabi sa kanila ni Hesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na gumawa ng mga ito.” PAGNINILAY: Kapangyarihan: inaasam ng karamihan. Obvious ito ngayon sa ating lipunan lalo na't nalalapit na ang eleksiyon. Para saan nga ba ang awtoridad, posisyon o kapangyarihan kapag ito'y natamo na ninuman? Para sa pansariling kapakanan lang ba o para sa pangkalahatang kabutihan? Sa Mabuting Balita ngayon, sinita si Hesus at kinuwestiyon ng mga pinunong pari at matatandang Hudyo ukol sa Kanyang mga turo at gawa. Nais nilang alamin kung sino ang nagbigay sa Kanya ng kapangyarihan na gawin ang mga ito. Pero sinagot sila ni Hesus ng isa ding tanong na nagtulak sa kanilang tingnan ang katotohanan ukol sa kanilang sarili. Matapos nilang matanto napuno sila ng takot at kawalan ng katiyakan, sumagot sila: “Hindi namin alam.” Mga kapanalig, tayo ba, alam ba natin kung ano talaga ang tunay na diwa ng kapangyarihan? Para sa ating Panginoon, ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa Kanya ng Ama ay may kalakip na pananagutan. Nasa puso nito ang pag-ibig at sakripisyo para sa iba. Ipanalangin natin ang bawat kandidato sa darating na halalan. Nawa'y maging tugma ang kanilang paniniwala't intensiyon sa tunay na diwa ng kapangyarihang itinuro at pinakita ni Hesus. Hayaan nating ang Panginoon mismo ang magsilbing liwanag at gabay sa ating pananaw ukol sa kapangyarihan na tanging Siya lamang ang pinagmumulan. - Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Pious Disciples of the Divine Master

Daily Tagalog Mass Readings
Huwebes, Disyembre 16, 2021

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Dec 15, 2021 5:28


Ika-16 ng Disyembre (Simbang Gabi) Isaias 56, 1-3a. 6-8 Salmo 66, 2-3. 5. 7-8. Nawa'y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 5, 33-36

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Gagawing Totoo para sa Kanyang mga Anak

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Dec 14, 2021 3:39


Ayon sa Hebreo 8:6, Si Cristo ang tagapamagitan ng new covenant. Ano ang kahulugan nito? Ibig sabihin, nabayaran na't sinigurado ng Kanyang dugo — ang dugo ng covenant (Lucas 22:20; Hebreo 13:20) — ang pagpapatupad ng mga pangako ng Diyos para sa atin. Ibig sabihin, ayon sa mga pangako ng new covenant, pinapatupad ng Diyos ang pagbabago ng ating sarili sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo. At ibig sabihin, kumikilos ang Diyos para sa pagbabagong ito sa pamamagitan ng pananampalataya — pananampalataya kung sino ang Diyos para sa atin kay Cristo. Ang new covenant ay tinubos ng dugo ni Cristo, ginawang mabisa para sa atin ng Espiritu ng Diyos, at nilalaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Sa Hebreo 13:20–21, pinakamagandang makikita ang pagkilos ni Cristo bilang tagapamagitaan ng new covenant: Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen. Ang mga salitang “gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya” ay naglalarawan ng nangyayari kapag sinusulat ng Diyos ang kautusan sa ating mga puso batay sa new covenant. At ang mga salitang “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” ay naglalarawan kay Jesus bilang tagapamagitan ng maluwalhating pagkilos ng sovereign grace sa atin. Kung gayon, ang kahulugan ng Pasko ay hindi lamang ang pagpapalit ng Diyos ng mga anino sa realidad. Ito rin ay kung paano Niya kinukuha ang realidad na ito at ginagawa itong totoo para sa Kanyang mga anak. Sinusulat Niya ito sa ating mga puso. Hindi Niya basta na lang inilagay ang Kanyang aguinaldo ng kaligtasan at pagbabago sa ilalim ng Christmas tree para lamang damputin mo ito sa pamamagitan ng iyong sariling kalakasan. Kinukuha Niya ito at nilalagay sa iyong puso at sa iyong isip at binibigyan ka Niya ng selyo ng kasiguraduhan na ikaw ay anak ng Diyos.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Ginto, Insenso, at Mira

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Dec 10, 2021 3:48


Day 10 Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Mateo 2:10–11 Hindi nangangailangan ang Diyos ng anumang tulong o paglilingkod ng tao (Mga Gawa 17:25). Ang mga regalo ng mga mago ay hindi ibinigay bilang tulong sa isang pangangailangan. Kahiya-hiya para sa isang hari kung may darating na mga banyagang bisita na may-dala-dalang ayuda. Hindi rin suhol ang mga regalong ito. Sabi sa Deuteronomy 10:17, hindi tumatanggap ng suhol ang Diyos. Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng mga regalong ito? Paano sila naging pagsamba? Ang mga regalong ibinibigay sa mayayaman at self-sufficient na tao ay tanda ng kagustuhan ng nagbigay na ipakita kung gaano kahanga-hanga ang taong kanyang pinagbigyan. Kung baga, ang pagbibigay ng mga regalo kay Cristo ay tulad ng pag-aayuno — pagsasakripisyo ng isang bagay upang ipakitang mas mahalaga si Cristo sa bagay na iyong sinakripisyo. Kapag nagbigay ka ng regalo kay Cristo tulad nito, para mong sinabing, “Ang ligayang aking hinahanap [pansinin ang Mateo 2:10! “Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin.”] ay hindi ang pag-asang yumaman sa pakikipag-barter o ang makipagkasundo ng bayad sa Iyo. Lumapit ako hindi para sa Iyong mga ari-arian kundi para sa Iyo. At pinapatindi at pinapakita ko ang kagustuhang ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng mga bagay, sa pag-asang mas ma-e-enjoy Kita. Sa pagbibigay ko ng hindi Mo kailangan at maaari kong i-enjoy, taimtim kong sinasabi nang buong katotohanan, ‘Ikaw ang aking kayamanan, hindi ang mga bagay na ito.'” Sa tingin ko'y ito ang ibig sabihin ng pagsamba sa Diyos gamit ang mga regalo ng ginto, insenso, at mira. O kung ano pa man ang maisip nating ibigay sa Kanya. Nawa'y gisingin ng Diyos sa iyo ang paghahangad mismo kay Cristo. Nawa'y sabihin natin mula sa puso, “Panginoong Jesus, ikaw ang Mesias, ang Hari ng Israel. Lahat ng mga bansa ay lalapit at luluhod sa Iyong harapan. Pinamamahalaan ng Diyos ang mundo upang siguraduhing Ika'y sasambahin ng lahat. Samakatuwid, anumang oposisyon ang aking harapin, maligaya kong idadahilan ang Iyong awtoridad at dignidad, at dadalhin ang aking mga regalo upang sabihing Ikaw lamang ang makakalulugod sa aking puso.”

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 29, 2021 | Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 28, 2021 4:34


MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 29, 2021 Lunes sa Unang Linggo ng Adbiyento EBANGHELYO: MATEO 8:5–11 Pagdating ni HESUS sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap.” “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” “Panginoon, hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko, pero kapag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,' pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,' at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,' at ginagawa niya ito.” Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.” PAGNINILAY: Handa ka bang magpakababang-loob para sa kabutihan ng iba? Hinangaan at pinuri ni Hesus ang opisyal ng hukbong Romano sa ating mabuting Balita. Sumasalamin ang kanyang mga kilos at salita sa likas niyang kabutihan bilang tao. Makikita din natin sa kanya ang malalim na pagkaunawa sa kung ano ang ibig sabihin ng kapangyarihan, at saan ito ginagamit. Nagpakita siya ng isang pambihirang pananalig, na hindi inaasahan sa isang hindi Hudyo. Mataas na opisyal man ng isang hukbo, personal siyang pumunta kay Hesus para hilingin ang paggaling ng kanyang katulong. Alam niyang siya'y pagano at hindi nararapat na makinabang sa kagandahang loob ni Hesus. Pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang katulong, kinalimutan niya ang mataas niyang katayuan, lumapit at taimtim na humingi ng tulong ni Hesus. Alam niya ang kapangyarihan ng salita. Nag-uutos sya sa kanyang mga tauhan at nangyayari ito. Dahil dito, buo ang kanyang pananalig sa kapangyarihan ng salita ni Hesus. Sabihin lamang ni Hesus, ito ay magaganap. Ang kanyang malakas na pananampalataya ay nakaugat sa malalim na pagkakaunawa sa kung ano at para saan ang kapangyarihan. May positibong pagtingin ang opisyal na ito sa kapangyarihan, dahil alam niya itong gamitin para sa kabutihan ng iba. Hindi lahat ng tao ay nakakaunawa sa kung ano at para saan ang kapangyarihan. Sa halip na hawakan ito nang may pananagutan, nalilimutan pa nga nila ang pag-aaruga sa kapwa, kababaang loob at pananampalataya sa Diyos. Ipagdasal natin ang mga taong nasa positions of authority – government leaders, employers, teachers, parents, guardians and heads of communities and institutions. Nawa'y gaya ng opisyal sa ating Mabuting Balita maging huwaran din sila at gamitin ang kapangyarihan bilang instrumento ng pagsisilbi at pagmamahal sa kapwa. - Sr. Nimfa Ebora, PDDM | Disciples of the Divine Master

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 27, 2021 | Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Nov 26, 2021 3:48


MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 27, 2021 Sabado sa Ika-34 Linggo ng Taon EBANGHELYO: LUCAS 21:34-36 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo't baka bumigat ang inyong mga isip sa mga bisyo, paglalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. Kaya't lagi kayong magbantay at manalangin para maging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.” PAGNINILAY: Merong isang musmos na batang babae ang dumalaw sa aming kumbento na nagtanong sa kanyang ina ng ganito; “Mommy, bakit po si auntie at ang mga kasamahan niyang mga madre ay palaging nagdarasal? Sinagot siya ng kanyang ina: “Nagdarasal sila para lalo silang mapalapit sa Diyos, at para lagi silang magkaroon ng lakas, upang patuloy sila sa kanilang mga gawain. At gayundin, ipinagdarasal nila ang kanilang mga mahal sa buhay, at yaong mga nahihirapan dahil sa mga problema, kasama na rin ang mga humihingi sa kanila ng mga panalangin.” Mga kapanalig, narinig nating sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon, “Kaya't magbantay kayo at manalangin lagi, upang magkaroon ng lakas na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari at makaharap kayo sa Anak ng Tao.” Kaya mahalaga ang mataimtim na panalangin at pagmumuni-muni kung ano ang nararapat nating desisyon, upang maging matatag tayo sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay. At manalig tayo, na gagabayan tayo ng Diyos hanggang sa wakas. Kayo po, ano ba ang nilalaman ng inyong panalangin? Ito ba'y para lang sa pansariling kapakanan? Di po ba totoo, na sa langit lang ang may “forever, at dito sa lupa ay pansamantala lamang ang ating buhay? Kailangan po nating alalahanin na lahat tayong mga nilikha ng Diyos ay may pananagutan sa isa't-isa, lalo na ngayong panahon ng pandemya. - Sr. Susan Peñaflor, FSP | Daughters of St. Paul PANALANGIN: Panginoong Hesukristo, tulungan Nyo po kami na maging karapat-dapat na tawaging mga anak ng iisang Amang Lumikha. Nawa'y matanto namin ang tunay na dahilan kung bakit hindi kami nabubuhay para sa sarili lamang, kundi para din sa kapakanan ng iba. Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | SETYEMBRE 30, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 29, 2021 4:02


MABUTING BALITA | SETYEMBRE 30, 2021 Huwebes sa ika -26 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: LUCAS 10:1-12 Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu't dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!' Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi'y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.' Saanmang bayan kayo pumasok at di nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa mga liwasan nito at ang inyong sabihin: ‘Pati na alikabok mula sa inyong bayan na kumapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin sa inyo. Gayunman, alamin ninyong palapit na ang Kaharian ng Diyos.' Sinasabi ko sa inyo na magaan pa ang sasapitin ng mga taga-Sodom kaysa bayang iyon sa dakilang Araw.” PAGNINILAY: Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios. Tinutulungan tayo ng Mabuting Balita ngayon na malaman ang katotohanang ninanais ng Diyos na mapasaatin ang Kanyang Kaharian. Kaya nga, nagsugo pa Sya ng pitumpu't dalawang alagad para iparating ito sa maraming tao. Sa pagninilay na ito, pagtuunan natin ng pansin ang mga tao o bayan na tumanggap sa mga alagad na pinadala ni Hesus. Kahit sa panahon natin ngayon, patuloy na nagpapadala si Hesus ng mga misyonerong nangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. At sa iba't-ibang paraan din, nararanasan natin ang paghahari ng Diyos sa ating buhay. Ang tanong: gaano kabukas ang ating mga puso sa pagtanggap sa Kanya? Nawa'y ang bawat isa sa atin na nakaranas na ng paghahari ng Diyos ay maging misyonero din sa pamamagitan ng ating mabubuting halimbawa at kawang-gawa sa kapwa. - Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Disciples of the Divine Master PARTING WORDS: Sa patuloy nating pagtahak sa buhay na walang kasiguruhan, walang hanggang pag-ibig ng diyos ang ating katiyakan.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | SETYEMBRE 25, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 24, 2021 4:19


MABUTING BALITA | SETYEMBRE 25, 2021 Sabado sa ika -25 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: LUCAS 9:43b-45 Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Hesus, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito. PAGNINILAY: Noong bata pa tayo, may mga pagkakataong pinagsasabihan tayo ng ating magulang tungkol sa ating mga choices at actions na hindi kaaya-aya. At dahil musmos pa ang ating isipan, hindi natin sila lubos na maunawan. Kaya, nagagalit o nagtatampo tayo sa kanila. Noong tayo ay medyo nagma-maturena, ibig na nating panindigan at patunayan na tama tayo sa ating mga pananaw at galaw sa buhay. Dahil dito, nagre-reacttayo kapag may kumukontra sa atin at di tayo nakauunawa. Mga kapanalig, bilang tao, bawat isa sa atin ay may ganitong pag-uugali. At naiintindihan ito ng Panginoon. Kaya sa palagay ko, gets Nya rin kung bakit hindi din Siya maunawaan ng Kanyang mga alagad sa narinig nating Mabuting Balita ngayon. Aba'y oo nga naman, matapos nilang makita at mamangha sa lahat ng mga ginawa ni Hesus, at sumampalataya sa Kanya, di nila lubos maisip na ang Anak ng tao ay ipagkakanulo. Marahil nakatatak na sa isip nila ang tagumpay na nakaabang sa kanila dahil sila ay mga alagad ni Hesus. Pero, ang Panginoon na mismo ang nagsabi: ang pagpapakasakit, krus at kamatayan ang daan tungo sa kaluwalhatian. Ito ang landas na tinahak ni Hesus at ito din ang nakaabang sa mga tapat na sumusunod sa Kanya. Sa ating pagsunod kay Kristo kinakailangan ang sakripisyo. Maaaring ito ay sa paraan ng pagbibigay ng sarili sa paglilingkod sa kapwa, paglimot sa sariling kapakanan para sa ikabubuti ng karamihan, o kaya'y pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa iba. Kahit sa ordinaryong takbo ng buhay, ito'y kapansin-pansin din—sa pag-aaral man, sa career, sa relationships o anumang aspeto. Lahat ay nangangailangan ng sakripisyo bago makamtan ang tunay na kaligayahan at tagumpay. Panghuli, nais ni Hesus na bigyang pansin natin ang sinasabi Niya ukol dito. Di man natin ito lubusang maunawaan, ibibinigay Niya sa atin ang Banal na Espiritu upang turuan tayo at maliwanagan. Nawa'y buksan natin ang ating sarili sa Kanyang mga pahiwatig na nagpapaalala sa atin ng mga itinuro ni Hesus. Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Pious Disciples of the Divine Master

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | SETYEMBRE 18, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 17, 2021 4:43


MABUTING BALITA | SETYEMBRE 18, 2021 Sabado sa ika -24 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: LUCAS 8:4-15 Napakakapal na tao ang nagkakatipon dahil pinuntahan si Hesus ng mga tao mula sa kani-kanilang mga bayan. Kaya nagsalita siya sa talinghaga: “Lumabas ang manghahasik para maghasik ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan at tinapak-tapakan at kinain ng mga ibon sa Langit. Nahulog ang iba sa batuhan, at nang sumibol ay nalanta dahil sa kawalan ng halumigmig. Nahulog ang iba pang buto sa gitna ng tinikan, at sa kanilang paglaki, sinikil ito ng mga tinik. Nahulog naman ang iba pa sa matabang lupa at nang sumibol ay nagbunga ng tig-iisang daan” Pagkasabi nito'y sumigaw siya: “Makinig ang may tainga.” At tinanong siya ng kanyang mga alagad kung ano ang kahulugan ng taling hagang ito. Kayat sinabi niya: “Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga lihim ng kaharian ng Diyos, at sa iba nama'y sa talinhaga lamang para tumingin sila at hindi makakita, makinig at hindi makaintindi. Ito ang kahulugan ng talinhaga. Ang binhi ang Salita ng Diyos. Ang mga nasa tabi ng daan ang mga nakakarinig nito subalit agad namang dumarating ang diyablo; inagaw niya ang salita mula sa kanilang isipan upang huwag silang manalig na maligtas. Ang mga nasa batuhan ang mga nakakarinig na masayang tinatanggap ang salita. Ngunit wala silang ugat kaya sandali silang nananalig at tumitiwalag naman sa panahon ng tukso. Ang nahulog naman sa tinikan ang mga nakakarinig na sa pagpapatuloy nila'y sinikil ng mga kabalisahan, ng kayamanan at ng mga kasiyahan sa buhay kaya't hindi sila nakapagbunga. Ang nahulog naman sa matabang lupa ay ang mga nakakarinig sa salita at iniingatan ito nang may dakila't mabuting loob at nagbubunga sila sa pagtagal.” PAGNINILAY: Madalas, kapag naririnig natin ang Mabuting Balitang ito, itinutuon natin ang ating atensyon sa iba't ibang kalagayan ng ating puso sa pagtanggap ng Salita ng Diyos. Ngayon naman, bigyang-pansin natin ang kalagayan ng puso ng Manghahasik ng Binhi. Siya ay walang pinipiling lugar ng paghahasikan— sa tabing daan man, sa mga bato, sa mga dawag o matabang lupa. Buong sagana niyang inihahasik ang Mabuting Balita at hindi alintana ang kalalabasan nito. Mga kapanalig, ang Manghahasik na ito ay ang ating Panginoon. Sa kanyang kagandahang-loob, lahat tayo ay pinagkalooban ng Kanyang Salita na nagbibigay buhay. At ang ating Inang Simbahan ay laging masigasig sa pagsasabuhay at pangangaral ng Mabuting Balita. Katulad na lang ng gawaing ito. Nawa'y ang katotohanang ito ukol sa ating Mabuting Manghahasik ay maghikayat sa bawat isa sa atin na maging matabang lupa kung saan ang binhi ng Kanyang Salita ay lalago at mamumunga ng masagana. - Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Disciples of the Divine Master

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 29, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 28, 2021 5:00


MABUTING BALITA | AGOSTO 29, 2021 Ika -22 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MARCOS 7:1-8, 14-15, 21-23 Nagkatipon sa paligid ni Hesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jerusalem. Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya nang may maruming kamay, na hindi naghuhugas ayon sa seremonya. Sinusunod nga ng mga Pariseo pati na ng mga Judio ang tradisyon ng kanilang mga ninuno at hindi sila kumakain nang hindi muna naghuhugas ng mga kamay. At hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito nililinis, at marami pa'ng dapat nilang tuparin, halimbawa'y ang paglilinis ng mga inuman, mga kopa at pinggang tanso. Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isinasabuhay ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” At sinabi sa kanila ni Hesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagkunwari. Nasusulat na ‘Pinararangalan ako ng mga ito sa kanilang mga labi, at malayo naman sa akin ang kanilang mga puso. Walang silbi ang kanilang pagsamba sa akin at kautusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.' Pinabayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao.” Kaya tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila: “Pakinggan ako at unawain sana ninyong lahat. Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya. Sa puso nga ng tao nagmumula ang masasamang hangarin: kahalayan, pagnanakaw, pagpatay sa kapuwa, pakikiapid, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira, kapalaluan, kabuktutan. Ang masasamang bagay na ito ang nagpaparumi sa tao.” PAGNINILAY: Mapagpalaya at nagbibigay buhay ang batas lalo na sa mga Israelita. Ang batas ang gabay upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa. At ang pagsunod dito ang nagbibigay ng kaligtasan. At sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng paraan ng pagsasabuhay ang mga batas na ito, na siyang tinatawag nating tradisyon o batas ng mga ninuno. Dito nagkaroon nang pagtatalo ang Eskriba at mga Pariseo, dahil sa hindi pagsunod ng mga alagad ni Hesus sa batas ng kanilang mga ninuno na dapat sundin ng bawat Hudyo. Kaya ipinaaalala sa kanila nila Hesus ang tunay na kahalagahan ng batas ng kalinisan. Nakatuon ang tunay na batas sa kalinisan ng kalooban at hindi lamang ang kalinisan na pang labas. Itinuturo ni Hesus na kailangang pahalagahan ang kalagayan ng ating kalooban na syang tunay na nakakapag parumi sa atin kung hindi natin babantayan. Kapanalig, ano ang nilalaman ng iyong kalooban? Meron ka bang mga sinasabi o ginagawa na taliwas sa'yong kalooban? Alalahanin natin na sinasalamin ng ating kalooban ang mga bagay na ating ginagawa at sinasalita. Nawa'y patuloy nating bantayan at pahalagahan ang kalinisan ng ating mga puso at isip. Ikumpisal ang ating mga kasalanan, alisin ang galit, iwasang pag-isipan ng masama ang iba, upang magkaroon ng kapayapaan. Sa mga ganitong pamamaraan, mapapanatili natin ang kalinisan ng ating kalooban. - Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 25, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 24, 2021 4:23


MABUTING BALITA | AGOSTO 25, 2021 Miyerkules sa ika -21 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 23:27-32 At sinabi ni Hesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Para kayong mga pinaputing libingan na maganda sa labas subalit puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. Gayundin naman, mukha kayong mga taong banal subalit puno naman ng pagkukunwari at kasamaan ang kalooban. Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa Mga Propeta at pinapalamutian ang mga bantayog ng mga banal na tao. Sinasabi ninyo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninuno, hindi sana sumang-ayon na patayin ang mga Propeta.' Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa Mga Propeta. At ngayon, tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno. PAGNINILAY: Paano malalaman na tunay ngang malinis ang isang bahay? Hindi sa nakikita ng mata ang batayan, kung malinis nga ang bahay, kundi yaong nakatago tulad ng mga sulok ng pader, ilalim ng upuan, mesa, at kama. Sinasabi ring wala sa panlabas na anyo ang tunay na kagandahan. Ito ang hayagang salita ni Hesus: Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayo'y waring mga pinaputing libingan. Sa labas, malinis at mapuputi at mistulang mga banal, pero punung-puno ng karumihan at kasalanan ang puso at kalooban. Ito ang hamon sa atin ni Hesus, “mainam na suriin din natin ang sariling buhay.” Ito ang paalala niya sa atin dahil nakita niya mismo kung paanong umasta ang mga eskriba at mga Pariseo noong kapanahunan niya. Laging inuuna ng mga eskriba at Pariseo ang kanilang kapakanan. Ang kapakanang sila'y makitang mabuti at kanais-nais sa mata ng tao. Ang lahat ng kanilang gawain ay tila pakitang-tao lamang. Ang masama pa rito, naturingang taga-turo ng Batas pero sila mismo ang bumabaluktot sa kanilang itinuturo. They do not practice what they preach. Mga kapanalig, madalas kapag nabibigyan tayo ng posisyon sa komunidad, umangat ang estado sa buhay, naging tanyag, nabubulag tayo sa mga papuring natatanggap. Umaasta tayong parang hawak natin ang mundo sa ating mga palad. Ang hamon para sa atin ay huwag ipakita o ipagmalaki ang ating kataasan sa ibang mga tao. Sa halip, dapat nating itaas ang mga tao at bigyan sila ng kagalakan at kahulugan. Ito ang kaibahan ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo. Hindi siya nagpakasasa sa katanyagan. Kung ano ang turo, siyang gawa. Nagpakababa siya upang sa pagpapakababa niya ang tao ay maiangat. Nawa'y sa araw-araw nating pamumuhay maging katulad tayo si Hesus; maging totoo tayo sa ating sarili at huwag tularan ang mga eskriba at Pariseo, na mga ipokrito. - Fr. Brian Tayag, SSP | Society of St. Paul

ang hindi kaya kung ito mga batas nawa hesus laging linggo nawa'y mabuting balita
PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 18, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 17, 2021 4:43


MABUTING BALITA | AGOSTO 18, 2021 Miyerkules sa ika -20 na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 20:1-16 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tungkol sa nangyayari sa Kaharian ng Langit ang kuwentong ito. Maagang lumabas ang may-ari para umupa ng mga manggagawa sa ubasan. Nakipagkasundo siya na tatanggap ang mga manggagawa ng isang baryang pilak isang araw, at pinapunta n'ya sila sa ubasan. Lumabas din siya nang mag-iikasiyam ng umaga at nakita niya ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang ginagawa. Kaya't sinabi niya sa kanila: ‘Pumunta rin kayo sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng nararapat.' At pumunta sila. Muli siyang lumabas kinatanghalian at nang mag-iikatlo ng hapon at gayundin ang ginawa niya. Lumabas din siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya't sinabi niya sa kanila: ‘Bakit kayo nakatayo lamang at maghapong walang ginagawa?' Sumagot sila: ‘Dahil walang umupa sa amin.' ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.' “Paglubog ng araw, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: ‘Tawagin ang mga manggagawa at bayaran sila, mula sa huli hanggang sa una.' Kaya lumapit ang mga dumating sa huling oras at binigyan sila ng tig-iisang denaryo. Nang lumapit naman ang mga nauna, akala nila'y tatanggap sila ng mas higit pa. Ngunit tumanggap din sila ng tig-iisang denaryo. Kaya't pagkatanggap nila nito, nagsimula silang magreklamo sa may-ari. Ang sabi nila: ‘Isang oras lamang ang trabaho ng mga huling ito at ipinapantay mo sila sa amin ngayon na maghapong nagtrabaho sa init ng araw?' “Kaya sinagot ng may-ari ang isa sa kanila: ‘Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo isang araw? Kaya tanggapin mo ang sa iyo at umalis ka na. Gusto ko ring bigyan ang nahuli gaya ng ibinigay ko sa ‘yo. Wala ba akong karapatang gawin ang gusto ko sa pera ko? Bakit ka naiinggit dahil maawain ako?' “Kaya mauuna nga ang huli, at mahuhuli ang una.” PAGNINILAY: Sa Mabuting Balitang narinig natin, kung ako yung huling dumating at nabigyan ng sahod katumbas sa mga maagang dumating, siyempre, masaya ako sa pabor na naibigay sa akin. Pero kung ako yong maagang dumating at tumanggap ng parehong sahod sa huling dumating, siguro magmumokmok din ako at magreklamo dahil hindi ito patas at makatarungan. Ikaw kapanalig, ano ang take mo dito? Kung ang iyong kaibigan ay magbabakasyon sa lugar na gustong gusto mong puntahan pero hindi kaya ng bulsa? Hindi kaya sasabihin mo din na Sana all? Ingat! O baka ang bukambibig na "sana all" ay inggit pala... inggit na uudyok sa'yo para kwestiyunin ang kabutihang loob ng Maykapal, na Siyang mapagbigay at maawain, na lampas sa ating pag intindi....? - Ms. Grace Fernan, APC | Association of Pauline Cooperators - CDO PANALANGIN: Mahal naming Panginoon, kami ay nananalig sa Inyo. Nawa'y bigyan Nyo kami ng kakayahang maging maunawain, masayahin at mapagbigay ng mga natatangap naming mga biyaya. Kami ay umaasa Sa'yong walang hanggang pagkalinga, habag at awa. Amen.

the stories i wish you heard

Maligayang 20K! Bilang pasasalamat sa dalawampung libong pakikinig sa programang ito, narito ang isang espesyal na pagtatanghal ng Mga Kwentong Sana'y Narinig Mo. Inulit ko ang una kong kabanata (Never Yours) sa wikang Filipino. Maraming salamat kay Campmaster Earl ng Philippine Campfire Stories sa pag-salin, at kina Bryan (Bulalo Sessions), Red (Haynayan at Agham), at Carisa (Coping with Carisa) sa mga natatanging pag-ganap. Nawa'y naibigan ninyo ang kabanatang ito. Maraming salamat sa walang sawang pakikinig sa Mga Kwentong Sana'y Narinig Mo. Unang inilathala sa wikang Ingles noong Disyembre 2012 sa citybuoy.blogspot.com at noong Setyembre 2020 sa The Stories I Wish You Heard. Nais mo bang mag-pahayag sa programang ito? Sumulat lamang sa stories [at] thebunkph [dot] com.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | AGOSTO 3, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 2, 2021 5:38


MABUTING BALITA | AGOSTO 3, 2021 Martes sa ika -18 na Linggo sa Karaniwang Panahon Pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkaalis ng mga tao, mag-isa siyang pumunta sa kaburulan para manalangin. Nag-iisa siya roon nang gumabi. Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin. Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila'y multo siya. Kaya sumigaw sila. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.” Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.” “Halika.” Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Hesus. Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at lumulubog na. Kaya sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” Agad na iniunat ni Hesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?” Nang nakasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin. At yumuko sa harap ni Hesus ang mga nasa bangka at sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!” Pagkatawid nila, dumating sila sa pampang ng Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon at ipinamalita nila sa buong kapaligiran. Kaya dinala nila sa kanya ang mga maysakit. May nakiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito. PAGNINILAY: Kahit may takot at pangamba, ang buhay din natin ay nakaugat sa pagtitiwala. Itinuturo ni Hesus kay Pedro at maging sa atin din, ang kahalagahan ng pagtitiwala sa kanya sa kabila ng ating mga pangamba at pagdurusa. Ang pagbaba ni Pedro sa bangka at pagpunta kay Hesus ay isang kilos ng pag-ibig at pananampalataya. Pero, hindi ito sapat. Lulubog din tayo kung nakatuon lamang tayo sa mga problema at hindi sa kayang gawin ng Diyos! Marahil ang ilan sa atin ay may mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay, alalahanin, takot, at hindi kinikilala si Hesus. Siya'y multo lamang ng imahinasyon o sa kasalukuyan ay nalulunod na rin. Tumawag lamang tayo sa Kanyang tulong, “Sagipin Mo ako Panginoon!”Madalas, nararanasan natin ang pagdamay ng Diyos sa pagdamay ng ating kapwa. Alalahanin natin ang mga taong naging kamay ng Diyos para sa atin noong may problema tayo, sila ang dumamay at nakinig. Noong may kaguluhan sa buhay, may mga taong sumasalo at tumutulong kahit na sa maliit na paraan. Noong may kagipitan sa buhay, may mga nag-aambag sa mga maliliit na paraan upang ipadama ang pakikipag-kapwa, may community pantry sa panahon ng pandemya. Nawa'y maging kamay din tayong aabot sa iba kung kinakailangan. Mga kapanalig, patuloy po tayong hinuhubog ng mga pagsubok ng ating pananampalataya upang tayo'y lumago mula sa ating mga kakulangan.Tunay ngang tayo ay inihanda ng Diyos sa anumang misyon natin sa buhay upang hindi lamang ang ating pananampalataya ang lumago kundi ang karamihang nakakasalamuha natin. Higit sa lahat, mahinahon man o malakas ang alon, kasama natin Siya sa lahat ng panahon! - Sr. Junlyn Maragañas, SJBP | Sisters of Jesus the Good Shepherd/Pastorelle PANALANGIN: "Panginoon, sa mga sandali ng pag-aalinlangan at kahinaan, tulungan Mo kaming kumapit sa Iyo. Pag alabin mo pa ang aming pananampalataya, tulungan mo kaming makabangon sa lahat ng aming dinaranas at sagipin mo kami sa aming pagkakasala. Amen.

Daily Tagalog Mass Readings
Sabado, Hulyo 31, 2021

Daily Tagalog Mass Readings

Play Episode Listen Later Jul 30, 2021 6:45


Paggunita kay San Ignacio ng Loyola Levitico 25, 1. 8-17 Salmo 67, 2-3. 5. 7-8 Nawa'y magpuri sa iyoang lahat ng mga tao. Mateo 14, 1-12

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | HULYO 26, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 25, 2021 4:43


MABUTING BALITA | HULYO 26, 2021 Lunes sa Ika -17 Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 13:31-35 Binigyan ni Jesus ang mga tao ng isa pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki'y mas malaki ito sa mga gulay at parang isang puno—dumarating ang mga ibon ng Langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Jesus ang iba pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: ‘Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.' PAGNINILAY: Sa isang binhi ng mustasa inihambing ni Hesus ang Kaharian ng Diyos. Inihasik ang binhi at nang tumubo'y naging punong kahoy, sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon sa langit. Gayundin naman, sa maliliit na hakbang nagsisimula ang malalaking bagay. Isa sa mga magagandang nangyari sa panahon ng pandemya, ang pagsulputan ng mga community pantries sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Nagsimula sa maliit na adhikaing makapagbahagi ng kahit konting gulay sa mga kapitbahay. Maliit na gawain, binasbasan ng Panginoon, naging makabuluhan. Gaano man kaliit ang mga ibinabahagi sa community pantries, kapag pinagsama-sama, maraming kababayan natin ang naitatawid sa pang-araw-araw. Sa ngayon, marami ang bukal sa kaloobang nagbabahagi ng kanilang mga blessings hindi lamang sa mga community pantries kundi sa ibat-iba pang paraan. Anumang maliliit na kabutihang naiaambag natin sa komunidad, na may kalakip na pagmamahal, nakakatulong sa pagpalaganap ng Kaharian ng Diyos. Minsan, sinabi sa akin ng isang ale, “Sister, wala naman po akong maibabahagi.” “Meron po, Ate,” tugon ko naman, “ang iyong ngiti, lakas, mabuting halimbawa, malasakit at panalangin.” Ayon sa PCP II, “No one is so poor that he cannot give. No one is so rich that he cannot receive.” Bawat isa sa atin ay may kakayahang umambag sa pagpalaganap ng Kaharian ng Diyos! – Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul Manalangin tayo: Panginoong Hesus, salamat po sa napakaraming kaloob n'yo sa amin araw-araw. Tulungan n'yo po kaming maging bukas-palad, na ibahagi ang mga blessings na ito lalo na ngayong marami ang naapektuhan ng pandemya. Nawa'y matuto po kaming umambag sa pagpalaganap ng iyong Kaharian ayon sa aming kakayahan nang may malasakit at pagmamahal. Basbasan n'yo po ang aming maliliit na hakbang. Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | HUNYO 9, 2021 - Miyerkules

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 8, 2021 4:49


MABUTING BALITA | HUNYO 9, 2021 - Miyerkules sa Ika-10 Linggo ng Taon Bored na bored ka na ba ngayong panahon ng pandemya at napapagod ka nang sumunod sa pinatutupad na health protocols? EBANGHELYO: MATEO 5:17-19 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nagbabago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magtuturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.” PAGNINILAY: Malinaw ba sa iyo kung bakit ka sumusunod sa mga safety protocols ngayong panahon ng pandemya? For safety nga lang ba o meron pang mas malalim na dahilan? Sinasabi ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon na Siya'y pumarito hindi para balewalain o alisin ang anumang batas, kundi isakatuparan ang mga ito ayon sa pag-ibig na kaloob ng Ama. Oo, pag-ibig ang dahilan kaya Sya pumarito at pag-ibig din ang nais Niyang maghari bilang batas sa puso ng lahat. Sa tradisyon ng mga Judio, kapag sinabi nilang “naaayon sa batas” ang isang bagay o gawain, ibig nilang bigyan-diin na ito ay naaayon sa Banal na Kasulatan. Para sa ating mga Kristiyano, si Kristo ang kabuuan at katuparan ng lahat ng nakasaad sa Banal na Kasulatan. Siya mismo ang Verbo, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao at nananahan sa atin. Mga kapanalig, naririto pa rin tayo, kasalukuyang tinatahak at hinaharap ang unos na dulot ng pandemya. Kumusta na ang ating pagsunod sa mga safety protocols? Tapat pa rin ba tayong sumusunod at gawin ang mga ito, o medyo humihina na ang ating pag-asa? Wala din namang nangyayari, eh para saan pa?... sabi nga ng iba. Maraming boses tayong naririnig…okay lang na walang masks…ah, party pa rin kahit saan, as long as di alam ng kinauukulan. Mas mabuting pagnilayan natin ang ating ugali sa panahong ito. Napadadala na rin ba tayo sa iba, o kaya'y sumusunod na lamang para walang sabit at gulo Balikan natin ang pinaka-intensiyon ng bawat pagsunod sa batas ng ating lipunan. Ito ay para sa kabutihan ng lahat. At bakit natin dapat hangarin ang pangkalahatang kabutihang iyon? Dahil ito ang paraan ng pagsasabuhay ng batas ng Pag-ibig ng Diyos na turo ni Hesus. Nawa'y taos-puso nating gawin ang mga protocols na ito dahil iniisip din natin ang kapakanan ng iba at hindi lamang ang ating sarili. Ito nga ang batas ng Pag-ibig—ang magmalasakit din sa kapwa. Mga kapanalig, hangad nating lahat na matapos na ang pandemyang ito kaya magtulungan tayo. Sa pamamagitan ng ating pakikiisa sa pagsunod ng mga protocols, nawa'y maging instrument tayo para paalalahanan ang bawat isa. Sr. Ma. Janice Golez, PDDM (Disciples of the Divine Master)

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | MAYO 31, 2021 - Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 30, 2021 4:49


MABUTING BALITA | MAYO 31, 2021 - Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria Paano mo gustong maalala ng mga tao? EBANGHELYO: LUCAS 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali't-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. PAGNINILAY: Isa sa masasabing tradisyon sa aming ministry bilang mga Daughters of St. Paul ay ang pagbisita sa mga tahanan. Kalimitan ang pinipili naming lugar ay yung talagang malalayo – mga lugar na bihira o minsan sa isang taon lang nakakapagmisa ang pari. Ang isa sa ginagawa namin ay ang pagdadala at pagluluklok ng Bibliya sa bawat tahanan. Ito ay matapos magabayan sa pagbabasa at pagdarasal ang miyembro ng pamilya na ang sentro ay ang Salita ng Diyos. Ang aming inspiration dito ay ang Kapistahang ipinagdiriwang natin ngayon: Ang pagbisita ni Maria sa pinsan niyang si Elizabeth habang nasa sinapupunan niya si Hesus. Kung sa atin pang lenggwahe ngayon… malakas ang dating ng presensya ni Hesus kaya't naramdaman ito ni Juan na nasa sinapupunan din ni Elizabeth. Katulad ni Maria, sa aming pagbisita sa mga tahanan, at sa ating lahat --- na walang pag-aalinlangang dumadalaw sa buhay ng ating kapwa sa iba't ibang paraan – tulad ng pagtulong at pakikiramay sa kanila, nawa'y naramdaman nila ang presensiya ng Diyos – nawa'y sa bawat sandali ng pakikipag-ugnayan natin sa kanila ay maramdaman nilang dinalaw sila ng Diyos, na malapit at nananahan din sa kanila --- ang buhay na Salita ng Diyos na punung-puno ng pag-asa. Nawa'y naramdaman nila kung gaano sila kamahal ng Diyos. At sa oras ng kadiliman at pagsubok, ito nawa ang kanilang maalala… ang pagdalaw, liwanag at pag-asang dulot ng Diyos sa kanila. - Sr. Reajoy San Luis, fsp (Daughters of St. Paul)

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | MAYO 15, 2021- Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later May 14, 2021 4:23


MABUTING BALITA | MAYO 15, 2021- Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Naniniwala ka ba na mahal ka ng Diyos? EBANGHELYO: JUAN 16:23–28 Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin, sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n'yo sa Ama sa Ngalan ko, ay ipagkakaloob n'ya sa inyo. Wala pa kayong nahiling sa Ngalan ko. Humingi kayo ngayon at tatanggap kayo at malulubos ang kagalakan ninyo. Sa paghahambing ko lamang ipinahayag sa inyo ang mga ito. Ngunit palapit na ang oras na hindi ako gagamit ng paghahambing kundi tahasan ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama., Sa ngalan ko kayo hihiling sa araw na 'yon; hindi ko ibig sabihin na hihingi ako sa Ama alang-alang sa inyo ngunit mismong ang Ama ang umiibig sa inyo dahil umiibig kayo sa akin at naniniwala na mula ako sa Diyos. Galing ako mula sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.” PAGNINILAY: Sa Mabuting Balita ngayong araw, hinihikayat tayong humingi sa Diyos Ama sa ngalan ng Panginoong Hesus upang malubos ang ating kaligayahan. Dahil si Hesus at Diyos Ama ay iisa, sa pamamagitan ng Diyos Espiritu; tayo ay iisa rin kay Hesus dahil Siya ay ating Kapatid. Kung kaya, kapag tayo'y nagdasal at humingi sa Ngalan ni Hesus, madalas tayong sagutin kaagad. Pero papano na kung tayo ay nagdasal na nang masinsinan at hindi pa rin natin nakamtan ang ating hinihiling? Sa pagkakataong ito kapanalig, pagtuunan natin ng pansin ang isang katotohanang ibinahagi rin ni Hesus sa atin: na mahal tayo ng Diyos Ama. Hayaan nating tumimo sa ating puso and paniniwalang ito: “Mahal ako ng Diyos Ama!” Marahil ngayon, ang ating panalangin ay magkakaroon na ng ibang pananaw, ngayong alam na nating mahal tayo ng Diyos Ama. Maari na tayong magdasal at ialay sa Kanya ang ating mga alalahanin, nang hindi natin idinidikta kung paano sila malulutas. Kahit ang ating mga dalangin ay hindi nasagot, o nasagot sa paraang hindi naman naaayon sa ating kagustuhan, isipin natin na walang panalangin, tulad ng pagmamahal, ang humahantong sa kawalan. Ang tunay na biyaya ng panalangin ay ang pagmamahal ng Ama. At ang pananalig na ibibigay sa atin ng Ama kahit ano pa man ang ating hilingin, kung ito ang makakabuti sa atin. - Ebet Agustin (Association of Pauline Cooperators) PANALANGIN: Panginoong Diyos Ama, binibitawan ko ang pagnanais ko sa siguridad at pamamayani ng aking kagustuhan. Iniaalay ko ang aking puso sa Iyong pagmamahal. Nawa'y ang kalooban Mo, at hindi ang kalooban ko ang masunod. Amen.

KumareTalk
Episode 4: WORK vs LIFE. Happy ka pa ba? Kaya mo pa ba? #WorkLifeBalance vs #WorkLifeFlow

KumareTalk

Play Episode Listen Later Mar 2, 2021 50:00


Pagoda na sa work? Pagoda pa sa life? Usapin natin ang buhay manggagawa/negosyante today. Medyo serious tayo ngayon. Nawa'y makatulong ang chismisan natin! Also, read through: https://melrobbins.com/the-5-second-rule/ https://www.work-fit.com/blog/how-effective-breaks-at-work-increase-productivity#:~:text=Taking%20frequent%20working%20breaks%20helps,fatigue%20approximately%20every%2090%20minutes https://kashoo.com/blog/6-ways-to-achieve-work-life-harmony/ 5 seconds, walang malisya! Eme... Follow us on IG: @kumaretalkpodcast Facebook: www.facebook.com/KumareTalk CHIKA MODERATELY.

Sabaw for the Soul
EP20: My Friends Spill the Tea (Birthday Special)

Sabaw for the Soul

Play Episode Listen Later Feb 28, 2021 56:19


Dahil birthday ko last week at nirequest niyo (kunwari, lol), ako ang topic sa episode na ito. Kilalanin at tuklasin ang hiwagang bumabalot sa aking pagkatao though my chismosa friends. Charot! Nawa'y mahalin niyo pa rin ako after niyong mapakinggan ang episode na ito. Nice to meet you! :) Episode Guests: Genz Marquez & Melvin Maninang Say hi & stay connected: IG: @SabawfortheSoul FB: Sabaw for the Soul

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | Pebrero 20, 2021 – Sabado

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Feb 19, 2021 4:17


MABUTING BALITA | Pebrero 20, 2021 – Sabado Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo EBANGHELYO: LUCAS 5:27-32 Nakita ni Jesus ang isang kolektor ng buwis na nagngangalang Levi na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman ito, iniwan ang lahat at sumunod sa kanya. Naghandog sa kanya si Levi ng isang marangyang handaan sa kanyang bahay at nakisalo sa kanila ang maraming kolektor ng buwis at iba pang nga tao. Dahil dito'y pabulong na nagreklamo sa mga alagad ni Jesus ang mga Pariseo at ang mga guro ng Batas na panig sa kanila: “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” Sumagot naman si Jesus at sinabi sa kanila: “Hindi ang mga malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit. Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan tungo sa pagbabalik-loob. PAGNINILAY: Napangiti ako habang binabasa ko ang Mabuting Balita natin ngayon, kasi napanood ko siya sa “The Chosen” sa Netflix. Tunay nga na mayaman si Levi, dahil itinapon niya ang sandalyas na nadumihan, samantalang ang ibang tao ay walang mga panyapak. Isa siyang tax collector at inilalarawan na lubhang makasalanan, pero bakit siya tinawag ni Jesus na sumunod sa Kanya. Malalim ang kahulugan at nakakatakot ang paanyayang ito ni Jesus. Kung ako si Levi, sasabihin kong pag-iisipan ko muna, bago tumugon sa Kanyang paanyaya. Pero iba si Levi, iniwan niya lahat at sumunod kay Jesus! Mga kapanalig, ang pagsunod kay Jesus ay pagtalikod sa kasalanan at pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pagbibigay ng buong sarili sa Diyos ay madaling sabihin, pero mahirap gawin. Ang pagbabago ay hindi nagaganap ng isang araw lamang. Ito ay patuloy na pagsusumikap sa grasya at awa ng Diyos, na talikdan ang kasalanan at patuloy na baguhin ang sarili. Lahat tayo ay makasalanan, ang pag-amin ng pagkakamali at pagkakasala ang unang hakbang para humingi tayo ng mabathalang pagpapatawad ni Jesus. Kadalasan kasi tinitingnan natin na mas makasalanan ang iba, kaysa sa atin. Tayo ay nagiging self-righteous at mayabang. Nawa'y magamit natin ang panahon ng kuwaresma para sa ating pag-babalik loob sa Diyos para makasalo tayo sa kaganapan ng kanyang kaharian sa Langit. Amen. - Siony Japzon Ramos - Institute of the Holy Family

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 25, 2021 – Lunes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 24, 2021 4:28


Mabuting Balita | Enero 25, 2021 – Lunes sa Ikatlong Linggo ng Taon Kapistahan ng Pagbabalik-loob ni San Pablo, apostol EBANGHELYO: MARCOS 16:15-18 Sinabi ni Jesus sa labing-isa: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon. PAGNINILAY: Bilang Judio, kilala siya bilang Saulo, pero dahil mamamayan din siya ng Roma, gamit din niya ang pangalang Pablo. Hindi naman siya masamang tao sa simula ng kanyang buhay. Katunayan, naniwala siya kay Yahweh, ang kilalang Diyos ng mga Judio. Sinikap niyang mag-aral sa Salita ng Diyos at ipinagmalaki pa niya si Gamaliel, ang mahusay niyang guro. Ipinagmalaki niya na dibdiban ang pagsunod niya sa Batas ng mga Judio. Ikinagalak din niya na siya'y anak ni Abraham at tinuli ayon sa Batas. Ngunit hindi niya kinilala si Jesucristo na tagapagligtas at inusig niya ang mga Kristiyano. Pero nang masumpungan niya si Kristong muling nabuhay sa daan patungong Damasco, nawala ang paningin ni Pablo. “Bakit mo ako pinag-uusig?” tanong ng tinig na nagpakilala bilang Kristo. Nang bumalik ang kanyang paningin sa tulong ni Ananias na pinadala ng Panginoon, nagbago ang pananaw ni Pablo. Itinuring niyang “basura” lahat ng dati niyang ipinagmamalaki at mula noo'y hindi na si Pablo, kundi si Kristo, ang nabubuhay sa kanyang pagkatao. Ipinamansag niya ang mga turo ni Jesus sa iba't ibang dako. Mga kapanalig, may panahon sa ating buhay na tila siguradong-sigurado tayo sa ating mga ginagawa. Kung minsan maari rin tayong malunod sa tagumpay at maaring bumilog ang ating ulo sa papuri ng ating kapwa. Sa karanasan ni Pablo kailangan niyang mawalan ng paningin sa loob ng tatlong araw. Yaon ang pagkakataong ibinigay ng Diyos kay Pablo para manahimik at magnilay. Sa katahimikan, nakaisang-dibdib niya ang Diyos at mula noon ay naging bagong nilalang si Pablo. Hindi na siya nagsasalita ng mga bagay na mula sa kanyang sarili lamang, kundi lahat ng salitang namumutawi sa kanya ay mula Sa Diyos. Nawa'y matuto tayo manahimik at makinig sa Salita ng Diyos para siyang maging gabay natin sa bawat kilos at pagdedesisyon natin… at nawa'y bitiwan din natin ang mga bagay na ating ipinagyayabang para itampok natin si Kristo sa ating buhay. Amen. - Fr. Paul Marquez, SSP

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 15, 2021 – Biyernes sa Unang Linggo ng Taon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 14, 2021 4:53


Mabuting Balita | Enero 15, 2021 – Biyernes sa Unang Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 2:1-12 Pumasok si Jesus sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon dahil wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat. At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba't ang Diyos lamang?” At agad na nalaman ni Jesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan' o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad'? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” “Iniuutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang paralitiko, agad na kinuha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma'y hindi pa kami nakakakita ng ganito.” PAGNINILAY: Isang dramatikong kwento ang ating narinig mula sa Mabuting Balita! Isipin natin ang lalaking paralitiko na dinala kay Hesus ng kanyang mga kaibigan. Ang mga kaibigan ng paralitikong lalaki na may dala sa kanya, si Hesus at panghuli, ang mga taong dumating upang makita at mapakinggan si Hesus. Sa kuwentong ito, nakikita natin ang pananampalataya at ang kapangyarihan ni Kristo – ang paralitiko ay pinatawad at gumaling, ang mga pagsisikap ng tapat na mga kaibigan ay pinatunayan, ang mga tumututol ay napatahimik, ang karamihan ay namangha. Ngayon, tanungin natin ang sarili: tayo ba ang paralisado na kailangang dalhin kay Hesus para sa kapatawaran at paggaling? Tayo ba ang tapat, malikhain, nakatuon na mga kaibigang kukuha, magdadala, maglilibot, umakyat at maghukay upang maihatid ang iba kay Hesus? O tayo ba ang mga tumututol sa pagpapalawak ng biyaya at pagpapagaling ni Hesus? O napapahanga lang tayo sa ating mga napapanood at hanggang dito na lamang? Mga kapanalig, malasakit, awa at pag-ibig ang nagtulak sa apat na lalaki na kumilos. Nawa'y maging sagot tayo sa mga dasal ng ating kapwang naghihikahos. - Sr. Junlyn Maragañas, sjbp Manalangin tayo: Panginoon, may mga pagkakataong paralisado ako, nawalan ng lakas ng loob at pag-asa. Umaasa ako sa tulong ng mga mabubuting kaibigan upang dalhin ako sa puntong maririnig kong sinabi mo: Bumangon ka at lumakad, Amen.

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 12, 2021 – Martes sa Unang Linggo ng Taon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 11, 2021 4:10


Mabuting Balita | Enero 12, 2021 – Martes sa Unang Linggo ng Taon EBANGHELYO: MARCOS 1:21-28 At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka't lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea. PAGNINILAY: Ang katanyagan ng Panginoon ay kumalat sa lahat ng dako, dahil sa husay niyang mangaral at sa mga katangian niyang hindi pangkaraniwan: pagpapalayas nang demonyo, pagpapagaling ng maysakit at iba't iba pang mga himala. Sa modernong panahon natin, wala nang propetang naghihimala. Pero ang pagkauhaw sa salita nang Diyos at sa pangaral na kaakibat nito ay buhay na buhay sa puso nating lahat. Sa katunayan, hindi man tama, ay “namimili” ang mga tao nang pari na nagbibigay nang magandang homiliya. Iyong ang pangaral ay napapanahon at tumitimo sa puso at isip nang lahat. Kaya maraming pari ang popular; dinadayo kahit sa malayong simbahan naroroon. Ito rin ang dahilan kung bakit dinudumog ang mga charismatic preachers. Tunay na napakalaki ng impluwensiya nang mahusay na pangangaral sa kawan. - Lulu Pechuela, APC PANALANGIN: Panginoon, itinataas ko po sa inyo ang kaparian, lukuban nawa sila ng Espiritu Santo upang maging mabubuting mangangaral, nang matugunan ang pagkagutom nang mga anak mo sa iyong salita. Nawa ay maging instrumento sila ng kaliwanagan, kaalaman at pag-asa lalo na ng mga naguguluhan at nahihirapan sa buhay. Nawa'y matugunan nila ang pagkauhaw nang iyong kawan sa iyong salita. Amen

Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan
Episode 34: PUBaon of 2020 (A Yearend Special)

Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan

Play Episode Listen Later Dec 29, 2020 88:58


Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon. At katulad ng mga naunang mga episodes ng ating podcast, tapusin natin ang taong ito sa pagbibigay ng PUBaon at pasasalamat. Naging masalimuot man ang mga pangyayari para karamihan kung hindi man sa lahat, sa bandang huli ay kapupulutan pa rin natin ito ng mga gems o life lessons, mga bagay na hindi man natin hiningi, karapat-dapat lang naman na ipagpasalamat. Nawa'y ang mga gems na ito ay magamit natin sa pagpasok ng bagong taon. HAPPY NEW YEAR MGA PUBS!

Sandaang Salaysay
Buking si Santa

Sandaang Salaysay

Play Episode Listen Later Dec 9, 2020 5:51


Isa na ang Pasko sa okasyong inaantay natin bawat taon. Ngayong pasko man may naiiba dulot ng maraming pagsubok na dumaan, maari parin tayong magdiwang at mag pasalamat sa isa't-isa. Nawa'y maging Santa tayo sa ating kapwa at makapag bigay ng surpresa, galak at saya. Halina't samahan kaming makinig sa aming munting handog at tuklasan ang istorya kung paano nabuking ng isang bata si Santa! Halaw ito sa The Night Before Christmas ni Clement Clarke Moore at mula sa librong, 12 Kuwentong Pamasko na inilathala ng Tahanan Books, isinulat ni Rene O. Villanueva at babasahin ni Guelan Varela Luarca. Handog sa inyo ng Areté at ng Ateneo de Manila Basic Education para sa Sandaang Salaysay! Para sa kopya ng kuwento: https://arete.ateneo.edu/connect/sandaang-salaysay Pakinggan ito sa Spotify: https://open.spotify.com/show/0vGM8I5G8UpRBRh2yVdmIj?si=DCggi-CYTWa2SZ5IDhRY1A Kung nais makakuha ng kopya ng librong ito, maaring bumili at umorder sa www.tahananbooks.ph

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | Disyembre 8, 2020

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Dec 7, 2020 4:38


MABUTING BALITA |Disyembre 8, 2020 - Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Birheng Maria EBANGHELYO: Lc 1:26-38 Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambayanan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot , Maria, dahil may magandang niloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus . Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel PAGNINILAY: Excited ka pa bang mag-Christmas? Ang kapistahan na ipinagdiriwang natin ngayon, ang Solemnity of the Immaculate Conception, ay isang paghahanda ng Diyos sa darating na kapaskuhan­––ang birthday ni Jesus. Ipinahahayag ng doktrinang ito na 100% na walang bahid ng kasalanan si Mary, simula pa noong panahon na siya'y nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, na si Sta. Ana. Isa itong pagkilala sa natatanging biyayang iginawad ng Diyos kay Mary bilang paghahanda sa kanyang pambihirang misyon sa kasaysayan ng ating kaligtasan – ang maging ina ni Jesus, ang pinakamamahal na anak ng Diyos.// Maaari bang mangyari ito? Oo naman. Sa Mabuting Balita, sinabi mismo ni Angel Gabriel kay Mary, “Walang imposible sa Diyos.” Gagawin ng Diyos ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Kaya naman pinaniwalaan at pinagkatiwalaan ang mga salitang ito ng ating Mahal na Ina.// Nawa'y maging mapalad tayo katulad ni Mama Mary. Mapalad si Mary dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Siya'y nakikinig sa salita ng Diyos at isinasabuhay ang mga ito. Ang Salita ng Diyos ang nagbigay lakas kay Mary na gawin ang lahat ng kanyang makakaya at nagsilbing inspirasyon ito upang ang isang imposibleng misyon—na maging ina ng Diyos—naging isang posibleng responsibilidad.// Mga kapanalig, sa panahon ngayon na nakararanas tayo ng pandemya, nawa lalo tayong magtiwala sa Diyos. Mahirap man ang buhay, buong-puso pa rin tayong maniwala sa Pasko. Tuloy na tuloy ang Pasko sapagkat higit na malakas ang pag-ibig ng Diyos laban sa anumang uri ng virus.// - Fr. JK Malificiar, SSP PANALANGIN: Panginoon, katulad ng aming Mahal na Inang si Maria, itulot mong lalo pa kaming magtiwala sa iyong mga Salita at laging handa sa pagtupad ng iyong kalooban. Amen.

Coming Alive
Mindfulness of Breathing: Tagalog Edition

Coming Alive

Play Episode Listen Later Apr 28, 2020 13:40


This special edition is a meditation guide on Mindfulness of Breathing using Tagalog as medium. Ang episode na ito ay sadyang nilikha para gabayan ang mga Pilipino na mag-meditate at i-praktis and mindfulness of breathing. Nawa'y makatulong ito sa ating lahat.