Podcasts about bawat

  • 22PODCASTS
  • 69EPISODES
  • 16mAVG DURATION
  • 1MONTHLY NEW EPISODE
  • Mar 2, 2026LATEST

POPULARITY

20192020202120222023202420252026


Best podcasts about bawat

Latest podcast episodes about bawat

Open Table MCC Sunday Worship Podcast

Now there was a Pharisee named Nicodemus, a leader of the Jews. He came to Jesus by night and said to him, “Rabbi, we know that you are a teacher who has come from God, for no one can do these signs that you do unless God is with that person.” Jesus answered him, “Very truly, I tell you, no one can see the kingdom of God without being born from above.” Nicodemus said to him, “How can anyone be born after having grown old? Can one enter a second time into the mother's womb and be born?” Jesus answered, “Very truly, I tell you, no one can enter the kingdom of God without being born of water and Spirit. What is born of the flesh is flesh, and what is born of the Spirit is spirit. Do not be astonished that I said to you, ‘You must be born from above.' The wind blows where it chooses, and you hear the sound of it, but you do not know where it comes from or where it goes. So it is with everyone who is born of the Spirit.” Nicodemus said to him, “How can these things be?” Jesus answered him, “Are you the teacher of Israel, and yet you do not understand these things? “Very truly, I tell you, we speak of what we know and testify to what we have seen, yet you do not receive our testimony. If I have told you about earthly things and you do not believe, how can you believe if I tell you about heavenly things? No one has ascended into heaven except the one who descended from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the wilderness, so must the Son of Man be lifted up, that whoever believes in him may have eternal life. “For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life. “Indeed, God did not send the Son into the world to condemn the world but in order that the world might be saved through him. John 3:1-17 (NRSVUE) Tayo at si Nikodemo Sa ating pagbasa, nakatagpo ni Hesus si Nikodemo sa gitna ng kadiliman. Si Nikodemo ay isang taong may mataas na katayuan ngunit may dalang mga tanong na hindi masagot ng kanyang tradisyon. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maliban na ang tao ay ipanganak na muli, hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.” Bilang isang Katoliko at Kristiyanong bakla, madalas kong nararamdaman na ako si Nikodemo. Sa Juan 3, pumunta siya kay Hesus sa ilalim ng takip ng gabi. Bakit gabi? Siguro dahil takot siya sa sasabihin ng kapwa niya Pariseo , o siguro dahil hindi pa niya kayang pangatawanan sa harap ng marami ang kuryosidad ng pananampalataya niya. Ganoon din ako; maraming tanong, maraming takot. Until now, hindi pa rin ako sigurado sa aking pananampalataya. Gayon din ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang mga mapanghusgang salita sa paligid na nagsasabing mali ako, makasalanan ako, at hindi karapat-dapat. Ang mga salitang ito ay parang kadiliman na nagpapalayo sa akin sa liwanag ng Diyos. Sa ating paglalakbay bilang mga LGBTQIA+ na mananampalataya, ang pag-uusap nina Hesus at Nikodemo ay tila isang salamin. Tulad ni Nikodemo, marami sa atin ang lumalapit sa Diyos sa gabi o sa gitna ng kadiliman , dala ng takot sa sasabihin ng iba , ng bigat ng ating pagkakakilanlan, at ng tanong na: “Tatanggapin ba ako? Karapat-dapat ba ako?”. Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Muling Pagsilang Ang sagot ni Hesus ay hindi pagtataboy kundi isang paanyaya: “Kailangan kayong ipanganak na muli.” Ang muling pagsilang na ito ay hindi nangangahulugang kailangang burahin ang ating kulay. Sa halip, ito ay pagpapaubaya sa Banal na Espiritu na linisin ang ating paningin upang makita natin ang ating sarili ayon sa tingin ng Diyos : mahalaga, banal, at sapat. Ang konsepto ng muling pagsilang ay madalas gamitin laban sa atin upang sabihing kailangan nating magbago o itatwa ang ating tunay na pagkatao. Ngunit sa mas malalim na espiritwal na pag-unawa, ang muling pagsilang na tinutukoy ni Hesus ay hindi pagpatay sa ating katotohanan, kundi pagyakap sa ating banal na pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos at malaya sa tanikala ng mapanghusgang mundo. Mahirap isabuhay ang gospel na ito sa mundong puno ng limitasyon. Ngunit dito pumapasok ang tunay na milagro ng Espiritu Santo. Aaminin ko, hindi madali. May mga araw na mabigat ang krus ng diskriminasyon at pagdududa. Subalit gaya ng hangin na binanggit sa bersikulo 8 na umiihip kung saan ito nais, ang Espiritu ng Diyos ay hindi nakakulong sa kahon ng tradisyon. Tuwing ako ay humihingi ng patnubay, ipinapaalala ng Diyos sa akin na ang Kanyang grasya ay sapat. Ang aking pagkatao ay hindi hadlang sa aking paglilingkod; ito ay aking natatanging paraan upang ipakita ang makulay at malawak na pag-ibig ng Maylikha. Hindi ako o tayo tinawag para maging perpekto ayon sa pamantayan ng tao, kundi para maging tapat sa ilalim ng biyaya. Paglilingkod sa Pamilya at Trabaho Ang paglilingkod ay hindi lamang ginagawa sa loob ng simbahan. Ito ay isinasabuhay natin sa bawat aspeto ng ating pang-araw-araw na pakikibaka. Sa Ating Pamilya: Madalas, sa pamilya tayo pinakahinahamon. Maraming mga kamag-anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang iyong katotohanan , kung saan minsan ay kailangan pa nating patunayan ang halaga sa kabila ng ating pagkakaiba. Naririnig natin ang mga patama sa hapag-kainan o nararamdamang tila may limitasyon ang pagmamahal nila sa iyo. Subalit sa kabila nito, pinipili nating manatiling mapagmahal na anak, kapatid, o kamag-anak. Kapag tayo ang unang tumutulong sa oras ng pangangailangan , o nag-aalaga sa mga magulang na may sakit nang walang pag-aalinlangan, ipinapakita natin ang gospel in action. Pinapatunayan natin na ang pag-ibig ng isang LGBTQIA+ member ay hindi nababawasan ng kanilang panghuhusga. Kahit inaalipusta at sinasaktan ng mga mahal natin sa buhay , kung kailangan nila ng tulong o aruga , tayo ang unang tutugon kahit tayo ay nasasaktan. ‘Yan ang pag-ibig na kaya nating ibigay, at ang tawag diyan ay grasya. Sa Ating Trabaho: Madalas tayong kailangang magtrabaho nang doble upang patunayan sa ating mga kasamahan ang ating halaga. Ang propesyonalismo ay hinahaluan natin ng pagtitimpi at pagmamahal kahit sa mga hindi nakakaunawa sa atin. Hinaharap natin ang mga micro-aggressions o ang pakiramdam na kailangang itago ang ilang bahagi ng ating sarili upang hindi mapag-usapan. Ang ating katapatan sa trabaho at pagiging go-to person sa ating mga kasamahan ay isang porma ng ministeryo. Sa pamamagitan ng pagiging mahusay at mabuting katrabaho, binabali natin ang mga maling akala. Naglilingkod tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng dangal ayon sa ating propesyon , habang tahimik na nananalangin para sa mga kasamahang hindi pa bukas ang isipan. Ang Tahanan Natin sa Open Table MCC Lahat tayo—ako noon—ay takot at naghahanap ng isang community kung saan pwede tayong maging totoo sa ating pagkatao, kung saan tanggap tayo nang walang halong panghuhusga. Dito ako dinala sa simbahan ng Open Table MCC Manila pa noon, year 2000. (Kaya alam niyo na kung ilang taon na ako ngayon; siguro ako ang pinakamalapit nang maging ‘dalawang citizenship’) . Nang sabihin ni Hesus na kailangang ipanganak na muli, hindi Niya ibig sabihin na burahin natin kung sino tayo. Ang muling pagsilang ay ang pag-iwan sa mga lumang paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay limitado lamang sa iilan. Sa Open Table MCC, natutunan ko na ang aking pagkatao bilang LGBT ay hindi hadlang kundi isang bahagi ng aking paglalakbay. Ang muling pagsilang para sa akin ay ang pagtanggap na tayo ay nilikha ng Diyos nang may layunin , at ang Kanyang Espiritu ay umiihip kung saan Nais Niya. Hindi ito nakakulong sa mga tradisyong puno ng poot. Dito sa ating komunidad, ang paglilingkod ay may ibang lalim. Ito ang ating tahanan kung saan ang pag-ibig ay walang pasubali. Dito natin nararamdaman na ang paglilingkod sa Diyos ay tunay na inklusibo. Juan 3:16-17: Sandigan ng Ating Pananampalataya Madalas gamitin ang Bibliya sa mga katulad natin para takutin tayo. Pero ang Juan 3:16-17 ang pinakamatibay nating sandigan. Actually, ito ‘yung gumising sa akin. Ito ‘yung nagbigay sa akin ng pundasyon na hawak ko until now , at sinasabi kong hinding-hindi ako magkakamali. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan , pinadala Niya ang Kanyang Anak at kung sino man ang maniwala ay hindi Niya pababayaan at Kanyang ililigtas.” Hindi sinabi na gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga “diretso” ang buhay. Sinabi Niya, “sa lahat,” hindi lang sa iilan. Kasama ako doon, kasama ka doon, kasama tayong lahat. Ang salitang “sanlibutan” ay walang itinatangi; lahat ay yayakapin. At ang pinakamahalaga para sa ating mga nakaranas ng diskriminasyon ay ang talatang 17 : “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Ang Diyos mismo ay hindi naparito upang husgahan tayo. Kaya sino sa mga tao sa paligid natin ang may karapatang gawin ‘yon? Paglilingkod ng mga Sugatan Ang pagod mula sa labas ng mundo ay dinadala natin sa loob ng simbahan. Minsan, mahirap maglingkod kapag ikaw mismo ay sugatan. Hindi tumitigil ang ingay ng mundo kapag tayo ay papasok sa pinto ng simbahan. Bawat isa sa atin ay may dalang bigat na bagahe: mga mapanghusgang tingin mula sa trabaho, ang pagod ng pakikipagsapalaran sa sistemang hindi tayo laging kinikilala, at ang mga sugat ng nakaraan na tila ayaw maghilom. Napakahirap magbigay ng liwanag kung ang sarili mong mitsa ay halos mapundi na. Minsan ang paglilingkod ay nagiging isang pakikibaka. Paano ka aawit ng pag-asa kung ang puso mo ay puno ng pag-aalinlangan? Paano ka mag-aayos ng upuan para sa iba kung ikaw mismo ay naghahanap ng lugar na matitigilan? Ngunit dito papasok ang tunay na diwa ng grasya. Ang paglilingkod ay hindi nangangailangan ng pagiging perpekto. Ang ating mga sugat ay hindi hadlang sa ating ministeryo. Sa halip, ito ang nagbibigay sa atin ng lalim at malasakit na hindi matutumbasan ng sinumang hindi pa kailanman nasaktan. Sa loob ng simbahan, ang ating pagod ay kinikilala at ang ating sugat ay hinahayaang huminga—at damang-dama ko ‘yon dito sa Open Table MCC. Ang pag-aayos ng mga upuan ay hindi lamang paghahanda ng espasyo ; ito ay pagtiyak na mayroong lugar ang bawat ligaw na kaluluwa. Sa pag-awit sa koro o simpleng pagyakap sa isang bagong miyembro na takot at naghahanap ng pagtanggap , ikaw at ako ay nagiging daluyan ng muling pagsilang para sa iba. Isang Radikal na Akto ng Pag-ibig Ang Open Table MCC ay nagiging patunay na ang Diyos ay hindi limitado ng pader ng tradisyon. Ang paglilingkod natin dito ay isang deklarasyon : Narito ako, narito tayo, tinawag ng Diyos at karapat-dapat. Ang bawat maliit na gawain sa loob ng simbahan ay isang radikal na akto ng pag-ibig. Ang pag-awit sa koro ay hindi lamang paglabas ng himig ; ito ay pagpaparinig ng boses na minsang pinatahimik ng tradisyon. Kapag niyakap mo ang isang bagong miyembro na puno ng takot at pag-aalinlangan, hindi mo lang siya tinatanggap sa isang organisasyon ; ibinabalik mo sa kanya ang kanyang dignidad. Ang komunidad na ito ay isang buhay na patunay na ang pag-ibig ng Diyos ay parang karagatan na hindi kayang ikulong ng mga makitid na doktrina. Ang ating paglilingkod ay isang matapang na deklarasyon laban sa lahat na nagsabing ikaw ay kulang o mali. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay tumitindig para sa iba , sinasabi mo sa mundo: “Narito ako, hindi dahil sa pahintulot ng tao kundi dahil sa tawag ng Diyos. Ako ay buo, ako ay pinili, at ako ay karapat-dapat.” Hindi madaling maging asin at ilaw sa mundong madalas ay ayaw tayong pasikatin. Ngunit ang muling pagsilang sa Espiritu ay nangangahulugan na hindi tayo umaasa sa sariling lakas. Tuwing nararamdaman mo ang pagod, tandaan mo ang hangin—ang Espiritu ay umiihip kung saan Ito nais. Hayaan mong tangayin ka ng hanging ito patungo sa mga taong nangangailangan ng iyong kalinga. Ang iyong pagkatao ay hindi hadlang ; ito ay natatanging paraan upang ipakita ang grasya ng Diyos para sa lahat. The post Muling Pagsilang appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

SBS Filipino - SBS Filipino
Taste of Home: Academic's study explains the connection between Jollibee and balikbayans - Kulturang Pinoy sa bawat kagat: Akademiko, ipinaliwanag ang koneksyong Jollibee at balikbayan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 20, 2026 9:25


As discussions about Jollibee in Australia resurface, let's revisit an interview with an academic at La Trobe University in Melbourne about their study of the fast-food giant and Filipino culture. - Sa muling pagbuhay sa usapin ng Jollibee sa Australia, balikan ang panayam noong 2017 sa isang akademikong nagsalita sa La Trobe University sa Melbourne kaugnay sa ginawang pag-aaral nito sa nasabing fastfood at kulturang Pinoy.

SBS Filipino - SBS Filipino
Healthy Pinoy: Do you look up every health symptom you feel and spiral into panic and worry? - Healthy Pinoy: Sine-search mo ba ang bawat nararamdamang sintomas at nauuwi sa pag-aalala at takot?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 26, 2025 6:50


In an age of instant information, many people search their symptoms online often leading to more fear than clarity. This rising pattern, known as cyberchondria, can trigger unnecessary anxiety and mistaken self-diagnosis says Specialist GP Angelica Logarta-Scott. - Sa panahon ng mabilisang impormasyon, marami ang nagse-search ng kanilang mga sintomas online na kadalasan ay nagdudulot ng takot. Ang pattern na ito, na tinatawag na cyberchondria, ay maaring magdulot ng labis na pag-aalala at maling pag-aakalang may malubhang sakit ayon sa Specialist GP na si Dr. Angelica Logarta-Scott.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Napakagandang pagmasdan ang pagsikat ng araw kahit nasa Luneta ka lang, nasa White Beach ng Boracay, o nasa terrace ng inyong bahay. Bawat bukang-liwayway ay may dalang pag-asa, saya, at panibagong simula. Ito rin siguro ang naramdaman ni prophet Jeremiah. All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Sa Bawat “Kaya Lang,” May “Buti Na Lang, Si God!”

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Nov 23, 2025 2:58


Nakakaranas ka ba ng matinding pagsubok sa buhay? Are you feeling hopeless? Stay with me as today's encouragement may just be for you.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

SBS Filipino - SBS Filipino
Pinoy Pride: Filipino-Australian filmmakers share stories of home and identity in upcoming screening - Pinoy Pride: Pagkakakilanlan at kultura, tema ng mga pelikulang gawa ng mga Filo-Aussie filmmaker

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 22, 2025 32:14


Filipino Stories in Film – Made in Melbourne showcases a collection of short films about identity, migration, and family, all told by Filipino-Australian filmmakers. Each filmmaker brings their own perspective, creating a set of stories filled with memory, humour, and heartfelt emotion. - Ang Filipino Stories in Film – Made in Melbourne ay isang koleksyon ng mga maiikling pelikula tungkol sa pagkakakilanlan, migrasyon, at pamilya, na gawa ng mga Filipino-Australian filmmaker. Bawat filmmaker ay nagdala ng kanilang sariling pananaw sa mga pelikula.

SBS Filipino - SBS Filipino
'I'm proud of my Aboriginal and Filipino heritage': Singer-songwriter Emily Wurramara bitbit ang kanyang pinagmulan sa bawat himig ng musika

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 9, 2025 15:21


Mula sa kanyang pagkabata sa Groote Eylandt sa Northern Territory hanggang sa lumipat sa Brisbane noong kanyang kabataan, nakagisnan ni Emily Wurramara ang parehong kultura ng kanyang inang Aboriginal at Pilipino ama, na parehong nagbigay-inspirasyon sa kanya na tahakin ang mundo ng musika.

CCF Sermon Audio
Turn Your Fear into Faith | Bong Saquing

CCF Sermon Audio

Play Episode Listen Later Oct 27, 2025 82:54


Bawat pag-scroll, halo-halong mga balita, at mga kasalukuyang kaganapan ay nakakadagdag sa ating mga alalahanin. Natatakot ka na ba sa panahon ng walang katiyakan? Tinatawag tayo ng Diyos upang huminto muna at magtiwala sa Kanya!Speaker: Ptr. Bong SaquingSeries: God Empowers: Influence That Shapes GenerationsScripture Reading: 2 Timothy 1:1-14Watch The Full message here: https://go.ccf.org.ph/10262025Tag

SBS Filipino - SBS Filipino
Emergency go-bag checklist: What every family should pack and prepare to stay safe - Emergency go-bag checklist: Mga dapat ilagay ng bawat pamilya para laging handa

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Oct 13, 2025 5:13


A well-packed emergency go-bag can save lives during disasters. Here's a comprehensive guide on what to include to ensure your family stays safe and prepared. - Ang maayos na emergency go-bag ay maaaring magligtas ng buhay sa oras ng sakuna. Narito ang gabay kung ano ang dapat ilagay upang laging handa ang inyong pamilya.

The Linya-Linya Show
370: Bara-Bara - Ang Basehan ng Bawat Hurado w/ BATAS

The Linya-Linya Show

Play Episode Listen Later Sep 5, 2025 152:34


Yo, check!Balik tayo sa isa na namang episode ng BARA-BARA, collab ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League. Kasama natin ngayon ang 2x Isabuhay champ, rap artist, respetadong hurado, at miyembro ng Illustrado at UPRISING—si BATAS!Ikalawang salang nya na sa podcast, pero unang beses sa Bara-Bara. Kwentuhan tayo tungkol sa lipat-buhay niya sa Canada, kung paano nakakaapekto sa kanya ang paggawa ng content tulad ng Basehan ng Bawat Hurado at Pagusapan Natin Pare, pati na ang mga nami-miss niya sa FlipTop stage. Is naman sa mga naging main topics ang mainit na usapin ngayon sa local hip hop scene: ang judging sa battle rap. Halos dalawa't kalahating oras, kasama ang Basehan ng Bawat Hurado. Pag-usapan natin, pare. Listen up, yo!If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com

SBS Filipino - SBS Filipino
What is the Order of Australia, and who are some of the Filipino migrants recognised in the honours list? - Ano ang Order of Australia, at sino ang ilang migranteng Pilipino na kinilala sa listahan ng mga parangal?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 26, 2025 35:01


Each year, Australia recognises individuals for their outstanding service and achievements through the Order of Australia. Over the past few decades, several Filipinos have been among the recipients. Get to know some of the Filipino Australian awardees. - Bawat taon, kinikilala ng Australia ang mga indibidwal para sa kanilang natatanging serbisyo at mga nagawa sa pamamagitan ng Order of Australia. Sa nakalipas na ilang dekada, ilang Pilipino na ang nakatanggap ng pagkilala. Kilalanin ang mga natatanging Pilipino Australyano na tumanggap ng parangal.

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Bawat isa sa atin ay meron palang built-in “happy hormones” — hormones, or chemicals, produced by different glands across our body to help regulate our mood. Dopamine, serotonin, oxytocin, and endorphins — these hormones give us feelings of pleasure and satisfaction, as well as relieve us of body pains.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

dopamine bawat
SBS Filipino - SBS Filipino
Film and the arts as a witness to every migrant's experience - Kahalagahan ng sining bilang salamin sa buhay at karansan ng bawat migrante

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 18, 2024 15:40


Filipino-Australian Caleb Ribates has chosen to remain an independent filmmaker in pursuing his craft. It gives him the creative freedom to ensure his stories remain true to his passion while documenting the migrant's experience. - Pinili ng Filipino-Australian filmaker Caleb Ribates na manatiling independent sa pag gawa ng mga pelikula upang masiguro na patuloy na magkroon ng kalayaan sa pagbuo ng sariling kwento.

film arts witness migrante bilang buhay filipino australian sining pinili bawat
Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Bawat generation ay may particular trait. From the baby boomers who are traditional to the GenZ na sinasabing woke generation. Saan ka man kabilang, know that the principles in the Bible transcend generations and remain relevant today. Even in the time of Paul, he reminded the older believers to live a life worth emulating because the youth looked up to them.All Rights Reserved, CBN Asia Inc.https://www.cbnasia.com/giveSupport the show

Unboxing Catholicism
Book of Revelation (Part 2) l UC #108

Unboxing Catholicism

Play Episode Listen Later Sep 22, 2024 60:03


Tuklasin ang mga kapana-panabik na mensahe ng Revelation 2! Dito, may mga liham na nagbibigay ng encouragement at hamon. Ang mga mensaheng ito ay panawagan para sa pag-reflect at pagbabago. Bawat liham ay may pangako ng mga gantimpala para sa mga magtatagumpay. Samahan mo kami sa pag-explore ng mga pahayag na ito at maghanda kang ma-inspire! Let's continue discovering Catholicism so we can defend it clearly without being preachy! Links to Social Media Pages:  Facebook: ⁠https://facebook.com/unboxingcatholicism⁠ Instagram: ⁠⁠https://www.instagram.com/unboxingcatholicism⁠⁠ UC YouTube: ⁠⁠https://www.youtube.com/@unboxingcatholicism?sub_confirmation=1⁠

SBS Filipino - SBS Filipino
Calls for change as NAPLAN results show one-in-three children underperforming - Reporma isinusulong matapos lumabas na 1 sa bawat 3 batang Australian ay nakakuha ng mababang marka sa NAPLAN

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Aug 15, 2024 5:04


The statistics have sparked calls for urgent reform. Find out more details. - Ilan sa panawagan ang pagbabago sa teaching method at pagpopondo. Alamin ang buong detalye.

SBS Filipino - SBS Filipino
New report recommends three days per week free childcare - Inirekomenda ng bagong ulat ang tatlong araw bawat linggo na libreng pangangalaga sa bata

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 19, 2024 11:10


A new report by the Centre for Policy Development has recommended three days per week of free childcare for some families with a small fee for others. The report argues child care should be seen in the same light as public education and Medicare, which is offered to all Australians. - Inirekomenda sa bagong ulat ng Centre for Policy Development ang tatlong araw kada linggo na libreng childcare para sa ilang mga pamilya habang kakaunting bayad naman para sa ibang pamilya. Katwiran sa ulat na ang childcare ay dapat tingnan katulad ng pampublikong edukasyon at medicare na libreng inaalok sa mga Australyano.

SBS Filipino - SBS Filipino
Mga dapat malaman tungkol sa kanser sa dugo na nakukuha ng isa sa bawat 12 Australians

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 29, 2024 9:38


Isang bagong datos mula sa Leukemia Foundation ang nagsasabing walong porsyento ng mga Australian ang mada-diagnosed ng isang uri ng Blood Cancer. Sinabi ng foundation na mahalagang malaman ng lahat ang mga kondisyon na makaka apekto sa kalusugan.

SBS Filipino - SBS Filipino
Kahulugan at ginagampanang papel ng tradisyon at pananalig sa ating buhay

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Mar 15, 2024 13:30


Malaking bilang ng mga Pilipino ay mga Katoliko. Bawat taon sa panahon ng Kwaresma marami na naniniraharan sa labas ng Pilipinas ang ipinagpapatuloy ang mga tradisyon at ritwal na nakagisnan mula pagkabata.

papel pilipinas buhay pilipino ating bawat kahulugan katoliko
Dear MOR: The Podcast
Episode 435: "Focus" (The Ciara Story)

Dear MOR: The Podcast

Play Episode Listen Later Mar 12, 2024 58:15


"Hindi namin pinupulot ng papa mo ang pang enroll nyo. Bawat pisong binibigay ko sa'yo, pinaghihirapan namin kaya sana naman, gawin nyo naman yung obligasyon nyo bilang mabubuting anak! Wala na kaming kayang ibigay sa inyo, kundi yang edukasyon na yan, kaya wag mo namang sayangin!" – THE CIARA STORY #DearMORFocus Follow us: Youtube: https://www.youtube.com/c/MOREntertainment Twitter: https://www.twitter.com/MORentPH Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph

SBS Filipino - SBS Filipino
PhilTimes' George Gregorio on new beginnings, maxing seven credit cards and serving the community - George Gregorio ng Philippine Times sa pagsisimulang muli, pagpapatakbo ng dyaryo at serbisyo sa komunidad

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Feb 9, 2024 17:26


George Gregorio first set foot in Australia in June 1990 it was the Queen's Birthday holiday. His heart was filled with promise as he marked the beginning of a new life with the love of his life, Mira. - Bawat isa sa atin ay may sariling kwento at sa unang pagkakataon, ibabahagi ni George Gregorio ang kwento ng kanyang pagkikipagsapalaran, pagsisimulang muli at tagumpay sa may higit na tatlong dekadang paninirahan sa Australya

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Setyembre 12, 2023 – Martes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Sep 11, 2023 4:06


Mabuting Balita l Setyembre 12, 2023 – Martes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Lucas 6: 12-19 Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag umaga na, tinawag n'ya ang kanyang mga alagad at pumili s'ya ng labindalawa sa kanila na tinawag n'yang Apostol: si Simon na pinangalanan n'yang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging taga-pagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Hesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad n'ya at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem, at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu, kaya sinikap ng lahat ng tao na mahipo s'ya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya na nagpapagaling sa lahat.   Pagninilay: Mga kapanalig, kung tutuusin naman talaga, kakayanin ni Hesus bilang Diyos ang lahat ng gawain at misyon niya dito sa mundo. Pero, pinili niyang makisalamuha sa tao, makipag tulungan sa tao sa pagganap ng kanyang misyon.  Kaya tumawag siya ng labindalawang alagad. Bawat isang Apostol na kanyang tinawag, may ibat-ibang pagkatao, kalakasan, kahinaan at ibat-ibang kasanayan. Hindi mga perpektong tao ang kanyang tinawag na mangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos.  Hindi tinawag ng Diyos ang mga marapat, Kundi minarapat niya ang Kanyang tinawag.  The late Pope Emeritus Benedict XVI said: The calling of the twelve disciples was a ‘prayer event'. It was the result of Jesus' intimate dialogue with His Father, and not from the functions they will fulfill or a fruit of deep theological meaning.  Recalling what Matthew 9:38 says, “Ask the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.” Imagine that like the disciples' calling, our calling too, was also a fruit of prayer, the saints' prayers, others' prayers for us, and our prayer for ourselves.  Mga kapanalig, ipinagdiriwang din natin ngayon ang Kamahal-mahalang Ngalan ng Mahal na Birheng Maria. Nawa ang naging pag tugon ng Inang Maria sa pagtawag ng Diyos ay maging huwaran din natin sa pag tugon sa tawag ng Diyos na mag lingkod sa ating kapwa. Amen. - Fr. Edward Dantis, SSP | Society of St. Paul  

PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Agosto 15, 2023 – Martes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Aug 14, 2023 4:14


Mabuting Balita l Agosto 15, 2023 Martes sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal ng Birheng Maria (ABK) Ebanghelyo: Lc 1:39-56 Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyangPangalan. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Pagninilay: Isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Si Maria ang great Masterpiece ng Banal na Diyos! Ang Banal na Diyos Ama, na sa Kanyang Banal na Espiritu, pinuspos si Maria nang hindi mabahiran ng kasalanan, at nang maging karapatdapat na maging Ina ng Diyos Anak. Siya rin ang Kabanal-banalang Diyos, na nag-akyat kay Maria sa Langit. Bilang Simbahan na naglalakbay, patungo sa banal na Tahanan ng Banal na Diyos, si Maria ang watawat ng ating pag-asa. Sa narinig nating Mabuting Balita ngayon, lumabas si Maria at nagmadali patungo sa kanyang pinsan na si Elisabet. Ito ang naging tema ng World Youth Day 2023 sa pamumuno ni Pope Francis noong August 1-6 sa Lisbon, Portugal. “Mary arose in haste” o “Lumabas at nagmadali si Maria.” Bawat kabataan, lumalarawan kay Maria. Inaasahang makibahagi sa misyon, ang bawat youngster, na dalawin ang mga nag-iisa; magbahagi ng masasayang balita via internet; magvolunteer sa mga local charities sa kinabibilangang Parokya. Ilan ito sa tinatawag na paglalakbay tungo sa kabanalan: Ang lumabas at dalhin si Kristo sa diwa ni Maria. -Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
July 6 - Paano Napagtagumpayan ni Cristo ang Kapaitan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 3:23


Paano Napagtagumpayan ni Cristo ang Kapaitan Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. (1 Pedro 2:23, MBBTAG) Walang sinuman ang nakaranas ng mas mabigat na pagkakasala laban sa kanya kaysa kay Jesus. Bawat katiting na galit sa Kanya ay hindi talaga nararapat.  Walang sinuman ang nabuhay na mas karapat-dapat sa karangalan kaysa kay Jesus; at wala nang mas nakaranas ng mas matinding paninirang-puri kaysa sa Kanya.  Kung meron mang may karapatang magalit at maging bitter at mapaghiganti, si Jesus na 'yun. Paano Niya napigilan ang Kanyang sarili nang dinuraan Siya sa mukha ng mga tampalasang ang mga buhay mismo'y Kanyang hawak? Ibinibigay ng 1 Pedro 2:23 ang sagot: “Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.” Ito ang ibig sabihin ng talatang ito: Nananampalataya si Jesus sa hinaharap na biyaya ng makatarungang paghatol ng Diyos. Hindi Niya kailangang ipaghiganti ang sarili sa lahat ng insultong Kanyang pinagdusahan, dahil ipinagkatiwala Niya ang Kanyang kapakanan sa Diyos. Iniwan Niya ang paghihiganti sa mga kamay ng Diyos at ipinagdasal ang Kanyang mga kaaway: “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).  Pinasulyap tayo ni Pedro sa pananampalataya ni Jesus upang tayo mismo'y matuto kung paano mamuhay sa ganitong paraan. Sinabi niya, “Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag [upang matiyagang pagtiisan ang malupit na pagtrato], sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak” (1 Pedro 2:21). Kung napagtagumpayan ni Cristo ang kapaitan at paghihiganti sa pamamagitan ng pananampalataya sa ipinangakong gagawin ng Diyos, ang mabuting Hukom, paano pa kaya tayo, na mas hindi karapat-dapat na magmaktol dahil sa nararanasang pagmamalupit kaysa sa Kanya? Devotional excerpted from Future Grace, page 267 This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/how-christ-conquered-bitterness Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
July 20 - Biyaya para sa Bawat Pangangailangan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Aug 11, 2023 3:48


Biyaya para sa Bawat Pangangailangan Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod. (Salmo 86:16, ASND)  Biyaya sa hinaharap ang patuloy na sinusumamo ng mga nagdadasal na salmista. Paulit-ulit nila itong ipinagdarasal upang matugunan ang bawat pangangailangan nila. Binibigyan nila tayo ng magandang modelo ng pang-araw-araw na pag-asa sa biyaya sa hinaharap para sa bawat pangangailangan. Nagsusumamo sila ng biyaya kapag sila'y nangangailangan ng tulong: “Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” (Awit 30:10).  Kapag sila'y nanghihina: “Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod” (Awit 86:16).  Kapag sila'y nangangailangan ng kagalingan: “Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na” (Awit 6:2). Kapag sila'y nagdurusa dahil sa mga kaaway: “O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!” (Awit 9:13, MBBTAG). Kapag sila'y nalulumbay: “Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap” (Awit 25:16). Kapag sila'y nagdadalamhati: “O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha” (Awit 31:9, MBBTAG).  Kapag sila'y nagkasala: “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!” (Awit 41:4, MBBTAG). Kapag sila'y nananabik na maitaas ang ngalan ng Diyos sa mga bansa: “O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain . . . upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas” (Mga Awit 67:1–2).  Hindi maitatanggi na ang panalangin ay ang dakilang ugnayan ng pananampalataya sa pagitan ng kaluluwa ng banal at ng pangako ng biyaya sa hinaharap. Kung nilayon ng Diyos na bigyang-lakas ng panalangin ang ministeryo, nilalayon Niyang ipagpatuloy ito ng pananampalataya sa biyaya sa hinaharap. Devotional excerpted from Future Grace, page 296 This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/grace-for-every-need Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/). John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

SBS Filipino - SBS Filipino
Report finds one in four permanent skilled migrants working below their skill level - Isa sa bawat apat na skilled migrants ang nagtatrabaho sa mas mababa sa kanilang antas na kakayahan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 22, 2023 7:40


A new report says migrants and refugees are being overlooked as an answer to Australia's skills shortages. The report from Settlement Services International says billions of dollars could be injected into the economy. - Isang bagong ulat ang nagsasabing ang mga migrante at mga refugee ay hindi nabibigyang-pansin bilang solusyon sa kakulangan sa kasanayan sa Australia. Ayon sa ulat mula sa Settlement Services International, maaaring magdagdag ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya.

australia permanent apat isang skill level antas skilled migrants settlement services international bawat
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Hunyo 8, 2023 - Huwebes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jun 7, 2023 4:52


Mabuting Balita l Hunyo 8, 2023 Huwebes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Ebanghelyo: Marcos 12:28-34 May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una: ‘Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong nating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas.' At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa sa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.   Pagninilay: Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Lagi nating naririnig ang paalalang ito, ang pinakamahalagang utos, na hindi mapaghihiwalay at laging magkaugnay. Paulit-ulit na ipinapaalala dahil madalas tayong makalimot at lagi nating pinaghihiwalay. Madali nating sabihing mahal natin si Lord. Madali tayong magsabi na God loves us at we love God. Pero patuloy naman nating kinamumuhian ang ating kapwa. Patuloy tayong nagkakasakitan, patuloy na nanghuhusga ng iba. Sa totoo lang alam nating hindi madali. Alam natin, buhat sa karanasan na may mga pagkakataong mahirap ibigin ang ating kapwa. Pero ito ang hamon ni Hesus sa atin sa Mabuting Balita sa araw na ito. Ang magmahal, ang mahalin ang Diyos at ating Kapwa.Alalahanin natin na ang tunay na nagmamahal, kumikilos, nagtataya, hinihigitan ang sarili - maging ang kanyang mga kahinaan, higit sa lahat nagsisikap ipakita at ipadama ang kanyang pagmamahal. Mga kapanalig, Kung tunay nating mahal ang Diyos, mamahalin din natin ang mga mahalaga sa Kanya: ang kanyang mga nilikha, ang daigdig, mga hayop, mga karagatan, ang kalikasan, lalo't higit ang ating kapwa tao. Sa pagpapahalaga natin sa lahat ng nilikha ng Diyos, naipadarama at naipakikita natin sa Diyos na mahal natin Siya. Dagdag pa rito, nagbubunga ito ng kaligayahang hindi mapapantayan. Sabi nga sa isang awit: ‘Di ba't sadyang may kapwa ang sariling dapat hainan ng pagsisilbi. At mamangha ligaya'y dadalisay pag sa kapwa buhay mo ay naalay. Bawat galing gamitin sa paglingap, laging damhin kung may naghihirap, at tandaan ganyang pagmamahalan, unang-unang atas ng kabanalan.  At sa patuloy na pag-uulit, patuloy na pagmamahal, dumadalisay ang ating pag-ibig sa Diyos at kapwa, hanggang sa maging banal at tunay tayong maging mga Anak ng Diyos.    - Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of Paul  

SBS Filipino - SBS Filipino
Pain on pain: CPI indexation triggers sharp increases to student debts - Matinding pagtaas sa utang ng mga estudyante dahil sa CPI indexation

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jun 2, 2023 6:01


More than 3 million Australians are facing steep increases to their higher education debts because of Australia's high rate of inflation. HECS-HELP debts are indexed each year to the consumer price index and this year's indexation rate is 7.1 per cent. - Mahigit sa tatlong milyong Australiano ang nahaharap sa matinding pagtaas sa kanilang inutang na matrikula para sa kanilang pagkokolehiyo – ito'y dahil sa mataas na rate ng inflation ng Australia. Bawat taon ang utang sa HECS-HELP ay naka-index o ibinabase sa consumer price index at ngayong taon ito'y 7.1 percent.

SBS Filipino - SBS Filipino
Bawat miyembro ng ASEAN makakaasa sa pagbabago at pag-unlad pagdating sa usapin ng pulitika at ekonomiya

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later May 12, 2023 8:26


Balik Pilipinas na kahapon si Pangulong Bongbong Marcos mula sa 42nd ASEAN summit sa Indonesia

indonesia asean pagbabago pagdating bawat
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Mar 16, 2023 4:16


Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes Ikatlong Linggo ng Kuwaresma Ebanghelyo: Mc 12:28-34 May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una: ‘Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong nating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas.' At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa sa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya. Pagninilay: Para saan nga ba tayo bumabangon? Kapag ang isang tao na nagmamahal ang tinatanong ng ganito, malamang mabilis siyang sasagot nang, ‘para sa mga taong mahal ko'. Mga kapanalig, ang pagmamahal ay likas sa isang tao dahil galing tayo sa Diyos na Mapagmahal, sa Diyos ng Pag-ibig. Kaya iyan din ang binibigyan-diin ni Hesus sa kanyang paglalagom ng Mabuting Balita ngayon sa dalawang pangunahing utos: na mahalin ang Diyos nang higit sa lahat; at mahalin ang kapwa tulad ng ating sarili. Dahil nilikha tayo ng Diyos na Mapagmahal, may kakayahan tayong magmahal sa tulong ng Kanyang Banal na Espiritu. Kaya naman, kapag hindi tayo namumuhay sa pagmamahal – nagiging pasaway at sakit ng ulo ng pamilya at lipunan – lumilihis tayo sa ating identity, bilang nilikhang kawangis ng Diyos. Pero, hindi pa huli ang lahat. Bawat araw na bumabangon tayo, panibagong pagkakataon ito upang itama ang ating pagkakamali, pagsisihan ang kasalanan, at manumbalik sa pag-ibig ng Diyos. Kailangan lamang nating magpakumbaba, at aminin ang ating pagkakamali; at taos pusong humingi ng tawad sa Diyos at sa kapwang ating sinaktan. Manalangin tayo: Panginoon, pagkalooban Mo po ako ng kababaang loob na aminin at pagsisihan ang aking kasalanan, at humingi ng tawad sa mga taong aking nasaktan, Amen. Ms. Imelda Benitez - Dometita

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Bawat Gising, May Blessing!

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Mar 4, 2023 3:24


Support the show

blessing bawat
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 25, 2023– Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Taon

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 24, 2023 6:51


Mabuting Balita | Enero 25, 2023 | Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Taon Ebanghelyo: Mark 16:15-18 Sinabi ni Hesus sa labing-isa: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon. Pagninilay: Sa paghayo ni Hesus Maestro sa labing-isa, buo ang tiwala Niya na tutuparin nila ang Kanyang iniatas. Magpapangaral sila ng Mabuting Balita na hindi na pisikal na laging kasa-kasama ni Hesus. Nasa kanilang kalooban na si Hesus at sa kanilang diwa. Dala-dala nila ang Espiritu ni Hesus na may sense of urgency. Nang tinawag naman ni Hesus si Saulo habang nasa kasukdulan siya para usigin at sugpuin ang mga nabinyagan ng mga Apostol, nasa sense of urgency siya noon. Buo ang loob niyang patayin ang mga followers ni Hesus. Pero sa moment na nagpakita si Hesus bilang nakakasilaw na liwanag, huminto ang inog ng kanyang mundo ng pagkasuklam. Pansamantalang nawalan siya ng paningin. Ang amazing dito, nilusaw ng liwanag ni Hesus ang kanyang sariling pananaw. Binigyang direksyon ang kanyang determinasyon. Doon nagbago ang buhay ni Saulo at bininyagan bilang Pablo. Iniwan niya ang pangalang Saul na nangangahulugan ng pagtatangi at karangalan. Niyakap niya ang pangalan na nangangahulugan ng pagpapakumbaba. Dahil ang lahat sa kanya, iniugnay niya at iniugat kay Hesus. Mula sa total conversion niya, sa tulong ng ating Hesus Maestro, buong kababaang-loob na ginamit niya ang kanyang kaalaman sa Banal na Kasulatan. Pinagtagpo niya ang kanyang kakayanang intelektuwal at ang ispiritwal na halimuyak na hango kay Hesus sa pagpapangaral. Taglay niya ang tapat na kalooban sa paghikayat. Buhay na buhay ang kanyang “sense of urgency” to proclaim the message. Kapag malayo siya, sumusulat siya nang personal. Dahil aware siya na ang time available to proclaim the message was short. Maikli at mabilis ang takbo ng panahon. 2023 na. Kailangan din nating maging aim ang sense of urgency. Marami nang humuhulagpos ang pananalig sa Diyos. Sila ang dapat nating habulin, bago mawala. Ang itinanim na binhi ng pagmamahal sa Diyos ng mga magulang natin sana mai-share din natin sa mga bata ngayong henerasyon. Sa pagpapahalaga sa Bibliya, sana magpursigi tayong ituro sa young ones. Ang kaligtasang handog ng Banal na Misa, sana maibalik natin ang humihina nang maniwala at magtiwala sa Eukaristiya na mga tweeners, teenagers, young adulters. Magkaroon din sana tayo ng pangamba kung mapapansin natin na lumalabnaw na ang sigasig nating manalangin at humingi ng tawad sa Diyos. Kung hindi natin gagawin ngayon, baka mawalan na tayo ng pagkakataon. Itulad natin ang ating kalooban at diwa kay San Pablo. Bawat sandali, simula noong nagbagong-loob siya at nagbagong pananaw, araw-araw mahalaga ang sandali para makilala at mapalalim ang ugnayan niya kay Hesus. Yun din ang ugat ng kanyang mabilasang pagpapalaganap ng kaligtasan. Sa bawat pag-tiktak ng orasan, sabayan natin ng paghahanap ng taong makakatanggap ng Mabuting Balita. Sa bawat pagforward natin ng message of Good News, sigurado na thousands ang makakatanggap. Make smart decisions in Hesus' name. and act on them with faith and love. - Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

SBS Filipino - SBS Filipino
Finding common ground to really celebrate Australia - Dapat bang palitan ang petsa ng Australia Day?

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jan 19, 2023 8:48


Each year, the voice to change the date of Australia Day gets louder but why would it be a positive for migrant Australians to be allied with Indigenous Australians? - Bawat taon, lumalakas ang boses ng First Nations para sa pagbabago ng petsa ng Australia Day na January 26 pero dapat nga bang pumanig dito ang mga migrante?

SBS Filipino - SBS Filipino
'It is important to safeguard our human rights'-Neri Colmenares - 'Mahalaga masiguro ang karapatan ng bawat mamamayan'-Neri Colmenares

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Dec 9, 2022 10:57


Human Rights Lawyer and former Bayan Muna Representative Neri Javier Colmenares recently met with Filipinos in Australia and New Zealand. - Bumisita sa Australya at New Zealand ang Human Rights Lawyer at dating mambabatas Neri Javier Colmenares.

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Nov 11 - Tayo ang Kanyang Sambahayan

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Nov 11, 2022 4:22


Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay. Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon. Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya. (Hebreo 3:3-6) Ang mga taong nagmamalaki at umaasa kay Jesu-Cristo ay ang sambahayan ng Diyos. Ibig sabihin, si Jesus mismo, sa araw na ito — hindi lang sa panahon ni Moses o sa sarili Niyang mga araw sa daigdig — kundi sa mismong araw na ito, ay ating Tagapaglikha, ating May-ari, ating Pinuno, at ating Tagapagbigay. Si Jesus ay tinatawag na “Tagapagtayo” ng bahay na ito. Hindi si Moses ang tagapagtayo. Bahagi siya ng bahay. Kaya sinasabi, “Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises.” Kaya si Moses, gaano man siya kadakila sa pamumuno ng bahay, at nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa bahay, ay bahagi pa rin ng bahay. Ngunit itinayo ni Jesus ang sambahayan. Kaya kung nagmamalaki tayo kay Jesus at umaasa kay Jesus, tayo ang sambahayan, at si Jesus ang ating Tagapagtayo, at May-ari at Pinuno at Tagapagbigay. Hindi Niya hinahayaang masira o gumuho ang Kanyang bahay. Pagkatapos ay binago ng manunulat ang matalinghagang panaginip — mula sa tagapagtayo at bahay, patungo sa anak at lingkod. “Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos . . . . Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos.” Kaya naging bahagi nga ng bahay si Cristo — bahagi ng sambahayan — na Kanyang itinayo. Ganun pa man, higit ang Kanyang karangalan kay Moses. Si Moses ay isang lingkod. Si Cristo ang Anak. Ang tagapagmana. At tayo ay bahagi ng sambahayang ito. Sa Mga Hebreo 3:6: “At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.” Syempre, igalang at ibigay natin kay Moses ang nararapat sa kanya. Pero ang punto ng buong aklat ng Hebreo ay ito: Mas dakila si Cristo. Higit na dakila sa lahat ng bagay. Siya ang Tagapagtayo ng sambahayan ng mga anak ng Diyos. At siya ang Anak sa sambahayan ng mga anak ng Diyos. Igalang natin si Moses. Pero sambahin natin si Jesus — ang ating Tagalikha, ang ating kapatid. This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/we-are-his-house Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children's books. You can find her on IG: @joshenebersales John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Company Events - HCA Capital
Bawat - Key messages from the Q3 report

Company Events - HCA Capital

Play Episode Listen Later Nov 3, 2022 14:35


Bliv klogere på Bawat i denne podcast når CEO Marcus P. Hummer dykker ned i selskabets Q3 report.Se den fulde episode på vores Youtube kanal: https://www.youtube.com/c/HCAndersenCapital HC Andersen Capital modtager betaling fra Bawat for en Digital IR/Corporate Visibility abonnementsaftale.

SBS Filipino - SBS Filipino
What are the visa opportunities in each Australian state and territory? - Australya, magdadagdag ng mga skilled migrant. Alamin ang mga oportunidad sa visa sa bawat estado

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Sep 8, 2022 11:00


In this episode of ‘Trabaho, Visa atbp.', here's the guide to relaxed visa conditions and migration allocation in each state and territory. - Sa episode na ito ng ‘Trabaho, Visa atbp.', alamin ang detalye ng ilang pagluluwag ng kondisyon sa visa at mga alokasyon ng bilang ng migrante sa bawat estado.

SBS Filipino - SBS Filipino
'Tongue Set Free' workshop highlights the female migrant experience - 'Tongue Set Free': May aral sa bawat kwento ng migrasyon na ibabahagi ng mga kababaihang Pilipino sa Sydney

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Aug 19, 2022 41:06


When you are without your linguistic community, how do you tell your story? 'Tongue Set Free' aims to help women from diverse backgrounds share theirs. - Iba-iba ang kwento ng mga kababaihan sa kanilang paglipat sa Australia. Bagaman, limitado lamang ang oportunidad na maisulat ito sa kanilang sariling wika, may aral naman na mapupulot sa bawat istorya.

Damuhan - Podcast ng Pinoy. Tambayan ng Pinoy.

Bawat tao, may kanya-kanyang takbo ng pag-iisip. Maaaring naiintidihan mo ko, pero yung iba, di makuha ang point ko. Pero sana respeto na lang. --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app --- Send in a voice message: https://anchor.fm/damuhan/message Support this podcast: https://anchor.fm/damuhan/support

pero bawat
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
June 24 - Kaya Kong Maging Kuntento sa Bawat Sitwasyon

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Jun 24, 2022 4:36


Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Filipos 4:11-13) Ang future grace na nilalaan ng Diyos sa pang-araw-araw ang siyang umaagapay kay Paul para maging busog o maging gutom, magkaroon ng mabuti o nagdurusang kalagayan, o magkaroon ng kasaganaan o kakulangan. “Lahat” talaga ang ibig sabihin ng “Lahat ng ito'y magagawa ko,” hindi lang ang madadaling bagay. Ang ibig sabihin ng “Lahat ng bagay” ay “Kay Cristo, puwede akong magutom at magdusa at magkulang.” Inilalagay nito ang napakagandang pangako ng Filipos 4:19 sa tamang perspective: “Ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” Ano ang ibig sabihin ng “lahat ng inyong kailangan” sa pananaw ng Filipos 4:11–12? Ibig sabihin, “lahat ng kailangan ninyo para sa God-glorifying na kasapatan.” Puwedeng may kasamang gutom at pangangailangan ito. Ang pagmamahal ni Paul sa mga taga-Filipos ay dumaloy mula sa kanyang contentment sa Diyos, at dumaloy ang kanyang kasiyahan mula sa pananampalataya sa future grace ng tiyak na provision ng Diyos, na kanyang tanging kailangan sa panahon ng kasaganaan at kakulangan. Malinaw na ang pag-iimbot ay eksaktong kabaligtaran ng pananampalataya. Ito ang pagkawala ng kasiyahan kay Cristo kaya sinisimulan nating maghanap ng iba pang bagay para i-satisfy ang mga inaasam ng ating puso na tanging ang presensya ng Diyos mismo ang makaka-satisfy. At walang pagkakamali na ang digmaan laban sa pag-iimbot ay digmaan laban sa unbelief sa pangako ng Diyos na maging tanging kailangan natin sa bawat sitwasyon. Napakalinaw nito sa Hebreo 13:5. Tingnan kung paano nakikipagtalo ang may-akda para sa ating kalayaan mula sa pag-ibig sa pera — kalayaan mula sa pag-iimbot — ang kalayaan ng contentment sa Diyos: “Iwasan ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, ‘Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.'” Winawasak ng faith sa pangakong ito — “Hindi kita iiwan” — ang kapangyarihan ng lahat ng pagnanais na nakaka-dishonor sa Diyos — lahat ng pag-iimbot. Tuwing nararamdaman natin ang pag-usbong ng kahit ang pinakamaliit na pag-iimbot sa ating puso, dapat natin labanan ito nang buong kakayahan natin gamit ang mga sandata ng pananampalatayang ito. Devotional excerpted from Future Grace, page 224 This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/i-can-be-content-in-every-circumstance Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children's books. You can find her on IG: @joshenebersales John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

God’s Word For Today
22.145 | Giving Our Best | Nehemiah 4:21-23 | God's Word for Today with Pastor Nazario Sinon

God’s Word For Today

Play Episode Listen Later Jun 17, 2022 11:07


Neh 4:21-23 ESV 21 So we labored at the work, and half of them held the spears from the break of dawn until the stars came out. 22 I also said to the people at that time, “Let every man and his servant pass the night within Jerusalem, that they may be a guard for us by night and may labor by day.” 23 So neither I nor my brothers nor my servants nor the men of the guard who followed me, none of us took off our clothes; each kept his weapon at his right hand. ------ 21 Kaya't gumawa kami sa gawain, at kalahati sa kanila ay naghawak ng mga sibat mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa lumitaw ang mga bituin. 22 Sinabi ko rin nang panahong iyon sa taong-bayan, “Bawat lalaki at ang kanyang lingkod ay magpalipas ng gabi sa Jerusalem upang sila ay maging bantay para sa atin sa gabi at makagawa sa araw.” 23 Kaya't maging ako, ni ang aking mga kapatid, ang aking mga lingkod, at ang mga lalaking bantay na sumusunod sa akin, ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot, bawat isa'y iningatan ang kanyang sandata sa kanyang kamay. GIVING OUR BEST We do know how committed a person is to a work by the amount of time and efforts he put upon it, don't we? Nehemiah and his men worked until exhaustion. They worked round the clock. They dedicated themselves to the work all the more, working hard from sunrise to past dark, even spending the night out at the job site to protect against any attack. Everyone was working during the day and slept onsite to guard the city. Nobody took off his clothes and each kept his weapon at his right hand all the time. In the Old Testament, Solomon has exhorted similarly, ”Whatever your hand finds to do, do it with your might for there is no work or thought or knowledge or wisdom in Sheol, to which you are going.”[Ecc 9:10] Opportunities don't knock twice. Our time in this life is short and fleeting. We, as believers, do need to be armed with the same attitude today, don't we? We need to be always ready, always clothed with the righteousness of Jesus Christ, always wearing the armor of God, ready for that final trumpet blast that will gather us together with our LORD. More than we watch for signs, we should watch for the trumpet sound. ----------------------- Visit and FOLLOW Gospel Light Filipino on YouTube, Facebook and Instagram

One Beat Christian Ministries Podcast
OBCM FAITH that goes the DISTANCE 05012022

One Beat Christian Ministries Podcast

Play Episode Listen Later May 1, 2022 90:45


"Faith at its heart is about trust. It's one thing to believe in God; it's quite something else to trust him with our lives. We all want deeper relationships built on trust." -Rick Perry ISA.. Dito lahat nagsimula, sa konting bilang di naalintana nagpatuloy, nagsumikap, nanampalataya hanggang sa unti-unting nakita ang mga bunga hindi napagod, hindi huminto bagkos, nagpatuloy ang pananabik na maglingkod, makasama ang mga kaibigan, at pamilya sa iisang gawain - eto ang ating naging layunin eto ang naging tibok ng puso natin, na ituro ang lahat palapit sa Diyos at kung sino si Hesus dahil sa samahan na to, Bawat isa mahalaga DALAWA.. Sinubok-tumigil ang ikot ng mundo ngunit hindi tayo huminto Gaya ng sabi ng kasabihang, kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan Sa atin, mas nanaig ang kagustuhang maglingkod, mas nanaig ang kagustuhang magpatuloy at makilala ang Diyos Ginamit ang mga bagay bagay na meron tayo sa ating mga kamay Sinamantala at inaral ang mga tinatagong regalo sa bawat teknolohiya At sa pagtyatyaga- hindi tayo tumigil hindi tayo huminto dahil sa samahan na ito, We are growing 2gether, We are working 2gether and we are serving 2gether.. and 2gether we are One. TATLO.. Kasama ang bagong pamantayan Face mask, Face shield, Social Distancing, okay lang yan Muli, nasilayan natin ang bawat isa, di man lahat pero nariyan ka Narito ako, narito tayong lahat Nakakasabik na makita nag bawat isa, makakwentuhan, makita ang ngiti sa bawat na mga mata, syempre dahil nakatago sa facemask, anu pa? Ngunit sa maiksing kwentuhan maraming gustong sabihin ang bibig, maraming kwentong ibahagi, sa lahat ng mga ito sinubok ng pandemya iisa lamang ang tiyak, lahat ng pusong narito ay napupuno ng galak dahil lahat ng narito ay.. AlwaysFull APAT.. Nasa pang-apat na tayo! As we start May and wait for our 4th Church Anniversary, let's join Pastor Rey as he recounts with us our first, second and third year and where FAITH falls in all of them with his service today with the title : FAITH that goes the DISTANCE #Milestones #ThefirststepinourwalkoffaithistostopourownworksandrestinGodslovewisdomandpower #IsangTibokIsangPamilya #spreadHopespreadLovespreadtheWordandnottheVirus #itisaONEBEATFamdayFundaySonday!

SBS Filipino - SBS Filipino
New genetic study on Parkinson's Disease may provide better understanding and management - Bagong research sa Pakisnon's Disease maaring magbigay ng mas mahusay na diagnosis at management

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Apr 11, 2022 9:24


In Australia, every 40 minutes one person is diagnosed with Parkinson's.  - Bawat 40 minuto, sa Australya isang tao ang nadiagnose ng Parkinson's Disease. 

Company Events - HCA Capital
Bawat - GreenTech seminar

Company Events - HCA Capital

Play Episode Listen Later Apr 6, 2022 28:09


Bawat var med på GreenTech seminar. Få et indblik i investeringscasen fra selskabets ledelse og hør Q&A fra eventet.HC Andersen Capital modtager betaling fra Bawat for en Digital IR/Corporate Visibility abonnementsaftale.

Company Events - HCA Capital
Bawat går på børsen!

Company Events - HCA Capital

Play Episode Listen Later Mar 15, 2022 42:01


Bawat går på børsen - Mød selskabet og få en introduktion til investeringscasen. Bawat søger Notering på First North Premier Growth Market Sweden og vi løber sammen med CEO Marcus Urhammer investeringscasen igennem. Se den fulde episode på vores Youtube kanal: https://www.youtube.com/c/HCAndersenCapitalHC Andersen Capital modtager betaling fra Bawat for en Digital IR/Corporate Visibility abonnementsaftale.

bawat
Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga't hindi nila napapatay si Pablo. (Mga Gawa 23:12) Paano naman 'yung mga gutom na taong nangakong 'di kakain hanggang hindi nila naa-ambush si Paul? Mababasa natin ang tungkol sa kanila sa Mga Gawa 23:12, “Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga't hindi nila napapatay si Pablo.” Hindi ito nangyari. Bakit? Dahil may mga pangyayaring malabong mangyari ang nangyari: Narinig ng isang batang lalaki ang kanilang plano. Anak ng kapatid na babae ni Paul ang batang ito. Nagkaroon ng tapang ang bata na magpunta sa Roman centurion na nagbabantay kay Pablo. Sineryoso siya ng centurion at dinala siya sa tribune. Naniwala ang tribune sa kanya at naghanda ng “dalawandaang sundalo at pitumpung kawal na nakakabayo at dalawandaang kawal na may sibat” para dalhin si Paul sa kaligtasan. Bawat isa sa mga pangyayaring ito ay malabong mangyari. Kakaiba. Pero 'yan ang nangyari. Ano'ng hindi naisip ng mga gutom na taong 'yon na naghihintay mang-ambush? Hindi nila alam ang nangyari kay Paul bago nila ginawa ang kanilang plano. Nagpakita ang Panginoon kay Paul sa bilangguan at sinabing, “Lakasan mo ang iyong loob! Kung paanong nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem, kailangang magpatotoo ka rin sa Roma” (Mga Gawa 23:11). Sinabi ni Cristo na pupunta si Paul sa Roma. At 'yun na 'yun. Walang ambush na makakahadlang sa pangako ni Cristo. Hanggang makarating siya sa Roma, imortal si Pablo. May huling patotoong kailangang ipahayag. At sisiguraduhin ni Cristo na masasabi ito ni Paul. Ikaw rin ay may huling patotoo na ipapahayag. At imortal ka hanggang masabi mo ito. Devotional excerpted from “Nothing Stands Against Christ” This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-you-are-immortal Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children's books. You can find her on IG: @joshenebersales John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Damuhan - Podcast ng Pinoy. Tambayan ng Pinoy.
Iba't Ibang Gimik ng mga Politiko

Damuhan - Podcast ng Pinoy. Tambayan ng Pinoy.

Play Episode Listen Later Jan 30, 2022 5:51


Less than 100 days na lang bago ang eleksyon at muli na namang pipili ang taumbayan ng kanilang ihahalal sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Matatapos na ang kasalukuyang administrasyon at isang bagong umaga ang muling naghihintay sa ating lahat. Sampung kandidato ang nag-aasam na maging pangulo, siyam naman sa pangalawang pangulo at higit animnapu ang nangangarap makasungkit ng posisyon sa senado. Idagdag pa ang mga mga party list representatives at iba pang local positions sa gobyerno. At dahil nga malapit na ang halalan, kapansin-pansin na ang mga advertisements ng kanya-kanyang mga kandidato na mapapanood sa telebisyon at social media platforms gaya ng facebook at youtube. Bawat kandidato ay may sari-sariling istilo. Narito ang ilang gimik ng mga politiko. May sinseridad man o isang trapo, paniguradong ang mga sumusunod ay tiyak nilang pinagisipan para makuha ang ating boto. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/damuhan/message Support this podcast: https://anchor.fm/damuhan/support

narito ibang bawat
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 30, 2022 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 29, 2022 4:54


Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa Mabuting Balita | Enero 30, 2022 – Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: LUCAS 4:21-30 Pagdating ni Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa lahat ng nasa sinagoga: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming biyuda noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa biyuda ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinakatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis. PAGNINILAY: Mga kapanalig, may dalawang aral tayong mapupulot sa Mabuting Balita ngayon. Una, para sa ating humahadlang sa mga tao para hindi sila makagawa ng mabuti. Ano bang buti ang maidudulot sa atin ng gawang ito? Anong klaseng saya ang nararamdaman natin sa tuwing nagiging kontrabida tayo sa mga taong gumagawa ng kabutihan at gusto pa natin silang hadlangan? Di ba't wala! Nakakalungkot isipin na hindi na nga tayo gumagawa ng kabutihan, gusto pa nating hadlangan ang mga taong nagpapakabuti. Saan ba galing ang masamang saloobing ito? Malamang sa inggit na namamayani sa ating puso. Bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng sapat na biyaya at pagpapala upang magbahaginan tayo para sa ikabubuti ng mundo. Ang dapat nating iwasan ay ang inggit. Na siyang nagiging hadlang para maghari ang kabutihan ng Diyos sa sandaigdigan. Ang ikalawang aral, ay para sa ating nagsisikap gumawa ng mabuti pero hinahadlangan tayo ng kapwa. Hindi natin kayang suyuin ang lahat ng tao. Sa kabila nang mga ginagawa nating mabuti, mayroon pa ring kokontra at hahadlang, lalo na kung ang ating ginagawa ay labag sa kanilang paniniwala. Kung tayo'y naniniwala na ang ating ginagawa ay ayon sa kalooban ng Diyos, wala tayong dapat ikatakot kahit pa tayo'y usigin. Dahil gagawa at gagawa ang Diyos ng paraan upang patuloy na magbunga ang ating mabubuting gawa nang maging daluyan ito ng pagpapala para sa ating kapwa. - Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية
Ang bawat isa ay ipinanganak na makasalanan

AWR Tagalog / タガログ語 / لغة تغلوغية

Play Episode Listen Later Jan 18, 2022 29:00


Ang Bawat isa sa atin ay makasalanan..

Tinig ng Pag-asa
Ang bawat isa ay ipinanganak na makasalanan

Tinig ng Pag-asa

Play Episode Listen Later Jan 18, 2022 29:00


Ang Bawat isa sa atin ay makasalanan..

Christian Bible Church of the Philippines | Sunday Messages

Sermon: Bawat Miyembro, May Ministeryo Series: New Humanity Speaker: Bro. Renz Raquion Scripture: Ephesians 4:11-16 Nais ng Diyos na lahat ng mga Kristiyano ay maging aktibo sa pagpapatibay ng simbahan at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Alamin natin mula kay Bro. Renz Raquion kung paano natin magagamit ang mga kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Diyos para sa pagsulong ng simbahan. God wants us to do our part to build the Church and share the Gospel. This week, Bro. Renz Raquion shares how we can use what God has gifted us to help build the church. Discussion questions at https://drive.google.com/file/d/1k1JXany0gTDA_kSEA90NVZI-xzvw1Djf/view?usp=sharing On our website: Blogpost URL Join a Life Group: https://cbcp.org/lifegroups Find an event: https://cbcp.org/events Learn how to give: https://cbcp.org/giving Website: https://cbcp.org Facebook: https://facebook.com/cbcponline YouTube: https://youtube.com/cbcponline Soundcloud: https://soundcloud.com/cbcponline Instagram: https://instagram.com/cbcponline

SBS Filipino - SBS Filipino
'It is our responsibility to fight fake news': Filipino artists hope to spread facts as the Philippines prepares for 2022 elections - 'Paglaban sa fake news, obligasyon ng bawat isa': hangad ng ilang Pilipino artist sa Sydney na maikalat ang katotohan

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Nov 9, 2021 11:25


"I believe that we have a responsibility to know the truth because we have an obligation to one another. That's part of our service as a fellow human being to help one another in truth." - "I believe that we have a responsibility to know the truth because we have an obligation to one another. That's part of our service as a fellow human being to help one another in truth."

SBS Filipino - SBS Filipino
One person is displaced every second by our warming planet. Where will they go? - Climate change: Isang tao bawat segundo ang inililikas mula sa kanyang tahanan dahil sa epekto ng global warming

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Oct 18, 2021 7:08


As crucial climate talks fast approach in Glasgow, it's estimated one person is displaced from their home every second by the impacts of global warming. Rising sea levels, fires, floods and other disasters will increasingly leave people with no choice but to move. But where will they go? Under what laws and policies? And with what protections? - Napakahalaga ang nalalapit ng pagpupulong sa usaping climate change sa Glasgow, dahil tinatayang isang tao bawat segundo ang inililikas mula sa kanyang tahanan dahil sa masamang epekto ng global warming. Ang tindi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, bagyo, pagbaha, sunog sa kagubatan at tagtuyo, saan sila tutungo? Sa ngayon, walang mapagpipilian ang mga ito dahil wala namang sapat na batas at proteksyon na kanilang masasandalan sa panahong naiipit sila sa peligro.

PODKAS
Season 4 (Trailer)

PODKAS

Play Episode Listen Later Oct 14, 2021 1:10


Isa na namang bagong season ng PODKAS ang paparating. Dahil nalalapit na ang eleksyon, sisipatin natin ang ilang mga usapin sa kasalukuyan gamit ang kasaysayan. Kaya naman ang pamagat ng ating bagong season ay, "Hindi nabago 'yan! Current Events from a Broader Historical Perspective". Bawat linggo simula October 23, may mga makakasama tayong mga experts mula sa iba't ibang mga disiplina upang tulungan tayong unawain ang mga paksa natin. At kami namang mga historyador ang mag-uugat at magko-contextualize nito sa kasaysayan. Magkita-kita tayo sa October 23! --- Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/podkas/message Support this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/podkas/support

Ahmad Javier
Tagumpay sa bawat pagsubok ni Allah

Ahmad Javier

Play Episode Listen Later Sep 30, 2021 17:33


Tagumpay sa bawat pagsubok ni Allah. The post Ahmad Javier – Tagumpay sa bawat pagsubok ni Allah appeared first on Ahmad Javier.

allah pagsubok bawat ni allah
Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Paghinga sa Bawat Pahinga

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later Aug 25, 2021 3:24


In Jesus, we can find rest. He is our refuge. Kung paanong ang oxygen ay kailangan para tayo mabuhay, kailangan din natin si Jesus.Support the show

Devotions with Pastor Israel
Gumawa ng Mabuti sa Bawat Pagkakataon

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Aug 13, 2021 2:28


August 14, 2021

bawat
Negosyo Realtalk by Arvin Orubia
EP 94: Pagdesisyon Sa Negosyo, Pag Align sa Negosyo ng Partner mo Noon, Focus Sa Bawat Negosyo At Iba Pa Sa Negosyo

Negosyo Realtalk by Arvin Orubia

Play Episode Listen Later Aug 9, 2021 31:06


Negosyo usapang Pagdesisyon Sa Negosyo, Pag Align sa Negosyo ng Partner mo Noon, Focus Sa Bawat Negosyo At Iba Pa Sa Negosyo --- Send in a voice message: https://anchor.fm/arvinorubia/message Support this podcast: https://anchor.fm/arvinorubia/support

PAULINES ONLINE RADIO
MABUTING BALITA | HULYO 26, 2021

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jul 25, 2021 4:43


MABUTING BALITA | HULYO 26, 2021 Lunes sa Ika -17 Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MATEO 13:31-35 Binigyan ni Jesus ang mga tao ng isa pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki'y mas malaki ito sa mga gulay at parang isang puno—dumarating ang mga ibon ng Langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Jesus ang iba pang talinghaga: “Naikukumpara ang Kaharian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: ‘Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.' PAGNINILAY: Sa isang binhi ng mustasa inihambing ni Hesus ang Kaharian ng Diyos. Inihasik ang binhi at nang tumubo'y naging punong kahoy, sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon sa langit. Gayundin naman, sa maliliit na hakbang nagsisimula ang malalaking bagay. Isa sa mga magagandang nangyari sa panahon ng pandemya, ang pagsulputan ng mga community pantries sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Nagsimula sa maliit na adhikaing makapagbahagi ng kahit konting gulay sa mga kapitbahay. Maliit na gawain, binasbasan ng Panginoon, naging makabuluhan. Gaano man kaliit ang mga ibinabahagi sa community pantries, kapag pinagsama-sama, maraming kababayan natin ang naitatawid sa pang-araw-araw. Sa ngayon, marami ang bukal sa kaloobang nagbabahagi ng kanilang mga blessings hindi lamang sa mga community pantries kundi sa ibat-iba pang paraan. Anumang maliliit na kabutihang naiaambag natin sa komunidad, na may kalakip na pagmamahal, nakakatulong sa pagpalaganap ng Kaharian ng Diyos. Minsan, sinabi sa akin ng isang ale, “Sister, wala naman po akong maibabahagi.” “Meron po, Ate,” tugon ko naman, “ang iyong ngiti, lakas, mabuting halimbawa, malasakit at panalangin.” Ayon sa PCP II, “No one is so poor that he cannot give. No one is so rich that he cannot receive.” Bawat isa sa atin ay may kakayahang umambag sa pagpalaganap ng Kaharian ng Diyos! – Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul Manalangin tayo: Panginoong Hesus, salamat po sa napakaraming kaloob n'yo sa amin araw-araw. Tulungan n'yo po kaming maging bukas-palad, na ibahagi ang mga blessings na ito lalo na ngayong marami ang naapektuhan ng pandemya. Nawa'y matuto po kaming umambag sa pagpalaganap ng iyong Kaharian ayon sa aming kakayahan nang may malasakit at pagmamahal. Basbasan n'yo po ang aming maliliit na hakbang. Amen.

SBS Filipino - SBS Filipino
Worried about your data? Here's what you need to know about Census 2021 - Census 2021: Paano at bakit kailangang lumahok ang bawat isa dito sa Australia

SBS Filipino - SBS Filipino

Play Episode Listen Later Jul 22, 2021 9:44


Every five years, a count is taken of every person and home in Australia in the national Census of Population and Housing. The data collected from over 25 million people will help the governments, businesses and community groups to make informed decisions about infrastructure and services for Australians. However, some people may be concerned about sharing their personal information and safety of their private data. In this episode of Settlement Guide, General Manager of the Census, Chris Libreri, is answering questions about these issues. - Inanyayahan ang lahat ng mga nandito sa Australia na makiisa o lumahok sa gaganaping census 2021 ngayong ika-10 ng Agosto dahil ito ang magiging boses ng bawat isa sa gobyerno, para maibigay nito ang karapat dapat sa mga Australians.

Devotions with Pastor Israel
Patnubay sa Bawat Hakbang

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Jun 22, 2021 2:19


June 23, 2021

bawat
Devotions with Pastor Israel
Magtulungan sa Pasanin ng Bawat Isa

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Jun 15, 2021 2:13


June 16, 2021

bawat
Devotions with Pastor Israel
Malakas na Espiritu sa Bawat Araw

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Jun 3, 2021 2:01


June 4, 2021

espiritu araw malakas bawat
Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional
Ang Panalangin ni Hannah at ng bawat Ina

Tanglaw - CBN Asia Daily Devotional

Play Episode Listen Later May 8, 2021 3:34


Magpakatatag ka at maniwalang sa Panginoon, may solusyon ang bawat problema. Hannah prayed and God answered her prayers.Support the show (https://www.cbnasia.net/give)

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Pag-ibig ang Bawat Hakbang sa Kalbaryo

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Play Episode Listen Later Feb 15, 2021 3:45


Sa parehong paraan na ang pag-ibig ni Kristo para sa atin ay makikita sa Kanyang pagkamatay, ang Kanyang paghihirap ay intensyonal rin. Kung sadya Niyang inialay ang Kanyang buhay, ito'y para sa atin. Ito ay pag-ibig.

Devotions with Pastor Israel
Malakas na Damdamin sa Bawat Araw

Devotions with Pastor Israel

Play Episode Listen Later Feb 7, 2021 2:12


February 8, 2021

araw malakas bawat
PAULINES ONLINE RADIO
Mabuting Balita | Enero 10, 2021 – Linggo

PAULINES ONLINE RADIO

Play Episode Listen Later Jan 9, 2021 4:35


Mabuting Balita | Enero 10, 2021 – Linggo Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon/ Unang Linggo sa Karaniwang Panahon EBANGHELYO: MARCOS 1:7-11 Ito ang sinabi ni Juan Bautista sa kanyang pangaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.” Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret ng Galilea at bininyagan siya ni Juan sa Ilog Jordan. At pagkaahon niya sa tubig, nakita niyang nahawi ang Langit at parang kalapating bumababa sa kanya ang Espiritu ng Diyos. At narinig mula sa Langit: “Ikaw ang Aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.” PAGNINILAY: Parang kay bilis ng takbo ng mga pangyayari sa buhay ng sanggol na si Jesus. Noong nakaraang Linggo, isa pa siyang sanggol na dinalaw ng mga pantas. Ngayon naman, isang ganap na binata si Jesus. Pumila siya sa Ilog Jordan kasama ng iba pang mga Judio para tumanggap ng binyag mula sa pinsan niyang si Juan. Tubig ang gamit ni Juan bilang tanda ng paglilinis ng mga kasalanan ng tao. Bagama't kailanma'y hindi nagkasala si Jesus laban sa Ama, minabuti pa rin niyang samahan ang tao sa pagtanggap ng binyag. Sa paglusong niya sa aba nating kalagayan, ginawa niyang banal ang tubig ng binyag. Bukod sa pagdamay ni Jesus sa ating pagiging tao, narinig sa araw na iyon ang tinig ng Ama mula sa langit. Nagpapaalala ito sa atin na si Jesus, bagama't pinili niyang maging totoong tao, ay totoo rin namang Diyos dahil Anak siya ng Ama. Mahalaga para kay Jesus na marinig ang mga salitang iyon. Bawat anak ay kailangan ding makarinig mula sa magulang na siya ay minamahal ng kanyang ama o ina. Dito magmumula ang lakas ng loob para maharap natin ang mga hamon ng buhay, katulad ng nangyari kay Jesus. Nawa ang mga magulang ay hindi mangimi o hindi maging bantulot sa pagsasabi sa kanilang mga anak: “Mahal kita, anak!” Sa araw ding ito sinisumulan natin ang Karaniwang Panahon sa kalendaryo ng Simbahan. Ito ang panahong hindi natin pinagtutuunan ang mga espesyal na pangyayari sa buhay ni Hesus. Sa halip, sinusundan natin siya sa kanyang mga karaniwang gawain sa bawat araw. Isang magandang paalala ito para sa ating lahat na bilang mga Katolikong Kristiyano na tumanggap ng binyag, tinatawag tayong lahat na magpatunay sa bisa ng binyag na ating tinanggap. Magagawa natin ito kung makikinig tayo sa salita ni Hesus at susundin natin ang kanyang mga turo at aral. - Fr. Paul Marquez, ssp

RandB
Series of Firsts #01: The First Time I Saw You

RandB

Play Episode Listen Later Sep 2, 2020 8:53


Hey, You! Welcome to our Podcast. Due to Covid, only I, R, can be with you. And, as B and I can't implement our planned contents, let me read to you a story I wrote on Wattpad, Series of Firsts instead. This is a book of stories about first encounters. Bawat chapter, iba-iba ang kwento - some are fictional but other may be based on facts or real-life events. Follow me on Wattpad, pink-and-yellow for more stories. Let me know if you wish to feature your stories too. For our first story, it's entitled The First Time I Saw You.

The VC Podcast
OPISINA || UNANG KABANATA || TRUE TAGALOG HORROR STORY || VHONG CABALLERO

The VC Podcast

Play Episode Listen Later Jul 1, 2020 10:11


Bawat gusali ay may nakaraan, anong misteryo ang bumabalot sa loob ng Opisina? Pakinggan ang tunay na kwentong personal na ibinahagi ni Sir Lime na tampok sa episode na pinamagatang OPISINA ang unang kabanata. #Opisina #SirLimeStory #TagalogHorror #TrueHorror #KABAHorrorPodcast --- Support this podcast: https://anchor.fm/thevhongcaballeropodcast/support